Capitulo Siete
Capitulo Siete:
Naririnig ko sa mga tauhan dito sa Hacienda Figuero na ang layo ng dating Esmeralda sa Esmeralda ngayon. Mas gugustuhin daw nila na huwag na bumalik ang 'alaala' ko. Ang hindi nila alam ay hindi naman ako si Esmeralda, si Celeste ako. Gusto kong malaman kung ano ba ang totoong ugali ni Esmeralda at bakit ayaw nila sa dating Esmeralda.
Ngayon ang araw ng biyahe ko papuntang Maynila. Ang sabi ni Don Rafael ay makakasabay ko daw si Anastasia Realonzo. Nasasabik akong makita siya. Sa pagkakaalam ko, base na rin sa kwento sa akin ni Simoun noon, na matalik na magkaibigan si Esmeralda at Anastasia. Hindi rin daw nagkakalayo ang edad ni Anastasia kay Esmeralda. Sa pagkakaalam ko ay magdidiecinueve pa lang si Esmeralda ang ibig sabihin ay diesiotso ang edad ko sa panahong ito. Aba nakakaloka! Twenty years old ako turned to eighteen years old. Biglaang teenager ang ganap ko ngayon!
"Señorita Esmeralda, mag-iingat po kayo doon." Nangingiyak na sabi ni Aling Nenita. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya.
Ngumiti ako. "Kayo rin po, Aling Nenita." Bumaling ang tingin ko kay Rosa. "Ikaw rin, Rosa! Pakabait ka sa nanay mo!" Tinanguhan ako ni Rosa bago patakbong pumasok sa loob ng bahay namin. Ewan ko ba kung bakit nagkakaganyan sila. Parang ang lulungkot nila.
"Hija."
"Papa!" Yumakap ako kay Don Rafael. "Mag-ingat po kayo palagi. Kumain po kayo ng pagkain sa tamang oras. Bawal po magpagod."
Tumawa si Don Rafael. "Masusunod iyon, anak. Ikaw ay mag-ingat doon, magpakabait at umastang isang mahinhing binibini."
Tumango ako. "Opo." Yumakap ulit ako bago sumakay ng kalesa. Kumaway ako sa kanila bago tuluyang umalis ang sinasakyan ko. Dadaanan namin si Anastasia at siguro'y mga kinse minutos ang biyahe papunta sa kanila. Tahimik lang akong tumitingin sa tanawing nakikita ko.
Mayamaya ay dumaan kami sa isang arko na may nakasulat na Hacienda Realonzo. Ilang minuto ang nagdaan ay huminto kami sa isang bahay. May pagkatulad siya sa bahay na tinitirhan ko ngayon. Bumaba ako sa kalesa at nilibot ko ang paningin ko. Sigurado akong nakapunta dito si Ate Keira. Ano kaya ang naging buhay niya dito? Matanong nga kay Anastasia kapag may pagkakataon.
Hindi na akong nagtangkang pumasok sa loob. Baka kasi kapag pumasok ako, sabihing trespassing ako. Naghintay pa ako ng ilang minuto. May babaeng nagmamadaling lumabas ng bahay papunta sa akin. Nang nasa harap ko na siya, bigla niya akong niyakap. Na-awkward tuloy ako.
"Masaya akong makita ka, Esmeralda!" Mayamaya ay lumayo na siya sa akin. "Ang sabi ni Don Rafael ay hindi ka raw nakakaalala kaya magpapakilala ako sa iyo. Ako si Anastasia Realonzo, ang matalik mong kaibigan! Magkaklase rin tayo sa La Concordia."
Tiningnan ko siya sa mukha. Ang ganda naman niya. "Masaya akong makilala ka, A-Anastasia." Pilit akong ngumiti.
"Marami akong ikukwento sa iyo upang ako'y iyong maalala. Nakakalungkot lamang dahil nakalimutan mo kami ngunit iyon ay nakabuti rin. Tiyak akong hindi ka na muling tatangis nang dahil kay Emilio."
Tumango na lang ako. May babaeng kasing edad ni Mama ang lumabas sa bahay nila Anastasia at may dala itong maleta. Base sa ayos ng damit nito ay para itong isang doña. Nginitian niya ako nang makalapit siya sa akin.
"Señorita Esmeralda, mabuti't pinayagan ka ng iyong papa na bumalik sa escuela."
"Napilit ko po siyang pumayag. Ang akala ko rin po'y hindi niya ako papayagin."
"Mabuti nga ina iyon para may kasama pa rin ako sa Maynila.
Ngumiti na lang ulit ang nanay ni Anastasia. "O siya, mag-ingat kayo."
Tumango ako bago sumakay ng kalesa, sumunod sa akin si Anastasia at ang kutsero na ang naglagay ng gamit niya. Kumaway si Anastasia kaya nakigaya na rin ako. Napansin kong may nakasunod pa sa aming kalesa simula noong umalis ang sinasakyan ko sa Hacienda Figuero tapos ngayon nadagdagan.
"Bakit may nakasunod sa atin?" Tanong ko kay Anastasia.
"Mga guardia personel iyan. Sila ang mga nagbabantay sa atin dahil ang mga katulad natin sa mga mata ng mga rebelde kaya't mabuti nang may nagbabantay sa atin habang nasa biyahe tayo."
"Aah, ganoon ba?" Napatango pa ako. Nanahimik na lang ako at tumingin sa tanawin sa labas. Medyo excited akong makapunta sa Maynila. Ano kaya ang mukha ng Maynila ngayon? Sabi ni Don Rafael ay sa Intramuros daw ang dormitorio kung saan daw ako mamamalagi habang nasa Maynila ako.
"Isara mo ang bintana, Esmeralda. Baka mapansin tayo ng mga rebelde. Mabuting nang nag-iingat."
Ginawa ko na lang ang sinabi ni Anastasia. Nilingon ko siya. "Anastasia?"
Ngumiti siya sa akin. "Bakit?"
"Ilang taon na tayong magkaibigan?" Medyo naiilang kong tanong sa kanya.
"Siguro'y noong nasa nueve años ka na tapos ako'y diez años. Nagkatabi tayo sa simbahan at tayo'y mga pilyang bata, pasimpleng nagkukwentuhan para hindi maantok sa misa." Mahinhin pa siyang tumawa. Gosh! Ang graceful niya kumilos.
Umayos ako ng upo. "May kapatid ka ba?"
Biglang naging malungkot ang mukha ni Anastasia. "Mayroon akong kapatid. Si kuya Gabriel, para mo na rin siyang kuya at noong doce años ka ay nagkaroon ka ng pagtingin kay kuya na agad ding nawala."
"Nasaan na siya ngayon? May asawa na ba siya?"
Tumango siya. "Walang nakakaalam kung nasaan siya. Noong naudlot ang kasal nila ni Señorita Corazon ay 'yon na rin ang huling nakasama ko ang kuya. Magkasama silang umalis ni Keira dahil sobra nilang mahal ang isa't isa. Nalaman din namin kay tiya Lucita na kasal na pala ang dalawa noong nasa Aclan sila at nagdadalangtao na si Keira noong araw na dapat ikakasal si kuya Gabriel kay Señorita Corazon." Pinunasan ni Anastasia ang tumulong luha sa pisngi niya. "Labis akong nangungulila kay kuya. Kung sana'y walang kumontra sa kanila ni Keira, hindi sana sila aalis dito at tiyak akong kasa-kasama namin ang kanilang anak. Panalangin ko sa Maykapal na maging masaya silang dalawa."
Hindi na ako umimik. Ang dami palang nangyari kay Ate Keira. Natupad na ang panalangin ni Anastasia. For sure, masayang nagsasama si Ate Keira at Gabriel. Anak pala ni Gabriel si Cara. Paano nangyari na nag-time travel ito sa panahon namin?
"Paumanhin kung ako'y biglang umiyak. Labis lang talaga akong nangungulila kay kuya."
"Naiintindihan ko iyon, Anastasia." Marahan ko siyang tinapik sa balikat. Bigla tuloy akong na-guilty. Dapat hindi ko na lang in-open ang topic tungkol sa kuya niya para hindi na siya umiyak.
------
"Malapit na tayo, Esmeralda."
Napatingin ako sa labas. Geez! Five hours na biyahe, super boring! May mga bahay sa labas at kaunting establishment. Pumasok kami sa isang gate na may mga nagbabantay na guardia civil. "Saan na tayo, Anastasia?"
"Nasa Intramuros na tayo, Esmeralda. Ang dinaanan natin ay ang Puerta de Isabel II."
"Ay ang galing!" Napapalakpak pa ako. Nasa isang Historical place ako. Syempre kahit ayoko sa History, iba pa rin ang feeling na nasa isang Historical place ako. Shemay! Gusto ko na kaagad gumala dito.
Mayamaya ay huminto na ang sinasakyan naming kalesa. Inalalayan kaming bumaba ng isang guardia personel. Nasa harap kami ngayon ng isang kalakihang bahay.
"Maligayang pagbabalik sa Casa Veronica, Esmeralda." Masayang sabi ni Anastasia. "Pumasok na tayo sa loob." Hinila niya ako papasok sa loob. Agad kaming umakyat. "Magandang hapon sa inyo!"
Napatingin sa amin ang limangu babaeng kanina lang ay may kanya-kanyang ginagawa. Agad silang nagsilapitan sa amin.
"Anastasia!"
"Akala ko'y hindi ka na babalik dito."
"Ang akala ko nama'y lumipat siya ng dormitorio."
Nagkatawanan sila at heto naman ako, feeling awkward. Parang hindi nila na-notice ang presence ko.
"Kasama ko si Esmeralda!" Hinila pa ako ni Anastasia.
Nagsitinginan sila sa akin na para bang ngayon lang nila napansin na nandito ako at base sa expression ng mukha nila ay ganito, hey! Nandyan ka pala! Ngumiti ako sa kanila at kumaway pa. "Kumusta kayo?"
"Por dios! Por santo!"
"Binati niya tayo!"
"Marahil ako'y nananaginip lamang!"
Napatingin ako kay Anastasia. Ang O.A kasi nila. "Anong meron?"
"Hindi mo kasi sila pinapansin at ngayon mo lang sila binati." Pabulong na sagot niya.
Napangiwi ako. Anong ba namang attitude ang meron si Esmeralda? Snobber lang.
"Mga kaibigan, tulungan nating makaalaala si Esmeralda. Nawala kasi ang kanyang alaala." Puno ng pang-uunawa na sabi ni Anastasia.
"Kaysama ng nangyari sa iyo, Esmeralda." Naglahad ng kamay ang babaeng eksaktong kaharap ko. Agad naman akong nakipag-shakehands sa kanya. "Ako pala si Cristina."
"Ligaya ang aking ngalan."
"Ako naman si Hilda."
"Guada."
Napatingin ako sa babaeng katabi ni Hilda. "Ikaw?" Inirapan lang niya ako at iniwan nito kami. "Anong nangyari sa kanya?"
"Siya si Leonor. Ganyan talaga siya. Sobrang sungit. Wala kasing binata na nagtatangkang ligawan siya at mukhang magiging matandang dalaga kaya ganyan siya." Sagot ni Cristina na dahilan kaya nagsitawanan ang mga kasama ko.
Tinapik ako ni Guada. "Kaya iwasan mo na lamang siya dahil para siyang may buwanang dalaw kung umasta."
Tumango na lang ako bilang sagot. Mukhang may magsusungit sa araw-araw ko.
-----
Sa isang kong nandito sa Intramuros ay agad kong nakalagayan ng loob ang mga kasama ko sa dormitorio, maliban na lang kay Leonor. Kapangalan niya ang best friend ko pero baliktad naman ang ugali nila. Ang best friend ko ay palakaibigang tao at masiyahin. Itong si Leonor na kasama ko dito ay sobrang napakasungit at lahat ata ng kasama namin dito sa dormitorio ay ayaw sa kanya.
Si Anastasia naman ay hindi ako hinahayaang maiwan mag-isa dahil may nangyaring muntik na akong mawala dito sa Intramuros. Parang siya ang naging gabay ko dito. Minsan ay pinapagalitan niya ako dahil hindi daw ako umaaktong isang mahinhin na binibini. Ang gaslaw ko raw kumilos. Magaslaw pa ba ako kumilos? Eh sa amin nga, palagi akong sinasabihan ni Mama na hindi raw ako makabasag pinggan dahil sa pagiging mahinhin ko. Nakakaloka lang ah.
Ngayon ay naglalakad kaming isang buong klase papunta sa Simbahan ng Sto. Domingo. Ang sabi ng madre superiora'ng kasama namin ay sabay-sabay kaming magrorosaryo. Mabuti na lang at kabisado ko na ang spanish version ng prayers sa rosary. Napatingin ako sa hawak kong rosaryo. Gawa sa ginto ang cruz at gawa sa Emerald stone ang mga beads.
Napahintong maglakad ang mga kaklase ko kaya napahinto rin ako. Nang tiningnan ko kung ano ang tinitingnan nila, napailing na lang ako. Isang grupo ng mga binata na nakasuot ng kulay puting uniporme. Puting slacks, puting coat, puting sa tingin ko long sleeves at itim na necktie. May dala silang sling bag at libro. Mga kagalang-galang tingnan.
"Magsilakad kayo! Huwag makiri!" Sita sa amin ng madre superiora. Kaya nagsilakad na kami.
Nang makakasalubong namin sila ay nakilala ko kung sino ang isa sa kanila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatingin rin siya kami at hindi ko maitatanggi na nagka-eye to eye contact kami. Si Simoun. Nang makalagpas sila sa amin ay gusto ko siyang lingunin ngunit nahila na ako ni Anastasia. Napabuntong hininga ako. Ang tagal na noong huli kaming nagkita at nami-miss ko na 'yung mga araw na magkasama kaming dalawa. Na nagbibiruan, nagkukwentuhan at ang pagbigay niya ng orchids sa akin.
"Tila nalungkot ka, Esmeralda."
Napalingon ako kay Anastasia. "H-Hindi ah!" Umiwas pa ako ng tingin sa kanya.
"Nakita ko iyon kaya huwag mong itanggi. Nakatingin ka kay Señor Simoun Pelaez at ganoon rin siya sa iyo." Pasimple niya akong sinundot sa baywang. "Mukhang may gusto kayong sabihin sa isa't isa ngunit hindi ninyo magawa ngayon."
"N-Nagkataon lang na nagkasalubong ang aming paningin!"
"Kung iyan ang nais mo. Bahala ka."
Hindi na lang ako umimik. Nagkanya-kanya kami ng pwesto. Katabi ko si Anastasia at kaming dalawa lang ang nasa isang pew. Wala ding pumwesto sa likuran namin. Nag-umpisa na kaming magrosaryo pero ako. Hindi ako makapag-concentrate. Pumapasok sa isipan ko si Simoun. Mariin akong pumikit. Ginugulo lang ng masamang espiritu ang isipan ko. Huminga ako ng malalim at sumabay na ako sa prayer.
"Santa Maria, napupuno ka ng grasya..."
Mabuti na lang at wikang Filipino ang gamit naming lengwahe sa pagdadasal. Nakakasabay ako. Dinama ko ang prayer hanggang sa matapos kami. Nakadama ako ng luwalhati. Feeling blessed ako ngayon. Sa panahong ito lang ako nagrorosaryo. Sa amin kasi siguro kapag may nagyayang magrosaryo, doon lang ako makakapagrosaryo.
"Esmeralda, halika na. Tayo'y uuwi na."
Dumilat ako. "Maaari bang dumito muna ako. Huwag kang mag-alala, alam ko na ang daan papunta sa amin. Magdadasal lang muna ako."
"Kung gayon, mag-ingat ka pag-uwi."
Tumango ako bago pumikit ulit. Dear God, sana po ay gabayan Mo ang parents ko. Super nami-miss ko na sila. Sana po ay maging maayos sila doon. Ilayo Mo po sila sa mga masasama ang loob. Gabayan Mo rin po ang mga batang nasa lansangan at sana po ay may maggandang loob na tulungan sila. Amen.
Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napadilat ako. Nagulat ako dahil nasa tabi ko si Simoun at nakangiti sa akin. "Simoun!"
"Masaya akong makita kang muli, Esmeralda."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top