Capitulo Trece
Capitulo Trece:
"Gagawa tayo ng paraan para hindi matuloy ang nais nila sa inyo."
Bigla akong nakadama ng relief. "Tutulungan mo ako?"
Ngumiti siya sabay tango. "Oo naman para sa aking orkidia." he tuck my hair. "Kaya huwag ka nang umiyak at ngumiti ka na." ngumiti na ako. "Hayan, maaliwalas na ang paligid dahil ngumiti ka na." niya ang kamay ko. "Sumama ka sa akin, may ipapakita ako sa iyo." marahan niya akong hinila papalayo sa puno ng Acacia.
"Saan tayo pupunta, Simoun?" papalayo na kasi kami sa Ambos Mundos. "Baka hanapin na ako ni Papa."
"Malapit na tayo." huminto kami sa harap ng isang bahay. "Dito ka lang, Esmeralda."
Tumango na lang ako bago siya pumasok sa loob ng bahay na iyon. Nilibot ko ang aking paningin. May mangilan-ngilan na dumadaan dito sa tapat ng bahay. Mayamaya ay lumabas na si Simoun at may dala siya pusa! A siamese cat to be exact! "Wow! Ang cute niya!" I scratch the cat's head. "Alaga mo?"
Umiling si Simoun. "Para sa iyo ang pusang ito."
Nanlaki ang mata ko. "Totoo?" tumango si Simoun. "Walang halong biro?" muling tumango ito. Lumawak ang ngiti sa labi ko sabay kuha kay Simoun ng pusang para daw sa akin. "Wow! Mahilig talaga ako. Muchas gracias."
"Walang anuman."
Masuyo kong hinaplos ang pusa. "She likes me!"
"Sabi na nga't magugustuhan mo siya." nakisabay na siya sa paghaplos ko sa pusa. "Anong ipapangalan mo sa kanya?"
"Celestina." sagot ko kaagad.
"Bakit Celestina?"
Deretso akong tumingin sa mata ni Simoun. Gusto kong ipahiwatig sa kanya na Celestine ang totoo kong pangalan. "Dahil kapag isinalin sa wikang Español ang Celestine, ito ay magiging Celestina."
"Mukhang paborito mong pangalan ang Celestine dahil nasambit mo ang pangalan na iyan noong una tayong nagkita." ngumiti na lang ako. "Bueno, bumalik na tayo doon sa kainan na pinuntahan ninyo ni Don Rafael."
Tumango ako. Naglakad na kaming dalawa pabalik ng Ambos Mundos. Napatingin ako kay Celestina. "Hello, Celestina! Ako ang iyong ina," iniharap ko kay Simoun ang pusa. "At siya ang iyong ama! Bumati ka sa iyong ama."
Lumawak ang ngiti ni Simoun at marahan siyang tumawa.
"Hola, Papa!" pinaboses bata ko pa ang boses ko. Geez, mukha yata akong tanga?
"Nakakatuwa naman at may anak na tayo."
Napangiti ako. "Syempre binigay mo siya sa akin kaya dapat ikaw ang tumayong ama sa kanya." huminto kami sa harap ng puno ng Acacia kung saan kami nag-uusap kanina. Inayos ko ang pagkakarga ko kay Celestina.
"Hayaan mo't magiging mabuti akong ama kay Celestina." hinaplos ni Simoun si Celestina.
"Señorita Esmeralda!"
Sabay kami ni Simoun na napalingon sa tumawag sa akin. "S-Señor Alonzo!" kitang-kita ko na galit ang mukha ni Alonzo habang papalapit ito sa amin.
Hinila ako ni Alonzo papalayo kay Simoun. "¿Por qué está contigo, Señorita Esmeralda?"
Napatingin ako kay Simoun. Hindi ko alam ang sasagutin ko.
Tinanguhan ako ni Simoun. "Señor, me topé con ella."
"Volvamos al restaurante." hinawakan ako ni Alonzo sa kanang at hinila ako papunta sa Ambos Mundos.
"N-Nasasaktan ako!" pinilit kong pumiglas. Ang higpit kasi ng pagkakahawak nito sa braso ko.
Huminto kaming maglakad at humarap ito sa akin. "Huwag na huwag ka muling makikipagkita kay Simoun Pelaez!"
"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Señor Simoun? Nagkasalubong lang kami kanina!" naiinis ako sa mga taong dumidikta sa gagawin ko. "Hindi naman ako nakikipagkita sa kanya."
"Huwag kang magsinungaling sa akin dahil alam kong nagkikita kayong dalawa. Tandaan mo ito, Esmeralda. Ikakasal ka sa akin kaya huwag ka nang magtangkang makipagkita sa kahit sinong lalaki!" napatingin ito sa hawak kong pusa. "At saan naman galing ang pusang iyan?"
"Wala kang pakialam kung saan galing ang pusang ito." nilagpasan ko si Alonzo at nagmadali akong pumasok sa loob ng restaurant. "Papa!" Napalingon sa akin si Don Rafael at nanlaki ang mata nito. Agad akong lumapit sa kanila. "Papa! May nakita po akong pusa at pinangalanan ko siyang Celestina." pinakita ko kay Don Rafael si Celestina.
"Por Dios, por Santo! Bakit may dala kang pusa? Bitiwan mo iyan at baka atakihin ka ng hika!"
Kumunot ang noo ko. "Aatakihin ng hika? May hika po ako?"
"Oo kaya't bitawan mo na ang pusang iyan!"
Umiling ako. Binigay sa akin ni Simoun ang pusang ito kaya aalagain ko ito. "Hindi naman po ako hinihika, Papa. Dapat kanina pa po ako sinumpong dahil kanina ko pa siya hawak." napangiti ako sabay haplos kay Celestina. I admit that I have asthma pero sinusumpong lang ako kapag nakakain ako ng seafoods. Allergic ako sa seafoods. Malay ko ba na susumpungin ng asthma si Esmeralda kapag nakahawak ng pusa.
"Esmeralda!"
"Papa, hayaan mo na po na alagain ko si Celestina." I even do the beautiful eyes look.
"Pagbigyan mo na si Señorita Esmeralda, amigo. Tingnan mo't sobrang saya ng unica hija mo."
Bumuntong hininga si Don Rafael. "Pumapayag na ako."
Napangiti ako. "Salamat, Papa!" effective pa rin ang beautiful eyes look. Umupo ako sa tabi ni Don Rafael.
"Alonzo, saan ka galing?"
Hindi ko nilingon si Alonzo na tumabi sa akin. Umasik si Celestina. "Ssssh, Celestina." mukha ayaw ng alaga ko si Alonzo.
"Hinanap ko po si Señorita Esmeralda at nakita ko po siyang kinakausap..."
Napalingon ako kay Alonzo. May plano ata itong sabihin kina Don Rafael na nakikipagkita ako kay Simoun. I hate this guy!
"Sinong kinakausap ng aking anak, Señor Alonzo?"
"Ang pusang hawak niya po ngayon. Pumikit lang po ako sandali at nawala na siya sa paningin, iyon pala'y nandito na siya at kasama ang pusa."
Nakahinga ako sa sinagot ni Alonzo.
"Kaya po lalo akong nahulog kay Señorita Esmeralda." masuyo pa itong ngumiti sa akin.
Napatingin ako kay Don Rafael at sa magulang ni Alonzo. Pati rin sila ay nakangiti at obvious naman na masaya sila sa narinig nila kay Alonzo. Tumikhim ako. "Paumanhin po ngunit kailangan ko na bumalik sa dormitorio. May asignatura pa akong dapat gawin."
"Mi hija, sa ating tirahan dito sa Intramuros ka na lamang matulog ngayon, tutal ako'y nandito naman na."
Ngumiti lang ako kay Don Rafael. Mas gugustuhin ko pang nasa dorm ako kaysa doon sa bahay na sinasabi ng don. Kapag nandoon ako, for sure hindi ako makakakilos ng maayos. "Doon na lang po ako sa dormitorio, Papa."
"Hindi talaga kita mapapayag na tumira doon." bumuntong hininga si Don Rafael. "Bueno, mag-ingat ka pabalik sa Casa Veronica."
Tumango ako. "Paalam po, Papa. Paalam rin po sa inyo." tumango ulit ako bago lumabas ng restaurant. Yes! Nakaalis na rin. Ayoko makasama ang pamilya Ferrer.
-------
Nag-umpisa na akong mag-stretching para makapag-practice na ako ng ballet. Isang linggo na lang at magpi-perform na ako ako sa party ng Gobernador Heneral. Bukas ng umaga idadala dito ang susuotin kong damit. Provided rin ng Gobernador Heneral ang pointe shoes na ginagamit ko ngayon kaya nilinis ko ang pointe shoes na regalo ni Simoun. Gagamitin ko kasi iyon kapag nag-perform na ako.
Napatingin ako kay Celestina na prenteng nakaupo sa tumba-tumba at nakatingin ito sa akin. Napaka-royal naman ng pusang ito kung tumindig.
Huminga ako ng malalim. Nag-imagine ako ng tinutugtog ang napili kong isasayaw. I start dancing ballet. Dinama ko ang sayaw. Katulad nga ng sinabi ng mentor ko sa akin noon na isapuso ko ang pagsasayaw ng ballet para dama ito ng manonood. Nang matapos na akong sumayaw ay nakarinig ako ng pagpalakpak. Napalingon ako sa taong iyon. "Señora Dalia." dahan-dahan akong tumayo.
"Napakagaling mo, hija. Tiyak akong matutuwa ang Gobernador Heneral sa iyo." naglakad ito papalapit sa akin. "Alam kong nais mo pang magsanay pero kailangan ko itong sabihin."
"Ang ano po?" hinihingal kong tanong.
"Señorita Esmeralda, dumaan dito kanina ang iyong ama. Nais niyang mamayang alas cinco ay nakapustura ka na dahil may piging kayong pupuntahan mamaya."
Bumuntong hininga ako. Malapit na mag-alas cinco. Simula nang dumating dito si Don Rafael, palagi na lang nauudlot ng practice ko. Medyo nakakagigil na. "Salamat, Señora."
Ngumiti sa akin si Señora Dalia. "Kung nais mo raw dahil ang iyong alagang pusa, isama mo na raw." iyon lang ang sinabi nito bago ako iwanan.
Napatingin ako kay Celestina. "Narinig mo 'yon, Celestina? Pwede raw kitang isama." kinuha ko ito at naglakad na ako pabalik ng kwarto ko. Pinatong ko sa bed si Celestina bago ako nag-umpisang maghanap ng isusuot ko. Napili ko ay color light violet na barong at pañuelo, color dark violet na saya and light pink na tapis. Okay naman na siguro pang-party ang damit na iyon.
Nang matapos na akong maligo at mag-ayos ng sarili ay sinuot ko ang choker ko. Ang kuwintas na nagpapaalala sa akin na hindi talaga ako galing sa panahong ito. Na ako si Celestine at hindi si Esmeralda. Napahawak ako sa pendant ng choker. Bakit ako? Bakit napunta ako sa panahong ito? Iyan ang palagi kong tanong sa sarili ko na hindi ko rin naman masagot.
Huminga ako ng malalim at kinuha ko si Celestina. Maghihintay na lang ako ng ilang minuto. For sure, may kakatok sa pintuan ng kwarto ko at sasabihing nandyan na si Don Rafael.
Mayamaya nga'y may kumatok. "Pasok!" hinaplos ko si Celestina. Bumukas ang pintuan at si Leonor ang niluwa ng pintuan. "Bakit, Señorita Leonor?"
"Nandyan na ang iyong ama." at nagmadaling iniwan ako nito.
Hay! Ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan 'yan sa akin. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto kasama si Celestina. "Papa!"
"Talagang hindi ka sinumpong ng hika." nakangiting sabi ni Don Rafael.
Ngumiti na lang ako. "Saan po tayo pupunta?"
"Pupunta tayo sa piging ng pamilya Perez. Kaarawan ngayon ng aking kaibigan na si Antonio Perez."
Tumango na lang ako. Nauna nang bumaba si Don Rafael. Nang nakasakay na kami ng kalesa ay nanahimik na lang ako. Minsan ay hinahaplos ko si Celestina. Mabait na pusa. Gusto palaging nakakarga sa akin. Feeling baby. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ng pamilya Perez ay maririnig sa labas ang musika.
"Mukhang maraming bisita si Antonio."
Kumibit balikat na lang ako. Nang makapasok na kami sa loob ay napatingin sa amin ang ibang bisita.
"Don Rafael!" lumapit sa amin ang kaedad ni Don Rafael. May kasama itong babae na almost same age ni Ate Keira at isang lalaki na matanda ata ng dalawang taon doon sa babae.
"Don Antonio!" nag-shakehands silang dalawa.
Nabaling ang tingin sa akin ni Don Antonio. "Kasama mo pala ang iyong unica hija."
"Oo, amigo, at nang maging pamilyar siya sa mga taong kakilala niya. Alam mo naman ang nangyari sa kanya?"
"Oo, alam ko iyon. Hija, gusto kong ipakilala sa iyo ang aking anak na si Corazon at ang kanyang esposo na si Paciano Lopez."
"Kinagagalak kitang makilala, Señorita Esmeralda." masayang sabi ng babaeng pangalan ay Corazon.
Biglang nag-flash sa isip ko ang kinuwento ni Anastasia sa akin noon. "I-Ikaw ang dapat na papakasalan ni Señor Gabriel."
Tumango si Corazon. "Ako nga iyon. Ako rin ang nagsabing huwag na ituloy ang kasal at dahil sa nangyaring iyon." napatingin ito sa katabi nitong lalaki. "Nakilala ko ang aking esposo." masuyong nagngitian ang mag-asawa. Napatingin ako kay Corazon mula ulo hanggang tiyan. Buntis ito.
"Nakakatuwa naman." nginitian lang ako ni Corazon bago sila nagpaalam.
"Mi amigo, ayoko ng gulo. Nandito rin si Julian Pelaez, inimbita ko rin siya."
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ibig sabihin ay nandito rin si Simoun.
"Para sa iyo ay gagawin kong magpakahinahon."
Tumango si Don Antonio bago nito kami iniwan. Nilibot ko ang paningin ko. Napasimangot ako dahil imbes na si Simoun ang makita ko ay si Alonzo na papalapit sa amin ang nakita ko. Nang makalapit na ito ay nagtangkang kalmutin ni Celestina si Alonzo.
"Celestina." agad akong lumayo sa kanila. "Calm down, okay?" umayos na ulit ito. Nilibot ko ulit ang paningin ko at nadako iyon sa dalawang binatang natapos na maglaro ng fencing. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nagtanggal na ng head gear ang isa sa kanila. "Simoun." pabulong kong sabi.
Parang narinig ako ni Simoun dahil napalingon siya sa akin. Ngumiti siya sa akin at naglakad papalapit sa akin. "Esmeralda! Masaya akong makita ka." napatingin siya sa hawak ko. "Pati na rin sa iyo, Celestina."
"Ako—" biglang may humila sa akin.
"Sinabi ko na sa iyong layuan mo si Esmeralda?"
"Señorito Alonzo, wala namang ginagawang masama si Señorito—"
"Masama bang makipag-usap sa binibining niligtas ko noon?"
Lalong bumakas ang galit sa mukha ni Alonzo. "Oo! Dahil hindi na siya maaaring makipag-usap sa kahit sinong binata."
"Hindi mo naman pagmamay-ari si Señorita Esmeralda."
"Simoun!" warning ko kay Simoun. Para kasi siyang naghahamon ng away.
"Kay yabang mo. Mag-duelo tayo at nang malaman mo kung sino ang gusto mong kalabanin."
"Tinatanggap ko ang iyong hamon. Magpalit ka ng iyong suot at maglaban tayo ng esgrima."
Tumango si Alonzo at iniwan kami. "Ano bang pinag-iisip mo, Simoun?" pabulong kong tanong. Bakit kasi kailangang mag-duelo pa sila?
Nginitian lang ako ni Simoun. Pagkaraan ng pitong minuto ay bumalik si Alonzo. Same siya ng damit ni Simoun. White fencing outfit. Pumwesto ito sa gitna kaya pumunta doon si Simoun.
"Ano bang pinaggagawa mo, Simoun?"
"Kapag natalo kita ay huwag mo nang lalapita si Esmeralda." medyo inis na sabi ni Alonzo.
Ngumisi si Simoun. "At kapag natalo kita ay may karapatan na akong kausapin si Esmeralda."
Nanlaki ang mata ko. Ako talaga ang pinag-uusapan nila. Nakakaloka sila!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top