Capitulo Diesisiete
Capitulo Diecisiete:
Mariin akong pumikit. Masyadong okupado ng sagot ni Lola Glenda ang isipan ko. Bakit ba ayaw niya sabihin sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito? Ilang araw ko nang nakakasama si Lola Glenda pero nililihis nito ang usapan kapag nagtanong ako sa kanya kung bakit ako napunta dito.
"Señorita, hindi ka po ba napapagod? Ako po ang nahihilo sa inyo."
Huminto ako sa paglalakad at humarap kay Rosa. "Kanina ka pa ba nandyan?"
Tumango si Rosa. "Opo. Señorita, may sulat po galing kay Señor Simoun."
Napangiti ako at kinuha ang sulat ni Simoun. Agad kong binasa ang sulat. Magkita daw kami sa talon ng alas ocho ng gabi. Paano ako makakapunta doon eh sumisilip dito sa kwarto ko si Don Rafael kapag eight ng gabi para malaman kung tulog na ba ako o hindi? Napatingin ako kay Rosa. Biglang may nag-flash na idea sa isipan ko. Same kami ng katawan ni Rosa. "Kailangan kita, Rosa."
Pagkabahala ang gumuhit sa kanyang mukha. "Señorita, parang hindi ko po gusto ang tinatakbo ng iyong isipan."
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pareho kami ng built ng katawan. "Kailangan mong magpanggap na ako."
"Señorita!"
"Magpapanggap kang ako. Kunwari ay natutulog ka." kumuha ako sa cabinet ng pantulog na damit at binato ko iyon kay Rosa. "Magpalit ka kaagad ng damit."
"Pero —"
"Magpapalit tayo ng damit." nag-umpisa na akong maghubad ng damit. "Bilisan mo!" agad namang sinunod ni Rosa ang utos ko. Inabot nito sa akin ang suot niyang damit at agad ko iyon sinuot. Naglugay ako ng buhok. Walang suot na payneta si Rosa. "Humiga ka na."
"Señorita—"
"Huwag ka nang makulit, Rosa." kinuha ko ang hinubad kong damit at nilagay ko iyon sa cabinet. Nang hindi kumikilos si Rosa ay ako na ang humila sa kanya at pinahiga ko na siya sa kama. "Kung inaantok ka na, sige matulog ka. Gisingin na lang kita pagdating ko."
"Señorita, kinakabahan ako sa nais mong gawin."
"Sssh, huwag kang maingay. Magkumot ka at tumalikod ka sa gawi ng pintuan."
"Anong oras po kayo babalik?"
Ngumiti ako. "Mga alas diez o alas once." pinatay ko na ang sindi ng lamparang nasa kwarto ko. "Tuwing alas ocho ay sumisilip dito si Papa para tingnan kung tulog na ba ako o hindi. Kapag dumating na si Papa, huwag kang lilingon."
"Señorita."
"Huwag kang mag-alala. Aalis na ako." naglakad na ako papunta sa pintuan.
"Señorita." lumingon ako kay Rosa. "Mag-ingat ka po."
Tumango ako bago lumabas ng kwarto ko. Nang makarating ako sa salas ay wala nang tao roon. Madilim na, sigurado akong nasa library or nasa kwarto lang si Don Rafael. Dahan-dahan akong bumaba at dumeretso ako sa kusina. Doon kasi may pintuan papunta sa labas.
Nakahinga ako nang makalabas ako sa bahay na walang nakapansin sa akin. Nagmadali akong naglakad papunta sa kakahuyan. Sa pagkakaalam ko, seven-thirty na ng gabi. Nagsilbing liwanag ng bilog na buwan ang tanglaw ko ngayon. Buti na lang kabisado ko 'yung daan papunta sa falls. "Naku naman!" paano naman kasi sumabit sa isang sanga ang saya ko. Muntik na mapunit. Naglakad na ulit ako.
Napangiti ako nang marinig ko ang lagaslas ng tubig. Ibig sabihin ay malapit na ako. Nagmadali akong naglakad papunta sa falls. Natatanay ko na ang talon at munting liwanag galing sa lampara. Muli akong napangiti. Nandoon na si Simoun na prenteng nakaupo sa nakauslis ugat ng puno at nakatingin sa talon.
Dahan-dahan akong lumapit kay Simoun at umupo ako sa tabi niya. "Ang ganda ng talon."
"Tama ka."
"Buti na lang hindi pa nagpapakita ang multo nina Dolores Figuero at Tomas Pelaez."
Kitang-kita ko na natigilan si Simoun at dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "Esmeralda!" bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
Gumanti ako ng yakap sa kanya. Grabe! Na-miss ko ang lalaking ito. Mahigit isang linggo rin noong huli kaming nagkita. Napapikit ako at dinama ang yakap ni Simoun.
Kumalas ng yakap si Simoun. "Akala ko'y mamaya ka pa darating."
"Katulad pa rin ng dati, ang aga mo dito sa tagpuan natin." umayos ako ng upo.
Inabot naman ni Simoun ang kamay ko at in-entertwine niya ang kamay naming dalawa. "Kumusta ang araw mo?"
Humilig ako sa balikat niya. "Pagod. Magdamag akong sumayaw ng ballet."
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag mong masyadong papagurin ang iyong sarili?"
"Mag-aaral kasi ako ng ballet sa Pransya."
Nahinto si Simoun sa tangkang paghalik niya sa likod ng palad ko. "B-Bakit?"
"Nais ng Gobernador Heneral na linangin ko pa ang talento ko sa pagsasayaw ng ballet." umangat ang tingin ko kay Simoun. "Sumunod ka sa akin kapag nandoon na ako. Magiging malaya tayo doon, Simoun."
Ngumiti siya sa akin sabay tango. "Kung iyan ang nais ng aking orkidia, susundin ko." may kinuha siya sa gilid niya at pinakita sa akin ang isang tangkay ng white orchids. "Para sa aking orkidia."
Kumunot ang noo ko. Nahalata ko na parang endearment sa akin ni Simoun ay 'aking orkidia'. "Bakit 'aking orkidia' ang tawag mo sa akin? Mukha ba akong orkidia?" tinanggap ko ang orchids. Nahalata ko rin na palaging white orchids ang binibigay niya sa akin noong nagkikita kaming dalawa dito. "Bakit puting orkidia ang binibigay mo? Ayaw mo ba sa kulay lila, dilaw o kahel?"
Ngumiti siya sa akin. Ang ganda talaga ng ngiti ni Simoun. "Dahil sa tuwing nakikita ko ang puting orkidia, naaalala kita. Ikaw ang taong may busilak na puso at totoo sa iyong sarili. Ang orkidia din simbolo ng pag-ibig ko sa iyo."
Bigla akong kinilig sa sagot ni Simoun. Ano ba, Celestine. "Salamat, Simoun."
"Salamat, Esmeralda, dahil dumating ka sa buhay ko."
Niyakap ko siya. Masuyo naman niya akong hinalikan sa noo. Sana ganito na lang palagi. 'Yung feeling na walang kumokontra sa aming dalawa.
"Magkwento ka naman ng nangyari sa iyo nitong mga nakaraang araw."
------
"Sobra akong naninibugho sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ni Alonzo."
Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakahilig kasi ako kay Simoun. Naka upo kasi kami sa damuhan kaya parang naka-semi higa ako kay Simoun. "Bakit naman?"
"Dahil malaya siyang makasama ka niya pero ako ay hindi."
Napangiti ako. "Hindi ko naman siya gustong makasama. Sa tuwing pumupunta siya sa bahay ay nagkukulong ako sa aking silid at magpapanggap na tulog para hindi ko lamang siya makaharap."
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Mabuti naman kung ganoon."
Umayos ako ng pagkakasandal sa kanya. "Kaya huwag kang mag-alala at manibugho dahil kahit kailan ay hindi ka mapapalitan ni Señor Alonzo dito sa puso ko."
"Sinusubukan kong makipag-usap sa iyong Papa." narinig ko siyang bumuntong hininga. "Ngunit ayaw talaga niya. Ang sabi sa akin ng aking Papa ay hindi ko na magagawang makausap si Don Rafael."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Magagawan natin iyan ng paraan basta walang bibitaw."
"Tama ka." hinalikan niya ako sa noo. "Ngunit hindi pa rin ako mapalagay sa tuwing nasa paligid mo si Alonzo, hindi ko—"
"I love you, Simoun." I give him a sweet smile.
Kumunot naman ang noo ni Simoun. "Ano ang iyong sinabi?"
Tumayo na ako. "Alamin mo." inayos ko ang buhok kong medyo magulo. Nakakita ako ng patpat kaya kinuha ko iyon kaagad. "Magduelo tayo!" nagboses lalaki pa ako.
Natawa si Simoun sabay tayo. "Bitawan iyan, Esmeralda."
"Hindi ako si Esmeralda. Si Esmeraldo ako." lalo kong pinalalim ang boses ko. Mukha ata akong tanga ngayon. Ang lakas ng trip ko sa buhay sa oras na ito. "Magduelo na tayo. Ang matalo ay pangit."
Napailing si Simoun. "Hindi maaari, Esmeralda." umupo na siya.
Napasimangot ako. "Sige na Simoun. Sobra akong humahanga sa iyo noong napanood kitang nakipaglaban kay Señor Alonzo. Hindi naman ako masasaktan eh. Maglalaro lang naman tayo." umiwas siya ng tingin sa akin. Obviously, ayaw niya. "Kapag hindi ka pumayag, hindi na kita susulatan at hindi na ako makikipagkita sa iyo." nanatili lang na tahimik si Simoun. "Makikipaglapit na ako kay Señor—"
"Isang beses lang natin ito gagawin." napangiti ako sabay tango. Tumayo na ulit siya at kumuha rin ng patpat. Huminga siya ng malalim bago pumosisyon.
Ginaya ko si Simoun sa position niya. Ngumiti ako ng makahulugan. "Magbilang ka, Señor Simoun." pinalalim ko ulit ang boses ko.
"Uno, dos, tres, cuatro, cinco!"
Bago pa makaposisyon sa laban namin kuno si Simoun ay inangat ko ang saya ko agad kong sinipa ang kamay niya kaya nabitawan ni Simoun ang patpat. Buti na lang at suot ko pa ang tights ko kaya hindi ako makikitaan. Hindi ako marunong sa fencing chuchu pero may alam akong pagdating sa martial art dahil sabay kami ni Ate Keira na mag-aral nun. Sa pagkakaalam ko black belter na si Ate Keira sa karate o ss taekwondo ata. Ako hindi tapos pero keri ko na i-self denfense ang sarili ko. Hindi lang talaga halata.
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Wala lang. Gusto ko lang gawin. Ayoko kasi ng esgrima. Gusto ko manu-manong laban." Tinanggal ko ang pagkakasuot ko ng pañuelo ni Rosa at nag-stretching ako ng kamay.
"Hindi na ako makikipag—" bigla siyang umiwas nang binigyan ko siya ng isang suntok. "Esmeralda!"
Nag-act ako ng para bang magba-boxing ako. "Sige na, Simoun."
"Hindi maaari—"
Inulanan ko siya ng suntok pero agad naman siyang nakakaiwas. Nice naman, mabilis ang reflexes niya. "Lalaban na 'yan."
"Hindi—Esmeralda, itigil mo na ang ginagawa mo!"
Hindi ko sinunod si Simoun. Sinubukan ko rin siya gawaran ng high kick kaso nakaiwas ulit siya. Nang bibigyan ko ulit si Simoun ng isang suntok ay nahawakan niya ang kamay ko. Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at ginawaran ako ng isang halik sa labi. Nanlaki ang mata. Shemay! Front lang ata ni Simoun ang hindi paglaban sa akin para lang makanakaw ng halik. Shemay lang!
Unti-unting naghiwalay ang labi naming dalawa. "Tumigil ka rin sa iyong ginagawa."
Nag-pout ako. "Ang duga mo. Ninakawan mo ako ng halik eh."
Marahan siyang tumawa. "Hindi ah." painosenteng sabi ni Simoun.
Lalo akong nag-pout. "Ganun ang ginawa mo eh. Bigla-bigla kang nanghahalik. Dapat sa'yo ay binibigyan ng parusa. Nakakainis ka." lumakas ang tawa ni Simoun at dahil nga malakas ang trip ko ngayon bigla ko siyang kinabig at ginawaran ko siya ng isang mabilia na halik. "Ayan, patas na tayo." tinalikuran ko si Simoun. Kinuha ko ang pañuelo at sinuot ko iyon. Hinarap ko si Simoun na ngayon ay nakangiti habang napapailing. "Anong nangyari sa iyo, Simoun."
"Kakaiba ka talaga, Esmeralda."
Napangiti ako sabay nameywang. "Syempre kakaiba talaga ako." feeling proud pa ako sa mga pinaggagawa ko kanina.
"Kaya ako nahuhulog sa iyo dahil kakaiba kang binibini."
Naramdaman ko na uminit ang pisngi ko. Shemay! Kinilig ako. "Sssh. Huwag kang ganyan." napatingin ako sa langit dahil medyo dumilim. Naharangan ng mga ulap ang buwan.
"Kailangan mo nang umuwi sa inyo, aking orkidia."
Napalingon ako kay Simoun. Nakadama ako ng lungkot. "Bukas ba ay magkikita tayo?"
Tumango si Simoun. "Kung iyan ang gusto, oo naman." napangiti ako. "Ayan at bumalik kaagad ang ngiti sa iyong labi. Nagagawa mo talagang maaliwalas ang paligid sa tuwing ngumingiti ka."
Grabe naman ito si Simoun. Hindi ko alam kung nambobola ba o hindi lang aware na pinapakilig niya ako.
"Ihahatid na kita doon banda sa lugar kung saan unang beses tayong nagkita." tumango ako at naglakad na kaming dalawa. Rinig sa paligid ang tunog ng kuliglig na nakaka-relax pakinggan.
Nahinto lang kaming maglakad nang makarating na kami sa lugar na pwede akong ihatid ni Simoun. "Mauna na ako." tumango si Simoun. "Ingat ka sa pag-uwi mo."
"Ikaw rin." hinalikan niya ako sa noo.
Ngumiti ako bago umalis. Minsan ay napapalingon ako sa gawi ni Simoun hanggang sa hindi ko na siya matanay. Nang makarating na ako sa likod ng bahay namin ay dumaan ako sa dinaanan ko kanina. Tahimik na ang paligid. Sigurado akong tulog na ang mga tao sa paligid. Dahan-dahan akong naglakad hanggang makarating na ako sa kwarto ko.
Tulog na si Rosa kaya mahina ko siya inalog. "Rosa."
Unti-unting dumilat si Rosa at nang makita niya ako ay napabalikwas siya ng bangon. "Señorita!"
Sumensyas akong huwag siyang maingay. "Sumilip ba dito si Papa kanina?"
Tumango si Rosa. "Sandali lang po siyang sumilip dito. Ano pong nangyari sa pagkikita ninyo ni Señor Simoun."
Napangiti ako. "Masaya. Sobrang saya ko, Rosa." kinuwento ko kay Rosa ang pinag-usapan at munting duelo kuno namin ni Simoun.
"Grabe ka, Señorita!"
Mahina akong tumawa. "Sikreto lang natin ito, Rosa. Pinagkakatiwalaan kita. Mangako kang hindi mo sisirain ang tiwala ko sa iyo."
Tumango si Rosa. "Pangako po iyon, Señorita Esmeralda."
-------
Napahinto ako sa pagsasayaw nang huminto sa pagtugtog ng pyano si Lola Glenda. Nagtatakang napalingon ako sa kanya. "Lola Glenda."
Huminga ng malalim si Lola Glenda. "Kailangan nating mag-usap, Celestine. Pwede ba tayong mag-usap sa kwarto ni Esmeralda?"
Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit gusto akong kausapin ni Lola Glenda. Parang napakaimportante ng pag-uusapan naming dalawa. Nauna akong pumunta sa kwarto ko at nakasunod sa akin si Lola Glenda. Umupo ako sa kama. "Ano pong pag-uusapan natin?"
"Nakipagkita ka kay Simoun Pelaez kagabi."
Nanlaki ang mata ko. "Paano mo po nalaman?"
"Celestine, hindi mo ba alam na maaari mong ikapahamak ang palihim na pakikipagkita mo sa kanya?"
Umiwas ako ng tingin. "Iyon lang naman po ang pwede naming gawin para makausap namin ang isa't isa."
"Ngunit hindi iyon maganda. Hayaan mo lang na idaan sa sulatan ang pakikipagkomunikasyon mo sa kanya. Iyon ang mainam para hindi kayo mapahamak dalawa. Sana ay sundin mo ang nais ko."
Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung masusunod ko ang gusto ni Lola Glenda.
Ngumiti sa akin si Lola Glenda. "Bumalik na tayo sa salas at nang makapag-ensayo ka." nauna na itong lumabas.
Huminga ako ng malalim bago sumunod. Nang nasa sala na ako ay pumwesto ako sa gitna.
"Anong ang gusto mong isayaw?"
"Sa Don Quixote po. Kahit anong song basta part ni Kitri." tinanguhan lang ako ni Lola Glenda. Kinuha ko ang pamaypay ko na nakapatong sa mesita. Nag-umpisa na si Lola Glenda'ng magpyano. Don Quixote: Kitri Act 1 variation. Dinama ko ang magiliw na sayaw. Inisip ko na nasa isang entablado ako kung saan maraming nanonood sa akin at ginagampanan ang katauhan ni Kitri. Full of grace ang way ng pagsayaw ko. Hindi kasi basta-basta sinasayaw ang ballet. Maling steps, pwedeng mag-cause ng injury.
Natapos ang sinasayaw ko na naka-bow and one kneel down kahit hindi iyon ang huling part ng sayaw. Nakarinig ako ng palakpak. Pagkalingon ko sa pumapalakpak ay para akong nawalan ng kulay sa mukha dahil pinanood akong sumayaw ng taong ayokong makita. Si Alonzo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top