Chapter 1: Weird Days
Isa na namang bagong araw ang aking tatahakin bilang isang mag aaral ng Grade 12, ako nga pala si James at kilala ako sa klase bilang isa sa mga madalas na nalalate sa klase. nakakahiya din kasi na maging late kasi pang hapon pa naman kami kaya walang rason para maging late, at kahit na pilit kong agahan ang pag alis ng bahay ay nalalate pa din ako sa klase, ewan ko ba kung anong meron sakin at bakit nangyayari ang lahat ng ito.
Pero simula ngayong araw na ito, sisiguraduhin ko talagang hindi na ako malalate sa klase kaya mga 7:00 palang ng umaga ay gumising na kaagad ako para mag-almusal at para maihanda ko na kaagad ang mga gamit ko para sa klase.
Nung pagkatapos naman naming kumain ni mama ay agad ko namang hinugasan ang lahat ng ginamit namin sa hapag kainan.
Pagkatapos naman nun ay agad naman akong naligo at nagbihis ng uniform, at bigla nalang akong napalingon sa relo ko at mga 9:45 na din pala kaya agad naman akong nag paalam kay mama na aalis nako at dumiretso muna ako sa bahay ni Arjay, siya nga pala ang isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan at alam ko naman na hindi malayong maging magkaibigan kami kasi magkaramay naman kami palagi sa pagiging late kaya hindi nga nakakapagtakang maging magkaibigan kami.
And just to let you know na mga 2 km ang layo ng school sa bahay naming dalawa ni Arjay at nilalakad lang namin yun araw-araw.
Hindi din naman kasi ganun kalayo yun para sumakay pa kami at tsaka para makatipid na din, alam mo naman ang buhay hindi natin masasabi na kung kailan natin kakailanganin ang pera.
Nung medyo malapit na kami sa school, bigla naman kaming napatigil ni Arjay dun sa may karinderya at bigla nlng akong nakaramdam ng matinding gutom.
Tsaka ko lang naalala na tanghali na pala at wala nga pala kaming tanghalian kaya napag-isipan namin ni Arjay na kumain muna dun.
Nung nakaupo na kami para kumain ay may napansin naman ako na isang lalaki na nakatingin lang samin kaya na curious ako sa lalaki na yun pero sinabi naman ni Arjay na huwag ko nalang pansinin yung lalaki na yun at nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng tanghalian.
Di naman nagtagal ay tapos na din kaming kumain habang ako naman ay sobrang nabusog sabay napalingon nalang ako sa relo ko at mga 11:34 na din pala, grabe ang tagal din naming nag stay dito sa karinderya.
Agad naman kaming umalis ni Arjay para ipagpatuloy yung paglalakad namin papuntang school at habang nasa paglalakad kami ay nagkaroon din kami ng mga magagandang pinag usapan at hindi na namin namalayan na nasa gate na pala kami ng school.
Medyo nabitin naman ako sa kwentuhan namin ni Arjay pero alam kong mas kailangan namin na pumasok na sa room habang wala pa si maam sa mga oras na yun.
Nung palapit na kami sa room ay dahan dahan naman kaming lumapit papunta sa pinto na para bang mga sundalo kami na sumasabak sa isang gera.
Sabay bigla nalang kami nagulat ng nakita namin si maam na nasa loob na ng room at sabay tumingin samin at ngumiti pa ito, alam ko na ang senyas ng pagtingin ni maam.
Ipapahiya niya na naman kami sa harap ng buong klase gaya nung mga nakaraang araw na nalate kami ni Arjay.
Nakalimutan ko palang ipakilala sa inyo si Maam Liza, siya lang naman yung teacher na magaling magturo sa math at siya din yung adviser namin na may pagka-malakas ang trip. Sa lakas nga ng trip niya ay hindi mo namamalayan na teacher mo pala ang kausap mo kasi kapag nakikipag usap siya samin, parang tropa lang namin siya.
"Oh andyan na pala kayo eh, okay class say good afternoon to your classmate" pangiting sinabi ni Maam sa lahat ng kaklase namin at sabay sabay naman silang nag- greet samin at medyo nakakahiya yun kasi parang pinapalabas talaga ni maam na lagi kaming late.
"Okay you may now take your seat" sabay sabi samin ni maam kaya wala naman kaming nagawa at umupo nalang kami ni Arjay..
Magkatabi kasi kami ni Arjay sa seatplan ni maam eh kaya kapag nakita niya na wala kaming dalawa matik na para kay ma'am yun na malalate kaming dalawa maliban nalang kung hindi talaga kami papasok ni Arjay.
Nung nakaupo na kaming dalawa ay agad naman akong napatingin sa relo ko at mga 12:15 na pala, grabe late kami ng 5 minutes.
Baket kaya ganun ang nangyayari samin kahit na pilit naming agahan ni Arjay ay lagi pa din kaming nalalate sa klase.
Matapos ang lahat ng iniisip ko ay bigla namang nagsimula sa pagtuturo si maam tungkol sa Algebraic Expressions na halos pasabugin na yung utak ko sa sobrang dami ng formula.
Makalipas ang isang oras na madugong pagso-solve sa math, nagpapasalamat ako at tapos na din ang lessons ni maam kaya nakahinga na ako ng maginhawa kasi sa totoo lang, hirap na hirap talaga ako sa mga tinuturo ni maam lalo na pagdating sa usapang Algebra.
Pero kahit ganun kahirap ang math ay buti naman at nakasabay ako sa mga kaklase ko kanina.
Makalipas ang ilang oras ay sa wakas 6:30 na din at uwian na, makakapag-pahinga na naman ako sa lahat ng mga ginawa namin sa buong hapon.
Paalis na dapat kami ng biglang nagpaalam si Arjay sakin na may kukunin lang siya sa Faculty ni Maam Liza kaya nag antay ako sa kanya sa may labas ng gate at tumagal din siya ng halos 8 minuto bago makabalik pero okay lang yun kasi thats what friends do. Kami lang ni Arjay ang nagtutulungan dito sa school kasi hindi din kami ganun ka friendly sa room.
Agad naman kaming lumabas ng school gate at nagsimula na sa paglalakad pauwi, napag usapan din namin ni Arjay na dun nalang kumain sa karinderya ng hapunan tutal ay may pera pa naman kaming natira at maglalakad lang din naman kami pauwi.
Pagkatapos naman naming kumain ay agad naman kaming umalis para makapaglakad na ulit pauwi.
Nung medyo malapit na kami sa bahay ni Arjay ay napatingin naman ako sa relo ko at mga 6:52 na din pala ng gabi, medyo binilisan na din namin ang paglalakad para makauwi na kaagad bago mag 7:00
Hindi naman nagtagal ay nakarating na din kami sa wakas sa mga tirahan namin at agad naman akong dumiretso sa kwarto ko sa may taas namin.
Meron pala kaming second floor pero hindi naman kami ganun kayaman gaya ng iniisip mo ngayon, simple lang kami mamuhay nila mama.
Nung nakarating na ako sa kwarto ko ay napatalon nalang ako sa kama ko na para bang ilang araw na akong hindi nakakahiga.
Sabay nung nakapagpahinga na ako ng mga isang oras ay agad ko namang binuksan yung bag ko at ginawa ko na kaagad ang lahat ng assignments ko kasi baka hindi ko na yun magawa bukas dahil maaga ulit akong aalis para lang makapasok ng maaga sa klase.
Nung makalipas yung ilang minuto at natapos ko na din sa wakas yung lahat ng assignments ko at sabay naman nun ay napalingon ako sa orasan sa kwarto ko at grabe mga 9:56 na din pala ng gabi, bigla naman akong nakaramdam ng antok kaya mabilis kong niligpit yung lahat ng gamit ko at pagkatapos nun ay humiga na agad ako sa kama para matulog.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog na din ako sa wakas, ang sarap na ng tulog ko ng bigla nalang may gumulo sa isipan ko at bigla nalang akong nagising ng hindi ko namamalayan at kahit na pilit kong matulog ay hindi na ako nakakaramdam ng antok.
Bigla naman akong ginanahan na tumingin sa may bintana para tingnan kung anong meron sa labas at bago yun ay napalingon naman ako sa orasan ko at mga 2:46 na pala ng madaling araw.
Nung pumunta na ako sa may bintana habang nagpapa antok ay bigla naman akong nagulat ng may nakita akong isang matandang lalaki na nakatayo sa may harap ng bahay namin at parang may inaantay siya.
Ang tahimik sa mga oras na yun at tanging mga dahon lang ng puno ang naririnig ko na nag iingay dahil sa malakas na simoy ng hangin.
Bigla naman akong nakaramdam ng matinding kaba ng bigla nalang tumingin sakin yung matandang lalaki mula sa labas.
Nung nangyari yun ay kaagad naman akong bumaba at dumiretso sa pintuan palabas, hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa yun eh pero parang kailangan kong kausapin yung lalaki na yun.
Binuksan ko naman kaagad yung pinto at lumabas ako, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa labas habang bigla naman akong napatingin sa matandang lalaki na dahan dahang lumapit sakin at ngumiti ito.
Nagtaka naman ako bigla at hindi ko na napigilang magtanong sa matandang lalaki na yun.
"Ano po bang ginagawa niyo dito?" Paseryoso kong tanong sa kanya pero may pag respeto pa din.
"I need you to find something" sagot naman sakin ng lalaki at parang naging seryoso siya.
"Ano naman po yung hahanapin ko?" Tanong ko naman agad sa kanya at sabay ngumiti ulit yung matandang lalaki.
"When the sun sets, the shadows will show you the path, and there you can find what I needed"
Sagot sakin ng matanda at bigla naman siyang ngumiti ng nakita niya sa mukha ko na hindi ko maintindihan yung pinapagawa niya sakin.
"Anong klaseng gamit po ba yung pinapahanap niyo sakin?" Diretso kong tanong sa kanya at halata sa mukha ng lalaki na masaya siya.
Ewan ko ba kung bakit masaya pa din siya sa mga oras na ito, ni hindi ko nga ma gets yung tinutukoy niya eh tapos masaya pa siya.
"You must find the Gemstone" sabi niya sakin habang mas lalong lumalamig sa labas ng bahay.
"Pasok po muna tayo sa bahay , lumalamig na po kasi dito" sabi ko sa lalaki pero tumanggi siya at naging seryoso ang tingin niya sakin kaya wala na akong nasabi pang iba kung di tumingin nalang din sa lalaki.
"You must find it as soon as possible" sabay tumalikod siya at naglakad palayo ng dahan dahan.
"Pero bakit po ako ang pinapahanap niyo nung gamit na yun?" Tanong ko naman kaagad sa lalaki kaya napahinto naman kaagad ito..
"Because Someone needs you" sabay dumiretso na siya paalis nung matapos niyang sabihin yun.
Wala naman akong nasabi pang iba at bigla nalang ako napaisip ng malalim habang pumasok ako ng bahay.
Ano kaya yung sinabi niya halos wala akong naintindihan kahit isa man lang, parang bugtong yung mga sinabi niya sakin, baka naman niloloko lang ako nun.
Agad naman akong tumakbo ng matahimik papunta sa kwarto ko sa may taas para matulog na ulit.
At nagpasalamat naman ako kay Lord at nakatulog na din ako sa wakas ng mahimbing.
Makalipas ang ilang oras ay nagising na din ako sa wakas at nung pagbangon ko sa kama ko mabilis naman agad akong lumingon sa orasan at mga 9:57 na pala malapit ng mag 10.
Mabilis ko namang niligpit yung pinagtulugan ko at dumiretso na kaagad ako sa pagligo at pagkatapos nun ay nagbihis na din kaagad ako at umalis na ng bahay.
Hindi na ako kumain sa bahay kasi napag usapan naman namin ni Arjay na kumain na lang sa may karinderya malapit sa school.
Buti nalang at ginawa ko na yung assignments ko kagabi kasi kung hindi ko pa tapos yun, hindi na ko aasang makakapasok ako ng maaga sa klase.
Pumunta na ako kaagad kila Arjay at nung malapit na ko sa kanila ay nakita ko naman kaagad si Arjay na nag aantay na sakin kanina pa.
Ang usapan kasi namin ay 9:40 pero mga 10:36 na ako nakarating sa bahay nila, buti nga hindi nagalit sakin si Arjay eh.
Nung nagkita na kami, agad naman kaming naglakad papunta sa school, nagkaroon na naman kami ng magagandang pinag usapan.
Iba talaga kapag kausap mo ang mga kaibigan mo, parang hindi kayo maubusan ng pag uusapan habang magkasama kayo.
Nung nakarating na kami sa karinderya malapit sa school, umupo na agad kami sa isang lamesa at bumili na agad si Arjay ng kakainin namin na tanghalian.
Napatingin naman ako sa relo ko at mga 11:27 na din ng tanghali. Malakas ang kutob ko na hindi kami malalate ngayong araw na 'to.
Mabilis naming kinain yung tanghalian namin tapos nung nakatapos na kaming magpahinga ay agad naman naming pinagpatuloy yung paglakakad namin papuntang school.
Di naman nagtagal ay nakarating na kami sa gate ng school tapos agad na din kaming dumiretso sa room at nagulat naman ako ng nakita ko si maam na naglalakad palang papunta sa room.
Pumasok agad kami sa room para hindi na kami mahuli ni maam na kakapasok lng namin.
Sabay sabay naman kaming nag greet kay maam nung pagpasok niya tapos nakaramdam nalang ako bigla ng kaba ng tumingin kaagad si maam saming dalawa ni Arjay at sabay ngumiti pa.
"Buti naman at hindi kayo late ngayon, hindi ko inaasahan na mapapaaga pala kayo" sabay tumawa nalang si maam ng matapos niyang sabihin yun.
Nagturo na ulit si maam tungkol dun sa walang kamatayang Algebra na halos lagi nalang pinapadugo yung ulo ko. Hindi ko nga alam kung pano nagagawang mabuhay ng mga kaklase ko sa mga oras na yun eh pero sa tingin ko meron ding iba dyan na dumudugo na rin yung utak nila kagaya ng sakin.
Makalipas ang isang oras na paghihirap ay salamat at nakaginhawa na ulit ang utak ko kasi time na si maam.
Grabe buti nalang at nagagawa ko pang makipag-sabayan sa lessons namin kasi kung hindi,sigurado ako na wala akong masasagot sa exam
Matapos ang ilang oras ay sa wakas uwian na ulit, pinauwi na kami ng 5:00 kasi wala yung last subject namin at tsaka pinayagan din kami ng principal na pauwiin na kami ng ganung oras.
Pauwi na sana kami ni Arjay ng bigla niya nalang akong hinila at sabay sabi sakin ng ;
"Mamaya na tayo umuwi, may kukunin pa kasi ako sa Library eh, pwede bang mag antay ka muna dito?" Pakiusap niya sakin at wala naman akong nagawa kundi pumayag nalang.
"Samahan nalang kita sa library" sagot ko naman sa kanya at pumayag naman si Arjay.
Nung nakarating na kami sa may library, bigla naman akong tinawag ng kalikasan kaya hindi ko napigilang sabibin kay Arjay na pupunta muna ako sa CR.
Agad naman akong tumakbo papunta sa CR at salamat ay nakaraos din ako hahaha.
Nung pabalik na ako sa may papuntang library bigla nalang akong napatingin sa may puno na nasa gitna ng ground ng school namin at napansin ko na dumidilim na pala.
Napalingon naman ako sa relo ko at mga 5:51 na din pala at malapit ng mag gabi, bigla naman akong napalingon ulit sa may puno sa ground namin at napansin ko na nagbabago ng direksyon ang anino ng puno nung papalubog na yung araw at nakaturo ito sa may papuntang stock room ng school.
At hindi ko alam kung bakit ko naisipan na puntahan yun, basta parang may humihila sakin papunta dun kaya dumiretso na agad ako kung saan yung daan na tinuturo ng anino ng puno.
Di naman nagtagal ay gabi na at grabe ang dilim pala sa area na yun kaya minabuti kong gamitin yung Flashlight ng Cellphone ko para makita ko naman yung dinadaanan ko.
puro sirang upuan at lamesa lang ang nakikita ko dun sa loob ng kwarto na yun at puro libro na magkakapatong na halatang luma na at hindi na din siguro ginagamit.
Grabe sa sobrang dami nun ay parang halos makakapatay na ng isang tao kung sakaling mabagsakan ng ganun kadaming mga libro.
Napalitan naman ng pagkagulat yung kaba ko ng may nakita ako na kumikinang sa may bandang sulok ng kwarto na yun at mas lalo akong nagulat ng nakita kong yun pala yung---
"Gemstone?, ito ba yung tinutukoy ng matandang lalaki kagabi?" Tanong ko naman agad sa sarili ko at nung nakita ko yun ay bigla nalang dumami ang mga katanungan sa isipan ko.
Pero pano napunta yung gemstone na yun dito sa loob ng school at papano nalaman ng lalaki na nakausap ko kagabi na may gemstone dito.
Ako ang pinili niya na maghanap nun kasi taga dito ako sa loob ng school at bawal din kasi ang mga outsiders sa loob ng school maliban nalang kung may special reason kung bakit papasok.
Nakakapagtaka talaga pero masasagot naman lahat ng yun mamaya kung makikita ko ulit yung matandang lalaki.
Umalis na kaagad ako sa area na yun bago pa may makakita sakin at baka ma guidance pa ako, mahirap ng magkaroon ng problema.
Nung pagkarating ko sa library ay nakita kong wala na si Arjay dun, tsaka ko naalala na dun niya nalang pala ako aantayin sa may school gate kung sakaling matagalan pa daw ako.
Kaya agad naman akong pumunta sa may gate at nakita ko na parang ang tagal ng nag aantay ni Arjay sakin dahil sa expressions ng mukha niya.
Humingi naman ako ng sorry sa kanya at sinabi niya sakin na huwag ko ng isipin yun sabay ngumiti siya sakin.
Naglakad na kami pauwi at hindi namin namalayan na malapit na pala kami sa bahay namin.
Nung nakauwi nako ay agad naman akong binati ni Mama ng good evening at sabay na kaming kumain. Wala nga pala si papa ngayong gabi kasi pang gabi pala siya ngayon sa trabaho kaya sa umaga lang kami magkikita.
Agad ko namang hinugasan yung mga pinagkainan namin kasi ayoko namang pinagsisilbihan ako dito sa bahay, gusto kong makatulong kay mama kaya ako nalang ang naghugas ng mga pinggan.
Pagkatapos kong maghugas ay agad naman akong naghilamos at umakyat sa kwarto ko para makapag-isip tungkol dun sa lalaki na nakausap ko kagabi.
Nilabas ko yung Gemstone at pinag masdan ko lang 'to buong gabi. At nagpasya ako na antaying dumating yung lalaki dito sa bahay.
Inantay ko yung matandang lalaki at hindi naman ako nabigo, nakita ko ulit yung lalaki na nag aantay sa may labas at ngumiti sakin mula sa baba.
Mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay para kausapin ulit yung lalaki at para matanong ko lahat ng katanungan ko sa kanya.
Pinakita ko sa kanya yung Gemstone at ngumiti siya sakin na para bang proud na proud siya sakin at nahanap ko yun.
"That Gemstone belongs to you, you must keep it" pangiti niyang sinabi sakin, at nagulat naman ako kasi bakit niya sakin ibibigay yun eh siya nga ang nagpahanap sakin nun.
Pero okay lang kasi gusto ko din naman na akin nalang yung bagay na yun eh.
"Pero ano pong gagawin ko dito?" Tanong ko naman agad sa lalaki at napahawak nalang sa balikat ko yung lalaki sabay ngumiti ulit.
"You'll know soon" sabay tumalikod siya sakin at naglakad palayo sa bahay namin, bigla naman siyang huminto at napalingon sakin.
"I'm glad that they choose you" sabay tumalikod siya ulit at nagpatuloy na sa paglalakad na para bang walang nangyari sa usapan namin.
Grabe naman yun, ano bang pinagsasasabi nung lalaki na yun, wala man lang akong naintindihan kahit isa pero ano ngang sinabi niya sakin. "Pinili nila ako" pero para saan naman yung bagay na yun, sobrang weird talaga ng mga pangyayari ngayon.
Tinanggal ko nalang muna yun sa isipan ko at bumalik na ako sa may kwarto para humiga.
Napalingon naman kaagad ako sa orasan sa kwarto at grabe mga 3:05 na ng madaling araw, ilang oras nalang akong matutulog.
Kinuha ko agad yung kumot ko at natulog na kaagad ako ng mahimbing.
Nung nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ay bigla naman akong napamulat at nasa isang gubat ako na halos ang tahimik.
Ang lamig ng simoy ng hangin at bigla nalang akong napalingon sa paligid ko at may nakita akong isang babae na parang kasing edad ko lang na nakaupo sa may gilid ng puno.
Agad ko naman siyang nilapitan at nakita ko na nakatingin lang siya sa mga bituin sa langit at hindi ako pinapansin.
"Ahmm. Miss anong ginagawa niyo dito sa gitna ng gubat?" Tanong ko naman agad sa babae kaya napalingon nalang siya bigla sakin at ngumiti.
Hindi ko naman napigilang maakit sa kagandahan niya, grabe ang ganda niya talaga sabay kapag sinamahan niya pa ng ngiti niya ay halos siya na ata ang pinakamagandang babae na nakita ko sa buong buhay ko.
"Wala lang gusto ko lang magpahangin dito, ikaw ? Anong ginagawa mo dito James?" Sabay ngumiti siya sakin at nagulat naman ako kasi bakit niya alam ang pangalan ko, baka naman sadya lang yun kasi panaginip ko naman ang lahat ng 'to eh.
"Wala lang gusto ko lang makapaglakad lakad" sagot ko naman sa kanya at bigla nalang siya tumayo sa harapan ko at ngumiti.
"Alam mo hindi magtatagal ay magkikita na tayo, at hindi na ako makapag antay na mangyari yun"
Pangiti niyang sinabi sakin at bigla naman akong napaisip sa sinabi niya.
Tatanungin ko pa sana siya tungkol dun ng bigla nalang akong nagising mula sa mahimbing na pagkatulog.
Nung pagbangon ko mula sa pagkakahiga ay napalingon naman kaagad ako sa orasan at nagulat ako ng nakita ko na 11:03 na pala.
Grabe ilang oras na pala akong natutulog at hindi ko na namalayan na malapit na palang mag 12:00.
Agad naman akong kumain at nagbaon nalang ako ng kanin para may makain ako sa school kung sakaling magutom ako.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay mabilis akong naglakad papunta sa school.
Hindi ko na muna dinaanan si Arjay kasi alam ko namang nauna na siya sa pagpasok kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso na ako sa daan papuntang school.
Nung nasa may karinderya na ako ay napatingin ako sa relo ko at mga 11:55 na din ng tanghali, 5 minutes nalang at magsisimula na ang klase namin.
Mas nagmadali ako sa pagpasok at di rin nagtagal ay nakarating na ako sa may gate ng school at sabay dumiretso na kaagad ako sa room.
Nagulat naman ako ng nakita ko na wala pa si ma'am Liza sa room at bigla na lang may kumalabit sakin at sa tingin ko kilala ko na kung sino yung nasa likod ko.
"Mukhang nagmamadali ka James ah, himala at napaaga ka na namang pumasok kaysa sakin" pangiting sinabi ni Maam sakin.
"Ano bang nakain mo James?" Patawa niyang sinabi saakin at bakas naman sa mukha ko ang pagka-inis kay maam.
"Ano ka ba maam, gusto ko lang talagang magbago" pangiti kong sinabi kay maam at sabay na kaming pumasok ng room.
Nakita ko naman kaagad si Arjay nung pagpasok ko sa room, tama nga ang hinala ko na nauna na siya.
Nung nakaupo na ko sa upuan ko sa tabi ni Arjay ay sabay-sabay naman kaming nag greet kay maam at pinaupo din kaming lahat.
"Hindi talaga ako makapaniwala na maaga ka ng napasok James" patawang sinabi ni maam sakin kaya napatingin naman lahat ng kaklase ko.
"Siguro inspired ka" paseryosong sabi ni ma'am kaya nag tilian naman lahat ng kaklase ko.
"Hindi maam" sagot ko kay maam at bigla nalang ngumiti si maam sakin at sabay lumingon kay Arjay.
"Dahil nagbago ka na James, kailangan mo din ng bagong Seatmate, kaya Arjay lumipat ka na dito sa bandang harap dahil may bago ng katabi si James" sabi ni maam saming dalawa ni Arjay at sinunod naman ni Arjay si maam at lumipat siya sa may harap.
Bigla nalang may pumasok na isang babae sa may room namin at nagulat ang lahat ng lalaki na para bang naakit sila ng bagong transfer at nagulat din ako kasi parang familiar ang mukha niya, teka diba siya yung--
"Uy.. Magkaklase pala tayo James" pangiting sinabi ng babae sakin at napatingin naman ako ng diretso sa kanya.
"Its great to see that you've already met James" sabi ni maam sa babae at napangiti naman ito kay maam.
"Class, siya nga pala si Jessica at siya ang magiging bagong katabi mo james" pangiting sinabi ni Maam saming lahat.
Jessica pala ang pangalan niya pero hindi talaga ako makapaniwala na totoo ang nasa panaginip ko, nagkita kami sa reality. Pero hindi talaga ako makapaniwala na andito siya ngayon sa harap ko at kung makipag-usap siya sakin ay parang close friends na kami.
Agad namang umupo si Jessica sa tabi ko at sabay ngumiti siya sakin.
Ano bang meron sa babae na 'to bakit ngiti siya ng ngiti sakin, na cucurious tuloy ako.
Magsisimula na ang lesson pero nakatingin pa din ang lahat ng lalaki kay Jessica, grabe naman kasi yung kagandahan niya.
Nung nagtuturo na si maam ay nawala na ang tingin ng mga kaklase kong lalaki kay Jessica at wala na din akong ginawa kundi makinig kay maam.
Bigla nalang akong napalingon kay Jessica kasi nakatitig lang siya sakin kaya minabuti ko nang tanungin siya kung ano bang meron at bakit siya nakatingin sakin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya sabay napangiti nalang siya sakin.
"Wala, ano ka ba hindi mo ba ako nakikilala, ako 'to yung nasa panaginip mo" pabulong niya sakin kaya medyo nagulat naman ako kasi totoo pala na nagkita kami sa panaginip ko at ang galing kasi tama ang hinala niya na magkikita na kami pero medyo naguguluhan pa din ako kasi papano niya nalaman yung pangalan ko.
Sobrang weird ng mga nangyayari sakin ngayon.
Ano pa kaya ang mga susunod na mangyayari, hindi din ako masyadong sigurado kung ano nga ba ang mangyayari pero kung meron man.
Sana makakabuti naman sakin yung mga susunod na mangyayari.
( Next Chapter )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top