CHAPTER 36

Chapter 36

Mark Lawrence Pov

Ilang minuto nang nakaalis ang DNA analyst na siyang nagdala ng resulta sa amin at ngayon nasa kamay ko na ang patunay na hindi ko nga anak ang inilibing nina Mommy Aubrey doon sa Angel's of Mary Memorial Park.

Tears silently trailed down my cheeks, but I didn't care. My eyes squinted as I locked my gaze on the DNA test results clutched in my trembling hands. A pool of unshed tears gathered along my lashes, blurring my vision, making the lines on the paper swim before me. Nabasa ko na naman ito at negative nga ang resulta pero hindi ko mabitiwan ang bondpaper at tahimik lang akong umiiyak.

Tama ako. Tama ako nang una pa lang! Hindi nagkamali ang puso ko, oo nagkamali ako ng desisyon dati, nagkamali ako sa anak ko at nakalimutan ko siya pero naalala siya ng puso ko, kinikilala siya nito!

"Lawrence," bulong ni Xavier sa tabi ko.

Dahan-dahan kong inikot ang aking katawan paharap kay Xavier. Malaki ang ngiti ni Xavier para sa akin at tumango rin siya.

"B-buhay... maaaring buhay pa ang anak ko, pangga!" My lips curved into a bittersweet smile, but the tears kept streaming down my cheeks, unstoppable, as though they held a sadness too deep to contain.

"Yes, baby, there is." Sang-ayon sa akin ni Xavier.

Niyakap ko siya at kahit na may saya sa loob ng dibdib ko patuloy pa rin ang paglabas ng luha ko. Habang yakap ko si Xavier napalingon ako sa aking pamilya. Shock was etched across their faces, leaving them utterly speechless. Words failed them, as they sat frozen, unable to comprehend what had just unfolded.

Matapos akong yakapin ni Xavier, pinasan niya ang luha ko. Pero mabilis ang pagbuo ng luha sa mga mata ko.

Tumayo ako at nilapitan sina Mommy at Daddy, I showed them the DNA result. Alam ko naman na naeinig nila ang analyst kanina pero gusto kong ipakita mismo sa kanila ang resulta. Their eyes roamed around the text in the bondpaper. Napatakip si Mommy sa kanyang bibig at umiyak din.

"B-buhay, mom... maaaring buhay pa ang anak ko. Hindi ko anak iyong nailibing ninyo. Hindi si baby Eiji ang nalibing ninyo." Iyak ko sa harap ng aking mga magulang.

Sunod akong lumapit kina Kuya Carl at kuya Camelot na nakatayo sa gilid ng mga magulang namin. Hindi kasi ako inimik nina Dad. Pinakita ko rin sa kanila ang resulta pero wala silang reaksyon dalawa. Pareho lang sila! They just stared at the DNA test result as if it held no significance, completely unaware of how much it meant to me.

"Kuya Carl hindi ko anak... hindi ko anak iyong nakalibing. Maaaring buhay pa ang anak ko. Tulungan ninyo ako... Kuya Carl, Kuya Camelot. Tulungan ninyo ako, please! Hanapin natin ang anak ko." Sumamo ko sa kanila at pinunasan ang bagong mga luhang pumatak galing sa mata ko.

"Lawrence," si Kuya Camelot.

Kinuha ko ang kamay ni Kuya Cam. "Tutulungan mo ako, Kuya, di ba?" Pakiusap ko sa kanya.

Mariin siyang pumakit.

My throat tightens, almost painfully, but I still manage to force out a few words, even as the dryness burns and every syllable feels like sandpaper.

"Lawrence, this is not as easy as what you think it is." saad ni Kuya Carl.

Umatras ako. Tiningnan ko sila isa isa.

"Narinig ninyo ang sinabi ng analyst." Itinaas ko ang papel na hawak at winagwag sa harap nila dahil tila hindi nila ito nakikita at 'di nila ako naririnig. I don't like the way they act right now! "Kita dito sa resulta na hindi si baby Eiji ang nakalibing doon!"

"Lawrence,"

"What, dad?! Don't you believe the experts? Hindi pa rin ba kayo naniniwala sa akin?" Nagcrack ang boses ko.

Muli kong winagwag ang papel sa harap nila.

"Ito oh! Ito ang patunay!"

"It is, Lawrence." My dad's low growl.

Napatitig ako kay Daddy.

"Kaya nga, dad, tulungan ninyo ako! Please! Hindi anak ko ang nakalibing kaya posibleng buhay ang totoong anak ko ngayon." Ulit ko na naman. Wala akong pakialam kung ilang beses ko itong ulitin sa kanila hanggang sa pumasok sa utak nila ang gusto kong mangyari!

"Lawrence narinig mo naman ang sinabi namin sa'yo no'ng nakaraang araw, di ba?" Mommy butt in at tumuon sa kanya ang mga mata ko. My vision keeps blurring, clouded by the steady stream of tears filling my eyes. Nang hahapdi na ang mukha ko kakapunas sa aking mga luha.

"Mommy," I murmured.

"Hindi namin alam kung papaano ito nangyari, Rence. Nakita rin naman noon, ni Kuya Carl. Nakita namin ang bracelet sa batang nasunog. We were broken that time as well. At ngayon... ngayon na nalaman namin ito... just like you, we're glad about it. We're glad na hindi mo iyon anak, Rence, but... nasunog ang nursery room no'n, Rence." Paliwanag ni Kuya Cam.

Pinapatay na naman nila ang munting pag-asa ko! Why can't they support me?! Mahirap ba talaga? We have the means! We have money! I'm sure they have connections too. For ones, bakit hindi nila ito magawa sa akin?

"Rence, tama si Kuya Camelot mo. Hindi namin alam kung papaano ito nangyari at bakit ganito ang resulta ng DNA test. Pero kung hindi nga si Eiji iyong nalibing namin... it's also possible na wala na rin si Eiji kasi after ma-incubate ni baby Eiji inilagay siya doon sa nursery room. Nakita namin ang bata doon at--"

"I don't care, mom! Wala akong pakialam kung buhay o p-patay ang anak ko kapag nahanap ko siya. Ang akin lang... makita siya. Mahanap siya!" Putol ko kay Mommy.

"Rence,"

"What, Kuya Carl?" My head bursted.

"Rence, naiintindihan ka namin na gusto mong mahanap ang anak mo. Pero--"

Pumikit ako at nakuyom ang bondpaper sa kamay ko.

I huffed. "Bakit kayo ganito? I asked for your help, ngayon na nalaman ko ito... tulong ninyo ang kailangan ko para mahanap ko ang anak ko buhay man o patay siya. Pero ang dami ninyong sinasabi! Bakit? Ayaw n'yo ba akong tulungan? Ayaw ba ninyong makita ko ang anak ko? Anong kinakatakot ninyo?! Ang dami ninyong sinasabi at nirarason! Kung ayaw ninyo, edi 'wag! Ako ang gagawa ng paraan!" I yelled.

"Lawrence," tumayo si Mommy at lumipit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko pero winaksi ko ito.

Bahagyang yumuko si Mommy. "Anak... h-huwag mong mamasamain ang gusto naming ipaintindi sa'yo. Mahal ka namin, anak. Alam namin na hindi madali ang lahat ng ito sa'yo. Kahit kami nahihirapan din kung papaano ito nangyari... p-pero tutulungan ka namin. Gagawin natin lahat, ha." At muling sumubok si Mommy na humawak sa kamay ko.

"T-talaga?"

Sinilip ni Mommy ang mukha ko. Tumango siya. "Yes."

Nilingon ni Mommy si Daddy. "Jimmy," tawag ni Mom kay Dad.

Ilang sandali akong tinitigan ni Dad bago siya tumayo at lumapit sa amin.

Daddy squeezed my shoulder. "I'm sorry for how we acted, Lawrence. We're here for you. Na-shock lang din kami, anak."

Matapos iyong sabihin ni Dad. Marahan niya akong kinabig upang mayakap. For the first time... for the very first time yumakap ako pabalik kay Daddy. No'ng una kasi akong pumunta rito hindi ko sila hinayaang makalapit sa akin.

"C-can I too?"

Naiangat ko ang aking ulo kay Mommy at tumango.

Walang inaksayang panahon si Mommy at saka sumali sa yakapan namin ni Daddy. They squeezed in between them and Mommy murmurs something over my ears.

Nang may malakas na tumikhim. Doon lang ako binitiwan nina Mommy at Daddy.

"Kami rin..." si Kuya Carl. "Payakap din."

Ngumuso ako bago tumango kay Kuya Carl.

"Ako rin!" si Kuya Camelot naman at sabay nila akong niyakap ni Kuya Carl.

"I'm so sorry, Rence. I'm sorry for everything and for keeping secrets from you. I haven't been a good brother to you." Saad ni Kuya at tumango lang ako.

"I'm so sorry too, Rence. Sorry kung dahil sa kagustugan naming proteksyonan ka nasaktan ka pa namin ng husto. We don't have any hidden agenda why we choose to keep our mouth shut. Ikaw lang ang iniisip namin. Wala nang iba." Wika naman ni Kiya Camelot sa akin.

Tumango rin ako sa kanya.

"Sorry for bullying you too when we were in Cebu. If you remember, I loved teasing you even back then."

Ngumuso lang ako kay Kuya Cam.

Pinakawalan ako nila Kuya mula sa kanilang mahigpit na yakap at saka ako bumaling kay Xavier na nakatayo na pala. Mabilis ko siyang nilapitan.

"Aalis ka na?" Maharan kong tanong sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

Xavier intertwined our fingers and brushed my hair using his other hand. Pinunasan niya rin ang mukha ko gamit ang likod ng palad niya.

"I really don't want to leave you here, baby." aniya.

I know that my family is aware of my relationship with Xavier by now, but I still can't help feeling self-conscious about how sweet Xavier is to me, especially with my parents just a few meters away.

"Pangga, may sasabihin p-pala ako sa'yo. Aaminin, actually."

"What is it?" anang niya at saka inayos muli ng buhok ko.

I could feel my brother's sharp gaze boring into my back, each glance like a piercing dagger. If looks could kill, Xavier would be six feet under by now. Pero wala kaming pakialam ni Xavier doon.

"A-aalis na ako sa bahay mo. S-sorry, pangga. Sorry kung hindi ko ito nasabi sa'yo no'ng una. M-may kondisyon kasi sa akin si Daddy. Ito ang kondisyon niya kapalit no'ng p-paghukay namin sa libingan ni Baby Eiji." Paliwanag ko sa kanya.

Sadness spread across Xavier's eyes. Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinaplos siya. Mamimiss ko ang mukhang ito araw-araw. Wala nang gapang na mangyayar!

Humawak si Xavier sa kamay kong nasa mukha niya at pinisil iyon.

"I... I understand, baby. Inaasahan ko na naman na aalis ka talaga sa bahay ko. At inaamin kong... umasa ako na mananatili ka sa bahay pero... ayaw kong ipagkait sa'yo ito, Lawrence. Ngayon na bumalik na ang alaala mo, gusto rin na makasama mo ang pamilya mo."

Gusto nila ni Mommy na ipakuha na lang ang mga gamit ko sa bahay ni Xavier at manatili na lang ako sa bahay kaso gusto kong umuwi kasama si Xavier sa bahay niya. Nais kong pormal akong makapag-paalam kay bibi Zion at kina Arianna.

"Mami ko!"

Pagkapasok pa lang namin ni Xavier sa kanyang bahay, ang malakas na tawag ni bibi Zion kaagad ang umalingangaw sa buong sala!

"Dong!"

Kahit na mabigat ito at binuhat ko pa rin.

"I thought matatagalan ikaw sa labas, Mami. Hehehe!" Ngisi niya sa akin at humawak ang malalambot at mataba niyang kamay sa mukha ko.

Kung buhay ang anak ko... magkasing edad lang siguro sila ni bibi Zion. At nandito siya... magiging best friend sila.

"Dong,"

"Yes, mami ko?"

Yawa! 'Bat sakit sa dibdib nito? Bakit ayaw kong iwan si bibi Zion dito sa big brother house ni Xavier? Parang may bagay na dumagan sa dibdib ko hanggang sa nahihirapan ako sa paghinga dahil sa pabibigat nito sa dibdib ko.

Dinala ko sa aking silid si bibi Zion at si Xavier naman ay nakasunod sa amin.

Nilapag si Zion sa kama ko at nag-squat ako sa kanyang harapan. Ngiting-ngiti si bibi Zion sa akin at nasasaktan ako sa mga ngiting iyon. It's so innocent and pure smile. A smile full of blissfulness.

Lumipat ang mata ko kay Xavier na umupo rin sa tabi ni bibi Zion. Tumango sa akin si Xavier.

"Dong... si Mami kasi... hindi nakatira dito, di ba?" Simula ko at hinawakan ang kamay ng bata.

"No, mami. You can live here! This is our home, mami."

My eyes palpitate, tears start to form again in my eyes. I gulped.

"Dong, sumama lang naman si mami sa'yo dito, di ba? Nakatira si Mami sa ibang bahay. Ikaw nakatira ka kasama si Daddy Xavier mo. At ako... may bahay rin ako na k-kasama ko ang Mommy at Daddy ko. At gusto na nang Mommy at Daddy ko na umuwi ako s-sa amin." Pagpapaintindi ko sa bata kaso umiling si Zion sa akin at mabilis na namula ng ilong at kilay na at saka nanubig ang mga mata.

"No! You are my Mami!" Tiningala ni Zion ang ama sa tabi niya. "Daddy, please, make Mami stay. Make him! Make him stay with us!"

Binuhat ni Xavier si Zion at saka niyakap.

"Your Mami Lawrence has a family too, Z. Si Mami mo hindi niya nakasama ang mga parents niya ng matagal k-kasi nandito siya. So right now, gusto muna ni Mami Lawrence mo na makasama ang kanyang family." Alu naman ni Xavier sa anak.

"But we're family too!"

Mariing pumikit si Xavier.

"We will visit, Mami, in his house."

"Always? I will miss my Mami everyday, daddy!" Itak ni Zion.

Tumango si Xavier. "Always. We will always visit your Mami in their house!"

I was packing my thing at hinayaan ko si Zion na tumulong sa akin dahil gusto niya raw. Pero tingin ko pinapatagal niya ang pag-iimpake ko kasi ginugulo niya ang mga natutupi ko ng damit.

Lumabas ako sa aking kwarto at iniwan muna saglit si Zion at Xavier doon na ginugulo ang pag-iimpake ko.

Nakita ko sa kusina ng mga FC ko at nakikipagkwentuhan ako sa kanila saglit. Mga tsismosa ang mga ito at ang daming napag-uusapan at kung saan-saan na umaabot ang aming usapan!

"Pansin ko, ha, panay ang alis ninyo ni Sir Xavier sa bahay, Rence. Ano 'yan? Hindi kayo makapaglandian dito sa bahay kaya sa ibang lugar kayo naglalandian?" si Arianna.

"Sira!" Sampal ko sa balikat niya. "Kung gusto kong landiin si Xavier hindi ako pumipili ng lugar, no! Kahit nand'yan kayo lalandiin ko iyon." saad ko.

"Tsk! Sagana ka lang siguro sa dilig?"

Umiling ako at sumeryoso. "Pero... nandito talaga ako kasi... magpapaalam ako."

"Magpapaalam?" sabay na untag nina Siray at Lina.

Tumango ako. "Expired na ang pang two months kong beauty dito."

"Huh? Papaalisin ka pa rin ni Sir Xavier? Akala ko..."

"Ako ang nagdesisyon, Arianna." Singit ko sa pagsasalita ni Arianna.

"P-papaano iyan? Hindi na tayo makakapag-tsismis kasama ka, Lawrence." si Siray.

"Wala nang aaway kay Arianna." si Lina naman.

"Don't worry. Dadalawin ko pa rin kayo at habang wala ako rito... kayo ang magiging spy ko sa bahay ni Xavier." saad ko naman sa kanila.

Napagitla naman ako nang biglang bumulwak nang iyak si Arianna. Sinundan naman iyon ni Lina at Siray kaya ayon nag-iyakan na kaming tatlo sa kusina na parang timag! Sarap talaga ihalo sa nilaga ng mga ito! Kahit na hindi kami close dahil open kami, pinapaiyak nila ako. Bad girls!

Umalis ako sa bahay ni Xavier pero binilin ko sa lalaki na kapag bumisita sina Lola Marcila at lolo Handro sa bahay niya, ipaalam sa akin. Pati na rin si Dessa, kasi namiss ko na rin ang babaetang iyon!

Third Person Omniscient POV

Two days later...

It was a chilly night, and Lara was standing in front of the tall gate at Xavier's house. She was wearing a black hoodie, a jacket, and a mask to cover part of her face.

"Ma'am? May kailangan po kayo?" tanong ng guard nang mapansin si Lara na nakatayo lang sa harap ng gate.

"Good evening, guard. M-may tao po sa loob ng bahay?"

Ang guard ay saglit na napatingin sa loob ng bahay kung saan kararating lang din ni Xaña at ni Xavier galing sa lakad ng mga 'to.

"Meron, ma'am, kaso kararating lang po at baka nagpapahinga na po sila Sir."

"M-manong p-paki sabi naman gusto ko silang makausap. L-Lara... sabihin mo po sa kanila na si Lara ang naghahanap sa kanila, Manong guard. Please, po!"

"Ehh, ma'am." Kumamot sa batok nito ang guard.

"I-Importante ito, Manong. Please!" Pilit ni Lara sa guard at ang guard naman ay napabuntong hininga na lang bago. Pumasok sa bahay ni Xavier.

Ilang sandali lang, lumabas na ang guard at binuksan ang gate.

"Nasa loob sina Sir." Ang guard.

"S-sina?" si Lara.

"Kasama ni Sir Xavier ang kapatid niya, Ma'am." Tugon naman ng guard.

Humigpit ang pagkakakuyom ni Lara sa kanyang kamay at parang napako sa kinatatayuan nang marinig ang sagot ng guard. Umurong ang kokonting tapang at lakas ng loob ni Lara nang marinig na nasa loob si Xaña.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Lara bago hinakbang ang paa papasok sa bahay ni Xavier.

Napatayo si Xaña at Xavier nang makita ang pumasok na panauhin. Binaba ni Lara ang hoodie ng kanyang jacket sa kanyang ulo at tinanggal ang mask sa mukha.

Parehong namilog ang mata nina Xavier at Xaña nang makita ang hitsura ni Lara. May pasa ang mukha nito at may sugat sa labi.

"Lara..."

"What happened to you?" Ang sapaw ni Xaña sa kapatid.

Lumapit si Lara sa magkakapatid at inakupa ang isang upuan sa sala. Bumalik rin sina Xavier at Xaña sa kani-kanilang upuan at hindi matanggal ang mata sa hitsura ni Lara.

"P-pwedeng makahingi ng tubig?" si Lara.

Xaña jaws clenched pero tumayo pa rin ito at kumuha ng tubig sa kusina. Kaagad din namang nakabalik si Xaña dala ang isang baso ng tubig at isang pitcher.

Naubos ni Lara ang isang baso ng tubig at saka kumuha ng hininga sa ere.

"Now talk, Lara." Xaña's strong demand.

Tiningnan ni Lara si Xaña sa mga mata nito. "No'ng nakaraan... tinanong mo ako kung ano ang nalalaman ko, di ba? Tinanong mo ako tungkol sa kidn*pping na nangyari kay Zion." si Lara kay Xaña.

"Spill it now!" Xaña's voice grew louder.

"Calm down! Natutulog na si Z." si Xavier naman sa kapatid.

Kumapit si Lara sa kanyang tuhod at bumagsak ang luhang kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.

"I'm so sorry, Xavier. You have been true and genuine from the very beginning. You don't deserve to be deceived and fooled like this." Hagulhol ni Lara sa gitna ng kanyang salaysay. "K-kami... kami ni Kyline ang may pakana sa k-kidnapping ni Zion at pinadala siya sa Cebu." Pag-amin ni Lara.

"What? That's ins*ne, Lara! Huwag mo akong niloloko ng ganito! Why would Kyline do that to Z? He's our son!" Xavier bellows, his hands clenching and his teeth grinding.

Tiningnan ni Lara sa mata si Xavier.

"Xavier... h-hindi ninyo anak si Zion. Nakunan si Kyline. Hindi siya totoong nanganak at wala... wala kayong anak."

***
This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top