CHAPTER 32

Chapter 32

Mark Lawrence Pov

When you're truly happy, time seems to slip away in an instant, as if the moments are fleeting like a blur, and before you know it, joy fills your heart in the blink of an eye. But when you're sad, burdened with pain and sorrow, time slows to an agonizing crawl. Every second feels like an eternity, as if each painful moment etches itself deep into your memory. This is why we often find ourselves remembering the days of heartache more vividly than the fleeting moments of happiness. The weight of sorrow lingers, while joy feels as though it disappears too soon.

Truthness talaga ang sinabi na savor every moment na kasama mo ang mahal mo at ang mga taong mahalaga sa'yo. Kasi hindi natin alam na isang araw o sa isang iglap maaaring magbago ang lahat.

Kaya naisip ko na habang may natitira pa akong araw na kasama ang aking Pangga sa kanyang big brother house. Sasagutin ko na siya. Wala namang masama doon dahil matagal na akong may gusto kay Ultimate Crush at mahal ko rin siya. Naiintindihan niya kasi ako, nakakasabay siya sa kabaliwan ko, at siya lang nakakapagpabaliw at nakakapagpakalma nitong pusong ligaw ko!

Our neighbors and former classmates couldn’t look at me. Kahit nga napapasulyap lang ako o napapatingin sa kanila noon, halos pandirian nila ako kasi wierdo raw ako. Pero palong-palo naman ako ngayon, kasi iyong tumititig sa akin ay ang crush ko na— ang idol ko lang noon na aking sinasamba rin dati sa probinsya! Buti talaga tumalab ang mga orasyon ko gabi-gabi para kay Xavier! Charz! Sa ganda ko talaga nahulog iyang si Xavier, takot lang siyang umamin sa akin. Knows ko na iyan kaya care no less na ako!

"You're spacing out." Ang puna ni Ultimate Crush sa akin ang nakapagpagising sa akin mula sa aking malalim na pag-iisip. Tulala lang ako kasi next sem may research na kami. In-advance ko lang ang pagkakatulala ko!

"Don't you feel good? Gusto mo na bang umahon tayo?"

Nandirito kasi kami ngayon ni Pangga sa pool! Naliligo kami. Syempre, alangan naman magtanim kami rito sa tubig ng mais. Nasa likod ko si Ultimate Crush at nakayakap sa baywang ko ang kanyang dalawang braso. Kulong niya ako sa mga braso niyang macho at mainit kung kaya't 'di ako nakakaramdam ng ginaw kahit na gabi!

Isang linggo na ang lumipas simula no'ng binigyan ko ng positive na resulta si Pangga. It means may price tag na kami, siya akin, ako naman sa kanya. Iyong PT ay sa kaibigan lang iyon ni Siray na nabuntis. Nakwento niya kasi ito sa amin kung kaya't naisipan kong humingi ng isang PT doon sa kanyang kaibigan para ma- surprise ko si Xavier.

Si Xavier kasi panay ang date, bigay ng kung ano-ano sa akin. Kaya gustong-gusto kong bumawi sa kanya sa pamamagitan ng pag-surprise sa kanya sa araw na sinagot ko siya! Happy na happy si Ultimate Crush at na-speechless mga raw siya. Though fifty-fifty ako sa speechless niyang iyon kasi nakakapagsalita naman siya.

"Hindi, pangga! Gusto ko pa." Syempre minsan na nga lang kami naglalandian dahil may online class ako at siya naman abalang-abala sa kung anong mga ganap niya sa nagdaang araw. Minsan naririnig ko pa na makausap sila ni Ate Xaña sa telepono.

"Okay." si Xavier bago hinalkan ang aking sintedo.

Napapikit naman ako doon. Iba ang mga halik ni Xavier sa akin. Parang may dalang kung anong mahika na nahahalina ako at kinakalma ang aking sarili.

"Can I kiss... you?"

Sa linggo na dumaan na naging official na kaming may price tag ni Pangga. Lagi na rin siyang humihingi sa akin ng permission na humalik. I mean, nanghahalik naman siya sa pisngi ko, ilong, mata, noo, at sintedo ko. Kaso kapag gusto niya sa labi, nanghihingi siya ng permission.

Simpleng-simple ang bagay na iyon kaso parang big deal siya sa dibdib ko. Kakaiba ang dulot na init no'n sa puso ko.

"Of course!" Galak kong pagpa-unlak kay Xavier! Actually, pwedeng pwede na akong buntisin ni Pangga kasi may price tag na kami, may label na pero syempre iniisip ko na bawal pa kasi nags-school pa ako. Nasa third year pa ako sa kurso kong BSBA sa edad kong twenty-three! Tapos ayaw ko rin naman na umeksena sa buhay artista ni Xavier dahil baka malaos siya dahil sa akin tapos maghihirap kaming pareho! Mahirap na ako tapos magiging mahirap pa siya. Naku, bawal 'yan. Dapat may pera kami at kung pupwede ay mayaman para loving-loving na lang kami with money. It's a big no kapag loving lang tapos walang pera! Emz!

Naglanding ang pag-iisip ko nang dumapo ang mga daliri ni Xavier sa aking baba at saka marahan niyang inikot ang aking ulo.

"I don't want you to close your eyes when I'm kissing you, baby." aniya, hinaplos-haplos ang aking baba gamit ang kanyang daliri.

Tumango ako dahil masunurin naman ako. Charz! Nasanay na naman ako kasi kapag nanghahalik siya sa labi ko, gusto niya nakatingin ako sa kanya.

Slowly, he bends and crashed our lips together at kagaya ng lagi kong nakakagawian. Binuka ko kaagad ang aking labi para sa kanya. Mahina ang halik ni Xavier, para bang sa bawat minuto at segundong dumadaan ay pinapadama niya sa akin ang kanyang init at malambot na labi.

A m*an escapes from my mouth as he massages my lips with his teeth in a soft and tender manner, biting them carefully but not causing me pain. Sa kabila ng malamig na tubig nakakamangha na nag-iinit ako sa gitna ng kanyang mga braso at katawan.

I shifted my weight when I felt my neck stiffen. Parang naramdaman din iyon ni Xavier kung kaya't inikot niya ako. Without breaking our kiss, Xavier lifts me, and I immediately wrap my legs around his waist. His hands support my weight under my butt.

The sight of him kissing me, tenderly and with care, was something I was beginning to get accustomed to. The wet, crashing sounds of our mouths filled my ears, and I loved every second of it. The farthest Xavier could go was kissing me—no touching—but I melted just from the feel of his lips. How ironic!

I could feel him getting hard below, which was always the sign that he would stop kissing me. And I wasn’t wrong. When he let go of my mouth, he still looked hungry.

"Shall we go inside? You still have an early class tomorrow, right?"

Ang bilis niya i-divert ang aming topic sa iba.

"Papaano ka?"

Nagtagpo ang kilay niya sa sinabi ko.

"What about me, baby?" Kalmado niyang ani.

Bumagsak ang mata ko sa ilalim ng tubig, kahit na hindi naman malinaw ang kanyang pagkalalaki na tumitigas na. I felt him though, I feel him growing and getting hard.

He puts me down carefully.

"It's fine."

"Pero gusto ko tulungan ka, Xavier." Matulungin kasi ako.

Umiling naman siya bilang pag-di sang-ayon sa akin.

"I can handle this. Kissing you is enough for me, for now, hmm?" Then he caresses my cheek.

"Kailan kaya matatapos ang enough-enough mo na iyan, Pangga?" I wondered.

Tumawa siya.

"I'll let you know. But for now, let's take a bath and go to bed."

I let him scoop me up and help me out of the pool. Ang lamig ng gabi ay saka lang sumakop sa aking katawan nang makawala ako sa tubig at sa katawan ni Xavier. Pero saglit lang iyon nang iyakap ni Xavier ang isang makapal na towel sa akong katawan at binuhat na ako papasok sa bahay.

Kinabukasan nagising ako na wala si Xavier sa aking silid. Well, pinapatulog niya lang naman ako at saka siya pupunta sa kanyang silid. Hindi kami live-in sa kanyang kwarto! At bago siya pumunta sa kanyang trabaho, pupuntahan niya ulit ako para magpaalam. Hindi naman ako nagkamali nang bumukas ang kwarto, dumungaw pa siya bago tuluyang pumasok.

Nandito ako sa aking study table at lumapit siya.

"I'll be back, baby. Text or call me when you need something, ibibigay ko kay Cesna ang cellphone ko just in case nasa gitna ako ng set, hmm?" si Xavier at saka humalik sa noo ko at dalawang pisngi na apaka ganda!

"Hmm, ingat ka."

"You too, baby."

Umingos ako. "Nasa bahay lang naman ako."

"Even if." Pagmamatigas niya. Tsk! Patigasin ko ang kanyang kaibigan sa baba, makikita niya talaga!

Nginusuhan ko lang siya.

"Sige na. Baka nand'yan na ang prof mo." Nginuso niya ang screen ng laptop ko na naka-on at nasa Zoom Meeting na rin. Naka-mute pa si Sir. Pinahiram niya lang sa akin itong laptop niya! "I love you, baby."

"Mahal din kita, pangga, pati pera mo mahal ko!" Syempre maging totoo na ako rito, mahal na mahal ko rin pera niya.

Natawa lang siya at pinanggigilan ang pisngi ko. Hayst! Hirap magkaroon ng precious face tulad ko! Hulog na hulog si Xavier!

Nang matapos ang aking online class kinahapunan, akala ko makakapag-beauty rest ako. Kaso dumating ang aking friendship na si Jewel! Buti naman 'di niya dala ang kanyang alaga na si Chucky!

Pinatuloy ko na si Friendship sa loob ng big brother house ni Xavier dahil feeling ko bahay ko na rin ito.

"Sorry, friendship, naging busy ako sa aking online class at paglandi kay Xavier. May price tag na kasi kami!" Kinikilig kong sambit.

"Huh? Price t-tag?"

Sinampal ko ang balikat ni friendship na nasa tabi ko. Magkaharap kami at nagk-kwentuhan. Update-update lang sa mga ganaps sa buhay.

"Oo, label ba."

Napatakip siya sa kanyang bibig at halos lumuwa ang mata sa gulat. Natawa nan ako sa kanyang naging reaksyon.

"Oh my! You mean label, friendship? Boyfriend mo na si Xavier? Is this for real!"

"Oo! 'To naman!" Mukhang 'di nabalitaan ni friendship ang pagka-blind item ko.

Nayakap ako ni Jewel sa tuwa niya

"I'm so happy for you, friendship! I'm so happy na before ako mag-leave sa country boyfriend mo na si Xavier!"

Napakalas ako sa yakap naming dalawa. I looked at her like I'm sizing her up.

"Huh? Aalis ka, friendship?"

Malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Yes, friendship! Isasama na kasi ako nina Mom sa US. Maybe, I will stay there for good na."

Masaya ako kay Friendship na makakasama na niya ang kanyang pamilya kahit na busy ang mga ito. Hindi kasi ito napipirmi sa isang bansa lang pero knowing na isasama na siya at aalis, nalukungkot ko.

"Ang duga naman, friendship!"

"Sorry, friendship! Don't worry, kapag ikakasal ka na kay Xavier. I will make time and uuwi ako here for you!"

"Papaano kapag hindi kami ikakasal? Ibig sabihin 'di ka uuwi?"

"Uuwi ako for you!"

"Basta pasalubong ko rin!"

Tumango siya. "Oo naman!"

"Dapat bonggacious!"

"For you, friendship!"

Third Person Omniscient POV

Naningkit ang mga mata ni Lara habang tinitingnan ang kaibigan niyang palakad-lakad sa kanyang harapan. Nakaupo siya sa couch ng kanyang sala at tamad na pinapanood ang kaibigan na hindi mapirmi, si Kyline.

"Tumigil ka na, Kyline. Ako na ang nahihilo sa ginagawa mo!" Reklamo ni Lara at nag-cross arms. They've been friends since their highschool days at kahit nagkahiwalay sila ng institution nang mag-college sila, their bonds together were as strong as steel! That's why Lara went through all Kyline's wants and plans kahit na labag iyon sa loob niya. Malaki rin kasi ang tulong ni Kyline sa buhay niya dahil naging victim siya ng bullying but Kyline was the only one who got her back and defended her. Kaya bilang bawi niya lang sa kaibigan, ginagawa niya ang gusto nito. Hindi lang alam ni Lara kung tama ba ang naging mga desisyon niya.

"How can I calm down, Lara! Didn't you hear me? Ipinagpalit ako ni Xavier sa isang bakla! Nakita mo naman iyong nasa Club Ferrer, right? We both saw it!"

Lara just stared at her best friend. Sila rin ang magbenta ng information na iyon sa news article. But it seems like Xavier wasn't moved by it.

"Kung hindi mo lang kasi siya hiniwalayan noon--"

"It's all my parents fault! Ayaw nila kay Xavier kasi mahirap pero look at him now! He is now on top of his career!" Kyline frustratedly meddled Lara.

"What now? Kukunin na naman natin ang bata sa kanya?" si Lara.

They once kidnapped the poor child and threw the kid in Cebu, but it seems like Xavier's and the child's fates were destined to cross, no matter what they did!

"I like that pero dapat hindi na pumalpak ang mga tauhan mo! Sabi ko damputin na lang ang bata pero natakasan ng bubwit!" Galit na wika ni Kyline.

"Kyline..."

"What?" Kyline snapped at Lara.

"Maybe we should stop this? Hindi ka ba naaawa sa bata? Papaano ang trauma no'n? At saka ayaw ka nga no'ng bata, eh." Lara tried to lighten up Kyline's dark mind.

"I don't care about that child, Lara! All I wanted is Xavier!"

"Pero kita mo naman na may kasama ng iba!" Argumento naman ni Lara sa kaibigan.

"Lara, Xavier will eventually lose his fondness and interest on that fag!" Natatawa nitong wika. Then, Kyline occupied the vacant sofa across Lara. "Maybe, it's time again to kidnap, Zion. Kita mo naman no'ng last time na nawala si Zion, right? He came to me and talked to me. Maybe, kailangan lang talagang mawala sa landas namin ni Xavier si Zion." si Kyline na siyang tuwang-tuwa sa sariling plano.

"Kyline, hindi ka ba naaawa sa bata?"

"Why would I be, Lara? When in the first place alam mo— personal mong alam kung saan galing ang batang iyon!"

"Kyline naman Zion is still a kid and..."

"Pasalamat na lang siya na binihisan at may magandang buhay siya ngayon, Lara. Dahil kung wala siya sa atin, baka matagal na ring patay o naging palaboy ang batang iyan! Saka, ni hindi ko nga iyan nagamit." Inis na wika ni Kyline at walang naramdaman kahit na konting habag sa loob.

Napayuko na lang si Lara. She keep her mouth shut at naaawang tiningnan ang kaibigan na hindi matapos-tapos sa obsession nito kay Xavier. Alam niya ang lahat ng nangyari dati.

Nabuntis ang kanyang kaibigan, nabuntis ito ni Xavier nang mga bata pa ang mfa ito at alam na alam nila kung gaano ka-distaste ang mga magulang ni Kyline kay Xavier. Pinaghiwalay sila kapalit ng pagdala ni Kyline sa bata. Ipapalaglag kasi dapat ito ng mga magulang ni Kyline dahil ang babata pa ng mga ito noon.

Sunod-sunuran si Kyline sa kanyang mga magulang noon pero pinalano na rin ni Kyline na bubuhayin niya ang bata dahil alam niyang magbabalikan din sila ni Xavier kapag may anak na sila. Kaso... sa kalagitnaan ng pagbubuntis ni Kyline ay nakunan ito. Wala kasi itong alaga sa sarili at umiinom kahit na buntis! Pero nagpanggap si Kyline na buntis at nang manganak ito, sa tulong ni Lara, nakahanap sila ng bata na ipinanganak din sa araw na iyon at iyon ay si Zion.

"Maawa ka naman sa bata, Kyline." si Lara, na nakokonsensya dahil siya ang kumuha sa bata nang sanggol pa lang ito. Hindi tuloy alam ni Lara na blessing ba na nailigtas niya ang bata o hindi dahil napunta ito sa kamay ni Kyline.

"Awa? Are you kidding me, Lara? That kid isn't my flesh and blood, and he's not even Xavier's child! So, saan ako maaawa?"



***
This story is COMPLETED (with 1 Special Chapter) on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top