Capitulo Ocho
Capitulo Ocho:
"Masaya akong makita kang muli, Esmeralda!" Masaya niyang sabi.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Umupo ako at ganoon din ang ginawa ni Simoun.
"Sinundan ko kayo dito at tumabi na ako sa iyo nang makita kong wala na si Señorita Anastasia sa tabi mo."
Natulala ako sa kanya. Ilang araw kaming hindi nagkita. Grabe na-miss ko siya.
"At nahulog mo rin ito."
Nanlaki ang mata ko dahil panyo ko ang hawak ni Simoun. Kinuha ko iyon. "S-Salamat." Ngumiti pa ako.
"May gagawin ka ba ngayon?"
Umiling ako. "Wala, bakit?"
Lalo siyang napangiti. "Kung maaari ay maglibot tayo dito sa Intramuros. Kapalit ng ilang araw nating hindi pagkikita."
Napangiti ako. Gusto ko ang idea na 'yan kaysa mabagot ako sa dormitorio. "Pwede naman."
"Kung gayon," Tumayo siya. "Tayo'y umalis na para matagal ang pag-uusap natin."
Tumango ako at tumayo na. Sabay kaming naglakad palabas ng simbahan. "Masaya akong makita ka rin, Simoun. Ang akala ko'y matagal pa bago tayo magkita."
"Iyon rin ang—"
"Kaya naman pala tayo iniwan ni Señor Simoun, may sinundang binibini dito."
Napalingon ako sa nagsasalita. 'Yung mga kasama kanina ni Simoun.
"Tila nagiging romantikong binata na si Simoun."
Kunotnoong tumingin ako kay Simoun. Hindi ko gets ang mga pinagsasabi nila.
"Tigilan ninyo ang pagbibiro ninyo sa amin. Kaibigan ko lamang si Señorita Esmeralda."
Bigla akong nakadama ng sakit dito sa puso ko dahil sa sinabi ni Simoun. Bigla ata akong na-friendzone ng wala sa oras.
"Ngunit sa pagkakaibigan nag-uumpisa ang lahat, hindi ba, binibini?"
"Aaah, h-hindi ko alam." Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila.
"Carlos, huwag mo nga'ng tanungin ng ganyan si Señorita Esmeralda!"
"Bakit ka naiinis, Simoun?" Lumapit sa akin ang katabi ni Carlos. "Ako pala si Geronimo." Naglahad pa ito ng kamay.
Nang tatanggapin ko ang kamay nito ay inunahan ako ni Simoun. Siya na ang ka-shakehands ni Geronimo. "Kami'y aalis na. Magkita na lang tayo sa klase bukas." Nakasimangot na sabi ni Simoun. Nang bumaling ang atensyon niya sa akin ay ngumiti na siya. "Humayo na tayo."
Ngumiti ako bago tumango. Tinanguhan ko din ang mga kaklase ni Simoun. "Mukhang may mga masiyahin kang kaibigan."
"Masiyahin ngunit mga pilyo. Mga pasaway na binata pero pagdating sa akademia ay may maipagmamalaki." Lumingon siya sa akin. "Kailan ka pa dumating dito?"
"Noong nakaraang linggo pa."
"Aaah."
Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Pareho ata kaming nag-aalangan kung ang pag-uusapan naming dalawa. Nagpatuloy lang kaming maglakad.
"May alam akong pancitan dito na tiyak akong magugustuhan mo."
"Talaga?"
Tumango si Simoun. "Malapit lang dito iyon." Ngumiti si Simoun sa makakasalubong naming guardia civil. "Buenas tarde, Señor."
"Buenas tarde, Señor." Ginaya ko na lang si Simoun.
"Buenas tarde!" Proud na ganting bati ng guardia civil bago kami lagpasan.
"Bakit kailangang batiin ang guardia civil na iyon?" Pabulong kong tanong nang tuluyan na kami makalayo sa guardia civil na iyon.
"Mabuti nang batiin sila kaysa bigla ka na lang nila hampasin ng dala nilang riple. Iba ang ugali ng mga guardia civil at kakaunti lang ang masasabing mabait." Lumiko kami sa isang kanto. Doon ay may nakita akong isang kainan. "Iyon ang sinasabi ko sa iyo, Esmeralda." Tinuro ni Simoun ang kainang iyon.
Tumango ako. Agad naming pinuntahan ang kainan na iyon. Maraming kumakain doon at maswerteng may napwestuhan pa kami. Agad na may lumapit sa aming parang waiter ng kainan.
"Señor Simoun! Masaya po akong bumalik kayo dito."
"Aba'y paborito ko ang pancit ninyo kaya imposibleng hindi ako bumalik dito." Nakangiting sabi ni Simoun.
Napalingon sa akin ang waiter sabay balik ang tingin kay Simoun. "Kayganda ng iyong kasintahan, Señor. Sana po'y magtagal kayo."
"Paumanhin ngunit hindi ko kasintahan si Señorita Esmeralda. Siya ay aking matalik na kaibigan."
Para akong matutumba sa inuupuan ko. Talagang kailangang ipamukha sa akin na na-friendzone ako? Gigil ako ah. Nginitian ko ang waiter. "Tama si Señor Simoun."
Parang ayaw pa maniwala sa amin ng waiter ngunit idinaan na lang niya iyon sa pagngiti. "Señor, pancit po ba ang inyong kakainin?"
Tumango si Simoun kaya agad na umalis ang waiter. Ako naman ay nagpaypay dahil sobrang init dito. Hindi talaga ako sanay sa mainit na lugar.
Ngumiti ako kay Simoun dahil nahalata kong nakatitig lang siya sa akin. "M-May dumi ba sa mukha ko?" Hindi ko natiis na itanong. Medyo nakaka-awkward na kasi.
Umiling siya. "W-Wala, hindi lang talaga ako makapaniwala na magkikita tayong muli."
Magsasalita dapat ako nang biglang dumating ang waiter kaya hindi na lang ako umimik. Napapikit ako dahil ang bango ng amoy ng pancit at bigla akong nakasama ng gutom. Agad kong tinikman ang pancit.
"Masarap ba?"
Tumango ako. Si Simoun naman ay napangiti at nagsimula nang kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Nang matapos na kaming kumain ay agad iyon binayaran ni Simoun.
"May bali-balita na nawala daw ang iyong alaala."
Napalingon ako kay Simoun. "Ah... Oo, epekto daw ng malakas na pagkaumpog ng aking ulo noong nasa La Concordia ako." Nagsinungaling na naman ako. Tumango naman si Simoun. Hindi umimik. Parang may iniisip na kung ano. "Tila malalim ang iyong iniisip, Simoun?"
Agad siyang umiling. "Naalala ko lang, may nais akong ibigay sa iyo. Maaari ka bang sumama sa akin, papuntang dormitorio?"
"Sa inyo? N-Naku, hindi ako pwede." Hindi naman kasi talaga accurate na pumunta sa dorm ng mga lalaki.
Napakamot ito sa ulo. "Paumanhin, dapat hindi ko na iyon sinabi."
Ngumiti ako. "Wala iyon."
"Sandali lang, dito ka muna." Agad akong iniwan ni Simoun at pumunta siya sa mga nakatanim na rosas. Mayamaya ay bumalik siya na may dalang isang bagong pitas na rosas at wala na iyong tinik. "Rosas, para sa pinakamagandang dilag dito sa Intramuros."
Bigla akong namula kaya agad kong tinakpan ng pamaypay ang kalahati ng mukha ko. "S-Salamat."
"Esmeralda!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Anastasia. "Anastasia."
"Naku nandito ka lang pala. Akala ko'y ikaw ay naligaw." Napalingon ito kay Simoun. "Magandang araw, Señor."
Ngumiti si Simoun. "Magandang araw din."
Tumango si Anastasia bago ibaling ang atensyon sa akin. "Kanina pa kita hinahanap dahil nais kang makita ng madre superiora." Hinila na niya ako palayo kay Simoun.
Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos doon sa tao. Basta-basta na lang nanghihila 'tong si Anastasia. Lumingon ako kay Simoun at kumaway siya sa akin kaya tumango na lang ako.
"Naku! Itigil mo ang iyong ginagawa, Esmeralda!"
Napatingin ako kay Anastasia. "H-Hah?"
"Iyang nakipag-usap ka kay Señor Simoun?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Hala! Tila nakalimutan mo rin na magkaaway ang inyong mga angkan at hindi magugustuhan ni Don Rafael na nakikipag-usap ka kay Señor Simoun."
Umiwas ako ng tingin. Alam ko naman na bawal ang ginagawa naming pagkikita. Sadyang masaya lang akong makasama si Simoun kaya nakikipagkita pa rin ako sa kanya. "H-Hindi naman kami mabibisto ni papa."
"Sinasabihan lang kita dahil baka masaktan ka lang sa oras na malaman ng iyong ama ang ginagawa mo dito. Nag-aalala lamang ako sa iyo bilang kaibigan mo."
Tumango na lang ako at nanahimik.
------
"Esmeralda."
Huminto ako sa pagtatahi at napatingin kay Ligaya. "Bakit?"
"May liham para sa iyo." Inabot nito sa akin ang isang kulay azul na sobre.
"Salamat." Tumayo ako at nagmadaling pumasok sa kwartong inuokupa ko. Napatingin ako sa hawak kong sobre. Ang bango ng amoy nito. Sino kaya ang nagpadala ng sulat para sa akin? Umupo ako sa kama at binuksan ang sobre.
Señorita Esmeralda,
Masaya akong makita ang binibining ilang araw nang laman ng aking isipan. Ang kanyang mapungay na mata na unang kita ko pa lang ay labis ko nang hinahangaan. Ang kanyang mayuming kilos na may itinatago palang gaslaw na hindi natakot na pinakita sa akin. Ang kanyang malamusikang pagtawa na may halong hinhin. Ang tanging binibini na binibigyan ko ng orkidia.
Hindi ko inaakalang papansinin mo ang isang tulad ko na kaaway ng iyong angkan. Na ituturing mong kaibigan. Pumapayag na makipagkita sa akin kahit alam mong ikakagalit ito ng iyong papa. Nagpapasalamat ako sa mabuting pakikitungo mo sa akin. Sana'y hindi magbago ang ating pagkakaibigan kung sakaling bumalik ang iyong alaala.
Pinapangako ko na pakikiingatan ko ang ating pagkakaibigan na parang isang mamahaling hiyas. Sana'y magkita tayong muli.
-S
Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Hindi ko maipaliwanag itong kilig na nararamdaman ko dahil sa sulat na pinadala ni Simoun. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng sulat galing sa lalaki specially noong high school student ako pero sa inaakto ko ngayon, parang first time ko lang makatanggap ng sulat galing sa isang lalaki.
Binalik ko ang papel sa loob ng sobre. Kumuha kaagad ako ng papel, pluma at tinta. Natutuwa ako sa tuwing gumagamit ako ng pluma. Feeling ko isa ako sa mga artista na gumaganap sa mga Historical shows.
Señor Simoun,
Masaya rin ako na makita kang muli, Señor. Noong pagdating ko dito ay ikaw ang una kong naisip. Iniisip ko na kailan kaya tayo magkikitang muli at sa hindi inaasahan ay nagtagpo ang landas natin kahapon. Natuwa ako nang matapos akong magdasal ay nasa na tabi kita. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik na makita ka dahil ikaw lamang ang pinakamalapit kong kaibigan.
Katulad rin ng pangako mo'y pinapangako ko rin na iingatan ang ating pagkakaibigan. Sana nga'y magkita tayong muli.
Ang iyong kaibigan,
Esme
Agad kong tinupi ang papel at nilagay sa isang sobreng kulay pink. Sana mabasa kaagad ito ni Simoun. Nagmadali akong lumabas ng kwarto. Eksaktong nandito pa ang nagpapadala ng sulat at kausap ang kasera ng Casa Veronica. Lumapit ako sa kanila. "Señor, may sulat po akong ipapadala." Inabot ko ang sobreng naglalaman ng sulat ko para kay Simoun.
Gulat ang expression ng kartero at hindi ko alam kung bakit. Tinanguhan ko lang sila bago naglakad pabalik ng kwarto ko.
"Señorita Esmeralda." Napalingon ako sa kaqsera namin, si Señora Dalia. "Hindi mo ba napansin ang iyong bisita?"
Lumapit ako kay Señora Dalia. "Sino po?" Tinuro nito kung sino ang sinasabi nitong bisita ko kaya sinundan ko iyon. May isang binatang nakaupo sa sala ng dormitoriong ito. Nakatalikod ito sa akin. "Hindi ko po siya kilala, Señora."
Napailing na lang ito. "Nawala sa aking isipan na hindi ka pala nakakaalaala. Siya si Señor Alonzo. Ang iyong manliligaw."
Naguluhan ako sa sinabi ni Señora Dalia. "Hah?"
"Lapitan mo na ang iyong bisita."
"Pero hindi ko naman po siya kilala."
"Hija, lapitan mo na. Kararating lang ng ginoo dito. Hindi naman kagandahang asal kung papaalisin ang tao at hindi man lang haharapin."
Napakamot ako sa ulo. No choice ako kundi puntahan ang bisita kuno ko daw. Hindi ko naman kilala 'yung tao. Malay ko bang may manliligaw si Esmeralda. Ang akala ko naman kasi hindi maka-move on itong si Esmeralda kay Emilio, 'yun pala tumatanggap ng manliligaw. Pahirap rin itong kamukha ko.
Napatingin sa akin si Alonzo at agad itong tumayo na may nakapaskil na ngiti sa labi. May dala rin itong bouque of roses. "Magandang hapon, Señorita Esmeralda! Bulaklak para sa iyo."
Nag-aalinlangan akong kinuha ang bulaklak. "Salamat." Umupo ako. "Maupo ka." Agad namang umupo ito. Medyo naiilang lang ako dahil panay ang ngiti nito. Hindi ako umimik dahil wala naman akong sasabihin sa tao.
"Señorita, nagagalak akong makita kang muli. Ang sabi kasi ni ama noong dinalaw niya ako dito ay nawala raw ang iyong alaala kaya labis akong nag-aalala para sa iyo. Nais kong pumunta sa San Carlos ngunit hindi ko magawa dahil sa daming gawain dito."
"Aaah." Tumango na lang ako.
Nabigla ako nang hawakan ni Alonzo ang aking kamay. "Señorita Esmeralda, gusto kong ipaalam sa iyo na matagal na tayong nakatakdang magpakasal dahil iyon ang nais ng ating mga ama. Ngunit naudlot lang dahil sa nangyari sa iyo at naiintindihan ko naman iyon pero sana'y magkaroon na ako ng puwang sa iyong puso."
Agad kong binawi ang kamay ko. Shemay! Ikakasal na si Esmeralda! So kapag hindi na ako nakabalik sa amin, magiging asawa ko ang lalaking ito? No way! Hindi ako makakapayag. Ayokong nga'ng ikasal kay Jared tapos dito sa panahong ito baka makasal pa ako sa Alonzo'ng ito. Wow lang ah! "Paumanhin, Señor, nais ko nang bumalik sa aking silid. Sumasakit ang aking ulo at kailangan ko na magpahinga." Tumayo ako. "Salamat sa bulaklak, Señor." Tinalikuran ko na ito at nagmamadaling bumalik sa kwarto ko.
Akala ko pa naman maayos ang magiging buhay ko dito. Bakit may arrange marriage pang nalalaman? Nakakagigil lang.
Binuksan ko ang pintuan at tumingin ako sa gawi ng sala. Wala na si Alonzo. Agad akong tumingin sa salamin. Maayos pa naman ang ayos ko ngayon. Maglilibot muna ako sa labas. Pampawala ng inis na nararamdaman ko.
Nang makalabas na ako ay hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. Nawala bigla ang inis na nararamdaman ko. Napangiti ako. "Simoun!"
"Magandang hapon, Esmeralda!"
"Magandang hapon rin!"
Sumabay sa aking maglakad si Simoun. "Dadalawin dapat kita sa dormitorio ninyo ngunit nakita kitang lumabas kaya sinundan kita."
Napalingon ako kay Simoun. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil bigla akong nginitian ni Simoun. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Bakit gusto mo akong dalawin?"
"Syempre, gusto kong makita ang pinakamagandang dilag dito sa Intramuros." Umupo kami sa isang bench. "Hindi ba't sinabi ko sa iyo kahapon, may ibibigay ako sa iyo?"
Tumango ako kahit ang totoo, nawala sa isip ko iyon. Ang bad lang!
"I-Ito iyon." Inabot niya sa akin ang isang parihabang kahon na may tamang laki. "S-Sana magustuhan mo."
Agad kong binuksan iyon. Nanlaki ang mata dahil sa laman ng kahon. Isang pointe shoes! Paano nakabili nito si Simoun? Si Don Rafael, hindi ako nabilhan ng pointe shoes dahil mahirap makahanap ng ganitong sapatos. "Saan ka—"
"Hindi na mahalaga kung saan ako nakakuha ng ganyan. Unang kita ko sa sapatos na iyan at sinabi ng tindera na sapatos pam-balerina iyan ay ikaw ang unang pumasok sa aking isipan kaya agad kong binili. Sana magustuhan mo."
Napangiti ako. "No, I dont like it because love it!" Pinagmasdan ko ang pointe shoes. Gusto ko na ito suotin tapos sasayaw ako ng ballet. Na-miss ko na sumayaw. "Thank you!"
"Esmeralda."
"Hmn?" Lumingon ako kay Simoun.
"Ano ang iyong sinabi?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top