Haggard
Nalate ako ng gising ngayon dahil ang raming ganap kagabi kaya dali dali akong bumangon sa kama, nagsaing, naginit ng tubig, naligo at nagbihis.
Akalain niyong natapos ko lang lahat ng iyon in just a span of 30 minutes?
Kaya heto paglabas ng bahay, talagang haggard ako. Ni pagsuklay sa buhok nakalimutan ko na. Agad ako tumakbo nang nakita kong may nakaabang na na jeep sa kanto. Pero halos mabuwal ako sa pagtakbo ng makitang tumatakbo din siya.
Napaisip pa ako ng 'ano ito? Amazing race, ganun?'.
Dating gawi, doon pa rin ako umupo sa frontseat katabi ng driver. I have my reasons. Una, wala ako sa wisyo dahil sa pagmamadali ko. Pangalawa, hindi pa ako nagsusuklay. Para akong bruha sa itsura ko ngayon. Pangatlo, para madali lang sabihin sa kaniya kung saan ako bababa. Panghuli, ayokong makita niya akong ganito ang itsura ko. Haggard!
Nagulat nalang ako nang may tumabi sa akin. Sa kasamaang palad, siya pa talaga ang nakatabi ko ngayon.
Bakit gano'n? Kapag ready and prepared ka palaging epic fail. Walang ganap. Tapos ngayon na hindi ka nakapagprepare, ni pagsuklay at pagpulbos sa mukha hindi mo nagawa tsaka dadating ang pagkakataong makatabi mo siya?
xx
Ika nga nila, 'Expect the unexpected.' Charoot!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top