CHAPTER 38
Chapter 38
Xavier Pov
We contacted law enforcement, and Lara was detained. Our legal team will manage all aspects of our case. However, the authorities are still searching for Kyline.
Tiningnan ko sa aking palad ang maliit na papel na galing kay Lara. I can't be wrong. Ito ang pangalan ng anak ni Lawrence. Nabasa ko ang pangalan nato sa puntod ng bata at doon sa resulta mg DNA test.
What... does this mean? How did this happen? Anak ko si Z... tapos anak din ni Lawrence si Z? Godd*mmit! This is impossible!
"Xavier?"
Napatingin ako kay Xaña na galing lang sa kusina at gumawa ng maiinom namin. Tiningnan ko ang kapeng binaba niya sa center table. Umuusok pa iyon at umaalingasaw ang matapang na amoy ng kape.
Umupo si Xaña sa tabi ko.
"What's your decision?"
Umiling ako kay Xaña. Everything feels overwhelmingly complicated and challenging at the moment. It’s as if I’m caught in the midst of a riddle, desperately trying to unravel the hidden meanings and truths woven into the fabric of my life.
"Lara was so determined that you weren't the father, Xavier. But the DNA test shows that your DNA and Zion's DNA match! It's getting more and more complicated, Xavier, but at least Zion is really yours. Ngayon... siguro kailangan munang pagbayaran ni Kyline at Lara ang ginawa nila kay Zion at sa panlililanlang nila sa'yo. At saka kailangan nating mahanap if may naging babae ka noon na nabuntis mo?" sabi ni Xaña pero ako ay nakatingin lang sa papel na hawak ko ngayon. "For me, it's fine that we don't have to look for Zion's mom, but this is for his own good as well. Kasi ngayon hindi pa magtatanong si Zion pero kalaunan ay maghahanap din siya ng nanay niya."
Walang alam si Xaña sa mangyari kay Lawrence. Wala siyang alam na umuwi na si Lawrence sa totoo nitong pamilya at nandirito lang si Lawrence sa Manila. Walang alam si Arianna sa mga nangyayari kaya wala rin itong ibang masabi kay Xaña kung hindi ang pag-alis lang ni Lawrence.
"It's a good thing that Lawrence isn't here, Xavier. Ngayon mas makakapagpukos na tayo sa paghahanap ng ina ni Zion o sa babaeng nabuntis mo at sa paghahanap kay Kyline." Komento ulit ni Xaña pero lumulutang pa rin ang utak ko sa ibang bagay.
I'm trying to connect the dots here. If I am Zion's father and if I’m correct that Zion and Eiji Calderon, Lawrence's long-lost child, are the same… I… shit… Am I one of Lawrence's vi*lators! D*mmit! Ako ba ang isang violators niya na hindi pa nila nahahanap at nakikilala?
A wave of horror and coldness surged through my body as the realization struck me, hitting my gut like a bullet. My hands trembled, and beads of sweat formed on my temples as the moment dragged on.
I want to puke in disgust! Disgust for myself and my regrets. If I am one of the people who caused my baby's torment and trauma—Jesus! Am I even human? How can I live with myself after what I did to the person I mol*sted? A monster... a disgusting rascal like me doesn’t deserve to breathe or live in this world. How am I different from those criminals out there?
I looked at Xaña. Ayaw kong magkwento sa kanya tungkol kay Lawrence. Ilang beses na niyang nabanggit si Lawrence kapag nag-uusap kami, ramdam kong gusto niyang buksan ang topic namin tungkol kay Lawrence, pero mas pinipili kong itikom ang bibig ko dahil wala ako sa lugar upang ipagsabi sa iba ang nangyari kay Lawrence. Kung may dapat mang magkwento ay si Lawrence iyon.
"X-Xaña..."
Xaña's eyebrows arched in surprise, her gaze fixed intently on my face as a look of confusion washed over her.
"Wait," lumapit siya sa akin at humawak sa mukha ko. "Xavier? What's wrong? You're so pale! Anong nararamdaman mo? May kailangan ka ba?" Natatarantang tanong ni Xaña sa akin. Lumipat ang kamay niya sa kamay ko na nanlalamig at nanginginig.
"X-Xaña..."
Xaña's hands pressed firmly on my shoulders, shaking me gently but insistently, as if she were trying to rouse me from a deep slumber
"What's wrong, Xavier? You are making me nervous!"
My vision blurred as tears welled up, pooling in my eyes and obscuring everything around me.
"I... I think... I know Zion's..."
"Mother?" Her hasty interruption didn't allow me to finish my shaky words.
"The... t-the person I got pregnant with, Xaña. I... I think it's L-Lawrence." Finally, I managed to finish my sentence despite my trembling nerves that threatened to betray me.
"N-nabuntis mo... si Lawrence? Si Mark Lawrence? Xavier huwag kang magbibiro ng ganyan ngayon. Hindi p-porket kayo na ni Lawrence at nalaman nating hindi mo nga nabuntis si Kyline ay ipapaako mo na kay Lawrence ang bata." Inilayo ni Xaña ang kamay sa akin.
Napasipsip siya sa kanyang kape. Naibagsak niya pa iyon.
"Maayos na ngayon si Lawrence sa Cebu, Xavier. Kung sinasabi mo lang ito para bumalik si Lawrence dito. Pwes, may iba pang paraan para makabalik si Lawrence nang hindi mo ipinapaako ang bata na hindi naman sa kan--"
"Wala si Lawrence sa Cebu, Xaña. I-if you are thinking that I am saying ridiculous and craziness here, no, I'm not saying this para lang makabalik dito si Lawrence!"
Frustrated na napahilamos sa kanyang mukha si Xaña. Her eyes were bloodshot.
"Eh, ano ang ibig mong sabihin? Si Lawrence ang nabuntis mo dati? Ano ba si Lawrence?"
"A... a bearer, may condition si Lawrence na ganyan."
Xaña's mouth hung open in astonishment at my response; it was clear she hadn’t seen that coming.
"And... do you mean that... that you got him pregnant? Why? How, Xavier? Alam ba ito ni Lawrence? Matagal mo na bang alam na may anak si Lawrence?" Gulong tanong ni Xaña.
My gaze returned to the small piece of paper crumpled in my hands. I had no choice but to explain to Xaña about Lawrence and the reasons for his departure from my home, hoping she would understand the complexities of the situation.
"W-what? He was mol*sted a-and..." Hindi matapos ni Xaña ang kanyang nais sabihin nang takpan niya ang kanyang bibig at tumulo ang luha.
"Y-you are one of those... disgusting men who... d*mmit! Did you really do it to him?"
My tears fall. "I... I don't know, Xaña. Wala akong maalala kung isa man ako roon."
"What?!"
"I don’t remember anything. Lawrence may be familiar to me, but I have no recollection of being with him before! At para malaman ang totoo... k-kailangan kong makausap si Lawrence. He needs to know about Zion and--"
Mabilis na hinawakan ni Xaña ang palapulsuhan ko.
"Makukulong ka k-kapag mapapatunayan na i-isa ka sa gumawa no'n kay L-Lawrence!"
Hindi lang ako makukulong, mapapatay pa ako ng mga kapatid ni Lawrence.
"I don't care, Xaña."
"Xavier..." si Xaña na tila nanghihina nang bumagsak ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.
"I don't deserve to be a father kung isa ako sa vi*lator ni Lawrence, Xaña. Lawrence and Zion deserve better if that's the case."
Tumayo ako, desididong puntahan at sabihin kay Lawrence ang tungkol kay Zion.
"Mawawala a-ang lahat ng p-pinaghirapan m-mo, Xavier." Hagulhol ni Xaña.
Bumaling ako sa aking kapatid. "It's for Lawrence and Zion, Xaña."
Tumayo si Xaña at hinarangan niya ako sa aking daraanan. Pinunasan niya ang kanyang basang pisngi at tiningala ako. Humawak siya sa aking braso na para bang doon siya kumukuha ng lakas sa higpit no'ng kapit niya.
"Hindi... hindi mo kailangang umamin, Xavier. Pwede tayong lumayo dito. Babalik tayo sa London, dadalhin natin si Z doon at mamumuhay tayo ng tahimik. We can do that. Xavier... ayaw kong makulong ka."
Tinanggal ko ang kamay ni Xaña sa aking braso na parang pinako ito doon. Kinulong ko ang mukha niya gamit ang palad ko at hinalkan ang kanyang noo.
"I love you, Xaña. Pero hindi kakayanin ng konsensya ko itong mga nalaman natin ngayon. Si Lawrence hinahanap niya rin kung nasaan na ngayon si baby Eiji. And Zion deserves more than what I can offer to him."
Sa mga sinabi ni Lara at sa kwento ni Lawrence kung ano ang nangyari kay baby Eiji ay nagtutugma. Nasunog din kasi iyong ospital kung saan pinanganak si baby Eiji at sa kwento ni Lara bago nasunog iyong ospital kung saan niya nakuha si Eiji tangay na niya ang bata. Everything is connected especially the baby's name... Eiji Calderon.
_ _ _
"Are we going to visit Mami Lawrence, Daddy?" Zion said excitedly as I placed him in the backseat of my car.
"Yes, baby, gusto mong makita si Mami Lawrence mo, right?"
Magiliw siyang tumango sa akin.
Napatitig ako sa mukha ni Z.
"Can I sleep at Mami's house too, Daddy?"
Ginulo ko ang kanyang buhok. "Yes, sasabihin natin sa Mami mo."
"Yay! Thank you, Daddy! I really, really miss my Mami!"
'Yeah, your Mami.' I inwardly said.
I kissed Zion's forehead before closing the car door, then turned to the driver’s seat and started the car.
"Daddy, are we going to ride a plane too?"
Sinilip ko sa rearview mirror ang anak ko. "No, Z."
"Malapit lang po ang house ng Mami ko, Daddy?"
"Not really, but we don’t need to ride a plane," I explained.
"Yey!"
While we were on our way, I kept stealing glances at Zion. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ni Zion. I had always dreamed of a complete family for him, but not like this. I had envisioned a life with Lawrence too, but what if our pasts are intertwined? How can we face that? A perpetrator and his victim cannot live in the same house or be together! That’s sick! Besides, Lawrence’s brother would bury me alive before that ever happens!
"D-dong!"
"Mami ko!"
Si Lawrence ang nagbukas ng gate para sa amin ni Z at nang magkita sila ni Zion ay kaagad silang naglumpungan. Lawrence dressed casually in a pair of denim shorts and an oversized T-shirt. Sa pagsasama namin sa bahay ko, nasanay na rin ako na ganoon ang damit niya at doon siya komportable.
"Miss na miss kita, dong!"
"I miss you too, Mami ko! Ate Arianna is not good at storytelling, Mami! Hindi ako nakaka-sleep ng early because pangit ang kwento ni Ate Arianna!"
Natawa si Lawrence. "Tuturuan ko si Arianna, dong!"
"No, Mami! Dito na lang ako mag-sleep sa house mo. Gusto ko po ikaw katabi, Mami ko."
Pinisil ni Lawrence ang taba sa pisngi ni Zion.
"Miss ba ng fluffy baby ko katabi si Mami?"
"Yes, Mami!" si Zion muling yumakap kay Lawrence.
Pagkatapos nang yakapan at kamustahan nina Lawrence at Zion, saka lang bumaling si Lawrence sa akin.
Tumayo siya sa harap ko at ngumiti ng malapad. My heart aches at the sight of his smile. I’ll be the one who will destroy those smiles from his lips. Lawrence will hate me, and my baby will eventually curse me to death too!
"Pangga, hehehe!" si Lawrence at saka ako niyakap.
Pumikit ako ng mariin at saka ginapos ang braso ko sa maliit niyang baywang. Mahigpit ko siyang niyakap at binaon ang mukha ko sa kanyang leeg. Nilanghap ko ang bango sa kanyang leeg at kahit papaano ay kinakalma ako no'n.
"Akala ko nakalimutan mo na ako, Pangga! Akala ko RIP na ako d'yan sa isip mo at pusong ligaw mo!"
I miss this kind of wording from him. I miss this kind of attitude from him. D*mmit! But right now, I can't bring myself to smile at his silliness.
"I miss you, baby. I miss... I miss you so much," I said, almost crying on his neck!
"Na miss din kita, pangga! Mabuti at nakadalaw na kayo rito ni bibi Zion!"
Tumango lang ako at saka yumakap pa sa kanya nang mahigpit. Tinapik niya ako upang putulin ang aming yakap.
"Pasok muna tayo, Pangga!" Ngumisi siya sa akin at kaming dalawa ni Zion ang kanyang hinila papasok sa bahay nila.
"Mama!" Kaagad na tinakbo ni Zion si Manang Dilya at saka niyakap.
"Zion!" Si Manang Dilya naman at mabilis na iniwan ang ginagawa upang mayakap si Zion.
"Hey, Zion!"
Naibaling ko ang aking ulo sa pinanggalingan ng boses at makita ko si Camelot na pababa sa hagdanan. Malaki ang ngisi sa labi ni Camelot habang nakatingin kay Zion at Manang Dilya na nagyayakapan!
"Kuya Camelot!"
Nang malapitan ni Camelot si Zion ay mabilis niyang kinarga ang anak ko. Muntik ko nang makalimutan na nakasama pala nila si Zion sa Cebu ng dalawang linggo, kung kaya't ganito kagulat si Zion na nakita niya sina Manang Dilya at Camelot.
"Hey, buddy!"
"Dito ka po nagw-work, Kuya Camelot?" Pabulong na tanong ni Zion sa tenga ni Camelot.
"No, I live here." sagot naman ni Camelot kay Zion.
At habang na kay Camelot at Manang Dilya ang atensyon ni Zion. Kinabig ko naman ang baywang ni Lawrence palapit sa akin. Kaagad na niyakap ni Lawrence ang kamay sa aking katawan.
"Can we talk? May... may sasabihin ako sa'yo." Mahina kong untag at nilaro ko ang tela ng kanyang oversized shirt.
Malamyos ang titig ni Lawrence sa akin at may ngiti sa labi. Yet, despite the warmth in his gaze, I couldn’t help but notice the dark circles hanging beneath his eyes. Hindi ba siya nakakatulog ng maayos?
"Tungkol saan, pangga?"
His voice flows like a captivating melody, enchanting my ears with every note.
"About... about Z, baby."
Inabot niya ang mukha ko bago tumango. "Dito tayo mag-uusap?"
Umiling ako. "Pwedeng sa l-labas?"
"Sige," aniya at hinarap ang direksyon ni Z.
"Dong!" Isang tawag lang ni Lawrence kay Z at mabilis pa sa kidlat na bumaba si Z sa pagkakabuhat ni Camelot.
"Mami ko!" Pakantang anas naman ni Z at lumapit sa amin.
Nag-squat si Lawrence at sinuklay ang buhok ni Zion.
"Dong, magd-date muna kami ni Daddy Xavier mo, huh. Saglit lang kami, dong."
Umingos naman si Z at masamang tumingin sa akin. "Baby Zion can't come?"
"Bawal, dong, sa susunod ka na lang sumama sa amin. Maglaro muna kayo ni Kuya Camelot dito ng basketball! Pakitaan mo iyan sa galing mo!"
Lumapit naman sa amin si Camelot at kinuha ang kamay ni Z. "Let's go, buddy? Laro tayo d'yan sa labas."
Tiningala lang ni Zion si Camelot bago lumabi kay Lawrence.
"Promise, mabilis lang kayo ni Daddy, Mami?"
Yumuko ako upang magpantay ang tingin namin ni Z. "Of course, di ba dito ka rin matutulog kay Mami Lawrence mo tonight?" singit ko na.
"Yes! Take care, Mami! Take care, Daddy! Next time, Zion will join you on your date!"
Dinala ko si Lawrence sa isang parke sa labas ng SV na ilang minuto lang ang byahe mula sa kanilang bahay. Medyo mainit kaya naisipan kong dalhin si Lawrence sa isang coffee shop na malapit o restaurant kaso mas gusto niya raw sa labas lang kami. Kaya naman humanap ako ng lugar kung saan wala masyadong tao.
Right now, we are sitting side by side beneath a sprawling tree, its lush canopy sheltering us from the harsh rays of sunlight overhead.
"Namiss ko itong lumalabas tayo, Pangga!"
"Me too, baby. But how are you? Ayos ka lang ba sa bahay ninyo?"
Lawrence curled his knees to his chest, resting the side of his face on them as he gazed at me. I sat on the grass, my elbows resting on my slightly parted knees, feeling the weight of the moment between us.
"Ayos lang, pangga. Medyo naninibago pero keri ko naman. Abala sila Kuya Carl ngayon sa paghahanap kay baby E-Eiji. Despite the slim chances we have, we continue to search for him." Unti-unti ay naging malungkot ang kanyang boses.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Ikaw, pangga? Kumusta na ang investigations ninyo sa case ni bibi Zion? Sa trabaho mo? Kaya mo pa ba ang lahat?" Worried niyang tanong sa akin.
Bumuntong hininga ako. It feels as though a tightening grip is slowly constricting my heart, leaving me on the brink of gasping for breath.
"I'm not that busy at work, baby. Hindi muna ako tumanggap ng mga major roles. And about Z..." Napalunok ako. "Nalaman na namin na... si Kyline at si Lara ang may pakana sa kidnapping at sa pagtapon kay Z sa Cebu."
Tila nakuha no'n ang atensyon ni Lawrence dahil umayos siya sa kanyang pagkakaupo at humarap sa akin.
"A-anak ninyo... pero kinidnap niya, Xavier? B-bakit? Papaano niya iyon nagagawa sa sarili niyang anak?" Lito at may galit niyang tanong.
"For her own good... however, may isang bagay kaming nalaman tungkol kay Z."
"Pangga,"
"Zion is not Kyline's baby, Lawrence. Nakunan si Kyline while carrying our child. Kaya niya iyon nagagawa kasi hindi niya anak si Zion at wala siyang pakialam at awa sa bata, as long as nagagawa niya ang gusto niya."
Napatakip si Lawrence sa kanyang bibig.
"I-ibig sabihin hindi ninyo anak si Zion?"
"No," I answered. His forehead creased. "Zion is not Kyline's son pero ako ang ama ni Zion."
His eyes widen. "N-nakabuntis ka ng i-iba?"
"Baby,"
"P-pangga... wala naman akong pakialam kung may nabuntis kang iba noon. H-hindi naman natin kilala ang isa't isa noon, eh. Kaya huwag kang mag-alala sa akin. Tanggap kita, Pangga! Mahal kita."
I nodded at him, but the tears that had been pooling in my eyes finally spilled down my cheeks. It pained me to realize just how good he was to me; I felt unworthy of such kindness. I didn’t deserve him—not now, not ever.
Lawrence reached for my face and wiped away my tears with the back of his hand. His eyes were glistening with tears, yet he still smiled. Despite everything he had been through and all he had learned about his true identity, my baby was still able to smile and act so strong. When did he become this brave? Why did I feel like I had missed something significant in his life during the days we didn’t see each other?
"Baby, do you still remember where you gave birth to baby Eiji? Or did your parents mention to you where you gave birth?"
Kumunot ang kanyang noo. Binaba niya ang kanyang kamay.
"N-nabanggit naman nina, Mommy, Pangga." In spite of the confusion in his eyes, he was able to answer me directly. "Sa Quirino Med... Quirino Medical Hospital, doon ako nanganak."
Another wave of tears streamed down my cheeks, overwhelming emotions surging within me.
F*cking sh*t!
Kinapa ko ang aking wallet sa aking bulsa. Sa wallet ko nilagay ang papel na binigay ni Lara sa akin. Binigay ko iyong papel kay Lawrence.
May pagtatanong sa kanya mata at pagkalito nang iabot ko sa kanya ang papel pero tinanggap niya iyon. Dahan-dahan ang kanyang naging pagyuko upang tingnan ang papel na binigay ko sa kanya.
Ilang sandali lang, napahagulhol siya. Nang inangat niyang muli ang tingin sa akin, nag-uunahan na ang mga malalaking butil ng luha sa pag-agos mula sa kanyang mata.
"S-saan galing ito? Bakit... bakit na sa'yo ito?" Putol putol niya tanong.
Napabuga ako ng hangin mula sa akong bibig dahil parang nauubusan na ng hangin ang dibdib ko.
"Galing iyan kay Lara, Lawrence... iyan... ang pangalan ng batang kinuha niya sa Quirino Med upang maging baby ni Kyline. Kyline isn't carrying my child, but she continues to deceive me into thinking she is pregnant. Just when her due date arrived, she needed a child to replace the baby we lost," I told him.
Mas lumakas ang pag-agos ng luha niya.
"A-and the r-replacement b-baby is?" Halos pabulong na niyang tanong dahil nasasapawan ng kanyang iyak ang kanyang boses.
"It's Eiji, baby. It was Eiji. Si baby Eiji at si Z... iisa lang sila."
"But you said he is your child!" he yelled, his voice hoarse.
I nodded.
"Yes, the DNA test results show that my DNA matches Zion's."
Matigas siyang umiling sa akin. "P-pangga, hindi... h-hindi!" aniya na parang nakukuha na niya ang nais kong sabihin.
"Baby,"
"Hindi ito pwede, Xavier! Hindi!" Pagwawala niya at sinimulang pugpugin ang dibdib ko gamit ang kamay niya.
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya dahil nagsisimula na siyang manginig at magwala sa kanyang sarili.
"Baby, baby, look at me," I pleaded, trying to catch his anxious eyes. "Baby, I might... I might be one of your v-vi*lators."
"No! You can't be! N-no! This can't be, Xavier!" he shouted, his unease palpable.
I hugged him tightly.
Tinulak niya ako. "Nasaan si Lara? I wanna talk to her... I wanna talk to Lara, Xavier. Pinaglalaruan lang niya tayo!"
"Baby," bigo kong iling.
"Gusto k-kong marinig m-mula sa bibig n-niya ang n-nangyari! May t-tanong ako s-sa kanya!"
"Lawrence,"
"You can't be one of them... Xavier. You... just can't be one of them!" He pleaded through his tears, his voice choked.
***
This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top