Chapter 13 : Fallen Assassins

Natahimik nalang ako habang nakatingin lang ako kay Raymond.

"Pero matagal ka ng gusto makita ni Jessica, hindi ka ba talaga magpapakita sa kanya?" Paalala ko sa kanya kaya natahimik nalang siya.

"Masakit din para sakin ang mawalay sa anak ko pero kailangan ko talaga, hindi mo kasi ako naiintindihan" malungkot niyang sinabi sakin habang ako naman ay nagtataka.

"Ano ba kasi yung dahilan?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya naging seryoso yung tingin niya sakin.

"Kapag nalaman kasi nila na anak ko si Jessica, tiyak ako na gagawa ng paraan sila Henry para gawin siyang bitag at para mahuli nila ako. At malalagay lang din sa kapahamakan ang anak ko kaya mas mabuti ng hindi nila alam." Sabi sakin ni Raymond kaya nalinawagan naman ako sa mga katanungan ko.

Napalingon nalang ako sa relo ko nung mga oras na yun at napansin ko naman na hindi na ito gumagana. Baka siguro sa lakas ng impact kanina ay nasira na ito.

Naisipan ko naman na itanong kay Raymond yung tungkol sa gamit na kayang makatalo ng isang Void.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan yung Armas na kayang makatalo ng isang Void Elementalist?" Nagulat nalang siya sa itinanong ko sa kanya.

"Simula nung ipinalabas ko na namatay na ako ay hindi ko na natandaan kung saan ito napunta, pero sa tingin ko ay nasa ilalim siya ng Anatasia Village, at ayon sa pagkakatanda ko ay makakarating ka lang dun kapag dumaan ka sa Cave of Athanasius Village" napaisip nalang ako sa mga sinabi niya sakin kaya napaupo nalang ako sa kama na hinigaan ko kanina.

Athanasius Village? Saan naman kaya matatagpuan yung lugar na yun, sana balang araw ay makarating din ako dun para malaman ko na rin kung ano talaga yung armas na sinasabi nilang makakatalo ng isang Void Elementalist.

Napalingon nalang ako kay Jasmin ng nakita ko na nagkamalay na siya at agad naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga.

" Salamat sa pagligtas mo samin Sir. Raymond"pangiti niyang sinabi kay Raymond habang ako naman ay napatingin nalang kay Kate na wala pa ding malay hanggang ngayon.

"Kamusta na po ba si Kate? " tanong ko kay Raymond at sabay napalingon nalang silang dalawa sakin.

"Okay na naman siya, pero kailangan niya pang magpahinga ngayon" nagtaka nalang ako ng sinabi niya sakin yun kaya naisipan ko na tanungin ulit siya.

"Pero napansin ko kanina na nawalan na siya ng hininga, papano siya nabuhay muli?" Pataka kong tinanong sa kanya at napansin ko naman na napakapit sa balikat ko si Jasmin at sabay ngumiti siya.

"Ganun talaga ang mga Elementalist na kayang kumontrol ng Light Element, kaya nilang palabasin na wala ng hininga yung isang tao para mapagkamalan na patay na ito pero ang totoo ay buhay na buhay pa siya." Namangha nalang ako sa sinabi niya habang si Raymond naman ay napangiti nalang dahil sa reaction ko.

"Pero hindi lahat ng Elementalist ay kayang gumawa nun, tanging mga Professionals lang ang nakakagawa nun, at delikado yun pag-aralan kasi kapalit nito ang buhay mo kapag nagkamali ka sa paggawa nun." Medyo natakot naman ako dahil sa sinabi niya kaya napaisip nalang ako.

"Naiintindihan ko na, yun pala yung ginawa niyo kay Raymond para mapalabas na patay na siya, ginamitan niyo pala ng Light Element" seryoso kong sinabi sa kanila at sabay napangiti naman sila.

"Parang ganun na nga, James" pangiti saking sinabi ni Jasmin at pagkatapos naman naming mag-usap ay natahimik nalang kami dun sa loob ng bahay kung nasaan kami ngayon.

Nung mga oras na yun ay hindi ko mapigilang hindi tumingin sa mga mata ni Jasmin, nakakamangha kasi at bagay sa kanya yung mga mata niya.

"Anong meron?" Tanong sakin ni Jasmin kaya napatingin na naman ako sa kanya at sabay ngumiti.

"Saan mo ba namana yang mga mata mo?" Tanong ko sa kanya at napansin ko na bigla nalang siyang nalungkot kaya parang na-guilty na naman ako.

"Wala akong pinag-manahan ng ganitong uri ng mata sa pamilya ko, nagulat nga ako kasi ako lang ang nag-iisang miyembro sa pamilya namin na merong ganitong uri ng mga mata" pangiti niyang sinabi sakin kaya napaisip na naman ako habang nakatingin lang sa kanya.

"Baka naman may itinatago ka na kapangyarihan kaya meron ka niyan, matutuklasan mo din balang araw kung bakit ganyan ang mga mata mo" napangiti nalang sakin si Jasmin ng sinabi ko sa kanya yun.

"James, kailangan mo ng bumalik sa mga kaibigan mo, mag-gagabi na din kasi at baka mag-alala pa sila sayo, sa susunod nalang natin pag-usapan ang mga bagay na itatanong ko sayo" pangiti saking sinabi ni Raymond habang si Jasmin naman ay napakapit na sa kamay ko.

"Hanggang sa muli nating pagkikita" paalam sakin ni Raymond at nagpaalam na din ako sa kanya.

Matapos kong magpaalam kay Raymond ay bigla nalang dumilim yung paligid namin at tsaka ko lang natuklasan na andun na ulit kami sa pwesto kanina kung saan kami nagkita ni Jasmin.

"Sige James, mag-ingat ka sa pag-uwi" pangiti saking sinabi ni Jasmin at sabay nawala nalang siya bigla kaya wala na akong nagawa kundi maglakad nalang pabalik kila Max.

Napaisip nalang ako habang naglalakad ako sa daan.

Ang dami ko ng natuklasan ngayong araw pero hindi pa rin sapat yun para sa mga katanungan ko sa isipan ko.

Hindi ko talaga inaasahan na ako ang makakatuklas ng mga bagay-bagay na nangyayari dito sa mundo nila.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip nung napansin ko na dumidilim na sa paligid kaya mas binilisan ko nalang yung paglalakad ko.

Pagkarating ko sa bahay ni Sci ay nakita ko naman si Nicole at si Max na nakatambay sa may gilid nito.

"Mukhang napapasarap yung pag-lilibot mo dito sa Anatasia ah" pangiti saking sinabi ni Max kaya napalingon nalang ako sa kanya at sabay ngumiti.

"Hindi naman, mahilig lang talaga akong maglakad-lakad" sagot ko sa kanya at napansin ko naman na nakatingin lang si Nicole sakin.

"Kamustahin mo naman si Jessica, hindi mo man lang siya maisama sa paglilibot mo dito sa Village" napatingin ulit ako kay Nicole ng sinabi niya sakin yun kaya nagtaka naman ako.

"Nalulungkot ba siya kapag hindi kami nagka-kausap?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya ngumiti nalang siya sakin.

"Alam mo, ikaw lang kasi yung nag-iisang tao na nakakapagpaligaya kay Jessica."pangiti niyang sinabi sakin kaya napaisip na naman ako.

" Hindi niyo ba siya napapasaya?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin nalang si Nicole sa kalangitan.

"Hindi naman ganun, syempre bilang kaibigan niya ay nagagawa din naman namin siyang pasayahin pero iba lang talaga ang nabibigay mo na kasiyahan sa kanya." Nalinawagan nalang ako ng sinabi niya sakin yun kaya agad na akong nag-paalam sa kanilang dalawa at sabay pumasok na kaagad ako sa bahay ni Sci.

Napansin ko naman na naghahanda palang ng makakain si Sci kaya naisipan ko na rin na tulungan siya.

"Tagal din nating hindi nagkakausap" pangiting sinabi ni Sci sakin kaya napangiti naman ako habang hinahanda namin yung mga pagkain sa lamesa.

"Oo nga eh, medyo naging busy kasi ako nung mga nakaraang araw, grabe ang daming nangyari" seryoso kong sinabi sa kanya kaya nagtaka naman siya.

"Bakit? Ano bang mga nangyari sayo?" Pataka niyang tinanong sakin kaya napaisip nalang ako sa sasabibin ko sa kanya.

"Wala naman masyadong nangyari, kaya huwag ka ng mag-alala" pangiti kong sinabi sa kanya at pagkatapos naming mag-usap ay napansin ko naman na pumasok na sa loob sila Max.

"Kakain na pala, tawagin mo na si Jessica sa kwarto para sabay-sabay na tayong kumain" pangiti saking sinabi ni Max at sumang-ayon naman ako sa kagustuhan niya.

Nung pumunta na ako sa nag-iisang kwarto ni Sci ay napansin ko naman na nakaupo lang si Jessica habang ang lalim ng iniisip niya.

"Parang ang lalim ng iniisip mo ngayon ah" pangiti kong sinabi sa kanya kaya nagulat nalang siya at sabay napalingon siya sakin.

"Ikaw pala James, bakit mo naisipan na puntahan ako dito?" Pataka niyang tinanong sakin kaya nagtaka din ako at sabay tumabi na din ako sa kanya.

"Gusto lang kitang kamustahin, tsaka para yayain ka na kumain ng hapunan" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napangiti nalang din siya.

Pero napansin ko naman na bigla nalang siyang nalungkot nung napatingin siya sa ibaba kaya naisipan ko na tanungin siya.

"Bakit ka malungkot? Naaalala mo na naman ba yung tatay mo?" Tanong ko sa kanya kaya bumalik na naman yung tingin niya sakin.

"Oo naaalala ko na naman si papa, bakit kaya ganito ang ginagawa sakin ng kapalaran ko?" Malungkot niyang tinanong sa sarili niya kaya napaisip nalang ako habang nakatingin lang sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya napaluha nalang siya.

"Bakit lagi nalang nawawala ang lahat ng mga mahal ko sa buhay, sila papa at mama, nawala na sila sa feeling ko, kayo na nga lang ang natitirang nagmamahal sakin" paiyak niyang sinabi sakin kaya hinawakan ko siya sa kamay niya.

Napatingin nalang siya sakin at sabay napaluha na naman siya sa isang sandali.

"Alam mo ikaw talaga ang pinakamabuti kong kaibigan dito, sana hindi ka na mawala sa feeling ko, sana hindi ka magaya kila papa na wala na ngayon" napayakap nalang siya sakin habang sinasabi niya yun kaya nanatili lang akong tahimik.

Napaisip nalang ako sa isang sandali.
Lubos palang nalulungkot si Jessica dahil hindi niya kasama yung Ama niya, pero sigurado din ako na ganun din ang nararamdaman ni Raymond ngayon pero gaya nga ng sinabi niya ay ginagawa niya lang ang lahat ng ito para sa kaligtasan ni Jessica.

Pagkatapos naman ang lahat ng yun ay bigla nalang akong napaisip tungkol dun sa mga nangyari nung nakaraang araw.

Sino kaya ang may gawa ng mga pagsabog dito sa Anatasia, hindi kaya si Andrew o kaya naman ay si Henry ang may kasalanan ng lahat ng yun.

"Ano pang ginagawa niyong dalawa dito, tara kakain na tayo" napalingon nalang kami sa may pinto at nakita namin si Sci na nakangiti.

Agad na kaming sumama kay Sci papunta sa sala para sabay-sabay na kaming kumain ng hapunan.

"May magandang balita pala ako para sa inyo guys" napatigil nalang kaming lahat sa pagkain ng sinimulan ni Max ang pag-uusap.

"Ano yung balita na tinutukoy mo?" Tanong naman ni Sci sa kanya kaya napangiti na din si Nicole samin.

"Ayon sa mga natuklasan namin ni Max ay nalaman na namin ang identity ng kung sino ang may gawa ng mga pagpapasabog dito sa Anatasia at pagsunog sa mga bahay dito" na curious nalang ako bigla ng sinabi samin ni Nicole ang lahat ng tungkol dun.

"Sino?" Tanong ko sa kanilang dalawa kaya napunta yung tingin nila Nicole sakin at sabay naging seryoso sila.

"Ang may gawa nito ay walang iba kundi si Melissa" nagtaka nalang ako ng sinabi niya samin yun at napansin ko na nagtaka din si Jessica sa sinabi nila Max.

"Ganito kasi yun, natuklasan kasi namin na kumokontrol siya ng mga Anatasian para sila ang magsagawa ng plano na pagsabog kaya kapag sa tuwing napunta tayo sa isang pagsabog ay wala naman tayong naaabutan na taga-Fallen." Nalinawagan ako sa sinabi nila kaya napaisip nalang ako sa isang sandali.

Si Melissa pala ang may gawa ng lahat ng mga suliranin dito sa Anatasia, pero bakit niya ginagawa ang lahat ng yun, ano bang nagawa ng Anatasia sa buhay niya, na curious nalang ako na malaman yun.

Siguro naman ay masasagot ni Erika ang mga katanungan ko tungkol kay Melissa kasi mas kilala niya yung mga nangyari sa kanya.

Matapos ang lahat ng pinag-usapan namin ay nagpatuloy na ulit kami sa pagkain at nung nakatapos na kami ay agad naman akong nagpaalam sa kanila na pupunta ako kay Erika.

"Gusto kong sumama sayo James" napatingin nalang ako kay Jessica ng sinabi niya sakin yun kaya pumayag nalang ako na sumama siya.

Nung naglalakad na kami sa daan ay napansin ko na medyo malalim na ang gabi at bigla naman akong nakaramdam ng katahimikan.

"Good evening James, at Jessica" napatigil nalang kami sa paglalakad at napansin ko na napakapit sakin si Jessica na para bang kinakabahan siya, pero hindi naman ako nakaramdam ng kaba kasi pamilyar ang boses ng kumakausap samin.

Paglingon namin sa likuran namin ay dun naman namin nakita ang isang nakahood na babae, pero nasiyahan naman ako ng nakita ko siya, kung hindi ako nagkakamali, siya si--

"Ikaw lang pala Jasmin, grabe tinakot mo pa si Jessica" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napangiti nalang siya sa sinabi ko habang si Jessica naman ay nagtataka.

"Totoo ba ang sinasabi mo? Siya si Jessica, grabe ang laki mo na, at mas lalo kang gumanda" pangiti niyang sinabi kay Jessica at sabay lumapit na din siya samin kaya parang nagtaka na naman si Jessica.

"Teka?! Ano ngang pangalan mo? Jasmin ikaw ba yan?" Tanong ni Jessica sa kanya at agad namang nasagot ang mga katanungan niya ng ibinaba ni Jasmin yung hood niya para makita ni Jessica yung mga mata niya.

"Ikaw nga Jasmin!" Pasigaw na sinabi ni Jessica na may halong pagkatuwa at sabay napayakap nalang siya ng mahigpit kay Jasmin kaya napangiti nalang ako ng nakita ko na masaya si Jessica.

"Kamusta ka na? Nabalitaan ko na naging kulay Asul na yung palad mo nung nakaraan kaya binabati kita" pangiting sinabi ni Jasmin sa kanya kaya napangiti nalang ulit si Jessica.

Grabe hindi ko mapigilang ngumiti nung time na yun, ang sarap kasing pagmasdan na masaya si Jessica dahil sa pagbabalik ni Jasmin sa buhay niya at nakakataba sa puso na makita silang masaya na magkasama.

Bigla nalang akong nakaramdam ng lungkot ng naalala ko si Arjay, ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan, grabe nakakamiss din pala ang mga masasaya naming pag-uusap.

Kailan kaya ako makakabalik sa mundo namin para maikwento ko kay Arjay ang lahat ng mga natuklasan ko dito sa mundo nila.

"Hindi maaaring mangyari ang iniisip mo James, kapag bumalik ka na sa mundo niyo ay makakalimutan mo na ang lahat ng tungkol sa mundo namin" napalingon nalang ako kay Jasmin ng sinabi niya sakin yun kaya napaisip nalang ako at na-realize ko naman na kaya niya din palang makabasa ng isipan ng isang tao.

"Ibig sabihin ba nun ay hindi ko na kayo maaalala kapag bumalik na ako sa mundo ko?" Pataka kong tinanong sa kanya at napansin ko naman na nalungkot siya.

"Parang ganun na nga James" seryoso niyang sinabi sakin kaya napaisip nalang ako at di naman nagtagal ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Nung habang naglalakad kami papunta kay Erika ay napaisip ako ng malalim, totoo kaya ang sinabi sakin ni Jasmin, wala na kaya akong maaalala kapag bumalik na ako sa mundo ko, parang nakakalungkot naman kung ganun ang mangyayari pero bakit kaya nangyayari yun, baka naman siguro ay iniingatan lang nila na malaman namin ang tungkol sa mundo nila.

"Sabi nga pala ni Kate, mga hapon nalang daw kayo umalis dito pabalik sa Academy, may gagawin kasi kami dito sa Village mamayang gabi at ayaw namin na may mapahamak." Napalingon nalang ako kay Jasmin ng sinabi niya samin yun kaya nagtaka naman ako habang si Jessica naman ay sumang-ayon nalang.

"Ano bang gagawin niyong mapanganib mamayang gabi?" Pataka kong tinanong kay Jasmin kaya napatingin siya sakin ng seryoso.

"Ayon kasi sa mga natuklasan namin na impormasyon, magkakaroon daw ng isang pag-atake dito sa Anatasia mamayang gabi at sisiguraduhin din nila na walang makakapigil sa mga plano nila."sagot sakin ni Jasmin kaya pagkatapos nun ay natahimik nalang ako habang patuloy lang kaming tatlo sa paglalakad.

Nung medyo malapit na kami papunta kila Erika ay bigla nalang akong naka-alala ng isang bagay.

Ano pala ang nangyari samin nung time na halos mamatay na kami sa mga kamay ni Henry, at ano kaya ang ibigsabihin nung lumabas sa palad ko na napakatingkad na liwanag at ang mas nakakapagtaka pa dun ay parang natakot si Henry ng nakita niya ito.

Ano kaya yung nangyari sakin nung time na yun at bakit bigla nalang umilaw yung palad ko.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng nakarating na kami sa bahay ni Erika at agad niya naman kaming sinalubong papasok sa bahay niya.

"Sige mauna na muna ako sainyo" paalam samin ni Jasmin at agad na siyang umalis kaya bumalik na yung tingin namin kay Erika.

"Bakit napadaan kayo dito?" Pangiti saming tinanong ni Erika habang hinihikayat niya kami na pumasok sa bahay niya.

"May tatanong kasi ako sayo" naging seryoso nalang yung expression ni Erika ng marinig niya yung sinabi ko.

"May galit ba yung Nanay mo dito sa Anatasia?" Nagtaka nalang si Jessica ng narinig niya yung sinabi ko habang si Erika naman ay naging seryoso.

"Hindi ko alam, pero sa tingin ko ay meron" seryoso saking sinagot ni Erika kaya napatingin nalang ako sa ibaba.

"Ibig sabihin ba nun ay anak siya ni Melissa, yung Void Elementalist?" Patakang tinanong ni Jessica sakin kaya napatingin ako sa kanya.

"Tama nga ang narinig mo, siya nga ay anak ng Void Elementalist na nakaharap natin nung nakaraan" seryoso kong sinabi sa kanya kaya napaisip nalang siya habang si Erika naman ay tahimik lang.

"Pero hindi natin siya kaaway, kundi isa siyang kakampi ng Academy, ayaw niya kasi ng napatay ng tao" dagdag ko pa sa mga sinabi ko kaya nalinawagan naman si Jessica tungkol sa mga nangyayari.

"Nakakain na ba kayong dalawa, tara't pumunta tayo sa kainan dito sa Anatasia" hikayat samin ni Erika kaya pumayag nalang kami kasi medyo nakakaramdam na naman ako ng gutom nung mga oras na yun.

Agad na kaming umalis ng Bahay ni Erika at naglakad na kami papunta sa Kainan na pinuntahan namin ni Sci nung nakaraang ilang araw.

Nung makalipas ang ilang minutong paglalakad ay napatigil nalang kami ng may narinig kami na pagsabog malapit dun sa tinatayuan namin.

Mabilis kaming pumunta dun at tsaka lang namin nalaman na nasusunog na yung bahay na sumabog tapos may nakita kaming tatlong lalaking nakahood sa may taas ng isang bahay.

"Kayo pala James, gusto niyo rin pala makita yung ginawa kong pagsabog dito sa Village" pangiti saking sinabi nung lalaki sa gitna at kilala ko na kung sino yun dahil sa boses niya.

"Bakit niyo ba ginagawa ang lahat ng 'to Andrew?" Pagalit kong sinabi sa kanila pero napangiti lang si Andrew pati na yung isa pang lalaki.

Pero nakakapag taka kasi parang seryoso lang yung isa pang lalaki at parang hindi siya natutuwa sa mga ginagawa nila na pagsabog dito sa Anatasia.

"Bakit hindi mo tanungin yung mga kaibigan mo kung bakit namin ginagawa ang lahat ng 'to" pangiti saming sinabi ni Andrew at pagkatapos nun ay bigla nalang silang nawala kaya wala na din kaming nagawa kundi tulungan nalang yung nasunugan ng bahay.

Matapos ang lahat ng ginawa namin ay nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa kainan at napansin ko naman na ang tahimik lang namin nung mga oras na yun dahil sa nangyari na pagsabog.

" Ano bang nasa isip nila at bakit nila ginagawa ang lahat ng 'to?" Tanong samin ni Erika kaya napalingon nalang kami ni Jessica sa kanya.

"Hindi ko nga din alam kung papano nila nagagawang pumatay at sumira ng buhay ng kapwa nila tao" seryoso kong sinabi sa kanila kaya natahimik na naman kami habang naglalakad sa daan.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami sa kainan na pinuntahan namin nila Sci dati.

"Mag-antay nalang kayo dito" pangiti saming sinabi ni Erika kaya hindi na kami sumunod sa kanya papasok dun sa kainan.

Bigla ko nalang naalala na babalik na pala kami sa Academy bukas ng hapon, kamusta na kaya sila dun.

Pagkatapos naman nun ay bigla nalang akong napaisip tungkol sa Athanasius Village na sinasabi ni Raymond na pwedeng daanan para matuklasan yung armas na kayang makatalo ng isang Void Elementalist.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan yung Athanasius Village?" Nagulat nalang si Jessica ng tinanong ko sa kanya yun sabay nagtaka naman siya.

"Athanasius Village?" Tanong niya naman sakin kaya naging seryoso ako.

"Hindi ko pa naririnig ang tungkol sa lugar na yun, pero parang pamilyar sakin yung pangalan ng Village" seryoso niyang sinabi sakin kaya napaisip nalang ako habang nakatingin lang sa langit.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Erika sa kainan at agad ko namang kinuha sa kanya yung mga dala-dala niyang pagkain sabay pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad pabalik sa kanila.

"Saan mo ba narinig yung Athanasius Village?" Tanong sakin ni Jessica kaya napatingin nalang ako sa kanya.

"May lalaking nagsabi sakin tungkol dun sa Athanasius Village" pangiti kong sinagot sa kanya at napaisip naman ako tungkol dun.

Mas mabuti siguro kung hindi ko muna ipapaalam kay Jessica na buhay pa si Raymond na nag-iisang Ama niya. Ayokong mapahamak siya dahil sakin kaya ililihim ko muna sa kanya ang lahat ng tungkol dun.

Matapos ang matahimik na paglalakad namin ay sa wakas nakarating na din kami sa bahay ni Erika at nung nakarating na kami dun ay tsaka ko lang na-realize na malalim na pala ang gabi.

"Mas mabuti siguro kung dito na muna kayo matulog, medyo malalim na din ang gabi para maglakad dito sa labas lalo na't laganap ang pagsugod ng mga Fallen Assassins dito" napasang-ayon nalang kami sa sinabi niya kasi delikado nga kung maglalakad pa kami ni Jessica pabalik sa bahay ni Sci.

"Tabi na kayong matulog ni Erika sa kwarto niya, dito nalang ako sa may lapag" pangiti kong sinabi sa kanila kaya napatingin naman sila sakin.

"Tabi-tabi nalang tayong matulog sa kama ko, kakasya naman tayong tatlo dun sa kwarto ko" pangiting sinabi ni Erika at may sasabihin pa sana ako pero hindi ko na natuloy dahil hinila na ako ni Jessica papunta sa kwarto na tutulugan dapat namin.

"Sige na pumayag ka ng tumabi sakin, minsan na nga lang tayo magkatabing matulog eh," pangiti saking makaawa ni Jessica kaya wala na akong choice kundi sundin nalang siya.

Nung nakahiga na kaming tatlo ay hindi ko naman napigilang mapaisip tungkol sa mga bagay na nangyari kanina lang.

Sila Andrew pala yung kinikilala na Fallen Assassins dito, tatlo lang sila pero parang kaya nilang tumalo ng kahit sino, at ang mas gumugulo pa sa isipan ko ay yung isang lalaki na kasama ni Andrew kanina, bakit parang seryoso lang siya at hindi siya nakikisabay sa tawanan nila Andrew.

Sino kaya yun, kailan ko kaya makikilala yung mga identity ng mga kasama ni Andrew na kinikilalang Fallen Assassins.

Mas minabuti ko naman na tumigil na sa pag-iisip ng kung anu-ano kasi inaantok na din ako nung time na yun at gusto ko na ding makapagpahinga.

Makalipas naman ang ilang oras na pagtulog ay hindi ko naman namalayan kung gaano katagal na kong natutulog.

"Gising na James, anong oras na" nagising nalang ako ng marinig ko yung boses ni Jessica at sabay napatingin ako sa kanya.

"Tanghali na gumising ka na" agad na akong bumangon ng nalaman ko na Tanghali na pala kaya mabilis akong naligo kila Erika at sabay kumain na agad kami ng tanghalian.

"Bumalik na kayo dun sa bahay ni Sci, baka nandun na yung karwahe na sasakyan niyo pabalik sa Academy" pangiti saming sinabi ni Erika kaya agad na kaming umalis ng bahay niya.

"Hindi ako makapaniwala na babalik na ulit tayo sa Academy" pangiti saking sinabi ni Jessica habang ako naman ay nakatingin lang sa dinadaanan namin.

"Oo nga eh, Parang kahapon lang tayo dumating dito" sabi ko naman sa kanya kaya ngumiti ulit siya at sabay pagkatapos nun ay natahimik na kami habang naglalakad pabalik.

Nung medyo malapit na kami kila Sci ay tsaka naman namin nalaman na andun na pala yung karwahe na sasakyan namin pabalik.

"Mag-ingat kayo sa pagbalik sa Academy" napalingon nalang ako kay Rebecca na nasa likuran pala namin ni Jessica kaya napangiti nalang ako ng makita ko siya.

Bago naman kami sumakay ng karwahe ay kinuha muna namin yung mga gamit namin na andun sa loob ng bahay ni Sci.

"Pano ba yan, hanggang sa muli nating pagkikita Sci" paalam ko kay Sci kaya napangiti nalang siya samin at nagpaalam na din siya.

Paalis na sana kami ng bigla nalang akong nakarinig ng pagsigaw ni Erika.

"Sandali lang, sasama ako sa inyo!" Sigaw ni Erika kaya tumigil yung karwahe namin at sabay bumaba kaagad si Jessica.

"Sasama na nga din ako" natawa nalang kami kay Sci ng sinabi niya samin yun at pagtapos ay sumakay na din siya sa karwahe.

Tinulungan naman namin sila na buhatin yung mga gamit na dala nila papunta sa loob ng karwahe at nung nakasakay na kaming lahat ay umandar na ulit yung karwahe na sinasakyan namin.

"Masaya ako at nakasama kayo samin pabalik sa Academy, sigurado ako na mag-eenjoy ka dun" pangiti sa kanilang sinabi ni Max kaya napangiti din naman si Erika.

"Pagkarating natin sa Academy, dumiretso kaagad tayo sa Cafeteria para matikman mo yung mga pagkain sa Academy namin" sabi naman ni Nicole kay Erika habang napansin ko naman na ang tahimik lang ni Jessica at nakatingin lang siya sa may bintana ng karwahe namin.

"Bakit parang ang tahimik mo ngayon, may problema ba?" Napalingon nalang si Jessica sakin ng itanong ko sa kanya yun.

"Wala, may naaalala lang ako" seryoso niya saking sinabi kaya na-curious naman ako na malaman yun.

"Ano ba yung naalala mo?" Tanong ko sa kanya at napansin ko naman na wala siyang sinagot sakin at bumalik lang yung tingin niya sa may labas ng bintana kaya hindi ko na tinanong ulit sa kanya yung tanong ko kanina.

Pero sa tingin ko ay namimiss niya lang yung tatay niya kaya ganito na naman yung expression niya ngayon.

Nakaramdam nalang ako ng katahimikan ng napansin ko na nakatulog na si Max at si Nicole sa gitna ng biyahe at napangiti nalang ako ng nakita ko na nakayakap si Nicole kay Max.

"Ang sweet naman nila" patawa saking binulong ni Erika kaya medyo natawa din ako habang nakatingin kila Nicole.

"Matagal pa ba tayo?" Tanong sakin ni Jessica kaya napatingin naman ako sa kanya at napaisip ako ng malalim.

"Halos dalawang oras na din tayong nasa biyahe pero hindi pa rin tayo nakakarating sa Academy" pataka ko namang tinanong sa sarili ko kaya medyo kinabahan kami.

"Parang iba na 'tong dinadaanan natin, parang hindi tayo papunta sa Academy" pakaba saming sinabi ni Jessica kaya napag-isipan naman namin na tumingin sa may harapan na bintana kung saan dun namin makikita yung nagpapa-andar ng karwahe namin.

Nagulat nalang kami ng hindi na yung lalaki na nagsundo samin yung nakasakay sa may harapan kundi isang nakahood na hindi namin malaman kung sino yun.

Napatigil nalang yung karwahe namin at sabay lumingon samin yung nakahood at bigla nalang kaming kinabahan ng nalaman namin na si Andrew pala yung nakahood.

Agad naman naming ginising sila Max at mabilis kaming bumaba ng karwahe para makatakas.

Tumakbo kami ng ilang minuto pero napatigil din kaagad kami sa gitna ng gubat.

"Saan niya tayo dinala?" Pakaba saming tinanong ni Erika kaya napaisip nalang kaming lahat.

"Nandito lang naman tayo sa pinakaliblib na lugar sa gubat, kung saan hindi niyo magagawang tumakas mula saming tatlo" napalingon nalang kami sa kaliwa namin at dun namin nakita si Andrew pati na yung dalawang lalaki na kasama niya.

Nung time na yun ay tsaka ko lang na realize na naiwan ko pala sa karwahe yung lahat ng gamit namin na galing sa Weapon Area kasama na dun yung espada ko kaya alam ko na wala akong magagawa para iligtas sila.

Susugod na sana sila Andrew ng bigla nalang nagsalita yung isa nilang kasama na sa tingin ko ay siya yung seryoso lang nung time na nagtatawanan sila.

"Don't get carried away Andrew, we still need to obey our Master that we should not kill them" napatigil nalang si Andrew sa pagsugod samin ng narinig niya na sinabi yun ng isa niyang kasama.

"Our plan is successful, we should leave now" seryosong sinabi ng isang kasama ni Andrew at pagkatapos nun ay bigla nalang silang naglaho.

Napaisip nalang ako bigla nung nawala na sila Andrew, bakit parang ang bait samin nung isang kasama ni Andrew, di kaya kakilala namin siya sa Academy, parang pamilyar din kasi yung boses niya sakin eh.

Sino kaya yung lalaki na kasama nila Andrew na ayaw kaming patayin.

Makikilala ko din siya balang araw at sana hindi ako magulat kapag natuklasan ko na ang tunay na pagkatao niya.

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top