CHAPTER 33

Chapter 33

Xavier's Pov

"Wala pa bang update kay Kyline?" tanong ko kay Xaña nang bumisita siya sa gitna ng shooting ko. Nagdala siya ng milk tea para sa lahat kaya nagbreak muna kami. Ngayon nasa loob kami ng tent ko at kami lang dalawa.

"Wala pa. Iyong investigator natin pinag-aaralan na rin niya si Lara."

"Lara? Kyline's friend?"

"Best friend!" She corrects. "Oo, dahil baka may alam iyon. Hindi mapaghiwalay ang mga iyon, di ba?"

Xaña was right. Kahit nga noon kahit na gusto ko na sa bahay ko si Kyline habang nagbubuntis siya, ayaw ni Kyline. Mas gusto niyang kasama si Lara. Hinayaan ko na lang siya pero nagsu-sustento ako the whole months sa pagbubuntis niya. Minsan lang din ako nakakabisita sa kanya noon dahil marami akong projects noon. I wasn't even there when she delivered Zion because I was in the middle of a shoot.

"Yes, kung totoo ang hinala natin na may kinalaman talaga si Kyline. Lara highly knows about it."

Xaña shook her head and cocked it to the other side. "Syempre, may kinalaman talaga si Kyline. Ebidensya na lang ang kailangan natin. Siya lang kasi ang huling kasama ni Z that time na nawala ang pamangkin ko. Tapos sabi mo pa, hindi makapagbigay ng maayos na statement si Kyline. Iyan palang may foul play na, Xavier. Don't be blinded just because you once loved her," she pointed out.

My face immediately contorted.

"That was before. I have Lawrence now, and I know I'm more in love with him than I ever was with Kyline," I argued.

"Sure," she said, adjusting in her chair. "Ayaw mo na ngang umuwi ng Cebu o mawalay sa'yo. What are you afraid of Xavier? Alam kong labas ako sa relasyon ninyo pero hindi mo nga sinunod ang suggestion ko na ilayo muna sila ni Z."

I have a lot of fears when it comes to Lawrence. One of his abductors is still out there. What if his trauma resurfaces? What if the things that happened to him before happen again? I don't want to be away from him because I can't protect him when he's away from me.

"Z is safe with Lawrence, Xaña. They don't need to be separated. Besides, both of them are important to me, and I can't function well without them in my house."

"I heard he's only staying at your house for two months, right? Don't take it the wrong way, brother. Pero, what if gusto nang umuwi ni Lawrence?"

"I..." I really don't know. Wala na siyang uuwian sa Cebu since nandito na rin sa Manila sina Manang Dilya and his brothers. But maybe, when he decides to go home to Cebu, Manang Dilya will go to Cebu as well, along with Camelot.

"I will not imprison him in my house, Xaña."

"He's been staying with you for more than a month. He would still be staying with you."

"I know."

Ever since Lawrence and I became official, he doesn't mention about going home. Lagi niya pa namang pinapamukha sa akin noon na pang-two months lang daw siya sa bahay ko. Noon atat na atat akong umuwi siya pero ngayon ayaw ko na siyang umalis. Hinihintay ko na nga lang na sabihin niyang mananatili siya sa bahay ko dahil talagang hinding-hindi ko siya pipigilan sa gusto niya.

"Anyway," Xaña said before getting up from her chair. "I gotta go. May lakad pa ako."

"Are you still following Kyline? Let the investigators do their job, Xaña. I don't want you to get into trouble or put yourself at risk."

She smirked. "Don't worry about me. Kaya ko 'to, lalo na kung si Kyline lang at Lara. And I won't interfere with the investigators as much as possible."

Nagpaalam si Xaña sa akin bago siya umalis pero sumabay na rin ako sa kanya palabas ng tent. Nagpasalamat ang staff at ang mga kasamahan ko sa set bago umalis si Xaña.

Mark Lawrence Pov

Nakaalis na si friendship Jewel! Magiging US dollars na siya. Usually kapag tapos na ang aking online class sasaya ako kasi maghaharutan at maglalaro na kami ni bibi Zion kaso ngayon extra ang puyat ko.

Nakakalungkot lang kasi na aalis na ang nag-iisang kaibigan na nagawa ko while living here. Ibig kong sabihin, si Jewel lang kasi ang naging kaibigan ko outside sa big brother house ni Xavier.

Pinagmasdan ko si bibi Zion na ginagawa ang assignment na binigay ng kanyang teacher. Ang sipag naman nitong nitong alaga ko. Sana ipagpatuloy niya ito at 'di gumaya sa akin na sa una lang nagsisipag. Ningas cogon kumbaga!

Binitiwan ni Zion ang kanyang lapis at saka lumingon sa akin. Dahil nakadungaw ako sa kanya mabilis lang niyang naabot ang aking pisngi. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init sa munti niyang palad.

"Mami, are you sad po?"

Binigyan ko ng isang ngiti si bibi Zion, pero alam ko talaga na hindi abot sa aking mata ang tuwa. Kinuha ko ang kamay niya at pinisil.

"Umalis na kasi si Ate Jewel mo, dong. Nalulungkot lang ako ng very slight!"

Zion scrunched his nose. "Chucky's owner, mami ko?"

Tumango ako sa kanya.

Nguniti ng malaki si Zion at saka dinala ulit ang kanyang palad sa aking pisngi at hinaplos ako doon.

"Don't worry, Mami ko, because Zion will never leave you. I will always be here for you, Mami ko! And Daddy Xavier too! Daddy and I love you so much, Mami!"

Hindi pa alam nitong si bibi Zion na may price tag na kami ng kanyang daddy. Gusto ko kasing sabay kami ni Xavier kapag sinabi namin kay Zion ang tungkol sa aming relasyon.

"Alam ko, dong! At love na love ko rin kayo, dong!!" ani ko at saka ko pabirong kinurot ang kanyang matambok na pisngi!

Naputol lang ang aming momentus ni Bibi Zion nang biglang dumating si Arianna.

"Afternoon snack!" si ateng Arianna.

Tinanguan ko muna si Arianna bago ko binalingan si Zion.

"Dong, gusto mo sa kusina tayo o dito sa sala?"

"May assignment pa ako, mami ko. Can we have our snacks here?"

Hinagkan ko ang pisngi ni bibi Zion. "Oo naman, dong! Kukunin ko lang ang ating snack, huh."

Maganang tumango sa akin si Zion bago siya bumalik sa kanyang ginagawang assignment. Hirap talaga maging masipag sa school 'di ako makaka-relate! Tamad kasi ako at umaasa lang sa stock knowledge ko. Heh!

Pagkapasok ko sa kitchen, kita kong nagc-chismis sila doon sa bar counter sina Siray na siyang naghihiwalay sa dining area at kitchen. Shocks! Napag-iiwanan na ako dahil sa online class ko! Hindi na ako nakakasali sa kanilang mga chismis!

"Hi. Rence!" si Lina

"Hello, Rence! Kumusta ang klase mo? Sipag mo, ah." suna rin naman ni Siray.

Anong masipag? Kung hindi lang ako nababagabag na hindi pumasok, baka tinutulugan ko na lang ang mga klase ko. Kaso iniisip ko kasi ang gastos ni Pangga sa akin!

Magmartsa ako papalapit sa kanila.

"Hello, Lina!" Kinawayan ko ito bago bumaling kay Siray. "Sumasakit na ulo ko sa online ko, Siray!"

"Mag beauty rest ka!" ani Arianna.

As much as I want to pero nai-istress ako sa mga course namin ngayon, may Math at halos major lahat! Mukhang magkaka-ubusan ng buhok! Tsk! Akala ko madali lang itong kursong kinuha ko ngunit mukhang wala talagang madaling program sa college.

"Pero teka nga! Ano ang pinagc-chismisan ninyo rito? Ako ba iyan?"

Mabilis silang nag-ilingan sa akin.

"Ito kasi si Siray, di ba, alam mo na naman na nabuntis iyong kaibigan niya?" Pa-suspense pa masyado ni Arianna kung kaya't napatigil ako sa pagkuha ng banana que sa harap nila. Itinuon ko ang aking atensyon kay Arianna.

Ito talaga ang dulot ng walang masyadong trabaho rito sa bahay ni Pangga! Tsismis na lang ang pampalipas oras!

"Oh tapos?" ani ko naman na nagmamadali kasi ang alaga ko nasa living area, naghihintay sa kanyang snack!

"Produkto raw pala iyon sa hindi magandang nangyari sa kaibigan ni Siray!" Dugtong naman ni Lina.

Tumingin ako kay Siray na naiiyak sa gitna nina Arianna at Lina.

"H-hindi magandang nangyari?" 'Di ko mawari ngunit halos hindi ko mailabas ang boses ko dahil tila may bumarang isang bagay sa aking lalamunan.

Tumango sa akin si Siray.

"A-anong nangyari sa kanya?" tanong ko.

Nanginginig ang mga kamay ko na sa bar counter. Binaba ko ang aking mata doon at sinubukan kong pigilan ang panginginig ng mga kamay ko kaso mukhang nawawalan ako ng kontrol sa aking sarili.

"Mahilig gumala ang kaibigan ko kasama ang mga barkada niya lalo na kapag gabi. Hindi niya naman sinabi sa akin ang buong detalye pero... pinagsamantalahan siya ng isang..."

Hindi ko na narinig ang karugtong no'ng kwento ni Siray nang tila may narinig akong malakas at matalis na tunog sa tenga ko! Nabuhat ko ang aking kamay na tila namimigat at umugat sa bar counter. May nasagi ang kamay ko pero hindi ko na alam kung ano iyon.

Napaatras ako at tinakpan ang tenga ko dahil sumasakit ito sa naririnig kong matatalis na tunog! I screamed but it seems like my vocal cords were damage. Hindi ko naririnig ang sarili kong boses! Lumipat naman ang aking mga kamay sa aking ulo nang biglang umakyat ang pananakit na aking nararamdaman doon. Parang pinupukpok ng martilyo ang aking ulo.

Sumigaw ako nang sumigaw ngunit parang 'di lumalabas ang boses ko! Nanakit na ang aking lalamunan ngunit wala akong ibang nararamdaman sa aking sarili kung hindi ang sakit ng aking ulo na parang pinupukpok at nilalagari!

Third Person Omniscient POV

Nang mapansin ni Arianna ang panginginig sa kamay ni Lawrence at ang paglikot ng mga mata nito. Kaagad na inutusan ni Arianna ang kanyang mga kasamang katulong.

"Kunin n'yo muna si Zion sa sala, lumabas kayo. Isara ninyo ang pinto at doon muna kayo sa front yard." Nagmamadaling anas ni Arianna at hindi na iniintindi ang kwento ni Siray.

"Huh? Bakit?" takang tanong ni Lina.

"Basta dalian ninyo!" Matigas na utos ni Arianna sa dalawang kasama na oblivious sa nangyayari kay Lawrence.

Natatarantang tumakbo sina Siray at Lina palabas ng kusina. Kinuha ni Arianna ang kanyang telepono at saka madaling dinial ang numero ni Xavier.

Habang hinihintay ang pagsagot ng tawag sa kabilang linya. Nanlalaki amg mga mata ni Arianna at nanlalamig ang kamay nang makita ang kanyang kaibigan na si Lawrence na nanginginig. Nasagi ng kamay nito ang fresh milk at nahulog sa sahig. Umatras ito ng ilang hakban at nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang tenga!

"L-Lawrence..." Nanlalamig na tawag ni Arianna sa kaibigan ngunit parang wala itong narinig at saka sumigaw ng malakas, sigaw na tila namimilipit sa sakit.

"Sir Xavier sumagot na po kayo!" Aligagang ani ni Arianna at saka sinubukang lumapit kay Lawrence ngunit sa pag-atras nito ay natumba ito sa sahig at nabagok ang ulo ni Lawrence sa silyang gawa sa kahoy!

Tamang pagsagot naman ni Cesna sa tawag ni Arianna sa cellphone ni Xavier nang malakas na sumigaw si Arianna sa kabilang linya at saka nilapitan ang kaibigang bumulagta sa sahig at nawalan ng malay!

Mark Lawrence Pov

Like scenes from a movie, vivid images flashed through my mind as swiftly as the wind. I can't remember exactly what happened, but the moment I regained my consciousness, it felt like I was watching a reel of my own life playing before me.

I was dressed in luxurious clothes, holding a small camera and filming myself. I saw glimpses of myself in a grand house filled with expensive things, laughing uncontrollably.

I was living life to the fullest, pursuing my passions with joy. I sang. I danced. I acted. I was brimming with happiness.

When I finally opened my eyes, blurry shapes greeted my vision, but as they sharpened, I saw Arianna beside me, silently crying.

"Lawrence! Dios ko! Mabuti at nagising ka na!" Iyak niya at niyakap ako.

Hot tears stream down the corners of my eyes. I... Jesus! I remember now... Not everything, but I know who I am-who I really am! Mark Lawrence Calderon, the youngest son of Aubrey and Jimmy Calderon, owners of the country's largest shipbuilding empire and global exporters of vessels!

And that night... I remember it. The night that changed my life forever. Kinapa ko ang aking t'yan. Napapikit na lang ako at saka muling umiiyak.

"Tinawagan ko si Sir Xavier, Lawrence at pauwi na siya--"

Nang kinalas ni Arianna ang kanyang braso mula sa pagkakayakap sa akin. Mabilis akong umalis sa kama at lumabas ng kwarto.

Napatalon ako nang may biglang yumakap sa aking hita. Nagbaba ako ng tingin at nakita ko si Zion na namumula ang mga mata. Naririnig ko pa si Arianna sa likod ko na tinatawag ako.

"Mami ko!" anito at naiiyak.

Nag-squat ako at saka ko sinuklay ang buhok niya.

"Aalis muna ako, dong, ha."

"Are you going home, Mami ko?" Tumulo kaagad ang butil ng luha niya. Kaagad ko naman iyong sinangga gamit ang hinlalaki ko.

"Yes, uuwi muna ako saglit, dong."

"What about baby Zion, Mami? I wanna go with you po! Gusto ko ikaw kasama, Mami ko!"

Mabilis kong pinunasan ang mga luha niya at hinalkan ko siya sa noo.

"This is going to be quick, dong. Understand Mami, okay?"

Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko si Arianna. Binigay ko sa kanya si Zion at saka ako nagpatuloy sa paglabas ng bahay. Deretso lang ang tingin ko at walang lingon kahit naririnig ko ang malakas na tawag ni Zion sa akin. Nadaanan ko sina Lina at Siray pero nilampasan ko lang sila.

Mabilis akong pumara ng taxi at saka ko sinabi ang address ng village kung saan ako nakatira dati. Habang nasa daan ako. Madaming tumatakbo sa isip ko. Si Mama Dilya, si kuya Camelot, si kuya Carl, at ang mga magulang ko.

Mga ilang minuto rin bago kami nakarating sa village, hinarang ang taxi'ng sinasakyan ko. Pero nakapapasok rin nang makita akong sakay ng taxi.

Tinuro ko ang direksyon sa driver at ilang sandali lang nakarating na kami na sa malaking bahay na may tatlong palapag ang tayog!

"Pahintay po dito ang pamasahe ko, manong." saad ko sa driver.

Tumango naman siya. Mabilis akong bumaba ng taxi at saka gigil kong pinindot ang doorbell ng gate. Nakita kong may isang maid na nagmamadaling lumabas at natigalgal nang makita ako sa labas. Nang makabawi ito ay saka ako madaling nilapitan.

"Nasa loob sina Mom at Dad?" tanong ko sa maid.

Nakanganga lang siyang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Salamat sa pagbukas mo ng gate." sabi ko na lang dito at saka ako pumasok sa bahay.

At pagkabukas ko sa wooden double door ng bahay, una kong nakita si Mama Dilya na may dalang basahan at naglalakad sa gitna ng bahay. Nahulog ang basahan sa kanyang kamay at saka nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. I don't know why, but I feel betrayed. So nasa Manila na silang lahat! Last week, may plano pa akong umuwi ng Cebu tapos nandito na pala silang lahat!

"L-Lawrence... anak..." Putol-putol na wika ni Mama Dilya. Parang nahihirapan siyang iangat ang kanyang paa dahil sa bagal ng kanyang hakbang tungo sa akin.

"May taxi na naghihintay sa labas, 'ma. Wala akong pera. Pasuyo naman po ng bayad doon." ani ko.

Mabilis na tumango si Manang Dilya at nag-utos ng isang katulong para sa request ko.

"A-anak... a-anong ginagawa mo rito? M-may naalala ka na? Alin ang naalala mo?" Nangingiyak na tanong ni Mama Dilya sa akin.

"Mamaya na po 'yan, 'ma. Gusto kong makita sina Mom at Dad. Nasaan sila? Nasa trabaho?" Naggitgit ang ngipin ko. Kinuyom ko ang aking kamay na nanginginig!

Marami akong gustong itanong sa kanila ngunit may kailangan akong unahin sa mga tanong kong iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa buong ground floor ngunit tahimik lang at ang nakikita ko ay ang mga maids na nakatunganga, hindi makapaniwala sa muli kong pagtungtong sa bahay na 'to.

"T-tawagin sina Ma'am at Sir. Sabihin na... n-nandirito si Lawrence." si Mama Dilya doon sa katulong na nagpupunas ng mesa sa ilalim ng malaking larawan nina Mom at Dad.

Giniya ako ni Mama Dilya sa sala at pinaupo. Tinanong niya kung ano ng gusto ko kaso wala akong ibang gusto kung hindi ang makita ang mga magulang ko ngayon.

At ilang saglit lang, makita ko na sina Mom at Dad na nagmamadaling bumaba galing sa taas. I don't know if sa second floor ng bahay o sa third floor sila galing.

Mommy rushed toward me, tears streaming down her face, while I stood there, my eyes blazing with intensity.

"Anak... Lawrence." It was mother, and she covered her mouth before letting out a cry.

"Lawrence," it was Dad, and he stood by my mother's side and held her.

"M-may naalala ka na? Kilala mo na kami, anak?" si Dad.

My gaze shifted between my parents, standing just a meter away, as tears silently streamed down my cheeks. I made no effort to wipe them away, knowing it was pointless when I was on the verge of shedding even more.

As I made my way here, memories of my disdain for this house flooded back. I recalled how I loathed it, how I resented them, and how I could barely tolerate their presence.

"Mom... Dad..." It escaped my lips as a whisper.

I saw the joy in my mother's eyes as she cried, but the next words that left my mouth halted both my parents.

"Nasaan ang a-anak ko?" Nanlalaki ang kanilang mga mata. "Alam kong wala akong malay habang lumalaki ang t'yan ko. Alam kong nagbunga ang tang inang gabing iyon, Mom, Dad. At alam kung nanganak ako bago ako pumunta ng Cebu. Kaya ang tanong ko... nasaan ang anak ko?" I choke out.

Umiling si Daddy sa akin. Si Mommy ay napakapit na lamang sa damit ni Dad.

"Inuulit ko. Nasaan. Ang. Anak. Ko!"

"It's gone. He's dead." My dad's words shattered my world, leaving me drowning in an ocean of grief and disbelief.

***
This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for students. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top