Chapter 11: Void Element
Naputol nalang yung usapan namin ng bigla ng lumabas si Sci dun sa loob ng kainan at may dala siyang pagkain para samin.
"Oh kanina ko pa kayo hinahanap, akala ko iniwan niyo na ako, buti at bumalik kayo dito" pangiti saking sinabi ni Sci habang inaabot niya sakin yung mga dadalhin namin pabalik kila Max.
"Tara na't bumalik na tayo kila Max, sigurado ako na gutom na silang lahat dun sa bahay" pangiti niyang sinabi samin kaya agad naman kaming umalis dun sa kainan.
Bigla na naman akong napaisip habang nasa daan kami pauwi sa bahay ni Sci.
Posible kaya na isa ding Elementalist si Erika, napansin ko naman na isa siyang anak ng mga kaaway. Pero bakit mas pinili niya na hindi umanib sa mga magulang niya.
Siguro naman ay may sapat siya na dahilan tungkol dun sa mga katanungan ko pero mas mabuti siguro kung mamaya ko nalang siya tatanungin.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay sa wakas nakarating na din kami kila Sci at napansin ko naman na matagal na kaming inaantay nila Max.
"Bakit parang napatagal kayo? Ano bang nangyari?" Pangiti saming tinanong ni Nicole kaya napalingon kami sa kanya.
"May kalayuan din kasi yung kainan dito sa Anatasia, kung titingnan mo ay halos nasa pinakadulo na siya ng Village" seryoso namang sinabi ni Erika sa kanila at pagkatapos nun ay sabay-sabay na kaming kumain.
"Mauna na pala ako sa inyo, baka hinahanap na ko samin" paalam samin ni Erika kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso.
"Babalik ka dun sa Nanay mo?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin kaagad siya sakin at sabay ngumiti.
"Babalik ako sa kanya, magulang ko siya eh" pangiti niyang sinabi samin sabay umalis na din siya kaagad kaya hindi ko na siya natanong.
Hindi muna ako nag-isip ng kung ano-ano nung mga oras na yun kasi alam ko na mababasa na naman ni Nicole yung iisipin ko.
"Nakakamiss dun sa Academy" malungkot na sabi ni Max kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Ako nga din eh, pero kailangan pa nating malaman kung sino yung gumagawa ng mga suliranin dito sa Anatasia" seryoso namang sinabi ni Jessica kaya napaisip naman si Max.
"Pero diba kaya lang naman tayo ipinadala dito sa Anatasia ay dahil nahuli sila Enzo ng kalaban, pero ngayong nakabalik na sila, pwede na naman siguro tayong bumalik sa Academy" pangiting sinabi ni Max kaya napansin ko naman na medyo naasar si Nicole sa kanya.
"Hindi tayo pwedeng bumalik sa Academy, nasa panganib pa din ang mga buhay ng mga tao dito sa Anatasia at hindi ko kayang iwanan lang sila sa ganitong mga sitwasyon" paseryoso kong sinabi sa kanila kaya natahimik naman sila habang nakatingin lang sakin.
"May point si James, hindi naman pwedeng hayaan nalang natin na nasa panganib ang Anatasia" dagdag naman ni Nicole sa mga sinabi ko kaya napaisip sila Max.
"Sabagay tama ka nga James" sabi naman sakin ni Max at pagkatapos nun ay nagpatuloy na ulit kami sa pagkain.
Nung paubos na yung mga kinakain namin ay bigla nalang akong napatingin sa relo ko at napansin ko naman na 8:00 na din pala ng gabi.
Naisipan ko naman na magpahangin muna sa labas kahit sandali lang.
"Saan ka pupunta?" Napalingon nalang ako kay Jessica ng tinanong niya ko.
"Magpapahangin lang ako sa may labas, matulog na kayo dyan, tatabi nalang ako mamaya sa inyo" pangiti kong sinabi sa kanya kaya sumang-ayon naman siya sa kagustuhan ko.
Paglabas ko sa bahay na tinutuluyan namin ay agad na akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.
Naisipan ko naman na maglakad-lakad muna sa may labas para makapag-isip ako ng mabuti tungkol dun sa nangyari kanina.
Bigla ko namang naalala na nakita ko pala na nagkulay asul yung palad ni Erika nung time na naglaho kami pabalik sa kainan. Pero teka?!
Ibigsabihin ba nun ay kaya niyang kumontrol ng darkness element grabe ang lakas niya pala, pero bakit parang ayaw niyang ipaalam sa iba na may ganun siyang kapangyarihan.
Naalala ko naman yung sinasabi niyang Nanay niya na si Melissa na kayang kumontrol ng Void Element at ayon sa pagkakatanda ko.
Ang sinabi ni Erika kanina ay ang Nanay niya daw ang may gawa ng lahat ng suliranin dito sa Anatasia.
Makalipas ang ilang oras na paglalakad ay bigla ko namang nakasalubong si Enzo kaya napatigil ako sa pag-iisip tungkol dun sa mga nangyari kanina.
"Ano pang ginagawa mo dito, James?" Seryoso niyang tinanong sakin kaya napangiti nalang ako sa kanya.
"Ahmm. Gusto ko lang magpahangin dito sa labas" sagot ko naman kay Enzo kaya sabay na kaming naglakad.
Naisipan ko na itanong kay Enzo ang tungkol sa Void Element na sinasabi ni Erika.
"Enzo, alam ba yung lahat nung tungkol sa Void Element?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya nagulat naman siya sa tinanong ko.
"V-void? Saan mo narinig ang tungkol dun sa Void Element?" Tanong niya sakin habang halata na kinakabahan siya kaya napaisip naman ako.
"Void element ang kinikilala na legendary element, dahil sa buong history ng Elemental Academy, dalawang tao palang ang may kakayahan na kontrolin ito, at kaya nitong baguhin ang mundo depende sa kagustuhan ng isang Void Elementalist" natakot naman ako sa mga sinabi niya sakin kaya napaisip naman ako.
"Ano bang nagagawa ng kapangyarihan ng Void?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya napatingin siya sakin.
"Hindi ako sigurado kung anong nagagawa nito" malungkot niyang sinabi sakin kaya natahimik nalang kami habang nakatingin sa daan.
Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong napatingin sa relo ko kasi napansin ko na malalim na ang gabi.
Nagpaalam na ako kay Enzo para bumalik sa bahay ni Sci kasi nalaman ko na 9:20 na din pala ng gabi.
Habang tumatakbo ako pabalik ay napaisip naman ako ng malalim tungkol sa mga nalaman ko kanina.
Tama nga ang hinala ko, Void nga ang faded na nakasulat sa may libro dun sa Academy, pero nakakapagtaka kasi parang hindi pa ganun kadami ang kaalaman nila tungkol dun sa Void element.
Pero gaya nga ng sinabi ni Enzo sakin, Legendary Element ang Void kaya kakaunti lang ang nakakaalam nun.
Pero alam kaya nila Kate at Jonathan ang tungkol dun, teka nasaan na kaya sila? Bakit parang hindi sila tumutulong dito sa Anatasia lalo na't malalakas ang kalaban dito.
Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng nakasalubong ko si Erika kaya napangiti naman siya sakin.
"Ikaw pala James, saan ka pupunta? " tanong niya sakin kaya napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin nalang ako sa kanya.
"Dun ka nalang matulog samin, nasabihan ko na si Sci na dun ka nalang matutulog samin, buti nga at nakasalubong kita dito eh" pangiti niyang sinabi sakin kaya nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Akala ko ba babalik ka na sa nanay mo na si Melissa?" Pataka kong tinanong sa kanya kaya ngumiti siya sakin.
"Sinabi ko lang yun kasi ayokong malaman nila na may kapangyarihan ako" sabay ngumiti ulit siya at pagkatapos niyang sabihin yun ay hinila niya naman ako para makapaglakad-lakad.
"So totoo nga na may kapangyarihan ka na Darkness Element?" Tanong ko sa kanya at napansin ko naman na ngumiti siya sakin.
"Oo, namana ko yung kapangyarihan na yun sa nanay ko" ngumiti ulit siya pagsagot niya sakin kaya natahimik ako habang naglalakad.
"Ano ba ang nagagawa ng Void?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya napatingin nalang siya bigla sakin.
"Marami itong nagagawa, pero ang alam ko ay kaya nitong kumontrol ng mga tao, nakadepende ito sa kapangyarihan mo kung gaano kadami ang pwede mong kontrolin " seryoso niyang sinagot sakin kaya napaisip ako.
Maaaring si Melissa ang kumontrol kay Enzo nung nakaraang gabi, at ayon din sa sinabi ni Enzo ay may narinig siya na boses ng isang babae bago siya na kontrol kaya sigurado ako na si Melissa ang may gawa nito.
"Tanong ko lang, alam mo ba ang lahat ng plano ng mga taga-Fallen?" Tanong ko kay Erika kaya natahimik siya habang nakatingin sakin.
"Matagal na kong walang komunikasyon sa Fallen Academy, kaya hindi ko na alam kung anong binabalak nila at hindi na rin nila ako kaanib" seryoso niyang sinabi sakin kaya napatingin nalang ako ng diretso sa daan.
"Pero bakit ba mas pinili mong hindi sumanib sa Nanay mo?" Pataka kong tinanong sa kanya habang patuloy lang kami sa paglalakad.
"Ang totoo kasi ay matindi ang galit niya sa Elemental Academy, at naiintindihan ko naman kung bakit pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit kailangan pa nilang pumatay." Pasigaw sakin na sinabi ni Erika kaya napatigil kami sa paglalakad at napansin ko naman na napaiyak siya kaya agad ko naman siyang niyakap.
"Bakit pa kasi kailangang gawin ni Mama ang lahat ng 'to, gusto kong mabalik ang nakaraan na mapayapa lang kaming namumuhay sa iisang tirahan" malungkot niyang sinabi sakin habang napansin ko naman na patuloy lang ang kanyang pag-iyak.
"Huwag ka ng umiyak, sigurado ako na darating din ang panahon na maiisip niya na mali yung ginagawa niya, at babalik din sa dati ang lahat, pinapangako ko yan" pangiti kong sinabi sa kanya kaya napatingin siya sakin sabay tumigil na siya sa pag-iyak kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa tinutuluyan niya dito sa Anatasia.
Makalipas naman ang ilang minuto na paglalakad namin ay nakarating na din kami dun sa pupuntahan namin.
"Pasok na tayo sa loob James" pangiti saking sinabi ni Erika kaya pumasok naman kaagad ako.
"It's been awhile James" napatingin nalang ako sa harapan ko ng may narinig akong nagsalita sa loob.
"Sino po kayo?" Tanong ko naman sa lalaki na halos hindi ko makita yung itsura niya dahil sobrang dilim dun sa loob ng bahay ni Erika.
Nagulat nalang ako ng biglang sumindi yung mga lampara dun sa bahay ni Erika at mas lalo akong nagulat nung nakita ko yung mukha nung lalaki na kumakausap sakin.
"Andito po kayo?" Pagulat kong tinanong sa kanya kaya ngumiti lang siya sakin.
"Did you recognize me?" Pangiti niyang tinanong sakin kaya namangha naman ako.
"Ikaw pala yung matandang lalaki na nagbigay sakin ng Gemstone, ano po palang pangalan niyo?" Tanong ko dun sa matandang lalaki pero ngumiti lang siya sakin habang si Erika naman ay nakatingin lang saming dalawa.
"You don't need to know my name, James, what's important for now is the safety of Anatasia" seryoso niyang sinabi sakin kaya hindi na ako nagtanong pa ng kung ano-ano sa kanya.
"Buti naman at nakilala mo na si Erika" pangiti niyang sinabi sakin habang ako naman ay nananatiling tahimik.
"Pano po ba natin maliligtas ang Anatasia, alam niyo po ba kung ano ang dapat nating gawin?" Tanong ko sa kanya kaya naging seryoso lang yung expressions niya.
"Hindi ako makapaniwala na Void pala ang kayang kontrolin ni Melissa" sabi niya kay Erika kaya nagtaka naman ako sa pinag-uusapan nila.
"Void nga po ang kayang kontrolin ng aking Ina, kaya papano po natin siya matatalo?" Paseryosong tinanong ni Erika dun sa lalaki habang ako naman ay nakatingin lang sa kanila.
"Hindi ko pa alam, pero alam ko na magagawan niyo ng solusyon yan, kahit na walang tulong galing sakin" nagulat naman kami ng sinabi niya samin yun.
Ano ang ibigsabihin nung sinabi niya, papano naman namin sila matatalo.
"Alam ko na hindi kayo matitiis ng mga estudyante ko dati kaya sigurado ako na pupunta sila dito sa Anatasia" pangiti niyang sinabi samin kaya napaisip naman kaming dalawa ni Erika.
Matapos niyang sabihin yun ay bigla nalang siyang nawala kaya napatingin nalang kami ni Erika sa isa't-isa.
"Magpahinga na muna tayo James" sabay ngumiti siya pagkasabi niya sakin nun kaya sumang-ayon naman ako sa nais niya.
Pagpasok namin sa kwarto niya ay tsaka ko lang na realize na tabi pala kaming matutulog.
"Matulog ka na Erika, may iisipin lang ako sandali" sabi ko sa kanya kaya napahiga na siya sa kama habang ako naman ay napaupo lang sa may gilid nito.
Totoo nga na taga dito yung matandang lalaki pero bakit ayaw niyang magpakilala sakin, ano bang meron sa kanya tsaka sino yung tinutukoy niya na mga dati niyang estudyante na pupunta dito para tumulong samin.
Pero bigla naman akong napaisip, sino kaya ang Ama ni Erika, posible kaya na taga Fallen din yung tatay niya.
Napalingon nalang ako sa kanya nung iniisip ko yun at napansin ko na mahimbing na pala yung tulog niya.
Humiga na din ako sa tabi niya at makalipas ang ilang minuto ay nakatulog na din ako.
Nung nagising na ako ay agad naman akong bumangon mula sa pagkakahiga at napansin ko naman na wala na si Erika sa tabi ko kaya nagtaka naman ako.
Napalingon nalang ako sa may pinto ng kwarto ng tinawag ako ni Erika at nakita ko na ngumiti siya sakin.
"Andito pala si Jessica tsaka si Sci, inaantay ka na nila sa may labas" pangiti niyang sinabi sakin kaya agad naman akong tumayo sa kama at lumabas na agad ako ng bahay niya.
"Bakit dito ka natulog, alam mo ba na nag-alala ko sayo, akala ko napahamak ka na" pag-aalala sakin ni Jessica kaya napangiti ako habang si Sci naman ay nakatingin lang sa labas.
"Teka? Akala ko ba alam niyo na dito ako matutulog sa bahay ni Erika" pataka kong tanong sa kanya kaya napalingon nalang kaming dalawa kay Sci.
"Nakalimutan ko palang sabihin sa inyo kagabi" patawang sinabi samin ni Sci habang nagkakamot siya ng ulo at napansin ko naman na medyo naasar ng konti si Jessica.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Sigaw niya kay Sci kaya napaatras naman siya kay Jessica.
"Bakit ba parang sobrang concern ka kay James, siguro may gusto ka sa kanya, Jessica" pangiti namang sinabi ni Sci sa kanya kaya napatalikod siya samin.
"Hindi ah, ganun talaga kapag kaibigan mo, dapat inaalala mo yung mga kaibigan mo" sabi samin ni Jessica habang nakatalikod pa din siya kaya napangiti nalang ako.
"Salamat nga pala Erika" paalam ko kay Erika at pagkatapos nun ay umalis na kaming tatlo nila Sci.
"Nasaan pala sila Nicole?" Tanong ko kay Jessica at napansin ko naman na parang ang lalim ng iniisip niya.
"Andun sila sa limang bahay na nasunog kahapon, naghahanap sila ng impormasyon tungkol dun sa posibleng pinagmulan ng sunog" seryoso niyang sinabi sakin kaya napaisip nalang ako habang nakatingin sa daan.
Makalipas naman ang ilang minutong paglalakad ay napatigil nalang kami ng makasalubong namin si Kate sa may timog ng Anatasia.
"Hi James, how's your day with your love?" Pangiti saking tinanong ni Kate kaya napalingon kami ni Jessica sa kanya habang si Sci naman ay napatawa nalang sa sinabi ni Kate.
"Mali po ang iniisip niyo Ms. kate" paalala naman ni Jessica sa kanya kaya napangiti na naman siya at sabay tumingin sakin.
"Wala naman akong sinabi na pangalan ah, bakit nag react ka agad Jessica?" Patawang sinabi ni Kate kaya napansin ko naman na medyo nag-blush si Jessica kaya napangiti nalang ako.
"By the way, I'm here to help" natahimik nalang kami ng bigla nalang naging seryoso si Kate sa sinabi niya.
"Ahmm.. Ms. Kate right? Ang cute niyo po" pangiting sinabi ni Sci sa kanya kaya napalingon si Kate at sabay ngumiti na din.
"Thank you. Sci" nagulat nalang si Sci kasi alam na agad ni Kate yung pangalan niya at pagkatapos naman nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"James.. Pano niya nalaman ang pangalan ko?" Pataka niyang tinanong sakin kaya napatingin ako sa kanya habang naglalakad.
"Matagal na kitang kilala Simoun, isa ka sa mga matatapang na nagliligtas dito sa Anatasia, kaya nga namana mo yung pangalan na Sci eh" napalingon nalang kami ni Sci kay Kate ng sinabi niya yun at sabay ngumiti.
Napalingon nalang ako sa relo ko ng mga oras na yun at tsaka ko lang nalaman na mga 10:00 na din pala ng tanghali.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay napatigil na naman kami ng napansin namin na naging seryoso yung expressions ni Kate at sabay tumingin siya sa paligid namin.
"I can sense them with my Earth, and I know that they are enemies by the use of my Air element" seryoso niyang sinabi samin kaya napahanga naman si Sci kay Kate.
"They're running away, I must Chase them" sabi samin ni Kate kaya napalingon nalang si Jessica sa kanya.
"Sasama kami sayo, baka makatulong kami" paseryosong sinabi ni Jessica kay Kate kaya napalingon nalang si Kate kay Jessica.
"It's too dangerous for the three of you to come with me. I don't want you to get hurt so please stay here." Pangiti niyang sinabi sakin at tsaka siya tumakbo palayo kaya natahimik nalang kami nila Sci.
"Bakit ba hindi tayo pinapasama sa mga laban nila, ano bang purpose ng pagpunta natin dito" pagalit na sinabi ni Jessica kaya napatingin ako sa kanya.
"Nag-aalala lang sila na baka may mapahamak satin kaya nila ginagawa ang lahat 'to" napalingon nalang si Jessica sakin ng sinabi ko sa kanya yun.
"Ahm.. James mauna na muna ako sainyo" pangiti saming sinabi ni Sci kaya sumang-ayon naman kami ni Jessica sa kanya.
Nung nakaalis na si Sci ay naisipan naman namin ni Jessica na maupo na muna sa may gilid.
Nakaramdam naman ako ng katahimikan nung mga oras na yun pero hindi naman nagtagal ay nagulat nalang ako ng bigla nalang akong niyakap ni Jessica.
"Kung sakaling matapos ang pag-aaway dito sa mundo namin, babalik ka ba sa mundo mo?" Tanong niya sakin habang nakayakap lang siya kaya napaisip naman ako.
"Syempre babalik ako samin, nangako pa ako kila Mama na aalagaan ko sila pagtanda" seryoso kong sinabi sa kanya kaya napansin ko naman na nalungkot siya.
Naisipan ko naman na tanungin siya tungkol sa Void element pagkatapos niya kong yakapin.
"May nalalaman ka ba tungkol sa Void element?" Nagulat nalang siya ng tinanong ko sa kanya yun.
"Napakalakas ng elemento na yun, kahit na pagsama-samahin mo pa ang lahat ng primary elements ay hindi nun magagawang talunin ang Void." Napaisip nalang ako ng malalim ng sinabi niya sakin yun.
Grabe tunay nga na malakas yung Void, meron din kayang taga Academy na kayang kumontrol nun.
"Pero ayon sa pagkakatanda ko, kaya ni Papa na kumontrol ng Void element, hindi ko nga lang namana sa kanya ang kakayahan na yun" pangiti niyang sinabi kaya ngumiti din naman ako.
"Ano bang pangalan ng Papa mo?" Tanong ko naman sa kanya kaya napatingin ulit siya sakin.
"Hindi ko na siya nakilala, gaya ni Nicole, bata palang ako ay iniwan na ako nila papa sa Academy, pero hindi ko alam kung buhay pa ba sila ni Mama hanggang ngayon" sabi sakin ni Jessica habang nakatingin lang siya sa bahay na nasa harapan namin.
Napansin ko naman na bigla na namang nalungkot si Jessica nung time na yun kaya hindi ko napilitang kausapin siya.
"Ahm.. Jessica.. Patawad at pinaalala ko sayo yung tungkol sa nakaraan mo" malungkot kong sinabi sa kanya kaya lumingon siya sakin at sabay ngumiti.
"Okay lang yun, huwag mo ng isipin yung lahat ng tungkol dun" pangiti niyang sinabi sakin at pagkatapos nun ay napatayo na kami mula sa pagkakaupo.
"Magpatuloy na tayo sa paglalakad" nagpatuloy na kami sa paglalakad matapos niya saking sabihin yun.
"Sabi ng karamihan dito, meron daw nakatago na gamit dito sa Anatasia na pwedeng gamitin para makatalo ng isang Void elementalist" napaisip nalang ako bigla sa sinabi niya sakin.
Ano kaya yung gamit na tinutukoy ni Jessica, at papano kaya nun magagawang talunin ang isang Elementalist na kayang kumontrol ng Void, sana makita ko yung gamit na sinasabi nila.
"Alam mo ba kung saan matatagpuan yung gamit na sinasabi mo?" Napalingon nalang si Jessica sakin ng tinanong ko sa kanya yun.
"Hindi ko alam kung saan, sa katunayan nga ay wala pang nakakahanap nito simula nung namatay si Raymond" pangiti niya namang sinabi sakin kaya napatingin nalang ako sa may daan.
"So ibig sabihin ba nun, si Raymond ang may-ari ng gamit na sinasabi mo na kayang makatalo ng Void?" Ngumiti ulit si Jessica sakin matapos kong sabihin sa kanya yun.
"Parang ganun na nga" natahimik nalang kami habang nakatingin sa daan pagkatapos niyang sabihin yun.
Bigla naman akong napaisip ng malalim habang naglalakad kami.
"Papano mo nalaman na kaya ng Tatay mo na kumontrol ng Void kung hindi mo siya nakilala?" Pataka kong tanong sa kanya kaya tumingin siya sakin at sabay ngumiti.
"Si Jasmin ang nagsabi sakin nung tungkol kay papa" nagtaka ulit ako sa sinabi niya sakin kaya napatigil ulit kami sa paglalakad malapit sa Black Market na nasunog na.
"Sino si Jasmin?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya napangiti ulit siya.
"Si Jasmin yung isa sa mga naging kaklase ni papa nung nakaraang panahon pa, ang huli naming pag-uusap ay yung time na hindi pa ako marunong mag kontrol ng elemento" pangiti saking sinabi ni Jessica habang ako naman ay patuloy lang sa pag-iisip ng mga bagay-bagay.
"Nakakahiya nga eh, kasi alam ko na isang Void Elementalist si Papa pero hindi ko alam kung anong mga nagagawa nun" patawa niya nalang sinabi sakin kaya napangiti naman ako sa kanya.
"Isa lang ang alam ko na kayang gawin ng Void element, kaya nitong kumontrol ng isang isipan ng tao, depende sa lakas ng gumagamit nito" nagulat naman si Jessica sa mga sinabi ko sa kanya.
"Hindi kaya, isang Void elementalist ang kumontrol dun kay Enzo, teka? Nalaman na ba ni Zero ang tungkol dito?" Napatingin nalang ako sa kanya ng tanungin niya ako tungkol dun.
"Hindi ko pa nasasabi kay Zero, tara't hanapin natin siya," sumang-ayon si Jessica sa sinabi ko sa kanya at pagkatapos nun ay mabilis na kaming tumakbo pabalik dun sa may limang bahay na nasunog nung nakaraang araw.
Sigurado kasi kami na nandun si Zero kasi kasama siya sa mga tumutulong dun sa mga Anatasian na nawalan ng tirahan.
Napatigil nalang kami sa part ng Anatasia na walang katao-tao at bigla nalang akong nakaramdam ng kaba na para bang may tumitingin samin.
"It's been awhile Chosen One" napalingon nalang kami ni Jessica sa may likuran namin at may nakita naman kami na isang babae na nakahood na siyang kumakausap samin.
Pero ayon sa pagkakatanda ko ay ang boses na yun ay boses ni Melissa kaya bigla nalang akong kinabahan kaya agad kong inihanda yung espada ko.
Napalingon naman ako sa relo ko at napansin ko na 11:50 palang pala ng tanghali, pagkatapos nun ay bumalik na ulit yung tingin ko kay Melissa.
"Magpakilala ka samin" sigaw ni Jessica kay Melissa kaya natawa nalang siya samin.
Agad namang ibinaba ni Melissa yung Hood niya at napansin ko na kulay Violet yung mga mata niya pero ang nakakapagtaka ay yung star symbol sa may gitnang bahagi ng noo niya na kulay violet din.
"Oh James, ikaw pala, tagal din nating hindi nakapag-usap ah" napalingon kami ni Jessica sa kanan namin at napansin namin na andun na naman yung tatlong nakahood na kasama ni Melissa.
"Teka?! Parang pamilyar ang boses mo, ikaw si--" natigil nalang si Jessica sa pagsasalita ng ibinaba ng isang lalaki yung hood niya at nagulat ako sa nakita ko.
"Andrew?" Bulong ko sa sarili ko sabay napatawa nalang siya dahil sa pagkagulat namin ni Jessica.
"Salamat nga pala sa mga impormasyon na binigay niyo sakin nung nakaraang araw ah" pang-aasar samin ni Andrew at sabay bumalik na yung tingin namin kay Melissa.
"Ang laki mo na pala Jessica, hindi ko inakala na Jessica ang ibibigay sayo na pangalan ng Ama mo" nagulat ulit si Jessica sa mga sinabi ni Melissa samin kaya napaisip na naman ako habang mahigpit lang ang pagkakahawak ko sa espada ko.
"Kilala mo ang tatay ko? Anong pangalan niya?" Napangiti nalang si Melissa sa mga tanong ni Jessica.
"Hindi mo na kailangang alamin pa, dahil matagal na siyang patay!" Pasigaw na sinabi ni Melissa kaya napansin ko na napaiyak nalang si Jessica at may halong galit mula sa mga mata niya.
Napansin ko naman na nagkulay Blue yung palad niya kaya ibig sabihin ba nun ay nasa ikaapat na siya na stage ng isang Elementalist, grabe ang galing naman niya.
"Sa wakas, nagkulay asul na din ang elemento mo, pwede na kitang pakinabangan dahil medyo malakas ka na ipagkumpara dati" pangiti saming sinabi ni Melissa kaya nagtaka naman si Jessica.
"Anong ibig mong --" naputol nalang yung sasabihin ni Jessica ng hinarap ni Melissa yung palad niya sa kanya at napansin ko naman na natahimik si Jessica.
"Anong ginagawa mo sa kanya?!!" Pagalit kong sinabi sa kanya at mabilis akong lumapit kay Melissa para pigilan yung ginagawa niya kay Jessica, pero agad naman akong napigilan ni Andrew gamit ang apoy na elemento niya.
Tumalsik nalang ako dahil sa lakas ng impact nung apoy na na-summon ni Andrew at napansin ko na nasunog yung kanang balikat ko kaya hindi ko na mahawakan ng ayos yung espada ko.
"Embrace the power of Void!" Sinigaw ni Melissa sabay pagkatapos nun ay natumba nalang bigla si Jessica.
Halos hindi na ako makabangon dahil sa mga nasunog na part sa katawan ko kaya wala na akong nagawa.
Napansin ko naman na bumangon na si Jessica at sabay lumapit siya sakin at sabay ngumiti.
"Paalam na mahal ko," napangiti nalang siya sa harapan ko at sabay itinapat niya yung palad niya sakin.
Napalingon nalang ako kila Andrew at Melissa at pagkatapos nun ay napapikit nalang ako nung umilaw na yung palad ni Jessica.
"Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?" tanong ko nalang sa sarili ko at napaluha na din ako habang iniisip ko sila Mama at Papa.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top