Liham
Ika-18 ng Septiembre 2018
Mga minamahal kong mambabasa/Cara,
Lubos akong nagpapasalamat sa inyo dahil binasa ninyo ang akdang El Hombre en el Retrato. Masaya ako na simula It Started At 7:45 hanggang sa kwentong ito ay sinuportahan ninyo ako. Abot langit ang pasasalamat ko sa inyo.
Hindi ko inaakalang makakagawa muli ako ng isang nobelang romance-historical fiction ang genre. Ang sabi ko noon ay It Started At 7:45 lang ang tanging HisFic ko ngunit nagulat na lamang ako isang araw ay sinusulat ko na ang kwentong El Hombre en el Retrato. Masyado akong na-attached sa ganitong genre.
Ang EHeeR ang nobelang talagang humaplos sa aking puso. Tila ba'y ako si Celestine kahit hindi naman. Ito ang nobelang iniyakan ko. Akala ko kasi It Started At 7:45 ang nobelang sobra akong nahirapan, 'yun pala ay hindi. Naloka na! Haha.
Bakit ko ba nagustuhan ang pagsusulat ng kwento na ang genre ay romance-historical fiction? May tatlo akong sagot d'yan. Una ay gustong-gusto ko ang Spanish Regime na sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit ko ito nagustuhan. Pangalawa ay gusto kong mahawa ang mga kabataan sa kaadikan ko sa Philippine History. Umaasa ako na mahaplos ng mga gawa ko ang puso nila para maging dahilan upang alamin at gustuhin nila ang kasaysayang mayroon tayo. Pangatlo ay kahit sa imagination ay makapunta ako sa mga lugar na historical. Hindi talaga ako nakakapunta sa mga sikat na historical place except ang Luneta. So ayun talaga ang dahilan ko.
Iniaalay ko ang nobelang ito, unang-una ay sa Poong Maykapal at sa inyo, Caras. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako maglalakas loob na tapusin ang nobelang ito.
Muli'y maraming salamat at pagpalain kayo ng ating Dios.
Nagmamahal,
Ate Azul
LightStar_Blue
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top