Capitulo Uno
Capitulo Uno:
Napahinto ako sa pagbaba sa hagdan dahil biglang bumukas ang pintuan ng main door ng bahay namin. Pumasok si mama at may nakasunod sa kanyang dalawang lalaki na may buhat-buhat na parang painting canvass na kasing laki ko ata. Mukhang may natipuhan na namang painting si mama. Napailing na lang ako.
My mother loves collecting paintings. Well pati na rin ang mga antique na gamit lalo na kung galing sa panahon ng Espanyol. Sa totoo lang ay ayoko talaga sa trip sa buhay ni mama. Syempre naman ang mamahal ng presyo ng mga binibiling paintings and stuffs ni mama tapos kapag nasira, sayang ang pera. Pero wala naman akong magawa dahil gusto niya 'yan. Natural na ata iyon sa isang katulad ni mama na pinipilit magpaka-old soul na mangolekta ng antique na bagay. Plus the fact na pati si papa ay sinusuporta si mama sa pangogolekta. Addict din kasi si papa sa lumang bagay.
"Hija, dancing ballet again?"
Tumayo ako at hinalikan si mama sa pisngi. "Yes, Mama." Umupo ako. Mabuti na lang naka-dress ako at hindi nakasuot ng leotard dahil for sure pagtitinginan ako ng dalawang lalaki kapag naka-leotard ako. Nagpa-practice ako ng ballet kanina for incoming audition as Odette ng Swan Lake. That's my greatest dream, to act as Odette. I will do my best para ako ang maging karapat-dapat para sa role na iyon.
"Hay hija naman. I dont know why you love dancing ballet, walang magandang kinabukasan d'yan. Ituon mo ang attention mo sa pag-aaral ng kursong Business Administration, you will manage our companies soon. You know too that your popsi wants to retire now at ikaw na lang ang hinihintay niya."
I roll my eyes "Mama, you know na pangarap ko maging prima ballerina." Nakita kong nalungkot ang mukha ni Mama. Bumuntong hininga ako. "Bagong painting?" Tinuro ko ang buhat ng dalawang lalaki na ipinatong na sa tabi ng sofa na inuupuan ko. Nakatakip iyon ng putting tela. I feel unsual urge. Urge na tingnan ang hitsura ng painting.
Tumango si mama. "Portrait painting from 19th century. Maybe year 1890 or 1893. Well nabili ko sa amiga kong si Kell, pumayag siyang ibenta sa akin dahil wala naman daw connection ang taong iyan sa research ni Keira about the clan of Realonzo and Irabon. By the way, do you remember them?"
"Yes, 'ma." Sino naman ang hindi makakakilala sa dalawang iyon? Sikat silang archaeologist dito sa Pilipinas. Kelly Silvano is my ninang and Keira Silvano is my professor in Philippine History. Napatingin ulit ako sa painting at pasimpleng hinaplos ang tela. "Can I see the face of this person?"
"Sure hija."
Napangiti ako at hinila ko na ang puting tela. Parang huminto ang mundo ko nang makita ko ang mukha ng nasa painting sabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. A proud man who's wearing coat. A man that can be considered as Crisostomo Ibarra. He's very handsome. Dahan-dahang lumapit ang aking kamay sa mukha ng lalaki. Those smile, parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. On the other side, I felt something. Parang nakadama ako ng pangungulila. I don't know, why?
"Parang na-hook ka sa portrait, hija."
I kept looking at his face. Kung nasa harapan ko lang ang taong ito ay baka nayakap ko na siya. Naramdaman ko na tumulo ang luha sa pisngi ko kaya agad kong napunasan iyon.
"Is there something wrong, hija? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
"I-I don't know, Mama." Lumingon ako kay Mama. "Who is he?"
"Siya ay si Simoun Pelaez. A very rich man during Spanish colonial. He's a peninsulares, hija. Ninuno niya ay Espanyol."
Again, I touch his face. Dumako sa labi niya ang kamay ko. That smile. "Can you give this painting to me, Mama?"
"Kung ganyang nakikita kong masaya ka, sa iyo na iyan, Celestine. Saan mo naman ilalagay 'yan?"
"Sa kwarto ko po."
"Okay. Mga kuya sumunod kayo sa akin. I know na may magandang part sa kwarto ng anak ko na magandang pagsabitan niyan." Nauna na umakyat si mama. Sumunod sa kanya ang dalawang lalaki buhat-buhat ang portrait.
Huminga ako ng malalim at sinundan ko lang sila ng tingin. "Simoun Pelaez."
-----
Pagod na pagod akong pumasok sa kwarto ko. Buong maghapon akong nag-practice ng ballet sa dance studio. Umupo ako sa kama at tinanggal ko ang suot kong pointe shoes. Minasahe ko ang paa ko. "Panibagong sugat na naman."
Dahan-dahan kong ginalaw ang paa ko. All I need right now is to sleep. Nakadama ako ng pagkailang. Parang may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa picture. Para akong tinitingnan ng portrait. Napailing ako. Tinatakot ko lang ang sarili ko. Binalik ko ang tingin ko doon. Tumayo ako at lumapit sa portrait. Pumatong pa ako sa Cleopatra chair para maging kasing height ko ang painting na ito. Dahan-dahang umangat ang kanang kamay ko at hinaplos ang pisngi ng lalaki.
His smile, parang nama-magnet ako sa ngiti niya. Ang sarap tingnan. "Simoun Pelaez, who are you?" Dumapo ang kamay ko sa labi niya. May kissable lips siya. "Siguro maraming babae ang nakatikim ng halik mo." Hindi ko ba alam kung bakit ako nagkakaganito. Unti-unti akong lumapit sa portrait at hinalikan ko ito sa labi mismo. Napapikit ako pero bigla ring dumilat. Agad akong lumayo sa portrait.
Bakit parang hini-hypnotize ako sa mukha ng lalaking ito. Lumapit ulit ako sa portrait. I dont know why my heart beats fast. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Gusto ko siyang makita sa personal. Na sana nasa harapan ko talaga si Simoun Pelaez.
I touch his face. "Wala ka na sa mundong ito. Hundred years ka nang wala dito. Tigilan mo ako Simoun Pelaez." Bumalik ako sa kama. Bumalik ulit ang tingin ko sa portrait. Bakit parang may nag-u-urge sa akin na tingnan ko ang mukha ni Simoun Pelaez? Huminga ako ng malalim at agad kong kinuha ang laptop ko.
I search about Simoun Pelaez and luckily there's an information about him. He is a rich man during spanish colonial. 'Yun lang. Walang ibang information sa kanya. Nakaka-frustrate lang naman! I dial ninang Kelly's number. Kagatlabi pa akong naghihintay na sagutin niya ang tawag.
"Hello?"
"Uhm, hi ninang! Its me, Celestine."
"Oh, my inaanak! Napatawag ka?"
"Ninang its about the portrait painting na binili ni Mama sa iyo." I look at the portrait.
"Anong meron sa portrait painting, hija?"
"I just want to ask if you have an information of Simoun Pelaez? I'm kinda curious about him. I've search in google about his information and the only info about him is he is a very rich man during Spanish colonial."
"Oh, about him. I have a letters from him. Hindi ko pa nababasa kaso na kay Keira na ang mga 'yon. If you are really curious about him, subukan mong hiramin kay Keira. I will mention it to her later. Nasa isang event pa kasi siya."
I frown. Frankly speaking, I didn't attend Professor Keira Silvano's class. I dont like History subject. Inaabangan ko na nga lang na ma-unofficial drop sa subject niya eh. "Okay, ninang. I will try."
"Huwag kang mahiya sa kanya. Just ask it to her. Matutuwa pa iyon." Narinig kong tumawa ito.
"Sige po, ibababa ko na po ito. Goodbye."
"Goodbye too, inaanak."
I turn off the call. Napatingin ulit ako sa painting. Kumunot ang noo ko. Bakit parang nakakarinig ako ng isang piano music? Napailing ako. "Hay, Celestine. Epekto ng maghapong practice 'yan."
------
"Its good to see you in my class, Miss Eustaquio." Nakangiting sabi sa akin ni Professor Keira.
According sa kaklase ko ay ayaw daw nito na tawaging Ma'am Silvano. Mas magandang Ma'am Keira or Professor Keira ang itawag sa kanya. Ngumiti ako sa kanya.
"So class, ang recitation natin ay imu-move ko next week. May time pa kayo para maka-review."
Parang nakahinga ang mga kaklase ko. Maski ako eh. Ngayon lang ako pumasok sa subject na ito tapos recitation agad ang bubungad sa akin.
"Today, our topic is about kailan nag-umpisang ang rebolusyon laban sa Español..."
Napasalumbaba na lang ako. I really hate History. Nakakaantok pero sa nakikita ko sa mga kaklase ko, they enjoy listening to Ma'am Keira. Base naman kasi sa way ng pagtuturo nito, parang nagkukwento lang siya. Para bang naranasan na niyang mapunta sa panahon ng Espanyol. Her eyes shining so bright. In just twenty minutes, nagawa niyang i-explain niya sa topic. As in na-fullfill niya lahat 'yon. Walang maitatanong sa kanya.
"Any question?" Nagtaas ng kamay ang katabi ko. "Yes, Mr. Bernardino?"
"This is not about the topic, Ma'am.'
Ngumiti si Ma'am Keira. "Mamaya na iyan, hijo. Sa topic natin kanina ang pagtuunan natin. Any question about the topic?" Tahimik lang kaming lahat. Binaling niya ang tingin niya sa akin. "Ms. Eustaquio, any question?"
Agad akong umiling. Ayoko magtanong 'no.
"Kung ganoon. Magdi-dismiss na ako."
Nagreklamo ang mga kaklase ko. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ayaw pa nila mag-dismiss eh tapos na nga magturo 'yung professor namin.
"C'mon class, ayaw ninyo bang magpahinga ng isang oras mahigit?"
"Ma'am Keira, you know the reason." Nakangiting sabi ng babaeng nasa bandang harapan ni Ma'am Keira.
Napangiti ulit si Ma'am Keira na parang alam na ang ibig sabihin ng mga kaklase ko. "The event in Constantine Gallery is great. All of antique things na nandoon ay galing Realonzo and Irabon clan." Umupo siya sa teacher's desk.
"And how about Mr. Constantine? Sino po siya?" Nakasalumbabang tanong ng isa pang katabi ko. Nakita ko sa I.D nito ay Selena ang name nito.
Bumalik ulit ang tingin ko kay Ma'am Keira. "He is the most handsome man I've ever seen." Kumislap ang mata nito.
Umugong ang biruan sa loob ng klase. Binibiro nila si Ma'am Keira kay Constantine.
"He's my husband class. His name is Gabriel Realonzo. Codename lang niya ang Constantine. May pa-mysterious effect pa siyang nalalaman."
Lalong umingay ang mga kaklase ko. Ang iba ay nagulat sa sinabi ni Ma'am Keira. Maski ako eh. Paanong naging asawa niya si Gabriel Realonzo kung Silvano pa ang apelyido niya? I raise my hand.
"Yes, Miss Eustaquio?"
"How come naging husband mo po siya?"
Ngumiti siya sa akin. Tinaas niya ang kaliwang kamay niya. I saw a wedding ring. "We just got married this morning, civil wedding to be exact pero sa puso naming dalawa ay matagal na kaming kasal."
Kinilig naman ang mga classmate ko. Naku naman. Kapag usapang pag-ibig, hyper talaga.
Pumalakpak si Ma'am Keira. "Okay, class dismiss! Miss Eustaquio, maiiwan ka. May pag-uusapan tayo."
Nagsilabasan na ang mga kaklase ko while me ay nandito lang sa upuan ko. Nang kaming dalawa na lang ni Ma'am Keira ang nandito sa loob ay lumapit siya sa akin.
"I know what is the reason why you attend my class, Celestine. Curious ka kay Simoun Pelaez."
I look at her then I nod.
"Why?"
"H-Hindi ko po alam, Ma'am. Pagkakita ko sa portrait niya, na-curious na ako sa kanya."
Napatango si Ma'am Keira. "Pininta ang portrait na iyon, year 1893. He is Simoun Pelaez from San Carlos."
"San Carlos." Pabulong kong sabi. "Sino po ba talaga siya?"
Misteryosong ngumiti siya sa akin. "Its up to you to find out. Ibibigay ko sa iyo ang mga sulat galing sa kanya. Hindi ko alam kung para kanino ang sulat na iyon dahil almost burado na ang nilalaman ng sulat." Bumalik siya sa desk at kinuha ang isang suitcase. "Nandito ang limang liham niya. Ingatan mo 'yan dahil sobrang antique na 'yan. Ikaw na ang bahalang alamin kung sino siya. Kung may tanong ka ay itanong mo lang sa akin and please call me ate Keira kapag tayong dalawa lang." Inabot niya sa akin ang suitcase. "So I have to go. Maiwan na kita."
Tumango na lang ako. Nang makalabas na si Ma'am este Ate Keira ay binuksan ko ang suitcase. Nandoon nga ang mga sulat. Kinuha ko ang isa sa mga sulat at binasa ko ang nilalaman nito.
"Ika-6 ng Marso 1893. Mahal kong—bakit blangko? Gara naman ni Ma'am Keira." Binalik ko na lang ang sulat sa suitcase. Badtrip naman itong professor na 'to. Paasa siya. Triggered ako sa kanya.
-----
Tiningnan ko ang limang sulat na nanggaling pa kay Simoun Pelaez. Ewan ko ba kung bakit binigay ito sa akin ni Ate Keira eh wala naman akong halos mabasa sa mga sulat na ito. Nakakagigil lang.
Kanina sa school, tumingin ako sa mga libro na maybe may connection kay Simoun Pelaez kaso wala naman. I dont know kung bakit ako nagkakaganito. I look at the painting. Hayan na naman. Naaakit talaga ako sa mukha niya. "Oh please, Simoun Pelaez, stop smiling!"
Gusto kong batukan ang sarili ko. Para akong baliw na kinakausap ang painting. Tumayo ako at kinuha ko ang pointe shoes ko. Kailangan kong mag-practice ngayon. Sinuot ko ang sapatos ko. Bigla akong natigilan dahil nakarinig ako ng tunog ng isang piano at violin. Napalingon ako sa painting. "Minumulto ata ako."
Naririnig ko pa rin ang tunog ng mga musical intrument. Mariin akong pumikit. Oh no! This is not a good idea. Dumilat ako dahil nawala na ang tunog.
Napa-facepalm ako. "Maybe nagha-hallucinate lang ako." Tumayo na ulit ako at nagmadaling pumunta sa pinto. Hindi ko alam kung bakit parang may nag-u-urge sa akin na lingunin ko ang painting basta kusang loob na lang akong lumingon. Para bang may pumipigil sa akin na umalis ng kwarto ko. I frown. "Ano bang mayroon sa'yo Simoun Pelaez?" Agad kong kinuha ang towel ko at iniharang iyon sa portrait. Kahit papaano natakpan ang mukha ni Simoun Pelaez. "Hayan, hindi na ako maloloka sa iyo!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top