Epílogo
Epílogo:
"Cel, inuulit ko na bumalik ka kaagad dito bago mag-alas cinco. Naku! Malalagot ako sa magulang mo kapag bumalik sila dito na wala ka."
"Opo, babalik kaagad ako, Manang Selma!" kinawayan ko ang mayordoma namin bago sumakay ng kabayo. First time kong pumunta dito sa hacieda ng family ni Daddy and it feels like na nanggaling ako dito. Parang part na ako ng bahay nila. May mga napanaginipan rin ako na nakasuot ako ng Maria Clara tapos may mga lugar akong napuntahan na parang dito lang sa San Carlos ko napuntahan. Its kinda weird.
Pumasok kami sa loob ng kakahuyan. Napanganga ako. Ang ganda! Ang daming orchids. Nakita ko ito sa panaginip ko. Bumaba ako sa kabayo at itinali ko ito sa puno. Naglakad na lang ako na para bang kabisado ko ang lugar na ito.
Napapikit ako nang may nag-flash na scenario sa isipan ko. Naglalakad daw ako dito na nakasuot ako ng Maria Clara at may kasama akong lalaki na nakapang-Crisostomo Ibarra na damitan. Masaya raw kaming dalawa na naglalakad. Bigla akong nakaramdam ng sakit at lungkot dito sa puso ko. Bakit?
Hindi ko na lang pinansin ang nararamdaman ko ngayon. Baka eme ko lang. Masyado lang siguro ako nadadala sa mga napapanaginipan ko. Ewan! Pero according sa Psychologist na professor namin, kapag nagpunta daw sa isang lugar ang isang tao tapos familiar sa kanya at mapapasabi ng 'Uy! Familiar ang lugar na ito sa akin.' ibig sabihin daw nun ay Deja Vu. Baliw lang.
Napailing na lang ako at nagpatuloy akong maglakad hanggang makarinig ako ng lagaslas ng tubig. Sinundan ko iyon hanggang sa may matanaw akong falls. "Wow! Astig! May falls pala dito!" nagmadali akong lumapit doon at napa-wow ulit ako dahil ang daming flowers! "Ang ganda!"
"Ang ganda talaga dito!"
Napalingon ako sa nagsalita. Isang lalaking halos kaedad ko or baka matanda lang sa akin ng isang taon. Nakaupo siya sa nakausling ugat ng puno ng Acacia. Para siyang pamilyar sa akin at ang bilis ng puso ko.
"Hi!"
Ngumiti lang ako at lumapit ako sa kanya. Pakiramdam ko parang matagal ko na siyang kilala. "H-Hi!"
"Upo ka dito." tinapik niya ang space sa tabi niya kaya umupo ako doon. Tumingin ako sa falls. Bakit parang napaka-espesyal ng lugar na ito sa akin.
"Ang ganda dito, 'no?"
Tumango ako. "Yes. Parang napaka-genuine ng lugar na ito. Pwede itong maging tourist spot."
"Alam mo bang hindi ito pinupuntahan ng mga nakatira dito kaya hindi ito ginawang tourist spot?"
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"Dahil ang lugar na ito ang naging dahilan kung bakit nagkaayos ang angkan ng Pelaez at angkan ng Figuero."
Kumunot ang noo ko. "Anong meron sa angkan nila?"
"Magkaaway kasi noon ang dalawang angkan na iyan. Gusto mo ba malaman kung bakit sila nagkaayos?"
Tumango ako. Curious din ako. Pakiramdam ko kinuwentuhan na niya ako noon.
"Noon may nagmamahalan na ginawang tagpuan ang lugar na ito. Ang pangalan nila ay Celestina Figuero at Simoun Pelaez. Labis ang kanilang pagmamahalan at dahil magkaaway ang kanilang mga angkan, pilit silang pinaghihiwalay. Nakatakda na si Celestina Figuero na ikasal sa ibang lalaki ngunit ginawa ni Simoun Pelaez ang lahat para sa kanilang pagmamahalan. Ilang beses na nabugbog si Simoun, ngunit hindi siya bumibitiw..."
Nasasaktan ako sa mga kinukwento ng lalaking katabi ko. Base sa mga kinukwento niya, lahat iyon ay napanaginipan ko. Tumulo ang luha sa pisngi ko.
"Ganoon rin si Celestina. Pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan hanggang dumating gabi na labis na masakit sa kanilang dalawa." lumingon siya sa akin at inabutan niya ako ng panyo na agad ko namang tinanggap. "Tandang-tanda ko ang petsang iyon, November 19, 1893. Sa araw na iyon nangyari lahat. November 19, 1893 ang araw na huling nakita ni Simoun si Celestina. Hinagkan niya ang babaeng iniibig at kitang-kita ng kanyang dalawang mata ang unti-unti nitong paglaho. Mapait siyang ngumiti bago lagutan ng hininga."
Marahan niya akong tinapik sa likod. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Parang isang talon na patuloy-tuloy na umaagos sa isipan ko ang mga alaala hindi ng nakaraan. "Ang sakit naman niyan. Bakit parang kabisado mo ang mga nangyari noon?"
"Dahil napanaginipan ko. Alam mo bang may liham si Simoun Pelaez sa kanya?" huminga siya ng malalim. "Pinapangako ko sa iyo na maitutuloy natin ang ating pagmamahalan."
"Pinapangako ko na madudugtungan pa ang ating pagmamahalan." sinabayan ko siya. "S-Sa tingin ko iyan ang pangako ni Celestina kay Simoun bago din siya bawiin ng buhay dahil napanaginipan ko rin iyan." naaalala ko ang mga panahong sinulat ni Celestina sa loob ng isang kwarto ang huling liham niya para kay Simoun. Alam kong ako iyon. Ako si Celestina Figuero.
"Sa tingin ko ay matutupad na ang pangako nila sa isa't isa." ngumiti siya sa akin at nilahad ang kanyang kamay. "I'm Simoun Daniel Pelaez. Ikaw?"
Naluluhang tinanggap ko ang kamay. "Celestine Esmeralda Figuero."
"Naniniwala ka ba sa past life?"
Sunud-sunod akong tumango. Alam kong siya nga. Siya ang lalaki sa panaginip ko. Damang-dama ko ang nararamdaman ko sa kanya noon. "Oo, naniniwala ako. Ikaw?"
Naging masuyo ang pagngiti niya. "Oo at nakita ko na ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Kumusta ka na, aking orkidia?"
Napangiti ako at yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Nawala na ang sobrang kalungkutan na nararamdaman ko at napalitan iyon ng kasiyahan. "Akala ko, hindi na kita makikita pang muli."
"Ngayon ay pinagtagpo tayong dalawa muli, aking orkidia." masuyo niya akong hinagkan sa labi. "Mahal na mahal kita, aking orkidia."
"Mahal na mahal rin kita, Simoun."
This man is Simoun Pelaez. The man who I really love. The man who I saw first in the portrait. Alam kong ngayon ay wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan naming dalawa.
Wakas
COPYRIGHT © 2018 by LightStar_Blue
All Rights Reserved
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top