Capitulo Dos
Capitulo Dos:
Lumapit siya sa akin. "Binibini, nagagalak akong makilala ka." gumuhit sa labi niya ang isang ngiti.
"Hah!" Napabalikwas ako ng bangon at hinahabol ko ang aking paghinga. Napa-facepalm ako. Bakit ko napanaginipan ang isang taong matagal nang patay? Doon sa panaginip ko ay nasa isang garden kami at magka-eye to eye contact. Napakagwapo niya sa suot niyang puting long sleeves polo, vest at slacks. Isang kagalang-galang na lalaki. Napatingin ako sa portrait ni Simoun Pelaez. Wala na ang nakaharang na towel.
Hayan na naman ang tingin ng lalaking ito. Ang nakakainis kasi heto na naman ako, naaakit sa kanya. Nasapo ko ang dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
I frown. I think I am crazy. Bakit naman bibilis ang tibok ng puso ko dahil lang sa isang portrait? 'Yung taong naka-paint doon matagal nang patay. Overthinking lang ako kaya ako nagkakaganito. Argh! Dapat hindi ko na lang hiningi kay Mama ang portrait na ito.
Napatingin ulit ako sa portrait. "Look, Mr. Pelaez, stop disturbing me. You're already dead and you are just a painting. Wala ka na sa mundong ito, tantanan mo na ako." Tumayo ako and this time kumot na ang pinangtakip ko sa portrait. Buong frame na ang nakatakip.
Napasinghap ako nang marinig ko na naman ang tunog ng violin, piano at bass. Na para bang tinutugtog sa mga party ng mayayaman.
Tinakpan ko ang tenga ko. Ayoko na! "Tama na!"
"Hija, are you okay?"
Napalingon ako sa pintuan at nandoon si Mama. "Ma?"
Lumapit sa akin si Mama. "Anong nangyayari sa iyo?"
Umiwas ako ng tingin. "A-Ano? W-Wala po. Nagda-drama lang ako. Practice lang." Nag-fake laugh pa ako. My gosh! What's happening to me? Wala na rin ang mga naririnig kong music.
"Ganoon ba? Mag-ayos ka na. Your father wants to see you. So wear nice dress and be beautiful, okay?" My mother tuck my hair. Tumango ako. Nginitian ako ni Mama bago lumabas ng kwarto ko.
I dont know why my father wants to see me. Bihira lang kaming magkasama ni Papsi dahil super busy siya sa work and we're not close.
Nag-shower kaagad ako kasi ayaw ni Papsi na naghihintay ng matagal. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na kaagad ako. I choose white sleeveless dress. Above the knees ang haba nun. Hinayaan ko na lang ang buhok ko na nakalugay. I look at my jewelry box. "Ano kaya ang susuotin ko?" Sa dami kong accessories, hindi ko alam kung ano ang susuotin ko hanggang dumako ang paningin ko sa isang choker. May gold pendant iyon na may emerald stone sa gitna. Parang flower ang style ng pendant. Hindi ko maalala kung kailan ko nabili iyon o baka niregalo lang sa akin.
I shrug. Itong choker na lang ang susuotin ko tutal hindi ko pa naman ata ito nasusuot. Nang ma-sure kong okay na ang ayos ko ay lumabas na ako ng kwarto ko. Pagkababa ko ay maid namin ang bumungad sa akin.
"Ma'am nasa library po sila."
Tumango lang ako at naglakad papunta sa library. Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako ngayon. Parang may something at bakit sila nasa library ni Mama? May problema ba sa company namin? Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng library ay kumatok ako bago pumasok sa loob.
May bisita pala kami at kilala ko ang isa sa bisita namin. Si Mr. Sanchez at may katabi siyang kaedad ko ata or matanda lang sa akin ng two years.
"Good morning po." Bati ko bago isara ang pintuan.
"Hija, lumapit ka dito." Tinapik pa ni Mama ang space sa tabi niya. Agad naman akong tumabi kay Mama.
"Celestine, kilala mo naman na si Domingo Sanchez, 'di ba?"
Tumango ako. "Yes, Papsi."
Tinuro naman ni Papsi ang lalaking katabi ni Mr. Sanchez. "Siya naman si Jared Sanchez, anak ni Domingo."
Tinanguhan ko lang si Jared. Lalo akong nakadama ng kaba. Ayoko ang aurang nararamdaman ko dito sa loob.
Tumayo si Mr. Sanchez na abot tenga ang ngiti. "So magkakilala na ang mga anak natin, lets talk about their marriage."
Nanlaki ang mata ko. "What? Marriage?" Napalingon ako sa magulang ko. "Papsi, Mama, wala kayong sinasabi sa akin tungkol dito." Ia-arrange married nila ako sa lalaking ito na wala man lang konsulta sa akin o baka nabingi lang ako.
"Well now you know, hija. Wala kang interest sa pagpapatakbo ng kumpanya natin kaya mabuti nang magpakasal kayo ni Jared at matagal na naming napag-usapan ni Domingo na ipakasal kayong dalawa. Gusto naming mag-merge ang mga kumpanya natin."
I frown. "Seriously? Without asking me if payag ako sa gusto ninyo?" I cant believe it. Ano ito? Wala akong kalayaang pumili ng lalaking mamahalin ko? Para namang tinanggalan nila ako ng karapatan sa lagay na ito.
"Hija, hindi naman masamang ikasal sa iyo ang anak ko. Lahat nasa anak ko. Power, money and a handsome man. Wala ka nang marereklamo pa."
"But I dont love your son, Mr. Sanchez. Excuse me, I need to go." Nagmadali akong lumabas ng library. "Power, money and a handsome man. Hah! Aanhin ko naman 'yan? Marriage without love? Are they kidding me? I hate them!"
"Bakit naman ayaw mo sa akin, Ms. Eustaquio?"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Jared na prenteng nakasandal sa pader. "What?"
Lumapit siya sa akin. "Nasa akin na ang lahat. Billinaryong tao ako. In just one click I can give what you want. I am handsome, every woman wants to be mine. Kaya bakit ayaw mo sa akin."
"Because I hate your guts, Mr. Sanchez." Tinalikuran ko siya. Ang hangin ng lalaking ito. Nang maglalakad na ako ay bigla niya akong pinigilan. "Let me go, Mr. Sanchez." Malamig kong sabi.
"Wala pang nagri-reject sa akin, Celestine." Nakikita ko ang galit sa mata niya.
I smirk. "Lahat ng bagay may first time, Mr. Sanchez. Sa tingin ko, ako ang unang nag-reject sa iyo." Binawi ko ang kamay ko at patakbo akong umakyat. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay dumeretso ako sa kama ko. Nag-umpisang tumulo ang luha sa pisngi ko.
Hindi ako makapaniwalang gagawin ito sa akin ni Papsi. Alam naman niya na gusto ko ang pagba-ballet tapos ngayon kokontrahin pa niya. Gusto pa ni Papsi na pakasalan ko si Jared. Napaka-chauvinist naman ng taong 'yon. Pagdating talaga sa kumpanya, okay lang kay Papsi na ipakasal ako sa kung sino man basta lalong lumaki ang pinapatakbo niyang kumpanya. I know na ipipilit ni Papsi na pakasalan ko si Jared, whether I like it or not. I hate my father!
"Sana makaalis na ako dito. Ayoko na dito." Nakadama ako ng malakas na hangin kaya napatingin ako sa portrait. Wala na doon ang kumot na pinangtakip ko. Narinig ko na naman ang tunog ng mga musical intrument na iyon. Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumayo ako. Parang may nag-u-urge sa akin na lapitan ko ang malaking painting na iyon.
Agad akong lumapit at pumatong sa Cleopatra chair. I touch his face at nanlaki ang mata ko nang tumagos ang kamay ko. Agad kong nilayo ang kamay ko. "P-Paanong tumagos sa portrait ang kamay ko?" Napalingon ako sa pintuan dahil sa malakas na pagkatok.
"Celestine, open the door! Huwag mo akong ipapahiya sa magiging balae ko!"
Its Papsi. Alam kong galit na si Papsi. Bakit ba hindi niya maintindihan na ayokong pakasalan si Jared?
"Huwag mong hintayin na buksan ko ito! Nasa akin ang duplicate key ng kwarto mo."
"No! Please, Papsi, ayokong pakasalan si Jared." Sigaw ko. Lalong lumakas ang naririnig kong tunog ng musical intruments.
"How dare you? Bibilangan kita hanggang lima. Kapag hindi mo binuksan ang pintuan na ito, ako mismo ang bubukas nito at kakaladkarin kita palabas ng kwarto mo. Isa, dalawa..."
Kinabahan ako. Kapag sinabi ni Papsi na kakaladkarin niya ako ibig sabihin ay gagawin talaga niya iyon at baka bigla niyang ipatawag ang kakilala niyang judge at ipakasal ako ng oramismo kay Jared. Ayokong mangyari iyon! Napatingin ako sa portrait. Nilapit ko ang kamay ko at katulad ng nangyari kanina ay tumagos ang kamay ko.
"Lima!" Nag-umpisa na gumalaw ang doorknob.
Huminga ako ng malalim at pumikit ako. Umisang hakbang ako sa portrait at tumagos ako. Nakadama ako ng parang hinihigop ang buong katawan ko.
------
"Señorita, gumising na po kayo."
Unti-unti akong dumilat at isang nakangiting may edad na babae nakasuot ng damitan noong panahon ng Espanyol ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang paningin ko. Nasa loob ako ng isang karwahe. Bakit ako nandito?
"Señorita, pumasok na po tayo sa loob at tiyak akong matutuwa ang iyong papa sa oras na makita ka niya."
Si Papsi? Napatingin ako sa suot kong damit. Nakasuot ako ng pang-Maria Clara'ng damit. Huminga ako ng malalim bago napailing. Nananaginip lang pala ako. Akala ko naman ay totoong papakasalan ko si Jared. Kaya siguro ako nakasakay sa ganitong sasakyan dahil may party kaming dadaluhan dito tapos pakulo lang ng host ng party ang mga karwaheng sasakyan. Naririnig ko na rin dito ang mga pinatutugtog na musical intrument. "S-Sino ka?"
Marahan itong tumawa. "Naku si Señorita talaga, ako ito si Nenita. Pumasok na nga po tayo sa loob."
Nauna na itong lumabas. Sumunod na lang ako sa kanya at pumasok kami sa isang bahay na katulad ng napapanood ko sa mga Philippine Historical movies. Pagkaakyat namin ay nakatingin sa akin ang lahat ng tao. Lahat sila ang ayusan ay noong panahon ng Espanyol. Ang mga babae ay nakasuot ng pang-Maria Clara while ang mga lalaki ay parang damitan ni Jose Rizal or Crisostomo Ibarra. Hinanap kaagad ng paningin ko sina Mama at Papsi. Nasaan na kaya sila?
"Esmeralda!" May isang lalaking kaedad ni Papsi na nakangiting lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap na ikinagulat ko naman. "Sa wakas at dumating ka na Esmeralda."
Kumunot ang noo ko. "Esmeralda?"
Nakangiting lumayo ito sa akin. Pumalakpak ito kaya huminto ang pagtugtog. "Mga kaibigan, nagagalak akong inaanunsyo ang pagdating ng aking unica hija si Esmeralda!" Tinuro pa nito ako.
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ko. Naguguluhan ako sa nangyayari. Tinawag ba ako ng lalaking ito sa pangalang Esmeralda. Sino si Esmeralda?
"Mahigit isang taon na nalayo sa akin ang aking anak at heto na siya, nagbalik sa kanyang tunay na tahanan." Humarap ito sa akin. Lalong lumakas ang palakpakan. "Ipagpatuloy ang kasiyahan!" Nag-umpisa na ulit tumugtog ang mga lalaking may kanya-kanyang hawak na musical intrument. Muli ako nitong niyakap. "Hija, masaya akong nagbalik ka na dito sa ating tahanan. Ang tagal mong nawala sa amin. Kung nabubuhay lamang ang iyong Mama, tiyak akong matutuwa siya."
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nito. Napahakbang ako papalayo sa kanya. Bakit niya ako tinatawag na Esmeralda? Hindi ko naman kilala itong taong 'to.
"Hija, kumusta ang pag-aaral mo sa La Concordia?"
Lumayo ako sa lalaking nagsasabing ako daw si Esmeralda. Naglalakad ako patalikod. Anong La Concordia? Hindi naman ako nag-aral doon. Sa Ateneo ako nag-aaral.
Kumunot ang noo nito. "Hija, masama ba ang iyong pakiramdam? Nagpadala ng sulat sa akin si Madre Concepcion. Sinasabing nadulas ka raw noong isang araw at masama raw ang pagkaumpog ng iyong ulo. Sumasakit ba ang iyong ulo ngayon?"
Tangkang hahawakan niya ako sa balikat nang bigla akong natumba patalikod. "H-Hindi kita kilala! S-Sino ka?"
Marahang tumawa ito. "Hija, huwag ka nga magbiro ng ganyan."
Umiling ako. Nagmamadali akong tumayo at nilibot ko ang paningin ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nasa loob ba ako ng isa sa mga bahay ng Las Casas Filipinas De Acuzar? "Nasaan ako? Nasa Intramuros ba ako? O baka naman ay nasa Las Casas Filipinas De Acuzar ako? Nasa isang Historical themed party ba ako? Teka, nasaan bina-bluff ninyo ba ako? Nasaan na ang camera?"
"Esmeralda! Hindi ko na nagugustuhan ang mga lumalabas sa iyong bibig! Ngayon pa lang ay tumigil ka na sa iyong mga biro."
Umiling ako at nagmadali akong bumaba. Nang makalabas na ako ay may mga taong nakatingin sa akin. Binabati nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Tumakbo ako at eksaktong may nakita akong kabayo na nakatali sa isang puno. Tinanggal ko ang pagkakatali sa kabayo at agad kong sinakyan iyon.
"Esmeralda! Bumaba ka sa sinasakyan mong kabayo ngayon din!"
Agad kong pinalo ang kabayo kaya tumakbo ng mabilis ang kabayo. Medyo nakadama ako ng takot dahil parang nagalit sa akin ang kabayo. Pumasok kami sa kakahuyan. "Huminto ka!" Sigaw ko sa kabayo na naging dahilan kung bakit lalong bumilis itong tumakbo. No! Hindi pwede mangyari ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa renda. "Hoh!" Hindi talaga nakikinig sa akin ang kabayong ito. Natatamaan na ako ng mga sanga ng puno. "Huminto ka na!"
Kung saan-saan na lumiko ang kabayong sinasakyan ko hanggang sa nahulog ako at tumama ang ulo ko sa isang bagay. Nakadama ako ng pagkahilo at nanlabo ang paningin ko. Unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko hanggang nawalan na ako ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top