Epic Fail
Palabas na ako ng bahay at papunta na sa sakayan ng jeep. All smiles ako kasi andon na ang hinihintay ko. Hindi ko siya sundo. Hindi ko nga siya kilala eh. Pero kinikilig ako kapag nakikita ko siya. Ewan ko sa hormones ko.
Ayun nakita niya akong nakangiti at nakatingin pa sa kaniya kaya agad akong nagpatay malisya.
Limang minutong pagaantay at meron ng dumating na jeep. Siyempre nagpatiuna ako sa frontseat at baka siya ang makatabi ko. Napasimangot nalang ako. Sa kasamaang palad hindi siya ang sumakay sa tabi ko. Nakakaimbiyerna si kuya taba. Ang sikip na tuloy. Paglingon ko sa likod para tingnan kung saan siya nakaupo, nagulat nalang ako ng makitang nasa likod ko pala siya ng driver nakaupo at saktong nakatingin din siya sa akin.
Is this a sign? May crush din kaya siya sa akin?
Kilig na kilig ako sa mga naiisip ko nang unti unting tumirik ang sinasakyan naming jeep.
Ano ba naman iyan. Epic fail.
Sa susunod na nga lang ulit.
xx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top