Capitulo Veinte-Cuatro
Capitulo Veinte-Cuatro:
"Celestine, magpahinga ka muna. Hindi ka na umalis diyan simula kanina."
Huminga ako ng malalim. "Marami pa akong gagawin, Papa. Hindi ako dapat magpahinga ngayon." bumalik ako sa pagbibilang ng mga inaning mangga.
"Ngunit magkakasakit ka sa ginagawa mo."
Lumingon ako kay Papa. "Mabuti nga iyon para malagutan na ako ng hininga. Hindi naman ako magiging masaya."
"Celestine!" may babala sa tono ng boses ni Papa.
"Bakit, Papa? Totoo naman ang aking sinambit. Mas nanaisin ko pang mawala sa mundo bago ikasal sa taong hindi ko naman mahal kaysa mamatay sa piling ng isang taong ayokong makasama habangbuhay."
"Pag-uusapan ba na naman natin ito, Celestine!"
Hindi ko na lang pinansin si Papa. Mas mabuti pang magpanggap na wala siya d'yan sa tabi ko kaysa makipagtalo dahil alam kong sa huli ay talo pa rin ako.
"Celestina, inuutusan kitang tigilan mo ang iyong ginagawa. Pinapatay mo ang iyong sarili!"
"Mabuti nang mamatay dahil sa sobrang pagtatrabaho. Mas ikatutuwa ko pa iyon."
"Ano bang dapat kong gawin para tumigil ka sa iyong ginagawa?"
Nilingon ko si Papa. "Isa lang na sagot. Hayaan mong maging masaya ako at alam mong si Simoun lang ang solusyon doon." walang emosyong sagot ko. Blangko rin ang ekspresyon ng mukha ko.
"Alam mong hindi maaari yan!"
"Bakit ba labis kayong nagagalit sa angkan ng mga Pelaez? Kaytagal na noong namatay sina Dolores Figuero at Tomas Pelaez, bakit magkaaway pa rin ang angkan natin at angkan nila?"
"Dahil pinatay ng kapatid ni Don Julian ang aking nag-iisang kapatid na babae."
Naguluhan ako sa sinagot ni Papa. May kapatid itong babae? "Hindi po kita maintindihan. Anong ibig mong sabihin?"
Bumuntong hininga si Papa bago sagutin ang tanong ko. "Katulad mo'y umibig rin ang aking kapatid na si Julia sa isang Pelaez, si Carlos Pelaez. Labis siyang umiibig sa binatang iyon. Hinayaan ng iyong abuelo na siya'y umibig sa isang Pelaez dahil nakabuti iyon sa kanyang kalusugan. Naging masiyahin siya ngunit dumating ang araw na labis siyang tumatangis, ang dahilan ay pinutol ni Carlos ang kanilang relasyon. May iba na daw itong mahal na labis namang dinamdam ng aking kapatid. Hindi siya lumabas sa kanyang silid, hindi kinakain ang hinahatid na pagkain sa kanya at lalong lumala ang kanyang sakit," kumuyom ang kamay ni Papa.
Galit. Sobrang pagkagalit kay Carlos Pelaez ang nakikita ko kay Papa.
"Linggo, siguro'y alas cinco ng umaga ay nang pinuntahan ng iyong abuela si Julia, akala ni ina ay mahimbing na natutulog si Julia. Nang lapitan nito ang aking kapatid, puno ng dugo ang hinihigaan ni Julia. Iyon pala'y naglaslas siya, pinutol na niya ang kanyang buhay. May liham siyang iniwan. Ang nakasulat lang doon ay humihingi siya ng paumanhin sa amin at ang pinakahuli ay hindi niya kayang mabuhay sa mundo kung wala na sa kanya ang lalaking sinisinta. Nang dahil kay Carlos Pelaez, nawala ang aking kapatid. Pinatay niya ang iyong tiya." lumingon si Papa sa akin. "Kaya tigilan mo na ang nararamdaman mo kay Simoun Pelaez!"
Mariin akong umiling. Walang makakapagdikta sa nararamdaman ng isang tao. "Magkaiba kaming dalawa. Hindi ako ang iyong kapatid. Hindi mo ako mapipigilang magpatuloy na umibig kay Simoun. Nagmamahalan kaming dalawa at hindi namin kasalanan kung anuman ang nangyari noon ngunit ikaw, Papa, ang humahadlang sa amin. Kung anuman ang mangyari sa amin o sa akin sa susunod na mga araw, ikaw ang may kasalanan nito."
"Talagang ipagpipilitan mo ang pagsinta mo sa isang Pelaez? Hindi mo ba nakikita? Isang sumpa sa isang Figuero ang umibig sa isang miyembro ng angkan ng Pelaez dahil ang palaging wakas nito ay ang pagkitil ng buhay."
Matapang na sinalubong ko ang tingin ni Papa. "Dahil palaging may komokontra sa pag-iibigan nila na katulad rin sa nangyayari sa amin ngayon." huminga ako ng malalim. "Kung maaari lang ay bumalik na po kayo sa bahay. Marami pa po akong gagawin dito."
"Tumigil ka sa iyong ginagawa at bumalik ka na rin sa bahay. Darating ang pamilya Ferrer dahil inanyaya ko silang magtanghalian sa atin." naglakad na papalayo sa akin si Papa. Isa lang ang ibig sabihin nun. Bumalik na ako sa bahay at harapin ang mga Ferrer, tapos ang usapan.
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa ko. Wala akong pakialam kung kanina pa nandoon ang pamilyang iyon. Marapat lang na iparamdam ko sa kanila na hindi ako pabor sa kasalang nais nila para naman si Alonzo Ferrer na ang kusang magsabi na itigil na ang kasalang pinaplano.
Nang matapos na ako sa aking ginagawa at napatingin ako sa mga kasama ko. Abala sila sa kani-kanyang mga gawain. "Itigil po munan ninyo iyan at magsitanghalian na po kayo." nilakasan ko ang boses ko para marinig nila ako. "Ako na ang bahala dito."
"Ngunit paano po kayo, Señorita?"
Nginitian ko si Aling Miranda. "Mayamaya ay kakain na rin po ako." nilibot ko ang aking paningin. "Magpahinga rin po kayo, bumalik na lang po kayo ng mga bandang alas dos."
Nagpasalamat sa akin ang ibang trabahador bago sila umalis. Masasabi kong nagiging maayos na talaga ang Hacienda Figuero.
"Señorita!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Bakit Rosa?"
"Pinapatawag po kayo ni Don Rafael." hinihingal nitong sagot.
"Sabihin mo kay Papa na susunod na ako."
"Hindi kita maaaring iwan dito. Ang nais ni Don Rafael ay kasama po kitang bumalik doon."
Bumuntong hininga na lang ako at inayos na lang ng kaunti ang mga basket bago lapitan ang kabayong ginagamit ko palagi kapag naglilibot sa hacienda. Sumakay kaagad ako sa kabayo ko. "Halika na." nilahad ko ang aking kamay.
"S-Señorita Celestine, sigurado po ba kayong sa kabayo?"
"Oo naman kaya sumakay ka na." halata namang wala nang magagagawa pa si Rosa kaya sumakay na siya sa kabayo ko. Napangiti naman kaagad ako at hinapit ang kabayo kaya agad itong tumakbo.
"Señorita!"
"Kumalma ka lang at kumapit ka sa akin."
Ganoon naman ang ginawa ni Rosa. Pagkaraan ng ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay. Agad na bumaba si Rosa at tumakbo papunta sa likod bahay. Napapailing na natatawa ako bago bumaba sa sinasakyan kong kabayo na ang pangalan ay Trinity. Ingles na pangalan na binase ko sa pangalan ng kabayo ni Simoun na si Trinidad. Itinali ko ang renda ni Trinity sa puno bago pumasok sa loob ng bahay.
Bumungad sa akin si Aling Nenita na mukhang kanina pa ako hinihintay. "Señorita, dumeretso na po kayo sa komedor."
Tumango lang ako bago pumunta sa komedor. Katulad ng sinabi ni Papa kanina ay nandito nga ang pamilya Ferrer. "Magandang hapon sa inyo." maotoridad kong bati sa kanila bago ako humalik sa pisngi ni Papa. Nakasanayan ko nang gawin ito sa kanya kahit na palagi kaming nagbabangayan. "Paumanhin kung ako'y natagalan. Masyado lamang akong natuon sa trabaho." umupo naman ako sa tabi ni Esmeralda. Agad naman akong nagsalin ng pagkain sa aking pinggan.
"Hija, dapat ay hindi ka na masyadong nagtatrabaho sa inyong hacienda. Dapat ay inihahanda mo na ang iyong sarili bilang isang maybahay. Hayaan mo na lamang na si Alonzo ang mangalaga sa hacienda ninyo."
Tinaasan ko ng kilay si Don Crisostomo. "Kahit ako'y babaeng may asawa na, katungkulan ko na pangalagaan ang aming hacienda. Hindi naman kailangan na umasa lang ako kay Señor Alonzo."
Hindi na umimik pa si Don Crisostomo. Nagpatuloy naman akong kumain. Nagkwentuhan naman sila. Si Esmeralda ay nakikisali rin sa usapan habang ako ay tahimik lang. Wala akong gana na makisali sa usapan nila.
"Napakasarap ng pagkain, sino ang nagluto nito?"
"Si Esmeralda, Doña Josefa." magaang sagot ni Papa.
Bumaling ang tingin sa akin si Doña Josefa. "Bakit hindi ikaw, Señorita Celestina, ang nagluto? Para naman matikman namin ang luto mo."
"Hindi ako pinalaki ng mga tinuring kong magulang na gumawa sa gawaing bahay." inusog ko ang pinggang kinainan ko. "Ang sabi kasi ng aking Mama na hindi ko naman obliga na gawin ang mga gawaing bahay dahil marami naman kaming alalay, kasama na roon ang pagluluto." kahit ang totoo ay paulit-ulit sinasabi sa akin ni Mama na dapat alam ko ang mga gawaing bahay. Magaling rin ako magluto. Sinisira ko lang talaga ang imahe ko sa pamilyang ito.
"Ngunit dapat na alam mo ang mga gawaing bahay. Paano mo maaasikaso si Alonzo kung wala kang kaalam-alam sa gawaing bahay?"
Binigyan ko ng isang nakakabagot na tingin si Doña Josefa. "Hindi naman ako katulong ni Señor Alonzo kung sakaling ikasal kami. Magiging esposa lang niya ako pero hindi ko obligado na asikasuhin siya. Hindi rin naman niya obligado na asikasuhin rin ako." umayos ako ng upo. Alam kong nawiwirduhan sa akin ang mga kasama ko. "Lumaki ako na nakatatak sa aking isipan na huwag umasa sa mga kalalakihan. Kung ikasal kami ni Señor Alonzo, hanggang doon lang iyon. May kanya-kanya kaming buhay. Kaya kong buhayin ang aking sarili kahit wala pa siya sa buhay ko."
"Por Dios, Por Santo!"
Ngumisi ako. Alam kong aayawan na ang ng ina ni Alonzo. "Kung sakaling nais ni Señor Alonzo na kami'y maghiwalay, ayos lang sa akin iyon. Natural na iyon sa amin na wala naman talagang pag-iibigan na naganap sa aming dalawa."
"Mahal ka ng aking anak!"
"Mama." saway ni Alonzo.
Tiningnan ko si Alonzo. "Noong nakaraang buwan lang, ang aking kakambal ang iyong iniibig, ngayon na ay ako. Nakakalungkot naman na hindi mo alam ang depinisyon ng pag-ibig."
"Celestina!"
Hindi ko pinansin si Papa. "Ngayon pa lang, sa tingin ko'y, ako pa ang magtatanggol sa iyo." napailing ako. "Nakakahiyang lalaki."
"Don Rafael, hindi ko maatim ang mga naririnig ko sa bibig ng iyong anak!" naghihisterikal na sabi ni Doña Josefa. "Parang hindi babae!"
"Babae ako. Sadyang lumaki ako na kaya kong tumayo sa aking sarili. Naalala ko ang aking Papsi. Tinuruan niya akong gumamit ng baril at makipaglaban upang maipagtanggol ko ang aking sarili. Nais ko tuloy maglaro ng baril." tumayo ako. "Ako'y tapos na. Babalik na muli ako sa aking trabaho."
"Celestine, dito ka lang!"
"Goodbye everybody!" sigaw ko bago patakbong umalis. Ngayon, sirang-sira na ang pangalan ko sa kanila. Siguro namang magulang ang papayag na pakasalan anak nila ang isang pagkatao na pinagsasabi ko kanina? "Ang talino mo, Celestine!"
------
Huminga ako ng malalim bago sumandal sa puno. Dito sa naging tagpuan namin ni Simoun ang napili kong magpahinga ng pangsamantala. Inaaalaala ko rin ang mga panahong nandito kami pareho ni Simoun. 'Yung mga alaala na masaya kaming nagkukwentuhan. Ilang araw ko na ring napansin na parang wala nang nagagawi dito. Marahil ay ayaw na ni Simoun ang pumunta-punta dito.
Unti-unti akong pumikit. Hinayaan ko na tangayin ng hangin ang buhok ko at tumabing ito sa mukha ko. Naramdaman ko na may tumabi sa akin at hinawi ang nakabing na buhok sa mukha ko. Nagpanggap akong natutulog ako. Papakiramdaman ko ang taong ito kung anong gagawin ng taong ito. Marahan nitong hinawakan ang ulo ko at inihilig sa balikat ko. Sino ka?
Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan ito. Nagpatuloy lang akong magtulog-tulugan.
"Napakaganda mo talaga, aking orkidia."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Simoun.
"Para kang isang anghel habang natutulog." hinaplos ni Simoun ang mukha ko. "Masaya akong makita ka, Celestine."
Parang may isang mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Ang sarap pakinggan nang tinawag niya ako sa pangalan ko mismo. Na tanggap niya kung sino ako.
"Kahit ika'y mahimbing na natutulog, ito'y ayos lamang sa akin. Sana'y mamaya ka pa magising upang makasama kita ng matagal. Mapagmasdan ang iyong mukha. Pangangalagahan ko ang munting alaala na kasama ka. Mananatili sa aking isipan ang iyong mukha."
Umayos ako ng upo at pasimpleng yumakap kay Simoun. Ako rin, pangangalagahan ko ang alaalang kasama kita ngayon. Naramdaman ko na inakbayan niya ako at inayos ng kaunti ang posisyon ko, marahil upang hindi ako masyadong mangalay.
"Mahal na mahal kita, Celestine."
"Mahal na mahal din kita, Simoun." buong puso kong sabi at lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Nagpanggap pa rin akong natutulog. Ayokong masira ang senaryong ito na kasama ko siya dahil alam kong sa oras na magising ako, kailangang kong layuan kaagad siya.
"Nakakatuwa namang malaman na nandiyan ako sa iyong panaginip." naramdaman ko ang magaang paghalik ni Simoun sa uluhan ako. "Palagi ka ring nasa aking panaginip dahil iyon ang aking panalangin, na kahit sa panaginip ay makasama kita."
Oh, 'di man ikaw ang nakaraan,
Panalangin ko ay 'kaw nakalaan
Pangarap na lamang ba kita?
Panalangin ko ay 'wag naman sana
"Na sana'y nasa tabi kita palagi, na sana'y nasa panaginip mo rin ako."
Dito ka lang sa 'king tabi
'Wag ka na sanang aaslis
'Di ko na kayang magkunwari
"Sigurado akong idadala ko ito sa aking panaginip."
Naramdaman ko ang patak ng tubig sa pisngi ko sabay nun ang biglang pagbuhos ng ulan. Unti-unti akong dumilat at nagkasalubong ang aming mga mata. "Simoun." halos pabulong kong bigkas sa pangalan niya. Hinaplos ko ang mukha niya. Nilibot ko ang paningin ko. Pareho kaming sobrang basa sa ulan. Tumayo ako. "Maglaro tayo sa ulan."
Naguguluhang tumingin sa akin si Simoun bago siya tumayo. "Dapat ay bumalik ka na sa inyo. Baka magkasakit ka."
Umiling ako. "Gumawa tayo ng mga alaala na idadala natin sa ating panaginip." hinawakan ko ang kamay ni Simoun at hinila siya papalayo sa puno ng Acacia. Nilagay ko sa baywang ko ang kanyang mga kamay. Nilagay ko naman sa balikat niya ang mga kamay ko. "Sumayaw tayo, isipin nating isang musika ang tunog ng ulan."
Kahit sa panaginip lang
Isayaw sa ilalim ng ulan na
Paulit-ulit, paulit-ulit
hanggang sa may maramdaman
Tumango si Simoun at sumayaw kami sabay sa himig ng ulan. Magkatagpo ang mga mata at hindi na iniisip ang susunod na mangyayari. Sumasayaw kami dito sa aming tagpuan. Lugar na kung saan marami kaming masasayang alaala.
Pumikit ako at humilig sa balikat ni Simoun. Hindi mawawala sa aking isipan ang kaganapang ito. Mananatili ito sa aking puso't isipan. Pagdilat ko ay sinalubong ko ang tingin ni Simoun. Dahan-dahang bumababa ang kanyang ulo hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Isinara ko ang aking mga mata. Dinama ang halik ng pag-ibig ni Simoun.
Pagdilat ng 'yong mga mata,
Maaalala mo pa ba na
Paulit-ulit, paulit-ulit
Na ako'y 'yong nahagkan
Kahit sa panaginip lang?
Ako na mismo ang lumayo kay Simoun. Hinaplos ko ang mukha niya bago naglakad papalayo sa kanya nang bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
"S-Simoun...?"
"Magkita tayo palagi dito, Celestine. Makasama ka kahit sandali lang ay magiging masaya na ako."
Gumanti ako ng yakap sa kanya bago lumayo. Ngumiti ako. "Pumapayag ako." hinalikan ko siya sa labi bago naglakad paalis sa tagpuan naming dalawa. Siguro'y susulitin ko ang araw na makasama si Simoun bago ako matali sa taong hindi ko naman mahal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top