Capitulo Cuatro
Capitulo Cuatro:
Bakit ba kasi ako natulala sa lalaking ito? Napa-oo tuloy ako ng wala sa oras. Nakakainis naman! Tapos itong si Don Rafael, binilisan kumain. Kaya nagmadali ring kumain ni Simoun. Ako tuloy itong nagmukhang mabagal kumain.
"Hija?"
"Po?" Agad akong uminom ng tubig. "Tapos na po akong kumain."
"Ang akala mo ata ay minamadali kitang kumain. Kay kaunti ng iyong kinain at tila'y nagmamadali ka pa. Mukhang nais talaga ng aking anak na magpakitang gilas sa iyo, Señor Simoun."
"Ganoon po ba?" Marahan siyang tumawa.
Gusto kong batukan si Simoun dahil sa pagtawa niyang 'yon. Agad akong tumayo kaya tumayo rin silang dalawa. Nakakainis lang kasi hindi nga ako kagalingang tumugtog ng piano. Kung ballet ang ipapagawa nila sa akin, full heart akong sasayaw. Nakakaloka lang at tsaka hindi naman talaga ako marami kumain. Duh! Ballerina ako, hindi ako pwedeng kumain ng marami. Assuming sila!
Nagmadali akong pumunta sa piano. Anong piano piece naman ang tutugtugin ko? Hindi naman ako familiar sa mga music notes na nakasulat dito sa music sheets.
"Hija, mag-umpisa ka na." Inabutan pa ni Don Rafael ng wine glass si Simoun na for sure mamahaling wine ang nakalagay sa baso.
Para akong pinagpawisan ng malapot. Hindi ko alam ang tutugtugin ko! Bahala na si Batman! Nag-umpisa na akong pumindot sa keyboard. Happy birthday To You piano piece. Shemay! Kinakabahan ako! Magmumukha akong tanga sa ginagawa ko. Mariin akong pumikit hanggang sa nag-pop sa isip ko kung ano ang pwede kong tugtugin. Ang Prelude in E Minor, Opus 28, No. 4 ni Chopin. For beginners ito kaya naaalala ko pa. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko sineryoso ang piano class ko noon. Bakit kasi marunong mag-piano si Esmeralda?
Nakahinga ako dahil naging maayos naman ang pag-piano ko. Gusto ko na tumakbo ngayon pabalik sa kwarto ko tapos magkukulong na lang ako doon maghapon.
"Medyo naninibago ka ata sa pagtugtog ng pyano, Esmeralda."
Umiwas ako ng tingin sa kanila. "A-Ano po kasi... H-Hindi po ako nakakapagtugtog ng pyano sa..." Saan nga ba ulit nag-aaral si Esmeralda?
"Sa dormitorio?"
"O-Oo! Tama ka, Señor." Wala bang dorm sa loob ng La Concordia? Kailangan ko talagang makakalap ng information tungkol kay Esmeralda. "Naging abala ako sa pag-aaral kaya hindi na ako nakakapagtugtog ng pyano. Paumanhin."
"Señorita, hindi mo na kailangang sabihin iyan." Muli ay nginitian ako ni Simoun.
Pwede bang mambatok ako ng lalaki ngayon? Nakakaloka! Ngumiti na lang ako.
"Bueno, Don Rafael, ako'y aalis na po. Tiyak akong hinahanap na ako ni ina ngayon."
"Kunsabagay halos sabay lang kayong dumating ni Esmeralda dito sa San Carlos. Mag-ingat ka, Señor."
Tumango si Simoun at sinuot niya ang kanyang sumbrero. Umisang sulyap pa sa akin si Simoun bago umalis.
Nakahinga na ako ng maayos. Hindi ko naman inaakalang magkikita ulit kami ni Simoun. Siguro ay sa isang oras na nakasama ko si Simoun ay madami nang naganap. Hindi ko na alam ang gagawin ko!
"Esmeralda."
Lumingon ako kay Don Rafael. "Po?"
"Huwag kang makikipag-usap muli sa Pelaez na iyon." Seryosong sabi ni Don Rafael.
Napakunot ang noo ko. "Bakit po, P-Papa?"
"Hindi mo ba naaalala na kalaban natin ang mga Pelaez. Masaya akong niligtas ka ni Simoun ngunit hindi nawawaglit sa aking isipan na isa siyang Pelaez kaya huwag mo ring iwawaglit na hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga Pelaez. ¿Comprendéis ahora?"
Hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni Don Rafael, tumango na lang ako. Malay ko ba sa sinasabi niya eh hindi naman ako nakakaintindi ng Spanish language.
"Mabuti't nagkakaintindihan tayo. Ako'y aalis na, may aasikasuhin ako pa ako. Maglibang-libang ka na lang dito."
Ngumiti ako sabay tango. Ano pang sasabihin ko eh hindi ko naman ka-close si Don Rafael pero sure akong magkaiba sila ng personality ni Papsi. Nginitian ako ni Don Rafael bago umalis. Ngayon, ang gagawin ko ay gagala ako dito at aalamin kung ano ang pagkatao ni Esmeralda. Nang ma-sure ko na wala na si Don Rafael ay agad akong bumaba.
"Señorita Esmeralda, saan po kayo pupunta?"
Nahinto akong lumabas at lumingon kay Rosa. "Aaah, maglilibot lang ako."
"Señorita, sasamahan ko po kayo. Mapapagalitan po ako ni Don Rafael kapag umalis po kayong hindi ako kasama."
Tumaas ang kilay ko. Never kasi akong gumala na may kasamang katulong. Palaging si Leonor lang ang kasama ko gumala which is nasa ibang bansa na siya ngayon. So sad naman. Napangiti ako. "Huwag na. Kapag dumating dito si Don Rafael este si Papa ay sabihin mong nasa silid ako't nagbabasa ng libro."
"S-Sige po."
I give her my sweetest smile bago lumabas.
Medyo malayo-layo na rin ang nilakad ko at sure akong naliligaw na ako ngayon. Keri lang, manghihingi na lang ako ng tulong sa makakasalubong ko. Maraming puno dito sa paligid. Fresh ang air which is sa present time ay kaunti na lang ang lugar na may fresh air. Nakaka-charge naman ng lungs ang lugar na ito.
"Masaya akong makita ka dito, Señorita Esmeralda."
Nahinto ako sa paglalakad at nilingon ang nagsasalita. Si Simoun na prenteng nakaupo sa nakausling ugat ng puno ng Narra. "A-Anong ginagawa mo dito?" Bakit ba ako nauutal kapag nakikipag-usap ako kay Simoun?
Kumibit balikat siya. "Naglilibit-libot lang sa lupain ng kalaban ng aming angkan."
"Alam mo bang ikapapahamak mo ang paglilibot mo dito?"
"Ikaw, alam mo bang ikagagalit ng iyong ama ang pakikipag-usap sa akin, Señorita Esmeralda?"
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Ang intimidate naman ng way ng pagtingin niya. Narinig kong mahina siyang tumawa kaya napalingon ulit ako sa kanya.
"Kung ako sa iyo, sumama ka na lamang sa akin na maglibot dito tutal hindi naman tayo damay sa tunggalian ng pamilya natin. Ano sasama ka ba sa akin?"
Napangiwi ako. Ang sabi ni Don Rafael ay bawal kong kausapin si Simoun dahil kaaway daw namin ang pamilya ni Simoun pero na-realized ko na hindi naman ako si Esmeralda. So hindi masamang maki-join ako sa kanya at tama naman siya, hindi naman kami kasali sa away ng pamilya namin. "Sige ba! Wala namang masama kung maglilibot tayo dito."
Napangiti si Simoun sabay tayo. "Dito tayo, Señorita." Tumuro siya sa gawing kanan.
Nakangiti akong sumabay sa kanya. Parang kabisado na niya ang dinadaanan namin ngayon. "Uhm, Señor?"
"Bakit, Señorita Esmeralda?"
"Tila kabisado mo dito."
Gulat ang gumuhit sa mukha ni Simoun pero sandali lang iyon. Bumalik ang ngiti sa labi niya. "Sa tuwing nandito ako sa San Carlos, palagi akong naglilibot dito sa Hacienda ninyo. Nagsasawa na kasi ako sa nakikita ko sa amin."
"Hindi ka ba natatakot na makita ng mga tauhan ni Papa dito? O si Papa mismo?"
Humarap siya sa akin. "Hindi. Lalo na ngayong kasama ko ang pinakaminamahal niyang unica hija."
Napailing na lang ako. Ang tapang rin ng lalaking ito. Hindi takot mapahamak.
"Ikaw, hindi ka ba natatakot na mahuli tayo ngayon ng papa mo?"
Umiling ako. "Wala naman tayong masamang ginagawa."
Lalong lumawak ang ngiti niya. "Dito ka lang. May kukunin ako."
Sinundan ko siya ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang umakyat sa puno. Kinuha niya ang wild orchids na nasa sanga ng puno. "Gusto mo bang umakyat?"
Umiling ako. Last time na umakyat ako ng puno, muntik na akong mahulog. Ten years ago, which is ten years old ako noon. Baka soon, i-try kong umakyat ng puno. Teka, hindi ko pala alam kung ilang taon na si Esmeralda.
Bumaba kaagad si Simoun at binigay niya sa akin ang orchid. "Para sa pinakamagandang binibini dito sa San Carlos."
Bigla akong nag-blush. Shemay is real! "S-Salamat."
Nagpatuloy kaming maglakad. Ewan ko ba kung bakit ang tahimik naming dalawa. Wala man lang nagtatangkang magbigay ng topic na mapag-uusapan. Geez! Nakakapanis ng laway kaya. Ngayon lang din ako gumala na lalaki ang kasama ko. Nakaka-awkward palang makasama ang isang lalaki na kakakilala pa lang.
"Señorita, anong mga hilig mo?"
Napalingon ako sa kanya. "Uhm, magbasa. Mahilig akong magbasa ng mga nobela." Which is true naman. I love reading romance novel lalo na 'yung mga pocketbooks. Patago ko nga lang binabasa ang mga pocketbook.
"Ano pa?"
"Aaaah..." Bigla kong inamoy ang orchid na hawak ko. "Ang bango nito! Tapos ang ganda pa. Salamat, Señor Simoun. Mahilig ako sa mga bulaklak." At ngayon lang din ako naka-recieve ng bulaklak na kakapitas pa lang mismo. Ang ganda rin ng segway ko. Malay ko ba kasi sa hilig ni Esmeralda sa buhay.
"Masaya akong nagustuhan mo ang orkidia. Siguro'y mas magugustuhan mo ang makikita mo ngayon."
Bigla kong nilibot ang paningin ko. Napapalibutan kami ng mga bulaklak. Iba't ibang klaseng bulaklak at may falls pa. Ang ganda, ang cool! "Wow!"
"Sabi na nga't magugustuhan mo dito."
"Salamat dahil dinala mo ako dito." I touch a rose.
"Dito ang hangganan ng hacienda ninyo at hacienda namin."
I look at him. "Talaga?"
Tumango siya sabay upo sa nakausling ugat ng puno. "Dito, walang nagtatangkang pumunta." Umangat ang tingin niya sa akin. "Alam mo ba kung bakit?"
Tumabi ako sa kanya. "Bakit?"
"Dahil may mag-irog na namatay dito. Sabihin nating pinaghihiwalay sila ng kanilang magulang. Nakatakda na kasi ang babae na ikasal sa isang binata. Ang masakit doon ay kuya ng nobyo niya ang ipapakasal sa kanya."
"Tapos napagdesisyunan nilang magpakamatay dito?"
Tumango siya. "Nagpakalunod sila sa talon na iyan." Tinuro niya ang waterfalls. "Nang dahil sobra nilang mahal ang isa't isa, ayaw nilang maghiwalay at nangako sila sa isa't isa na darating ang araw na may magtutuloy sa pagmamahalan nila."
Tumulo ang luha sa pisngi ko. Ang babaw talaga ng luha ko. "Nakakalungkot naman ang nangyari sa kanya."
"Alam mo ba kung sino sila?" Umiling ako. Mapait siyang ngumiti. "Si Dolores Figuero at Tomas Pelaez. Si Dolores Figuero ang tiyahin ng lolo mong si Don Francisco Figuero at si Tomas Pelaez naman ang tiyuhin ni Don Jose Pelaez na siyang lolo ko."
Napasinghap ako dahil sa sagot ni Simoun. Hindi ko akalaing lola sa tuhod ni Esmeralda at lolo niya sa tuhod ang magkasintahang kinukwento niya. Bakit nakadama ako ng sakit dito sa puso ko?
May kinuhang bato si Simoun at binato niya iyon sa basin ng falls. "Kaya walang pumupunta dito dahil makikita ang kaluluwa nila dito lalo na tuwing sasapit ang takip-silim dahil iyon ang oras na nagtatagpo sila dito. Iyon din ang dahilan kung bakit naging magkaaway ang pamilya natin. Nagsisihan sila sa pagkamatay ng magkasintahan hanggang sa lumaki ang away nila." Humarap ulit siya sa akin. "Natatakot ka ba ngayon?"
Umiling ako sabay baling ng paningin ko sa batis. "Bakit naman ako matatakot sa kanila?"
"Dahil baka bigla silang magpakita dito."
Muli akong umiling. "Kaluluwa na lang naman sila. Hindi nila ako masasaktan." Ngumiti pa ako sa kanya. "Siguro masaya na sila dito dahil magkasama na silang dalawa."
"Siguro nga."
Nagka-eye to eye contact kaming dalawa. Parang huminto ang paligid namin. Si Simoun na ang kusang umiwas ng tingin kaya ganun rin ang ginawa ko. Napatingin ako sa langit. "K-Kailangan ko na bumalik sa amin. Baka hinahanap na ako ni Papa."
"Ihahatid kita sa inyo."
Umiling ako. "Baka makita ka ni Papa."
"Alam mo ba ang daan pabalik sa inyo?"
Natigilan ako sa tanong niya. Oo nga, hindi nga pala ako pamilyar sa lugar na ito dahil hindi naman ako taga-dito. "Hindi."
"Kaya kailangan kitang ihatid sa inyo. Hayaan mo hanggang sa lugar kung saan kita nakitang nahulog sa kabayo ihahatid. Malapit na iyon sa inyong tahanan."
"Sige na nga."
Naunang tumayo si Simoun at inalalayan niya akong tumayo. Halos tahimik lang kaming dalawa. Ako dahil dina-digest pa ng utak ko ang kwento ni Simoun. Dahil sa pag-ibig nagkagulo ang lahat pero kasalanan naman ng both side kung bakit nagpakamatay si Dolores at Tomas.
"Señorita Esmeralda."
"Hmn?"
"Nais kong makipagkaibigan sa iyo. Maaari ba?"
Lumingon ako sa kanya at binigyan ko siya ng matamis na ngiti bago tumango. "Oo naman." Wala namang masama na makipagkaibigan kay Simoun.
"Hindi naman makakaapekto sa pagkakaibigan natin ang away ng ating angkan, hindi ba?"
"Hindi. Hindi naman kasi tayo kasama sa gulong meron sila." Huminto akong maglakad at humarap sa kanya. "Hindi naman din natin ginusto na naging magkaaway ang pamilya natin."
Gumuhit muli sa labi niya ang isang ngiti. Nagpatuloy kaming maglakad. "Masaya akong maging kaibigan ka, Señorita Esmeralda."
"Esmeralda na lang. Masyadong pormal naman kapag Señorita Esmeralda ang tawag mo sa akin."
"Kung gayon, tawagin mo na lamang ako sa aking ngalan."
Dumaan ulit ang katahimikan sa aming dalawa. Wala na kaming maisip na mapag-uusapan. Siguro nag-e-enjoy na lang kami sa presence ng isa't isa hanggang dumating na kami kung saan ako nahulog sa kabayo. Tama nga si Simoun, malapit na nga ito sa bahay. Medyo kita ko na dito ang bahay namin.
"May gagawin ka ba bukas, Esmeralda?"
Umiling ako. Wala naman siguro dahil base sa sinasabi ni Don Rafael kahapon, parang bakasyon ngayon ni Esmeralda kaya umuwi siya dito which is ako 'yon.
"Maaari ba tayong magkita bukas? Doon sa talon?"
Kitang-kita ko sa mukha niya na umaasa siyang umoo ako. "Sige ba."
Para siyang nakahinga. "Magkita tayo ng alas diez ng umaga."
"Gawin na lang nating hapon, masyadong maaga kapag alas diez. May ginagawa kasi ako sa umaga." Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung may gagawin nga ako sa umaga.
"Kung gayon, alas tres ng hapon na lamang. Pwede na ba iyon?"
Tumango ako. "Call ako d'yan!"
"Kol?"
"Ang ibig kong sabihin sige, payag ako." Imi-mental note ko na hindi uso ang English language sa panahong ito. "Sige, uuwi na ako ah."
Tumango siya. "Kita na lang tayo bukas."
I nod. Kumaway pa ako bago nagmadaling maglakad papunta sa bahay. Likod-bahay pala itong natatanaw ko. Eksaktong nandoon si Rosa. "Rosa!" Tawag ko sa kanya.
Nagulat pa si Rosa at pagkakita niya sa akin ay yumuko kaagad siya sa akin.
"Nandyan na si Papa?"
"Wala pa po, Señorita, pero kapag ganitong oras ay pabalik na po iyon dito."
"Ganoon ba? Sige doon lang ako sa kwarto, puntahan mo na lang ako kapag dumating na si Papa!" Masaya akong iniwan si Rosa. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Excited na akong makita bukas si Simoun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top