Chapter 14 : Lost

Natahimik nalang kaming lahat nung bigla nalang naglaho sila Andrew sa harapan namin.

"Ano ng gagawin natin?" Napalingon nalang kami kay Nicole ng tinanong niya samin yun.

"Pano tayo makakabalik sa Academy, may nakakaalam ba sa inyo ng daan pabalik?" Tanong ko naman sa kanila kaya napaisip silang lahat.

"Hindi ko natandaan yung dinaanan natin, masyado kasi akong komportable sa loob ng karwahe kanina kaya hindi ko na namalayan kung saan tayo dumaan" pangiti saming sinabi ni Sci kaya napatahimik na naman kami.

"Ako alam ko ang daan pabalik sa Anatasia Village" napatingin nalang kaming lahat kay Max at natuwa naman kami sa sinabi niya.

"Sigurado ka ba na alam mo?" Masungit na tanong ni Nicole sa kanya at napansin ko naman na napangiti nalang si Max sa kanya.

"Sigurado ako, sundan niyo lang ako at hindi niyo namamalayan na nakabalik na tayo sa Anatasia" pangiti saming sinabi ni Max at nagsimula na siya sa paglalakad kaya sumunod na rin kaming lahat sa kanya.

Nung habang naglalakad kami ay bigla nalang akong napaisip tungkol dun sa lalaki na kasama nila Andrew.

Ano kaya ang meron dun sa lalaki na yun at bakit parang sobrang bait niya samin, tapos ang mas nakakapagtaka pa dun ay parang alagad niya lang sila Andrew, kasi kahit anong sabihin niya, sinusunod yun ni Andrew.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?" Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng kinausap ako ni Jessica habang nasa daan.

"Wala, napaisip lang ako tungkol dun sa lalaki na kasama ni Andrew" seryoso kong sinabi sa kanya kaya nagtaka naman siya.

"Mukhang gusto mong malaman yung tunay na pagkatao nung tao na yun" seryoso niya namang sinabi sakin kaya napatingin nalang ako ng diretso sa may daan.

"Grabe halos tatlong oras na tayong naglalakad, malayo pa ba tayo?" Sabi samin ni Nicole na para bang naiinis siya sa nangyari samin.

"Sigurado ka ba talaga na alam mo kung saan ang daan pabalik" seryosong tanong ni Nicole kay Max habang nakataas ang isang kilay niya.

"Oo syempre naman alam ko ang pabalik sa Village," pangiting sinabi ni Max at napansin ko naman na parang naasar na naman si Nicole sa kanya.

"Sadya lang talagang malayo yung pabalik kung iisipin mo, tumatagal nga ng dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe kahit na nakasakay na tayo sa karwahe, pano pa kaya kapag naglalakad lang tayo" nalinawagan naman si Nicole ng sinabi sa kanya yun ni Sci kaya pagkatapos nun ay natahimik na ulit kami habang naglalakad.

Halos umabot na ng limang oras ang paglalakad namin pero wala pa rin kaming natatanaw na kahit anong usok na maaaring gawa ng mga tao sa Anatasia.

"Magpahinga muna tayo" nakahinga nalang kami ng maayos ng sinabi samin yun ni Max at napansin ko naman na pagod na pagod silang lahat.

"Pagabi na pala, kailangan na nating gumawa ng matutulugan" napalingon nalang kami kay Sci ng sinabi niya samin yun.

"Pero pano? Pano tayo magsisimula?" Tanong naman ni Nicole kay Sci kaya napangiti nalang si Sci sa kanya.

"Kumuha kayo ng mga maliliit na sanga ng puno, habang ako naman ay maghahanap ng makakain natin" pangiti saming sinabi ni Sci at napansin ko naman na ngumiti si Jessica nung mga oras na yun.

"Tara Nicole, tayo nalang yung maghanap ng mga Sanga ng puno" sumang-ayon nalang si Nicole ng tinanong sa kanya yun ni Jessica kaya agad na silang umalis.

"Samahan mo ako Erika, dun tayo pumunta sa kanluran" sabi naman ni Max kay Erika kaya agad din naman silang umalis.

Kami nalang dalawa ni Sci ang natira kaya nagpasya na din ako na samahan siya na maghanap ng makakain.

Nung habang nasa daan kami ay bigla naman akong napaisip tungkol sa isang bagay.

Saan kaya napunta yung lalaki na may-ari ng karwahe na sinakyan namin, di kaya pinatay na siya nila Andrew nung mga oras na yun.

"James, dito ka muna" napatigil nalang kami sa paglalakad ng sinabi niya sakin yun.

"Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong ko naman kay Sci pero napangiti nalang siya at sabay lumingon siya sa paligid.

"May kukunin lang ako sandali" wala na akong nasabi ng bigla nalang siyang umalis palayo kaya nagpasya nalang ako na mag-antay sa pagbalik niya.

Napaupo nalang ako sa may gilid ng isang puno nung mga oras na yun at napansin ko naman na dumidilim na din sa gubat.

"James?" Napalingon nalang ako sa likuran ko at natuwa naman ako ng nakita ko si Jessica.

"Akala ko kung sino, ikaw lang pala Jessica" pangiti kong sinabi sa kanya habang napansin ko naman na ngumiti din siya.

"Sino ba inaantay mo dito? Si Sci?" Pataka niyang tinanong sakin kaya napalingon nalang ako sa paligid namin.

"Oo, sabi niya kasi ay may kukunin lang daw siya sandali, pero 15 minuto na ang lumipas ay wala pa din siya" sagot ko naman kay Jessica kaya napaupo na din siya sa tabi ko sa puno.

Nung mga oras na yun ay bigla nalang lumakas yung simoy ng hangin kaya medyo nakaramdam naman ako ng lamig ng hangin.

Nagulat naman ako ng bigla nalang akong niyakap ni Jessica at uminit nalang yung pakiramdam ko nung mga oras na yun.

"Salamat Jessica" napangiti nalang siya sakin ng nagpasalamat ako sa kanya at sabay napansin ko naman na nagkulay asul ulit yung palad niya.

"Sweet niyo naman" nagulat nalang kami ng nakita namin si Sci na nasa likuran namin kaya agad na din kaming napatayo mula sa pagkakaupo.

Napansin ko naman na ang daming dala-dalang prutas ni Sci kaya naisipan ko naman na tulungan na siya.

"Tara na't bumalik na tayo sa kanila" nagtaka nalang si Jessica ng sinabi samin ni Sci yun.

"Pero pano tayo makakabalik, natandaan niyo ba ang daan?" Tanong ni Jessica samin kaya napatingin nalang ako kay Sci.

"Syempre naman, may mga naiwan naman tayong footprints diba?" Nalinawagan naman si Jessica sa sinagot ni Sci kaya pagkatapos nun ay naglakad na kami pabalik.

Nung habang naglalakad kami pabalik ay napansin ko naman na nagugutom na si Jessica kaya binigyan ko na siya ng isang mansanas na dala namin.

Nung nakabalik na kami ay natuwa naman kami sa nakita namin ni Sci, nagawa palang hanapin nila Max yung Karwahe na sinakyan namin kanina.

"Ginamit ko yung Earth element ko para ma-sense yung mga kabayo ng karwahe na sinakyan natin." Pangiting sinabi ni Max samin kaya napansin ko naman na napayakap si Nicole sa kanya.

"Ang galing mo talaga Max" pangiting sinabi ni Nicole sa kanya kaya natuwa naman kami para sa kanilang dalawa.

"Nasaan na pala yung mga sanga na nahanap niyo kanina, ilagay niyo na sa lupa yung mga sanga para magawa na natin yung campfire." Sabi samin ni Sci kaya agad namang inilapag nila Nicole yung mga sanga sa lupa.

Pagkatapos naman nun ay pinaapoy na ni Jessica yung mga sanga para mag-silbing liwanag samin.

Napaupo nalang kami habang nakatingin lang sa apoy na nagbabaga.

Napag-isipan ko naman na pumasok muna sa loob ng karwahe at napansin ko nalang na andun pala si Erika at mahimbing na ang tulog niya.

Bigla nalang akong napaisip tungkol sa isang bagay, ang dami na rin palang nangyari sakin dito sa mundo nila.

Bigla ko namang na realize tungkol sa pag-uwi ko kila mama at papa sa mundo namin, kailan kaya ako uuwi samin, gumulo nalang sa isipan ko yung sinabi ni Kate samin na tungkol sa pagkawala ng alala ko kung sakaling bumalik na ako samin.

Bale ang mangyayari pala nun, kapag nakauwi na ko ay makakalimutan ko na ang lahat ng nangyari dito sa mundo nila, pero mas makabubuti na naman siguro yun para sakin at para hindi ako malungkot.

"James..." Napalingon nalang ako sa likuran ko at nakita ko nalang si Nicole na siyang nag-aabot sakin ng isang mansanas.

Pagkatapos nun ay napaupo na siya sa may tabi ko sa loob ng karwahe at parang ang lalim ng iniisip niya.

"Sigurado ka ba James?" Mahinahon niyang tinanong sakin kaya nagtaka nalang ako habang nakatingin sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" Pataka kong tanong sa kanya kaya naging seryoso yung tingin niya sakin.

"Handa ka bang iwan kami dito sa mundo na 'to lalo na si Jessica?" Napaisip nalang ako sa tinanong niya sakin kaya napatingin nalang ako sa kawalan.

" Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko eh, pero isa lang ang alam ko, kahit anong piliin ko sa dalawa ay may malukungkot pa din" malungkot kong sinabi kay Nicole kaya napayakap nalang siya bigla sakin.

"Alam ko yang pinag dadaanan mo, mahirap yan, hindi mo kailangang maghirap mag isa kaya andito naman kami na handang tumulong" pangiti niyang sinabi sakin habang nakayakap pa din siya.

"Wag mo na akong alalahanin, Nicole" pangiti kong sinabi sa kanya habang napansin ko naman na napaluha siya.

Matapos naming mag-usap ay napansin ko naman na nagising na pala si Erika kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.

"Gising ka na pala, halika't kumain na tayo sa labas" hikayat ni Nicole kay Erika kaya agad niya namang napapayag ito.

Nung lumabas na sila ng karwahe ay napaisip na naman ako tungkol sa mga nangyari kanina.

Hindi nawawala sa isipan ko yung tungkol dun sa lalaki na kasama ni Andrew, para bang may gumugulo sa isip ko kaya gusto ko siyang makilala.

Sa kakaisip ko ng mga bagay-bagay ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nung mga oras na yun.

Makalipas ang ilang oras ay nagising na din ako at nung bumangon na ako mula sa pagkakahiga ay napansin ko nalang na ako palang ang gising saaming lahat kaya napagpasyahan kong maglakad lakad muna sa labas.

Nung medyo malayo na yung nalakad ko mula sa karwahe ay bigla nalang akong napatigil ng lumamig ang simoy ng hangin at naging matahimik ang paligid.

"James.?" Napatingin nalang ako sa likuran ko at sabay nakahinga nalang ako ng maayos ng nalaman ko na si Jasmin lang pala yun.

"Anong ginagawa mo dito sa gitna ng kagubatan?" Pataka saking tinanong ni Jasmin kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Niligaw kasi kami ng mga Fallen Assassins"seryoso kong sinagot sa kanya kaya nalinawagan na siya.

" Ah kaya pala. Tara't bumisita muna tayo sa bahay ni Raymond para makapagpahinga ka" pangiti niyang sinabi sakin kaya napasama nalang ako sa kanya.

Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na agad kami sa bahay na tinutukoy niya.

Makalipas ang halos sampung minutong paglalakad ay nakarating na din kami sa wakas dun sa tirahan ni Raymond.

Agad naman kaming sinalubong ni Kate at napansin ko na napangiti siya ng makita niya kaming dalawa.

"Kamusta na James? Pano ka nakarating dito?" Pangiti niyang tinanong sakin tapos sasagutin ko na sana yung katanungan niya ng bigla nalang nagsalita si Jasmin.

"Hayaan mo na ako nalang ang magpa-alam sa kanya, James" sumang- ayon nalang ako sa sinabi ni Jasmin kaya pagkatapos nun ay agad na kaming pumasok sa loob ng bahay.

Nung pagpasok namin sa loob ng bahay ay tsaka lang namin nalaman na wala pa pala si Raymond sa loob, kaya napaupo nalang muna kami habang inaantay siya na dumating.

Nung habang inaantay namin si Raymond ay bigla naman akong tinawag ni Kate kaya napalingon nalang ako.

"So ibigsabihin ba nun, ang mga Fallen assassins ang nagdala sa inyo dito sa gubat?" Tanong niya sakin kaya medyo napaisip naman ako.

"Parang ganun na nga" sagot ko kaagad sa kanya at napansin ko na bigla siyang napaisip at lumabas nalang siya bigla.

"Maiwan na muna kita dito, may gagawin pa kasi kami, antayin mo nalang si Raymond" paalam sakin ni Jasmin at pagkatapos nun ay bigla nalang siyang lumabas na para bang nagmamadali siya.

Wala na naman akong nagawa kundi mag-antay nalang dun kasi hindi ko tanda ang daan pabalik kila Max.

Bigla nalang akong napaisip tungkol dun sa mga nalaman ko nung mga nakaraang araw.

Sobrang dami ko ng natuklasan dito sa mundo nila pero hindi pa din sapat ang lahat ng yun para masagot ang lahat ng katanungan ko.

"Andito ka lang pala, teka? Kaninong bahay pala 'to?" Napalingon nalang ako sa may pinto at nagulat nalang ako ng nakita ko si Erika.

"Pano--?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napangiti nalang si Erika.

"Na sense ko yung katawan mo kaya napag-isipan ko na mag teleport dito, pero teka? Asan nga ba tayo?" Pataka namang tinanong ni Erika sakin.

"Andito tayo sa tirahan ni Raymond" pangiti kong sagot sa kanya at sabay napaupo nalang kaming dalawa.

"Inaantay mo ba si Raymond, ano palang kailangan mo sa kanya?" Tanong sakin ni Erika kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Hindi pa ako sigurado, pero sa tingin ko parang may importanteng sasabihin si Raymond"  nalinawagan naman si Erika kaya pagtapos nun ay natahimik na kaming dalawa habang nag-aantay.

Bigla ko nalang naalala yung tungkol sa Weapon na nabanggit ni Raymond na kayang makatalo ng isang Void Elementalist. Saan kaya yung saktong lokasyon nito sa mga oras ngayon.

Makalipas naman ang ilang minuto ay dumating na din sa wakas si Raymond kaya napatayo na kami mula sa inuupuan namin ni Erika.

" James, andito ka na pala, wala naman akong importanteng sasabihin sayo, ang tanging dahilan kaya kita pinapunta dito ay dahil gusto kong ibigay sa'yo 'tong gemstone." Pangiti niyang sinabi sakin habang inaabot yung isang gemstone sa kamay ko.

Teka lang, para saan ba talaga yung gemstone, napansin ko naman na hindi siya katulad ng gemstone na nakita ko dun sa school namin kasi kulay White lang siya.

"Ano po bang gagawin ko dito?" Pataka kong tanong kay Raymond habang si Erika naman ay nakatingin lang sa hawak ko na Gemstone.

"Malalaman mo din kung para saan yan" paseryoso niyang sinabi kaya hindi ko na ulit tinanong sa kanya ang tungkol dun.

"Erika gabayan mo si James sa paglalakbay niyo, ikaw lang ang inaasahan ko na makakaligtas sa kanya" napalingon nalang si Erika sa kanya ng sinabi ito ni Raymond.

"Sige po maaasahan niyo po ako" pangiti namang sinabi ni Erika at pagtapos nun ay lumabas na kaming tatlo.

"Bumalik na kayo kila Jessica, baka nag-aalala na sila para sa inyong dalawa" sabi samin ni Raymond habang napansin ko naman na napayakap si Erika sakin kaya alam ko na ang susunod na mangyayari.

Bigla nalang dumilim ang paligid at matapos ang tatlong segundo ay napansin ko naman na andun na kami sa gubat kung saan ilang lakad nalang para makapunta sa lokasyon nila Max.

"Kailangan mo ba talagang yakapin ako para lang makasama ako sa paglaho mo?" Tanong ko naman kay Erika kaya napangiti nalang siya.

"Ahmm, Oo kasi hindi pa ako ganun kagaling sa Abilities ko kaya mas mabuti ng nakayakap ako sayo" bumalik na yung tingin namin sa daan pagkatapos niyang sagutin ang tanong ko kaya hindi naman nagtagal ay nakarating na kami kila Max.

"Oh, buti naman at bumalik na kayo, nag-aalala na kami para sainyong dalawa" seryoso saming sinabi ni Nicole habang napansin ko naman na wala si Sci dun.

"Naisipan lang kasi naming maglakad lakad kaninang umaga, wala kasing magawa kanina." Pangiti namang sinabi ni Erika sa kanya kaya nalinawagan naman siya.

"Hindi mo na kailangan pang magsinungaling kasi alam ko naman ang totoo" nagulat nalang si Erika ng sinabi yun sa kanya ni Nicole.

"Seryoso ka?" Pakabang tanong ni Erika sa kanya kaya napangiti nalang ako sa kanilang dalawa.

"Tara samahan niyo ako, maghahanap ako ng makakain natin" hikayat ni Nicole kaya agad naman kaming sumama sa kanya.

Nung nasa daan na kami ay natahimik naman kami habang naghahanap ng makakain.

"So galing pala kayo sa tirahan ni Raymond at binigyan ka ni Raymond ng Gemstone" sabi samin ni Nicole habang diretso lang ang tingin niya sa daan.

"Parang ganun na nga, pero sana naman ilihim mo muna ang lahat ng nalalaman mo samin, Nicole" seryoso kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya sakin at ngumiti.

"Syempre naman, nakakabasa ako ng isip pero aasahan niyo naman ako sa mga pagtatago ng mga sikreto" nakahinga nalang ako ng maayos ng sinabi niya yun habang si Erika naman ay nakatingin lang samin.

Nung habang naglalakad kami ay bigla nalang akong napaisip tungkol sa isang bagay.

Kung si Raymond ang tatay ni Jessica, at ayon sa pagkakatanda ko ay ang sabi ni Jessica ay isang Void Elementalist ang tatay niya, so that means--si Raymond ay isa ding Void.

Pero bakit hindi niya kaya ginagamit yun para kontrolin sila Melissa at para matapos na ang labanan dito sa mundo nila.

Bigla nalang ako napatigil sa pag-iisip ng may narinig ako na boses ng isang lalaki at sa tingin ko ang boses na yun ay galing kay--

"Andito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap" napatingin nalang kami sa isang puno kung saan andun si Andrew at kasama niya pa din yung dalawang lalaki na nakahood.

"Ano bang gusto niyo?" Pasigaw na sinabi ni Nicole sa kanila at napansin ko naman na napangiti lang si Andrew sa kanya.

"Wala naman talaga akong kailangang gawin sainyo, nagmamasid lang ako" patawang sinabi ni Andrew kaya napansin ko naman na nainis si Nicole.

Nagulat naman ako ng bigla nalang hinarap ni Erika yung palad niya kila Andrew at nagkulay asul ito kaya alam kong magpapakawala siya ng kapangyarihan papunta kila Andrew.

Tatama dapat yun kila Andrew pero napigilan ito ng barrier na likha ng elemento ng kasama ni Andrew, tsaka ko lang nalaman na Light pala ang elemento nun kagaya ng kay Jasmin.

"That was close," pangiting sinabi ni Andrew kaya nainis naman si Erika.

Napansin ko naman na seryoso lang yung lalaki na gumawa ng barrier kaya alam ko na yun yung lalaki nung nakaraan na ayaw kaming patayin.

"Sino ba talaga ang pinuno niyo?" Naisipan kong itanong sa kanila kasi gusto ko talagang malaman kung sino yung pinaka pinuno nila.

"Hindi mo na kailangang malaman pa" sagot naman sakin ni Andrew kaya nagalit ako.

"Nakakapagtaka, hindi ko mabasa ang mga iniisip nila" patakang sinabi sakin ni Nicole kaya natawa nalang si Andrew.

"Yun ay dahil sa Void element ni Melissa, binigyan niya kami ng spell para walang sino man ang makabasa ng iniisip namin" sabi samin ni Andrew at napansin ko naman na napalingon na yung isa niyang kasama sa kanya.

"We must go, I dont want to waste my time staying here" sabi nung lalaki na gumawa ng barrier at napansin ko naman na napasang-ayon nalang si Andrew kaya pagtapos nun ay naglaho na silang tatlo.

Bigla na naman akong napaisip tungkol dun sa lalaki na ayaw kaming patayin, at ayon sa nakita ko kanina, mukhang malakas na din siya.

"Biruin mo pumunta sila dito para lang makipag-usap satin" painis saming sinabi ni Erika kaya medyo nagtaka naman ako.

"Kalimutan na nga natin yung nangyari, at maghanap nalang tayo ng makakain" pangiting sinabi ni Nicole kaya sumang-ayon nalang kami sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay nakahanap na din kami ng makakain kaya agad na kaming bumalik patungo kila Max.

Nung nakabalik na kami ay sabay-sabay na kaming kumain at namahinga sandali.

Bigla nalang kaming natahimik nung mga oras na yun habang nakatingin lang sa isat-isa.

"Ano ng gagawin natin?" Napalingon nalang kaming lahat ng nagtanong si Sci.

"Ahmm. sa tingin ko kailangan na nating magsimulang maglakbay" sagot naman ni Nicole kaya napunta yung tingin namin sa kanya.

"Pero papano naman tayo makakaalis, may marunong ba sainyong maglakbay ng karwahe?" Tanong naman ni Max at napansin ko naman na walang nagsalita samin kaya sa tingin ko ay walang may nakakaalam samin.

"Ako nalang ang magpapalakbay ng karwahe" napatingin nalang kaming lahat kay Erika ng sinabi niya yun.

Wala naman kaming nasabing iba, habang si Erika naman ay napatayo mula sa pagkakaupo at sabay hinawakan niya yung bawat kabayo dun sa karwahe namin.

Napansin ko naman na parang umilaw yung palad niya habang ginagawa niya ito.

"Sumakay na kayo, ako na ang magpapagalaw ng karwahe" nasiyahan naman kaming lahat ng marinig namin yun.

"Teka papano mo nagawa yun? Napaamo mo agad ang mga kabayo" tanong naman ni Jessica sa kanya at napansin ko na napangiti nalang si Erika sa kanya.

"Kasama din kasi sa mga nagagawa ng Darkness element ang magpaamo ng kahit anong hayop" namangha nalang ako sa sinabi ni Erika at pagtapos nun ay agad na kaming sumakay lahat sa karwahe.

Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na kaming maglakbay sakay ang karwahe.

Bigla naman akong napaisip kaya hindi ko napilitang hindi magtanong kila Max tungkol dito.

"Teka lang? Saan nga ba tayo tutungo kung hindi naman natin alam kung saan ang daan pabalik?" Tanong ko sa kanila kaya napaisip din sila tungkol dito.

"May point ka, James" sabi naman ni Nicole habang si Sci naman ay nakatingin lang sa labas.

"Magtiwala nalang tayo kay Erika," napatingin nalang kami kay Jessica ng sinabi niya yun.

Napansin ko naman na bigla nalang napangiti si Nicole nung habang nakatingin siya kay Jessica at mas nagulat pa ako ng napunta yung tingin niya sakin.

"James, palit nga tayo ng upuan, hindi  kasi ako mapakali dito, please.." Sumang-ayon nalang ako kaya nagpalit na kami ng upuan para katabi niya na si Max at sakin naman ay si Jessica.

"Bakit namumula ka Jessica?" Patawang sinabi ni Max sa kanya kaya nagulat nalang si Jessica at sabay napatingin sakin.

"Ako namumula? Hindi kaya" painis na sinabi ni Jessica kahit na totoo naman na namumula talaga siya.

"Kung sakaling makakauwi na tayo Jessica, sabay na tayong kumain sa cafeteria" napatingin nalang si Jessica sakin at ngumiti naman siya.

"Sige ba, pero tayong dalawa lang ba?" Tanong niya naman sakin kaya napangiti nalang ako.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya kaya medyo nahiya naman siya habang sila Max naman ay nakatingin lang samin.

"Gusto ko naman" sabi niya na may kasamang ngiti kaya napansin ko naman na napangiti na din si Nicole.

Naisipan ko naman na itanong kay Jessica yung tungkol dun sa tatay niya na si Raymond.

"Kung sakaling buhay pa ang tatay mo, ano ang pinakauna mong gagawin para sa kanya?" Napatingin nalang ulit si Jessica sakin kaya ngumiti ako.

"Syempre yayakapin ko siya at hindi ko matitiis na hindi umiyak kasi pangarap ko talaga na makita si papa" matapos niyang sabihin yun ay naalala ko nalang bigla sila mama kaya napaluha nalang ako.

"Okay lang yan, James" sabay yumakap siya sakin kaya mas lalo akong nalakasan ng loob.

Makalipas naman ang ilang oras na paglalakbay ay hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa isang village.

"Wow ang ganda naman dito, pero nasaan nga ba tayo?" Tanong ni Nicole kaya napatingin nalang kami sa may labas para makita ang tanawin.

"Athanasius Village" sagot naman ni Sci samin kaya napangiti siya habang ako naman ay namangha kasi sa wakas ay nakarating na din ako dito sa Athanasius.

Nung naglalakbay na kami sa village ng Athanasius, ay hindi ko naman mapilitang mamangha kasi napakahusay ng mga pagkakagawa sa bawat bahay doon.

Pero bigla naman akong kinabahan ng may natanaw ako na isang babae dun sa may taas ng isang bahay at nakakatakot ang mga ngiti nito habang nakatitig lang siya ng diretso sakin.

Hindi ko na din naisipan na sabihin yun kila Max kasi parang may gumugulo sa isip ko kaya hindi ko nalang ipinaalam sa kanila ang tungkol dun sa babae.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na din kaming lahat ng karwahe kaya hindi namin napigilan na mamangha dun sa lugar na yun.

"Grabe, hindi ko akalaing ganito pala kaganda ang lugar na 'to" pangiti saming sinabi ni Nicole habang sila Erika naman ay nakatingin lang sa paligid.

"Napakahusay ng pagkakagawa sa bawat bahay" dagdag naman ni Sci kaya napatingin ako sa kanya.

"Pano mo pala nalaman ang daan papunta dito, Erika?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Alam ko na, dito ka nakatira nung bata ka palang, tama ba ako?" Pangiting sinabi ni Nicole kaya nagulat naman ako sa kanya.

"Parang ganun na nga" pasang-ayon ni Erika at pagtapos nun ay nagsimula na kami sa paglalakad.

Nung naglalakad na kami ay hindi ko naman napilitang hindi mamangha sa mga tao na nagtitinda ng ibat-ibang uri ng gamit.

"Ahmm, pwede bang samahan niyo muna ako doon, may nabasa kasi ako sa libro at gusto kong malaman kung totoo ito" hikayat naman samin ni Nicole kaya napalingon kaming lahat.

"Samahan niyo ako Max, ahmm James maglibot muna kayo ni Jessica ng kayo lang dalawa" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Pero bakit?" Pataka kong tanong sa kanya kaya napangiti nalang siya habang sila Erika naman ay mukhang may pinag-uusapan.

"Sige na James, may pag-uusapan tayo mamaya" pangiti naman saking sinabi ni Jessica kaya pumayag naman ako.

Pagkatapos nun ay umalis na sila Nicole kaya kaming dalawa nalang ni Jessica ang magkasama nung mga oras na yun.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at bigla nalang akong nakaramdam ng katahimikan kasi hindi kami nag-uusap ni Jessica kaya naninibago ako.

"Alam mo ba, ngayon lang ako nakarating dito sa Athanasius" pangiti niyang sinabi sakin kaya napalingon ako sa kanya.

"Pero papano nangyaring ngayon palang?" Tanong ko sa kanya kaya napansin ko naman na napatingin siya sa ibaba habang naglalakad kami.

"Alam mo ba na ngayon lang ako nakalabas ulit ng Academy matapos ang ilang taon" mahinahon niyang sinabi sakin kaya natahimik nalang ako habang nakatingin sa kanya.

"Wag mo na alalahanin yun, ang mahalaga sa ngayon ay nagawa mo ng makatuklas ng ibang lugar kasama ako" napatingin nalang siya sakin at sabay ngumiti.

"Salamat talaga at nakilala kita James, sana sa lahat ng oras magkasama tayo" pangiti niyang sinabi sakin at napansin ko naman na may tumulong luha mula sa mga mata niya kaya niyakap ko nalang siya.

Nagulat naman ako ng pagmulat ko ay nasa isa akong madilim na lugar at halos wala na akong makita pero ang mas nakakapagtaka ay parang iba na yung babae na kayakap ko.

Nung napabitaw na ako mula sa pagkakayakap ay napansin ko naman na hindi na si Jessica yung kayakap ko kundi yung babae na nakita ko kanina sa may itaas ng isang bahay.

"You loved her, Dont you?" Nagulat naman ako ng tinanong ako ng babae.

"Teka, sino ka ba?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti siya at napansin ko naman na umilaw yung mga mata niya.

"Scarlet" nagtaka naman ako ng narinig ko yung pangalan niya.

Napansin ko naman sa mukha niya na parang mga 15 years old palang siya kaya nagtaka na naman ako.

"Look, I dont want you to get hurt, but I need something that is inside you" sabi sakin ni Scarlet kaya nagulat nalang ako ng niyakap niya ulit ako at para bang dinurog yung loob ng katawan ko. Napasigaw nalang ako nung mga oras na yun.

"The Soul of the Monster has entered your body, James" seryosong sinabi ni Scarlet sakin kaya kinabahan naman ako.

Ano na bang nangyayari sakin, bakit parang biglang sumama yung pakiramdan ko na para bang sinusunog yung loob ng katawan ko.

Tsaka ano yung tinutukoy ni Scarlet na Soul of the Monster. Ano ba talagang kailangan niya sakin?

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top