CHAPTER 37
Chapter 37
Xavier Pov
Napahalakhak ako sa sinabi ni Lara. My shoulders shook with laughter, but soon the sound faded, replaced by a cold, dreadful stare aimed at Lara across the room. My hands clenched into tight fists, nails biting into my palms.
I felt nothing but pure rage and spite as Lara's tears streamed down her cheeks like a relentless waterfall.
Xaña, sitting beside me, stared at Lara with a mix of confusion, irritation, and fury etched across her face. I knew how hard she had worked, how many sleepless nights she’d spent uncovering the truth behind Zion’s kidnapping, and now, Lara drops a bombshell, claiming that Zion isn't mine. Zion isn’t my blood and flesh!
"If you're speaking nonsense, please spare us, Lara. Right now is not the time for your stup*dity! You are wasting our time here," Xaña said, menace lacing her words.
Nagkandauga naman sa pag-iling si Lara sa aming dalawa ni Xaña. Xaña and I were utterly baffled by what had happened to her. Fresh bruises marked her skin, and her lips were swollen and split, as if the injuries had only just been inflicted.
"No, bakit naman ako magsisinungaling sa inyo! Bakit naman ako p-pupunta rito para magsinungaling sa inyo! Xaña, Xavier, alam kung mahirap paniwalaan pero totoo ang sinasabi ko! I won't... I won't risk my life to storm in here and spit nonsense! Please!" Lara implored, her hands clasping her knees tightly, her knuckles turning a shade of white.
Xaña let out a scornful laugh.
"Then how can you explain my son's features? Zion... Zion is my child, Lara. Don't be ridiculous!" I thundered, and she shook in her position.
Bigo siyang umiling at pumikit. Muling bumaha ng luha ang kanyang mata.
"I don't know, maybe it's luck, but I'm telling you, Xavier. Hindi mo nga anak si Zion. Nakunan si Kyline. Remember na habang nagbubuntis siya... h-hindi siya lumalabas masyado. Minsan lang kayo nagkikita. Sa akin siya tumira imbes na sa'yo. Kung alam mo lang kung gaano niya kagusto na tumira sa kasama ka pero... t-takot siyang malaman mo ang totoo. Kaya sa akin siya nanatili." Lara elaborated.
My fingers rake through my hair in frustration. "Lara nagkikita kami ni Kyline noon--"
"Yes, pero foam ang nilalagay namin sa t'yan niya. Ayaw mo bang maniwala sa akin, Xavier, na ako ang kasama ni Kyline habang nagbubuntis siya?"
My hands were trembling, and all I wanted was to hit something to release the surge of anger building inside me. Tumayo ako at humingang malalim. I marched on, my mind swirling with the things Lara was relentlessly spouting to us.
This is insane! Hindi ko anak si Zion? Bakit... papaano ang hitsura niya? He looks exactly like me. Yes, he is a little bit fat, but he looks like I did when I was a kid. However, sapat ba na basehan ang mukha? Sapat bang sabihin na anak ko siya just because pareho ang hitsura namin?
However, the surge of adrenaline was undeniable— I felt it coursing through me. Nang mawala si Zion gusto ko na lang ding itigil ang lahat.
My heart is pounding painfully in my chest, as if I’ve been stabbed and am bleeding profusely. The agony in my chest pales in comparison to the anguish I felt when Zion was gone.
"K-kung anak ni Kyline si Zion o anak ninyo si Zion, hindi niya siguro magagawang kidnap-in ang bata at ilayo sa'yo, Xavier. Kaya ang dali niyang itaboy at ipatapon sa Cebu si Zion dahil wala siyang nararamdaman kahit na ano sa bata. Kahit... k-kahit nga awa... wala." Lara cried.
Fear gradually crept into me as I reflected on Lara's words. The more she spoke, the more I listened, and her words began to take shape in my mind, making me question whether Zion truly belonged to me.
"W-why... why Lara? Why would she do this?!" I bellow.
"She's obsessed! She wants you, but she can't have you! Gusto ka niya dati pero ayaw ng mga magulang niya. Walang-wala siya noon kaya sumunod lang siya sa gusto ng mga magulang niya kahit gaano ka pa niya kagusto, Xavier! At umabot kami sa puntong... magsinungaling na buntis siya dahil tingin niya noon, iyon ang tanging paraan para magkabalikan kayo. Kaso... kaso nakunan siya. I tried to talk to her about it, kaso desperada siya at gusto niyang ipagpatuloy ang pagbubuntis niya kahit peke na." Lara continued.
I could feel my blood pounding in my ears.
"Wala ka nang manganak 'kuno' si Kyline. At... that time... a-ako... ako ang gumawa ng paraan para makahanap ng baby."
"What the h*ll did you do, Lara?" Xaña's voice is shaking.
Umingay ang mga iyak ni Lara at tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang palad na nanginginig.
"G-god knows... ayaw ko... takot ako at ayaw ko sa ginawa kong iyon pero wala akong choice. Naging duwag ako at naging sunod-sunuran sa gusto ni Kyline." Iyak niya. "T-that night... n-nagnakaw ako ng baby. Sorry, sorry, sorry! Kahit... kahit magpa-DNA pa kayo ni Zion, Xavier. I'll tell you, hindi kayo magm-match ng DNA ni Zion." sagot ni Lara sa kapatid ko at doon lang ako napatigil sa aking pagmamartsa sa harap niya.
Bumagsak ang kamay ko na tila nawalan ito ng lakas. Napatitig ako kay Lara na napaluhod at humagulhol ng iyak. Parang nawala ang lahat ng bagay sa paningin ko at nandilim na lang. Malakas ang kabog ng dibdib ko at pati na ang kamay ko ay halos 'di ko na ma-kontrol.
"How sure are you, Lara?" Xaña probed more.
Lumunok si Lara. "Dahil ako kumuha ng bata sa ibang ospital, Xaña. I'm sure because I was the one who took the baby and brought it to Kyline."
And that's it; I snapped!
"Xavier," Xaña said as she held my trembling hands.
"I will k*ll her! I will k*ll that b*tch!" I spat at Lara. My eyes caught the glass pitcher on the center table. I didn't think twice about picking it up and hoisting it, ready to throw it at Lara's head, but Xaña grabbed my arms even tighter.
"Xavier! Xavier, calm down!" My sister said with tearful eyes.
"They fo*led me, Xaña! You heard that liar! They f*cking fo*led me and made me look stupid, Xaña!"
Napatango-tango si Xaña sa akin. Pinipigilan niya ang kamay ko na huwag ibato ang pitcher na hawak kay Lara na patuloy lang sa pag-iyak.
"I know. I know you're angry, Xavier but we're not yet done here. Hindi pa tayo tapos dito. Hindi ka magiging kriminal, Xavier!"
Winaksi ko ang kamay ni Xaña at muntik pa siyang matumba sa ginawa ko. Binagsak ko ang pitcher sa mesa. Napatalon si Lara. At hindi na ako nagtaka nang mag-crack iyon.
"You, b*tch... saang ospital galing si Zion. Kaninong anak siya." Dahan-dahan at malamig kong tanong kay Lara.
"Quirino Med... Quirino Medical Hospital... doon ko kinuha si Zion at... hindi ko kilala ang mga magulang niya." sagot niya.
Sumakit bigla ang ulo ko sa mga sinabi ni Lara.
"Magpapa-DNA pa rin kayo ni Zion, Xavier." Kuha ni Xaña ng atensyon sa akin.
"Xaña,"
"Hindi ako makukumbinsi ng salita lang ng babaeng ito. Lalo na't kaduda-duda na nandito siya ngayon at biglang tinalikuran ang kanyang kaibigan." Mataba at galit na saad ni Xaña kay Lara.
"Pumunta ako rito bago pa mahuli ang lahat, Xaña, dahil may balak na namang kidnap-in ni Kyline si Zion at kutang-kuta na ako sa mga kabaliwan niya. You see my face? Siya ang gumawa nito. Baliw na siya at baka kung ano pa ang magawa niya sa akin. Ayaw kong mamatay na hindi nasasabi sa inyo ang totoo. If I go to h*ll, I will drag her with me!" May galit na wika ni Lara pero nagbagsakan naman ang luha niya. Kita ko ang sakit sa mata niya.
With that, I decided to through DNA test with Zion. Ayaw ko siyang gawin. I don't know. Para sa akin parang katangahan siya dahil anak na rin naman ang tingin ko kay Zion. Mula man siya sa dugo't laman ko o hindi, walang magbabago. Anak pa rin ang tingin ko kay Zion.
"Daddy, why that mister is scrubbing on my mouth?" tanong ni Zion sa akin nang pumunta ang mga DNA analysts sa bahay. Si Xaña ang kumuha ng mga expert para dito dahil ayaw ko talaga sana itong gawin eh.
Matapos kumuha ng sample no'ng analyst sa akin sinabihan nila kami ni Xaña na sa makalawa pa makukuha ang resulta. We opted na ipadala na lang via email ang result no'n.
"He is checking something on your mouth, Z."
Zion just wrinkled his nose, clueless about everything that was happening around him.
Zion pouted. "Daddy, I miss my Mami Lawrence."
I kissed Zion's forehead. "I miss him too, Z."
"Let's visit Mami, Daddy!"
"Hmm, we will... soon."
Mark Lawrence Pov
It's been three days since tumira muli ako sa bahay. I tried to focus on my studies online to distract myself, but my thoughts kept drifting back to Zion. Inaalala ko kung kumain na ba ito. Sino kaya ang nagpapakain sa kanya? Nagpapatulog? At kung ano-ano pa.
Mula nang tumira ako rito sa bahay namin sa SV ay hindi pa kami nagkikita ni Xavier. Tawag-tawag na lang kami at naiintindihan ko naman siya kasi busy siya sa schedule niya tapos ang alam ko patuloy pa yata ang investigations sa case ni bibi Zion.
"Hey,"
Napatingin ako sa pintuan ng silid ko at nakita ko si Kuya Cam doon, nakadungaw siya.
"Kuya," tumayo ako mula sa aking study table at nilapitan siya.
"Mind if we take a short walk? Sabi ni Manang Dilya nagkukulong ka rito sa silid mo."
"May klase ako, online." Rason ko.
Sinilip ni Kuya ang kanyang wrist watch. "It's almost five, may klase ka pa?" aniya.
"Wala na."
"Come on, labas muna tayo." si Kuya Cam.
Bumuntong hininga ako at saka kumuha ng cardigan bago sumama kay Kuya Cam. Totoo naman talagang nagkukulong ako sa silid. Ayaw ko sumabay kina Mommy kumain. Pinapahatid ko lang ang pagkain ko sa aking silid. Siguro naninibago pa rin ako sa lahat nang nangyari sa buhay ko. Ang dami ko ring iniisip tungkol kay baby Eiji.
"Kumusta na ang paghahanap kay baby Eiji, Kuya?" tanong ko kay Kuya. Naglakad-lakad lang kami ni Kuya sa vicinity ng SV.
"Pinuntahan na namin ang ospital, Rence, ang record no'ng araw kung kailan may sunog na naganap sa ospital ay walang na-recover. But don't worry, gagawa kami ng paraan ni Carl para mahanap ang anak mo, Rence," sagot naman ni Kuya.
Bumagsak ang balikat ko. Ang katiting na lang na pag-asa ko na makita o mahanap ang anak ko ay mukhang mauuwi pa sa wala.
"Humingi kami ng records sa mga baby na kasama ni Eiji that time at kung kailangang isa-isahin nating ipa-test ang mga batang iyon, gagawin atin. Buhay man sila o p-patay." Patuloy pa ni Kuya.
Mahina akong napatango.
"S-salamat, Kuya."
"It's the least thing we could do for you, Rence. Also... nalulungkot si Mommy kasi nasa bahay ka na pero minsan ka niyang makita. Kapag malungkot ka, ganoon rin siya. Hindi na nagtatrabaho si Mom, Rence. Gusto niyang bumawi sa'yo."
Tanging tango lang ang binigay kong sagot kay Kuya. Tumigil ako sa paglalakad kung kaya't tumigil din si Kuya Cam.
"Rence, alam kong hindi pa rin nags-sink in sa'yo ang lahat. Kung may naalala ka man sa nakaraan mo at may nais kang itanong sa amin o kahit sino sa bahay, pwede mo kaming tanungin, ha. Huwag mong sarilihin ang lahat. Nandito kami para sa'yo. Huwag mong ikulong ang sarili mo."
"Hmm," tango ko. "Wala pa naman akong ibang naalala simula no'ng nasa bahay ako, Kuya. Hindi ko na pala itinuloy ang pag-inom no'ng gamot na bininigay ninyo sa akin. Actually, ilang weeks na."
Ginulo ni Kuya ang buhok ko. "We know, Rence."
Kuya smiled.
"Wala ka bang trabaho ngayon, Kuya?" Pag-iiba ko sa usapan namin dahil nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. And I know anytime soon, susunod na ang luha ko kapag nagpatuloy ito.
Ngumisi lang siya sa akin.
"Absent." aniya at naglakad muli kami.
Habang naglalakad kami ni Kuya ay biglang pumasok sa isip ko ang nabanggit ni Xavier sa akin na may isa pa akong violator na hindi nila nahuhuli.
"Kuya..." nilingon niya ako. "N-nabanggit ni Xavier sa akin na m-may isa pa raw akong violator na hindi nahuhuli?"
Ang ngisi sa labi ni Kuya Cam ay unti-unting nalusaw at saka sumeryoso ang mukha. Kumuyom ang panga niya at napahasa sa kanyang ngipin.
"Yeah," Nagngit-ngit ang mga mata niyang untag. "Hindi nakita sa camera mo ang taong iyon. Naka-mask at halos hindi makita ang buong pigura niya. We tried to get some information sa mga kasama niya noong gabing iyon pero matigas din sila at hindi nagsalita. Mukhang mahigpit din ang kapit nila sa isang lalaking iyon."
A chill enveloped my body. The thought that one of my vi*lators might be lurking nearby left me feeling disoriented and unnerved.
"Kaya dapat... mag-iingat ka, Rence. Huwag kang magtitiwala kaagad sa mga tao na nasa--"
A sharp, feminine voice cut through, interrupting my brother.
"Oh my gosh! Lawrence!"
May babaeng tumakbo tungo sa akin at yayakapin na sana ako nito nang humarang si Kuya Cam.
"Wait, I'm his friend!" Angil ng babae kay Kuya.
I reached for Kuya Cam's shirt and tugged gently. "It's okay, Kuya."
Tumaas ang kilay ni Kuya pero kalaunan ay tumabi kaso ang mata niya ay 'di pa rin lumalayo sa babae.
"Lawrence! Oh my gosh! It's really... really you! I missed you so much!" Hinawakan niya ang kamay ko. "You suddenly... v-vanish. Akala ko pumunta ka ng ibang bansa at doon na tumira. The last time I heard about you was when you're abroad."
"I'm... I'm sorry pero... h-hindi kita masyadong naalala..."
She sighed deeply, her face falling into a mask of sadness.
"It's me. Maica! Iyong kasama mo noon sa mga auditions mo, sa mga gala. Y-you don't remember me?"
I shrugged my shoulders. "S-something happened back then and... I-I lost some of my memories."
Napatakip siya sa kanyang bibig. "Oh, I'm so sorry to hear about that, Rence."
"Okay lang."
Maica flashes a smile. My eyes twitch when I remember her face. Naikiling ko ang ulo ko at tinitigan siya. Siya iyong kasama ko noon na C-cut ang kulay puti na buhok at siya ang naging kasama ko noon sa kabaliwan ko kay Xavier na laging minamalas!
"I-ikaw iyong kasama ko na... na tinatawag kong..."
"Si Android 18! Iyong sa Dragon Ball na anime character!"
Nayakap ko siya bigla. Naalala ko na siya. Kaibigan nga kami no'ng senior highschool namin. Hindi ko lang siya masyadong namukhaan ngayon kasi itim na ang buhok niya pero ganon pa rin ang style, naka-c-cut pa rin.
"I miss you, Maica."
She hugged me back. "I miss you too, Lawrence!"
Kumalas kami sa aming yakapan. Sinilip ko si Kuya sa tabi na bagot na nakatingin sa amin ni Maica.
"Ay, Maica uuwi na rin kami ni Kuya."
Tiningnan naman ni Maica si Kuya Cam saglit at tumango sa akin.
"Wait, Lawrence. Next week kung naalala mo, birthday ko. I just wanna invite you."
"Hindi siya pwede." sagot ni Kuya Cam para sa akin.
"No," agap ko. "Anong araw at saan?"
Ngumiti Maica. "Sa Sabado, sa Marriott Hotel ang venue. I'll expect you there, Lawrence! Please?"
I nodded. "Titingnan ko, Maica."
Third Person Omniscient POV
On the same day at Xavier's house, Xavier, Xaña, and Lara were present in the living room. Lara, who was temporarily staying at Xaña's condo, was there while Kyline was still being sought after, as she was in hiding. Lara promised that regardless of the results of Zion's DNA test, she would disclose everything she knew about what she and Kyline had done. She also pledged to surrender herself to the authorities. Lara was considered a key asset for Xavier because she had knowledge of all the actions taken with Kyline and possessed evidence that she promised to reveal only after Kyline was apprehended.
Nasa iisang sofa sila, nasa gitna nina Xavier at Lara si Xaña. Pareho silang nakatingin sa laptop sa harap nila at sabay nilang titingnan ang naging resulta ng DNA test. Sinama ni Xaña si Lara dahil kung anuman ang maging resulta kulungan na ang deretso ni Lara.
Para kay Lara na alam ang kanyang ginawa at alam niyang hindi anak ni Xavier si Zion. Kampante siya sa magiging result. Habang si Xaña naman ay nagrarambol na rin ang dibdib at kinakabahan sa resulta ng DNA. At si Xavier ay ganoon din, winawaglit ni Xavier sa kanyang isip na kahit na anong maging resulta ng DNA ay tanggap niya si Zion at mahal niya ang bata, nanalaytay man ang dugo niya sa dugo ni Zion o hindi, anak ang tingin niya rito.
Parehong nagpipigil hininga sina Xavier at Xaña habang naglo-load ang file na pinasa ng mga center kung saan sila nagpasa ng samples.
"W-what?" ang sambit ni Lara nang makita ang malaking nakatatak na 'positive' sa resulta.
"A-anak ko si Zion." Pabulong at nanginginig na sambit ni Xavier. Gulat rin sa nabasang statement mula sa resulta.
Napatayo si Xaña at saka nagtagis ang bagang hinaklit ang braso ni Lara.
"Pinaglalaruan mo ba kami!" Malakas na sigaw ni Xaña sa mukha ni Lara.
Napangiwi si Lara sa pagkakahawak ni Xaña sa kanyang braso at natatarantang umiling kay Xaña na mukhang papatay na ng tao sa galit. Umuusli na ang ugat sa leeg nito.
"Zion is Xavier's son! Tang ina mo, Lara, positive ang resulta! Ginagawa mo talaga kaming katawa-tawa!"
Nagmamadaling kinuha ni Lara ang telepono sa bulsa ng kanyang suot na jacket at saka tinanggal ang case ng telepono at saka may maliit na papel na kinuha mula doon. Luma na iyon at mukhang matagal na dahil nagf-fade na ang nakasukat kaso nababasa pa rin. Pinakita niya ito kay Xaña ngunit wala itong reaksyon.
"Promise! Hindi ako nagsisinungaling! Hindi nga nabuntis si Kyline, kinuha ko lang ang bata sa Quirino Med! Ito! Ito ang name ng bata! Ito ang nakalagay sa kanyang pangalan doon bago ko siya kinuha." Giit ni Lara.
Napatayo si Xavier nang marinig iyon at tila nahimasmasan sa gulat. Kinuha ni Xavier ang kapirasong papel mula kay Lara kaso muli itong natigalgal.
Bumagsak ang katawan ni Xavier sa sofa na kinauupuan nang mabasa ang nakasulat na pangalan doon na parang tinakasan siya ng lakas. Padarag na binitiwan ni Xaña si Lara. Sinilip naman iyon ni Xaña ang papel na hawak ng kapatid.
"E-Eiji Calderon?" Litong untag ni Xaña.
Tumango-tango naman si Lara kay Xaña.
"Yes, Eiji Calderon... iyan ang pangalan ng batang kinuha ko sa Quirino Med. I promise you! Bago pa man nasunog ang nursery room ng ospital na iyon, nakuha ko na ang bata." Katwiran ni Lara.
***
This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top