Prólogo

Prólogo:


"Celestine! Look oh? There are so many stuffs right there!" Hinila ako ng best friend kong si Leonor papasok sa isang antique shop.

I roll my eyes. "Geez! Leonor, oldy na nga ng name mo, oldy pa ang trip mo."

"Just look, ang gaganda ng mga gamit dito kahit antique na and take note mas matibay pa ang mga ito kaysa sa mga latest na gamit."

I raise my eyebrow. "Yeah, then may mga ghost palang nakasapi sa mga gamit na iyan like in the horror movies."

Marahan akong binatukan ni Leonor. "You're so O.A ah. Titingin lang ako ng magugustuhan kong gamit."

"Yeah do whatever you want. Dito lang ako." Iniwan kaagad ako ni Leonor. Habang nandito ako banda sa entrance ay parang may nagsasabi sa aking pumasok sa loob or maybe dala lang ito ng boredom. Pumasok na ako sa pinakaloob. Dim ang liwanag ng ilaw at puno ng iba't ibang gamit sa loob. "Nalulugi na ba ang shop na ito kaya ganito ang ilaw nila?"

Naglibot na rin ako. Malaki ang shop at partida hindi pa kami nagkasalubong ni Leonor. Hinaplos ko ang isang cabinet. Pambabae ang design at ang ganda.

"Ang ganda, hindi ba?"

Napalingon ako sa nagsalita. Isang matandang babae. Tumango ako. "Opo, ang ganda nga."

Nginitian niya ako at lumapit sa cabinet. Binuksan niya iyon. May binukas siyang maliit na drawer at may kinuha siya doon. "Alam mo bang isang magandang dalaga ang nagmamay-ari ng cabinet na ito?"

Kumibit-balikat ako. "Maybe po."

"Glenda ang pangalan ko, hija." Lalong lumawak ang ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako. Kakaiba kasi ang ngiti ng matandang ito. Pinakita niya sa akin ang kinuha niya sa drawer. Isang choker na may pendant na gold at sa gitna ng pendant na iyon ay may Emerald stone.

Nanlaki ang mata ko. "Wow." For sure babagay sa akin ang choker na 'yon.

"Ang babaeng magmamay-ari ng choker na ito ay iibig sa isang binatang napakakisig. Na sa unang tingin pa lang niya sa binatang iyon ay hindi maitatangging nakuha ng binata ang kanyang atensyon," Inabot niya ang kamay ko at pinatong sa kamay ko ang choker. "At ikaw iyon, hija."

Tumawa ako sa joke ni lola. Uso rin pala ang mag-joke sa mga matatanda. "Lola, naman eh, joker ka rin." Nginitian niya lang ako kaya napailing ako. "Lola Glenda, lahat naman po ng babae ay mai-in love sa lalaking magugustuhan nila."

"Sa iyo na ito, hija. Palagi mong suotin dahil bagay ito sa iyo."

"Pero—"

"Celestine!"

Napalingon ako kay Leonor. "Bakit?"

"Uwi na tayo, wala akong trip dito eh."

"Sandali lang. Lola—Nasaan siya?" Panay ang lingon ko. Nawala bigla si Lola Glenda.

"Sinong siya?"

Humarap ako kay Leonor. "Yung lolang kausap ko dito kanina."

"Baliw! Gutom ka lang. Wala ka namang kausap d'yan kanina."

"Pero nandito—"

"Kain na lang tayo, gutom ka na. Nagpapagutom ka kasi palagi kaya nagha-hallucinate ka ngayon." Hinila ako palabas ni Leonor.

Lumingon ako sa antique shop at napatingin sa choker na hawak ko. Nakadama ako ng kaunting takot pero noong lumingon ulit ako sa antique shop ay nasa labas na si Lola Glenda at may kausap itong matandang kasing edad niya.

Bakit kaya ako binigyan ng matandang 'yon ng choker eh ngayon pa lang kami nagkita?

----

Disclaimer:

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including xerography, photocopying and recording, or in any information storage or retrieval system is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author and all the incidents are merely invention.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top