CHAPTER 35

Chapter 35

Third Person Omniscient POV

"This is ridiculous, Kyline!" Lara said as soon as she stepped inside Kyline's condo.

Kyline languidly marched toward the living area. She dropped onto the sofa, spreading her arms across the headrest.

"What, Lara? I haven't even washed my face, and you stormed in here to lash out at me!" Si Kyline naman na siyang kakauwi lang din sa kanyang condo.

"How could I not?!" Lara shouts, veins protruding from her neck as she props her body on the cushioned chair across from Kyline.

Kyline tilts her head to the side and fixes her sleepy eyes on her best friend. Lara was stressed and couldn’t sleep for even a second because of what Xaña had said. It lingered in her mind, replaying like a broken record. She couldn’t shake Xaña's serious, straight face from her thoughts. That’s why she decided to crash at her best friend’s condo and talk to her.

But Lara was deeply disappointed to see her friend acting so nonchalant while she was on edge every moment. Lara couldn’t tell if she was just paranoid or overreacting, but she felt like someone was following her!

Kyline's indifferent expression didn’t flinch at Lara’s paranoia.

"Hindi mo ba nabasa ang text ko? I can't reach you since earlier kaya nagtext ako sa'yo." ani Lara.

"My phone is dead." Kyline's plain response.

Napasandal si Lara sa kanyang kinauupuan at saka awang ang labi na pinupukol ng tingin ang kaibigan na walang kaalam-alam sa mga paparating sa panganib sa kanilang dalawa.

Lara wants a peaceful life and to be away from her b*llies. Nawala ang b*llies niya dahil kay Kyline at akala niya mabubuhay na siya ng tahimik at masaya ngunit nagkakamali siya. Oo, saglit siyang namuhay ng tahimik ngunit ang katotohanan at ang kanyang ginawang kasalanan sa nakaraan ay unti-unting nang bumabalik. Bumabalik na ang mga nakaraang pilit niyang binaon sa limot. Akala niya wala na ang bagay na iyon ngunit ngayon tila hinahabol na naman siya.

"Kyline... I think kailangan mo nang aminin kay Xavier ang lahat." Nagsusumamong anang ni Lara sa kaibigan.

Naibaba naman ni Kyline ang kamay at saka nag-de kuatro. Tinaas nito ang isang kilay at saka sinalubong ang mga titig ni Lara na nagsusumamo.

"Nababaliw ka na ba, Lara?!" Kyline countered.

Napabuntong hininga si Lara at saka napahilamos sa sariling mukha gamit ang palad. Kinagat niya ang labi at saka tinungkod ang siko sa tuhod.

"Kyline kung papatagalin natin ito. Baka mas malala ang magawa ni Xavier o ni Xaña! Ikaw ang mag-isip dahil kapag nalaman nila ang katotohanan. Tayong dalawa ang malilintik, Kyline! Tayo!" Lara emphasizes!

Kyline cocked her head. "Hindi nila malalaman--"

Napatayo si Lara dahilan nang pagtigil ni Kyline sa kanyang pagsasalita at saka nandidilim ang mga matang pinukol ng tingin si Kyline.

"Naghihinala na sila! Kyline nagsisimula na silang gumalaw! Xaña... kanina nagkita kami sa isang bar. I don't know kung sinusundan niya ako o ilang oras na niya akong sinundan pero kinumpronta niya ako. And I'm afraid of what those Faleiros can do now that they have the means and the connections!" Pilit na pagpapaintindi ni Lara sa kaibigan.

Kyline rolls her eyes. "Tayong dalawa lang ang nakakalam sa lahat, Lara. Tayo lang ang nakakaalam na hindi namin anak ni Xavier si Zion. At kung nag-aalala ka about sa kidnapping ni Z, don't worry about it, because it was only you and I who knew everything! Kung nag-aalala ka sa mga tauhan mong palpak sa Cebu, hindi nila iyon malalaman." agap naman ni Kyline sa kaibigan na nagh-hysterical na.

"I'm just dropping possibilities, Kyline. Dahil baka hindi lang si Xaña ang gumagalaw para malaman ang totoo. Alam mo na kapag nalaman nila ang nangyaring kidnapping, it will lead to us— to the truth about Zion's identity!"

"If you're worried about the connections that they have. We also have your family and mine." Kyline's remarked.

Umiling si Lara. "No, hinding-hindi ko idadamay ang pamilya ko rito, Kyline."

"Lara,"

"Sort out this problem before everything goes south!" Lara huffs.




Mark Lawrence Pov

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko, basta tumigil na lang ako sa isang puno at umupo sa damuhan sa ilalim no'n. Humapas ang malamig na hangin at napayakap ako sa aking katawan, hoping that it will ease the coldness carving into my skin.

Parang may punyal na nakatusok sa dibdib ko, punyal na parang tinusok at pinaikot-ikot sa laman ng puso ko hanggang sa dumugo nang dumugo. I pressed my hand even more on my chest to ease the pain there, desperate for air.

Ang lugar kung nasaan ako ay overlooking siya sa baba, kaya nakikita ko ang mga ilaw sa ibaba na tila mga Christmas lights na kumikisap. It was reflecting the starry night sky above my head.

Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mommy Aubrey at ni Dad na... wala na ang anak ko. I cannot stomach the thought of my own son dying in the fire. But if he’s really gone, is he one with the stars? Is he watching me—watching me suffer and ache so badly for him?

Sumalampak ako sa damo. Natungkod ko ang isang palad sa madamong lupa at ang isang kong kamay ay nasa dibdib ko. I felt like my world shattered into pieces, like broken glass that is so hard to collect. If you try to gather them, there’s a high possibility you’ll bleed and get hurt.

My memories feel like shattered glass. The more I try to fix them, the more I get hurt. The more I gather those broken memories, the more I bleed from the truth slowly unfolding before me.

After five years, ngayon lang unti-unting bumalik ang mga alaala ko. Mga alaalang pinapatay no'ng mga gamot na iniinom ko. At kung hindi ko tinigilan ang pag-inom no'n, mananatili akong mangmang sa katotohanan ng buhay ko.

The life I built in Cebu was purely fiction; it was created and is not true! Lahat sila, si Mama Aubrey, sila Kuya, Mommy and even... Xavier... alam nila ang totoo. Alam nila pero ako, ako na nagmamay-ari ng katawan ko at pagkatao ko, pinagkait nila sa akin ang totoo— ang katotohanan.

"Baby,"

My eyes flutter upon hearing Xavier's voice behind me. My shoulders sag up and down. I wiped my tears, yet I’m still sobbing. Lost in myself, I didn’t even hear the arrival of his vehicle.

I heaved through the wind and tried to fill my aching, hollow heart with air. It's futile, but I keep doing it because right now all I feel is pain and the nothingness in my chest that’s slowly consuming me.

I remained gazing at the clear and bright city in front of me. I’m shaking from the cold, but I choose to ignore it, just as I ignore Xavier, who’s a meter or so away from me.

I heard his footsteps getting closer, but I don’t give him a single glance until Xavier plunks his large frame beside me. He mirrors my position, sitting on the grass and facing straight at the wide, seemingly endless city. Sunod kong naramdaman ang paglagay niya ng itim na jacket sa balikat ko at inayos niya iyon hanggang sa harap ko. Tingin ko, ito iyong jacket na suot niya kanina.

"You don't eat when you leave my house or even at your own. I brought some food and drinks for you, baby. Please eat something." His voice sounds pleading.

Tiningnan ko lang iyong pagkain na itinapat niya sa harap ko. Umiling ako. Sa lahat ng nalaman ko ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pang ngumuya ng pagkain. Ni hindi nga ako nakakaramdam ng gutom dahil lahat na lang... lahat na lang masakit para sa akin.

"May alam ka." Pabulong kong wika.

Kita ko ang pagbaba ni Xavier sa lunchbox na dala niya. Binaba niya iyon at nakita ko ang usli ng kanyang ugat sa braso nang kuyumin niya ang kanyang palad.

"Alam mo na ito bago pa... bago pa kita sinagot?" sunod kong wika nang wala siyang imik.

I heard him release a sharp breath before answering me. "Yes."

"Nang sinagot kita... nang lagyan ko ng label ang relasyon natin... hindi ka lang ba maka-hindi sa akin no'n? Kaya ka ba na-speechless no'n kasi... kasi alam mo na ang totoo? Nais mo ba akong hindi-an sa oras na iyon? Nagsisi ka ba na niligawan mo ang isang tulad ko? M-madumi na ako, Xavier. A-ang dumi-dumi ko ng tao!" Nilingon ko siya at saktong tumulo ang bagong luha ko.

The city lights from afar helped me see his electric blue eyes glimmering with tears. He shook his head, pain flickering in his eyes.

"No! Hindi, Lawrence."

He tried his best to shield my tears with his thumb, wiping them as quickly as he could, but my tears fell relentlessly, leaving Xavier no choice but to let them continue, though he still cupped my face.

"I've been waiting for your 'yes,' baby. And I don't regret it... I don't feel a single regret in courting you and making you my partner. Having you close to me as my boyfriend is the best thing. And... you're not dirty, baby. You are not. T-those b*stards may have touched you, but you're not dirty."

I cried out loud, almost unable to catch my breath because of my endless tears.

"How can you say that? Men... three men..."

"Shhshh!" Xavier hushed me and pulled me into his arms.

Hinayaan kong bumagsak ang mukha ko sa dibdib niya at doon na naman umiyak. It seems like a sin having him with me. Parang hindi ko siya deserve dahil... dahil sa nangyari sa akin noon.

"I know about that, baby. You don't have to repeat it. I understand you're still in pain and coping with moving forward from that dark past, but I am here for you. I will be by your side." He said, his lips pressed against my head.

I pulled away to see his face and noticed the tear marks on his cheeks.

"Alam mo ba ang lahat? Alam mo bang nabuntis ako? Na may anak ko? Alam mo bang nabuntis ko ng mga demonyong iyon at... n-namatay ang anak ko?" tanong ko sa kanya.

Bahagya siyang natigalgal sa mga tanong ko sa kanya.

"No," sagot niya saka pinunasan ang luha ko, mayamaya. Una niyang pinunasan ang luha ko kaysa sa kanya. "I just know that you're a Calderon and I know what you've been through at the hands of those scoundrels. I... I didn't know you had a child. Hindi iyan sinabi ng mga magulang mo."

Lumunok ako.

"If you know who I am... why did you choose to lie? Why did you act like you knew nothing?" I probed.

"Because... because it's for the best, baby. Iyon din ang hiling ng mga magulang mo dahil nag-aalala sila sa maaaring sakit na dala ng nakaraan mo kapag naalala mo sila. And of course... one of your vi*lators is still on the loose."

"W-what?" I uttered and my eyes starts to flutter in between his stare.

"Baby, baby look at me." Xavier said, slightly panicking. "Lawrence... nandito ako. Nandito ako at hindi kita iiwan, okay? I will never leave you. Zion, I, and your family are on your side. You're not alone anymore."

Tumango ako nang dahan-dahan dahil sa sinabi ni Xavier. Inayos ni Xavier ang jacket sa aking balikat at saka tinago niya ang braso ko sa loob ng jacket. A minutes passed by and I calmed down.

"You're so cold." Komento niya.

"I... I'm so sorry about earlier. I lashed out at you," I said, speaking quietly between bites of the food he was feeding me.

"I understand how you feel, baby. I understand where that came from. Will you talk to your parents about it afterward?"

Umiling ako sa kanya. "We will meet tomorrow at my child's tomb. Kailangan kong malaman kung anak ko ba talaga ang inilibing nila. I know, iisipin mo na nababaliw na ako o ano dahil ipapahukay ko ang libingan ng anak ko pero... nararamdaman ko kasi... ewan ko... basta nararamdaman kong hindi pa nawala ang anak ko."

Siguro ayaw pa lang tanggapin ng utak ko ang katotohanan pero hindi ako matatahimik hangga't walang test na anak ko iyong nilibing nina Mom.

"I will be with you."

"But you don't have to."

"But I want to, baby."

"Xavier,"

"You've been with me and on Zion's side whenever we needed you, baby. I want to be with you and your child as well. Alive or not, I will always be with both of you."

_ _ _

Hindi ako umuwi sa bahay at sumama ako kay Xavier. Si Xavier na ang nagtext kay Kuya Carl na sa kanya ako sumama at umuwi. Para daw hindi na mag-alala ang pamilya ko. Hindi ko rin nabanggit kay Xavier ang tungkol sa kondisyon ni Dad sa akin. Wala na ring naging tanong pa si Xavier sa akin tungkol sa akin o sa pamilya ko sa buong byahe namin.

Nang makarating kami sa bahay niya, hintatid niya ako sa aking silid. Nagtanong siya kung kailangan ko ba ng kasama ngunit tinanggihan ko na siya.

Xavier planted a soft kiss on her forehead. "Whenever you need me, or even if you just want to talk, I'm just a door away. Don't hesitate to knock on my room, baby."

Tumango ako sa kanya. "Sige salamat, Xavier."

"For you, baby."

Sa gabing iyon hindi ko talaga alam kung nakatulog ba ako o ano, nakapikit lang ang mata ko ngunit naglalaro sa isip ko ang mga bagay na naalala ko na at ang mga katotohanang nalaman ko. Alam kong may mga alaala pa akong hindi bumabalik sa akin. 'Di ko alam kung magdudulot pa ng sakit o saya sa akin ang mga natitirang alaala ko ngunit hindi na ako iinom no'ng gamot na pinapainom nila sa akin.

Nang dumating ang bagong umaga, nagulat ako nang pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko. Nasa labas na ng room ko si Zion.

"D-dong?"

"Mami ko!" Tawag nito sa akin at sinugod ako ng yakap.

"Don't leave baby Zion, mami! Good boy po ako sa teacher ko, Mami. Nagw-write ako at nagbibilang. Please, don't leave me, mami." Iyak nito sa gitna ng yakap niya sa aking hita.

Gusto kong makita ang mukha nito at punasan ang kanyang luha kaso mahigpit ang yakap niya sa hita ko.

"D-dong... h-hindi ako aalis, dong. May pupuntahan lang ako pero... hindi naman ako aalis ng matagal."

Doon lang siya lumayo sa hita ko at nagpunas sa kanyang luha gamit ang tshirt niya.

"Pak! Pak! Ganern-ganern po!?"

Bahagya akong yumuko at tumango sa kanya.

"Oo, dong." ani ko.

Kung nandito ang anak ko... magiging magkaibigan kaya sila ni Zion? Ano kaya ang hitsura niya? Ang paborito niya? O ang tawag niya sa akin?

Dumating si Xavier at sabay kaming tatlo na kumain. Isang bagay na bibihira lang mangyari dahil laging kami ni Zion ang sabay na kumain. Hindi ko alam kung may sinabi ba si Xavier o napagsabihan na niya sina, Arianna kaso napansin kong tahimik lang sila at 'di nagtatanong sa akin in which I appreciate so much. Baka kasi magbreakdown na naman ako.

Matapos ang aming breakfast. Umalis din kami sa bahay ni Xavier at pumunta sa sementeryo. Nauna kami ni Xavier dumating at nasundan ng pamilya ko at ng dalawang tao na siyang kukuha ng samples. Kuya Carl and Kuya Cam tried to talk to me, but I ignored them. May galit at tampo pa rin ako sa kanila dahil sa pagsisinungaling nila sa akin.

"Eiji Calderon," basa ko sa nakaukit na pangalan doon sa tombstone.

Habang hinuhukay ang malalim na puntod, hindi ko maiwasang hindi maiyak. Mabuti at nasa tabi ko si Xavier. Sa pagkakaalam ko may shooting siya ngunit hahabol na lang daw siya doon pagkatapos namin dito.

Tahimik akong umiyak at hinaplos ang maliit na kabaong na nahukay. Kung anak ko man ito, sana mapatawad niya ako. Sana mapatawad niya ako sa kalulangan ko at sa pagiging mahina ko. Sana gabayan niya ako sa katotohanan ng buhay ko.

Maingat na kumuha ng sample ang mga DNA analysts na kinuha nina Mom at Dad sa akin at sa maaaeing anak ko hindi na namin makilala dahil halos buto na rin ito.

"Kailan po namin malalaman ang resulta!" tanong ko sa dalawang lalaki na siyang magsasagawa ng DNA testing.

"Before we submit this to the laboratory, sir, please be advised that the results will typically be available within two to three business days. Since we’re only performing a paternity test, the turnaround time should be relatively quick."

I looked at my parents, who had been silent throughout the process, from the digging to the collection of samples.

Tumango si Kuya doon sa mga analysts.

At nang dumating ang takdang araw kung kailan namin malalaman ang resulta, muli akong sinamahan ni Xavier sa bahay namin sa SV.

Mahigpit ang kapit ko sa kamay ni Xavier habang binubuksan ng lalaki ang isang brown envelope sa harap namin. Nandito sina ang mga kapatid ko, sina Mom, Dad, at kahit si Mama Dilya.

Halos makalimutan ko na ngang huminga dahil sa pag-a-anticipate ko sa resulta.

"After thorough analysis, the DNA test results indicate a negative outcome. The DNA profile of Mr. Mark Lawrence Calderon does not correspond with that of the child, Eiji Calderon."

***
This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top