CHAPTER 5

Chapter 5

Mark Lawrence Pov


I cannot describe kung gaano ako ka-disappointed sa sinabi ni Xavier sa akin. He used to be my crush. He used to be my beloved. He used to be my one and only star in the gazillions of stars in the universe. He is my pangga—my hinigugma. At dahil sa sinabi niya sa akin nawala ang lahat ng iyon. Lahat ng paghanga ko sa kanya ay nawala!

Nagmarka sa puso ko ang kanyang sinabi at kagaya nga ng sinabi ko disappointed ako sa kanya. Papaano nya ito nagawa sa akin? Papaano niya ito nagagawa sa kanyang number 1 fan? Hindi man lang ba niya iniisip ang damdamin ko? Wala ba siyang puso? Pero malamang meron kasi buhay siya. Hindi ba niya iniisip ang kapakanan ng anak namin? Eme lang.

Eme lang ang lahat kasi kahit na ganoon ang sinabi niya ay wala naman akong paki. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong paki kung sasakit ang mata niya kapag tumitingin sa prettyness kong mukha. At mas lalong wala akong paki kung dudugo ang tainga niya sa bunganga ko. At two months? Who cares!?

Wala talaga akong paki sa sinabi niya sa akin kasi wala naman akong plano na mag-stay sa buhay niya, 'no? Kapag siguro pinakasalan niya ako ay mags-stay ako pero kung babysitter lang naman ay thank you nalang. May balak akong iahon ang Pilipinas sa kahirapan, e. Basta kahit na anong sama ni Xavier sa akin ay wala akong paki kasi siya pa rin ang apple of the eye ko. Siya pa rin ang sinisigaw ng pusong ligaw ko. At dapat siyang magpasalamat doon. Ang hirap kaya magkagusto at magka-crush sa isang tao na walang pakialam sa damdamin mo. Heartless at its finest, e.

"Hey!" Ang ganda ko ay napaigtad dahil sa biglaang tawag ni Xavier sa akin. Ginoo ko! Ngayon niya lang ako nakita at nakilala pero pakiramdam ko gandang-ganda na sa akin itong si Xavier! Tawag na siyang nang tawag sa akin, e! Naman! Dito na ba magsisimula ang love story namin si Xavier? Dito na ba uusbong ang walang hangganang pagmamahalan namin? Pagmamahalan na hahamakin ang lahat makasama lang ang isa't isa? Kinilig ako sa sariling exploration ng utak ko!

"Yesh?" sagot ko kay Xavier na kinasingkit ng mata niya. Aysus pa-fall naman ito. No need na Xavier. Hulog na hulog na ako. Sasalo nalang ang kulang. Eme!

"Umayos ka kapag kinakausap kita kung gusto mong magtagal sa tabi na ng anak ko." untag niya.

My eyeballs rolled 360 degrees because of what he said. Ulyanin ata itong si ultimate crush, e. Akala ko ba two months lang itong relationship namin? I mean, akala ko two months lang ako sa piling niya-ay ni bibi Zion pala.

Bumuntong hininga ako. Akala ba talaga nitong si Xavier ay matatakot doon sa sinabi niya? Ang weak ng threat niya, ha. Wala bang extreme threat d'yan?

"Oo na. Oo na. Sinasagot na kita!" Nakangisi kong untag kay Xavier. Napahawak ito sa kinauupuan niya at laglag ang panga sa sinabi ko.

"W-what did you say?" nauutal niya tanong sa akin.

"Eme lang Xavier. Ang seryoso mo kasi, e."

Rinig ko ang munting tawa ni ateng Cesna, ang manager ni Xavier, na nasa shotgun seat.

Tumikhim si Xavier.

"Eme? What's that? Anyway, kapag tinatanong kita sumagot ka ng maayos. Ayaw ko nang binibiro ako." seryoso na niyang sabi sa akin.

Nagpakyut ako kay Xavier. Nginusuhan ko siya.

"Opo. Sorry po."

"Don't fucking use po on me!"

Napatakip ako sa bibig ko. Ang bastos naman nitong bibig ni Xavier! Kailangan yata nitong ma-disinfect using my kissable and pink lips!

"Hay! Ito na seriousness na. Alam ko. Alam kong ayaw mo sa akin, Xavier. Pero sad to say wala rin akong paki roon. Saka yes ulit. Narinig kita na pang two months lang ako." Nakita ko ang pagkunot sa noo ni Xavier at handa na naman sanang bumuga ng apoy sa akin kaso nagsalita nalang ulit ako. "I mean, narinig ko ang sinabi mong two months lang ako sa tabi ni bibi Zion at babalik din ako sa mahal kong probinsya. Klaro na? Do I need to reiterate what I just said?"

Parang nakukunsimisyong hinilamos ni Xavier ang palad sa kanyang mukha. Finally, I got to witness this kind of view! Ugh! Why so handsome, ultimate crush? Unti-unti na sana akong nakakakita ng heart shapes sa paligid nang biglang bumaling sa akin si Xavier na parang lion na handa nang lapain ang biktima niya! Ang pangit naman nito pumutol ng momentum!

"Mabuti nang sa simula palang Mr. Alipalo-"

"May maganda akong pangalan. Mark Lawrence. Kaya huwag mo akong tawagin sa surname ko." Walang hiyang putol ko sa kanya. Diniinan ko pa ang pangalan ko.

Umigting ang panga nito.

"Okay, Mark Lawrence-"

"Pero kung gusto mo pwede mo akong tawaging love, mahal, babe, baby, babygirl, darling, at sweetie katulad ng ibang couple-"

"Shut up! Shut up kung ayaw mong itapon kita sa labas!" Parang naputol ko na ata ang huling pasensya niya.

Mabilis kong nai-ziplock ang bibig ko. Masisira pa yata ang ganda ko dahil sa kadaldalan.

"Shut your mouth for once! Goddammit!"

Muntik na sana akong mapatili dahil sobrang hot ng pagmura ni Xavier kaso naalala ko na dapat ko palang i-shut ang mouth ko. Nanginsay ako sa kinauupuan ko! Blessing din talaga itong pagsama ko kina bibi Zion. Goshness! Payag na yata akong murahin ni Xavier araw-araw.

"Are you listening to me?!" Napalundag ako sa lakas ng boses ni Xavier. Pati si bibi Zion na nakaunan sa lap ko ay gumalaw dahil sa lakas ng boses ni Xavier. Ginoo ko!

Tumango ako rito saka tinapik si bibi Zion upang makabalik sa pagtulog.

"If not only for my son hindi talaga kita isasama sa amin, Lawrence." saad nito na punong-puno ng pagsisisi ang boses.

"Kung hindi rin naman kay bibi Zion ay hindi ako sasama rito." Gusto ko sana iyong isagot sa lalaki na nakukunsimisyon sa akin ngayon pero mas pinili ko nalang na itikom ang bibig ko dahil baka mag-ala Darna na ako ngayon dito. Makalipad pa ako sa ibang dimensions.

"Gusto ko ring idagdag na kung anuman ang nalalaman mo at nakikita mo sa bahay ko pagdating natin. O habang nasa puder kita ay mananatiling atin lang. Gusto sana kitang papirmahin ng non-disclosure agreement."

Napatanga ako rito. Anong non-disclosure agreement? Masyado naman yatang nag-o-overreact itong si Xavier. Talaga bang hindi na mapagkakatiwalaan itong mukha ko? Aminado naman akong maalindog talaga ako kaso hindi naman kailangang umabot pa kami sa pagpirma ng non-disclosure agreement?

Kaya naman hindi ko na talaga na timpi at nagsalita na ako.

"Ayaw ko pumirma n'on! Alam kong hindi ka nagtitiwala sa akin pero sana naman kahit konti magtiwala ka. 'Di man katiwa-tiwala itong pagmumukha ko at lapitin man ako sa disgrasya minsan. Pero marunong naman akong mag-ziplock sa bibig ko. Alam ko naman kung kailan ako dapat magsalita. Alam ko kung ano lang ang dapat kung sabihin." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tsk! Wala rito si mama Aubrey at kuya Cams / Camelot para ipagtanggol ako kaya dapat lumaban ako para sa sarili ko.

"Fine." Labas sa ilong na wika lang nito at tumingin sa labas ng bintana.

Napalabi ako habang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ng aking iniirog. Sino nga bang mag-aakala na may anak na ito? Sinong mag-aakala na ang isang Xavier Faleiro ay may bubwit na pala? Swerte naman ng babae niya.

Ngayon ko lang naisip ito pero... titira ba ako sa bahay ni Xavier kasama ang asawa nito? O ng girlfriend niya? O baka fiance?

Bumuntong hininga ako. Wala nga pala akong paki roon. Ang importante ngayon sa akin ay si bibi Zion. At isa pa dapat kong ipaalala sa sarili ko na dalagang Filipina ako. Hindi ako basta-basta na naakit o ano!

Ngumiti ako saka ko sinuklay ang buhok ni bibi Zion. Gumalaw ito at nagising. Tinulungan ko siya sa pagbangon niya.

"Mami." Ako kaagad ang hinanap ni Zion. Kumandong pa siya sa akin at yumakap.

"Okay ka lang, dong?" tanong ko rito at hinaplos ang likod.

"I had a bad dream, mami."

"Ano ang bad dream ng bibi ko?"

Humiwalay siya sa akin at ngumuso. Hayst! Nagpapakyut na naman siya sa akin! Porket alam niyang humaling na humaling ako roon.

"You leave me in my dream, Mami." Lumabi ito bago pumikit at nagbasakan ang mga preskong luha.

"Bibi."

Pinunasan ko ang luha niya.

"Bibi, hindi kita iiwan. Saka sa dreamlad mo lang iyon, okay?" Paglilinaw ko sa kanya.

"But if it feels so real, Mami. I don't want you to leave me, mami."

Nginitian ko si bibi Zion.

"Hindi ka nga iiwan ni Mami, okay? Mahal ka ni Mami kaya hindi kita iiwan." Klaro ko sa kanya.

"Ohm, i love you, mami ko."

Para namang may humaplos sa munting puso ko. Ganito siguro talaga kapag isa kang ina, ano? Eme lang! Nagpi-feeling na naman ako.

Yumakap sa akin si bibi Zion kaya naman niyakap ko rin siya. Sarap na sarap na ako sa yakap ni Zion nang paglingon ko kay Xavier ay para na itong tigreng handang manlapa! Muntik na akong magkaroon ng heart attack by Demi Lovato.

"Ano?" Medyo na irita na ako rito kay Xavier. Masyado siyang maraming trust issue. Pinapagaan ko lang naman ang damdamin ni bibi Zion. Ano ba kasing gusto niyang sabihin ko? Na iiwan ko rin ito? Na magkakatotoo ang dream ni Zion? Sumusobra na itong ultimate crush ko porket may puwang siya sa pusong ligaw ko.

"He's not... t-that clingy to me or to his mother." komento niya at nakatuon ang mata sa anak niyang nasa kandungan ko at mahigpit pa rin akong niyayakap.

"I'm his Wonder Woman kasi."

Kumunot naman ang noo ni Xavier sa s-in-ay ko. Goshness!

"Ako kasi ang savior niya. Iyong nag-save sa kanya mula roon sa gubat." paliwanag ko kay ultimate crush na ang hina ng pick-up sa mga sinasabi ko. Humaling na humaling kasi sa alindog ko!

Dahil eroplano ang sinakyan namin mabilis lang kaming nakarating sa Manila. Pagdating doon ay humiwalay sa amin si Xavier pero nang may sumundong itim na van sa amin sa labas ng airport ay nanduroon na si Xavier. Naka-mask ito at naka-cap din.

Tinapik ni Xavier ang bakanteng upuan sa tabi niya kaya naman malalaki ang ngiti kong umupo roon sa tabi niya. Nag-beautiful eyes pa ako rito.

"Ang anak ko. Si Zion ang uupo d'yan sa pwesto mo." Sira nito sa magandang mood ko.

Akmang tatayo na ako para lumipat ng upuan kaso nagsalita naman si bibi Zion.

"No, mami. Sit nalang ako sa lap mo."

"Really, dong?"

Tumango ang bibi ko.

"Yes, mami!"

"Hmm? Pak! Pak! Ganern-ganern?!"

Humagikhik pa ang bata. Naaliw sa ganda ko.

"Yes, mami. Pak! Pak! Ganern-ganern!"

Parang wala man lang jetlag si Zion na umakyat sa kandungan ko. Inamoy pa nito ang leeg ko.

"You smell so good po, mami!"

Syempre dikit ako nang dikit sa daddy mo, e.

"Syempre naman, dong!"

Palihim akong tumingin kay Xavier kaso nang matagpuan ko naman ito. Masama ang tingin niya sa akin kaya napaatras ako bigla.

"Don't teach my son with your craziness, Mark Lawrence."

Nginitian ko lang ito na hindi abot sa mata ko. Only my lips stretch up.

"Okay po—ay Xavier!"

As much as I want to get Xavier's attention pero pinigilan ko ang sarili ko kasi nga dalagang Filipina ako at inaalala ko na may anak na ito at may babae na ito. Disappointed man ako, grateful pa rin kasi I get a chance to be this close with my idol.

Napanguso ako. Hindi pa pala ako nakakapagpapa-picture dito.

Winaksi ko sa isipan ko ang bagay na iyon dahil may ibang pagkakataon pa naman siguro, diba? Magkakasama kami ng two months, e. Kaya naman sa byahe namin tungo sa bahay ni Xavier ay inaaliw ko lang ang sarili ko kay Zion na daldal nang daldal sa akin. Mabuti na rin kasi baka mapanis ang laway ko kay Xavier, e. Sungit ni ultimate crush.

"Wow! Pak na pak!" Eksaherada ko pagkababa ko sa van na aming sinakyan! Halos malula ako sa laki ng Big Brother House ni Xavier. Mula sa entrada nitong bahay ay medyo malayo-layo pa talaga rito sa main door ng bahay. Pero dahil dumeretso rito ang van sa harap ng mansyon ay nasaksihan ko kaagad itong napaka-gorgeous na bahay na 'to! May pa tubig-tubig pa ito sa bawat kanto ng bahay at dahil sa natural na liwanag ng araw mas lalong nakakamangha itong facade ng bahay.

Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang binuksan iyon ng isang maid mula sa loob kaso napansin kong wala pala sa tabi ko si bibi Zion.

Paglingon sa loob ng van ay nanduroon pa siya.

"Oi, dong ali na." Kinamay ko pa siya.

Si Xavier naman na nakababa ay pinagmasdan din ang anak namin este niya lang pala.

"Come here, Z." si Xavier at binukas pa ang kamay para buhatin si Zion kaso tumingin lang bubwit sa akin.

"Mami," tawag nito sa akin.

"Oh?" ani ko.

"Carry me, please." Pakyut ni bibi Zion.

"Ako nalang Z." singit si Xavier at walang pasabi na binuhat ang bata.

Sumimangot lang si Zion at tumingin sa akin.

"I want my mami-"

"His so thin Z. His bone might break if he carries you."

"A-ano?" nauutal kong angal sa kanya.

"No, mami is very strong." argumento naman ng anak ko. Eme!

Nag-thumb's up ako kay Zion. Tamang behavior bibi ko! Ipagtanggol mo ako mula d'yan sa daddy mo!

"Whatever I don't really care." si Xavier at nauna nang pumasok sa loob ng bahay nito.

Inis kong napadyak ang paa ko sa sahig bago kinuha ang bag ko. Magma-martsa na sana ako papasok nang may isang maid na lumapit sa akin.

"Ako na po magdala sa bag ninyo, sir."

"Ma'am." Pagtatama ko rito.

"Sorry po, m-ma'am."

"It's okay first time ride mo naman." agap ko rito.

"Ho?" Gulat na gulat yern?!!

Nginitian ko siya na parang pang-model ng toothpaste.

"Pero ate tawagin n'yo nalang po akong Rence or Lawrence. Either which is maganda naman." Ang farewell speech ko kay ate bago sinundan ang mag-ama ko sa loob ng Big Brother House.

Pagkapasok ko naman sa loob ay kuminang halos ang mata ko sa mga nakikita ko. Isang nakaw ko lang siguro sa mga gamit dito ay yayaman na ako. Ang problema nalang ay kung papaano ko ito pupuslit ng walang nakakakita. Down floor lang itong Big Brother House ni Xavier pero napapatanga ako sa mga naka display'ng palamuti sa bahay. Tapos may mga awards niya roon sa living area. I bet sinadya iyong ilagay ni Xavier ang mga awards niya roon para magpa-inggit sa bisita niya. Tskk!

"What are you looking at?" Pagsira ni Xavier sa pag-iexplore ko sa loob ng pamamahay niya.

"Wala lang. Iniisip ko lang kung papaano ako makakapagnakaw rito nang walang nakakaalam." tugon ko rito na kinalaglag ng panga niya.

Si Zion na buhat ni Xavier ay nanlalaki ang mata.

"Joker lang iyon, bibi ko." saad ko kay Zion. Ngumiti naman ito at tumungo sa akin. Itong si bibi Zion talaga ay gets na gets lagi ang mga sini-say ko. Unlike sa ama niyang laging galit sa mundo pero crush ko pa rin.

"Don't bother thinking about such kind of thing, Lawrence. Hindi mo 'yan magagawa rito sa bahay ko."

Tinanguan ko lang siya.

"Sumunod ka sa akin. Ipapakita ko sayo ang magiging room mo." pahayag nito.

Napapapalakpak ako sa ere.

"Ay bet ko 'yan. Let's go!" Ako pa ang  naunang maglakad kay Xavier pero ilang hakbang lang ang nagagawa ko ay may humila na kamay ko.

Napaigtad ako roon nang maramdaman ko na para akong na electric shock! Tabang ginoo mao pay pag-abot nako diri sa Manila! Nawala tuloy ang ngiti ko dahil doon at napatingin sa kamay ko na binitawan ni Xavier.

Naibaba ni Xavier si bibi Zion at mas lumapit sa akin. Kinuha nito muli ang kamay ko at nag-investigate roon.

"Are you okay? Is there something wrong?" puno ng pag-aalalang sambit ni Xavier.

"A-ano lang kasi."

"Mami."

"Tell me, Lawrence."

Tiningala ko siya Xavier na nakatingin sa akin na may pag-aalala sa kanyang buong mukha. Mas pumupogi siya sa eyes ko kapag gan'on. Ene be!

"I think I'm falling for you." Biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon bago ko pa mapigilan.

Padarag na binitawan ni Xavier ang kamay ko.

"Putang-"

Mabilis kong tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay ko.

"May bata Xavier," paalala ko.

Inis nitong kinuha ang kamay ko sa bibig niya.

"Umayos ka kasi! Nasa pamamahay kita Mark Lawrence at kung anuman ang mangyari sayo responsibilidad kita. Kaya umayos ka."

Napalabi ako.

"Sorry." Kusa nalang kasing lumalabas iyon sa bibig ko. Minsan nga nauuna pang lumabas ang mga kung ano-nong salita sa bibig ko bago ko iyon maisip.

***
Thank you for reading, Engels!😍❤️

꧁A | E꧂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top