CHAPTER 6
Chapter 6
Mark Lawrence Pov
Hindi kayang abutin ng ilang Kilometro by Sarah Geronimo kung gaano ako ka-disappointed ngayon. I was meters away from my ultimate crush, Xavier, who was touring me around sa magiging kwarto ko rito sa Big Brother House niya. I was lazily gaping at the... almost empty room. Oo, empty siya kahit na may sofa naman doon sa paanan ng kama at isa pang sofa ro'n sa isang banda. May empty cabinet din at table sa tabi ng kama na may lampshade na nakapatong. Pero dahil desisyon ako. Empty pa rin ang tawag ko rito dahil. Oh my gosh! Wala man lang kahit anong palamuti na naka-display! Kahit isang wallpaper lang sana ni Xavier na naka-topless ay solve na ako. But to my dismay... gosh. I really need to say this... ang pangit ng room. Mas maganda pa ang maliit kong kwarto sa Cebu kumpara rito na malaki nga wala namang kahit isang poster ni Xavier.
However, a sly smile creeps on my lips. Well, well, well, sa talino ko, ngayon ko lang naisip na bakit ko pala kailangan ng poster, wallpaper o picture ni Xavier kung nandirito naman siya? Why not tabi nalang kami?
Impit akong napatili sa sariling exploration ng utak ko.
Oh god! That idea just popped in my mind right now! Ang brilliant ko!
"Hey!" si Xavier iyon pero hindi ko siya inimik kahit na ultimate crush ko siya.
Dalagang Filipina, yeah! At saka, kasi naman hindi 'hey' ang name ko. May maganda akong pangalan at hindi 'hey' iyon. Ulyanin ata itong si ultimate crush at kailangan ko pang ipa-remember sa kanya ang name ko.
"You!... Shit! Lawrence!"
Tumayo ako ng maayos at nilakihan ang ngiti sa mga labi kong hulmadaong-hulmado. Kinabog pa ng lips ko ang lips ni Toni Fowler!
"Sher?!" Medyo lumandi ng slight ang boses ko. Pero nanaliti naman akong cute.
Sabay na nanlaki ang butas sa ilong at mata ni Xavier nang marinig ang response ko sa kanya.
"Umayos ka sa pamamahay ko, Lawrence kung gusto mong magtagal dito." May pambabanta nang saad ni Xavier sa akin kaso hindi naman ako tinablahan noon. Masyadong weak ang banta niya para kabahan ako ng bongga!
Ang feeler na rin nitong si crush. Sobrang feeler niya sa part na gusto kong magtagal dito. Para lang sa kaalaman niya pang-two months lang kaya ako. At isa pa, wala sa Merriam Webster Dictionary ko ang maging kabit of the year. Kutang-kuta na ako sa kabitan na teleserye, 'no! Ayaw kong dumagdag sa populasyon nila. Aminado akong gusto ko siyang landiin kaso... kung may asawa o girlfriend na itong si ultimate crush. Ay, beh. Aatras tayo. 'Di natin deserve maging kabit of the year award!
"Maayos naman ako rito, Xavier-"
Naputol ako nang bumulyaw si Xavier.
"MARK LAWRENCE!"
My eyes went round and my heart kicked inside my ribcage just after my ultimate crush, Xavier, shouted my full name! Ah! Naiihi tuloy ako sa kilig! Ang ganda pala pakinggan ng name ko kapag si Xavier ang nagsasabi noon! Ang hot. Sing hot ng boiling point ng tubig!
Pero natigil ako sa aking pag-iexplore nang makita ko si Xavier na namumula na ang buong mukha. I think... galit na talaga siya. No! He is furious as F!
"Hehehe! M-may sinasabi ka yata kanina, diba, Xavier?" untag ko. Napahasa ako sa aking palad at nginitian ng todo si Xavier. Galit ang ulyanin kong crush. Papaano na ito? But I'm sure naman hindi ako matitigok sa galit niya. Sure ball pa 'yan sa mga Dragon Balls ni San Goku!
Kita ko ang masakit na pagpikit ni Xavier sa kanyang mata. Nakukunsimisyon na naman yata siya sa akin? Well, hindi ko alam kung bakit.
Ang mahahabang biyas ni Xavier ay unti-unting humakbang patungo sa akin. Ginapangan ako ng slight na kaba sa pusong ligaw ko dahil seryosong-seryoso na si Xavier. Para na siyang Bulkang Mayon ng Albay na malapit nang pumutok at maghasik ng lagim!
Napalunok ako nang malalim sa hindi inaasahan. Aish! Kahit na kinakabahan ako ng slight, para pa rin akong kinukuryente sa kilig! Panindigan mo sana ito Xavier Faliero! Panindigan mo itong kilig overload ko!
Nang makarating si Xavier sa harapan ko ay hindi ko naman mapantayan ang tayog niya! Natatabunan ako ng higante niyang anino!
"Isang beses ko lang itong sasabihin, Lawrence-"
"Pangga!" sapaw ko sa kanya na mas kinamula ng mukha niya.
Ito na yata lalapain na yata ako ni ultimate crush! Napapikit ako at natampal ang bibig. Ito na naman ako sa problema ko. Napangungunahan na naman ako ng bibig ko bago ko pa maisip ang lumalabas dito!
Ewan ko rin kasi.
"What did you say?"
Binuka ko ang matang nakapikit.
Dahan-dahan kong tiningala si Xavier na isang hakbang ko lang ang layo. Halos maghugis puso ang mga mata ko dahil sa tanawin! What a view?! Parang nasa dreamland pa rin yata ako ngayon. Parang panaginip ko lang na nakasama, nakausap, at nahahawakan ko si Xavier. Ano nga bang ritwal ang ginawa para biyayaan ako ng ganitong klaseng blessings? Well, I think nagbunga na iyon pagdadasal ko sa mga poster ni Xavier sa kwarto ko.
"I hate repeating myself, but what is pangga? Are you cursing at me, Lawrence?" Nanindig ang mga munting balahibo ko sa katawan dahil sa awtoridad ng boses ni ultimate crush.
"P-pangga?" Nautal pa ako dahil sa kabog ng pusong ligaw ko. Ginoo ko! Parang lalabas na ang pusong ligaw ko mula sa aking ribcage!
Tinanguan lang ako ni Xavier!
"A-ano siya... ano... tawag ng pamilya ko sa akin sa Cebu. P-pangga ang tawag nila sa akin." Sa wakas ay nakagawa na rin ako ng maayos na sagot.
Pinanliitan ako ni Xavier sa kanyang mata. Napa-cross finger tuloy ako sa nakatago kong kamay sa likod ko.
"Are you for real?"
Magana akong napatango nang ma-sense ko na parang kinakagat na ni Xavier ang sagot ko.
"Real na real!"
Napatango siya.
"Pangga, huh."
Uminit ang mukha ko.
"O-oo nga!" ang kulit! Maniwala ka nalang kasi!
"What does it really mean then?" istrikto nitong follow-up question.
Parang teacher lang, ah. Ang hilig sa follow-up questions! Aish! Kung hindi ko lang talaga ultimate crush itong si Xavier ay hindi ko ito pag-aaksayahan ng laway! Kaso dahil ultimate crush ko siya deserve niyang pag-aksayahan ko ng laway.
"Ibig niyang... sabihin ay... a-ay bunso. Bunso sa magkakapatid." Pak na pak! Saan ko galing ang explanation na 'yan? Oh my gosh! Ang brilliant ko! Pakiramdam ko tuloy deserve ko nang sumali sa mga beauty pageants! Eyy!
Dahil nakatitig lang ako kay Xavier, nasundan ko kung papaano bumuka ang bibig niya na parang may nais siyang sabihin sa ganda ko. Well, kung iku-comfirm niya na maganda ako at deserve kong sumali sa beauty pageants, ay no need na. Knows ko na 'yan, e.
"That's means that I'm pangga too?"
Muntik nang malaglag ang panga ko.
"Huh?" Medyo nabuhol ang utak ko roon.
"I'm the youngest of my siblings. Does that mean that I'm pangga too?"
Napaawang ang bibig ko. Oh my gosh! Kinakagat na ni Xavier ang mga sinasabi ko! Shocks! Baka sa susunod nito... ako na ang kagatin niya!
Sinuway ko naman ang sariling exploration dahil dalagang Filipina pala ako.
"Youngest ka? Bakit wala 'yan sa google? Akala ko only son ka lang?"
"Naniwala ka naman doon." Tunog panginginsulto niyang untag.
"Doon nga lang kita hinahanap sa google at sa YouTube. Kaya, oo, naniniwala ako roon." Katwiran ko.
Umismid siya. Sheyt! Nakakalaglag panty 'yon ah. Pinapa-fall na ako ng todo nitong si Xavier!
"Wag kang basta't basta naniniwala sa mga makikita, nababasa, o naririnig mo online or even in personal. It might have been fabricated."
Ngumuso ako. "Edi, sorry na."
"Hmm, pero gusto ko lang sabihin sayo Lawrence. Na kagaya n'ong sinabi ko kanina. Ayaw kong inuulit ko kung ano man ang nasabi ko na. I hate repeating myself for someone to understand me. That's a waste of time for me. And for you to know, bawat segundong lumilipas importante para sa akin."
Taas-noo ko siyang tiningnan. Humawak ako sa magkabilang baywang ko.
"Ako rin, importante rin sa akin ang bawat segundo, minuto, at oras na lumilipas na nahuhulog na ako sayo." ani ko bago ko pa natakpan ang sariling bibig!
Tabang ginoo! Ano iyong sinabi ko?
"What!" Nagulantang si Xavier at tumaas na naman ang boses.
Hilaw akong napatawa.
"Joke lang. May m-masabi lang."
Kahit na may aircon at malamig naman sa buong Big Brother House ay napapahid ako sa pawis ko. Huh!
Parang may sasabihin pa sana si Xavier kaso iniling niya nalang ang ulo niya. Tamang behavior dahil baka kung ano na naman ang masabi ko. Feeling main character pa naman ako minsan.
"Anyways, puntahan mo nalang si Z mamaya sa silid niya. Natutulog pa naman iyon. At ikaw, matulog ka rin. Pakiramdam ko kasi... kinulang ka rin sa tulog." Hindi ko alam kung iniinsulto ba ako ni Xavier o concern lang siya sa akin.
Nonetheless, ipagpapahinga ko muna itong cuteness overload at maganda kong face.
Hindi ko alam kung ilang oras nagresting ang face ko dahil nagising nalang ako na hinihingal. Hinihingal kasi para na akong nasasakal!
Nanlalabo pa ang mata ko nang buksan ko ito pero ang mukha kaagad ni bibi Zion ang bumungad sa akin.
Kinusot ko ang mata ko at napairap! Sinong hindi hihingalin kong may nakadagan sayong bata?
"Good evening mami ko!" masigla nitong bati sa akin. Punong-puno siya ng energy samantalang ako ay parang lantang gulay pa rin. Siguro naman kahit ganito ang pakiramdam ko cuteness pa rin ako.
Ngumiti ako kay bibi Zion feel na feel na niya talaga na mudrakels na niya ako. Mami ko raw, e. Kanina pa siya, ha. Parang daddy niya lang, e. Pinapa-fall ako. Mag-ama things!
"Magandang gabi, dong. Kanina ka pa nagising?"
Tumango siya at hindi pa rin talaga umalis sa ibabaw ko.
"Yes, mami. Nagsleep nga ako rito sayo."
Nalusaw naman ang munting hinagpis ko sa sinabi niya. Grabe na 'to. Parang sinasakop na rin ni Zion ang buong pagkatao ko. Nagf-feeling mudrakels na rin ako ng wala sa oras.
Pilit kong binuhat ang mabigat na si Bibi Zion sa ibabaw ko at itinabi sa akin. Bumangon ako at nag-frog sit sa kama kagaya niya. Tutok na tutok siya. Hmm. Katulad lang niyang daddy Xavier niya. Nahuhumaling na rin siguro sa akin. Well, given na siguro 'yan sa quality kong ito.
"Dong," sumilip ako sa pintuan kung nakasara ba. At nang makita kong close iyon ay nagpatuloy ako. "N-nandirito ba ang mommy mo?"chismis ko kay Bibi Zion.
Alam kung kanina ay puro lang ako exploration pero iniisip ko rin naman kung makikita ko ba ang totoong mudra ni Zion. Kaso... wala. Nakatulog nalang ako't lahat-lahat wala akong nakilala na ina ni Zion.
Napaigtad ako nang dinakma ako ng yakap ni Zion.
"D-dong?"
"I don't like her, mami. I hate her."
Hindi ko inaasahan na mahahabag ako sa sinabi ni Zion. Slight ko siyang tinulak at tiningnan ko ang kanyang face.
Napakunot noo ako. Naiiyak at nanginginig ang labi ni Zion. Para bang takot siya at ayaw niya ang ganoong usapin.
"Wala... wala rito ang mommy mo, dong?" mataman kong tanong dito.
Tumango si Bibi Zion.
"She l-lived in different house, mami. They're not together with daddy."
Somehow, nakahinga ako roon ng maluwag. Ems! Bakit naman kaya? Well, it only means... na malalandi ko pa si Xavier? Kidding. Dalagang Filipina pala ako. Tsk!
"Dong, bakit ayaw mo sa mommy mo?"
Ang bata ay 'di sumagot sa akin. Bagkus ay yumuko lang ito at pinagsiklop ang kamay niya. Binuhat ko siya at niyakap. Hindi ko alam kung bakit ganito si Bibi Zion. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya d'on sa totoo niyang mommy. Isa lang ang nasisiguro ko. Natatakot siya r'on at ayaw niya.
"Don't leave me, mami ko." bulong nito sa akin.
Bumuntong hininga ako. Pang two months lang ako rito bibi Zion. Sorry talaga.
Tumango lang ako dahil ayaw ko nang paasahin pa ng todo ang bata. Baka isa iyon ang trauma niya, e. Kaya siguro ayaw niya sa kanyang mga magulang dahil doon. Iyon bang pinapaasa lang siya.
"Dong kumain muna tayo? Gutom naman ko oi." aya ko kay bibi Zion.
Mabilis naman itong sumang-ayon sa akin. Nagpabuhat pa ito patungo sa kitchen nila. Thankfully ay alam pala ni Zion ng pasikot-sikot ng Big Brother House ni ultimate crush.
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko ang babae na siyang nakipag-usap sa akin kanina.
"Good evening, sir-ay Lawrence."
Nginitian ko si ateng. Nagpupunas kasi siya ng mga kobyertos sa may island country. Ay tama ba ako? Nevertheless, hindi naman 'yan kabawasan sa cuteness overload ko at pagkaflawless ng skincare ko.
"Wala moy mga batasan. Wala mo mangagda og panihapon!" istrikto kong pagdadrama.
Umawang lang ang labi ni ateng girl.
"S-sir?"
Medyo nainis ako kasi 'Sir' na naman ang tawag niya sa akin. 'Di na siya na-lecture!
"Nevermind. Magluluto nalang ako ng dinner namin ni bibi Zion."
Iniwan ni ateng ang pagpupunas sa mga kobyertos. Sunod niyang winiwasiwas ang kanyang kamay sa ere.
"Nakaluto na kami, Lawrence. Aayain ka namin sana sa dinner kanina kaso sabi ni Sir Xavier ay nagpapahinga ka raw kaya hindi ka na namin dinisturbo."
Napaipit ako sa aling ibabang labi. Halos maipit na rin si bibi Zion na buhat-buhat ko dahil sa pagpipigil ko ng kilig. H'wag niyang sabihin na concern na si Xavier sa well-being ko? Nahuhulog na rin si Xavier sa akin? Oh my gosh! Kakakilala lang namin tapos ganito na. Tsk! I guess ito na ang simula ng Love Story by Tayloy Swift namin ni Xavier.
Nilapag ko si Bibi Zion sa upuan at tinulungan si ateng girl sa paghahain ng dinner namin ni bibi Zion.
"Anong name mo ateng?"
Pasimpleng ngumiti si ateng sa akin.
"Ang pangalan ko ay Arianna," sagot niya sa akin.
Bumilog ang eyes ko.
"Arianna... Grande?" Exaggerated kong untag.
Tumawa naman siya.
"Hindi! Arianna Granade!"
"Huh!!!" Napasigaw ako.
"Real na real 'yan?"
"Joke lang, Lawrence! Ang funny mo." anito at tawang-tawa si ateng Arianna Granade.
"Arianna Granada na talaga ang fullname ko, Lawrence."
Tawang-tawa ako sa fullname ni ateng Arianna. Sumakit tuloy ang tiyan ko kakatawa. Hindi ko namalayan na para na niya kong pinapatay sa mga titig niya.
Nagpeace sign nalang ako rito.
Pinakain ko si bibi Zion at saka pagkatapos naming maghapunan ay nanood kami ng movie sa kanilang movie theater. Oo maypa ganon itong bahay ni Xavier. Iyong pinanood namin ni bibi Zion na three hours movie ay hindi namin natapos nang kapwa kami makatulog.
Naalimpungatan na lamang ako nang pakiramdam ko nililindol na ako sa aking kinahihigaan. Isturbo! Walang modo!
"Ano ba?! Kitang natutulog na pa ang tao-" Pagkabukas ko sa mata ko ay nalunok ko ang bulyaw ko ang makita ko si Xavier sa aking uluhan. Kailan pa binuksan ang mga ilaw? Medyo nagulat tuloy ang eyes ko sa liwanag.
Nanlilisik na ang mata nito sa akin at umiigting ang mga panga.
Sing bilis ako ni The Flash na bumangon at sa kasamaang gulong ng palad ay nagkauntugan ang ulo namin ni Xavier. Halos mahilo ako sa lakas ng impact no'n.
"What the fuck!" Crispylicious na mura ni Xavier.
Napatingin ako kay Xavier habang hinihimas ko ang umaapoy kong noo.
Naupo sa sahig si Xavier at namimilipit sa sakit ng kanyang noo.
Nilapitan ko ang kawawa kong ultimate crush. Umupo ako sa harapan niya at kinuha ang kanyang kamay na nakahawak doon sa parte kung saan din siya natamaan.
Marahan kong hinimas iyon sa daliri ko at hinipan pagkuwan. Tanda ko pa kasi na iyon ang ginagawa ni Mama Aubrey sa akin kapag nauuntog ako.
"Sorry, sorry Xavier. Ikaw naman kasi ginugulat mo ako." Paninisi ko sa kanya. Kasalanan niya naman talaga, well feeling ko.
"So ako pa ang may kasalanan ngayon?" untag niya sa mababang tono habang nakatingin lang sa akin.
Nang dumapo ang mga mata ko sa seryosong mukha ni Xavier ay parang saglit na tumigil ang lahat sa paligid ko. Kasabay no'n ang pagwala ng puso ko. Saka lang rumehistro sa utak ko ang distansya naming dalawa ni Xavier. Iyong kamay ko na nakahawak sa kanyang noo habang ang isa naman ay nakatungkod sa gilid niya. Siya naman ay nakaupo lang sa sahig at nasa pagitan ako no'ng magkahiwalay at nakafold niyang binti.
Sa konting distansya namin animo'y iisa nalang lang ang hininga namin.
Bigla naman akong sininok kaya naman doon ako naitulak ni Xavier. Bumagsak tuloy ang pwet sa sahig nang mawalan ako ng balanse.
Mabilis na tumayo si Xavier. Akala ko tutulungan niya ako nang talikuran niya lang ako. Iniwan niya akong naguguluhan, durog at may pighati. Eme lang! Kaya ko naman tumayo mag-isa, no!
May inis akong tumayo at pinagpag ang suot ko. Lumabas ako ng theater room at hinabol si Xavier. Nang mahabol ko si Xavier ay hinablot ko ang braso nito.
Marahas itong napaharap sa akin na may galit sa mga mata niya.
"What the-"
"Gano'n- gano'n mo lang ako iwan?! Pagkatapos mo akong pakinabangan at gamitin?" Pag-acting ko na kinalaki ng butas sa ilong ni Xavier.
Napahilamos na naman siya sa kanyang mukha. Namumula na rin ito.
Lumagapak ang daliri nito sa noo ko.
"Aray!!" daing ko nang bigla nitong ginawa.
"Matulog ka na. Nananaginip ka pa, e."
Ngumiwi ako. Akala ko magkakaksukatan kami ngayon sa aming acting skills.
Ngumiti ako sa kanya na hindi kita ang mga ngipin ko.
"Wala man lang goodnight kiss?" ako with beautiful eyes.
Nasamid ito sa sarili niyang laway.
Tinaasan niya ako sa kilay niya.
"Sa ilusyon mo nalang total doon ka naman magaling."
Naipadyak ko nalang ang paa ko nang talikuran ako nito. Lintik naman hindi pala ako nakaganti sa pagpitik niya sa noo ko. Tapos wala pang goodnight kiss! Bukas na bukas gaganti ako! Iba na pipitikin ko sa kanya!
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top