Capitulo Once
Capitulo Once:
"Esmeralda!" biglang may humila sa akin sabay ng pagbagsak namin sa gilid ng kalsada.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Unti-unti akong tumingin sa humila sa akin. Si Simoun na puno ng pag-aalala ang mukha niya. Nakapaibabaw ako sa kanya. Agad akong umalis. Doon ko lang na-realized na muntik na akong masagasaan ng kalesa, kung tama nga'ng masagasaan ang term nun. Ngayon ko lang din naramdaman ang takot at kaba. Paano kapag natuluyan ako dito? Hindi na ako makakabalik sa amin. Napahagulgol ako. Thanks God, I'm still alive.
"May masakit ba sa iyo, Esmeralda?"
Umangat ako ng tingin. "Akala ko, mamamatay na ako." bigla akong yumakap sa kanya at lalo pang umiyak. "You're my hero! Ikaw ang nagligtas ng buhay ko."
"Sssh, t-tumahan ka na, Esmeralda." naramdaman ko ang marahang pagtapik niya sa likod ko. "Ligtas ka na."
Naging unaware ako sa paligid ko dahil sa selos na naramdaman ko. Ang tanga ko! Nagsumiksik ako kay Simoun. Unti-unti na nagiging kalmado ang sistema ko dahil sa pag-comfort sa akin ni Simoun.
"Señor, maayos na po ba ang binibini?"
"May masakit ba sa iyo, Esmeralda?" umiling ako. "Wala po, paumanhin sa abalang naganap. Masyado okupado ang kanyang isipan kaya hindi niya napansin ang paparating ninyong kalesa."
"Mabuti naman po kung ganoon. Binibini, mag-ingat po kayo sa susunod."
Hindi ko nagawang tumingin sa nagsasalita. Nasa posisyon pa rin akong nakayakap kay Simoun. Mayamaya ay narinig ko ang papaalis na kalesa.
"Esmeralda."
Unti-unting umangat ang paningin ko. Sobrang lapit ng mukha ni Simoun sa akin. Agad akong lumayo sa kanya. Hindi maganda itong ginawa ko. For sure, hindi kaayaaya sa paningin ng mga taong nakakita sa amin ang ginawa ko. Umiwas ako ng tingin. "S-Salamat sa pagligtas sa akin."
Naunang tumayo si Simoun at inalalayan niya akong tumayo. "Sa susunod ay mag-ingat ka. Hindi mo pagmamay-ari ang mundo, Esmeralda."
Inirapan ko siya. Hindi naman ako mangyayari ito sa akin kung hindi niya kinausap ang Esperanza'ng 'yon.
"Ayos ka lang ba, Señorita?"
Inirapan ko din si Esperanza. "Feeling concern pero bitch naman." nilagpasan ko silang dalawa. "Mauwi na nga. Sira na ang araw ko."
"Esmeralda!"
Hindi ko pinansin si Simoun. Sinuot ko ang belo ko. Bigla akong pinigilang maglakad ni Simoun. "Ano?" medyo inis kong tanong.
"Paumanhin, Esmeralda." buong pagsusumamong sabi ni Simoun. "Nasabi ko lang iyon dahil sobra akong nag-alala sa iyo. Huwag ka nang magalit sa akin."
Nawala ang inis sa dibdib ko. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. "Hindi na ako galit sa iyo." naglakad na ulit ako papunta sa nakahintong kalesa. Medyo malayo sa Casa Veronica ang napuntahan namin ni Simoun ngayon kaya kailangan kong sumakay ng kalesa pauwi.
"Kung ganoon, maaari ba tayong magkita muli?"
Huminto ako sa gilid ng kalesang nakahinto at humarap ako kay Simoun. "Sige, sa Simbahang ng Santo Tomas tayo magkita."
"Alas tres ng hapon?" tumango ako. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Simoun. "Hihintayin kita sa loob kung saan tayo nakaupo kanina."
Ngumiti ako. Inalalayan ako ni Simoun na sumakay ng kalesa. "Casa Veronica." tinanguhan ko si Simoun bago tuluyang makalayo ang kalesang sinasakyan ko. Maraming nangyari ngayong araw.
-----
Tahimik akong lumuhod sa tabi ni Simoun na ngayon ay nagdadasal. Isang tunay na maka-Diyos ang binatang ito. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Kanina pa niya siguro ako hinihintay dito. Late kasi ako ng twenty minutes dahil nagkaroon ng munting salu-salo para sa birthday ni Cristina.
"Amen." nag-sign of the cross si Simoun sabay lingon sa akin. Bigla siyang ngumiti sabay ng pag-aliwalas ng kanyang mukha. "Esmeralda."
"Paumanhin kung ako'y nahuling dumating."
"Naiintindihan ko iyon, Esmeralda." sabay kaming umupo sa banco de iglesia. "Saan mo gustong pumunta ngayon?"
I shrug. Wala akong maisip. Naging gala ako nang dahil kay Simoun. "Parang wala na akong nais na puntahan. Nalibot na ata natin ang buong Intramuros."
"Nais mo bang magkwentuhan na lamang tayo sa likod ng dormitorio namin?"
Napangiti ako sabay tango. May mga nakilala akong bagong kaibigan dahil lang tumambay kami ni Simoun sa likod ng dormitorio. Umalis na kaagad kami ni Simoun.
Malapit lang ang dormitorio nila Simoun sa Simbahan ng Santo Tomas kaya kaagad kaming nakarating. May dalawang lalaki nang nandoon at naglalaro sila ng Chess. Naalala ko sila. Nakita ko sila noong lumabas kami ni Simoun galing sa simbahan. Ang sabi pa nga nila ay kaya pala sila iniwan ni Simoun dahil may sinundang binibini ito which is ako 'yon.
"Carlos! Geronimo!"
Napatingin sa amin ang dalawa niyang kaibigan.
"Aba't may bisitang binibini si Simoun! Isa ka na talagang binata. May iniibig ka na pala."
"Tigilan mo ako, Carlos."
Napalingon ako kay Simoun. My gosh! Nagba-blush siya. "Ang cute!" umiwas ako ng tingin.
"Tama si Simoun, Carlos. Tigilan mo siya, pinapahiya mo siya sa kanyang bisita. Bueno, aking amigo, maglaro tayo ng ajedrez. Magpakitang gilas ka sa binibini."
Agad namang kinuha ni Simoun ang isang upuang mahaba. Pwinesto niya iyon sa gilid ng mesa. "Maupo ka muna dito, Esmeralda." Ngumiti ako bago umupo. Tumabi naman sa akin si Simoun. "Pagbibigyan kita sa iyong nais, Geronimo. Sa akin ang kulay itim."
Inayos naman ni Geronimo ang chess pieces. Bigla ko tuloy naalala si Papsi. Noong bata pa ako, naglalaro kami ni Papsi ng Chess. Nahinto lang noong nag-fifteen years old ako. Naging super busy na kasi si Papsi.
They start playing Chess. Super seryoso silang dalawa kaya sobrang tahimik. Maski si Carlos ay tahimik rin. For me, pareho silang magaling. Gusto na nga sumingit sa laro nila. Napakagat labi ako. Mukhang hindi pa napansin ni Simoun na pwede niyang i-checkmate ang kalaban niya.
"Mukhang wala ka sa konsentrasyon, Señor Simoun." pang-aasar ni Geronimo. Mukhang alam nito na pwede itong ma-checkmate.
Hindi ko natiis ang sarili ko. Bigla kong kinuha ang knight sabay lipat ng pwesto nun. Nakain ang queen. "Checkmate."
Napanganga si Geronimo. "Hindi maaari! Dapat ay hindi mo ginalaw iyon."
"Ang tagal ninyo kasi, hindi na ako nakatiis. Kanina pa nangangati ang kamay ko na makisali sa laro ninyo. Kanina ka pa nga dapat checkmate eh." umayos ako ng pagkakaupo.
"Tsekmeyt?"
Napatampal ako sa noo ko. "What is the meaning of checkmate?" nilingon ko si Geronimo. "Hindi ko alam sa wikang Filipino ang checkmate."
"Baka dar mate a ang ibig niyang sabihin. Hindi ko naman akalaing magaling sa wikang Ingles ang binibining tina—"
Biglang tinakpan ni Simoun ang bibig ni Carlos. "Hindi ko akalaing madaldal ka, Carlos. Manahimik ka na lamang." bumaling ang tingin ni Simoun sa akin. "Gusto mo bang kumain tayo sa pancitan?"
Medyo nawiwirduhan man ako sa kinikilos nila ay tumango na lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit tinakpan ni Simoun ang bibig ng kaibigan niya. Para siyang bata na takot mabuko kung anuman ang sinisikreto niya.
Si Carlos na ang nagtanggal ng kamay ni Simoun. "Baliw ka ba? Nais mo ata akong patayin."
"Wala akong ginagawang masama sa iyo, Carlos." pagmamaang-maangan ni Simoun.
"Iyon ang nais mo!"
"Simoun, Carlos, magsi-ayos kayo. Nakakahiya kayo sa binibini."
Napangiti ako. Nakakatuwa naman sila tingnan. Sobrang close siguro nilang tatlo. Tropang sanggang-dikit.
"Huwag kang magpapadala sa pagiging romantiko ni Simoun. Sasaktan ka lang niya."
"Carlos!" sita ni Simoun. Namumula na ang mukha niya.
"Biro lang, Simoun."
Tinakpan ko ang mukha ko then I giggle. Geez! Nakakatuwa sila.
"U-Umalis na tayo dito, Esmeralda. Mga may sira sa pag-iisip itong mga kasama ko." marahan niya akong hinila palayo sa mga kaibigan niya.
"Nakakatuwa sila."
Binitawan ni Simoun ang kamay ko sabay harap sa akin. "Huwag mo silang papansinin. Ako'y pinagdidiskitahan lamang nila."
Napangiti ako. "Ganoon naman talaga ang mga magkakaibigan lalo na't malapit kayo sa isa't isa. Minsan naman ganoon tayong dalawa doon sa talon."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Simoun. "Ngunit iba ka sa kanila. Ikaw ang pinaka espesyal na babae sa akin sa buong mundo. Nakakahiya na marinig mo ang mga bagay-bagay na hindi ko naman ginawa."
"Señor Simoun, huwag kang mag-alala hindi ako naniniwala sa kanila." nagsimula na akong maglakad.
"Kumusta ang pag-eensayo mo ng baley?"
"Hayun, masakit sa paa. May mga sugat ang paa ko." iniangat ko ng kaunti ang saya ko at hinubad ko ang suot kong sapatos sa kanang paa para maipakita ko ang mumunting sugat nun.
Bumaha sa mukha ni Simoun ang pag-aalala. "Dapat hindi mo pinipilit ang iyong sarili sa pagsasayaw. Makakasama iyan sa iyo."
"Hindi naman." sinuot ko na ulit ang sapatos. "Sanay naman akong sumayaw ng baley." humarap ako kay Simoun. "Doon sa amin ay palagi akong nag-eensayo ng ballet. Simula umaga hanggang gabi. Humihinto lang ako kapag kakain ng tanghalian."
"Buti pumapayag si Don Rafael sa ginagawa mo."
Natigilan ako. Shemay! Kapag ginawa ko sa bahay ni Don Rafael ang daily routine ko for sure hindi papayag 'yon. Umiwas ako ng tingin at nagmadali akong naglakad. "Shunga mo, Celeste." pabulong kong sita sa sarili ko. Mariin akong pumikit. Dapat mag-ingat ako sa mga sinasabi ko. Nasa ibang panahon ako at si Esmeralda ako ngayon.
Mayamaya ay nasa tabi ko na si Simoun. "Ang bilis mo naman maglakad. Gustong-gusto mo bang kumain ng pancit?"
"Ha?"
"Tila may umu-okupa ng iyong isipan."
Umiling ako. "W-Wala."
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako. "Huwag muna tayo kumain. Masyadong marami ang nakain ko kanina. Hindi maaaring dumagdag ang aking bigat."
Kumunot ang noo ni Simoun. "Bakit ka naman hindi kakain ng marami? Ika'y papayat nang papayat. Marapat lamang na kumain ka ng marami at nang magkalaman ng kahit papaano."
Napangiti ako. Naalala ko si Mama, ganyan rin ang sinasabi niya sa akin kapag kaunti lang kakainin ko or hindi ako kakain. "Mahihirapan akong sumayaw kapag dumagdag ang aking bigat. Kapag bumigat ako, hindi ko madadala ang aking katawan sa pagsasayaw ng ballet." nag-tiptoe ako sabay sway ng kamay pero sandali lang iyon. Syempre mahirap mag-tiptoe ng hindi nakasuot ng pointe shoes. May possibility pang ma-injure ako. "Sa pagsasayaw ng ballet, maraming bawal kainin kaya may isang araw ako na kakainin ko ang gusto kong kainin pero paunti-unti lang."
"Marinig ko lamang ang mga sinasakripisyo mo para lamang makasayaw ng baley ay ako ang nahihirapan para sa iyo. Minsan ay nagsisisi ako kung bakit binili ko ang sapatos na iyon." bumuntong hininga si Simoun. "Ngunit makita kita ngayong masaya sa pagsasayaw ng baley ay hindi ko magawang kumontra."
Napangiti ako. "Salamat sa suporta, Simoun."
"Ang nais ko lamang, Esmeralda, ay huwag mo sanang papagurin ang iyong sarili nang hindi madagdagan ang sugat sa iyong mga paa."
"Opo, gagawin ko iyon, pangako."
"Bueno, tayo'y maglibot na dahil sandali lamang ang dalawang oras na nakalaan para sa atin."
-------
"Hanggang dito na lang?"
Huminto akong maglakad at humarap kay Simoun. Tumango ako. Isang kanto na lang papunta sa Casa Veronica. "Hanggang dito na lang." alam kong gusto akong ihatid ni Simoun sa tapat mismo ng Casa Veronica ngunit hindi pwede. Medyo mainit sa mata ni Anastasia at Señora Dalia si Simoun dahil nga hindi kami pwedeng magkausap o magkalapit. Bakit kasi hanggang ngayon ay magkaaway pa rin ang angkan ng Figuero at Pelaez?
"Mag-ingat ka."
"Ikaw rin."
"Magkikita ba tayo sa darating na sabado?"
"Oo naman." hindi kami magkikita ni Simoun bukas dahil hanggang hapon ang pasok naming dalawa sa school. "So paano? Mauna na ako?" tumango naman si Simoun. Ngumiti ako bago ako tumalikod sa kanya.
"Sandali, Esmeralda!"
Napalingon ako kay Simoun. "Bakit?"
"May ibibigay ako sa iyo." agad siyang naglakad papalayo sa akin. Sinundan ko siya ng tingin, papunta siya sa isang maliit na puno ng gumamela at pumitas siya ng bulaklak. Nagmadali siyang bumalik sa akin. "Para sa pinakamagandang binibini dito sa Intramuros." inabot niya sa akin ang gumamela.
Bigla akong nag-blush. "S-Salamat."
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Simoun.
Biglang kumabog ang dibdib ko. Ano ba naman, Celeste? He always give you flowers, masanay ka na! "Sige, mauna na ako." nagmadali akong naglakad papalayo kay Simoun. Ni hindi man lang ako lumingon sa kanya.
Nang makarating na ako sa Casa Veronica ay nakita ko si Anastasia na paakyat na kaya sumunod ako sa likod niya. Hindi pa niya ako na-notice hanggang makaakyat na kaming dalawa.
"Anastasia?"
Napalingon sa akin si Anastasia. "Eksaktong nandito ka na! May maganda akong ibabalita sa iyo." hinila niya ako paupo sa sopa.
"Ano naman iyon?"
"Sumagot na ang Gobernador Heneral sa aking liham."
Bigla akong nakadama ng excitement. "Ano ang sabi niya?"
"Nais ka niyang magtanghal sa darating na salu-salo sa Palacio ng Malacañang. Ang nais niyang isayaw mo ay isa sa mga sinayaw sa pagtatanghal na may pamagat na Giselle. Alam mo ba iyon, Esmeralda?"
Tumango ako. "Oo, may alam na akong pwede kong isayaw." wow! Hindi ko akalaing pagbibigyan akong sumayaw sa Malacañang Palace.
"Ang Gobernador Heneral na rin ang bahala sa iyong isusuot basta't sabihan mo lang sa mananahing pupunta dito bukas kung ano ang disenyong nais mo." hinawakan ni Anastasia ang kamay ko. "Ang swerte mo, Esmeralda!"
"Salamat, Anastasia." buong pusong pasasalamat ko. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magkakaroon ng tsansang makasayaw ng ballet. Ito na ang stepping stone ko para makilala ako sa larangan ng pagba-ballet.
Ngumiti si Anastasia. "Wala iyon, Esmeralda."
"Ang problema ko lamang ay saan ako mag-eensayong sumayaw? Kailangan ko ng maluwag na lugar para makapag-ensayo."
"Kakausapin natin si Señora Dalia na ayusin dito upang makapag-ensayo ka. Tiyak akong papayag iyon lalo na't itatanghal mo ang iyong ieensayo sa Palacio ng Malacañang."
"Salamat talaga, Anastasia." niyakap ko si Anastasia bago nagmadaling pumasok sa kwarto ko. Kumuha ako ng papel, pluma at tinta. Agad akong nagsulat doon.
Señor Simoun,
May natanggap akong balita ngayon na lalong nagpasaya sa akin sa araw na ito. Aking kaibigan, nais ng Gobernador Heneral na ako'y sumayaw ng baley sa darating na salu-salo sa Palacio ng Malacañang. Hindi ko akalaing gugustuhin niyang makita akong sumayaw ng baley.
Medyo kinakabahan ako pero alam kong kakayanin ko ito dahil nandyan ka at si Anastasia na sumusuporta sa aking tuparin ang aking pangarap. Kung hindi mo ako niregaluhan ng sapatos pambaley ay hindi ito mangyayari sa akin. Salamat, Simoun.
Sana'y maipakita ko sa iyo ang pagsayaw ko ng baley bago sumayaw sa Palacio ng Malacañang ngunit alam nating mahirap ito gawin. Muli'y salamat. Mag-ingat ka palagi at huwag magpadala sa mga biro sa iyo ng iyong mga kaibigan.
Ang iyong kaibigan,
Esmeralda
Napangiti ako bago tupiin ang papel at nilagay iyon sa sobre. "Sana mabasa kaagad ito ni Simoun." for sure matutuwa iyon kapag nabasa niya ang letter ko para sa kanya. Napatingin ako sa pointe shoes na binigay ni Simoun. "Salamat, Simoun."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top