Capitulo Doce
Capitulo Doce:
"Ang aking kapatid ay isang pilyong binatilyo. Minsan ay magugulat na lamang kami't may palaka na sa loob ng aming tahanan..."
Natawa ako sa kinukwento ni Cristina. Nagkukwento sila tungkol sa kapatid nila habang naglalakad kami pauwi sa dormitorio. Si Leonor lang ang hindi namin kasabay dahil hindi siya nag-aaral sa La Concordia. Baka nandoon na siya sa dormitorio. "Ang saya pala magkaroon ng kapatid."
"Tama ka, Esmeralda." nakangiting pagsasang-ayon ni Anastasia. "Naalala ko si kuya Gabriel noon sa tuwing pumupunta siya ng kabilang bayan o hindi kaya ay dito sa Intramuros ay palaging may uwi siya sa aking pasalubong. May damit o hindi kaya'y mga alajas."
Bumuntong hininga ako. How I wish nagkaroon sana ako ng kapatid. Dapat magkakaroon ako ng baby brother, unfortunately ay nakunan si Mama.
"Sila Señor Carlos o!"
Napatingin ako sa grupo ng mga estudyanteng lalaki na papalapit sa amin. Nakasalubong ko ng tingin si Simoun. He smile at me. Gumanti rin ako ng tingin sa kanya at tumango ako bago kami lumagpas sa isa't isa.
"Nakita ninyo ang ngiti ni Señor Simoun?"
Napalingon ako kay Guada and she gives me a teasing look. "B-Bakit ganyan ka makatingin?"
"Iba ang tinginan ninyong dalawa ni Señor Simoun."
"At ang ngitian nila, parang may pag-ibig na nasa ere. Parang may pagtingin sa isa't isa." kinikilig na sabi ni Ligaya. "May pagtingin ka ba sa ginoong iyon?"
Umiwas naman ako ng tingin sa kanila. "W-Wala ah. Nagkasalubong lang ng tingin, may pagtingin na kaagad?"
"Hindi maaaring magkaroon ng pagtingin si Esmeralda kay Señor Simoun dahil may alitan ang angkan nilang dalawa, hindi ba, Esmeralda?"
Hindi ako umimik. Bakit kailangang ipaalala sa akin ni Anastasia ang alitang meron ang angkan ni Simoun at Esmeralda? Bakit may kumukontra palagi sa buhay ko?
"Hala! May pagtingin si Esmeralda sa ginoong iyon."
"Ang lakas mo naman magbiro, Hilda." peke akong tumawa.
"Huwag na nga nating pag-usapan ang ginoo."
"Tama ka, Anastasia. Magbalik na lamang tayo sa usapan tungkol sa ating mga kapatid."
Sumang-ayon ang mga kasama ko sa sinabi ni Ligaya. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang marating na kami sa tapat ng dormitorio. Pumasok kaagad kami sa loob ng Casa Veronica. Nauna sila Guada, Hilda at Ligaya. Nakasunod naman kami nina Anastasia at Cristina sa kanila. Patuloy sila sa pagkukwentuhan pero ako ay nanahimik na lang. Laman ng isipan ko ang sinabi ni Anastasia.
Paano kung tama si Hilda? Paano kung may nararamdaman na ako kay Simoun? O baka umiibig na ako kay Simoun?
Dumeretso ako sa kwarto ko. Magpa-practice na lang ako. Mabuti na lang pumayag si Señora Dalia na gamitin ko ang sala ng dormitorio at pinaayos nito ang sala para maging maluwag. Feeling V.I.P tuloy ako. Nagpalit kaagad ako ng damit. May limang saya ako na ginupitan ko noong sabado para maka-practice ako ng maayos. Hindi na ako nagsuot ng pañuelo tutal nasa loob naman ako ng dormitorio. Sinuot ko na ang stockings na sobrang kapal at kulay puti ito at pati na rin pointe shoes na niregalo ni Simoun. Bun hair style ang pag-ipit ko sa buhok ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.
Natigilan ako nang makita ko si Don Rafael at Alonzo na nakaupo sa sopa. Tatalikod na dapat ako nang mapalingon sa akin si Don Rafael.
"Esmeralda, hija!"
Napilitan akong ngumiti. "Papa!"
"Magandang araw, Señorita Esmeralda!" nakangiting bati sa akin ni Alonzo.
Tinanguhan ko lang si Alonzo. "K-Kumusta po, Papa?"
Tiningnan ako ni Don Rafael mula ulo hanggang paa bago lumapit sa akin. Disgusto ang nakikita ko sa mukha nito. "Mabuti naman, hija."
"Bakit po kayo nandito?"
"Hija, syempre gusto kitang makita at eksakto ring binigyan ako ng imbitasyon galing sa Gobernador Heneral sa kanyang piging sa ika-8 ng Mayo. Bakit ganyan ang iyong suot? Bakit sobrang iksi ng iyong saya?"
Bigla akong kinabahan. Shemay! Bakit ako kinakabahan? "A-Ano po—"
"Don Rafael!" lumapit sa amin si Anastasia. Save by the bell si beshie!
"Señorita Anastasia, sabihin mo nga sa akin kung anong ginagawa ng aking anak at bakit ganyan ang suotan niya?" mababakas ang galit sa boses ni Don Rafael.
"Don Rafael, hindi ba nagpadala ng sulat sa iyo si Esmeralda? Kaya po ganyan ang kanyang suot upang mapadali ang kanyang pag-eensayo ng baley dahil nais ng Gobernador Heneral na sumayaw ng baley si Esmeralda sa darating na piging sa Palacio ng Malacañang."
"Sumasayaw ng baley?" bumaling ang tingin sa akin ng don. "Anong klaseng sayaw iyon at sumasayaw ka ba talaga, Esmeralda?"
Tumango ako. "Opo, Papa. G-Gustong-gusto ko po sumayaw ng baley."
"Ngunit hindi ka sumasayaw, anak."
Napakagat labi ako. Malay ko bang hindi sumasayaw si Esmeralda or worst, matigas ang katawan niya sa pagsasayaw. Geez!
"Iyan din po ang aking ikinagulat, Don Rafael. Para siyang isang manikang sumasayaw."
Hinawakan ako ni Don Rafael sa balikat. "Hindi ko akalaing sumasayaw ka, hija." proud niyang sabi sabay iniharap niya ako gawi ng kwarto ko. "At dahil nais ng Gobernador Heneral na ika'y magtanghalsa darating na salu-salo, tayo'y magdidiwang kaya magpalit ka ng iyong kasuotan."
"Pero—"
"Kasama rin natin si Señor Alonzo. Sigurado akong matutuwa kang makasama siya."
Napangiwi ako. "Hindi naman po ako matutuwang kasama siya." pabulong kong sabi para hindi ako marinig ng don.
"Sige na, Esmeralda. Magbihis ka na. Ako nang bahala dito." nginitian pa ako ni Anastasia.
Napilitan akong pumasok ng kwarto ko. Wala akong choice kundi pagbigyan si Don Rafael. Malamang matutuwa iyon na makasama ang kanyang anak at okay lang sa akin iyon pero with Alonzo, oh boy! Ayoko nun!
Pinili kong suotin ang color pink pañuelo at barong, vertical stripe color white and black na saya and light pink na tapis. Nilugay ko ang medyo kulot kong hair then I put peineta in my hair para naman hindi siya magulo. Hindi na ako nag-abalang maglagay ng kolorete sa mukha because I believe that simplicity is beauty. Lumabas na ulit ako ng kwarto.
Huminto sa pagkukwentuhan sina Don Rafael, Anastasia at Alonzo. Agad na tumayo si Alonzo at may nakapaskil na ngiti sa labi nito.
"Napakaganda mo sa iyong kasuotan, Señorita Esmeralda."
Tumayo si Don Rafael. "Tama ka, hijo!"
Pilit akong ngumiti. "Salamat." nao-awkward ako sa kanila lalo na't obvious naman na boto si Don Rafael kay Alonzo.
"Bueno, tayo'y umalis na. Sigurado ka ba, Señorita Anastasia, na hindi ka sasama?"
"Ipagpaumanhin mo, Don Rafael, may pupuntahan po ako ngayon kaya hindi ako maaaring sumama." napalingon sa akin si Anastasia at nginitian ako. Parang may gusto siyang ipahiwatig sa way ng pagngiti niya.
"Kung hindi ka namin mapilit, mauuna na kami."
Tinanguhan ko si Anastasia at sumunod na ako kay Don Rafael. Paglabas namin sa dormitorio ay nilibot ang paningin ko. Para kasing may tumitingin sa akin at tama nga ako. Nakita ko sa malayo si Simoun. Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa dahil kasama ko si Don Rafael at Alonzo.
May nakahintong dalawang kalesa sa tapat ng Casa Veronica. Inalalayan ako ni Alonzo na sumakay sa kalesa tapos sumunod si Don Rafael.
"Magkita na lang po tayo sa Ambos Mundos."
Tinanguhan ni Don Rafael si Alonzo bago tuluyang umalis ang sinasakyan naming kalesa. "Nakakatuwang binata."
Napalingon ako kay Don Rafael. "Sino po?"
"Si Señor Alonzo Ferrer." nilingon ako ni Don Rafael. "Ngayong hindi mo na naalala ang iyong nakaraan, marahil matututunan mo na siyang mahalin lalo na't darating ang araw na magiging mag-asawa kayo."
"Papa!"
"Nababagay para sa iyo si Señor Alonzo. Isa siyang Ferrer at magiging maganda ang iyong kinabukasan sa kanya. Iniibig ka niya kaya matuturuan mo ang iyong puso na umibig sa kanya."
"Wala po akong pakialam kung isa siyang Ferrer." aba malay ko sa angkan ng mga Ferrer. Ang alam ko lang ay apelyido ng department head namin ay Ferrer. Geez! Napaka-common ng apelyidong Ferrer and another geez! Ayokong matali kay Alonzo. Gusto kong pakasalanan ang lalaking mahal ko. Biglang nag-flash sa isipan ko ang mukha ni Simoun. Napapikit ako. Ano ba 'yan! "Papa, hayaan mo po akong pakasalan ang lalaking nais kong pakasalan. Huwag mo na po ako ipilit na pakasalan si Señor Alonzo."
"Ano? At hayaan kang umibig sa isang Pelaez?"
Natigilan ako. "P-Papa."
"May nakakita sa inyo ni Simoun Pelaez na nag-uusap malapit sa Simbahan ng Santo Tomas. Anong kalokohan ito, Esmeralda?"
Umiwas ako ng tingin. "Nagkasalubong lang po kami ni Señor Simoun at binati niya po ako. Masama naman po kung hindi ko siya kakausapin lalo na po't nasa harap kami ng tahanan ng Diyos."
Bumuntong hininga ang don. "Inaasahan ko na hindi ka makikipag-usap sa kanya. Alam mo naman kung ano natin siya. Naintindihan mo ba ako?"
Tumango na lang ako at hindi na umimik. Tahimik akong tumingin sa labas. Sa susunod sasabihan ko si Simoun na lalo dapat kaming mag-ingat sa susunod na magkikita kami. Mainit talaga ang dugo ni Don Rafael sa mga Pelaez. Kailan ba matatapos ang gulong ito?
Mayamaya ay huminto na ang sinasakyan naming kalesa. Nasa Ambos Mundos na ata kami. Naunang bumaba si Don Rafael tapos sumunod na ako sa kanya. Sa labas pa lang, masasabi kong magandang restaurant ang Ambos Mundos, dito pa lang sa labas. Impressive.
"Hintayin na lang natin si Señor Alonzo dito."
Tumango na lang ako. Nagdaan ang limang minuto bago dumating ang kalesang sinasakyan ni Alonzo. Nakangiti siyang bumaba ng kalesa. "Paumanhin po dahil pinaghintay ko po kayo. Sadyang matagal po ang sinasakyan kong kalesa."
"Naiintindihan naman namin, hijo. Bueno, tayo'y pumasok na kaagad."
Tumango si Alonzo. Nauna kaming pumasok ni Don Rafael. Nakasunod sa amin si Alonzo.
"Rafael, mi amigo!"
"Crisostomo!" nagmadaling lumapit si Don Rafael sa lalaking kaedad nito at nag-brother hug sila.
"Nakakatuwa silang tingnan."
Kumibit balikat na lang ako sa sinabi ni Alonzo bago lumapit kina Don Rafael.
Napatingin sa akin ang kaibigan ni Don Rafael. "Señorita Esmeralda! Masaya akong makita ka."
Ngumiti lang ako. Sarap ito sabihan na 'who you?'.
"Mi hija, siya si Don Crisostomo Ferrer, ang ama ni Señor Alonzo."
"Masaya po akong makilala kayo, Don Crisostomo." lakas naman maka-Noli Me Tangere ang pangalan ng tatay ni Alonzo.
"Hija, ito ang aking esposa, si Josefa."
Nginitian ako ng asawa ni Don Crisostomo kaya gumanti ako ng ngiti. "Magandang hapon po, Doña Josefa." tinanguhan lang ako ng doña.
"Papa, Mama!" Nagmano si Alonzo sa magulang niya.
"Maupo na tayo at nang makakain na tayo."
Umupo si Don Rafael sa kanyang kaibigan. Umupo ako sa tabi niya at tumabi naman sa akin si Alonzo. Medyo ilang akong katabi siya.
"Nakakatuwa kayong tingnan, bagay kayo sa isa't isa." masayang sabi ni Don Crisostomo..
Hindi na lang ako nag-comment while itong katabi ko, abot tenga ang ngiti. Nag-uusap sila tungkol sa magiging kasal namin ni Alonzo na wala pang petsa. Tahimik lang akong kumakain. Kaunting rice and papaya ng tinolang manok. Nakadama ako ng lalong pagkailang. Palihim kong nilingon ang gawi na parang may tumitingin sa akin. Si Simoun. Kung pwede lang, doon na ako sa table niya kumain.
"Hija, nais mo raw tumira sa España sa oras na makasal kayo ni Alonzo? Totoo ba iyon?"
"Wala pa po iyan sa aking isipan." sagot ko sa tanong ni Doña Josefa.
"Doña Josefa, sigurado akong gusto ni Esmeralda na tumira doon. Alam mo naman ang aking anak, matagal na niyang gustong tumira sa España." nilingon ako ni Don Rafael.
"Magandang tumira doon lalo na't parehong Peninsulares ang ating mga angkan." nakangiting sabi ni Don Crisostomo. "Magiging maganda ang buhay nila doon."
"Gusto mo ba ng Caldereta?" tanong sa akin ni Alonzo.
Umiling ako. "Tama na ito, busog na ako."
"Busog? Napakakaunti ng kinakain mo, hija."
Pilit akong ngumiti kay Don Crisostomo. "Ganito lamang ako kung kumain, Don Crisostomo."
"Bakit ba kaunti ka kung kumain, anak?"
"Dahil kailangan po na magaan ang aking katawan upang makasayaw ako ng ballet."
"Baley? Iyan ba ang sayaw na tinatanghal sa mga hari't reyna sa Europa?" tumango ako bilang sagot sa tanong ni Doña Josefa. "Napakagaling mo naman, hija. Nakakatuwang isang katulad mong may magandang talento ang mapapangasawa ng aming anak."
Pilit na lang akong ngumiti at iniusog ko ang pinggang kinain ko na wala nang laman. Wala din naman akong ganang kumain dahil ayoko ang pinag-uusapan nila. "Ako'y lalabas lang po muna upang magpahangin." maiirita lang ako lalo kapag hindi kaagad ako lumabas at baka mag-walkout lang ako. Isang bagay na pambabastos sa nakakatanda.
"Kung iyan ang gusto mo, anak, sige."
Tinanguhan ko sila bago nagmadaling lumabas ng restaurant. Nang makalabas na ako ay huminga ako ng malalim. Nakakasakal sa loob. Ayoko talaga ng fix marriage. Nakakairita, nakakasakal. Naglakad ako papalayo sa restaurant.
Bakit ba kasi kailangan na i-fix marriage si Esmeralda kay Alonzo? Bakit hindi na lang hayaan si Esmeralda na ikasal sa gugustuhin niyang lalaki nang hindi ako nahihirapan. Ngayong si Esmeralda ako, ako ang maiipit ss kasunduang ito. Ayoko ikasal kay Alonzo!
"Mukhang kaylalim ng iyong iniisip?"
Napalingon ako at bumilis ang tibok ng puso ko. "Simoun." halos pabulong kong sabi.
Ngumiti siya sa akin at hinila niya ako papunta sa likod ng puno ng Acacia. "Anong iniisip mo?"
Natulala ako sa kanya. Pilit iniisip kung anong nararamdaman ko para sa binatang nasa harapan ko ngayon. "Simoun."
"Sabihin mo na. Huwag ka na mahiya."
Bumuntong hininga ako. "Gusto nilang ikasal ako kay Alonzo."
"Ano?"
Napalingon ako kay Simoun. "Simoun, ayokong ikasal kay Alonzo. Ayokong matali sa taong hindi ko mahal." tumingin ako sa mga mata niya. "Gusto kong ikasal sa lalaking mahal ko."
Hindi umimik si Simoun at hinawakan lang aking kamay.
"S-Simoun, anong gagawin ko?" mangiyak-ngiyak kong tanong. "Ayokong ikasal sa kanya."
"Maski ako ay ayokong ikasal ka kay Alonzo. Ayokong nakikita kang ganyan." pinunasan ni Simoun ang luha sa pisngi ko. "Ayokong nakikitang nahihirapan ang pinaka espesyal na babae sa buong mundo, ang aking orkidia."
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na kung anong nararamdaman ko para kay Simoun. Mahal ko na siya. Mahal ko na ang binatang nasa harapan ko ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top