Capitulo Treinta y Ocho
Capitulo Treinta y Ocho:
"Alam ko rin na marami kang katanungan sa akin." nakangiti niyang sabi.
"Magandang gabi—"
Nilingon ko ang bumati sa amin at nanlaki ang mata ko nang parang naestatwa si Alonzo sa pwesto niya. Tumayo ako at agad ko itong nilapitan. "Alonzo?" kinawayan ko pa ito ngunit ganoon pa rin ito. Marahan ko itong sinampal dahil baka binibiro lang ako ni Alonzo. Wala talaga, para talaga itong naestatwa. Nagmadali akong pumunta sa kusina at katulad ni Alonzo ay hindi kumikilos ang mga katulong. Tila ba'y huminto ang oras. Agad kong binalikan si Lola Glenda. "A-Anong ginawa mo?"
"Wala akong ginagawang masama. Nais ko lang makausap ka na walang gumugulo sa atin lalo na't alas siete cuarenta y cinco na ng gabi. Oras na para sa hapunan na dapat ay kanina pa kaso mukhang mahimbing ang iyong tulog." masungit niyang sambit ngunit bigla siyang tumawa ng mahimhim. "Biro lamang."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa biro ni Lola Glenda. Masyadong komplikado ang mga bagay-bagay ngayon at hindi oras para magbiro.
"Napakaseryoso mo, hija. Chilax, you need to relax."
"Hindi oras para sa ganyang mga bagay, Lola Glenda. Kailangan ko ng kasagutan sa aking mga katanungan. Bakit ko napapanaginipan ang mga nangyayari sa panahon ng hinaharap? Bakit nagkakaganito ang aking buhay? Hindi ba ikaw si Tadhana? Bakit mo hinahayaan na mahirapan kami ng ganito ni Simoun? Alam mong nagmamahalan kaming dalawa pero hinahayaan mong magkaganito kami." halos maubusan akong ng hininga sa mga sunud-sunod kong tanong.
Bumuntong hininga si Lola Glenda. "Dahil binago mo ang dapat na nakatadhanan sa inyo. Kung hindi mo sana sinuway ang sinabi kong huwag kang makipagkita kay Simoun nang gabing iyon, hindi ito mangyayari sa inyong dalawa. Ngayon ay hindi ko na pwedeng guluhin ang mangyayari sa inyo ni Simoun sa susunod na araw."
"Ngunit matutulungan mo siguro ako sa mangyayaring paglusob bukas ng gabi, hindi ba?"
Marahang umiling si Lola Glenda. "Hindi kita matutulungan, hija. Sa lahat ng mangyayari sa susunod na mga araw ay wala na akong kontrol pa doon. Ito ang konsikuwensya sa panggugulo ko sa oras upang maidala kayong mga binibining sa maling panahon ipinanganak. Sa oras na magulo ang dapat na nakatadhana sa inyo ay hindi ko na kayo matutulungan. Isa rin siguro iyan ang dahilan kung bakit mo napapanaginipan ang kinalakihan mong magulang na nasa hinaharap."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ako matutulungan ni Lola Glenda. Sobra-sobra ang kaba at pag-aalalang nararamdaman ko. "Bakit kailangan mong guluhin ang oras?"
"Dahil iyon ang kailangan. Dahil nakatadhana na magkita kayo ng binatang nakatakda sa iyo." nginitian ako ni Lola Glenda at marahang tinapik ang aking pisngi.
Mariin akong pumikit. Ako'y labis na naiinis kung bakit sa maling panahon ako pinanganak. Siguro'y hindi ako nakatakdang ikasal kay Alonzo at baka naging maayos kaagad ang dalawang angkan. Baka hindi kami nahihirapan ng ganito ni Simoun. "Bakit?"
"Ang mundong ito ay napupuno ng bakit dahil napapaligiran tayo ng misteryo. Ang tadhana ay napakamisteryoso, minsan nasa harapan mo na pala ang taong nakatadhana sa iyo. N?Isang larawan na labis na nagpagulo sa sistema mo at pinilit mong isantabi ang damdaming namumuo sa iyong puso ngunit hindi ka nagtagumpay." pumitik sa tapat ng mukha ko si Lola Glenda.
"—Sa inyo, Señora Glenda at Celestina!"
"Dahil kahit anong pigil mo, malakas ang koneksyon ninyo sa isa't isa."
Hindi na ako nakakibo pa. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Napahawak ako sa pendant ng suot kong choker.
"Magandang gabi rin sa iyo, Señor Alonzo."
Naramdaman ko ang pagtabi ni Alonzo sa akin at hindi ko nagawa pang lingunin ito. Wala akong ganang makipag-usap kay Alonzo. "Babalik na ako sa aking silid." naglakad na ako palayo sa kanila.
"Ang iyong kuwintas."
Natigil ako sa paglalakad. Anong mayroon sa suot kong choker?
"Yan ang naging daan kaya ka nakarating dito."
Huminga ako ng malalim bago naglakad muli. Napahawak ulit ako sa pendant. Ibig sabihin kaya ako tumagos sa larawan ni Simoun dahil sa choker na ito. Naging daan upang makilala ko ang lalaking nakatadhana sa akin.
------
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Nakasuot ako ng costume na katulad La Sylphide. Mahaba nga lang ang sleeves nito. Si Lola Glenda ang nagbigay ng damit na ito sa akin. Nais niya na La Sylphide variation ang isayaw ko.
Bumuntong hininga ako. Labis-labis ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi dahil sa sasayaw ako kundi sa kung anong mangyayari ngayong gabi. Kagabi ay hindi pumunta dito sa silid ko si Simoun. Sigurado akong alam niya kung ano ang mayroon ngayong gabi dito sa bahay namin. Sana'y hindi siya nagagalit o nagsiselos ngayon. Muli'y bumuntong hininga ako.
"Señorita, lumabas na daw po kayo."
Tinanguhan ko ang katulong at kinuha ko ang kapa na sinuot ko noong sumayaw ako sa Palacio ng Malacañang. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Nang makarating na ako sa bulwagan ay nakatingin sa akin ang mga bisita. Agad kong hinanap si Lola Glenda ngunit wala siya. Nginitian ako ni Papa bago inilahad ang gitna ng bulwagan. Tumango ako at binigay ko sa katulong na nakasunod sa akin ang suot kong kapa bago naglakad papunta doon. Pinalakpakan ako ng mga tao.
Nakayuko akong hinihintay ang pag-umpisa ng tugtog. Nang tumugtog na ang napili ni Lola Glenda na sasayawin ko ay nag-umpisa na akong sumayaw. Dinama ko ng mabuti ang tugtog kasabay ng paggalaw ng aking paa at kamay. Ito na ang huling sayaw ko na makikita ni Papa. Sa oras na makaalis na kami dito ni Simoun, magpapalit na kami ng ibang katauhan. Ibang pagkatao kasabay na roon ang pagtalikod ko sa pagsayaw ng ballet. Dama ko ang mga matang nanonood sa akin. May naririnig rin akong mga komento.
Kasabay ng pagtapos ng musika ang pagyuko ko. Senyales na tapos na ang aking pagtatanghal. Napaligiran ako ng palakpakan at mga papuri mula sa mga bisita. Matipid na lang akong ngumiti bago umalis sa gitna ng bulwagan. Agad kong kinuha ang kapa at sinuot iyon.
"Napakagaling mong sumayaw, aking anak!" puri sa akin ni Papa.
"Salamat po." Mahina kong sabi. Nginitian ako ni Alonzo at hindi ko nagawang gumanti ng ngiti sa kanya. Ang gusto kong gawin ngayon ay ang makabalik sa akin silid at nang maitakas na ni Simoun si Papa. Siguro'y alas siete y media na at anumang oras ay nasa silid ko na Simoun.
Mayamaya ay pumalakpak si Papa kaya napatingin sa gawi namin ang mga tao sabay ng paghinto ng musika. "Magandang gabi sa inyong lahat? Alam naman nating lahat na hindi natuloy ang pag-iisang dibdib ng aking anak sa anak ni Don Crisostomo sa kadahilanang nagkalituhan ang nag-ayos sa aking mga anak at ang nadala sa kumbento ay itong si Celestina imbes na si Esmeralda. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa kong anak, mana sa kanilang ina."
Iyon pala ang idinahilan nila.
"Ngayon ay naayos na ang lahat, matutuloy na rin ang naudlot nilang kasal." nagsipalakpakan ang mga tao. "Sa darating na ika-doce ng noviembre ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Lahat kayo ay imbitado sa darating na kasal."
Nagsisisigawan ang ibang tao ng 'mabuhay ang ikakasal' habang ang iba'y nagpapalakpakan. Kung sila ay masaya sa darating na kasal, p'wes ako ay hindi. Makakahinga lang ako sa oras na makaalis na ako dito.
"Ipagpatuloy ang kasiyahan!"
Bumalik ang musika at kasiyahan ng mga tao. May mga nagsisayaw na rin sa gitna ng bulwagan. Mga uri ng sayaw na siguro'y makikita lang sa selebrasyon o salu-salo ng mga mayayamang tao sa Europa. Aalis na dapat ako nang hinila ako ni Alonzo papunta sa gitna. Isa lang ang ibig sabihin nito, gusto niya na sumayaw kami at hindi pwedeng tumanggi.
Hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Alonzo habang kami ay sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika. Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga.
"Hindi ka ba masaya sa piging na pinaghandaan ng ating magulang?"
Nilingon ko siya. "H-Ha?"
"Mukhang okupado ang iyong isipan. Gusto mo bang ikwento sa akin?"
"I-Iniisip ko lang si Esmeralda." at umiwas ako ng tingin. Tumikhim ako at lumayo ng kaunti kay Alonzo. "N-Nauuhaw ako. Iinom lang ako ng inumin." marahan akong tumango bago iniwan si Alonzo sa gitna ng bulwagan. Hindi magandang tingnan ang ginawa ko ngunit hindi ko talaga kayang makipagsayaw at magsaya habang anumang oras ay magkakaroon ng kaguluhan dito.
Pumunta ako sa komedor at kusa na akong kumuha ng tubig inumin kahit na ang mga katulong ang nagsasabing sila na ang magsasalin ng inumin para sa akin. Inisang lagok ko ang laman ng baso. "Kailangan ko na bumalik sa silid ko." bulong ko sa sarili ko.
"Ano po iyon, Señorita?"
"Pakisabi na lang kung may maghahanap sa akin na ako'y nagpahinga lang sandali dahil sumakit ang aking ulo."
"Sige po, Señorita."
Tinanguhan ko lang ang mga ito bago umalis ng komedor at dumeretso ako sa aking silid. Napangiti ako nang makita ko si Simoun. Nakatalikod ito sa akin at mukhang inaaliw lang ang sarili habang pinagmamasdan ang mga tala. "Kumusta ang mga talang mukha kanina mo pa pinagmamasdan?" mahina akong tumawa. Sinarado ko ang pintuan. "Simoun..." hindi lumingon sa akin si Simoun. Mukhang hanggang ngayon ay may nararamdama pa rin siyamg pagsiselos sa nangyari noong isang araw. Lumawak ang ngiti sa aking mukha bago lumapit sa kanya. "Simoun, pansinin mo naman ako." kinalabit ko siya. Nang humarap siya ay nawala ang ngiti sa labi ko. "A-Alonzo?"
"Mukhang may hinihintay kang bisita. Akala ko'y natuwa ka na nandito ako sa iyong silid ngunit may katagpo ka palang ibang lalaki dito."
Napahakbang ako patalikod. Kahit liwanag sa buwan ang nagbibigay liwanag sa loob ng aking silid ay kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Alonzo.
"Bakit patuloy ka pa rin na nakikipagtagpo kay Simoun? Hindi ba't niloko ka ng lalaking iyan!"
"Hindi niya ako niloko! Sa iyo galing ang liham na iyon. Kahit kailan ay hindi magagawa ni Simoun na ako'y lokohin." madiin ang bawat bigkas ko. "Hindi ko malaman kung bakit hindi mo maintindihan na hindi kita kayang ibigin kaya nagawa mo ang mga bagay na iyon." naramdaman ko na lang ang pagbangga ko sa poste ng aking kama.
"Dahil sa akin ka!"
"Hindi mo ako pagmamay-ari!"
Napangiwi ako nang biglang hinablot ni Alonzo ang aking braso at mariin ang pagkakahawak niya. "Sa akin ka. Sa akin ka nakatakdang ikasal kaya ako lamang ang magmamay-ari sa iyo!" malakas niya akong sinampal.
Napadaing ako dahil sa malakas na pagtama ko sa poste sabay ng pagbagsak ko sa kama. Nang patayo na ako ay agad akong dinaganan ni Alonzo. Sinubukan kong kumawala kaso lalo niya akong inipit. "Bitawan mo ako!" sumigaw ako. Alam kong maririnig ako nila Papa kaya sigurado akong pupuntahan nila ako dito. "Tulong!"
"Sa tingin mo maririnig ka ng iyong ama? Nagkakamali ka. Sa ngayon ay nakaalis na sila ni Papa papunta sa hacienda namin. Walang tutulong sa iyo!"
Nanlaki ang mata ko. Bakit ako iniwan ni Papa? Hindi ito pwedeng pumunta doon! Muli kong sinubukan na pumiglas ngunit sobrang napakalakas ni Alonzo. "Bitawan mo ako!" pinagkakalmot ko siya sa mukha. "Lubayan mo na ako."
Nahuli ni Alonzo ang aking kamay at inilagay sa uluhan ko. "Ano kayang magiging reaksyon ng lalaking mahal mo sa oras na maangkin kita?" napatili ako nang punitin niya ang pang-itaas ko. Nagpupumiglas ako at isang malakas na pagsuntok ni Alonzo sa aking sikmura na nagpahina sa akin. "Huwag ka nang manglaban pa! Magiging akin rin naman ang iyong katawan."
Tumulo ang luha sa aking pisngi nang sinimulan ni Alonzo na halik-halikan ang aking mukha hanggang sa leeg. Nagsimula na rin na naglakbay ang kamay niya sa aking katawan. Kahit nanghihina ay sinubukan kong itulak palayo sa akin si Alonzo. "L-Layuan mo a-ako." pakiramdam ko'y unti-unting binababoy ang aking pagkatao. "T-Tama na. P-Parang awa mo na, tama na." ngunit kahit anong pagmamakaawa ko ay nagbibingi-bingihan lang si Alonzo. Mariin akong pumikit nang muling umangat ang paghalik niya papunta sa aking mukha. Naramdaman ko ang pagkawala ni Alonzo sa ibabaw ko. Nakapikit pa rin ako at patuloy na umiyak.
"Walanghiya ka!"
Napadilat ako nang marinig ko ang isang pagsigaw. Agad kong tinakpan ang aking katawan gamit ang kumot. Nanginginig pa rin ako sa sobrang takot.
"Wala kang karapatan na gawin iyon kay Celestine!"
"S-Simoun." halos mapasigaw ako nang gumanti si Alonzo kay Simoun.
"May karapatan ako sa kanya!" madiing sabi ni Alonzo.
Agad kong kinuha ang maliit baul na pinaglalagyan ko ng mga liham ni Simoun at malakas kong ipinalo sa ulo ni Alonzo na ikinawala ng malay niya. Nabitawan ko ang hawak ko at patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa pisngi ko.
"Celestine!" hinila ako ni Simoun at mahigpit niya akong niyakap. "Paumanhin kung ako'y nahuli ng dating." lumayo si Simoun sa akin. Hinubad niya ang kanyang pantaas at isinuot sa akin. "Dapat ay hindi mo ito naranasan sa kamay ng lalaking iyan." pinunasan niya ang luha sa aking pisngi.
Unti-unting nawala ang takot na nararamdaman ko.
"Tumahan ka na." malambing niyang sabi. "Kailangan na nating umalis."
Huminga ako ng malalim. "S-Saan tayo dadaan?"
"Sa bintana." hinila niya ako papunta sa bintana. Nauna si Simoun na tumalon papunta sa sanga ng puno na malapit sa bintana ng silid ko. "Pumunta ka na dito."
Napatingin ako sa ibaba. Kailangan kong tumalon ngunit natatakot ako. Baka mahulog ako.
"Makakaya mo 'yan. Huwag kang matakot."
Tumango ako at ginaya ko ang ginawa ni Simoun. Muntik na ako mahulog ngunit nagawa niya kaagad akong mahawakan. Nagmadali kaming bumaba ng puno. Nagpadala ako sa paghila sa akin ni Simoun sa kakahuyan. Nakahinga ako nang makita ko ang kabayo ni Simoun na si Dante. Agad niyang akong isinakay sa kabayo at sumakay na rin siya. Hinapit niya ang kabayo kaya agad itong tumakbo.
Nang nakalayo na kami ay nakarinig ako ng mga pagsiyaw at daing. Nag-umpisa na. "S-Simoun..."
"Makakalayo na tayo dito."
Napalunok ako nang makita ko ang talon. "B-Bakit tayo papunta dito?"
"Mas mabilis tayong makakalayo dito—"
Napatili ako nang makarinig ako ng bala ng baril sabay ng pagbagsak ng kabayong sinasakyan namin kaya pati kami ay natumba rin. Napadaing ako sa sakit ng pagbagsak ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang papalapit sa amin na dalawang guardia civil. Agad akong inalalayan patayo ni Simoun at kahit masakit ang aking likod ay hindi ko iyon ininda.
"Huminto kayo!"
Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Nagsusuot kami sa mga matataas na damuhan. "Dito tayo." hinila ako ni Simoun papunta sa likod ng puno ng narra. Tinakpan ko ang aking bibig. Nakahinga ako nang lagpasan kami ng mga guardia civil. "Halika na!" muli kaming tumakbo ni Simoun papalayo sa gawi ng dinaanan ng mga guardia civil.
"Simoun si P-Papa—"
"Huwag kang mag-alala. Siguradong nailayo na ni Manong Felipe si Don Rafael."
Tumango ako. Kahit sobrang pagod na ako ay patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Hindi ko alam pero parang nadaanan na namin ang dinadaanan namin ngayon. Mayamaya ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Natanaw ko ang isang ilog. Nakalayo na ba kami?
Napatakip ako sa tenga ko dahil sa pagputok ng baril sabay ng pagdaing ni Simoun. "Simoun!" nagdudugo ang balikat niya!
"Hindi ninyo ako matatakasan!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top