Chapter 10 : Crisis
"Hindi kami ang kalaban mo Enzo" seryoso kong sinabi sa kanya at napangiti lang si Enzo sa sinabi ko.
Bigla nalang nag-summon si Enzo ng isang malaking apoy na siya namang ginamit para pabagsakin ako pero nagulat naman ako ng napigilan ito ni Nicole gamit ang elemento niya.
"Pano natin siya tatalunin?" Tanong naman sakin ni Jessica habang si Nicole naman ay pinipigilan lang ang apoy ni Enzo na papunta samin.
Sinabayan naman ni Enzo ng hangin yung apoy niya kaya naging bato naman ang mga tubig na na-summon ni Nicole.
Agad naman na pinatalsik ni Max yung bato na yun papunta kay Enzo pero agad naman siyang nakailag.
"Nice try Max" pangiti niyang sinabi kay Max kaya nakaramdam naman kami ng takot dahil magaling siya sa pakikipaglaban gamit ang elemento niya.
"Alam niya ang lahat ng kahinaan ng elemento namin, papano natin siya matatalo?" Tanong sakin ni Jessica habang halata naman sa mga mukha namin ang pagkakaba.
Agad naman na sumugod si Sci papunta kay Enzo pero napigilan agad siya ng mga bato na kinontrol ni Enzo kaya tumalsik naman siya pabalik samin.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko naman kay Sci at napansin ko naman na nawalan na siya ng malay dahil dun sa nangyari sa kanya.
"Papano ba yan, tatlo nalang kayong lalaban sakin, kahit pagsabay-sabayin ko pa kayong pabagsakin" pangiti saming sinabi ni Enzo kaya nagalit naman kami sa kanya.
Agad ko namang nilabas yung espada mula sa likod ko at hinanda na din ni Max yung pistol niya habang si Nicole naman ay nawalan na din ng malay dahil sa sugat niya sa binti.
" Sa tingin niyo ba ay kaya akong pabagsakin niyang mga laruan na hawak niyo?" Pangiti niyang sinabi samin kaya naghanda naman kaming tatlo para sumalakay sa kanya.
Susugod na sana kami papunta kay Enzo pero napatigil kami sa isang iglap dahil nakita namin na bigla nalang bumagsak si Enzo sa lupa at nakita naman namin si Zero na nasa likuran niya na.
"Pano mo nagawa yun, ang bilis mo!" Seryoso namang tinanong ni Max kay Zero habang si Zero naman ay nakatingin lang kay Enzo.
"Teka?! Patay na ba siya?" Tanong ko kay Zero kaya napalingon siya sakin ng paseryoso.
"No, he's not dead" paseryoso niyang sinabi sakin kaya agad naman kaming lumapit kay Enzo.
"Who said that these weapons can't beat you, you need to know them well" pangiti namang sinabi ni Zero kay Enzo habang nakahawak siya sa Espada niya, pagkatapos niyang sabihin yun ay nawalan na din ng malay si Enzo.
Napansin ko naman na nakatingin lang si Zero kay Enzo habang malalim ang kanyang iniisip.
At nakita ko naman si Jessica na isinuot niya yung dilaw na bracelet dun kay Nicole at nagulat nalang ako ng bigla nalang nawala yung sugat niya sa binti kaya agad naman siyang nagkamalay.
Napayakap naman si Max kay Nicole pero matapos yun ay binatukan siya ni Nicole kaya natawa naman ako.
"Alam ko na yang galawan mo Max, dumidiskarte ka na naman sakin" sigaw naman ni Nicole kay Max kaya napaatras naman si Max.
Napansin ko naman na lumapit din si Jessica dun kay Sci at isinuot niya din yung dilaw na bracelet at hindi naman ako nagtaka ng bigla nalang nagkamalay si Sci.
"Yang bracelet pala na dinala mo ay nakakapag-pagaling ng kahit sino" pangiti kong sinabi kay Jessica kaya tumingin naman siya sakin at sabay ngumiti.
"Oo, naisipan ko kasi na dalhin 'to kaysa sa isang armas,hindi din kasi ako magaling sa paggamit ng mga armas kaya mas pinili ko na ito nalang ang dalhin." Nasiyahan naman ako sa sinabi ni Jessica habang siya naman ay nakaturo lang sa bracelet na isinuot niya kay Sci.
"Pero lima lang ang kaya nitong pagalingin kada isang taon, kaya maaaring tatlo nalang ang mapapagaling nitong bracelet." Paseryoso niyang sinabi sakin habang si Sci naman ay napatayo na mula sa pagkakaupo.
"Ibigsabihin nun ay kailangan na nating mag-ingat sa mga susunod na labanan" seryoso saming sinabi ni Sci at sumang-ayon naman ako sa kanya.
"Bumalik na tayo dun sa tirahan ko, kailangan nating makapagpahinga at malalim na rin ang gabi" pangiti saming sinabi ni Sci kaya agad naman kaming sumunod sa kanya pabalik sa Bahay niya sa Anatasia.
Nung nakabalik na kami ay pinahiga naman ni Zero si Enzo dun sa may kama ni Sci kaya nagulat naman kami sa ginawa niya.
"Bakit mo siya isinama dito, kalaban na natin siya" paalala naman ni Nicole kay Zero kaya naging seryoso yung expression ni Zero.
"He's not an enemy" paseryoso namang sinabi ni Zero saaming lahat kaya napalingon naman kami sa kanya pati na din kay Enzo.
Wala naman kaming nagawa kundi hayaan nalang si Zero na bantayan si Enzo dun sa loob ng kwarto kaya ang nangyari samin ay--.
"Ano? tabi-tabi tayong matutulog?!" Pagulat naman na tanong ni Nicole saming apat.
"Akala ko ba gusto mo kaming katabi, pero bakit parang nagbago na ang isip mo Nicole" pangiti namang sinabi ni Max sa kanya kaya medyo naasar naman si Nicole.
"Ano kasi... Baka mangyari kasi yung sinabi mo kanina lang" paseryoso niyang sinabi kay Max habang kami naman ni Sci ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Na ano?.. na baka may mahawakan kami na--"naputol nalang bigla yung sasabihin ni Max ng bigla siyang binatukan ng malakas ni Nicole.
"Huwag mo ng ituloy yang sasabihin mo Max, tsaka bakit dinamay mo pa sila James sa kalokohan mo, ikaw lang yung may ugaling ganyan!!" Pagalit na sinabi ni Nicole kay Max kaya medyo natakot naman kami kay Nicole.
Pero pagkatapos nun ay hindi naman namin napigilang hindi matawa dahil sa kanilang dalawa.
Bigla naman akong napatingin sa relo ko at napansin ko na mga 9:00 na din pala, kaya niyaya ko na silang matulog sa may lapag.
Wala naman silang nagawa kundi sumunod nalang sakin dahil malalim na din ang gabi kaya kailangan na naming magpahinga.
Makalipas ang ilang oras ay nag-umaga na din sa wakas kaya agad naman akong nagising.
Pagbangon ko mula sa pagkakahiga ay napansin ko naman na tulog pa din silang apat at natawa nalang ako ng nakita ko na magkayakap si Nicole at si Max.
Sigurado ako na makakatikim na naman si Max ng galit ni Nicole kapag nalaman ni Nicole na magkayakap sila ngayong umaga.
Napansin ko naman na nagising na din si Jessica kaya naisipan naman namin na pumunta dun sa kwarto ni Sci kung saan naroroon si Enzo at si Zero.
Pagpasok namin doon sa loob ng kwarto ay nakita naman namin si Zero na nakatayo lang sa harapan ni Enzo habang si Enzo naman ay mukhang natutulog pa din hanggang ngayon.
"Zero, bakit nga ba natin siya isinama dito, hindi ba ay isa din siyang traydor" malungkot naman na sinabi ni Jessica kay Zero kaya napalingon samin si Zero.
"He's not a traitor, someone is controlling his mind." Paseryoso niyang sinabi samin kaya nagulat naman kami sa sinabi niya.
"But I'm not so sure who did that to him, and what did they used to be able to control him" dagdag ni Zero sa mga sinabi niya kaya napaisip naman kami ni Jessica.
"I need all of you to investigate who is behind this crisis " seryoso niyang sinabi samin habang napatingin naman siya sa ibaba.
"Makakaasa po kayo na makakahanap kami ng impormasyon tungkol dun sa identity ng gumawa niyan kay Enzo" paseryoso namang sinabi ni Jessica kay Zero kaya napangiti naman si Zero dahil sa sinabi niya.
"Don't worry about Rebecca, I'll find her before the sun sets." Pangiti niyang sinabi samin at nagpaalam na din siya para umalis.
Nung nakaalis na si Zero ay napaupo naman kami sa gilid ng kama kung saan nakahiga si Enzo.
"May alam ka ba na Elemento na kayang kumontrol ng isang isipan ng tao?" Tanong ko kay Jessica kaya napatingin siya sakin.
"Wala eh, nabasa ko na ang lahat ng kayang gawin ng ibat-ibang elemento sa bawat libro dun sa Academy. Pero wala naman akong nabasa tungkol dun sa sinabi ni Zero na kayang makakontrol ng isipan ng tao" seryoso niyang sinabi sakin kaya napatingin nalang kami kay Enzo na hanggang ngayon ay natutulog pa din.
"Kung sakaling nagkamali si Zero sa sinabi at totoo nga na isa na si Enzo sa mga kaaway natin ay papaslangin ko siya kahit masakit sa kalooban nating lahat, bago pa siya makapanakit ulit" malungkot naman na sinabi ni Jessica sakin habang nakatingin lang siya kay Enzo.
Bigla nalang naputol yung usapan namin ng bigla nalang kaming nakarinig na pagsigaw ni Nicole.
Sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan kung bakit sumisigaw si Nicole dun sa may sala, dahil yun sa--
"Ang lakas talaga ng loob mo na yakapin ako habang natutulog!" Pasigaw naman na sinabi ni Nicole kay Max habang si Sci naman ay nagising na din dahil sa ingay na gawa ni Nicole.
"Hindi lang naman ako ang nakayakap ah, pati din naman ikaw ay nakayakap sakin habang natutulog tayo" pangiti namang sinabi ni Max kay Nicole pero napansin ko naman na nagagalit pa din siya kay Max.
Totoo naman talaga yung sinasabi ni Max eh, kung titingnan mo kanina ay parang gusto naman nilang dalawa na magkayakap habang tulog sila.
"Hindi yun totoo James, bakit ko naman magugustuhan na magpayakap diyan kay Max" paseryoso niyang sinabi sakin kaya nagulat naman ako, nabasa niya na naman yung iniisip ko.
"Kung hindi mo pala gusto na yakapin siya, bakit ka nagpayakap sa kanya nung time na natatakot ka dun sa nangyaring pagpatay sa Academy?" Pangiti namang sinabi ni Jessica kay Nicole kaya lumipat ang tingin niya kay Jessica.
Wala na namang nasabi si Nicole at napangiti nalang siya kasi totoo naman na nagpayakap talaga siya nung mga oras na yun dun sa Academy.
"Tama na ang usapang ito, kailangan na nating umalis para mag imbestiga kung totoo nga ang tungkol dun sa sinasabi ni Zero kanina lang" paseryoso ko namang sinabi sa kanila kaya nagulat naman sila sa sinabi ko.
Nakita ko naman na hindi nagulat si Nicole kasi alam ko na nabasa niya na ang lahat ng iniisip namin simula nung nakarating kami dun sa kanila.
"Ikaw nalang ang mag paliwanag sa kanila Nicole tungkol dun sa mga nalaman mo sa isipan namin" pangiti namang sinabi ni Jessica kay Nicole kaya napangiti din naman si Nicole.
Pagkatapos naman naming mag-ayos ng mga gamit ay agad na din kaming lumabas ng Bahay ni Sci para makapaghanap na kami ng impormasyon tungkol dun sa tao na posibleng kumontrol kay Enzo.
"Totoo nga kaya na may kumokontrol kay Enzo kagabi, pero sino naman kaya yun?" Tanong sakin ni Sci habang naglalakad kami papunta sa Black Market at napansin ko naman na pinag-uusapan na nila Nicole ang tungkol dun sa mga nangyari kagabi.
"Hindi nga din ako sigurado kung totoo yun eh," pangiti kong sinabi kay Sci kaya napaisip naman siya.
"Sa tagal ko ng naninirahan dito sa Anatasia ay ngayon lang ako nakarinig ng tungkol sa isang elementalist na nagawang makontrol ng isang misteryosong tao." Paseryoso namang sinabi ni Sci sakin kaya napaisip naman ako at napansin ko naman na lumapit saamin si Jessica.
"James mas mabuti siguro kung maghihiwa-hiwalay tayo sa paghahanap ng mga impormasyon para mas mapabilis ang pagtatanong natin sa bawat tao na narito sa Anatasia" seryoso namang sinabi ni Jessica kaya napalingon kami sa kanya at napatigil kaming lahat sa paglalakad.
"Sige, dun kami ni Max sa may bandang kanluran ng Anatasia" pangiti saking sinabi ni Nicole at sumang-ayon naman si Max sa kagustuhan niya.
"Kaming tatlo na ang bahala dun sa may silangang bahagi ng Anatasia" seryoso namang sinabi ni Sci at nagpaalam na kami sa kanilang dalawa para makapagsimula na kami sa pagtatanong.
Nung habang nagtatanong kami nila Sci at Jessica dun sa mga tao na nakakasalamuha namin ay nakasalubong naman namin si Andrew sa may papuntang Black Market.
"Kayo pala, kamusta naman ang una niyong gabi dito sa Anatasia, may narinig ako na pagsabog kagabi kaya nag-alala ako na baka may nangyari sa inyo" sabi samin ni Andrew kaya napatingin naman kami sa kanya.
"Nakalaban namin kagabi yung mga nagnakaw at napatunayan namin na mga taga-Fallen nga ang nagnakaw ng mga armas dahil si Henry ang aming nakaharap, at siya ang kinikilala na pinuno ng mga Fallen" seryoso namang sinabi ni Jessica sa kanya kaya medyo nag-alala naman si Andrew para samin.
"Ah ganun ba, buti naman at hindi kayo napahamak, teka nasaan na yung iba niyong kasama?" Tanong naman ni Andrew kaya napatingin ulit kami sa kanya.
"Dun sila pumunta at naghanap ng impormasyon sa may kanlurang bahagi ng Village" paseryoso namang sinabi ni Sci sa kanya at pagkatapos naming mag-usap ay agad na kaming nagpatuloy sa paglalakad habang si Andrew naman ay pumunta na kung saan matatagpuan yung Black Market.
Napalingon naman ako sa relo ko at napansin ko na mga 11:00 na din pala ng tanghali, at kakaunti palang ang tao na napagtatanungan namin.
Makalipas naman ang ilang oras na pagtatanong namin sa mga tao tungkol dun sa mga nalalaman nila ay bigla naman kaming nakarinig ng isa na namang pagsabog.
"Sa tingin ko dun sa Black Market nangyari ang pagsabog" seryoso saming sinabi ni Sci kaya agad naman kaming tumakbo papunta dun para tingnan kung anong nangyari.
Napatigil nalang kami sa pagtakbo at nakaramdam kami ng matinding takot ng nakita namin na nasusunog na yung buong Black Market.
Makalipas ang halos isang minuto na katahimikan ay bigla naman kaming napatingin sa isa't-isa.
"Walang nakaligtas na Anatasian sa loob ng Black Market" paseryoso saming sinabi ni Sci kaya natahimik kami.
Grabe walang nakaligtas, ibigsabihin ba nun ay ganun kabilis ang pangyayari, wala man lang nakaligtas kahit na isa sa loob ng Black Market.
"Wala na si Andrew, kasama siya sa mga namatay sa loob, hindi ko aakalain na yun na yung huli naming pag-uusap" malungkot na sinabi ni Sci samin kaya napatingin nalang kami sa ibaba at napaisip kami ng malalim.
Sino kaya ang may gawa nitong mga pagsabog dito sa Anatasia. Dapat niyang pagbayaran ang lahat ng ito.
Hindi naman nagtagal ay dumating na din sila Max at nakita ko naman na natakot din sila dahil sa nangyaring pagsabog.
Napaiyak nalang bigla si Nicole habang nakayakap lang siya kay Max.
"Bakit nangyayari ang lahat ng ito?" Paiyak na sinabi ni Nicole samin kaya agad naman kaming lumapit sa kanya para mapakalma namin siya.
"Maaaring mga taga Fallen din ang may gawa nitong mga pagpapasabog sa mga lugar ng Anatasia." Paseryoso saming sinabi ni Sci habang nakita ko naman sa expression niya na lubos ang pagkagalit niya sa mga taga Fallen.
Pagkatapos nun ay nakarinig na naman kami ng sunod-sunod na pagsabog dun sa Anatasia. At nung pinuntahan namin yung pinang-gagalingan ng makapal na usok ay tumambad naman samin ang tatlong bahay na nasusunog.
Napansin ko naman na dumating na din si Zero at napalingon siya sa tatlong bahay na nasusunog dahil sa matinding pagsabog.
"How can they do this to us?" Tanong ni Zero sa sarili niya habang kami naman ay walang imik dahil sa mga nangyayari ngayon.
"We need to act fast, because if we didn't, then it will be the end of our lives, so don't waste our time, we need to keep going" paseryoso saming sinabi ni Zero kaya nabuhayan naman kami ng loob na ipagpatuloy ang paghahanap kung sino talaga ang may gawa ng lahat ng ito.
Umalis na kaagad si Zero habang kami naman nila Nicole ay naghiwalay na ulit ng pupuntahan para mas mapadali nalang ang pagtatanong sa mga tao dito.
Makalipas naman ang ilang minuto ay napag-pasyahan din namin nila Jessica at Sci na maghiwa-hiwalay para mas mapabilis ang paghahanap ng impormasyon.
Nung nakapagtanong na ako sa humigit sampung tao ay naisipan ko namang magpahinga sandali dahil kanina pa ako lakad ng lakad dito sa Anatasia.
Bigla naman akong napalingon sa may likuran ko ng may kumalabit sakin at isang Babae naman ang nakita ko.
"Ano pang ginagawa mo dito?, hindi ba't mapanganib dito sa labas lalo na't umaatake na naman yung mga taga Fallen" paseryoso namang sinabi ng babae sakin kaya nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Bakit parang alam niya ang lahat ng nangyayari dito sa Anatasia at bakit alam niya na taga Fallen nga ang umatake dito sa Anatasia.
Bigla ko namang naisipan na baka nabalitaan niya lang ang mga impormasyon na yun sa ibang taga Anatasian, kaya pagkatapos nun ay hindi na ako nag-isip pa ng kung ano-ano.
"Ano kasi, isa kasi ako sa mga ipinadala dito galing sa Academy para tumulong dito sa Anatasia." Pangiti kong sinabi sa kanya kaya ngumiti din naman siya.
"Ah ganun ba, ako pala si Erika, and your are-?" Tanong niya sakin kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng daan.
"Ako pala si James, Nice to meet you" pangiti kong sinabi sa kanya.
"Ano ba ang pwede kong maitulong sayo para dito sa Anatasia?" Pangiti niyang tinanong sakin kaya napaisip naman ako.
"Pwede mo kong samahan at tulungan sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol dun sa totoong identity ng mga kinikilalang Fallen Assassins." Napaisip naman siya ng sinabi ko sa kanya yun at sabay tumingin siya ulit sakin.
"Sige ba, gusto ko talagang makatulong sa inyo, tsaka para matigil na din 'tong problema namin sa Anatasia" pangiti niya saking sinabi kaya pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa pagtatanong sa mga tao dun sa Anatasia.
Napatingin naman ako sa relo ko ng mga oras na yun at napansin ko naman na 1:32 na din pala ng hapon, ang tagal ko din palang nagpahinga.
Hindi naman nagtagal ay nakasalubong namin sila Max at Jessica sa may daan kaya napatigil kami sa paglalakad ni Erika.
"Ikaw pala yan Erika, anong ginagawa mo dito at bakit magkasama kayo ni James?" Pangiti namang tinanong ni Sci kay Erika habang si Jessica naman ay malalim ang kanyang iniisip.
Naisipan ko naman na kausapin si Jessica ng time na yun kasi gusto ko ding malaman kung may nahanap silang impormasyon.
"May nahanap na ba kayong impormasyon?" Tanong ko kay Jessica kaya napalingon siya sakin at sabay ngumiti.
"Wala kami masyadong nahanap na impormasyon, pero isa lang ang napansin ko, sa sobrang lakas kasi ng apoy dun sa Black Market ay halos kalansay nalang ng mga tao ang natira pagkatapos ng sunog, at ang naisip ko ay posibleng may nakaligtas dun sa Pagsabog." Seryoso niya namang sinabi sakin kaya napaisip naman ako habang si Sci at si Erika naman ay nag-uusap pa din hanggang ngayon.
"Sa tingin ko ang nagpasabog dun sa Black Market ay isang Anatasian at hindi taga Fallen, pero kasanib siya ng mga taga Fallen." Seryoso kong sinabi sa kanya kaya napaisip na naman siya tungkol dun.
"Siguro, pero hindi natin masasabi kung wala tayong sapat na patunay kung totoo nga yung sinasabi mo" sabi niya sakin at pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Napatingin nalang ako sa relo ko at napansin ko naman na 1:50 na din ng hapon kaya naisipan naman namin na bumalik muna dun sa bahay ni Sci para makapagpahinga.
Nung papunta na kami sa bahay ni Sci ay bigla kaming napatigil sa paglalakad ng nakita namin na may kasamang babae si Zero.
"Si Rebecca ba yun?" Pangiting tinanong ni Nicole samin kaya napatingin naman kami dun sa babae na kasama ni Zero.
"Oo siya nga yun!" Masaya naman na isinigaw ni Max kaya napalingon naman sila Rebecca samin habang kami ay agad ng lumapit sa kanila.
"Masaya ako at ligtas ka Rebecca" masayang sinabi ni Sci sa kanya at napayakap nalang siya kay Rebecca.
"Papano mo siya iniligtas, Zero?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin ng seryoso.
"I didn't save her, someone did it for me" pangiti namang sinabi ni Zero sakin kaya napaisip naman ako sa sinabi niya.
Sino naman kaya ang tinutukoy niya na tumulong sa kanya para mailigtas si Rebecca, naisipan ko namang itanong kay Zero ang tungkol dun pero ayaw niya namang sabihin kung sino talaga yun.
Pero siguro hindi ko na kailangang malaman yun basta ang importante sa ngayon ay ligtas na si Rebecca.
Teka! Ano na palang nangyari kay Enzo?, bumalik na kaya siya sa dati.
Naisipan ko naman na puntahan si Enzo dun sa may kwarto ni Sci at agad namang sumunod si Jessica sakin.
Pagkarating naman namin dun sa loob ng kwarto ni Sci ay napansin agad namin na kakagising palang pala ni Enzo at sabay napatingin siya samin nung pagpasok namin dun sa loob.
"Okay ka na ba Enzo?" Pakaba kong tinanong sa kanya habang si Jessica naman ay nakapuwesto lang sa may likuran ko.
"Okay na ko James, alam ko na may nagawa akong masama kaya ganyan ngayon ang tingin niyo sakin, pero hindi ako ang may gawa nun" seryoso niyang sinabi samin kaya agad naman kaming lumapit sa kanya.
"Ano bang nangyari? Bakit parang may kumokontrol sayo kagabi?" Tanong naman ni Jessica sa kanya kaya napatingin si Enzo sa may ibaba.
"Ang naaalala ko lang ay napatalsik kami sa lakas ng kapangyarihan ni Henry at pagkatapos nun ay nawalan na kami ng malay ni Rebecca." Paseryoso niyang sinabi samin kaya napaisip naman kami.
"Ano pang nangyari?" Agad ko namang tinanong sa kanya kaya napatingin siya sakin.
"Sabay nung nagising ako ay nasa isa na akong kwarto na napakadilim. At may narinig ako na boses ng isang babae at parang familiar sakin ang boses niya, pero hindi ko na maalala kung kailan ko huling narinig yung boses niya"sabi samin ni Enzo kaya napaisip naman ako ng malalim tungkol dun sa mga sinabi niya.
" May sinabi sakin yung babae na parang spell, tapos may nakita nalang ako na umilaw sa harapan ko, kulay violet yung liwanag niya tapos dun na ulit ako nawalan ng malay" dagdag niya samin kaya napalingon kami ni Jessica sa kanya.
"Hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari pagkatapos kong masilayan yung liwanag na yun" sabi niya samin kaya natahimik naman kami dun sa loob ng kwarto.
"James! May nangyari na namang pagsabog dun sa may silangang bahagi ng Anatasia at ayon sa isang Anatasian, limang bahay ang nasusunog dun" napalingon nalang kami ni Jessica dun kay Max ng sinabi niya yun.
Agad na kaming pumunta dun sa sinasabing lugar ng pinagsabugan at tumambad nga samin ang limang bahay na halos maging abo na sa sobrang lakas ng apoy.
Nakita ko naman na napaiyak si Erika dahil dun sa nakita niya habang sila Max naman ay nabalot sa matinding pagkatakot.
Tumagal din ng ilang oras ang sunog, buti nalang at walang namatay dun sa pagsabog.
Napatingin naman ako sa relo ko at tsaka ko lang nalaman na 5:00 na din pala ng hapon.
Bigla naman akong napaisip ng malalim, bakit nangyayari ang lahat ng ito, hindi ko man lang magawang pigilan yung mga gumagawa nito. Ni-hindi man lang ako makatulong kila Zero. Bakit pa ako naging chosen One kung wala naman akong magawa para mailigtas sila sa kapahamakan.
"Don't blame yourself James, it's not your fault" napalingon nalang ako kay Zero ng sinabi niya sakin yun.
"Tama si Zero, huwag mo sisihin yang sarili mo, hindi mo naman kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to" pangiti saking sinabi ni Nicole na sa tingin ko ay nabasa niya din yung iniisip ko.
Napansin ko naman na umalis na pala si Erika habang sila Max naman ay gusto ng bumalik dun sa bahay ni Sci.
"Malapit ng mag-gabi, bumalik na kayo sa tahanan ni Sci, at magpahinga na muna kayo." Napatingin nalang kami kay Enzo ng sinabi niya yun.
" Kami munang tatlo nila Zero ang magbabantay sa Anatasia ngayong gabi, para masiguro natin na wala ng mangyayaring pagsabog." Seryoso saming sinabi ni Rebecca kaya wala naman kaming nagawa kundi sumunod nalang sa kanila.
Bumalik na kaming lahat maliban lang kila Rebecca, Enzo, at Zero.
Bigla naman akong napaisip tungkol dun sa sinabi ni Zero kanina.
Sino kaya ang tumulong sa kanya na mailigtas si Rebecca, gusto ko talagang malaman kung sino yun.
"Saan pala tayo kakain?" Napatingin nalang kami kay Max ng sinabi niya yun at nakita ko naman na parang naasar ng konti si Nicole sa kanya.
"Ikaw talaga, ang dami na ngang nangyayari dito sa Anatasia tapos puro pagkain pa din ang nasa isip mo" pasigaw na sinabi ni Nicole kay Max kaya natawa naman ako sa kanila.
"May point si Max, saan nga ba tayo kakain?" Tanong samin ni Jessica kaya napangiti naman si Max.
"Ako ng bahala sa kakainin natin, mauna na kayo, ako nalang ang bibili ng makakain natin" Nasiyahan sila Max sa sinabi ni Sci habang si Jessica naman ay parang ang lalim ng iniisip.
"Samahan na kita, sigurado ako na marami kang bubuhatin, mas mabuti na may tutulong sayo" pangiti kong sinabi sa kanya at pumayag naman siya na sumama ako.
Pagkatapos ang lahat ng usapan namin ay naghiwalay na kami ng pupuntahan nila Max.
Ang sabi kasi ni Sci ay dun daw matatagpuan sa Kanluran yung Kainan habang yung bahay niya naman ay matatagpuan sa silangan ng Anatasia.
Makalipas ang ilang minuto naming paglalakad ay napatigil naman kami sa isang sandali dahil nakasalubong namin si Erika.
"Saan kayo pupunta?" Masaya niyang tinanong samin kaya napatingin kaming dalawa sa kanya.
"Bibili lang kami ng makakain namin dun sa kanluran ng Anatasia" sagot ni Sci sa kanya at napansin ko naman na natuwa si Erika samin kaya napag-pasyahan niya na sumama.
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad at nakaramdam naman ako ng katahimikan ng napansin ko na hindi man lang nagsasalita sila Erika.
Napansin ko naman na parang kami lang yung nasa labas ng mga oras na yun kaya kinabahan ako.
"Okay ka lang ba James?" Napatingin nalang ako kay Erika ng tinanong niya sakin yun.
"Syempre naman" pangiti kong sinabi sa kanya kaya ngumiti din siya.
Hindi naman nagtagal ay sa wakas nakarating na din kami dun sa kainan na sinasabi ni Sci.
Napalingon nalang ako bigla sa relo ko at napansin ko na 6:20 na pala ng gabi tsaka ko lang na-realize na madilim na pala.
"Dito nalang kayo mag-antay sa labas, ako nalang ang papasok para mas mapadali ang pagbili ko ng kakainin natin, marami na kasing tao sa loob" pangiti saming sinabi ni Sci kaya sumang-ayon kami sa kanya.
Nung pumasok na si Sci dun sa loob ay bigla na naman akong nakaramdam ng katahimikan at napansin ko si Erika na hindi mapakali na para bang kinakabahan siya.
Makalipas ang ilang segundo ay tumakbo nalang siya bigla kaya hinabol ko naman siya.
"Saan tayo papunta?" Tanong ko sa kanya pero wala naman siyang sinagot sakin kaya bigla na naman akong kinabahan.
Napansin ko naman na papunta na kami dun sa may gubat na medyo malayo sa Anatasia. Napahinto nalang kami bigla sa pagtakbo ni Erika at napansin ko naman na parang may hinahanap si Erika sa paligid.
Nagulat ako ng bigla nalang may lumabas na tatlong nakahood dun sa harapan namin at may nagsalita nalang na babae pero hindi siya nagpapakita samin.
"Ikaw pala yan anak, bakit ka naparito?" Tanong ng babae kay Erika at napansin ko naman na parang nagalit si Erika sa sinabi niya.
"Huwag mo akong matawag na anak, dahil hindi na kita itinuturing na ina" pasigaw na sinabi ni Erika habang yung tatlong nakahood naman ay nakatayo lang sa harapan namin.
Hindi naman nagtagal ay nagpakita na samin yung babae na posibleng ina ni Erika, pero hindi ko siya makilala dahil nakahood din siya at tanging bibig niya lang ang nakikita namin, kaya ko nalaman na babae yun kasi nakalugay yung buhok niya.
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?" Tanong ni Erika dun sa babae kaya napangiti naman ito saamin.
"Hindi mo talaga ako naiintindihan anak, mga taksil ang lahat ng elementalist, niloko nila akong lahat lalo na yung pinuno nila na si Raymond, buti na nga lang at napatay na siya ni Henry." Pangiting sinabi ng babae samin kaya napansin ko na mas lalong nagalit si Erika sa kanya.
"Pero kung ayaw mo talagang umanib samin, mas mabuti siguro kung papatayin ko na kayong dalawa" pangiti niyang sinabi samin at sabay hinarap niya samin yung palad niya.
Napayakap naman ng mahigpit si Erika sakin kaya kinabahan ako sa susunod na mangyayari.
Napansin ko naman na nagkulay Violet yung palad niya kaya napaisip ako na may halong pagkatakot.
Pero bago pa kami matamaan ng malakas na kapangyarihan ng babae ay nagulat nalang ako ng bigla nalang kaming naglaho.
Nagulat nalang ako ng malaman ko na nandun na kami ulit sa puwesto namin sa may labas ng kainan.
Napansin ko naman na nagkulay blue yung palad ni Erika pero agad niya naman itong itinago saakin.
"Anong nangyari? Pano--?" Naputol nalang yung sasabihin ko ng napatingin sakin si Erika.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sayo" pangiti niyang sinabi sakin na para bang nagbibiro lang siya.
"Tama nga ang hinala ko, si Ina ang may gawa nito" pabulong niyang sinabi sakin kaya napaisip ako.
"Ano bang meron sa kanya?" Seryoso kong tinanong sa kanya kaya napatingin siya sakin.
"Siya si Melissa, ang aking Magulang na kayang kumontrol ng Void element" napaisip naman ako sa sinabi niya.
Void? Pero hindi naman yun nabanggit sa libro dun sa may Library. Pero teka?! Void element kaya yung Faded dun sa may libro. Hindi ko alam pero sa tingin ko malakas ang elemento na tinatawag nilang --.
"Void"
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top