Chapter 12 : It was Him?

Handa nakong mamatay nung mga oras na yun pero nagulat nalang ako ng bigla nalang akong nakaramdam ng malakas na simoy ng hangin.

Nagulat nalang ako ng nakita ko na nakatumba na si Jessica at nawalan siya ng malay at napansin ko naman na may lalaking nakahood at nakaharap lang siya kila Melissa.

"Buhay ka pa pala, papano mo nagawang makaligtas mula sa kamatayan" pangiting sinabi ni Melissa dun sa lalaki na nagligtas sakin.

"Hindi na mahalaga kung papano ako nakaligtas" seryosong sinabi ng lalaki dun kay Melissa habang ako naman ay halos hindi na makagalaw dahil sa mga sunog ko sa balat.

"Hindi ko inaasahan na ngayon kita muling makakaharap " pangiting sinabi ni Melissa sa lalaki at sabay naghanda na silang dalawa.

Bigla nalang hinarap ni Melissa yung palad niya dun sa lalaki na nagligtas sakin at sabay napansin ko naman na bigla nalang umilaw yung palad niya pati na din yung Star niya sa noo.

Nagulat nalang ako ng lumiwanag yung violet na ilaw dun sa palad niya at sabay bigla nalang may tumama na malakas na impact papunta samin kaso hindi ako natamaan nun dahil nakaharang sa harapan ko yung lalaki.

Napansin ko naman na parang wala lang sa lalaki yung atake ni Melissa, nakatayo pa din siya sa pwesto niya na parang hindi siya tinamaan nun.

"Papano?" Nagulat nalang si Melissa habang sila Andrew naman ay natakot din dun sa lalaki.

"Totoo nga na kaya mong kumontrol ng Void, pero hindi pa sapat ang kaalaman mo sa paggamit nito Melissa" bigla nalang nakaramdam ng takot si Melissa ng sinabi sa kanya yun ng lalaki.

Napalingon nalang sakin si Melissa at sabay napangiti naman siya.

"Hindi pa ito ang huli nating pagtatagpo, maghihiganti ako sa inyo" agad ng umalis sila Melissa pagkatapos niyang sabihin yun kaya nakahinga na ako ng maayos.

Hindi nagtagal ay humarap na sakin yung lalaki at nagulat nalang ako sa nakita ko, siya yung--

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ng matandang lalaki kaya natahimik naman ako habang tinutulungan niya akong makatayo.

"Sino ka po ba talaga?" Mahinahon kong tanong sa kanya at halata naman na halos mawalan na ako ng malay dahil sa sakit ng katawan ko.

"Ako si Raymond" seryoso niyang sinabi sakin kaya nagulat nalang ako at sabay napaisip ng malalim habang inaabot niya sakin yung bracelet na dilaw na kagaya ng kay Jessica kaya ginamit ko naman kaagad ito para mawala yung mga sugat ko.

Totoo ba ang sinabi niya?! Siya si Raymond, ang pinuno ng Academy, pero pano? Akala ko ba ay napatay na siya ni Henry, pero bakit buhay pa din siya hanggang ngayon.

"James, ayokong malaman ng Academy na buhay pa ako kaya mas mabuti sana kung ikaw lang muna ang nakakaalam tungkol dito, maaasahan ba kita James?" Pangiti niyang tinanong sakin habang ako naman ay halos sumabog na ang utak ko dahil sa mga nalaman ko ngayon.

"Aasahan niyo po na wala ng ibang makakaalam nito, Sir. Raymond, pero bakit ayaw niyo pong magbalik sa Academy?" Tanong ko sa kanya kaya naging seryoso yung mukha niya.

"Matutuklasan mo din kung bakit ayaw kong bumalik sa Academy" napasisip nalang ako sa sinabi niya habang siya naman ay nakatingin lang kay Jessica.

"Pero kailangan ka ng Academy sa darating na labanan" paalala ko sa kanya kaya bumalik ulit yung tingin niya sakin.

"Hindi niyo na kailangan ang tulong ko, sapagkat alam ko na kaya niyong talunin ang mga Taga-Fallen" pangiti niyang sinabi sakin kaya natahimik naman ako sa sinabi niya.

"Malalaman mo din ang lahat ng ibig kong sabihin kapag natuklasan mo na ang tunay na pagkatao mo dito sa mundo namin." Dagdag niya kaya ako naman ay halos dumugo na yung utak ko kakaisip tungkol dun sa mga sinasabi niya.

"Mauna na ko sayo, James" paalam niya sakin at sabay naglaho nalang siya bigla kaya wala naman akong nagawa kundi lumapit nalang kay Jessica para tingnan kung bumalik na siya sa dati.

Napansin ko naman na wala pa ding malay si Jessica hanggang ngayon kaya napag-pasyahan ko na buhatin nalang siya pauwi dun kila Erika.

Kung titingnan mo kasi, mas malapit yung bahay ni Erika ipagkumpara mo sa bahay ni Sci kaya mas mabuti siguro na doon na muna kami ni Jessica sa bahay nila Erika.

Habang naglalakad ako ay hindi ko naman mapigilang tumingin kay Jessica.

Naaalala ko yung sinabi niya kanina, "Paalam na mahal ko" ano kayang ibig niyang sabihin, mahal kaya ako ni Jessica, pero sa tingin ko gawa-gawa lang yun ng Void Element na ginamit ni Melissa para guluhin ang isipan ko.

Bigla ko namang na realize na ang cute pala matulog ni Jessica, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanya habang nasa daan kaya hindi ko na namalayan na andun na pala kami sa tinutuluyan ni Erika.

Sakto naman na pagkatok ko sa pinto ay agad na itong binuksan ni Erika at napaisip nalang siya ng nakita niya ako pati na din si Jessica.

"Ikaw pala James, bakit kayo naparito at anong nangyari kay Jessica?" Tanong niya kaagad sakin kaya napatingin ako ng diretso sa kanya.

"Nakaharap kasi namin yung magulang mo na si Melissa, buti na nga lang at iniligtas kami ng matandang lalaki na nakausap natin nung nakaraang araw lang " nagulat nalang si Erika sa sinabi ko sa kanya habang ako naman ay agad ng pumasok sa bahay niya para mapahiga ko na si Jessica sa may sala.

"Nakilala mo na ba siya, James?" Pataka niyang tinanong sakin kaya napalingon agad ako sa kanya ng seryoso.

"Oo kilala ko na siya, siya si--" naputol nalang yung sasabihin ko ng bigla nalang sumagot si Erika.

"Raymond ang ngalan niya diba?" Sagot sakin ni Erika kaya pagkatapos nun ay natahimik naman kami habang nakaupo lang sa may sala.

"Papano mo siya nakilala?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin at sabay ngumiti.

"Matagal ko na siyang kilala, siya na yung nag-alaga sakin simula nung naglayas ako sa Fallen Academy" nalinawagan ako sa mga sinabi niya sakin kaya pagkatapos nun ay natahimik na naman kami sa isang sandali.

"Sino pala ang Tatay mo, Erika?" Tanong ko sa kanya kaya lumingon ulit siya sakin at naging seryoso siya.

"Hindi ko na siya nakilala, pero ang sabi sakin ni Mama ay matagal na raw siyang namatay" malungkot na sinabi ni Erika sakin kaya napaisip nalang ako bigla tungkol sa mga sinabi niya.

Bigla ko nalang naalala na, buhay pa pala si Andrew at isa din pala siyang taksil, bakit kaya ang daming nagtataksil sa mga Elementalist.

Pero gaya nga ng sinabi nila Zero, maaaring nakokontrol lang talaga sila ng Void Element ni Melissa kaya nila nagagawa ang lahat ng ito.

Pero di kaya isa din sa mga biktima ng Void element si Kevin nung mga oras na pinatay niya yung isang babaeng Elementalist.

"Erika gusto mo bang sumama samin pabalik sa Academy?" Tanong ko sa kanya kaya napangiti nalang siya.

"Sige ba, kailan ba kayo babalik sa Academy?" Tanong niya kaagad sakin kaya naging seyoso nalang ako.

"Hindi pa ako sigurado kung kailan kami babalik dun, pero sa tingin ko kapag natigil na yung suliranin dito sa Anatasia tsaka lang kami maaaring bumalik" sabi ko sa kanya kaya napaisip siya sa mga sinabi ko habang nakatingin lang siya sa ibaba.

Bigla nalang akong nalinawagan sa isang sandali, ayon sa pagkakatanda ko, ang sabi ni Raymond nung nakaraan ay hindi kami matitiis ng mga dati niyang estudyante kaya sigurado siya na pupunta sila dito para tumulong. Tapos makalipas ang isang araw ay dun naman namin nakasalubong si Kate na gustong tumulong samin dito sa Anatasia.

Di kaya?! Sila Kate yung tinutukoy ni Raymond na mga dati niyang estudyante sa Academy, sana makausap ko ulit si Kate para matanong ko ang lahat ng tungkol dun sa sinasabi ni Raymond.

Malakas din kasi ang kutob ko na alam nilang buhay pa si Raymond pero gaya nga ng sinabi sakin ni Raymond kanina ay ayaw niyang malaman ng iba na buhay pa siya kaya hindi ito saamin nasasabi nila Kate o sadyang minsan lang talaga namin sila makausap.

Pagkatapos ang lahat ng yun ay napalingon nalang ako kay Jessica at napansin ko naman na nagising na siya at sabay tumingin siya sakin.

"Anong nangyari? Pano tayo napunta dito?" Pataka niyang tinanong samin ni Erika kaya napalingon na din si Erika sa kanya.

"Nakontrol ka ni Melissa kanina at sinubukan mo akong patayin" seryoso kong sinabi sa kanya kaya nalungkot naman siya at sabay tumingin siya sa ibaba.

"Patawad James, ayoko naman talagang saktan ka" malungkot niyang sinabi sakin kaya huminga nalang ako ng malalim.

"Alam ko naman na hindi mo ko kayang saktan, si Melissa ang may gawa ng lahat ng nangyari kanina" pagkatapos kong sabihin yun ay napayakap nalang ako sa kanya.

"Ang sweet niyo naman" pangiti saming sinabi ni Erika kaya agad naman akong bumitiw sa pagkakayakap ko kay Jessica at agad na siyang tumayo mula sa pagka-kahiga.

"Gaano kaya siya kalakas para magawa niyang lamangan si Mama" Pataka niyang tinanong samin kaya napatingin nalang ako sa kanya at sabay ngumiti.

"Hindi naman ako magtataka na siya ang mas malakas kaysa kay Melissa, hindi ba?" Sagot ko kay Erika kaya napaisip nalang siya.

"May point ka nga" pangiti niyang sinabi sakin habang si Jessica naman ay nakatingin lang saming dalawa.

"Sino yung tinutukoy niyo? Tanong naman samin ni Jessica kaya napalingon kami sa kanya.

" Wala yun, huwag mo ng isipin yun" pangiti kong sinabi sa kanya kaya nagtaka naman siya at sabay napangiti na din siya.

Matapos naman ang lahat ng pinag-usapan namin ay bigla nalang tumahimik dun sa loob ng bahay ni Erika pero nawakasan din kaagad ito ng bigla nalang nagsalita si Erika.

"Sa tingin ko kailangan niyo ng bumalik dun kila Max, sigurado ako na nag-aalala na sila para sa inyong dalawa" pangiti saking sinabi ni Erika kaya niyaya ko na si Jessica na umalis.

Pagkatapos naming magpaalam kay Erika ay agad na kaming naglakad sa daan ni Jessica.

Bigla naman akong napaisip habang naglalakad kami pabalik kila Sci.

Hindi talaga ako makapaniwala na buhay pa pala si Raymond at siya mismo ang matandang lalaki na nakausap ko dun sa mundo ko.

Pero bakit kaya ayaw niya ng bumalik sa Academy, ano ba talagang nangyari at bakit napagpasyahan niya na ipalabas na namatay na siya at ang mas nakakapagtaka pa dun ay papano niya nagawang makaligtas mula sa pagpatay sa kanya ni Henry.

Napansin ko naman na hindi siya kayang kontrolin ni Melissa gamit ang Void Element, ganun ba talaga siya kalakas para hindi siya makontrol ng Legendary Void.

Pero gaya nga ng sinabi ni Raymond, maaaring hindi pa ganun kalawak ang kaalaman ni Melissa tungkol sa pagkontrol ng Void Element kaya hindi niya nagawang kontrolin si Raymond.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang kaming napatigil sa paglalakad ni Jessica at pagkatapos nun ay tsaka ko lang na-realize na nakasalubong pala namin si Kate.

"Pabalik na din ba kayo kila Sci, tara't sabay-sabay na tayong maglakad" nasiyahan naman kami ni Jessica sa sinabi niya kaya pagkatapos nun ay nagpatuloy na kaming tatlo sa paglalakad.

Gusto ko sanang itanong kay Kate ang lahat ng gusto kong malaman tungkol sa relasyon niya kay Raymond pero bigla ko nalang naalala na hindi pala pwedeng malaman ni Jessica ang tungkol dun kaya minabuti ko nalang na manahimik na muna.

"Nga pala James, pinapabalik na pala kayo ni Zero sa Academy bukas ng gabi" paseryoso saking sinabi ni Kate kaya napaisip naman ako.

"Pero nasa panganib pa din yung Anatasia" sagot ko naman sa kanya kaya napangiti nalang siya.

"Kami ng bahala sa kaligtasan ng Anatasia, ayoko din kasing may masaktan sa inyo, lalo ka na James" pangiti niya saking sinabi kaya napalingon nalang si Jessica sa kanya.

"Joke lang yun, Jessica. Syempre sayung-sayo lang si James" patawa niyang sinabi kaya napangiti nalang ako habang si Jessica naman ay nagulat na para bang nabasa ni Kate yung iniisip niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo Ms. Kate?" Pangiting sinabi ni Jessica kay Kate habang ako naman ay nakatingin lang sa dinadaanan namin.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay sa wakas nakarating na din kami sa bahay ni Sci.

"James, saan ba kayo pumunta at bakit ang tagal niyong bumalik dito?" Pag-aalala samin ni Max habang halata sa kanya na kinakabahan siya para saming dalawa ni Jessica.

"Inatake kasi kami ng mga taga-Fallen kaya naisipan muna namin ni Jessica na tumuloy muna kila Erika." Pangiti kong sinabi sa kanya at napansin ko naman na para bang ang tahimik ni Nicole ngayong araw.

Napatingin nalang ako sa relo ko at tsaka ko lang nalaman na 1:28 na din pala ng hapon, grabe ang bilis talaga ng oras lalo na kapag ang daming nangyayari dito sa Anatasia.

"Void?" Mahinahon na sinabi ni Nicole samin kaya napatingin kaming lahat sa kanya at bigla nalang akong kinabahan.

Baka nabasa na ni Nicole yung iniisip ko tungkol sa lahat ng bagay na nalaman ko kanina lang.

"Oo nabasa ko na yung isipan mo James, pero na iintindihan kita" seryoso niyang sinabi sakin kaya napahinga nalang ako ng malalim.

"Magiging komplikado ang mga susunod na pangyayari kung may kalaban tayong Void Elementalist" seryoso niyang sinabi samin kaya natahimik nalang kami habang nag-iisip ng kung ano-ano.

"Alam mo ba ang lahat ng tungkol sa Void Element, Nicole?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay, ang init dito sa labas" pangiting sinabi ni Sci samin kaya agad naman kaming pumasok.

Nung nakaupo na kaming lahat sa may sala ay nagpatuloy na ulit kami sa pag-iisip kaya bigla nalang tumahimik.

"Wala ako masyadong kaalaman tungkol sa sinasabing Void" sabi sakin ni Nicole kaya nagtaka naman ako.

"Teka? Ano ang ibig mong sabihin kanina? May kalaban tayo na kayang kumontrol ng Void?" Pagulat na tinanong ni Max saming dalawa kaya napalingon nalang kami sa kanya.

Naisipan ko naman na lumabas muna kahit sandali para makapag-isip ng malaya at para hindi na rin mabasa ni Nicole yung iniisip ko kung sakaling may malaman ako na kakaiba.

Nagulat nalang ako ng napatingin nalang si Nicole sakin at nagtaas siya ng kilay niya kaya alam ko na ang senyas nun.

"Mapagkakatiwalaan mo naman ako James, pinapangako ko na hindi ko ito ipagsasabi sa Academy" pabulong saking sinabi ni Nicole kaya naging seryoso ang tingin ko sa kanya.

"Alam mo ba ang lahat ng nasa isipan ko ngayon?" Tanong ko sa kanya at sabay napangiti nalang siya tsaka niyaya niya ako na pumunta sa kwarto ni Sci sa pamamagitan ng Hand Signal.

"Ahm. Guys pwede bang mag-usap muna kami ni James, in private" pangiting tinanong ni Nicole kila Max kaya sumang-ayon nalang sila sa tanong ni Nicole.

Pumunta na kaming dalawa ni Nicole sa may kwarto ni Sci at tsaka kami nagsimulang mag-usap tungkol sa mga nalaman niya.

"Alam ko na buhay pa si Raymond at isang Void Elementalist ang nakaharap niyo kanina" pangiti niyang sinabi sakin kaya napaisip ako.

"Pagkakatiwalaan kita na hindi mo ito ipagsasabi sa kung kanino man, ayaw kasi ni Raymond na malaman ng buong Academy na buhay pa siya." seryoso kong sinabi sa kanya kaya pumayag naman siya sa nais ko.

"Pero bakit ayaw niyang bumalik sa Academy sa mga ganitong sitwasyon, lalo na't umaatake na naman ang mga Fallen Elementalist" sabi sakin ni Nicole kaya napatingin nalang ako sa may ibaba.

"Hindi ko nga alam kung bakit ayaw ni Raymond, pero siguro naman ay may sapat siya na dahilan kung bakit ayaw niyang ipalabas na buhay pa siya" pagkatapos kong sabihin yun ay naputol nalang yung usapan namin ng bigla nalang pumasok si Sci sa loob ng kwarto.

"Sorry , hindi ko sinasadya na istorbohin kayong dalawa" pangiting sinabi ni Sci habang napansin ko naman na parang nainis ng konti si Nicole sa kanya.

"Tigil-tigilan mo nga ang pag-iisip ng mga bagay na ganyan" pagalit na sinabi ni Nicole kay Sci kaya nagulat nalang siya na parang nabasa ni Nicole yung iniisip niya.

"Ay, sorry na po talaga, pero ano bang ginagawa niyo dito?" Tanong samin ni Sci kaya napatingin naman ako sa kanya habang si Nicole naman ay nag-iisip lang ng malalim.

"May pinag-uusapan lang kami ni Nicole" sagot ko kay Sci kaya napangiti nalang siya at sabay umupo siya sa may gilid ng kama.

"Mamaya nalang tayo mag-usap James, magpapahangin lang muna ako sa labas" paalam sakin ni Nicole at dali-dali siyang umalis palabas ng kwarto.

Bigla nalang akong napaisip, para saan kaya yung Gemstone na kinuha sakin ni Henry nung nakaraang ilang araw, at sino kaya yung tinutukoy niya na master niya, pero ayon sa pagkakasabi niya ay lalaki ang tinutukoy niya na mas mataas sa kanya.

Naisipan ko nalang na tanungin si Sci tungkol dun sa babae na nagbigay sa kanya ng relo na gawa sa mundo ko.

"Sci, ano palang pangalan ng babae na nagbigay sayo ng relo na sinasabi mong nanggaling din sa mundo namin?" Tanong ko agad sa kanya kaya napalingon kaagad siya sakin.

"Sa pagkaka-alala ko ay Jamela ang pangalan niya, nakilala ko siya nung nasa 15 taong gulang palang ako" pangiti niyang sinabi sakin kaya napaisip naman ako panandali.

Naisipan ko naman na itanong kay Sci yung tungkol sa gamit na sinasabi ni Jessica na kayang makatalo ng isang Void Elementalist.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan ang isang gamit dito sa Anatasia na kayang makatalo ng isang Void Elementalist?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya nagulat naman siya.

"Narinig ko na din ang tungkol dun sa sinasabing armas na kayang makatalo ng isang Void, pero hindi ko alam kung saan ito makikita" malungkot saking sinabi ni Sci kaya napaisip na naman ako tungkol dun.

Ayon pala sa pagkakasabi sakin ni Jessica ay si Raymond nga pala ang may-ari ng armas na yun, kaya sa kanya ko nalang itatanong kung saan ito matatagpuan.

"Mauna na muna ako sayo Sci" paalam ko sa kanya at sabay dumiretso na ako palabas ng bahay.

Naisipan ko na maglakad-lakad muna sa daan habang nag-iisip ako tungkol sa mga nalalaman ko.

Matapos ang halos 10 minutong paglalakad ay napatigil nalang ako ng may nakasalubong ako na nakahood at napansin ko naman na napatigil din ito sa paglalakad habang nakaharap lang siya sakin.

"Isa ka rin bang kalaban? Magpakilala ka sakin kung ayaw mong masaktan" seryoso kong sinabi sa kanya kaya napangiti nalang yung nakahood na hindi ko malaman ang identity niya.

"Hindi ako kalaban, sumama ka sakin dahil may pag-uusapan kayo" sabi niya sakin at napansin ko naman na babae yung boses niya pero mahinahon lang siya magsalita.

"Magpakilala ka muna bago ako sumama sayo" tanong ko agad sa kanya habang naglalakad siya dahan-dahan palapit sakin.

Hinawakan niya nalang bigla yung kamay ko at sabay dumilim yung paligid namin na para bang gabi na.

Pero nagulat nalang ako ng napansin ko na nasa ibang lugar na kami nung bumalik na yung liwanag ng araw.

"Asan tayo? " tanong ko sa kanya habang siya naman ay tahimik lang na para bang may inaantay siya na dumating.

Nalaman ko naman na nasa isang gubat pala kami pero bakit kaya kami nandun, sino kaya 'tong babae na kasama ko, baka isa siyang kalaban.

Makalipas ang ilang minutong pag-aantay namin ay nawala na yung kaba ko ng nakita ko si Kate na naglalakad palapit saming dalawa.

"Buti naman at napasama mo siya dito sa lokasyon natin" pangiting sinabi ni Kate sa babaeng nakahood kaya napaisip nalang ako bigla.

"Dapat kasi ikaw nalang ang sumundo sa kanya para hindi na ako napagkamalan na kaaway" patawang sinabi ng nakahood na babae kay Kate kaya natawa na din si Kate sa sinabi niya.

"Tanggalin mo na nga yang hood mo, nagmu-mukha ka kasing kalaban dahil dyan." Pangiting sinabi ni Kate dun sa babae kaya agad niyang binaba yung hood niya para makita ko yung itsura niya.

"Sorry nga pala James kung biglaan ang pagsundo ko sayo, hindi man lang ako nagpakilala sayo kanina" pangiti niyang sinabi sakin at napansin ko naman na magkaiba yung kulay ng mata niya kaya namangha ako.

"Alam ko kung bakit ka nakahood kanina, nahihiya ka kasi na ipakita sa mga tao ang kulay ng mga mata mo" sabi ko sa kanya kaya napangiti nalang siya habang si Kate naman ay natawa sa sinabi ko.

"Bakit pa kasi naging ganito ang mga mata ko, nakakainis talaga" patawang sinabi ng babae sakin kaya napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya.

"Huwag mong ikahiya yang mga mata mo, nakakamangha nga eh." Sabi ko naman sa kanya kaya napansin ko nalang na napangiti siya sakin.

"Buti ka pa James, napapalakas mo ang loob ko na hindi itago yung identity ko" masaya niyang sinabi sakin habang si Kate naman ay nakatingin lang sa paligid namin.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong ko kaagad sa kanya kaya napatingin ulit siya sakin.

"Ako nga pala si Jasmin" namagha nalang ako ng nalaman ko na siya pala si Jasmin na sinasabi ni Jessica.

Napansin ko naman na nagkulay pula yung palad niya kaya alam ko na malakas na din siya kagaya nila Kate.

"Naaalala mo pa si Jessica?" Tanong ko sa kanya kaya napalingon kaagad siya sakin habang napansin ko naman na nalungkot siya dahil sa tinanong ko sa kanya.

"Si Jessica, siya yung pinakapaborito kong estudyante sa Academy, hindi lang siya makulit pero mabait din siya" pangiti saking sinabi ni Jasmin kaya napangiti na din ako.

"Ang tagal niya namang dumating," sigaw ni Kate kaya napatingin kami sa kanya at napansin ko naman na napangiti si Jasmin sa kanya.

"Antayin lang natin, darating din siya" pangiti namang sinabi ni Jasmin kay Kate kaya pagkatapos nun ay natahimik kami sa isang sandali.

"Sino ba yung inaantay natin dito?" Tanong ko kay Kate kaya napalingon siya sakin at sabay ngumiti.

"Si Raymond, grabe talaga siya, lagi nalang siyang nahuhuli ng dating sa mga usapan" pangiti niyang sinabi sakin kaya napatingin nalang ako sa may paligid.

Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba ng nakita ko si Henry na nakatayo sa may isang gilid ng puno at nakangiti lang siya.

Nagulat nalang kami ng bigla nalang nawalan ng malay si Kate at napansin namin na wala na siyang hininga kaya natakot kami ni Jasmin.

"Andito ka pala Jasmin, it's been a long time" pangiting sinabi ni Henry habang naglalakad siya palapit samin kaya napapaatras naman kami ni Jasmin mula sa kanya.

"Anong ginawa mo kay Kate?" Sigaw ni Jasmin sa kanya at napansin ko na matindi ang galit niya kay Henry.

"Hindi ako ang may gawa nun, kundi si Melissa na kasama ko ngayon" napalingon nalang kami ni Jasmin sa may kanan at dun namin nakita si Melissa.

"Anong ibigsabihin nito?" Pagalit na tinanong ni Jasmin sa kanila kaya natawa nalang bigla si Melissa.

"Ano pa ba, edi papatayin na namin kayo" patawang sinabi ni Melissa kaya inihanda ko na kaagad yung espada ko sa harapan nila.

Pagkatapos naman ng pag-uusap namin ay nagulat nalang ako ng may lumabas na kulay White sa palad ni Jasmin at grabe ang bilis nitong mag travel papunta kay Melissa.

Sa bilis nung liwanag ay hindi kaagad ito napansin ni Melissa kaya natamaan naman siya nito at napansin ko nalang na wala na siyang malay kaya nagalit naman si Henry sa ginawa niya kay Melissa.

Napansin ko nalang na biglang nagtaas ng palad si Henry paharap samin kaya alam ko ng maglalabas na naman siya ng parang malakas na force kaya naghanda na ako sa mga susunod na mangyayari.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang may bumalot na liwanag sakin at makalipas ang ilang segundo ay tsaka ko lang nalaman na nakahiga na pala si Jasmin sa lupa.

"Anong ginawa mo?" Tanong ko kaagad kay Jasmin kaya napatingin siya sakin habang halata sa kanya na sobrang sakit ng buong katawan niya.

"Tumakas ka na James, kailangan ka pa nila, iwanan mo na kami dito" paiyak na sinabi sakin ni Jasmin at sabay napaatras nalang ako mula sa pwesto ko ng naglakad palapit si Henry papunta kay Jasmin.

"Wala ka pa ding pinagbago, mahina ka pa din hanggang ngayon" pangiting sinabi ni Henry sa kanya habang ako naman ay halos walang magawa sa mga nangyayari.

Agad naman akong sumugod palapit kay Henry pero agad niya naman akong naramdaman kaya hinarap niya sakin yung palad niya na siya namang nagpatalsik sakin.

Grabe pala ang nagagawa ng Darkness Element kasi hindi mo ito nakikita, malalaman mo nalang natamaan ka na ng Elemento na yun.

Pinilit kong bumangon pero hindi na kaya ng katawan ko kaya napatingin nalang ako kay Jasmin na halos handa ng mamatay para sa kaligtasan ko.

"Hindi 'to pwedeng mangyari!" Sigaw ko nalang kay Henry habang tumulo yung luha ko at nagulat nalang ako ng bigla nalang gumaan yung pakiramdam ko na para bang buhay na buhay na ulit ako.

Napansin ko naman na umiilaw yung palad ko at nagulat din ako ng nakita ko na kulay Puti lang ito.

Nung mga time na yun ay parang nawala na ako sa sarili ko at ang natatandaan ko lang na ginawa ko ng mga oras na yun ay ang tumayo.

Napatingin ako ng seryoso kay Henry at nakakapagtaka kasi hindi ako kinakabahan kahit kaharap ko siya.

Nung pagharap ko ng palad ko sa kanya ay napansin ko nalang na parang natakot si Henry dahil sa mga nakikita niya.

Matapos ang lahat ng yun ay bigla nalang lumiwanag at sabay hindi ko na naalala ang mga sumunod na nangyari.

Nagising nalang ako sa isang bahay na parang bahay sa probinsiya at nakita ko naman sila Kate at Jasmin na mahimbing pa din ang tulog hanggang ngayon.

Kaya napaisip nalang ako, ano ang mga nangyari kanina, papano kami napunta dito at sino kaya ang nagdala samin dito.

Nasagot naman kaagad yung tanong ko ng nakita ko si Raymond na may dala-dalang pagkain para saming tatlo nila Jasmin.

"Gising ka na pala James, kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Raymond kaya napaisip nalang ako sa isang sandali.

"Okay na yung pakiramdam ko, pero sino ka po ba talaga, Sir. Raymond?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya napalingon kaagad siya sakin.

"Sasabihin ko sayo, pero aasahan ko na hindi mo ito ipagsasabi sa iba lalo na kay Jessica" nagtaka nalang ako sa sinabi niya sakin kaya naisipan ko namang tanungin siya.

"Anong ibig mong sabihin?" Pataka kong tinanong kay Raymond kaya naging seryoso yung expression niya.

"Bukod sa pagiging dating pinuno ng Academy ay meron pa akong ibang nililihim sa inyo" sabi niya sakin kaya natahimik nalang ako habang nakikinig sa kanya.

"Ako din ang Ama ni Jessica" nagulat nalang ako sa sinabi niya sakin kaya agad akong bumangon mula sa pagkakahiga.

Totoo ba ang narinig ko? Si Raymond ang nag-iisang Ama ni Jessica, hindi ko inaasahan na siya pala ng Ama ni Jessica.

Pero bakit ayaw niya itong ipaalam kay Jessica na nagdudusa dahil hindi niya kasama ang kanyang Ama.

Papano niya ito nagagawa sa sarili niyang anak na si Jessica.

( Next Chapter )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top