Facts about El Hombre en el Retrato


Facts About El Hombre en el Retrato



*Ang El Hombre en el Retrato ay isang wikang Español na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay The Man in the Portrait.


*Pangalawang Historical Fiction-Romance novel na sinulat ko.


*Pati rin ako ay sumakit ang puso sa nangyari sa kwento lalo na noong sinulat ko ang kahuli-hulihang salita. Ang 'Wakas'.


*Naka-post rin po siya sa NoInk


*Consist of 2,000-3,000 words per chapter except prologue and epilogue


*Walang part 2


*Ang theme song ng kanta ay Tagpuan ni Moira Dela Torre


*Karamihan ng pangalan ng tauhan sa kwento ay kinuha ko sa pangalan ng libro ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.


*Celestine Eustaquio/Celestina Figuero
  -Siya ang ikalawang binibining sa maling panahon pinanganak.
- Ampon siya ng kinalakihan niyang magulang.
  - Dieciocho años ngunit sa hinaharap na panahon ay veinte años na siya dahil binase sa birth certificate ng tunay na anak ng adoptive parents niya ang araw na siya ay pinanganak.
  - Ipinanganak noong December 12, 1997(sa hinaharap na panahon)/December 12, 1874 (kung sa tunay niyang panahon siya ipinanganak)
  - Umibig sa binatang nasa panahon ng 1893
  - Binigyan ni Lola Glenda ng isang kuwintas na choker na may pendant na bulaklak na gawa sa ginto at esmeraldang bato.
  - Isang ballerina pangarap maging Prima Ballerina.
  - Nag-aaral sa Ateneo noong nasa panahon ng hinaharap (present time) siya at nakapag-aral naman sa La Concordia noong siya'y nagpanggap na si Señorita Esmeralda.
  - Ang pangalan niya ay pinagkuhaan ko sa:
   •Celestine at Celestina ay paborito kong pangalan as in baka gamitin kong pangalan kung sakaling magkaroon ako ng anak na babae in the future.
   •Eustaquio ay apelyido ng aking kaklase noong ako'y nasa colegio. Nakasabay ko siyang kumuha ng TOR noong iniisip ko kung anong apelyido ni Celestine tapos ayun, nakita ko apelyido niya kaya nag-mental note ako na apelyido niya gagamitin ko. Tapos ang Figuero naman ay apelyidong nabasa ko sa isang social media. Lakas maka-Spanish ng apelyido kaya ginamit ko.


*Simoun Pelaez
  - Binatang nagmula sa taong 1893
  - Bunsong anak ng pamilya Pelaez
  - Veinte años
  - Ipinanganak noong Enero 18, 1873
  - Naging tagapagmana ng Hacienda Pelaez simula nang lumayas ang kanyang Kuya Linares
  - Nag-aral sa Colegio de Santo Tomas sa kursong Kimika(Chemistry) ngunit hindi niya tinapos ang huling taon niya sa Colegio.
  - Ang binatang inibig ni Celestine
  - Kaaway ng kanyang angkan ang angkan ng Figuero
  - Magaling sa pakikipaglaban ng Esgrima at sa pangangabayo
  - Sumali sa kilusang Katipunan itinatag nila Andrés Bonifacio nang makulong si Dr. Rizal
  - Ang pangalan niya ay pinagkuhaan ko sa:
   •Simoun Pelaez ay galing sa librong El Filibusterismo
   •Simoun, naging pangalan ni Crisostomo Ibarra nang muli siyang bumalik sa Pilipinas upang maghiganti
   • Pelaez, ang apelyido ni Juanito Pelaez ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.


*Esmeralda Figuero:
  - Kakambal ni Celestine na nagmula sa taong 1893
  - Plinanong mag-madre upang makalimot sa kabiguan sa pag-ibig dahil ikinasal ang nobyo niya sa kanyang pinsan. Bumalik sa San Carlos na handa nang magpakitang muli sa kanilang Papa.
  - Ang pangalan niya ay pinagkuhaan ko sa:
   •Esmeralda, galing sa pangalan ng isang estudyanteng kinagiliwan ko na nasa ika-6 na baitang na ngayon.


*Alonzo Ferrer
  - binatang itinakdang pakasalan si Esmeralda Figuero ngunit naging si Celestina Figuero
  - Veinte tres años
  - Ipinanganak noong September 20, 1870
  - Unico hijo ng pamilya Ferrer
  - Umibig kay Celestine ngunit hindi natugunan ang pag-ibig
  - Kinuhaan ko ang pangalan niya sa:
   •Alonzo - kay Alonzo Muhlach
   •Ferrer - Apelyido ng OIC principal ng school kung saan ako nag-highschool.


*Mga pangalan ng tauhan ng El Hombre en el Retrato na hango sa mga tauhan ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo:
  • Don Rafael Figuero - Don Rafael Ibarra (Noli Me Tangere)
  • Don Crisostomo Ferrer - Crisostomo Ibarra (Noli Me Tangere)
  • Linares Pelaez - Linares (Noli Me Tangere)
  • Isagani (pangalan dapat ni Simoun noong nagplano sila ni Celestine na pumunta ng Ilocos) - Isagani (El Filibusterismo)


*Name of the characters na hindi na-mention sa itaas:
  - Danny 'Dan' Eustaquio at Lannie Eustaquio - adoptive parents ni Celestine
  - Nenita San Felipe - dating yaya ni Esmeralda
  - Rosa San Felipe - personal maid ni Celestine, anak ni Nenita
  - Anastasia Realonzo - best friend ni Esmeralda at naging matalik na kaibigan ni Celestine noong nagpanggap siyang si Esmeralda
  - Padre Procopio - kura ng Simbahan ng San Carlos, ninong ni Esmeralda. Isa sa tutol sa pagmamahalan nina Celestine at Simoun
  - Doña Josefa Ferrer - ina ni Alonzo
  - Teresita Pelaez at Julian Pelaez - magulang ni Simoun
  - Esperanza Rojas - asawa ng kuya ni Simoun. Babaeng pinagselosan ni Celestine noon
  - Tomas Pelaez - tiyuhin ng lolo ni Simoun
  - Dolores Figuero - tiyahin ng lolo ni Celestine
  - Carlos Pelaez - tiyuhin ni Simoun
  - Julia Figuero - tiyahin ni Celestine


*Muli'y si Lola Glenda (na Ma'am Glenda sa It Started At 7:45) ay isang Deity of Fate. Kumbaga siya si Tadhanang sinusumpa natin minsan.


*Ang lugar na San Carlos ay pawang fictional lang. Hindi ko alam kung may San Carlos sa Pilipinas. Tinamad ako i-research. Pa-search na lang mga Cara.


*Ang kuwintas na binigay ni Lola Glenda kay Celestine ay isang choker na may pendant na parang flower shape na ang gems ay esmeralda.


*Ang setting kung saan nasa Intramuros sila, wala imagination ko lang 'yon. Katulad ng sinabi ko sa It Started At 7:45, never akong napunta sa lugar na iyan. Palaging nauudlot ang plano kong pumunta sa Intramuros. Iyak na mga Cara!


*Dapat ay hindi sina Simoun Pelaez at Celestine Figuero/Eustaquio ang bida sa kwento. It supposed to be Luciana (ang kamukha ni Keira) at Felix (best friend ni Gabriel) story. Reincarnation na si Luciana. Tatakbo ang story sa mga panaginip ni Luciana na nag-umpisa nang makita niya ang portrait ni Felix kaso kontrabida ulit si Matias Saenz. Kuwawa naman si Matias, kontrabida all the time at medyo blangko utak ko sa plot ng kwento so I change it. Binago ko ang character names, flow ng story and so on.


*Aaminin ko, mas gusto ko ang El Hombre en el Retrato kaysa It Started At 7:45. Ang EHeeR kasi sobra kong minahal. Masyadong pinusuan.


*Si Joshua Garcia at Julia Barretto ang portrayer nila. I love their loveteam. Iba ang karisma nilang dalawa para sa akin.


*Tagpuan, Huling Gabi, Panaginip at Langit at Lupa ni Moira dela Torre ang pinapakinggan ko sa tuwing sinusulat ko ang kwentong ito.


*I do believe in deja vu and past life. Some scenario in EHeeR are came from my dreams. May kilig moments na kayo kinikilig pero ako labis na nasasaktan. Ewan ko kung bakit. Weird ko ano?

*Bakit 1893? Kasi nakita ko siya somewhere while thinking on what year igaganap ang kwento. Na-hook ako sa year na para bang may something sa akin ang year na 'yan.


*Ang book cover editor ko ay student ko ngayong internship ko sa isang school. Ang galing ng batang iyan. Ang way ng pagbati ko minsan sa kanya everytime na nakikita ko siya paglabas ko ng AP dept. ay ito: "Ola, official book cover editor!"


*Walang nag-request ng kwentong ito.


*May malaking crush po ako kay Simoun Pelaez. Yiiie!


*Five months ko siya ginawa. Nakakaloka! Ginawa ko kaagad ang kwento pagkatapos kong isulat ang It Started At 7:45. As is agad-agad.


*Pinapaalala ko lang na wala akong pinaggayahan ng kwento. Kung sakaling nagkataong may pagkakatulad sa kwento ng iba, iyon ay nagkataon lamang. Sa tuwing natatapos ko ng bawat chapter ng kwentong ito ay agad kong pino-post sa Wattpad na walang edit kaya may mga typos and so on.


*Abangan ang kwento ng ikatlong binibining sa maling panahon pinanganak. Sino sa tingin ninyo ang binibining ito?
Clue: Na-mention na siya sa It Started At 7:45 at El Hombre en el Retrato.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top