Capitulo Sais
Capitulo Sais:
"Siguro'y sa susunod na araw ay hindi na tayo magkita."
Napalingon ako kay Simoun. "Bakit?"
Bumuntong hininga siya. "Mag-uumpisa na ang semestre sa darating na buwan kaya kailangan kong makapaghanda."
Bigla akong nakadama ng lungkot. Sa mahigit dalawang linggo naming patagong pagkikita dito sa batis, naging malapit na sa akin si Simoun kaya nakakalungkot na aalis na siya dito sa San Carlos sa susunod na araw. "Ang bilis naman ng araw. Ikaw lang ang dahilan kung bakit masaya ako araw-araw."
"Ako rin naman. Ikaw ang nagpapasaya ng araw ko." Hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag ka na malungkot."
"Matagal pa bago tayo magkita."
"Hindi ba't nag-aaral ka sa La Concordia? Maaari pa tayong magkita. Magiging malaya na rin tayo na magkita dahil wala tayo dito ngunit hindi nga lang araw-araw. Magpapadala na lamang ako ng sulat para sa iyo. Sana'y ganoon ka rin." Ngumiti siya sa akin kaya gumanti ako ng ngiti sa kanya. "Sa ngayon ay lubusin natin ang mga araw na magkasama tayong dalawa." Tumango ako. "Anong gusto mong gawin o pag-usapan natin?"
Napaisip ako. Ano kaya ang pwede naming pag-usapan?
"Anong pangarap mo na sa tingin mo ay kayhirap maabot?"
Napalingon ako sa kanya, direkta mismo sa mata niya ang tingin ko. "Ang maging isang ballerina."
"Ballerina? 'Yung mga sumasayaw sa Europa na halos daliri na lamang sa paa ata ang nakasayad sa sahig?"
Tumango ako sabay tingin sa malayo. "Gustong-gusto kong sumayaw ng ballet."
"Bakit hindi mo sabihin kay Don Rafael? Lahat ng nanaisin mo'y binibigay niya sa iyo."
Umiling ako. Iba si Don Rafael, iba si Papsi. Baka si Don Rafael ay pumayag pa dahil inaakala niyang ako si Esmeralda pero pagdating sa tunay kong ama, hindi papayag 'yon dahil ako si Celestine. Gusto ko iyan sabihin kay Simoun ngunit hindi pwede. "Magaling akong sumayaw ng ballet. Gusto kong makilala ako sa larangan ng pagba-ballet ngunit hindi ko matutupad iyon. Ikaw? Anong pangarap mo na mahirapa maabot, Simoun?"
"Ang pagbati ng mga pamilya natin. Nakakasakal na ang away nila, nais kong makasama ka na hindi kailangang magtago."
Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Hindi ko inaakala na 'yan ang pangarap niya. Napangiti ako.
"Ang makasama ka ang bumubuo ng araw ko. Makita ko ang ngiti sa iyong labi'y nagiging maaliwalas ang nasa paligid ko. Ang iyong pagtawa ay parang musika sa aking pandinig. Ang malamyos mong boses ay parang may humahaplos sa aking puso."
Hindi ko maintindihan ang pino-point ni Simoun. Parang may ibig sabihin. "Simoun..."
"Ang ayoko sa lahat ay ang makita kang malungkot. Esmeralda, gagawin ko ang lahat para mawala ang hidwaan ng mga pamilya natin." Matamis siyang ngumiti. "Pangako ko iyon sa iyo. Sa oras na maging mawala ang hidwaang ito, magiging malaya na tayong dalawa."
Ngiti na lang ang sinagot ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ako naniniwala sa pangako ng isang lalaki pero pagdating kay Simoun ay maniniwala ako. Panghahawakan ko ang pangako niyang ito.
"Mukha matatapos na ang araw na ito."
Bumuntong hininga ako. "Oo nga." Napatingin ako sa langit. Siguro 4:00pm na.
Nauna na tumayo si Simoun kaya tumayo na rin ako. "Hanggang dito na lang sa araw na ito. Magkita tayong tatlo muli bukas."
Tumango ako. Kumaway pa ako kay Simoun bago ko siya tinalikuran at naglakad palayo. Katulad ng mga nakaraang araw ay binigyan ulit ako ni Simoun ng orchids. Napupuno na ata 'yung flower base sa kwarto ko ng orchids. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad nang biglang may humarang sa dinadaanan ko kaya napahinto akong maglakad. Naalala ko kung sino ito. Ito ang lalaking kausap ni Milagros noong pangalawang araw ko dito sa Hacienda Figuero. Tinanguhan ko ang lalaki bago umiwas ng daanan kaso humarang ulit siya. "Uhm, pwede padaan? Hahanapin na kasi ako ni Papa."
"Esmeralda, hindi ka ba masayang makita ako?"
Kumunot ang noo ko. "Sino ka?" Aba malay ko kung sino ito sa buhay ni Esmeralda.
"Esmeralda, hindi ako naniniwala sa iyo na nawala ang iyong alaala. Humihingi ako ng paumanhin sa aking nagawa." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sumama ka sa akin, magpakalayo tayo."
Binabawi ko ang kamay ko. "Señor, hindi po kita kilala. B-Bitawan mo ako."
"Huwag kang ganito, Esmeralda." Bigla niya akong niyakap na kinasindak ko.
"Lumayo ka sa akin!" Sigaw ko. Bakit ba nangyayakap ang lalaking ito? Pinipilit kong kumawala. "Hoy! Ano ba?"
"Esmeralda, labis kitang minamahal. Nasasaktan ako na nagpapanggap kang hindi mo kami naaalala. Alam kong kaya mo ito ginagawa dahil sobra kitang nasaktan. Paumanhin, aking sinta."
"Bitawan mo ako! Hindi kita kilala! Sino ka ba?" Nangingilid na ang luha ko. Mamaya rape-in ako nito dito. No! "Parang awa mo na, bitawan mo ako! Hindi kita kilala!" Naghihisterikal na ako. Biglang nawala sa harapan ko ang lalaki at nakita ko si Simoun.
Bigla niyang sinugod ang lalaki at pinagsusuntok ito. "Sinabi niyang bitiwan mo siya ngunit ayaw mong makinig!"
"Tama na, Simoun!" Hinila ko siya palayo sa lalaking duguan ang mukha ngayon. Nakikita ko sa mata ni Simoun ang galit.
"Tinuring kang may asawa, Emilio, ngunit nagawa mong bastusin si Esmeralda! Nakakahiya ka!"
Natigilan ako. So ito ang sinasabi ni Milagros noon na asawa niya at lalaking minamahal naman ni Esmeralda. "S-Simoun."
"Kung hindi ka niya maalala, hayaan mo na siya. Palayain mo na si Esmeralda dahil kahit kailan ay hindi magiging kayo!" Humarap sa akin si Simoun. "Sinaktan ka ba niya?" Agad akong umiling. "Mabuti pa't magmadali kang umuwi sa inyo. Ako na ang bahala kay Emilio." Inabutan pa niya ako ng panyo.
Tinanguhan ko siya bago ako tumakbo papalayo sa kanila.
"Esmeralda! Ikaw pa rin ang mahal ko at patutunayan ko iyon!"
Iyon ang huling narinig ko kay Emilio bago ako tuluyang nakalayo sa kanila. Grabeng tao 'yon! Super mahal si Esmeralda. Kuwawa naman si Milagros dahil one sided love lang ang meron sa kanilang mag-asawa. Napailing na lang ako. Natatakot din ako sa susunod na gawin ni Emilio. Baka mapahamak ako kapag nagkasalubong ang landas naming dalawa.
-----
"Papa?" Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya.
"Pumasok ka, hija."
Agad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin si Don Rafael na prenteng nakaupo sa isang upuan sa likod ng mahogany table. Nagbabasa ng newspaper. "Papa?"
Binaba ni Don Rafael ang hawak na dyaryo at napatingin sa akin. "Bakit, Esmeralda?"
"Maaari po ba akong magpatuloy mag-aral sa La Concordia?" Napa-cross finger pa ako sa likuran ko.
"Hija, napag-isip ko na tumigil ka muna ngayon dahil sa kalagayan mo. Hindi mo kami maalaala kaya mabuting dumito ka muna para mabalik kaagad sa iyo ang iyong alaala."
Ginawa kong malungkot ang mukha ko. Ang sabi ni Simoun, kahit anong gusto ko ay ibibigay kaagad ni Don Rafael. "Ngunit gusto ko pong magpatuloy mag-aral."
"Ngunit, Esmeralda, hindi makakabuti sa iyo na bumalik sa Maynila."
Tinalikuran ko si Don Rafael. Hindi ko mapigilang kumontra sa gusto ng don. Malamang sobra siyang mag-aalala kapag bumalik ako kuno doon. Mukhang matatagalan pa bago kami magkita ni Simoun ulit. "Naiintindihan ko po." Binuksan ko na ulit ang pintuan.
"Esmeralda."
Lumingon ako kay Don Rafael. "Po?"
Bumuntong hininga ito. "Pumapayag na akong magpatuloy ka mag-aral."
Napanganga ako at nang tuluyan na ma-digest ng isip ko ang sinabi ni Don Rafael ay agad ko siyang sinugod ng yakap. "Salamat po!"
Gumanti ng yakap si Don Rafael. "Ngayon ko lang muli naranasan ang yakapin mo ako, anak."
Humigpit ang yakap ko sa don. Mas gusto ko maging tatay si Don Rafael kaysa kay Papsi. Mabait na ama ang don. Naranasan ko magkaroon ng ama ng dahil sa kanya. "Masaya po akong naging ama kita, Papa!"
"Ako rin, hija." Tinapik niya ang likod ko. Lumayo lang ako kay Don Rafael dahil may kumatok sa pintuan. Isa sa mga katulong dito sa bahay. "Bakit ka naparito?"
"Don Rafael, may bisita po kayo."
"Bueno, sabihin mong lalabas na ako." Tinanguhan lang kami ng katulong bago lumabas. "May miryenda akong pinagawa sa ating mga criada. Sabihan mo lang sila kung nais mo nang magmeryenda."
Tumango na lang ako. Nauna nang lumabas si Don Rafael kaya sumunod ako. Napangiti ako nang matanaw ko si Milagros sa sala ngunit nawala ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang katabi niya. Bigla akong nakadama ng takot. "B-Bakit siya n-nandito?" Nanginginig pang tinuro ko si Emilio.
"Hija, siya si Emilio. Ang esposo ni Milagros."
Napakapit ako kay Don Rafael. "I-Ilayo ninyo siya sa akin!" Halos pasigaw kong utos.
"Esmeralda."
Agad akong umiwas kay Emilio nang papalapit siya sa akin. "Lumayo ka sa akin!" Nagtago ako sa likod ni Don Rafael. Sobra akong natatakot kay Emilio. Baka may gawin siyang masama sa akin.
"Esmeralda, ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Milagros.
"Papa, ilayo ninyo siya sa akin. Natatakot ako sa kanya!" Nangilid na ang luha sa pisngi ko.
Dama ko ang pagbigat ng aura ni Don Rafael. "Emilio, umalis ka muna dito. Ayaw kang makita ng aking unica hija. Hindi ko alam kung bakit siya natatakot sa iyo ngayon kaya kung maaari lang ay umalis ka na habang nagtitimpi pa ako!"
"Pero—"
"Salir!"
Agad na umalis si Emilio at kasunod niya si Milagros. Nawala na ang takot na nararamdaman ko. Safe na ako. Hunarap sa akin si Don Rafael at pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Tumahan ka na, hija. Wala na si Emilio dito."
"Papa!" Yumakap ako sa kanya at parang batang umiiyak sa bisig ng kanyang ama.
"Sssh, tahan na, anak." Naramdaman ko ang pag-tap niya sa likod ko kaya unti-unti na akong kumalma. "Nasasaktan akong nakikita kang umiiyak. Ikaw lamang ang nag-iisang anak ko kaya ayokong may nagpapaiyak sa iyo. Kaya tumahan ka na." Lumayo sa akin ang don. "Ngumiti ka na lamang, hija."
Huminga ako ng malalim sabay pilit na ngumiti.
"Hayan! Ngayon ay sabihin mo ang nais mong bilhin bago bumalik ka bumalik sa Maynila sa susunod na araw?"
"Pointe shoes?" Dumulas sa bibig ko ang words na iyon kaya kitang-kita ko sa mata ni Don Rafael ang pagtataka.
"Poynti syus? Anong bagay iyon, hija?"
"S-Sapatos na ginagamit ng b-ballerina po." Napa-cross finger tuloy ako ng wala sa oras. Naku naman, Celestine!
"Aanhin mo naman ang sapatos ng isang ballerina?"
"M-May biglang pumasok sa isipan ko po na parang may kaibigan ako sa La Concordia na malapit na po ang kaarawan at iyon po ang nais niyang regalo. Kaso hindi ko po maaalala kung sino siya." Another lie! Simula nang dumating ako dito, sobrang haba na siguro ng listahan ng pagsisinungaling ko. Oh God! Please forgive me.
"Bueno, kung iyan ang nais mo, magpapabili kaagad ako ng sinasabi mong sapatos."
Napangiti ulit ako. "Salamat po!" Napatalon pa ako. Yes! Makakasayaw na ulit ako ng ballet. "Sige po, Papa, maglilibot po ulit ako." Nagmadali na akong bumaba at hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Don Rafael.
Patakbong tinahak ko ang papunta sa kitaan namin ni Simoun. Alam kong late na ako pero push lang. Ngayon ang huling araw ni Simoun sa San Carlos kaya napag-usapan naming ala-una kami magkikita. Pagdating ko sa batis ay naroon na si Simoun at may hawak siyang mga tela. Napangiti ako. Mukhang matutuloy ang paghu-horseback riding namin. Ang tanong ko kasi kahapon kay Simoun ay papayag ba siyang mangabayo ako kapag nakasuot ako ng damit panglalaki? Mukhang ito ang kanyang sagot.
"Simoun!"
Agad siyang lumingon sa akin at tumayo siya. "Akala ko'y hindi ka darating."
"Sus, kailan ba ako hindi tumupad sa usapan natin? Iyan ba ang susuotin ko?" Tinuro ko ang damit na dala niya.
Tumango kaagad siya. "Damit ko ito noong kinse años ako." Inabot niya sa akin ang damit. "Magpalit ka na kaagad."
"Tumalikod ka!" Agad naman tumalikod si Simoun. "Bantayan mo ang paligid natin, mamaya ay baka may taong dumating." Agad kong sinuot ang trouser, kasya sa akin. "Huwag kang titingin!" Sigaw ko sa kanya nang gumalaw siya na para bang lilingon sa akin. Sinuot ko ang kamisa. Medyo maluwag sa akin pero okay lang. Binura ko ang makeup sa mukha ko at pinusod ko ang aking buhok na walang gamit na panali. "Maaari ka nang tumingin dito." Pagkaharap sa akin ni Simoun ay kinuha ko sa kanya ang suot niyang top hat. "Pwede na ba?" Pinalalim ko pa ang boses ko. Hindi man lang nagsalita si Simoun at natulala lang siya. "Simoun?"
Napailing siya sabay ngiti. "Aba't magandang lalaki ka pala kung sakaling ika'y naging lalaki."
"Sabi sa iyo eh!" Pumaywang pa ako na proud pa ako sa ayos kong ito. Ang tagal din noong huling suot ko ng damit panglalaki. Siguro noong sumayaw kami ng ballroom noong fourth year highschool. Lalaki ang part ko dahil sampu lang ang lalaki sa classroom namin at kailangang may maging lalaki sa sayaw. Tinupi ko ang damit ko at pinatong sa malapad na bato.
"Bueno, tayo'y humayo na."
Sinundan ko si Simoun. Hindi pa kami nakakalayo sa batis ay nakita ko kaagad ang dalawang kabayo na nakatali sa puno. Tumakbo kaagad ako papalapit kay Trinidad. "Kumusta ka na?" Hinaplos ko ang buhok nito. Tinanggal kaagad ni Simoun ang pagkakatali ni Trinidad at binigay niya sa akin ang renda ng kabayo. Sa sobrang excited ako ay agad akong sumakay sa kabayo.
"Talagang marunong kang sumakay ng kabayo."
Tumango ako. "Gusto kong maging isang Equestrian!"
"Anong sinabi mo?" Nakakunot noong tanong ni Simoun sa akin pagkasakay niya kay Dante.
"Ano... Maging magaling sa pangangabayo!" Huminga ako ng malalim sabay ngiti.
"Bueno, pabilisan tayo. Kung sino ang mahuling makapunta sa kuwadra namin ay may karampatang parusa. Payag ka ba?" Tumango ako. "Magbibilang ako ng hanggang lima. Uno... Dos—"
Hindi ko na hinintay na matapos magbilang si Simoun. Hinapit ko kaagad ang kabayo kaya agad itong tumakbo. "Hoh!" Lalong bumilis ang takbo ni Trinidad. Narinig ko na rin na tumatakbo ang kabayong sinasakyan ni Simoun.
"Isa kang pilyang binibini!"
Tawa na lang ang sinagot ko at mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa renda ni Trinidad. "Hoh!" Natatanaw ko na ang kuwadra at mas lalo kong hinapit si Trinadad. Halos mapasigaw pa ako nang marating ko ang kwadra nila Simoun. Nakangising humarap ako sa paparating na binata. "Señor, ako ang nagwagi!"
"Kaydaya mong binibini, Esmeralda. Hindi pa ako tapos magbilang ay agad mong pinatakbo si Trinidad.
Lalo akong napangisi. "Iba lang talaga ang galing ko." Geez! Horseback riding is rock! "Paunahang bumalik sa batis!"
Ngumisi si Simoun at halos sabay kaming nakaalis sa kuwadra. Ang lakas ng tawa ko. Ngayon ko lang ulit naranasan ito. Na para bang wala akong problema sa mundo. Ang saya mamuhay dito! Sana ganito palagi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top