Capitulo Diez
Capitulo Diez:
"Esmeralda."
"Bakit, Anastasia?" Hindi ko na ginawang tumingin kay Anastasia at pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ng Romeo and Juliet. Nakakatuwa dahil kanina ay may nakita akong nagbibenta ng english books kaya napabili ako.
"May sulat si Señor Simoun para sa iyo."
"Pakipatong na lamang sa mesa, Anastasia."
"Mukhang nilalayuan mo na ang Señor, Esmeralda. Bakit tila naging ilag ka sa ginoo?"
Binaba ko ang hawak kong libro sabay buntong hininga. Iniiwasan ko si Simoun dahil naiinis ako sa kanya. "Wala lang, gusto ko lang siya iwasan."
"Gusto mo lang iwanan o nagkaroon kayo ng tampuhan?"
"Anastasia, huwag na natin siya pag-usapan." Baka ma-miss ko lang siya.
Tumabi sa akin si Anastasia. "Nagpadala ako ng sulat sa Gobernador Heneral. Sinabi ko sa sulat na may isang binibining magaling sumayaw ng baley at kung maaari ay tumanghal siya sa darating na piging sa susunod na buwan."
Napalingon ako ng wala sa oras kay Anastasia. "Ano? Bakit kailangan mo gawin iyon?"
"Dahil alam kong ikakatuwa iyon ng Gobernador Heneral. Malay mo maging daan iyon upang ikaw ay ipadala sa Europa at tumanghal kasabay ng mga sikat na balerina doon."
Nanlaki ang mata ko. Europa. Tumanghal bilang isang balerina. Matutupad ang pangarap ko. Walang kokontra na Papsi. "Sumagot na ba ang Gobernador Heneral sa iyong sulat?"
"Wala pa, Esmeralda."
Ngumiti ako. "Sana ay pumayag ang Gobernador Heneral na magtanghal ako."
"Bueno, ako'y lalabas. Pupunta ako sa simbahan, gusto mong sumama?"
Umiling ako. "Hindi na, Anastasia. Tatapusin ko pa itong binabasa ko?" Pinakita ko ang librong hawak ko.
Nanlaki ang mata ni Anastasia. "Romeo y Julieta ba ang iyong binabasa?"
Tumango ako. "Nabasa mo na ba ito?"
"Ngayon lang kita nakitang nagbasa ng ganyang uri ng nobela. Ayaw mo ang nobelang romantiko. Kailan ka natutong magbasa sa wikang Ingles?"
"H-Hindi ko maalala."
Napailing na lang si Anastasia. "Ang dami mo palang sinesikreto sa akin." Dama ko ang pagtatampo sa boses ni Anastasia.
"Uy, huwag ka na magtampo."
Ngumiti si Anastasia. "Hindi dapat ako magtampo dahil lahat naman ng tao ay may sikretong ayaw sabihin sa taong malapit sa kanila. O siya, aalis na ako. Paalam!"
Sinundan ko ng tingin si Anastasia. Napailing na lang ako. Nagkaroon ng dahilan 'yung tao para magtampo kay Esmeralda. Pasimple kong binatukan ang sarili ko. "Kahit kailan talaga, hindi ka nag-iingat, Celestine!" Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang sulat galing kay Simoun. Kinuha ko ang laman ng sobre. Ang bango ng papel! Uso na pala special paper sa panahong ito?
Aking Orkidia,
Paumanhin sa aking inasal noong nakaraang linggo. Masyado akong nagpadala sa aking nararamdaman noong gabing nakita ko kayo ni Ferrer na magkahawak kamay. Alam kong ngayon ay galit ka sa akin. Humihingi ako ng paumanhin sa aking ginawa.
Hindi ko kaya na hindi ka makasama. Minsan ay sa malayo na lamang kita pinagmamasadan upang maging buo ang aking araw. Umaasa ako na sana dumating ang araw na makasama kitang muli. Gabi-gabi'y doon pa rin ako sa likod ng pancitan, naghihintay sa iyo. Umaasang darating ka. Sana'y mapatawad mo ako.
-S
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit aking orkidia? Hindi ko maintindihan kung anong pinahihiwatig ni Simoun sa sulat niyang ito. Masyado akong naguguluhan sa kanya.
Huminga ako ng malalim. "Celestine, kumalma ka. Nagsu-sorry lang 'yung tao sa'yo so 'wag mag-isip ng kung anu-ano." Binalik ko na sa sobre ang papel at nilagay ko na sa maliit na baul ito. Biglang nag-flash sa isipan ko ang mukha ni Simoun na nakangiti. "Ano ba? Tama na. Hindi kita nami-miss. Sorry ka na lang." Muling nag-flash sa isipan ko ang mukha niya. "Naku! Iba na 'to." Agad kong kinuha ang pañuelo ko ay at sinuot iyon. Gagala na lang ako tutal wala naman kaming klase ngayon. Kinuha ko rin ang isang kulay azul na belo. Baka sakaling mapadaan ako sa simbahan, magrorosaryo ako doon.
Medyo nakakabagot ang pag-aaral ko sa La Concordia. They teach about literature, how to act like a prim and proper lady and so on. Parang pumasok lang ako sa etiquette school. According sa mga kasama ko dito sa dormitorio, ang La Concordia ang pinaka the best school for women. Privilege school siya dahil well educated daw ang isang dalagang nagtapos sa La Concordia at kung usapang pag-aasawa daw, isa mga gusto ng mga mayayamang binate ay ang nakapagtapos sa La Concordia ang isang binibini. Geez! Ang dami nilang alam.
Lumabas ako sa dormitorio. Maganda ang sikat ng araw ngayong hapon. Inoobserbahan ko lang ang mga tao sa paligid ko. Nakikita ko ang pagkakaiba ng antas sa buhay ng tao dito. Sad to say is may nakita pa akong binatilyong sinaktan ng isang guardia civil. Sa panahon ng mga Espanyol, nakapa-unfair ng nasa paligid ko. Walang kalayaan ang mga Pilipino lalo na't mababa ang antas nila sa buhay. If ang Pilipino'ng iyon ay Peninsulares or Insulares, napakaganda ng treatment sa kanila while the rest is fifty-fifty chance ang way ng treatment ng mga tao. Its either good or not. Good thing, isang Peninsulares si Esmeralda kaya maganda ang treatment sa akin ng mga tao except kay Leonor. Mainit ang dugo sa akin ng babaeng iyon.
Right now, mas maganda kung kasama ko si Simoun. For sure, puros magagandang bagay ang makikita ko sa paligid kaysa ngayon, napapansin ko ang kamaliang mayroon dito. Napapikit ako. Geez! Celestine, nami-miss mo lang 'yung tao kaya gusto mo siyang kasama ngayon.
"Tama na po!"
Agad akong umiwas ng tingin doon sa binatilyong sinasaktan ng guardia civil. Hindi ko kaya ang mga nakikita ko. Eksaktong malapit na ako sa Simbahan ng Santo Tomas kaya nagmadali akong naglakad papunta doon. Napahinto lang ako nang makita ko si Simoun. Lalapitan ko sana siya kaso may kasama siyang babae at base sa nakikita ko, masaya siyang kasama 'yung babae. Ang hinhin pa tumawa ng babae at kitang-kita ko ang paghampas nito sa braso ni Simoun. Mukha namang nagustuhan ni Simoun.
"Landi mo lang bes?" Nabwisit ako sa nakita ko. "Kakasabi lang niya sa sulat na gusto niya ako makita at makasama tapos makikita ko siyang may kasama siyang ibang babae. Sweet ninyo ah, sarap ninyo sabuyan ng holy water."
Napalingon sa gawi ko si Simoun. "Esmeralda!"
Inirapan ko siya. Nagmadali akong maglakad. Trigger niya talaga ako. "Sana madapa silang dalawa or tadyakan sana sila ng mga horsie ng mga kalesang dumadaan. Kainis lang talaga." Huminga ako ng malalim nang nasa harap na ako ng simbahan.
"Esmeralda, sandali." Naabutan na ako ni Simoun. "Mag-usap tayo."
"Alam mo, Simoun, doon ka na lang sa kausap mong binibini. Tutal masaya naman kayo, 'di ba?"
"Esmeralda, si Ro—"
Tinalikuran ko si Simoun at iniayos ko ang pagkakasuot ko ng belo. Umupo sa bandang gitna. Agad akong lumuhod at agad na pumikit. "Panginoon, nanghihingi po ako ng paumanhin dahil naghihimutok po ako dito. Medyo hindi lang po maganda ang nakita ko kanina kaya ako nagkakaganito. Sana po ay patawarin Mo po sila. Hayaan Mo po, sasabuyan ko po sila ng agua bendita sa oras na makita ko po silang kumikiri para po magising sila sa katotohanang hindi maganda tingnan ang ginagawa nila. Salamat po sa pakikinig sa akin. Sana po ay gabayan Ninyo po ang lahat ng tao sa mundo. Amen."
"Sana po ay patawarin na po ako ng binibining nasa tabi ko ngayon."
Bigla akong dumilat at napatingin sa katabi ko. Nanlaki ang mata ko dahil katabi ko na si Simoun na ngayon ay parang nagdadasal na.
"Panginoon, wala naman po akong ginawang masama. Mukha pong namali ng interpretasyon ang binibining katabi ko. Nakikipagkwentuhan lamang po ako sa aking pamangkin sa pinsan. Ang hindi po alam ng binibining katabi ko ay siya ang aming pinag-uusapan. Sana po ay alisin Ninyo ang inis na nararamdaman niya sa amin at ipaalam sa kanya na nais ko siyang makausap. Salamat, Panginoon. Amen."
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya. Shemay! Nakakahiya. Pamangkin pala ni Simoun ang kausap niya kanina. Kung anu-ano ang pinag-iisip ko. Ang bad ng utak ko. Sorry po, Lord. Nag-act ako na nagpi-pray. "Lord, Ikaw talaga ang tinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan kasi nga ang sabi ni Mama ay iwanan ako ng mga taong mahalaga sa akin pero Ikaw, Lord, hindi mo ako iiwan kaya mahal ko po Kayo! Panginoon, pinapatawad ko na po ang lahat ng mga nagkasala sa akin kasi 'yun po ang tama. 'Yun lang po, amen." Dumilat ako at napalingon sa katabi ko. Nakangiting nakatingin sa akin si Simoun. "Anong problema mo?"
"Wala, maayos na sa akin lahat." Tumayo siya kaya napatayo ako. "Napatawad mo na ba ako, Esmeralda?" May lambing ang tono ng boses ni Simoun na naging dahilan kaya ako napatango. "Mabuti naman kung ganoon." Para siyang nabunutan ng tinik base sa expression ng mukha niya. "At dahil hindi ka na galit sa akin, tayo ay mamamasyal katulad ng dati nating ginagawa." Marahan niya akong hinila papalabas ng simbahan.
Kitang-kita ko sa mata ni Simoun ang sobrang saya. Napatingin naman ako sa kamay namin. Holding hands while walking. Bigla kong binawi ang kamay na ikinagulat ni Simoun.
"P-Paumanhin, Esmeralda."
"Okay lang este wala iyon." Huminga ako ng malalim. Ang hirap pigilan ang sarili sa pag-i-english.
"Masaya ako na makasama ka ngayon, Esmeralda."
Napalingon ako kay Simoun. "A-Ako rin." Umiwas ako ng tingin. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay abot tenga na ang ngiti niya. "A-Ang ibig kong s-sabihin ay masaya akong maganda ang panahon!" Lalong lumawak ang ngiti ni Simoun kaya inirapan ko siya. Nakakainis itong sarili ko. Feeling ko ay namumula ang pisngi ko. Grabe ah!
Marahang tumawa si Simoun. "Sinubukan mo na bang gamitin ang sapatos na binigay ko sa iyo?" Tumango ako. "Kasya ba sa iyo?"
"O-Oo, salamat." Ngumiti ako.
"Iyan, iyang ngiti mo ang gustong-gusto kong makita. Nakikita ko ang totoong ikaw. Ang Esmeralda'ng hindi nahihiya kung sino siya."
"Simoun, bakit ako?"
Kumunot noo siya. "Anong bakit ikaw?"
"Bakit ako ang napili mong kaibiganin? Maraming binibining pwedeng kaibiganin, bakit ako?" Masyado na akong naguguluhan sa inaakto mo, Simoun.
"Dahil ikaw si Esmeralda."
"Paano kung ibang tao ako? Kung hindi ako si Esmeralda, lalapitan mo pa rin ba ako?"
Ngumiti siya sa akin. "Noong araw na nakita mo ako doon sa kakahuyan habang naglilibot ka, alam kong kakaiba ka. Parang hindi ikaw ang Esmeralda'ng kilala ko, iyon pala'y nawala ang iyong alaala. Nagbago ang lahat sa iyo. Ang pagkilos at pananalita. Pati rin ang iyong ugali ay iba rin. Malayong-malayo sa dating Esmeralda na alam ko kaya masasabi kong ibang tao ka." Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Humarap siya sa akin. "Kakaibiganin pa rin kita kahit hindi ikaw si Esmeralda."
Ouch! Para akong na-friendzone ng wala sa oras. Ngiti na lang ang ginawa ko.
"Kaya huwag kang mangambang ipakita kung sino ka, huwag mong pilitin ang iyong sarili na maging ikaw ang dating ikaw dahil hindi iyon ang pagkatao mo. Huwag mo na piliting ibalik ang alaalang hindi babalik sa iyo. Nakikita kong nahihirapan ka ngayon pero malalagpasan mo iyan. Maging ikaw kung sino ka talaga, Esmeralda. Ipakita mo ang tunay mong pagkatao bago mahuli ang lahat at pagsisihan iyon."
Hindi ko maintindihan ang pinahihiwatig niya sa akin. Parang may alam siya na hindi ko alam. "Simoun."
"Bueno, kung gusto mong magsalita sa wikang Ingles, magsalita ka lang basta sabihin mo ang ibig nitong sabihin para maunawaan kita. Susubukan ko ring mag-aral ng wikang Ingles para sa iyo."
Gagawin niya iyon para sa akin? Ang sweet naman. I give him a genuine smile. "Salamat, Simoun."
"Walang anuman, Esmeralda." Naglakad na ulit kami. "Sana'y palagi kong makikita sa iyong labi ang napakamatamis mong ngiti. Lalong lumalabas ang iyong kagandahan dahil sa ngiti mong iyan."
Bigla akong nakadama ng kilig. Kung mambola naman itong si Simoun, isang bagsakan. Sunod-sunod. Nakakaloka lang.
"Señor Simoun?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Isang babaeng kaedad ko ata o kaedad lang ni Simoun. Napangiti si Simoun. "Señorita Esperanza!"
"Tama nga ako't ikaw iyan, Señor."
"Kailan ka pa dumating galing Europa?"
"Nitong linggo lamang..."
Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang babaeng kausap ni Simoun. Napataas ang kilay ko. Mukhang gusto ng babaeng ito na makipagchikahan kay Simoun at alam kong alam nito na kasama ako ni Simoun pero wapakels lang siya. Kagigil! Mas nakakagigil naman itong si Simoun, parang nakalimutan na may kasama siya. Nakaka-trigger lang ah. Naba-badtrip ulit ako sa kanya. Kakasabi lang, binubola-bola pa niya ako. Ngayon, ibang babae na ang kausap niya. Realquick lang?
Tumikhim ako kaya napahinto sila sa pag-uusap. Ngumiti si Simoun sa akin. Ay buti na-realize niya na may kasama siya.
"Hindi ko akalaing may kasama kang alalay, Señor."
Napanganga naman ako. Ano daw? Ako? Alalay ni Simoun? Seryoso siya? Kitang mamahalin itong suot kong damit at may suot akong emerald earrings at choker ko na palagi kong sinusuot, nagmukha pa akong alalay sa lagay na ito? Ihampas ko kaya sa babaeng ito ang paynetang nasa buhok ko at nang makita niyang diamonds ang naka-design sa payneta. Trigger much! Tinaasan ko siya ng kilay sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Napa-crossarm pa ako. "You're more than look like maid. Mas sosyal tingnan ang maid sa amin kaysa sa iyo." Nadako ang tingin ko sa dibdib niya. Napangisi ako, flat si ateng. "Alam mo, your road."
Naguguluhan ang ekspresyon ng mukha ng babaeng pangalan ay Esperanza. "Hindi kita maintindihan. Anong yor rowd?"
"Aba tanungin mo sa kalsada. Baka alam ng kalsada ang sagot, flat chested."
"Esmeralda." May babala sa boses ni Simeon.
Inirapan ko naman siya. Tapos binaling ko ulit ang atensyon ko kay Esperanza. "Geez, I hate your guts."
"Esmeralda!"
"S-Señor, pakiramdam ko'y masama ang kanyang sinasabi sa akin." Mangiyak-ngiyak na sabi ng ni Esperanza.
Inirapan ko ito. Arte, kailangan mag-drama? Nanggigigil ako sa babaeng ito.
"Señorita, huwag kang umiyak." Napatingin sa akin si Simoun. Giving me a look na 'humingi ka ng paumanhin sa kanya'. Lalong lumakas ang iyak ng babae.
"No." Mariin kong sagot. Bakit ako magsu-sorry? Sinabihan ako ng babaeng iyan na isa akong alalay. Wow lang ah.
"Señor, nakakasakit ng damdamin ang iyong kasama."
"Tumahan ka na, Señorita." Agad na inabutan ni Simoun si Esperanza ng panyo. "Hindi nababagay sa iyo ang umiyak kaya tumahan ka na."
Huminto sa pag-iyak si Esperanza kaya nginitian siya ni Simoun. A genuine smile na feeling ko ay hindi niya nagawang ingiti iyon sa akin.
Para akong sinaksak sa puso. Right now, alam ko kung anong nararamdaman ko. Nagsiselos ako. Nagsiselos ako dahil ngayon, nasa ibang babae ang atensyon niya at wala sa akin. Lumabas ang pagiging maldita ko dahil nagsiselos ako. Gusto ko, nasa akin lang ang atensyon ni Simoun. Gusto ko, ako lang ang babaeng kakausapin niya.
Nagkangitian silang dalawa. "Iyan, mabuti't ngumiti ka na, Señorita Esperanza."
"Dahil iyon sa iyo, Señor."
Tinalikuran ko sila at naglakad papalayo. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Bakit ako nasasaktan? Magkaibigan lang kami kaya wala akong karapatan na maramdaman ito. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. No! Hindi ka pwedeng masaktan, Celestine. Wala kang karapatang magselos. "He have his own life, Celestine. You're just his friend."
"Esmeralda!" Naramdaman ko na lang ang biglang paghila sa akin kasabay ng pagbagsak namin sa gilid ng kalsada.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top