Capitulo Cinco


Capitulo Cinco:



Hindi ko mapigilang ngumiti. Masyado akong excited para mamaya. Ni hindi ko na nga maintindihan itong binabasa kong libro. Nakakaloka! Love story pa naman ito. Napatingin ako sa bintana dahil may narinig akong huminto na kalesa. Hindi ko kilala kung sino ang babaeng bumaba sa kalesa, buntis pa nga ito eh.

Bumalik na lang ako sa pagkakaupo. Hindi ko naman kilala 'yon, baka bisita lang ni Don Rafael. Sino kaya 'yun? Famous talaga siguro si Don Rafael kaya palagi siyang may bisita. Kahapon, noong natapos kaming mag-lunch may matandang lalaki na bumisita sa kanya. Hindi ko lang alam kung anong oras iyon umuwi dahil maghapon akong nasa kwarto.

Magbabasa na sana ako nang biglang may kumatok sa pintuan. "Pasok." Pumasok ang babaeng kanina lang ay kabababa sa kalesa. Nginitian ko siya. "Ano pong kailangan nila?"

Biglang tumawa ang babae at lumapit siya sa akin. "Mahigit isang taon tayong hindi nagkita tila bigla kang nagbago. Isa ba ito sa mga arte mo, Esmeralda?"

Naguguluhan ako sa sinasabi ng babaeng ito. "H-Ha?"

Ngayon naman ay naging malungkot ang mukha niya. "Alam ko kung bakit mahigit isang taon kang hindi bumalik dito. Nasasaktan ka pa rin dahil pinagkasundo kami ni Emilio." Hinawakan niya ang kamay ko. "Paumanhin, Esmeralda, dahil nasaktan ka namin. Alam kong labis mong iniibig si Emilio."

"H-Hindi kita—"

Bigla niya akong niyakap. "Paumanhin, Esmeralda. Mahal ko na siya at magkakaanak na kami. Kalimutan mo na ang pag-ibig mo sa kanya."

Kumawala ako sa kanya. "T-Teka, sino ba si Emilio? Sino ka ba?" Nakita ko ang sakit sa mukha niya. Hala! Parang iiyak pa siya. Wala naman akong ginawang masama sa kanya.

"E-Esmeralda, ano bang pinagsasabi mo?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Paumanhin, hindi kita kilala. Sino ka ba?"

"Esmeralda, bakit mo sinasabing hindi mo ako kilala? Ako ito, si Milagros."

Ngumiti ako sa kanya sabay lahad ng kamay. "Masaya akong makilala ka, Milagros!" Sana huwag ka na umiyak. Nataranta ako dahil bigla itong napahagulgol. "Tumahan ka na." Malay ko ba kung sino si Milagros. Two days pa lang ako dito sa San Carlos for Petes sake!

"Esmeralda, nandito daw—bakit ka umiiyak, Milagros?" Sabay pasok ni Don Rafael sa kwarto ko.

"Tiyo Rafael, si Esmeralda sinasabing hindi niya ako kilala."

Napatingin sa akin si Don Rafael. "Esmeralda! Ano na namang biro ito?"

Nakadama ako ng kaba. Baka sampalin ako ni Don Rafael. "H-Hindi ko naman po siya kilala o baka nagkita na po kami pero hindi ko na siya maalala."

"Esmeralda! Siya ang pinsan mo!"

Halos mapatalon ako sa inuupuan ko dahil sa sigaw ng don. Nakakatakot siya magalit. Mas nakakatakot siya kaysa kay Papsi. Si Papsi kapag nagagalit, hindi kaagad naninigaw. Kapag super galit na talaga siya doon siya maninigaw pero never pa niya ako nasampal.

"Kaya itigil mo na itong pagpapanggap mo na hindi mo kami naaalala dahil hindi na nakakatuwa!"

Biglang may lightbulb na nag-flash sa isipan ko. Magpanggap kaya akong may amnesia tutal sabi ni Don Rafael ay nadulas daw si Esmeralda sa La Concordia tapos masama daw ang pagkaumpog ng ulo nito. "B-Bakit po kayo nagagalit sa akin? Hindi ko naman po talaga kayo maalala." Mag-isip ka ng nakakaiyak na scenario. Bigla kong naalala ang pagkamatay ng pusa kong si Celeste. Ang sakit ng pagkamatay niya. Hindi ko matanggap. Nag-umpisa na akong humikbi at nagtuluan na ang luha sa pisngi ko. "H-Hindi ko talaga kayo maalala."

"Esmeralda."

"Huwag mo akong hawakan! Hindi kita kilala!" Sigaw ko kay Milagros. Tumayo ako at nagmadaling lumabas ng kwarto ko.

"Esmeralda!" Napahinto ako sa pagbaba at lumingon kay Don Rafael. Wala na ang galit sa mukha ng don. Napalitan iyon ng awa at hinanakit. Naglakad siya papalapit sa akin. "Paumanhin, aking anak. Masakit sa akin na hindi mo ako naaalala pero alam kong mas masakit sa iyo na hindi mo naaalala kung sino ka." Niyakap ako ni Don Rafael.

Nilakasan ko pa ang paghagulgol ko para mas convincing ang arte ko. Shemay! Pwede na akong maging artista nito. May future pala ako sa pag-aarte.

"Sssh, tumahan ka na, hija."

Gusto ko ngumiti ng abot tenga kaso baka mabuko ako. You're so genius talaga, Celeste.


-------


Patingin-tingin ako sa likuran ko. Baka may sumusunod sa akin ng hindi ko alam. Hindi pwedeng malaman ni Don Rafael na makikipagkita ako ngayon kay Simoun. Napangiti ako nang makita ko si Simoun na prenteng nakaupo sa nakausling ugat ng puno habang nakatingin sa malayo. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya. "Kanina ka pa nandito?"

Nagulat siya pero agad ding nakabawi. "H-Hindi naman. Ang akala ko'y hindi ka na darating."

"Ngayon, nandito na ako. Pumayag akong magkita tayo kaya sigurado darating ako." I smile at him.

Gumanti siya ng ngiti sabay tayo. "Ililibot kita sa aming hacienda."

Bigla akong nakadama ng kaba. Paano kung mahuli kami? For sure, gulo ito. "Pero—"

"Huwag kang mag-alala. Hindi naman tayo magpapakita sa kanila. Pupunta tayo sa mga lugar na hindi masyadong matao. Pumapayag ka bang maglibot tayo sa amin?" Tumango ako. Tinawid namin ang nakausling ugat ng puno. Iniangat ni Simoun ang dalawa niyang kamay. "Maligayang pagbisita sa aming hacienda, Esmeralda!"

Natawa ako. Hindi ko naman kasi inaakala na tatawid lang kami sa nakausling ugat ng puno ay nasa teritoryo na ako nila Simoun. "Simoun?"

"Hmn?"

"Baka makita nila tayo?" Tumingin pa ako sa paligid namin.

"Wala 'yan, Esmeralda." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palayo sa lugar kung saan kami nagkita.

Bigla akong nakadama ng kuryente. Gusto kong bawiin ang kamay ko kaso ang higpit ng pagkakahawak niya. "Señor, ang aking kamay."

Bigla siyang natauhan at parang napaso na binitawan ang kamay ko. "Paumanhin, Esmeralda."

Ngumiti ako. "Wala iyon." Nagpatuloy lang kaming maglakad. Tahimik at medyo nakaka-awkward. Gusto kong magkwentuhan kaming dalawa. Gusto kong makilala kung sino ba siya talaga. "Uhm... Simoun, nag-aaral ka pa ba?"

Lumingon siya sa akin. "Oo, naka-ikaapat na taon na ako sa kursong kimika."

Chemistry ba 'yon? "Aaaah." Tumango-tango ako sabay baling ulit ng tingin sa kanya. "Saan ka nag-aaral?"

"Sa Colegio de Santo Tomas."

Ay bongga! Naniniwala na akong buhay na ang UST sa panahong ito. "Magandang escuelahan iyon."

"Siyang tunay."

Napasimangot ako. Bakit ba ang tipid niya sumagot? Mapapanis nito laway ko eh. Nakaka-badtrip naman! "Gusto ko—"

"Esmeralda, umaawit ka ba?"

"Hindi masyado, pwede na ba akong umuwi?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Ayaw mo na ba akong makasama, Esmeralda?" Dama ko ang lungkot sa boses niya.

Bigla tuloy ako nakonsensya. Dapat hindi ko sinusungitan si Simoun dahil siya lang kaibigan ko dito. "A-Ano kasi... Hindi ka kasi nagsasalita. Baka ayaw mo akong kausapin o kasama kaya gusto ko na umuwi."

Napangiti siya. "Mali ka ng inaakala, Esmeralda. Gusto kitang kasama kaya lang naman ako hindi nagsasalita sa kadahilang hindi ko alam ang aking mga sasabihin at nahihiya rin ako sa iyo."

Napangiti ako dahil kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Simoun sabay iwas ng tingin sa akin. "Ano ka ba? Magkaibigan tayo kaya dapat hindi ka mahiya sa akin at bilang bagong magkaibigan ay dapat alamin natin ang isa't isa. Tsaka ikaw ang kauna-unahan kong kaibigang lalaki."

Kumunot ang noo niya pero agad din iyon nawala sabay ngiti ng matamis. "Hindi ba si Señor Gabriel ang kauna-unahan mong kaibigan na lalaki dahil naging parang kuya mo siya at kaibigan mo rin ang kapatid niyang si Señorita Anastasia."

"Señor Gabriel?"

"Oo, si Gabriel Realonzo. Hindi ba't tatlong taon na siyang nawawala kasabay ng pagkawala ni Señorita Keira."

Natigilan ako sa sinabi ni Simoun. Naalala ko bigla si Ate Keira. Ang sabi niya noong huling pasok ko sa class niya ay kinasal siya noong umaga kay Constantine which is Gabriel Realonzo ang pangalan. "K-Keira Silvano ba ang pangalan ng babaeng sinasabi mo?"

"Oo, bakit mo naman natanong? Kilala sila sa bayan na ito dahil sa pagmamahalan nila. Walang nakakaalam kung nasaan sila ngayon."

Umiwas ako ng tingin. Ibig sabihin, nag-time travel rin si Ate Keira at noong panahong mag-iisang taon siyang nawawala ay nandito siya. May isang portrait bang ginamit si Ate Keira para makapag-time travel? Ilang taon kaya nagtagal dito si Ate Keira?

"Esmeralda?"

"H-Hah?" Napalingon ako kay Simoun. "Masama ba ang iyong pakiramdam? Bigla kang namutla."

"A-Ano? Hindi naman. Saan pala tayo papunta?"

Kumislap ang mata niya. "Sa kwadra!"

"Kwadra? Nagbibiro ka ba? Gusto mo bang mapahamak tayong dalawa dahil sa gusto mo?"

"Hindi. Hindi tayo mapapahamak, ako ang bahala sa iyo. Dito ka muna at kukunin ko ang kabayong gagamitin natin." Nagmadali siyang iniwan ako.

Kinakabahan ako sa plano ni Simoun pero nakadama rin ako ng excitement. Sometimes its good to break the rules. Tsaka na-miss ko rin mag-horseback riding. Bukod kasi sa pangarap kong maging ballerina ay gusto ko rin maging Equestrian kaso katulad ng pagba-ballet ko ay kontra din si Papsi kaya patago akong nagho-horseback riding. Lalo akong na-excite nang makita ko si Simoun na naglalakad at may kasamang dalawang kabayo. Isang color black at isang color brown.

Agad akong lumapit sa kanya at hinaplos ko ang dalawang kabayo. "Ang ganda nila."

"Siyang tunay."

Lumingon ako kay Simoun. "Anong pangalan nila?"

"Ito ay si Dante at itong kulay tsokolate ay si Trinidad." Hinaplos ni Simoun si Dante.

"Pwede ba akong sumakay kay Trinidad?" Nagningning ang mata ko nang tumango si Simoun. Walang sabi-sabi ay agad kong sinakyan si Trinidad kahit na nakikita na ang legs ko.

Umiwas ng tingin si Simoun. "Esmeralda, bumaba ka na."

Bigla akong nalungkot. Ayaw na ata ni Simoun na sumakay ako sa kabayo. "Bakit?"

"Ayokong makita ka ng ibang nagtatrabaho sa aming hacienda na ganyan ang ayos."

Tiningnan ko ulit ang ayos ko. Hindi naman masama ah. Kahit labag sa loob ko ay bumaba na ako sa kabayo. Muntik na akong mapatili nang bigla akong hawakan ni Simoun sa baywang at iniaangat pasakay kay Dante tapos tinali ang renda ni Trinidad sa puno bago sumakay kay Dante. Sobrang lapit niya sa akin! Dinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Shemay na malupit! Napalingon ako sa kanya at ang lapit ng mukha ko sa mukha niya. Shemay talaga! "S-Simoun..."

Bigla niyang hinapit ang renda ni Dante kaya tumakbo ang kabayo. Napasubsob naman ako sa mukha ni Simoun. Lokong lalaki 'to ah!

"Tumingin ka sa harapan para makita mo ang paligid."

Sinunod ko naman ang sinabi ni Simoun. Ang ganda! 'Yung mga puno, may mga wild orchids. "Ang ganda." Banayad lang ang pagtakbo ng kabayo kaya nae-enjoy ko ang mga view.

"Masasabi kong hindi pala ako nagsasawang makita ang paligid ng hacienda namin. Kailangan ko lang pala ng kasama sa paglilibot." Tumango na lang ako. Huminto kami sa isang puno na may magandang orchids. "Kasing ganda mo ang isang orkidia. Walang kapareho ang ganda."

Bigla akong nag-blush. Kailangan sabihin talaga niya 'yan?

Pumitas ng orchids si Simoun at binigay niya iyon sa akin. "Ihahatid na kita sa inyo." Agad niyang hinapit ang kabayo.

Tahimik lang kaming dalawa at nang makarating kami sa batis ay inalalayan niya akong bumaba. Humarap ako sa kanya. "Magkikita ba tayo bukas?"

Ngumiti siya sa akin. "Kung nanaisin mo ay maaari tayong magkita dito araw-araw."

Lumawak ang ngiti sa labi ko. "Pangako 'yan ah." Tumango siya kaya bigla ko siyang niyakap. "Sige aalis na ako!" Patakbo akong umalis. Pakanta-kanta pa nga ako habang naglalakad. Napatingin ako sa hawak kong orchids. "Ang ganda mo!" Sobrang saya ko ngayon!

Nang makarating ako sa amin ay nakita ko si Milagros sa veranda, nakaupo at may kausap na lalaki. Hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa side ko. Nagmadali akong lumapit sa kanila. "Milagros!" Napalingon sa akin ang lalaki. Tinanguhan ko lang ang lalaki. "Milagros, ang ganda nito oh!" Pinakita ko sa kanya ang orchids na hawak ko.

"Hindi ba ayaw mo sa orkidia, Esmeralda?"

Nilingon ko ang lalaki na nakakunot pa ang noo ko. "Talaga?" Lumingon ako kay Milagros. "Totoo ba 'yun?"

Tumango si Milagros. "Ayaw mo sa orkidia, Esmeralda."

Ngumiti ulit ako. "P'wes, gusto ko na ito ngayon. Sige, maiwan ko na kayo!" Masaya kong sabi at nagmadali akong umakyat. Nakaka-goodvibes itong orchids!

"Hija, saan ka nanggaling?"

Napahinto akong maglakad. "Papa!" Lumapit ako kay Don Rafael at yumakap ako sa kanya na ikinagulat niya. Pinakita ko kay Don Rafael ang hawak kong orchids. "Ang ganda po nito!"

"S-Siyang tunay, anak." Ngumiti pa ito.

"Sige po, doon lang ako sa silid ko." Iniwan ko si Don Rafael at pumasok na ako sa kwarto ko. Agad akong humiga sa kama. Shemay! Hindi mawala sa labi ko ang ngiti. "Bakit ba sobrang saya ko na magkikita kami ni Simoun araw-araw? Simpleng friendly bonding lang 'yon, Celestine."

Gusto kong batukan ang sarili ko ngayon. Napatingin ulit ako sa hawak kong orchids. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Simoun kanina. Kasing ganda ko raw ang orchids na ito.

Nag-blush ulit ako. Shemay! Ang galing mo rin mambola, Simoun!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top