Capitulo Tres
Capitulo Tres:
"Binibini, binibini."
Naramdaman ko ang marahang pagyugyog sa akin. Unti-unti akong dumilat sabay ng pagsakit ng katawan ko. Bakit nandito ako sa labas? Paglingon ko sa gilid ko ay nanlaki ang mata ko. Ang lalaking nasa tabi ko ay ang lalaking nakaponta sa portrait. "Simon Pelaez." Pabulong kong sabi. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko inaakalang makikita ko siya sa personal o baka kamukha lang niya si Simoun Pelaez.
"Kumusta ang iyong pakiramdam, binibini?"
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko. "A-Anong nangyari?"
"Nakita kitang nahulog sa iyong sinasakyang kabayo. Mabuti na lamang at hindi ka nito nadaganan. Pagkahulog mo'y nagpatuloy na tumakbo ang kabayo. Idinala kita dito banda dahil baka balikan ng kabayong iyon."
I groan. Naalala ko na. Nagmamadali akong umalis sa isang pre-spanish period na bahay at sinakyan ang isang kabayong nakita ko tapos ngayon nandito ako nakahiga. Dahan-dahan akong umupo. Tinulungan akong umupo ni Simoun Pelaez kuno. Bakit nangyayari ito sa akin? I start crying.
Bakit ako nandito? Naniniwala na akong hindi ako nananaginip kanina noong nagising ako sa loob ng isang karwahe. Totoong tumagos ako sa portrait na iyon then now here I am. A woman named Nenita and a man who says that he is my father called me as Esmeralda. Who the hell is Esmeralda?
"B-Binibini, huwag kang tumangis." Nagmamadali niya akong inabutan ng panyo.
Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. May hint akong nasa ibang lugar ako or worst ibang dimension. "N-Nasaan ako?"
Ngumiti siya sa akin. "Nasa San Carlos ka, binibini."
Kumabog ang dibdib ko. "San Carlos?" Napa-gulp ako ng wala sa oras. Bakit parang may mali? "A-Anong araw ngayon?"
Kumunot naman ngayon ang noo ng lalaki. "Ika-7 ng Pebrero ngayon taong 1893."
1893? Ano 'to? Nag-time travel ako? "Are you sure? Mamaya nagbibiro ka lang."
"Hindi kita maintindihan, binibini, at hindi rin ako nagbibiro. Seryoso ako sa aking sagot."
Lalo akong naiyak. Ibig sabihin si Simoun Pelaez talaga ang nasa harapan ko ngayon. Ano nang mangyayari sa akin nito? For sure nag-aalala na sa akin Mama at Papsi.
"B-Binibini, tumahan ka na."
"¡Dios mio! Señorita Esmeralda, nakita rin kita!" May lumapit sa aming isang may edad na babae, si Aling Nenita pala. "Anong nangyari sa iyo?"
"Nakita ko siyang nahulog sa sinasakyan niyang kabayo."
Napa-sign of the cross si Aling Nenita. "Maayos ba ang iyong pakiramdam, Señorita Esmeralda?" Hinawakan pa niya ako sa braso.
Bigla akong pumiksi. "I'm not Esmeralda! Celestine ang pangalan ko!"
Parang nakakita ito ng multo dahil sa expression ng mukha nito. "Sobrang sama ba ng iyong pagkahulog kaya't kung anu-ano na ang iyong sinasambit? Sino si Celestine!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Señorita!" Pinigilan ako ng babae sa ginagawa ko.
"Señorita Esmeralda."
Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin kay Simoun. Ang lambing kasi ng pagkakasabi niya ng 'Señorita Esmeralda' kahit hindi iyon ang pangalan ko.
Ngumiti siya sa akin. "Kailangan mo nang magpahinga upang maibalik ang iyong lakas." Napatango ako ng wala sa oras. "Ibalik mo na si Señorita Esmeralda."
"Opo, Señor. Halika na, Señorita." Inalalayan ako ni Nenita na tumayo at nang naglakad na kami papalayo ay napatingin ako kay Simoun.
Again, he smile at me and my heart beats faster. Ang ngiti niya na sobrang gusto ko tingnan.
"Señorita, naku! Tiyak na galit ang iyong papa ngayon."
Napatingin ako sa kanya. "Sinong papa?"
"Sobrang sama ba ng pagkahulog mo, Señorita? Bakit hindi mo kilala ang iyong papa? Si Don Rafael Figuero."
"Don Rafael Figuero?"
"Opo, iyon ang ngalan ng iyong ama."
Hindi na lang ako nagsalita. Nagpatuloy lang kami ng lakad hanggang dumating na kami sa bahay. Umakyat kami at nandoon si Don Rafael Figuero. Ang lalaking ama ko daw. High mighty like a king ang way ng pagkakaupo nito sa upuang kay ganda ng pagkakaukit ng disenyo. Wala na rin ang mga bisita dito.
Tumayo ito at lumapit sa amin. Bigla niya akong sinampal. Parang nabali ata ang leeg ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal ni Don Rafael. "Verguenza! Hindi mo ba alam na pinahiya mo ako sa mga bisita ko kanina?"
Nabalik ang tingin ko sa kanya at namumuo ang luha sa mata ko. Kahit kailan ay hindi ko naranasang masampal ng magulang ko.
"Don Rafael! N-Nahulog po sa kabayo ang Señorita."
Biglang nawala ang galit sa mukha ng don at napalitan iyon ng pag-aalala. "May masakit ba sa iyong katawan, anak?" Hinawakan ako nito sa balikat.
Napangiwi ako. "W-Wala po."
"Hanapin ang kabayong iyon at kitilan ng buhay. Muntik nang malagay sa panganib ang buhay ng aking unica hija!" Sa sandaling iyon ay nakita ko ang pagkatao ni Don Rafael bilang isang ama. Masuyong hinaplos ni Don Rafael ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "Paumanhin, hija, kung ika'y aking nasaktan na hindi ko man lang naisip na nalagay sa panganip ang iyong buhay." Tumingin ito sa babaeng kasama ko. "Nenita, ihatid mo si Esmeralda sa kanyang silid upang makapagpahinga na."
Inalalayan ako ni Aling Nenita at naglakad na kami papunta sa isang hallway. Sa pinakadulong pintuan ako nito dinala. Napanganga ako nang binuksan nito ang pintuan. Parang kwarto ng isang royal princess ang ayos ng kwarto. "Ang ganda!"
"Señorita, sa iyong inaakto ay parang ngayon ka lamang nakapunta dito." Pumasok na kami sa loob. Binuksan ni Aling Nenita ang isang malaking cabinet at kumuha ng isang puting bestida. Sa tingin ko, pantulog iyon base na rin sa design ng damit. "Hija, halika po't paliliguan na kita."
Nanlaki ang mata ko sabay yakap sa sarili ko. "A-Ako na lang."
Kumunot ang noo nito. "Sigurado po kayo?" Tumango ako. "Kung gayon po, sasamahan ko na lamang po kayo sa palikuran."
Sumunod na lang ako. Lumabas kami at may binuksan na pintuan malapit sa kwarto ko. Nakita ko ang isang malaking C.R. Ang yaman naman ng mga Figuero! Pumasok ako sa loob. May bathtub na gawa sa kahoy at may tubig na doon. Napalingon ako kay Aling Nenita. Sinundan ko ito ng tingin. May kinuha itong maliit na bote at binuksan. Napapikit ako dahil ang bango ng amoy. Dumilat ako at kitang-kita ko ang pagbuhos nito ng siguro'y one-fourth na laman ng bote.
"Hayan na po, maligo na po kayo."
"Uhm... Iwan mo na po ako." Nagulat ito. Dahil ba pinapaalis ko siya? Eh sa ayaw kong may nakatingin sa akin habang naliligo ako. "Sige na."
"O-Opo. Hihintayin ko na lang po kayo sa labas." Nagmadali pa itong lumabas.
Naghubad ako ng damit at maayos kong pinatong sa sahig ang hinubad kong damit. Napahawak ako sa suot kong choker. Ito lang ang tanging nadala ko dito sa panahong ito. Ito lang din ang magpapaalaala sa aking galing ako sa present time. Pero bakit itong choker, nadala ko dito? Bumuntong hininga na lanh ako. Tinanggal ko iyon sa pagkakasuot at pinatong sa suot kong damit kanina. Lumusong naman ako sa bathtub. Ang bango ng tubig! Ibig sabihin sabon ang nilagay dito ni Aling Nenita. Napapikit ako dahil guminhawa ang pakiramdam ko. "Aaaah! Nakaka-relax naman this!" Umayos ako ng pagkakaupo. Nilublob ko ang ulo ko sa tubig.
Bigla kong naalala sina Mama at Papsi. Ano na kayang nangyayari sa amin? Hinahanap na kaya nila ako? Galit pa rin kaya sa akin si Papsi? Ngayong nandito ako sa panahon ng Spanish Colonial, hindi ko alam kung makakabalik ba ako sa amin o dito na ako mamamatay. Gusto ko na bumalik sa amin.
"Señorita—Naku po! Huwag po kayong magpapakalunod!" Naramdaman ko na may humila sa ako sa pagkakalublob ng ulo ko sa tubig kaya napasinghap ako. Habol-habol ko ang paghinga ko. "Señorita, bakit po kayo nagpapakalunod?"
Kumunot ang noo ko. Hindi naman ito si aling Nenita ah. Mas bata pa nga ito sa akin. "Sino ka?"
Agad itong yumuko. "A-Ako po si Rosa, Señorita."
"Aaah." Tumango-tango ako tapos bigla kong tinakpan ang maselang parte ng katawan ko. "A-Ano, umalis ka nga muna dito. Hindi pa ako tapos maligo."
Bigla itong nanginig. "Paumanhin po sa aking kalapastangan, Señorita. T-Tawagin ninyo na lang po ako kapag tapos na po kayong maligo." At nagmadali siyang lumabas ng C.R.
Napakibit-balikat na lang ako. Bakit parang takot iyon sa akin? Minadali ko na ang pagligo ko. Na-realized kong wala akong towel dito. "R-Rosa!"
Nagmadaling pumasok sa loob si Rosa. "Ano pong ipag-uutos ninyo, Señorita?" Tanong niya sa akin habang nakayuko.
"Nasaan na ang towel ko?"
Napatingin sa akin si Rosa. "Towel? Ano po iyon, Señorita?"
"Yung pinupunas sa katawan?" Napatango ito at agad niyang pinakita ang hawak na tuwalya. Akmang pupunasan niya ako nang lumayo ako. Kinuha ko ang towel at agad akong nagtapis. "A-Ako na, iwan mo na rin dito ang isusuot kong damit."
"Pero—"
"Bilis! Then leave me alone. Ako nang bahala sa sarili ko."
Magsasalita pa sana ito pero tinikom na lang niya ang kanyang bibig. Pinatong niya sa mesita ang damit ko at nanatiling nakatayo sa sulok ng C.R.
Nakadama ako ng pagka-awkward. "Pwede ka nang umalis." Agad namang lumabas si Rosa kaya nakahinga ako ng maayos. Hindi ba nila alam ang word na privacy? Talagang gusto nila akong makitang walang suot na damit?
Nagmadali akong nagpunas ng katawan at sinuot ang damit na ni-ready nila sa akin. Kinuha ko kaagad ang choker ko at nagmadaling lumabas ng C.R. Nandoon sa labas si Rosa at hindi ko na siya pinansin. Pumasok kaagas ako ng kwarto ko kuno at sinara ko kaagad ang pintuan.
Nilibot ko ang aking paningin. Kwarto talaga ito ng isang mayamang dalaga. May malaking cabinet, may vanity mirror, mesita at upuan sa bandang bintana. May maliit na bookshelf din. Umupo ako sa kama at kinuha ang hairbrush sa sidetable. Nag-umpisa na akong magsuklay.
Sino si Esmeralda dito? Unang sagot na dyan ay anak siya ni Don Rafael Figuero, pangalawang sagot malamang señorita siya dito at ang huli sa lahat, kamukha ko siya. Ang may tanong pa ako, nasaan si Esmeralda Figuero? Paano ako napunta sa karwaheng iyon?
Alam kong nag-time travel ako nang tumagos ako sa portrait ni Simoun Pelaez pero ang pinagtatakahan ko ay bakit nasa loob ako ng karwaheng iyon at saan naman napunta si Esmeralda? I have so many question in my mind.
Ang ngayon ay nasa past time ako which is Spanish Colonial here in the Philippines. Nasa year 1893 ako at nasa katauhang si Esmeralda na hindi ko alam kung nasaan ang totoong Esmeralda. Ang dapat kong gawin ngayon ay makibagay sa mga kinikilos ng mga tao dito at alamin kung anong klaseng tao si Esmeralda habang hinihintay kong makabalik sa present time kung makakabalik pa ako.
Napahiga ako sa kama. I wish na malagpasan ko ito.
------
"Señorita, gumising na po kayo."
Hindi ko pinansin ang nanggigising sa akin. "I'm sleeping. Sabihin mo kay Mama na mamaya na ako kakain. I'm on diet, okay?"
"Señorita, hindi po kita maintindihan pero kailangan mo na pong gumising dahil pinapagising na po kayo ni Don Rafael."
Bigla akong napabalikwas ng bangon. Wala pala ako sa amin! Shemay! Napatingin ako sa bintana. "Anong oras na?"
"Señorita, alas siete na po ng umaga."
"Ano?" Halos magdamag akong tulog! Sobrang pagod ba ng katawan ko o naninibago lang sa panahong kinalalagyan ko ngayon?
"Señorita, kailangan mo na pong mag-ayos. Gusto po ng don na sabay po kayong mag-almusal at may bisita pong dumating kaya pinamamadali niya po kayo."
I nod. Kumuha kaagad ng maisusuot ko si Rosa. All pink siya. Agad naman akong pumunta sa C.R dala-dala ang susuotin kong damit at towel. Nagmadali rin akong naligo dahil kapag tumagal ako ay baka maka-recieve ako ng sampal kay Don Rafael. Hindi ko pa alam ang ugali ng ama ko kuno.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumalik kaagad ako sa kwarto ko. Nandoon si Rosa. Siya na ang nagpresinta na ayusin ang buhok ko. Nakalugay lang ang may pagkakulot kong buhok ko. Nakakaloka, naging kulot ako sa panahong ito. Inipitan niya ako ng sinasabi niyang payneta. Ang ganda nga eh, may emerald stone na naka-design sa payneta.
Napahaplos ako sa leeg ko. "Nasaan na ang kuwintas ko? 'Yung suot ko kahapon?"
"Heto po, Señorita." Inabot ni Rosa ang choker.
Nakahinga naman ako at agad kong sinuot ang choker. "Sige, lalabas na ako." Hindi ko alam kung gulat ba ang nakita ko sa mukha ni Rosa o guni-guni ko lang iyon. Kinuha ko ang pamypay na nakapatong sa mesita bago lumabas. Dumeretso kaagad ako sa sala. Nandoon nga si Don Rafael at halos tumigil ang pag-ikot ng mundo nang makilala ko kung sino ang kausap ng don. Si Simoun Pelaez. "M-Magandang umaga." Naiilang kong bati sa kanila.
Halos sabay silang tumayo. "Magandang umaga rin sa iyo, hija!" Masayang bati ng don. "Kilala mo ba ang binatang katabi ko ngayon?"
Umiling na lang ako. Baka kasi ma-shock sila kapag alam ko kung sino si Simoun Pelaez.
"Siya ay si Señor Simoun Pelaez. Siya ang nagligtas sa iyo kahapon noong ika'y nahulog sa kabayo." Binaling ni Don Rafael ang tingin kay Simoun. "Utang na loob ko ang pagligtas mo sa aking unica hija kahit na magkalaban kami ng i-iyong ama."
"Wala po iyon, Don Rafael. Kahit sino po ay iyon ang gagawin para mailigtas si Señorita Esmeralda."
Ngumiti ako. Kaya siguro hindi ako nagawang ihatid ni Simoun dahil magkaaway ang ama ko at ama niya. "Salamat sa pagligtas mo sa akin, S-Señor Simoun."
"Walang anuman, Señorita Esmeralda."
Tumabingi ang pagkakangiti ko. Hindi ko talaga bet ang name na Esmeralda.
"Bueno, Señor Simoun, kung maaari'y dito ka na mag-agahan. Iyon din ang nanaisin ng aking anak, hindi ba, Esmeralda?"
Tumango na lang ako.
Matamis na ngumiti si Simoun bago tumango.
Nauna na si Don Rafael na maglakad papuntang dining area. Magkasunod lang kami ni Simoun. Nginitian pa nga niya ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba namang puso ito?
Ipinaghila pa niya ako ng upuan para maupuan ko. Shemay, uso pala gentleman sa panahong ito? Nginitian ko siya. "Salamat."
Gumanti lang siya ng ngiti sa akin. Nang inihain na ang pagkain namin ay tahimik lang akong kumakain. Hinahayaan ko lang silang mag-usap d'yan. Wala naman akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila eh. Paminsan-minsan ay sumisimple ako ng tingin kay Simoun.
"Hija, tinatanong ni Señor Simoun kung maaari mo ba kaming tugtugan ng pyano mamaya?"
Nahinto ako sa pagkain. Ano daw? "P-Po?"
"Maaari ka bang tumugtog ng pyano mamaya? Tanong sa iyo ni Señor Simoun kanina. Sobra atang okupado ang iyong isipan at hindi mo narinig ang kanyang tanong sa iyo."
Napalingon ako kay Simoun at muli siyang ngumiti sa akin. Bigla akong natulala. Nakakatunaw naman ang way ng pagngiti niya. Bigla tuloy akong napatango.
"Mabuti kung ganoon! Matagal na rin noong huli kitang napakinggang tumugtog ng pyano, Esmeralda."
Para akong nagising. Magtutugtog ako ng piano? Shemay! Ang tagal na din noong huling tugtog ko ng piano! Paano ako nito mamaya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top