CHAPTER 7

Chapter 7

Mark Lawrence Pov

Disappointed na disappointed ako nang hindi ko man lang nahabol si Xavier! Aminado akong mabaha ang bura—biyas niya kaso hindi ko naman aakalain na kalahi niya pala si The Flash! Pagkalabas ko ng theater room ay hinabol ko kaagad ito kaso lang nakapasok na siya sa pusong ligaw ko! Eme! Nakapasok na ito sa kwarto niya. Alangan na habulin ko pa ito, diba? Wala sa bad blood ko ang maghabol. Never enough 'yang mangyayari. Itaga ko pa iyan sa bato ni ateng Darna.

Kaya ayon! Abort mission! Walang nangyaring pitikan. Pinuntahan ko na lang si bibi Zion sa kwarto nito upang i-check ang vital signs (kalagayan) niya. Nakita ko si Zion na sarap na sarap na sa tulog at walang kumot.

Bumuntonghininga ako at nilapitan ito para kumutan. Ang lamig pa naman ng room niya tapos walang kumot. Tsk! Anong klaseng ama itong si ultimate crush? 'Di man lang concern sa anak niya. Apaka-cute pa naman nito.

"Goodnight, dong." Binigyan ko ng kisses si bibi Zion sa noo nito bago pinatay ang ilaw ng kwarto. Iniwan kong bukas ang tanging lampshade sa side table. Hay! Iba talaga kapag mayaman may pa lampshade-lampshade sila. Sa bahay kasi gasera lang meron kami. Nagagamit nga lang kapag my brownout.

Pumunta ako sa aking silid upang magpahinga. Humiga na ako sa napakalambot kong kama at pinikit ang mata, sinusubukang matulog ulit. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ako inaantok! Bwesit naman kasi! Bakit pa ba ako ginising ni Xavier kanina? Sleeping beauty na sana ang eksena ko, e. Kainis tuloy!

Hindi ko na nasubaybayan kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko rito sa big brother house ni Xavier. Hanggang sa nakapag-decide ako na pumunta sa kaharian ng Hatoria! Eme! Pumunta ako ng kitchen at syempre nakialam ako sa mga gamit doon. Pinagtimpla ko ang sarili ko ng gatas. Maaga pa para kay Xavier ako manghingi ng gatas! Charot lang! I'm embodying a true Filipina behavior pala.

Dahil wala nang tao sa kusina ay malaya akong nakagalaw-galaw rito. Napapaindak pa ako kahit na walang music. Nagha-hum lang ako ng kung ano-ano.

Matapos kong magtimpla ng gatas ay umupo ako sa isang high chair at sisipsip na sana ako sa gatas ko na pinaghirapan kong itimpla nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Lawrence?"

"Ah, piste!" Crispylicious kong mura at nasagi ng kamay ko ang gatas sa gulat! Muntik na ako mahulog sa high chair sa pagmamadali kong makaalis dahil bumaha ang gatas sa island counter.

"Dammit!" sunod na mura ni Xavier.

Basta niya na lang akong hinawi gamit ang maskulado niyang braso. Mabilis ang kilos nito at kumuha ng basahan para maagapan ang bumabahang gatas. Sayang!

Ang titig ko sa natapon na gatas ay lumipad kay Xavier nang humarap ito sa akin. Naninigkit ang mata niya at kumuyom ang panga.

"H-hoi! Kasalanan mo kung bakit 'yan natapon, Xavier!" Inunahan ko na siya dahil alam kong papagalitan na naman ako nito. Kagaya ng sinabi ko kay kuya Cams. Kayang-kaya ko ang sarili ko rito. Kung alam kong nasa tamang daan ako. I will fight for it. At kung nasa maling daan naman ako... edi i-tatama ko! "Ginulat mo ako! Ginulat mo ako kaya nasagi ko ang baso. Kasalanan mo 'yan!"

Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago hinilamos ang palad sa mukha.

"Napaso ka ba?"

I shifted my weight, and my head turned to the other side. My eyes fixed on Xavier's. He was serious. His gaze roamed to my arms.

"Huh?"

"Akin na ang kamay mo."

Hindi man lang niya ako hinayaang makasagot dahil hinablot na niya ang precious arms ko. Ang init ng palad ni Xavier ay parang nanunuot sa balat ko.  Ewan ko kung papaano iyon naging imposible. Ang init na iyon ay parang may ginigising sa kaibuturan ng aking katawan. Hindi ko iyon matukoy kung ano. Sinuri niya braso kaso ang utak ko ay lumutang na sa ibang dimensyon. Partikular na roon sa init na dala ng palad niya.

Ang eme naman. Nilalamig ba ako sa aircon? Naninibago pa ang flawless skin ko sa environment na 'to?

Naging bato ako sa aking posisyon at natulala sa ginawa ni Xavier. Para akong napipi— naparalisa at hinayaan ko lang siyang hawak-hawakan ang aking braso.

Padarag na binagsak ni Xavier ang kamay ko. And it brought me back to the present moment.

"What did I tell you?" tanong niya sa akin.

Nagusot ang mukha ko sa kanyang tanong. Ano 'to? May exam pala rito tapos mag-Q and A kami ngayon dito? Tsk!

"I told you to be careful, Lawrence. Nandirito ka sa puder ko. Kaya responsibilidad kita. Kung ano ang mangyari sa iyo ay pananagutan ko."

I sighed, mastering my utmost best na huwag maging marupok! Pagsubok lang ito ng tadhana sa akin, eh.

My eyes rolled. Artista talaga itong si ultimate crush. Tsk! Tsk! Tsk!

Hindi nga ako napaso sa gatas pero mababali niya naman ang braso ko dahil sa kanya. 'Di niya pa alam ng word na gentle?

"Edi, pananagutan mo na ako nito ngayon." Wala sa isip kong untag.

Nagdikit ang humaldo nitong kilay na hula ko'y pinagawa niya siguro sa ganda. Kinabog ang ganda no'ng akin, e.

"What!" he stresed the last letter!

"Eme lang, Xavier. 'No ka ba!"

Akmang tatampalin ko na ang balikat niya na kadalasan kong ginagawa sa mga Kuya kaso nabitin ang kamay ko dahil sa sama ng tingin ni Xavier. Tsk! Parang tampal lang naman. Parang tropa-tropa kumbaga ba. Pasalamat talaga itong si Xavier na ultimate crush ko siya. Pinagbibigyan ko na siya lagi.

He clicked his tongue.

"Anyways, bakit 'di ka pa natutulog?"

Tumaas ang kilay ko at maarte siyang pinukol ng tingin.

"Ikaw? Bakit 'di ka pa natutulog?" Balik ko sa tanong niya.

Ang lalaki ay halos mawala ang mata sa pag-ikot niya sa kanyang mata.

"Lawrence." Nangbabanta na niyang wika.

"Tsk! Hindi ako makatulog kaya naisipan kong maggatas." Dahil 'di pa pwede ang iyong gatas. Ehh!

"Okay," aniya.

"Hmm?"

"I'll make your milk."

Para namang may pumitik na ideya sa utak ko at umuntag.

"Pwedeng gatas mo na lang?"

"What the hell, Lawrence!" singhal nito sa akin at napapikit na lang ako. Gosh! Infairness ang bango ng hininga. Gusto ko tuloy'ng isigaw sa kanya na bugahan niya pa ako ng hangin! Kahit may kasamang laway pa 'yan. Tatanggapin ko ng buong-buo.

Nilinis ko ang nagkalat na gatas sa island counter at paminsan-minsan kong ninanakawan ng sulyap si Xavier na nagtimpla ng gatas. Nang matapos ako sa paglilinis ay tama naman na tapos na si Xavier sa pagtimpla ng gatas.

"Here," aniya sabay bigay sa akin no'ng baso ng gatas.

Kumunot ang precious noo ko nang maamoy ko ang kanyang inumin.

"Nagka-kape ka?"

Swabe itong sulyap sa akin. Tsk! No need na talaga akong i-seduce nitong si Xavier. Hulog na hulog na ako sa kanya. Siya na lang ang kulang para sumalo sa akin. Hay!

"Yeah, why?" maarte niyang turan sa akin.

Sumipsip ako sa gatas ni Xavier—eme! Sa aking milk.

"Baka 'di ka makatulog n'yan kakaisip sa akin."

Xavier's eyes almost bulged out!

"What?!"

"'Ka 'ko, baka 'di n'yan makatulog."

May pang-aakusa ako nitong pinukol ng tingin.

"I need this." He eyed on his cup. Muli siyang tumingin sa akin. "May script akong sinasaulo."

"Mmm, 'kay." Tipid kong wika.

Tumaas ang kilay niya sa akin at ilang saglit pa ay napailing siya. Hula ko'y nagagandahan siya sa akin pero ayaw lang n'yang aminin. Alam na alam ko ang mga galawang ito, eh. Shemay n'ya! Papakipot pa 'to sa una pero sa akin pa rin ang huling halakhak. Ha. Ha. Ha.

"You know what you're creepy."

Muntik ko nang mabuga ang gatas na iniinom dahil sa kanyang komento.

"A-anong creepy?"

Nakukunsumi siyang umiling sa akin.

"Bigla-bigla ka na lang ngumingisi mag-isa d'yan. Aakalain ko talagang baliw ka."

Naubo ako sa kanyang sinabi.

"Ang precious ko naman para maging baliw." argumento ko sa kanya.

Sumipsip siya sa kanyang kape na ang mata ay nasa akin lang. Nagkibit siya ng balikat.

"Why? Does precious like you can't be crazy?"

Alam kong nonsense na itong pinag-uusapan ni Xavier pero nag-ienjoy ako. Never in my wildest nightmare na mangyayari ito. Like having a casual conversation with my ultimate crush. This is beyond what I've prayed for. Talagang nasa tamang orasyon lang ang solusyon.

"Tsk!"

Iniwan ako ni Xavier pero dahil dakilang FC ako at makapal ang mukha, sinundan ko siya. Hanggang sa napansin kong papatungo kami ni Xavier sa may pool ng bahay. Binuksan ni Xavier ang glass na sliding door tungo sa pool. Mabilis naman kong sumunod sa kanya.

"Akala ko mag-gatas ka lang?"

Napalundag ako sa likod niya.

Napangisi naman ako kahit na hindi niya ako binibigyan ng kahit na konting sulyap.

Ngumuso ako at napangiti. "Hindi ko pa naubos." rason ko.

Umiling lang ito. Sinalampak ni Xavier ang isa niyang kamay sa bulsa ng suot niyang pants at naglakad tungo sa lounger. Ang sexy tingnan ng likod ni Xavier. Malapad ang kanyang balikat at matangkad pa. I guess, magaling talaga akong pumili ng lalaki. Eme!

Umupo siya at tumingla sa kalangitan.

Mabilis naman akong sumunod sa kanya at umupo sa lounger na nasa tabi niya. Dahil hindi ako pinapansin ni Xavier, nakigaya ako sa kanya. Tumingala rin ako sa kalangitan at napanganga ako.

"Wow!" Manghang untag ko nang makita ang mga kumikisap na bituin sa madilim na kalangitan.

Ang ganda lang tingnan at masyadong nakakamangha. Aminado akong takot ako sa dilim. Ayaw ko na nasa madilim ko. Okay lang sa akin ang madilim basta may katiting na ilaw akong nakikita. Kasi parang buhay lang naman 'yan, eh. Kahit na sa gitna tayo ng pagsubok sa buhay patuloy tayong lalaban basta't may katiting tayong pag-asa.

At tulad nitong mga bituin sa kalangitan, kung puro lang kadiliman nakakatakot siya—nakakabahala pero dahil may mga bituin naa-appreciate natin ang ganda niya. Sa konting liwanag na nasa dilim ay nag-iiba ang pananaw natin dito.

"Hey!"

Napabaling ako kay Xavier.

"What's with you?"

"Huh?"

"It looks like you're about to cry."

Nginisihan ko lang siya.

"Nag-iemo lang."

His lips curled up as his eyebrow raised.

"Do you miss your province?"

Bumuntonghininga ako. Tiningnan ko ang pool na nagkakaroon ng repleksyon sa kalangitan.

"Oo, namimiss ko si Mama Aubrey at ang kuya ko. Kahit na lagi akong inaaway ni kuya Camelot, namimiss ko pa rin siya."

"Then, umuwi ka na."

Naputol ang pag-iemote ko dahil sa kanyang sinabi. Bwesit din itong si ultimate crush. Hindi niya talaga alam kung papaano magsabi ng mga comforting words.

"Alam mo Xavier kahit masama ugali mo. Crush pa rin kita. Ikaw pa rin ang ultimate crush ko."

Tumawa siya.

"Kaya ka ba sumama rito dahil crush mo ako? Sa tingin mo ba papatol ako sa isang fan?"

Seryoso ko siyang tiningnan. Taimtim kong pinagmasdan ang bawat detalye ng kanyang mukha. Mula sa kanyang magandang kilay, mata, ilong at bibig ay sinaulo ko.

"What?" untag niya mayamaya.

"Gwapong-gwapo ako sa'yo, Xavier. At kahit ngayon ay gusto kitang yakapin dahil sobrang fan mo talaga ako. Pero alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Alam ko kung ano ang posisyon ko ngayon. At para sabihin ko sa iyo. Nandito ako para kay Zion. Bunos na lang na nakakasama kita." Huminga ako ng malalim. "Saka, suntok sa buwan na magustuhan mo ang tulad kong weirdo. Kahit nga mga crush ko sa probinsya hindi tumitingin sa akin o nakikipag-usap sa akin kasi weirdo ako."

Bigla akong naluha habang inaalala ko ang mga konting encounter ko sa aking mga crush sa probinsya. Hindi naman kasi ako discreet na bakla. Kita sa kilos ko at pananalita ko na bakla ako. At siguro halata ako kapag nagka-crush sa mga classmates ko o sa mga ka-barangay namin. Tinutukso nila ako sa aking crush pero ang mga crush ko mismo ang magsasalita ng mga masasamang salita sa akin.

"Weirdong bakla."

"Crush mo ako? Ang kapal ng mukha mong ipagkalat 'yan. Kilabutan ka nga'ng bakla ka!"

"Nandito na naman ang ating weirdong classmate."

"May sira 'yan sa pag-iisip."

"Huwag kayong lalapit, d'yan. Weirdo 'yan. Baka mahawa kayo."

Ilan lang ang mga salita ng iyan na tumatak sa isip ko habang lumalaki ako. Kaya itong mga sinasabi ni Xavier sa akin ay walang-wala ito sa mga naranasan ko. No matter how much, I excel on my study. Weirdo pa rin ang tawag sa akin ng mga tao sa paligid ko. Kahit naman ako naw-werduhan sa sarili ko. Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung ano ang puno't dulo nito. But I slowly embrace my imperfections. Kung hindi ko tanggap at mahal ang sarili ko, sino na lang magmamahal sa akin? I know I have my mama and brothers with me pero hindi naman kasi nila alam ang mga struggles. Hindi ko nasasabi sa kanila ang mga pinagdaanan ko. Nasanay na kasi ako at sila na masayahin lang ako sa harap nila. I don't want to disappoint them.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming natahimik ni Xavier. Sumulyap ako sa kanya at halos mapatalon ako nang makita siyang nakatitig sa precious face ko. Patay na tayo rito, in love na sa akin si Xavier! Charot!

"Hehe! Gabing-gabi na pala. Pasok na ako, Xavier." pagbabasag ko sa aming katahimikan.

Tumayo ako at pagkuwa'y pinagpag ang suot na shorts. Pinulot ang basong dala. Bahagya akong yumuko kay Xavier at humakbang paalis.

Abot ko na ang sliding door nang tawagin ako ni Xavier.

"Lawrence." Lumingon ako sa kanya. Seryoso niya akong pinukol ng tingin. Tinaasan ko siya sa aking kilay. "Just because you're not the same as anyone out there doesn't mean you're weird. You're not weird. You're just being yourself. So don't be afraid just because you're not like the others. That's what uniqueness is."

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top