Capitulo Veinte-Dos


Capitulo Veinte-Dos:



"Masaya akong makita ka, Celestina?"

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Para akong nananalamin. Kamukhang kamukha ko ang totoong Esmeralda. "Bumalik ka!"

"Oo, Celestina. Bumalik ako!" nagmadali siyang lumapit sa akin at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. "Nagbalik na ako."

Lumayo ako kay Esmeralda at nabaling ang tingin ko kay Lola Glenda. "Ibig sabihin ay aalis na ako dito." lumapit ako kay Lola Glenda at hinawakan ko siya sa kamay. "Lola Glenda, i-ibalik mo na po ako sa amin. Gusto ko na po bumalik kina Mama at Papsi. I dont want to live here anymore."

Umiling si Lola Glenda. "Hindi maaari, hija. Ito ang tunay mong tahanan."

"Anong nangyayari dito? Bakit kayo magkamukha ng anak ko? Sino sa inyo ang tunay kong anak?" naguguluhang tanong ni Don Rafael.

"H-Hindi! Doon ako sa tunay kong magulang. Hindi ako nararapat dito. Kailangan ko bang tumagos sa isang portrait? Say it!"

"Hija, ito ang tunay mong tahanan." nilingon ni Lola Glenda si Don Rafael. "Dahil si Don Rafael ang tunay mong magulang."

"Hindi kita maintindihan, Señora Glenda. Si Esmeralda lang ang tangi kong anak."

Masuyong ngumiti si Lola Glenda. "Si Celestina ang iyong nawawalang anak, Don Rafael. Noong nanganak si Doña Emilia ay dinala ng nagpaanak sa kanya ang kakambal ni Esmeralda."

"Nililinlang lang tayo ng babaeng iyan, Don Rafael." singit ni Alonzo.

"Paano mo mapapatunayang siya ay aking anak?"

"Tingnan mo pa lang silang dalawa, alam mo na kaagad na siya ay anak mo rin at alam kong may naramdaman kang lukso ng dugo sa kanya."

Mariin akong umiling. Hindi ko nagugustuhan ang mga naririnig ko ngayon. "Hindi ko kakambal si Esmeralda. Veinte años na ako at si Esmeralda ay dieciocho años pa lang. Paano nangyaring kakambal ko siya?"

"Dahil iyon ang pinamukha sa iyo ng iyong tinuring na magulang, hija."

Lumapit sa akin si Esmeralda. "Celestina, huwag kang mag-alala. Nandito ka na kasama namin."

"A-Ayoko na dito. Lola Glenda, gusto ko na bumalik sa amin." bumaling ang tingin ko kay Esmeralda. "Nandito ka na kaya ikaw ang may responsibilidad na pakasalan ang lalaking iyan!" tinuro ko si Alonzo. "Aalis na ako dito." bago ako makalagpas sa kanila ay parang may binulong sa akin si Lola Glenda. Bigla akong nakadama ng hilo. Dumilim ang paligid ko at tuluyang natumba.

"Celestina!"

Iyan ang huli kong narinig bago ako tuluyang mawalan ng malay.


------


"Celestine... Celestine, gumising ka na."

Unti-unti kong dinilat ang aking mata at bumungad sa akin si Lola Glenda. Napabalikwas ako ng bangon. "Where am I?"

"Nandito ka pa rin sa bahay ng mga Figuero, Celestine."

Napa-facepalm ako. "Ibalik mo na po ako sa amin, Lola Glenda. Mas okay pa sa akin na hanggang tingin na lang ako sa portrait ni Simoun kaysa makita siyang nasasaktan."

"Celestine, hindi maaari." tumabi sa akin si Lola Glenda. "Hindi ka makakabalik sa panahong iyon dahil nauulit na ngayon ang isang nangyari noon."

Naguluhan ako sa sinabi ni Lola Glenda. Anong naulit na nangyari noon? "Hindi po kita maintindihan."

"Malalaman mo rin iyon, hija." tumayo siya. "Matagal mo nang tanong sa akin kung sino ba talaga ako. Isa akong diwata ng tadhana, Celestine. Ako ang itinalaga ng Diyos para magtalaga ng kapareha ng isang tao." humarap siya sa akin.

"Ano naman ang connect ng pagiging Deity of Destiny mo sa nangyayari sa akin ngayon?"

"Sa panahong ito ka talaga dapat isinilang ngunit dahil sa isang pagkakamali ng isang Deity, nagkagulo na ang lahat. Bilang diwata ng tadhana ay dapat kong gawin ang tungkulin ko. Ang ipagtagpo kayo ng lalaking para sa iyo."

"At si Simoun iyon?"

Tumango si Lola Glenda. "Ngunit ginulo mo ang nakatakda. Sinabi ko na sa iyong huwag kang makipagkita kay Simoun ngunit sinuway mo ako." napabuntong hininga siya. "Sa ngayon, nag-iba na ang takbo ng inyong buhay. Hindi ko na alam kung anong mangyayari dahil tuluyan na itong nagbago. Mukhang mangyayari ulit ang nangyari noon." muling tumabi si Lola Glenda sa akin. "Sa ngayon ay nandito ka sa dapat na pamilya mo. Si Don Rafael ang dapat na iyong ama at si Esmeralda ang iyong kakambal."

"Pero Lola Glenda—"

"May hindi ka pa nalalaman. Totoong ikaw ay dieciocho años. Ikaw ay ampon lamang ng iyong magulang. Ang babaeng ina mo sa kasalukuyang panahon ay wala na, noong nakita ka ng mga umampon sa iyo ay bigla nilang naalala ang namatay nilang anak na si Celestine kaya inampon ka nila. Lumaki ka na nasa katauhan ni Celestine na matagal nang patay."

Mariin akong pumikit. Para akong mababaliw sa mga nalaman ko ngayon. Una, hindi ako tunay na anak nina Mama at Papsi. Pangalawa, hindi dapat ako pinanganak ng year 2000. Pangatlo, dapat nasa panahong ito talaga ako. Pang-apat, kakambal ko si Esmeralda. Panglima, dapat ay ama ko si Don Rafael at ang panghuli, magpapatuloy ang buhay ko dito sa San Carlos at isa akong Figuero. Hindi dapat ito ang nangyayari sa akin. Isa lang itong panaginip!

"Hija, tatagan mo ang iyong sarili."

"Bakit pa ako naging Figuero?" nilingon ko si Lola Glenda. "Lalo lang lumala ang sitwasyon. Si Simoun, lalo lang kaming pinaghihiwalay. Bakit mo kami pinahihirapan? Nandito na ako sa panahong ito pero heto, nahihirapan. Totoo ata 'yung sinasabi nilang malakas ka mang-power trip."

Tumawa ng malakas si Lola Glenda. "Nandito ako para gabayan ka, hindi pagdiskitahan ka. Lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan."

Pagak akong tumawa at nakuyom ko ang aking mga kamay. "So hindi ako makakabalik sa amin? Okay! That's great!"

Sabay kaming napalingon ni Lola Glenda sa pintuan nang bumukas iyon.

"Señora, Señorita, handa na po ang hapunan."

Tumango na lang ako sabay tayo.

"Celestine, ang sabihin mo ay lumaki ka sa ibang bansa upang mapadali ang ating pagkukwento sa iyong ama at ikaw ay si Celestina."

"Bahala ka po." malamig kong tugon bago lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa komedor at alam kong nakasunod sa akin si Lola Glenda.

"Celestina!" sinalubong ako ng yakap ni Don Rafael na aakalain ng kung sinuman na ngayon lang kami nagkita. "Masaya ako na bumalik ka sa ating tahanan. Pati rin ikaw, Esmeralda."

Lumapit sa amin si Esmeralda at nakisali rin siya sa yakapan na sila lang ang yumayakap. Hindi naman kasi ako gumaganti sa yakap nila. Humiwalay ako sa yakap nila.

"Tabi tayo, Celestina." hinila ako ni Esmeralda sa tabi ng inupuan niya.

"Señora Glenda, maupo po kayo." inilahad ni Don Rafael ang bakanteng upuan sa tabi ni Alonzo.

Ngumiti sa akin si Alonzo. Pasimple ko naman siyang inirapan. Nag-usal naman ng isang dasal si Esmeralda. Dasal na pasasalamat sa pagkain binigay ng Diyos.

"Señora Glenda, kailan mo nakita si Celestina?"

"Noong Enero, Don Rafael. Sa Maynila ay nagkasalubong kami ni Celestina..."

Hinayaan ko na magkwento si Lola Glenda tutal siya naman ang nakakaalam ng kwentong siya ang naghabi. Tahimik lang akong kumain.

"Celestina, tabi tayong matulog mamaya." masayang bulong sa akin ni Esmeralda.

Kumibit balikat lang ako. "Bahala ka." marahan kong inusog ang pinggan kinainan ko.

"Celestina—"

"Celestine po. Itawag ninyo ako sa pangalang Celestine. Ang Celestina ay pangalan ng aking pusa." inabot ko ang basong nakalaan para sa akin at ininom ang laman nito.

"M-May alaga kang pusa?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Esmeralda.

"Celestine, naging mabuti ba ang iyong buhay sa mga nagpalaki sa iyo?"

Sinalubong ko ang tingin ni Don Rafael or should I say Papa. "Opo. Naging maganda ang buhay ko kina Mama at Papsi." huminga ako ng malalim. "Lumaki ako na nasusunod ang nais ko."

Para namang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Don—Papa. "Mabuti naman kung ganoon." ngumiti siya. "Sa darating na sabado ay magkakaroon tayo ng salu-salo dahil buo na ang pamilya natin!"

"Bahala po kayo." huminga ako ng malalim. "Maaari ko naman na siguro ilabas ang tunay kong pagkatao. Hindi na ako nagpapanggap na Esmeralda. Ako'y tapos na kumain." tumayo ako. "Lola Glenda, mauuna na ako." hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at iniwan ko na sila. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong ma-digest ng isipan ko sa kung anong nangyayari ngayon.


-----


Isa-isa kong tiningnan ang mga trabahador dito sa manggahan. Lahat sila ay masayang nagtatrabaho at hindi nag-aalinlangan na makipagkwentuhan sa akin. Kaninang umaga ay pinakilala ako ni Don—Papa bilang si Celestina o sa nagmistulang palayaw ko na Celestine.

"Señorita Celestine, nakakatuwa pong hindi kayo naiilang makipag-usap sa tulad namin."

Nginitian ko si Manang Sita. "Para sa akin, tayo ay pantay-pantay. Mga Pilipino tayo kaya walang turingan na mataas. Kung wala kayo ay wala rin kami. Salamat sa pagtatrabaho ninyo sa amin."

"Celestine."

Napalingon ako. "Bakit Esmeralda?" nilapitan ko si Esmeralda.

"M-Maaari ba tayong maglibot dito? Gusto ko sanang makasama ka."

"Sige." nilingon ko ang mga trabahador. "Mauuna na po ako." kumaway ako sa kanila at gumanti rin sila ng kaway. Naglakad na kami ni Esmeralda palayo sa kanila.

"Maganda ang naitulong mo dito sa hacienda."

"Hindi naman masyado. Kailangan lang sila bigyan ng maayos na pahinga para makapagtrabaho sila ng maayos." nagpahinto akong maglakad nang may makita akong orchids sa isang puno. Nakadama ako bigla ng sakit at pangungulila dito sa puso ko.

"Kumusta ang iyong puso?"

"Malala." humarap ako kay Esmeralda. Hindi pa rin ako sanay na makita ang isang kamukhang-kamukha ko. "Masakit. Sobrang sakit. Alam mo 'yung pakiramdam na gusto mo siyang makasama ngunit hindi maaari?"

"Alam ko. Nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon." nakita ko ang gumuhit na sakit sa mata niya. "Hanggang ngayon ay umiibig pa rin ako kay Emilio ngunit hindi maaari dahil kasal na siya kay Milagros at nakatali na ako sa nais kong maging madre. Kaya huwag mong pigilan ang iyong nararamdaman. Kung ikaw ay naiiyak, iiyak mo lang. Nandito ako para damayan ka."

Bigla kong niyakap si Esmeralda sabay ng pag-agos ng luha galing sa mata ko. "Ang sakit, Esmeralda. Bakit pa naging magkaaway ang mga angkan natin? Ang hirap, sobrang hirap." naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Esmeralda sa likod ko. Tuloy pa rin ang usapan namin Don Rafael dahil hindi maaaring pakasalan ni Alonzo si Esmeralda. Ako pa rin ang ipapakasal kay Alonzo kapalit ng kalayaan ni Simoun.

"Paumanhin, Celestine."

Humiwalay ako kay Esmeralda at mapait na ngumiti. "Nangyari na, hindi na natin iyon mapapalitan."

Pilit siyang gumanti ng ngiti sa akin. Nararamdaman ko na sinisisi ni Esmeralda ang kanyang sarili dahil sa nangyayari sa akin ngayon.

"Huwag ka nga'ng ganyan sa iyong sarili. Mamaya ay nais kong ipakita sa iyo kung gaano ako kagaling sumayaw ng ballet?"

"P'wes ako naman ay ipapakita ko sa iyo kung gaano ako kagaling sa pagtugtog ng pyano!"

Sabay kaming tumawa dalawa at naghawakan kami ng kamay. Totoo talaga ang sinasabi nila na may kakaibang koneksyon ang mga kambal. Naglakad na ulit kami hanggang makarating kami sa tagpuan ni Simoun.

Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko kung sino ang nakaupo doon sa nakausling ugat ng puno ng Acacia. "S-Simoun?"

Napalingon sa amin si Simoun at nanlaki ang mata niya pero nabaling ang atensyon niya sa akin. Unti-unti siyang tumayo at lumapit sa amin. "Esmeralda..." hinawakan niya ang kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko. "Hindi ako si Esmeralda. Siya si Esmeralda." tinuro ko ang kakambal ko. "Siya ang iyong nobya." napangiwi si Esmeralda dahil sa sinabi ko.

Mariing umiling si Simoun at muling kinuha ang kamay ko. "Hindi siya ang babaeng minamahal ko. Ikaw iyon."

"Hindi ako si Esmeralda! Celestine ang pangalan ko!"

"Kahit sino ka pa, alam kong dito sa puso ko ay ikaw ang tangi kong iniibig."

Pinipigil ko ang mga luhang gustong bumuhos. Hindii ko alam kung paano niya nalaman kung sino sa amin ni Esmeralda ang nobya niya. Marahil dinidikta ng kanyang puso ang tunay niyang iniibig. "Kalimutan mo na ako, Simoun. Umibig ka na lamang sa ibang binibini. Hindi tayo nababagay para sa isa't isa." binawi ko ang kamay ko at tumakbo ako papalayo sa kanila. Muling bumuhos ang luha sa pisngi ko. Alam kong nahihirapan si Simoun dahil sa ginawa ko.

Kailangan kong gawin ito kahit pareho kaming nasasaktan para sa kalayaan niya. Para hindi kunin ang buhay na dapat niyang matamasa. Alam kong darating ang araw na makakakita rin si Simoun ng babaeng mamahalin niya. Ang babaeng nararapat para sa kanya at hindi ko alam kung makakaya ko iyong makita. Siguro ngayon pa lang ay sanayin ko na ang sarili ko na hindi ako para kay Simoun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top