Capitulo Cuarenta
Capitulo Cuarenta:
"Celestine..."
Nilingon ko si Mama. "Bakit po, Mama?"
"Are you sure you want to wear that kind of clothes? Look? Its hot outside but you're wearing Maria Clara outfit."
"Sigurado po akong ito ang aking isusuot, Mama." tumingin ako sa bintana. Napakaganda ng araw kung kasama ko lang sana si Simoun. Isang buwan na ang nakalipas nang makabalik ako dito. Nandito pa rin sa aking silid ang larawan ng aking mahal. Palagi kong pinagmamasdan ang kanyang mukha at minsan ay doon na rin ako natutulog sa cleopatra chair. Pakiramdam ko'y katabi ko siya palagi. Minsan ay niyayakap ko rin ang damit na isinuot niya sa akin ng gabing iyon.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama. "What happen to you, hija? Paano ka napunta sa loob ng CR ng hindi namin napapansin ng Papsi mo? Ni hindi ka nga nakita sa CCTV cameras."
"Mahirap pong sabihin, Mama. Isang bagay na mahirap ikwento dahil tiyak akong hindi ka po maniniwala sa aking mga sasabihin at baka pag-isipan ninyo akong nasisiraan ng ulo."
"But you're acting weird, sweetie. You keep talking like you live in ancient time."
Hindi na lang ako umimik. Lumapit ako sa salamin at umupo sa upuan. Kitang-kita ko ang aking mukha na labis ang kalungkutan.
"Everytime we looked at you here in your room at night, you always cry. I feel the pain you feel right now, hija. Hindi mo ba sasabihin ang mga nangyari sa iyo noong nawawala ka." marahan akong umiling. Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Bagay sa iyo ang kulot na buhok.
Matipid akong ngumiti. "Salamat po."
"Please, hija, change your clothes. Ngayon ang umpisa ng klase ninyo at alam mong hindi maganda tingnan ang suot mo ngayon."
"Maganda naman ang kasuotang ito, Mama. Anong nakakahiya sa damit na ito?"
"Dahil hindi accurate anak. So please, Celestine, change your clothes." hinalikan ako ni Mama sa noo bago niya ako iniwan.
Bumuntong hininga ako. Kinalkal ko ang aparador, napangiti ako nang may makita akong hanggang sakong na haba ng palda at blusa na mahaba ang manggas. Ito ang aking isusuot.
Nang matapos akong magbihis ay nilingon ko ang larawan ni Simoun. Ngumiti ako sa kanya. "Aalis na ako, huwag ka sanang mabagot dito." umakyat ako sa upuan at hinagkan ko ang kanyang labi. "Mamaya na lang ulit." kumaway pa ako at kinuha ko ang mga gamit ko. Umisang sulyap pa ako sa larawan niya bago lumabas ng aking silid.
-----
Taimtim akong nakikinig sa mga sinasabi ni Ate Keira. Katulad ng unang pasok ko sa klase niya noon, para lamang siyang nagkukwento. Ngayon ay nakaka-relate na ako sa mga sinasabi niya. Tungkol sa uri ng pananamit ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng Español.
"Pañuelo ang tawag sa parang malaking triangular handkerchief. Camisa naman ang tawag sa blouse, then saya. Tapis is an overkirt also called sofrepalda. You know what, ladies? Wearing this kind of dress makes me feel like I live in Spanish times. Right, Ms. Eustaquio?"
Tumango ako bilang sagot sa sinabi ni Ate Keira. "Kahit mainit ay masarap sa pakiramdam." matipid akong ngumiti.
Gumanti naman ng ngiti si Ate Keira. "For the men-" napahinto siyang magsalita nang biglang nag-bell. "We'll continue the topic next week. I hope you've learned a lot."
Nagpaiwan ako sa loob kahit pa may susunod pa akong klase. Nais kong makausap si Ate Keira.
"May next class ka pa, Celestine, 'di ba?"
Tumango ako at lumapit sa kanya. "Liliban ako sa klase. Nais kong makipagkwentuhan sa iyo."
"Mukhang hanggang ngayon, pure Filipino kung ikaw ay magsalita. Buti hindi nawiwirduhan magulang mo sa iyo." inayos ni Ate Keira ang mga gamit niya.
"Ganoon nga ang tingin nila sa akin ngayon."
"Mahirap, hindi ba? Mahirap mag-adjust sa panahong kinalakihan natin." umupo siya sa upuan. "Ganyan din ako manamit noong bumalik ako dito. Para akong manang and on the other side, buntis pa ako kay Cara. More than eight months na ang tiyan ko noong nagsuot na ako ng modern maternal dress. Ang sabi ko sa sarili ko ay dapat ayusin ko na ang sarili ko. Dapat ay maging maayos ako para sa anak ko dahil wala na ako sa panahong nais ko."
Matipid na lang akong ngumiti. "Kung sakaling hindi dumating si Señor Gabriel, may buhay kang alaala mula sa kanya."
"Oh! Speaking of memories, may nakuha akong sulat para sa iyo. Binigay sa akin ng katiwala ng mga Pelaez doon sa San Carlos." binuksan ni Ate Keira ang drawer sa desk niya at nilabas niya ang isang maliit na baul. Binigay niya sa akin iyon. "Para daw kay Celestina Figuero at sigurado akong ikaw iyon. Galing sa silid ni Simoun Pelaez."
Nakita ko na nakaukit ang pangalan ko sa baul. Binuksan ko ang baul at puno iyon ng mga nakatuping sobre na naninilaw na ang kulay. Masuyo ko iyon na hinaplos.
"Sa tingin ko'y mababasa mo na rin ang mga liham na binigay ko sa'yo noong bago ka pa mawala dito."
Tumango ako. Siguro nga'y may laman na iyon.
"Oh, another thing. Ito pa pala." may pinakitang peineta sa akin si Ate Keira.
Nakilala ko ang peineta at agad ko iyon kinuha. "Ito ang peinetang nais kong bilhin noon."
"Nakita rin iyan sa silid ni Señor Simoun Pelaez. Nitong sabado lang nabuksan ang kanyang silid at ako ang unang tinawagan ng katiwala ng bahay dahil alam nilang kami ng asawa ko ang mahilig sa antique na bagay."
Ibig sabihin ay binili ito ni Simoun. Tumulo ang luha sa pisngi ko. "Simoun."
"Gusto mo bang isuot ko sa iyo ang peineta?" tumango ako at inabot ko iyon kay Ate Keira. Umupo ako at hinayaan ko siyang ayusin ang aking buhok.
"Mama!"
Napatingin ako sa batang babaeng pumasok sa loob ng classroom. "Hello!" bati ko sa kanya.
"Hello po." ngumiti siya sa akin. "Mama, she looks like princess!"
"Oo nga. Mukhang princess si Ate Celestine mo."
"She have a princess name too! If I have a granddaughter, I will name her Celestine."
Mahina akong tumawa. Nakakatuwang bata. "Bakit apo? Ayaw mong ipangalan sa anak mo ang pangalan ko?"
"If I have a daughter, I will name her Anastasia like my auntie's name."
"Mabait na tao si Anastasia." nilingon ko si Ate Keira.
"How is she?"
"Hindi pa rin siya nakakalimot sa pagkamatay ng kanyang nobyo." masuyo kong hinaplos si Cara. "Ang ganda mo naman."
"You're more prettier."
Ngumiti ako bago tumayo. "Sige, Ate Keira, uuwi na lang ako."
"Mag-ingat ka pag-uwi. Hayaan mo, continuous ang pagri-research ko about Simoun."
Tumango ako at kinawayan ko naman si Cara bago lumabas ng classroom. Nakasalubong ko pa si Señor Gabriel na papasok sa loob. Bumuntong hininga ako. Mabuti pa sila, masayang magkasama.
-----
Ika-28 ng Marso 1893
Mahal kong Esmeralda,
Unang kita ko sa iyo ay hindi ko naramdaman ito ngunit nang makita kitang nahulog sa kabayo ay nagawa mong pabilisin ang tibok ng aking puso. Ang layo mo sa Señorita Esmeralda na aking nakilala. Minsan ay nasabi ko sa aking sarili na hindi ikaw si Señorita Esmeralda. Ibang tao ang aking kasama. Naging masaya akong makasama ka ngunit napalitan iyon nang lungkot dahil sa aking pagbalik sa Maynila.
Labis akong naging masaya nang kayo ay aking nakasalubong habang kayo'y papunta sa Simbahan ng Sto. Domingo. Napakaganda mo sa iyong ayos. Sinundan ko kayo at iniwan ko ang aking mga kamag-aral. Mas pipiliin ko na ikaw ang aking makasama kaysa sa kanila. Napuno nang kaligayahan ang aking puso nang makita ko ang kasiyahan sa iyong mata nang ako ang iyong nakita nang ika'y dumilat. Sana'y magpatuloy ang ating pagkikita.
Hanggang lihim na liham na lang,
S
Ika-9 ng Mayo 1893
Mahal kong orkidia,
Masaya akong malaman na ako ang naglalaman ng iyong puso. Naging mahiwaga ang bawat sandaling nahagkan ko ang iyong matamis na labi. Ang maikulong ka sa aking bisig. Parang nalulunod ang aking puso sa labis na kasiyahan. Alam kong ayaw sa akin ng iyong ama ngunit gagawa ako ng paraan upang maayos ito.
Humahalik sa iyong kamay,
S
Ika-19 ng Julio 1893
Mahal kong orkidia,
Labis akong nasasaktan sa bawat pagtagpo ng ating tadhana ay pinagtatabuyan mo ako. Tanggap ko naman kung sino ka ngunit bakit kailangan mo itong gawin. Labis akong nangungulila sa iyo, aking sinta. Sana'y bumalik ka na sa aking bisig.
- S
Pinunasan ko ang luhang panay ang tulo sa aking pisngi. Ang mga nilalaman ng maliit na baul na binigay sa akin ni Ate Keira ay mga lihim na liham ni Simoun para sa akin. Mga liham ng kanyang pagsinta sa akin.
"Celestine, its lunch time. Lets eat now."
Nilingon ko si Papsi. "Susunod na lang po ako."
Tinanguhan ako ni Papsi. "Bilisan mo, anak."
"Papsi!" tawag ko sa tatay ko bago pa niya tuluyang sinara ang pintuan.
"Bakit, hija?"
"I love you, Papsi. You are the best father in the world!" binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Iyon ang nais kong sabihin sa kanya.
"I love you too, my princess. Sunod ka na lang sa baba kung gusto mo na kumain." at sinara na niya ang pintuan.
Bumalik ang tingin ko sa mga liham ni Simoun. Kinuha ko ang pinakahuling sobre na hindi ko pa nabubuksan. Ang petsa ng sobre ay ika-15 ng nobyembre taong 1893. Apat na araw bago naganap ang pinakamasakit na pangyayari sa akin. Binuksan ko iyon at agad kong binasa.
Ika-18 ng Noviembre 1893
Mahal kong orkidia,
Malapit na ang araw na tayo'y malayang magsasama. Mapapabasa ko na sa iyo ang mga liham na matagal kong inipon. Magiging masaya na tayo, aking sinta.
May binili akong peineta para sa iyo. Ang peineta na iyong gustong-gusto noong pumunta tayo sa pamilihan. Nais kong ibigay sa iyon sa araw na ating pag-iisang dibdib para iyong suotin. Na sa araw na iyon ay ito ang aking mga bibigkasin.
Gusto kong malaman mo na labis kitang minamahal. Ikaw ang nagsisilbing araw sa aking umaga. Ginagawa mong maaliwalas ang aking paligid. Ikaw ang kumokumpleto sa aking araw. Ang iyong matamis na ngiti ang nagiging dahilan kung bakit mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso. Masaya akong tatanda na ikaw ang aking kasama.
Nagmamahal,
Simoun Pelaez
Napahagulgol ako. Hindi na kami umabot sa pag-iisang dibdib. Pinaghiwalay na kami ng panahon at alam kong wala nang papalit pa sa kanya dito sa aking puso. Kumuha ako ng isang bondpaper at itim na ballpen. Gagawa ako ng liham para kay Simoun kahit na alam kong hindi niya ito mababasa pero alam kong dito sa puso ko, malapit na ulit kaming magsama.
Keira's POV:
"Good evening, Tita Lannie!" masaya kong bati sa Mama ni Celestine.
"Good evening rin, hija." niyakap ako ng mahigpit ni Tita Lannie. "Its almost ten in the evening, Keira. Bakit ka napadalaw ng ganitong oras?"
"I have something to tell her. Gising pa po ba siya?"
"Siguro gising pa. Hindi pa nga siya nagdi-dinner. Halika, sumama ka sa akin para ikaw na ang kumausap sa kanya."
Tumango ako at sumunod ako kay Tita Lannie. May nakuha akong sulat galing sa bahay ng pamilya Pelaez at gusto kong mabasa kaagad ito ni Celestine. Ito ang huling liham ni Simoun para sa kanya. Gusto ko rin malaman niya na may na-research ako na noong November 20, 1893 ay nakita si Simoun na walang buhay sa gitna ng ilog at may tama ng baril sa balikat at may sugat banda sa tiyan na galing sa saksak mula sa espada. Alam kong masakit ito para sa kanya pero dapat niya itong malaman as soon as possible.
"She's being weird, hija. Halos nakaubos na siya ng isang rim ng bondpaper for this week. Panay ang sulat niya ng letters at naka-dedicate ang sulat kay Simoun Pelaez. Ewan ko ba kung nagkataon lang na kapangalan ng portrait ang pangalan ng lalaking ginagawan niya ng love letters."
Ngumiti na lang ako. "Hindi po natin alam, Tita." huminto kami sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Celestine.
"Hay! Ang mga kabataan nga naman ngayon." kumatok si Tita Lannie sa pintuan. "Celestine, nandito si Ate Keira mo." ilang beses kumatok si tita ngunit hindi man lang siya pinagbuksan ni Celestine.
Nakadama ako bigla ng kaba. I dont know what happen to her right now.
"Diyos ko! Ano nang nangyari sa anak ko." mula sa bulsa ni Tita Lannie ay may kinuha siya. Duplicate key ng kwarto ni Celestine. Agad niya iyon sinuksok sa doorknob at nabuksan kaagad ang pintuan. Madilim ang buong kwarto at tanging liwanag galing lampshade sa study table ang meron ang kwarto. "Celestine, nandito si Ate Keira mo." nilapitan ni Tita Lannie si Celestine na nakayuko sa ibabaw ng study table. Marahan niyang niyugyog ang kinakapatid ko. "Celestine... Gising na."
Lalo akong kinabahan. Lumapit ako sa kanila at sinalat ko ang pulso ni Celestine. Malamig na ang kamay niya at wala na siyang pulso. "T-Tita, she's dead."
"No! Hindi totoo, 'yan. Celestine, wake up." nag-umpisa na umiyak si Tita Lannie. "Dan! Dan!"
Nagmamadaling pumasok sa loob ng kwarto si Tito Dan. "What happen?"
"Si Celestine, ayaw magising."
"Princess, wake up. That's not a good joke." tuluyan na umiyak si Tito Dan nang niyakap niya si Celestine.
Pati rin ako ay naiyak sa nangyayari. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa kanya. She looks like she's just sleeping right now. Napansin ko ang nahulog na sobre at kinuha ko iyon.
Ika-23 ng Enero taong 2019
Para kay Simoun Pelaez
Nagmadali akong lumabas ng kwarto at tumawag ako ng 911 para ma-report ang nangyari dito bago sumakay ng kotse. "Sa bahay po, kuya Ernie." tinanguhan ako ng driver bago ito mag-drive.
Binuksan ko ang sulat ni Celestine para kay Simoun.
Ika-23 ng Enero 2019
Mahal kong Simoun,
Pinapangako ko na madudugtungan pa ang ating pagmamahalan.
Nagmamahal,
Celestine Figuero
Parang may kung ano sa liham ni Celestine kaya binuksan ko rin ang liham ni Simoun para sa kanya.
Ika-19 ng Noviembre 1893
Mahal kong orkidia,
Kung anuman ang mangyari sa ating dalawa. Kung tayo'y paghihiwalayin ng tadhana. Pinapangako ko sa iyo na maitutuloy natin ang ating pagmamahalan.
Humahalik sa iyong kamay,
Simoun Pelaez
Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa. Ang ginawa lang naman nila ay ang magmahalan pero pinaghiwalay sila. Their love story is not just an ordinary Romeo and Juliet love story. Naranasan nila ang labis na paghihirap habang pinaglalaban nila ang pagmamahalan nila sa isa't isa ngunit hindi man nila naranasan na magsama dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top