Capitulo Quince
Capitulo Quince:
"Papa!"
"Anong kalokohan ito, Esmeralda?" lumapit sa amin si Don Rafael at inilayo ako kay Simoun.
"Papa, mahal ko po—" isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. "Papa."
"Don Rafael—" halos mapasigaw ako nang biglang sinuntok ni Alonzo si Simoun.
"Simoun!" tangkang lalapit ako kay Simoun nang pinigilan ako ni Don Rafael. Gusto kong lapitan si Simoun na ngayon ay nakikipagsuntukan kay Alonzo. "Itigil ninyo 'yan!" nakakuha na kami ng atensyon ng ibang bisita dito sa Palacio ng Malacañang. Nagpumiglas ako kay Don Rafael. "Bitiwan mo ako, Papa!"
"Tumigil ka, Esmeralda!" hinila ako ni Don Rafael palayo kina Simoun.
"Simoun!" halos malagutan ako ng hininga nang makita kong tinulungan ng mga guardia civil si Alonzo na bugbugin si Simoun. "Simoun!" nagpumiglas ako kay Don Rafael. "Tumigil kayo! Papa, pigilan mo sila!"
"Manahimik ka!" pinilit akong pasakayin ni Don Rafael sa kalesa.
"Papa, parang awa mo na." tumulo ang luha sa pisngi ko. "Pigilan mo sila."
Hindi ako pinansin ni Don Rafael. "Bumalik na tayo sa bahay." pasigaw na utos ng don sa kutsero.
"Papa." hahawakan ko dapat sa kamay si Don Rafael ngunit nilayo nito kaagad ang kamay nito. "Papa." umiwas ng tingin sa akin si Don Rafael. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Sobra akong nag-aalala para kay Simoun. Gusto kong bumaba ngunit hindi ko magawa.
Nang makarating kami sa bahay namin dito sa Intramuros ay kinaladkad ako ni Don Rafael na pumasok sa loob. Puno ng galit ang mukha ng don. Nang makaakyat na kami ay malakas niya akong sinampal.
"P-Papa."
"Nakakahiya ka! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag kang makikipag-usap o lumapit kay Simoun Pelaez? Kanina, nakita namin kayo na magkasama at magkayakap!" napahilamos ito ng mukha. "Bakit mo ito nagawa, Esmeralda? Alam mong kaaway natin ang pamilya nila!"
"Dahil mahal ko siya, Papa!"
Muli akong sinampal ni Don Rafael. Natumba ako sa lakas ng pagkasampal niya. "Tonta! Hindi ka nababagay kay Simoun Pelaez. Tandaan mo na isa siyang Pelaez! Kalaban natin sila!"
"Bakit ninyo ba kami sinasali sa away ninyo? Hindi naman namin kasalanan na magkaaway ang mga angkan natin."
"Nakakahiya ka sa angkan natin! Ikakasal ka na kay Señor Alonzo pero nagawa mong makipagrelasyon sa isang Pelaez."
"Hindi ko mahal si Señor Alonzo! Bakit ba hindi ninyo ako hayaang pumili ng mamahalin ko? Bakit kailangang sakalin ninyo ako sa mga gusto kong desisyon sa buhay ko?" napahagulgol ako. I thought everything is fine here but I was wrong. Maski dito ay may kumukontra sa gusto ko.
"Tonta! Ikakasal ka kay Señor Alonzo, sa ayaw o gusto mo. Maganda ang kinabukasan mo sa kanya." hinila ako patayo ni Don Rafael. "Naiintindihan mo ba?"
"Papa! Ayokong ikasal kay Señor Alonzo."
"Ako'y napupuno na sa iyo! Dati'y hindi ka naman ganyan." hinila niya ako papunta sa kwartong ginagamit ko at tinulak niya ako papasok sa loob. "Ikaw ay hihinto na sa pag-aaral. Ipapakuha ko ang mga gamit mo sa dormitorio at bukas ay babalik na tayo sa hacienda!"
"P-Papa." nagmadali akong tumayo at bago pa ako makalapit sa pintuan ay sinara na ni Don Rafael iyon. Pinipilit kong buksan ang pintuan pero mukhang ni-lock iyon ni Don Rafael. "Papa, buksan mo po ang pintuan!" kinalampag ko ang pintuan. "Papa!"
"D'yan ka lang sa iyong silid. Makakalabas ka lang kapag tayo'y aalis na."
"Papa, huwag mo naman ito gawin sa akin." narinig ko ang papalayong yabag ng paa. "Papa! Papa!" dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi ko. Bakit nangyari ito? Napaka-unfair naman eh! Kung kailan alam na namin ni Simoun na nagmamahalan kami para sa isa't isa, nangyari pa ito.
Sobra akong nag-aalala para kay Simoun. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Ayoko dito. Gusto kong makasama ang lalaking mahal ko. Ayokong mawalay kay Simoun.
------
"Señorita Esmeralda."
Hindi ko nilingon si Aling Nenita. Nanatili lang akong nakahiga sa kama ko. Dalawang araw na ang nakalipas nang bumalik kami ni Don Rafael dito sa San Carlos. Dalawang araw na din akong nakakulong sa kwartong ito. Lumalabas lang ako kapag kailangan kong pumunta sa C.R at talagang may nakabantay sa labas ng kwartong ito.
"Señorita, galing po kay Señorita Anastasia ang basket na ito. May lamang isang pusa at mga liham."
Napabalikwas ako ng bangon at nilingon si Aling Nenita. "Akin na ang basket na iyan!" agad na binigay sa akin ni Aling Nenita ang basket. Pagkakita ko sa pusa ay agad ko itong kinuha. "Celestina!" masuyo ko itong hinalikan sa ulo. "Celestina."
"Masaya po akong makitang lumiwanag kahit papaano ang mukha mo, Señorita."
"Iwan mo na po ako, Aling Nenita." tinalikuran ko si Aling Nenita at hinaplos-haplos ko si Celestina. Narinig ko na lang ang pagbukas at sara ng pintuan. Bumuntong hininga ako. "Mabuti na lang at nandito ka na, Celestina. Nakita mo ba si Papa Simoun mo? Ayos lang ba siya?" umalis si Celestina sa lap ko. "Celestina." humiga ulit ako at tumulo ang luha sa pisngi ko. "Celestina, nami-miss ko na siya." tanging pag-meow lang ang sagot ni Celestina.
Inabot ko ang basket. Ang sabi ni Aling Nenita ay may mga sulat. Kinuha ko ang mga laman nun. Pinagtatapon ko lang sa sahig ang mga sulat galing kina Anastasia. Napangiti ako nang makita ko ang isang sobre galing kay Simoun. Agad kong kinuha ang laman ng sulat na iyon.
Mahal kong Esmeralda,
Isang napakagandang bagay na ang babaeng pinag-alayan ko ng aking puso ay mahal rin ako. Sa sandaling oras na pinagsaluhan natin ay iyon ang pinamasayang bagay na natanggap ko. Nararamdaman ko pa rin ang mahigpit mong yakap sa akin at paulit-ulit kong naririnig ang pagsambit mo ng iyong pag-ibig sa akin. Sana'y malasap kong muli ang matamis mong halik. Sana'y makulong ka muli sa aking bisig.
Pinapangako ko sa iyo na gagawin ko ang lahat para makalaya na tayo sa away ng ating mga angkan. Magpapakatatag ako para sa iyo. Ikaw ang liwanag ng aking buhay. Tandaan mo na mahal na mahal kita.
Humahalik sa iyong kamay,
S
Nilapat ko sa dibdib ko ang sulat galing kay Simoun. Tumulo ang luha sa pisngi ko. "Mahal na mahal din kita, Simoun." tumabi sa akin si Celestina kaya niyakap ko ito. "Sobra kitang minamahal, Simoun."
Napabalikwas ako ng bangon. Kailangan kong masagot ang sulat ni Simoun. Kahit sa sulat lang ang maging way para magkaroon kami ng communication, okay na sa akin iyon. Agad akong kumuha ng papel at sinulatan iyon.
Mahal kong Simoun,
Masaya akong mabasa ang iyong sulat. Labis akong nag-alala sa iyong kalagayan ngayon dahil sa nangyari nang nakaraang araw. Gusto kitang makita ngunit hindi ko magawa dahil ikinulong ako ni Papa sa aking silid. Nais kitang makasama ngunit pinaglalayo nila tayo. Binabalik ko na lamang ang mga masasayang alaala na magkasama tayo. Nakakatulong rin si Celestina na mawala kahit papaano ang aking kalungkutan.
Ikaw lamang ang dahilan kung bakit ako masaya ngunit hindi nila iyon maintindihan. Sana nga'y mawala na ang alitan ng ating angkan.
Inaasam ko na makita kang muli. Panghahawakan ko ang iyong pangako. Mahal na mahal din kita.
Ang iyong irog,
Esme
May tumulo pang luha sa sinusulat ko. Agad kong nilagay sa sobre ang sulat ko para kay Simoun. Huminga ako ng malalim. Sana makarating ito kay Simoun. "Rosa! Rosa!" naghintay ako ng limang minuto bago bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Señorita Esmeralda, pinapatawag mo raw po ako?"
Lumapit ako kay Rosa. "Aking kaibigan, parang awa mo na, ibigay mo ito kay Simoun Pelaez." inabot ko kay Rosa ang sobreng naglalaman ng sulat ko para kay Simoun.
"Ngunit, Señorita, bawal itong pinapagawa mo."
"Parang awa mo na, ibigay mo sa kanya iyan. Alam kong hinihintay niya ang aking tugon sa kanyang sulat. Ikaw lamang ang tanging tulay naming dalawa."
"Pero, Señorita—"
"Sige na, Rosa." pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. "Pagbigyan mo sana ako."
Napakagat labi si Rosa bago tumango. "P-Pumapayag ako sa iyong nais, Señorita. Sana'y hindi ito malaman ni Don Rafael dahil ako po ang malalagot."
"Salamat, Rosa!" napayakap pa ako sa kanya. "Malaking tulong ang iyong o. Kapag naayos na namin ni Simoun ang gulong ito, ikaw ay aking tutulungan para makapag-aral sa Maynila."
"S-Salamat po, Señorita. Ako'y aalis na po."
Tumango ako bago umalis si Rosa. Nakangiti akong bumalik sa higaan ko. Kahit papaano ay naging magaan ang loob ko ngayon. "Sana mabasa kaagad ni Simoun ang sulat ko." pumikit ako at mayamaya'y dinala na ako ng antok. Umaasam na sana'y mapanaginipan ko si Simoun.
------
Umayos ako ng pagkakahiga. Isang linggo na akong nakakulong sa kwartong ito. Ilang beses na rin akong hinatiran ng pagkain ngunit hindi ko iyon kinakain. Sino ba gaganahang kumain kung nakakulong naman sa isang kwarto? Hinahayaan ko na lang na si Celestina ang kumain sa pagkaing para sa akin. Siguro kumakain din ako pero isang tinapay lang. Wala akong pakialam kung mag-alala si Don Rafael. Ginusto niyang ikulong ako dito.
Limang araw ko nang hinihintay ang sulat ni Simoun ngunit wala. Walang sulat galing sa kanya. Ang sabi ni Rosa ay naihatid nito sa Hacienda Pelaez ang sulat ko para kay Simoun. Hindi lang talaga sigurado kung natanggap ba niya ang sulat ko. Hindi ko na pinunasan ang luhang umagos galing sa mata ko. Siguro ay umay na marinig ng mga nagbabantay sa akin ang hikbi at hagulgol ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at nagpatuloy pa rin ako sa paghagulgol. Naramdaman ko na may umupo sa kabilang parte ng higaan ko. Hindi ko na nilingon ang taong iyon.
"Esmeralda."
Mariin akong pumikit at niyakap lalo ng mahigpit ang unan. Kahit tinuturing kong tatay si Don Rafael, wala pa rin siyang karapatan na guluhin ang buhay ko o ni Esmeralda.
"Hija, intindihin mo sana ang nangyayari ngayon. Alam mong hindi nababagay sa iyo si Simoun Pelaez. Kay Señor Alonzo Ferrer ka nababagay, hija."
"Ngunit si Simoun ang minamahal ko. Bakit hindi ninyo maintindihan?" tinakpan ko ng unan ang mukha ko. "Ayoko ko kay Señor Alonzo."
Naramdaman ko ang paghaplos ni Don Rafael sa buhok ko. "Matututunan mo ring mahalin si Señor Alonzo, Esmeralda."
"Hindi ko po magagawa iyon dahil si Simoun lang ang nagmamay-ari ng aking puso. Si Simoun lang ang mahal ko." napahikbi ako. "Sana po'y intindihin mo iyon, Papa."
Narinig kong bumuntong hininga si Don Rafael. "Mag-ayos ka ng iyong sarili. Tayo'y magsisimba ngayon at kailangan mo ring maaarawan. Papapuntahin ko dito si Rosa upang ika'y tulungang ayusan."
Hindi na ako umimik. Narinig ko na lang na bumukas at sara ang pintuan ng kwarto ko. Ayokong magsimba ngayon pero alam kong pipilitin ako ni Don Rafael na isamang magsimba kaya wala akong magagawa. Tumayo ako at muntik na akong matumba dahil sa sobrang panghihina. Mayamaya ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Rosa. Pilit akong ngumiti sa kanya bago natumba sa sahig.
"Señorita!" pinatong ni Rosa sa mesita ang hawak niyang tray at agad siyang lumapit sa akin. Inalalayan akong nakabalik sa higaan ko.
"Mukhang kailangan ko ng tutulong sa aking maligo."
"Señorita Esmeralda, dapat po kinakain mo ang mga pagkaing dinadala sa iyo ni ina para naman ika'y lumakas."
Mapait akong ngumiti. "Aanhin ko pa ang maging malakas kung hindi ko naman makikita ang lalaking iniibig ko?"
"Kakain ka ba ng pagkain ngayon kung sakaling ibigay ko sa iyo ang liham galing kay Señor Simoun?"
Bigla akong nabuhayan dahil sa sinabi ni Rosa. "May sulat galing kay Simoun?"
May pinakitang sobre sa akin si Rosa. "Kakabigay lang po sa akin ng liham na ito." inabot niya sa akin ang sulat galing kay Simoun.
Agad kong binuksan ang sobre at binasa ang liham ni Simoun. Napangiti ako. "Kararating lang niya galing sa Maynila." napalingon ako kay Rosa. "Gusto kong sumama ka sa amin ni Papa sa simbahan. Kakailanganin kita."
"Pero Señorita—"
"Hindi makakatanggi si Papa dahil kailangan ko ng aalalay sa akin." pumatong sa lap ko si Celestina. "Ang taba mo na Celestina para kang si Garfield." napangiti ako. "Alam mo ba, Rosa, na si Simoun ang nagregalo sa akin ng pusang ito." hindi umimik si Rosa. "Laking tuwa ko dahil mahilig ako sa mga pusa."
"Pero Señorita, ayaw mo po sa pusa."
"Talaga? Si Esmeralda lang 'yon. Ako, mahilig ako sa pusa."
"Para naman pong hindi kayo ang Señorita Esmeralda sa inaakto mo po."
Makahulugang ngiti ang binigay ko kay Rosa. "Iabot mo na sa akin ang pagkain ko para magkaroon ako ng energy!"
-----
"Dahan-dahan lamang, hija." inaalalayan akong bumaba ni Don Rafael. Nanghihina pa rin ako. Syempre hindi ko kaagad mababawi ang lakas ko sa isang simpleng pagkain ng breakfast kanina. Kasama rin namin si Rosa.
Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. May mga bumabati at tanging ngiti na lang ang binibigay ko sa kanila. Pumwesto kami sa bandang gitna. Nilibot ko ang paningin ko. Nagbabakasakaling makita si Simoun ngunit wala akong nakita. Tumahimik na lang akong nakaupo dito. Nasa gitna ako nina Don Rafael at Rosa.
"Magandang umaga, mi amigo!"
"Crisostomo! Magandang umaga rin sa inyo!"
Hindi ko sila nilingon. Pumikit na lang ako at nagpanggap na nagdadasal. Ayokong makausap ang pamilya Ferrer. Pinapaalala lang nila sa akin ang nangyari sa amin ni Simoun.
"Magandang umaga, Señorita Esmeralda."
Hindi ko pinansin si Alonzo. Naiinis ako sa kanya. Siya ang epal sa buhay ko.
"Esmeralda." boses iyon ni Don Rafael.
"Ama namin, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo..." mariin pa akong pumikit. Narinig ko na sumabay sa aking mag-pray si Rosa.
"Hayaan muna natin sila, hijo. Mukhang nagru-rosario silang dalawa."
"Bueno, doon na kami sa kabila pupwesto dahil puno na sa hanay ninyo."
Yes! Successful ang arte ko. Pasimple akong dumilat at kinindatan ko si Rosa kaya napangiti at tumango siya. Maaasahan talaga si Rosa. Dumilat ako at maayos na umupo. Nag-usal ako ng dasal sa Panginoon na humihingi ako ng tawad dahil sa ginawa ko kanina at may isa akong hiling na sana'y pagbigyan Niya. Marahan akong dumilat. Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Simoun na papasok sa loob ng simbahan.
At nakita kita
Sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata
Na 'di maintindihan
Napangiti ako nang nagtagpo ang aming mga mata. Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Alam namin na masaya kaming makita ang isa't isa.
Tumingin kung saan
Sinubukan kong umiwas
At tumigil ang mundo
Nung ako'y ituro mo
Sa panalangin ko
Bumalik ang tingin ko sa altar. Mukhang binigay kaagad ni God ang panalangin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top