CHAPTER 9
Chapter 9
Xavier Pov
"May isa ka pang shot para sa TV commercial mamayang hapon, Xavier," Cesna stated as I sat on my chair.
Sinimulan na ng make-up artist ko na tanggalin ang konting make-up na nilagay sa akin kanina para sa shot ko sa ibang brand ng alak. It only takes a few shots and the director wraps it up.
"What particular TV commercial?" I asked, closing my eyes so that the make-up artist can do his job on my eyes.
"Para sa isang toothpaste. Kasama mo pala dito si Donna."
My brows knitted.
"Really?"
Donna was my love interest sa isang movie na aming niluluto ngayon. Alam kong kasama lang ito sa trabaho ko pero nakakapagod din. Nangangalahati na kami sa aming movie at sa ilang na-leak at behind the scenes na mga videos namin together ni Donna, people were already raving and pairing us up.
Nakailang loveteam na ba ako sa buong taong kong pag-aartista? Eight? Nine? I don't know. Wala man akong loveteam or meron, I already established my name in this industry. But this matter really was inevitable. Single man ako o hindi kapag may bago akong nakakasama sa movie or TV series talagang pinagpapares ako.
Tinanguan ko na lang si Cesna sa mga sinasabi niya.
Ngayon ay nasa sasakyan na kami tungo sa sunod kong shot nang magising ako sa pagwawala ng aking telepono. Kinapkap ko sa aking bulsa ang telepono. Nakita ko na ang tumatawag sa akin ay ang number ng bahay. It must be important.
I scrolled up to answer the call.
"Yes," came my firm answer.
"S-sir..."
Kumunot ang noo ko at umayos sa aking pagkakaupo. I looked at Cesna acrossed me na may binabasa sa kanyang Ipad.
"Who is this?" Tanong ko. Kita ko ang pagkunot noo ni Cesna sa harap ko.
She mouthed 'who,' and I just answered her with a shrug.
"Sir, si Arianna po ito. Isa po siya sa mga kasambahay ninyo."
Napatango ako.
"Yes, I remember you. What's the matter? Is it Z? Ano na naman ang ginagawa nila ni Lawrence?"
"W-wala po sir. S-si ma'am Kyline po kasi sir sumugod dito at gusto niya pong kunin si Zion."
Mabilis akong napatayo. Umuntog pa ang ulo ko sa sasakyan. But that's the least I care about now.
Agad kong binuksan ang window shield na siyang naghihiwalay rito sa likod at sa diver's seat.
"Stop the car!" Turan ko sa aking driver. Lito man ito pero tumigil din.
"What's happening Xavier?" Cesna asked, confused.
Hindi ko binalingan si Cesna.
"Nakuha niya si Z?"
"H-hindi po sir kasi lumabas po sila ni Lawrence kaso... kaso mukhang hahanapin po ni ma'am Kyline si Zion, sir."
"Okay. Uuwi na ko. Please keep my son away from Kyline, Arianna."
"Okay po, sir. Hahanapin na rin po namin sila ni Lawrence."
Tiningnan ko si Cesna na gulong-gulo ang mukhang nakatingin sa akin.
"I need to go home, Cesna. I have an emergency at home. Zion needs me."
Walang pag-aalinlangan na tumango si Cesna sa akin. At nag-U turn kaagad ang van sa daan tungo sa bahay ko.
Alam na Cesna kung gaano ko pinapahalagahan si Zion at saksi siya kung gaano ako kaaligaga noong nawala ito. Kaya kapag tungkol kay Zion alam niyang ika-cancel ko ang lahat para dito. Bukod sa aking pamilya si Zion na ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Alam ni Cesna na kapag tungkol sa pamilya ko o kay Zion kahit na nasa set ako, titigil talaga ako sa trabaho para sa kanila.
Walang saysay ang dugo't pawis ko sa pagtatrababo kung hindi ko man lang maalagaan at matingnan ang mga pamilya ko.
Napapakagat labi ako at namumula na ang kamao dahil sa sinabi ni Arianna. Nag-aalala ako kay Zion.
Kyline and I were lovers before. She was my first woman, and I got her pregnant in the short span of time we were together. Hindi ko tinalikuran ang pagiging ama ko kay Zion at handa naman akong pakasalan si Kyline noon, kaso ayaw ng pamilya niya. Well, maybe because they were richer than I was back then.
Kaso kahit na ganoon pinakiusapan ko si Kyline at ang pamilya niya na huwag ipalaglag ang bata. Iyon kasi ng gusto ng mga magulang nito, gusto nilang ipalaglag ang bata. Pumayag ang pamilya ni Kyline na ipagbuntis nito si Zion pero kapalit no'n ang pagpapalaya ko kay Kyline. Noon sobrang sakit sa akin ng lahat. Ang bitawan ang mahal ko pero wala akong nagawa kundi sundin ito alang-alang sa anak ko. I also have no choice since Kyline was a toy to her parents.
Lumaki sa akin si Zion pero hindi ko nabibigay rito ang lahat ng gusto niya. Minsan kasi natatagalan ako sa trabaho at hindi ko ito nakakasama. Lumaki siyang malapit ang loob niya sa kanyang mga yaya. Kaya distant din siya sa akin dahil nagkukulang ako ng oras sa kanya. I worked my ass off to provide everything for Zion, but little did I know that my son's heart was slowly drifting away from me.
Nilayo ko sa mata ng media ang anak ko para hindi ito pagpyestahan ng media. Tama nang ako na ang nandirito. Pero when time comes at gusto niyang pasukin ng mundo ng pag-aartista susuportahan ko naman siya.
Naging maayos naman ang takbo ng pagko-co-parenting namin ni Kyline sa konting panahon. Hanggang sa isang araw habang nasa puder niya ang anak namin, binalita niya na lang sa akin na nawawala ito.
Hindi ako naniniwala na basta na lang nawala ang anak ko at napunta bigla sa Cebu. Dinidiin ng utak ko ang pamilya ni Kyline rito pero wala naman akong ebidensya na makakapagturo sa mga ito.
Kaya ayaw ko munang makita o malapitan ni Kyline ang bata dahil nararamdaman ko ang takot ng anak ko kapag nababanggit ko ito. Whenever I mention his mother's name, my son trembled. It feels like he was traumatized or something. Gusto ko mang tanungin ang bata kung bakit siya ganoon pero pinapigilan ko ang sarili ko dahil ayaw ko munang dagdagan ang nararamdaman niya ngayon. Gusto kong kusa siyang magbubukas no'n sa akin.
Nang makababa ako ng sasakyan ay pinaalis ko rin si Cesna upang personal niyang makausap ang mga tao sa set na hindi ako makakapunta.
"Zion!" Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong tinawag ang anak. Nangingig ang mga kamay ko sa galit at takot ngayon. Ayaw ko nang mangyari ulit iyong nangyari sa kanya.
"Sir!" ang bumungad sa akin ay ang mga maids ng bahay na bakas sa mga mukha nila ang pagka-aligaga.
"Where's my son?"
"Sir, hindi pa po bumalik sila Zion at Lawrence--"
"Ate Arianna!"
Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Bumungad sa akin ang hinihingal at umiiyak kong anak. Fuck!
Mabilis kong nilapitan ang anak at niyakap.
"Baby, what's wrong?"
Hinihingal ng husto si Zion.
Hinanap ng mata ko kung susunod ba ang Mami Lawrence niya kaso walang maingay na Lawrence ang sumunod. Shit!
"D-daddy, mommy... mommy Kyline and Mami Lawrence... help mami Lawrence, Daddy!" putol-putol na wika ng anak ko dahil sa pag-iyak at hingal.
Niyakap ko itong muli at hinalkan.
Binigay ko kay Arianna si Zion.
"Take my son inside. Clean him and give him his milk."
Tanging tango lang ang nagawa ni Arianna na namutla nang hinarap ko ito.
I was about to leave and look for Lawrence when my son held my pants.
"Bring back my Mami,
Lawrence, Daddy."
Kapwa kumuyom ang panga at kamay ko.
"I will, so don't cry. Be good to your ate Arianna. I will bring back your mami."
Sinamahan ako ng guard sa paghahanap kay Lawrence at nang may marinig kaming komusyon, sinundan namin iyon ng guard.
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko si Lawrence saka si Kyline na nagsasabunutan at kulang na lang magpagulong-gulong ang dalawa sa daan.
Dahil pabor sa akin si Kyline siya ang nahila ko papalayo kay Lawrence. Kyline in my arms was wriggling and ready for another round of a cat fight, and so was Lawrence. However, my anger subsided when I saw Lawrence's wounded arms. Parang nandilim ang paningin ko sa di ko malaman na dahilan. Something inside me irks to hurt someone who caused those wounds on him.
Dahil uminit ang ulo ko, hindi ko sinasadyang masigawan si Lawrence. I want him to go home to tend to his wound, pero inaalala niya pa ang pagganti kay Kyline.
Umigting ang panga ko nang tingnan ako ng masama ni Lawrence. The nerve of that small guy!
"Follow him and make sure that his wound will be treated immediately," bilin ko sa guard bago nito sinundan si Lawrence.
I will handle this woman.
Naniningkit ang mga mga ko at naggitgit ang ngiping tiningnan si Kyline na ngayon ay wala na sa tamang ayos ang mukha at magulo na ang buhok.
"Bakit mo hindi pinapakita sa akin ang anak ko, Xavier?! Matagal na bang na sa'yo si Zion?"
Mas uminit ang ulo ko roon sa kanyang sinabi.
Tinawid ko ang distansya namin at nanlilisik ang mga mata kong pinukol ito ng tingin.
"Anak? It was you who didn't want Zion at first pero ngayon para ka nang isang ina na inagawan ng anak?!" I mocked her.
Inis nitong hinawi ang magulong buhok at galit akong tiningala.
"Pero pinagtyagaan ko siyang dalhin ng siyam na buwan! At... hindi ba pwedeng magbago ang tao? What if I want my son now?"
"I cannot trust you anymore, Kyline. You lost him. It's better if you stay away from us for now. I don't want you lurking around my son."
She hysterically shook her head.
"No, no, no! Baka umabot na tayo ngayon sa korte nito, Xavier! Your career will be ruined." Mariin nitong wika at ngumisi sa akin.
I smirked.
"Try, woman! I'm not afraid of your family anymore. Let me reprimand you na hanggang hindi ko nakikilala at hindi pa napagbabayaran ng mga kumidnap kay Zion ang mga kasalan nila. It's better na sa akin muna ang anak ko, Kyline." pinal kong saad dito.
Nilampasan ko siyang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang ekspresyon. Kaso may naalala ko.
"Kyline." Lumingon ito sa akin. "Don't you dare lay a hand on my son's nanny ever again! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo kapag may gagawin kang masama sa kanya."
"Is he... that important to you?" Kunot-noong tanong niya.
"No, but he is a precious man to my son and my son's happiness, and I will protect my son's happiness."
Yumuko lang si Kyline at kumuyom ang mga kamay. Iritado ito nang sumigaw, pero hindi ko na ito binalingan.
My relationship with Kyline ended well. She didn't fret about breaking our relationship like what I had imagined it would be. Ni-hindi man lang siya tumingin sa batang niluwal niya. Ngunit bigla na lang siyang dumating sa harap ng bahay ko isang araw upang makita ang bata at makasama ito. Kaya naman doon nagsimula ang pagko-co parenting namin.
Pagkarating ko sa bahay una kong pinuntahan ang anak ko sa kanyang room at nakatulog na ito. My fluffy son's eyes were swelling, and it was all because of his mother.
"Z, please tell me what really happened. Sana sabihin mo sa akin kung bakit ayaw mo na sa mommy mo, si Kyline. Nasasaktan na rin ako para sa'yo, Z," pagkakausap ko sa anak kong tulog.
"Your father loves you so much, Z, and I am here whenever you need me. I love you, Z. Goodnight!"
Iniwan kong bukas ang lampshade sa side table ni Zion bago lumabas. Pumunta ako sa kitchen upang kumain nang maalala ko si Lawrence.
"Arianna," tawag ko kay Arianna na siyang nakita kong nagpupunas ng mga baso sa island counter.
"Sir?"
"Si... si Lawrence kumain na? Are his wounds okay?"
Tumabingi lang ang ulo ni Arianna, mukhang naguluhan sa aking sinabi.
"Hindi ko po mapansin si Lawrence, sir. Hindi ko rin siya nakitang pumunta rito sa kitchen, eh."
Binaba ko ang kutsarang hawak. Tumayo ako at kinuha ang first aid kit sa bathroom.
"Paki linis na lang ng table." Bilin ko kay Arianna at tinungo ang kwarto ni Lawrence.
I knocked my knuckles three times on Lawrence's room door. I waited for seconds for a reply, but I got none. Huminga ko ng malalim at kumatok ulit.
"Tulog ako! Umalis ka na, Arianna!"
Napabuga ako ng marahas na hininga. Tulog nga siya kasi sumasagot pa! Fuck!
"It's Xavier." usal ko.
"We don't talk anymore!" Bulyaw nito mula sa loob.
Malakas kong binagsak ang isang palad sa pintuan.
"Hindi ka pa raw kumakain. And your wounds, bakit hindi mo nilinisan at ginamot?"
"Paki mo?"
The thin thread of patience I was grasping a while ago snapped! Sinipa ko ang pintuan.
"Bubuksan mo o sisirain ko itong pintuan?" banta ko.
Tumataas na sa ulo ko ang aking dugo.
"Paki ko? Big brother house ko ba ito?"
Umawang ang labi ko. The nerve of this man?!
Dumistansya ako ng konti sa pintuan at handa na itong sipain nang bigla itong bumukas. Nabitin sa ere ang paa ko.
Lawrence peeked behind the door.
Umigting ang panga ko. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito!
Galit akong humakbang tungo sa kanya at tinulak ko ang pintuan. Napaatras siya. Pumasok ako at marahas kong sinara ang pintuan. Napatalon siya sa gulat.
Naglikot ang mata nito at iniiwasan ang mga nanlilisik kong titig sa kanya. Ang tapang-tapang niya kaninang sagutin ako pero ngayon para na siyang tutang takot mapalo. Asan na ang tapang ng lalaking 'to ngayon?
Napatanga ako nang pabagsak itong umupo sa kama at pinagkrus ang mga mapuputing braso sa harap ng dibdib.
Bumalik ang galit ko kay Kyline nang makita ko ang kalmot at konting dugo roon sa braso ni Lawrence. Nabahiran na ang walang kapintasan niyang braso.
Malapit nang maglinggo si Lawrence simula nang tumira siya rito sa bahay ko at puro kosumisyon at sakit sa ulo ang binibigay niya sa akin. Ngayon na natitigan ko siya ng maayos. He was not bad. He had pouty red lips, porcelain skin, and a petite body.
"Anong ginagawa mo rito? At bakit may dala kang box? Isisilid mo ako r'yan?"
Tsk! Kung pwede ko lang itong isilid ay matagal ko nang ginawa! Hindi ko na lang ito sinagot dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Eksperto pa naman itong pataasin ang dugo ko sa aking ulo.
Nag-squat ako sa harapan niya at hinablot ko ang isa niyang braso.
"Aray! Dahan-dahan naman!" reklamo niya.
Masama ko lang itong tiningnan kaya napanguso siya. His pouted lips seem fluffy. I wonder how soft they are when I touch them. Ako ang nagulat sa sariling naisip. Dammit, Xavier, pull yourself together!
Nilinis ko ang sugat niya at nilagyan ko ito ng ointment upang huwag itong magkapiklat. Matapos kong gamutin ang dalawang braso niya. Tiningnan ko naman ang mukha nito kung may sugat din ba pero wala naman. May ilan akong nakita sa leeg niya kaya tumayo ako at dumukwang upang lagyan ng ointment ang iyon.
Hindi ko napansin ang distansya naming dalawa hanggang sa nagsalita si Lawrence.
"P-personality space, please."
My eyes fell on his pouty lips.
I grinned.
"It's personal space." Pagtatama ko.
Umismid lang ito.
"Sumobra lang naman ako ng tatlong letters."
I stepped back, cleared my throat and gathered the alcohol and cotton on the floor.
Umupo ako sa kama.
"Thank you for what you did earlier."
Pinagmasdan ko ito kaya naman nakita ko ang pagkibot ng bibig niya.
"I'm... I'm sorry."
Bilog ang mga matang bumaling ito sa akin kaso nang magtagpo ang mga mata namin ay agad niya naman akong inirapan.
I just smirked when I saw how his doe eyes glistened in bliss. He wants to lie, but his beautiful eyes can't. Very well!
"Tsk! P-pinahiya mo ako sa harapan no'ng babae mo."
Tumaas ang kilay ko. Kailan pa ako nagkaroon ng babae?
"Hindi ko siya babae." Sagot ko kahit hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag sa kanya.
"Edi, asawa mo." Labas sa ilong nitong wika.
"Wala akong babae at wala kong asawa."
I don't want him to misunderstand me for some reason.
"Talaga? Eh, 'di ba iyon ang ina ni bibi Zion?"
I nodded.
"She is. Pero nito lang siya nagpakaina sa anak ko."
He wet his lips kaya napatitig ako roon. I unconsciously ran my tongue on my lips.
"Wala ka talagang karelasyon? As in N.O?"
Lumunok ako bago siya tinanguan.
"So nalalandi ka pa? You're still available 24/7 in the market?"
The corner of my lips twitched up before I bit them down.
"I told you. Hindi ako pumapatol sa isang fan."
Ngumuso na naman siya.
"Tsk!" Sinamaan niya ako ng tingin. Masyado na siyang nagiging komportable sa akin. "Oo nga pala hindi ko matatanggap ang sorry mo. Iyong thank you mo lang ang tatanggapin ko."
Nagtagpo ang kilay ko.
"You're impossible!"
"Yes, I am!"
"Ano bang gusto mo? What do you want me to do para matanggap mo ang sorry ko?"
Ngumisi ito ng malapad sa akin. Nagsisi tuloy ako kung bakit ako nakikipag-usap dito. Ako ang mababaliw sa kanya.
"I-french kiss mo ako!"
Nalaglag ang panga ako sa kanyang sinabi.
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top