Capitulo Veinte
Capitulo Veinte:
Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil ang layo ko na sa kanilang dalawa. Well, I will win this competition. Papatunayan ko silang magagaling rin ang mga kababaihan sa larangan ng horseback riding. Na hindi dapat minamaliit ang kakayahan ng mga kababaihan.
Napatingin ako sa likuran ko. Aba! Sumusunod sila sa akin. "Trinidad, bilisan mo pa. Girl power tayong dalawa!" mukhang naintindihan naman ako ni Trinidad dahil mas binilisan niya ang pagtakbo. "Very good!" napangiti ako nang makita ko ang finish line. Yes! For the first time, nakasali ako sa ganitong uri ng laro at sa panahon pa ng Español ko ito naranasan. Napahiyaw ako nang makalagpas na kami sa finish line. "Yes!" niyakap ko si Trinidad. "Ang galing mo!" narinig ko ang papalapit na yabag ng mga tumatakbong kabayo. Humarap ako sa kanila at nginisian sila bago bumaba. "Akala ko'y sobrang galing ninyo sa pangangabayo. Nadaigan ko pa kayo."
Napapailing na lang na bumaba si Simoun. Obviously, wala na siyang masasabi pa dahil alam na niya iyon. Samantalang si Alonzo ay galit ang makikita sa mukha. Inabot ko kay Simoun ang renda ng kabayo.
"Sa iyo ata itong kabayo. Salamat!" nagmadali na akong iniwan sila. Hindi ko pinapansin ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao. Wala akong pakialam kung nagpakita ako ng sobrang pagkagaslaw basta masaya ako ngayon. Lumapit ako kina Don Rafael. Kita ko sa mukha nila ang pagkadisgusto ng ginawa ko kanina. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng matamis sa kanila. "Kalmado na ako ngayon!" iniwan ko na rin sila at pumunta sa kalesa.
Oo, naging pasaway ako sa araw na ito. Wala naman na silang magagawa dahil nagawa ko na. Napatingin ako sa kumatok sa kalesa. Isang batang babae.
"Ano iyon?"
May inabot sa akin na sobre ang batang babae. "Pinabibigay po ng isang Señor." at tumakbo na ito papalayo sa akin.
Napangiti ako. Sigurado akong galing ito kay Simoun. Nilagay ko sa bag ko ang sulat ni Simoun. Mamaya ko na lang iyon babasahin dahil baka mabuking pa ako nila Don Rafael.
Mayamaya ay sumakay na sa kalesa si Don Rafael. Seryosong-seryoso ang mukha nito. "Bumalik na tayo sa hacienda."
Shut up na lang ako baka kasi sigawan ako ni Don Rafael kung sakaling magsalita ako. Nakakatakot magalit si Don Rafael, dinaig si Papsi. Tumingin na lang ako sa labas. Malapit lang ang Hacienda Figuero sa lugar kung saan dinaos ang kompetisyon kaya nakarating kaagad kami. Naunang bumaba si Don Rafael. Nakayuko naman akong sumunod sa kanya. Alam kong papagalitan ako ng don.
"Bakit mo ginawa iyon?" bungad niyang tanong pagkapasok na pagkapasok namin sa bahay. "Bakit ka sumali sa paligsahang iyon?"
Halos mapatalon ako sa sigaw ni Don Rafael. Heto na, sisermunan na niya ako. Huwag niya sana akong sampalin.
"Hindi ba't sinabi kong huwag kang lalayo sa amin? Bakit hindi mo ako sinunod at nakisali ka pa sa paligsahan na para lang sa mga lalaki?"
Napakagat labi ako at pinagdikit ang dalawa kong hintuturo.
"Sumagot ka!"
Napatalon ako sa sobrang gulat. "A-Ano po... K-Kasi po gusto kong maranasang sumali sa ganoong kompetisyon na dapat ay maaari ring sumali ang mga babae."
"¡Dios mio! Esmeralda! Kailan ka pa natutong sumuway sa mga utos ko? Anong klaseng dahilan iyan? Nagpakita ka ng sobrang pagkagaslaw kanina!" napatampal sa noo si Don Rafael. "Muntik nang hindi ikaw ang gumanap sa pagiging Reina Elena."
Napangiwi ako. Masama bang gawin ang gusto ko?
"Pumasok ka na sa loob ng iyong silid at darating na ang mag-aayos sa iyo. Mamayang gabi na ang Santacruzan kaya dapat ka lamang na magpahinga." at iniwan na ako ni Don Rafael.
Napabuntong hininga na lang ako. Grabe ang pagpigil kong huminga. Nagmadali kaagad akong umakyat at pumasok sa kwarto ko baka kasi balikan ako ni Don Rafael.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko kaagad ang sulat ni Simoun para sa akin. Napapikit pa ako dahil sa bango ng papel. Talagang special paper ang gamit?
Mahal kong orkidia,
Ilang gabi rin tayong hindi nagkita aking mahal. Sa bawat gabing nagdaan ay patuloy akong naghihintay sa ating tagpuan at nagbabakasakaling maisip mo na pumunta doon.
Pinapanalangin palaging ika'y nasa aking bisig at sabay tayong titingin sa kalangitan na puno ng mga tala. Ang marinig muli ang boses mong napakaganda. Sa tuwing hindi tayo magkasama ay iniisip ko na lang na nandyan ka sa tabi ko at palagi akong sinasalubong isang matamis na ngiti. Kung maaari ay hilahin ko ang buwan para gumabi na kaagad at nang makasama na kitang muli.
Sa gabi ng Santacruzan, aabangan ko ang pinakamagandang reina sa buong mundo. Ang reinang bumihag sa aking puso at sana'y pahintulutan mo na patuloy na umibig sa iyo.
Humahalik sa iyong kamay,
S
Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Shemay naman! Gusto kong tumili sa sobrang kilig. Ako daw 'yung reynang bumihag ng puso niya. My gosh! Grabe talaga! Feeling ko namumula ang mukha ko. Napakagat labi ako. "Aaaaaaaaah!"
"Esmeralda! Anong nangyari sa iyo?"
Nanlaki ang mata ko. Bigla kong tinago ang sulat ni Simoun.
"Esmeralda..."
Binuksan ko kaagad ang pintuan at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Don Rafael. "P-Papa!"
"Bakit ka sumigaw? May nangyari bang masama sa iyo?"
"A-Ano po iniisip ko po kasi kung nasaan si Celestina tapos biglang may ipis akong nakita kaya napatili po ako. Papa! Takot ako sa ipis."
Pumasok sa loob ng kwarto ko si Don Rafael at nilibot ang kanyang paningin. "Nasaan na ang ipis na iyong sinasabi?"
"L-Lumipad po papalabas ang ipis." napa-cross finger pa ako ng wala sa oras. Napailing na lang ako nang pumasok sa loob ng kwarto si Celestina. Lokong pusa ito. Gala masyado. Kinarga ko siya. "Nakita ko na si Celestina, Papa!"
Napasulyap sa akin si Don Rafael habang napapailing. "Nandoon sa aking opisina ang iyong alagang pusa. Prenteng nakaupo sa aking silya."
Napatango na lang ako at hinaplos si Celestina. "Ikaw talagang pusa ka."
"Bueno ako'y babalik na sa aking opisina."
Nginitian ko pa si Don Rafael bago ito lumabas. Huminga ako ng malalim. "Naku naman, Celestine, grabe ka lang kiligin." napapailing na lang akong umupo sa kama ko karga-karga si Celestina. "Anong ginawa mo maghapon, Celestina?"
-------
"Buenas tardes, Señorita Esmeralda!"
Ngumiti ako sa bumati sa akin. Hindi ko kilala itong babaeng bumati sa akin so ngiti lang ang maisusukli ko pagbati niya. Kanina pa ako binabati ng mga tao dito sa loob ng simbahan. Nakita ko na rin ang gaganap na Constantino, si Lorenzo. Super cute na bata, napisil ko pa ang mukha kaya hayun umiiyak at parang ayaw na lumapit sa akin.
Kanina pa ako palingon-lingon. Hinahanap ko si Simoun. Gusto ko malaman kung anong reaksyon niya kung sakaling makita niya ang ayos ko.
"Buenas tardes, Señorita!"
Napalingon ako sa bumati sa akin. Napasimangot ako. " Buenas tardes, Señor Alonzo." labas sa ilong na balik bati ko.
"Eres tan hermosa."
"Ah, ganoon ba?" walang ganang sabi ko. Nilibot ko ang paningin ko para malaman ni Alonzo na ayoko siyang kausap.
"Naba—"
"Señorita Esmeralda!"
Napangiti ako dahil lumapit sa amin si Lorenzo. Mukhang hindi na ito nagta-tantrums. "Hola Señorito Lorenzo!"
"Hindi na po ako nagagalit sa inyo. Bati na po tayo!"
Mahina akong tumawa. "Akala ko mawawala na ang Constantino ko. Hayaan mo, hindi ko na pipisilin ang mukha mo."
"Pangako po?"
Tumango ako. "Pangako."
Ngumiti sa akin si Lorenzo at hinawakan ang kamay ko. "Señorita Esmeralda, ate na lang po ang tawag ko sa iyo. Ang haba po kasi ng Señorita Esmeralda."
Nakakatuwang bata. "Oo naman."
"Señorita Esmeralda, pupunta lang ako kay Padre Procopio."
Tumango na lang ako at hindi na nag-abalang lingunin si Alonzo.
"May hinahanap po ba kayo?"
Nilingon ko si Lorenzo. "Oo."
"Si Kuya Emilio po ba?"
Kumunot ang noo ko. "Hindi. Bakit ko naman siya hahanapin?"
"Kasi po naging nobyo mo po siya, 'di ba?"
Umiling ako. "Hindi po. May iba akong hinahanap."
"Sino po?"
Ngumiti lang ako kay Lorenzo. Kahit bata pa si Lorenzo, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na si Simoun ang hinahanap ko.
"Mag-uumpisa na po tayo, maghanda na po ang mga reina."
"Nasaan na kaya siya?" wala na akong choice nang sinabing pumila na kami. Mukhang hindi makakarating si Simoun. Napabuntong hininga ako.
Nang mag-umpisa na ang prusisyon ay umisang sulyap pa ako sa bandang likuran. Nagbabakasakaling nandoon si Simoun ngunit wala.
Ngumingiti ako sa mga tao habang hawak ko ang kaliwang kamay ni Lorenzo. Sana ay hindi sumpungin ang batang ito dahil alam kong matagal itong prusisyon na ito.. Lahat naman ng kasama ko sa Santacruzan na gumanap sa ibang role ng mga reyna ay magaganda. Nice naman this.
Umabot ata ng kalahating oras ang prusisyon bago bumalik sa simbahan. Super nangalay din ang labi ko sa kakangiti at ito namang si Lorenzo ay panay kapit lang sa akin na para bang kapag binitawan ko siya ay mawawala siya. Natapos rin ang prusisyon na hindi ko nakikita si Simoun. Para tuloy akong na-lowbat dahil hindi ko man lang siya nakita. Masyado akong nag-expect.
Nang nasa simbahan na kami ay humiwalay na sa akin si Lorenzo. Napabuntong hininga ako. Gusto ko na umuwi kaso may gagawin pa ata.
"Ate!"
Ngumiti ako nang lumapit sa akin si Lorenzo. "Bakit, Lorenzo?"
"Pinabibigay po ito sa iyo ng isang ginoo at isang binibini." inabot sa akin ni Lorenzo ang isang kulay dirty white na sobre at kulay azul na sobre.
Tiningnan ko kung kanino galing ang mga sulat. Walanv nakasulat na pangalan. "Kanino galing ito?"
"Sa tingin ko po ang ginoong nagbigay po ng isang sulat ang kanina mo pa po hinahanap."
Bigla akong nabuhayan dahil sa sinabi ni Lorenzo. Ibig sabihin nandito lang si Simoun kaso hindi lang siya makalapit sa akin. "Salamat Lorenzo." ngumiti sa akin si Lorenzo bago umalis. Umupo ako sa malapit na banco de iglesia at pinanood ang mga nagdadaanang mga tao.
"Hija, tayo'y umuwi na. Tiyak akong pagod ka na."
Ngumiti ako kay Don Rafael bago tumango. Tama. Kailangan ko na umuwi para mabasa ko ang liham ni Simoun.
------
Tinanggal ko ang pagkakasuot ko ng payneta at sinuot ko naman ang choker ko na binigay ni Lola Glenda. Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin.
"Señorita, huwag na po kaya kayong umalis ngayong gabi."
Nilingon ko si Rosa. "Ano ka ba? Huwag ka nga'ng kabahan. Ilang beses na natin itong ginawa. Ang gawin mo ay magpapanggap ka lang na ako para hindi malaman ni Papa na umalis ako." tumayo na ako at inayos ko ang pagkakasuot ko ng balabal ni Rosa. "Ako'y aalis na." nagmadali akong lumabas ng kwarto ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Rosa.
Tahimik na dito sa loob ng bahay kaya sa tingin ko ay magsisitulog na ang mga katulong dito. Katulad ng dati kong ginagawa ay dumaan ako sa likod ng bahay. Nagdala rin ako ng gasera dahil natatakpan ng mga ulap ang buwan. Mukhang uulan mamaya. Nagmadali akong naglakad papunta sa tagpuan namin ni Simoun. Hindi niya alam na pupunta ako. Gusto ko kasi siyang sorpresahin.
Napangiti ako nang makita ko siyang nandoon sa palagi niyang pwesto tuwing hinihintay niya ako dumating. Dahan-dahan kong pinatong sa gilid ng puno ang gaserang hawak ko. Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa talon. Parang ang lalim ng iniisip niya. "Psst." napatago ako sa likod ng puno nang napalingon sa gawi ko si Simoun. Alam kong iniisip niyang may ibang tao dito dahil sa gaserang dala ko kanina. "Psst." lumawak ang ngiti ko nang tumayo siya at naglakad papunta sa gawi ko kaya lumipat ako ng pwesto.
Lumagpas si Simoun sa punong tinataguan ko. Lumingon-lingon pa siya bago naglakad pabalik sa inuupuan niya kanina.
Napangisi ako at sinundan siya. Nang tumigil siya maglakad ay binigyan ko siya ng isang back hug.
Marahan siyang tumawa. "Sabi na nga't ikaw iyon, Esmeralda." humarap siya sa akin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. "Hindi ko inaakala na pupunta ka dito." inalalayan niya ang maglakad sa palagi naming inuupuan.
"Naisip kong pumunta dito para masorpresa ka." sabay kaming umupo sa damuhan. "Bakit hindi ka lumapit kanina?"
"Dahil nakapaligid sa iyo si Alonzo. Binabantayan ka niya."
Napasimangot ako. Epal talaga ang lalaking iyon. Ang sarap itapon sa Bermuda Triangle. "Dapat lumapit ka pa rin sa akin dahil wala naman siyang magagawa kung sakaling nakalapit ka na sa akin."
Ngumiti siya sa akin. "Ipagpaumanhin mo kung hindi ko iyon nagawa." humiga siya sa damuhan kaya nakigaya na rin ako. Sabay kaming napatingin sa kalangitan. "Sa susunod na mga taon, sa tingin mo makikita pa rin ba ng mga tao ang ganito kagandang kalangitan?"
Lumingon ako kay Simoun na ngayon ay nakatingin sa akin. "Hindi na siguro sa ibang parte ng mundo. Natatakpan na ng mga usok ang kalangitan."
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman nasabi?"
Bumalik ang tingin ko sa kalangitan. "Dahil iyon ang mangyayari sa hinaharap." muli akong tumingin kay Simoun. "Kaya napakaswerte nating makita ang ganito kagandang tanawin."
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Simoun kaya napangiti rin ako. "Ngunit mas napakaswerte ko dahil nakikita ko ang pinakamagandang ngiti ng isang reina." umupo siya at humarap sa akin. Masuyo niyang hinaplos ang mukha ko. "Ang binibining nagmamay-ari ng aking puso."
Kinilig ako sa mga pinagsasabi ni Simoun. Ang sweet niya talaga.
"Mahal na mahal kita, Esmeralda." at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin hanggang naglapat ang labi naming dalawa.
Napapikit ako at gumanti ako ng halik sa kanya. Napunta ang mga kamay ko sa balikat niya. Bigla na lang akong dumilat dahil parang nawala si Simoun. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Alonzo na sinuntok si Simoun.
"Walanghiya ka!" muling sinuntok ni Alonzo si Simoun. Gumanti na rin ng suntok si Simoun.
Nagmadali akong tumayo at nang lalapitan ko na sila ay may pumigil sa akin. Paglingon ko ay sinalubong ako ng isang sampal.
"Vergüenza!"
Napahawak ako sa pisngi ko. "P-Papa..."
"Nagawa mo talagang pagpanggapin ang isang criada para lamang makipagkita sa isang Pelaez!"
Nagpumiglas ako. "Papa! Mahal ko po si Simoun!" nang nabitawan ako ni Don Rafael ay agad akong lumapit sa dalawang lalaki nagsusuntukan. Tinulak ko papalayo si Alonzo at yumakap ako kay Simoun.
Gumanti naman ng yakap sa akin si Simoun. May mga sugat na ang mukha niya. "Don Rafael, hayaan mo na po kami ni Esmeralda na magmahalan." mahigpit na niyakap ako ni Simoun.
"Hindi maaari! Hindi nababagay ang anak ko sa isang Pelaez. Lumayo ka sa taong iyang, Esmeralda!"
Mariin akong umiling ako.
"Kunin ninyo ang anak ko!"
Nanlaki ang mata ko nang may lumapit sa amin na dalawang guardia personel at pilit kaming pinaghihiwalay. "Hindi! Ayokong sumama sa inyo!" lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Simoun.
"Hayaan ninyo na kami—argh!" halos malagutan ako ng hininga nang may isang guardia personel na malakas na pinukpok ng riple si Simoun kaya nabitawan niya ako at nawalan ng malay.
"Simoun!" lalapitan ko dapat siya nang si Alonzo mismo ang humila sa akin papalayo sa kanya. "Bitawan mo ako. Hindi ako sasama sa inyo."
"Tumahimik ka!"
Hinablot ni Don Rafael ang buhok ko at hinila ako pabalik sa amin. "Bitawan mo ako, Papa!" pinilit kong lumingon sa gawi ni Simoun na ngayon ay kinakaladkad ng mga guardia personel papalayo sa amin. "Simoun! Papa, parang awa mo na—"
"Manahimik ka, Esmeralda!"
Napaiyak ako. Hindi dahil sa sakit ng pagkasabunot ni Don Rafael sa akin. Nasasaktan ako dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ng guardia personel kay Simoun lalo na't nagpaiwan si Alonzo doon.
Nang makauwi na kami ni Don Rafael ay bumungad sa amin si Rosa na naluhod. Tinulak ako ni Don Rafael kaya napasubsob ako sa harapan ni Rosa. May sugat ang gilid ng bibig niya. "R-Rosa."
"Señorita, paumanhin." tumulo ang luha ni Rosa.
Umiling ako. Wala siyang kasalanan. Nadamay lang si Rosa. Napaigik ako nang muli akong sinabunutan ni Don Rafael at malakas akong sinampal.
"Nakakahiya ka! Bakit mo ito ginawa ulit? Naging suwail ka dahil sa lalaking iyon! Sinabi ko na sa iyong hindi ka nababagay sa isang Pelaez ngunit napakatigas ng ulo mo't nagawa mo pang makipagkita sa binatang iyon. Nagawa mong magtaksil sa lalaking papakasalan mo!"
"Papa! Hindi ko naman gustong magpakasal kay Alonzo. Ngunit pinipilit—" muli akong sinampal ni Don Rafael.
"Hindi gustong magpakasal kay Alonzo? Iyon ang gusto mo? Sige pagbibigyan kita at simula sa araw na ito, hindi ka na makakaalis sa bahay na ito nang hindi ko sinasabi. Hindi ka na makakapunta sa Pransya para mag-aral ng baley." hinila ako ni Don Rafael at tinulak ako papasok sa loob ng kwarto ko. "Hindi ko akalaing susuwayin mo ako nang dahil sa isang Pelaez." nagmadali itong lumabas ng kwarto at narinig ko ang pag-lock sa labas ng kwarto.
Napahagulgol ako. Bakit kailangang mangyari ito sa amin?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top