CHAPTER 30

Chapter 30

Xavier Pov

My eyes widened in shock as I watched Lawrence frantically crawl across the floor, desperately trying to hide behind the huge vase. His cries for help echoed through the night, his voice cracking with fear. He clutched his head in both hands, trembling, as though trying to shield himself from some unseen being.

Tila nahimasmasan ako sa aking pagkalasing ilang sandali matapos kong makita si Lawrence sa kanyang pagwawala at pag-iyak!

"Please! No, no!" Tears cascaded down his cheeks as he cried once more, his sobs wrenching from deep within. He pulled his legs tightly to his chest, wrapping his arms around them as if trying to hold himself together. His body trembled, and he shook his head violently.

"B-baby," I whispered, my voice barely more than a breath, as shock still clouded my thoughts.

Slowly, I forced myself to take a step forward, every step seems to make my feet feel heavy. My hand clenched into a tight fist, the tension coursing through me as I inched closer to him. Lawrence trembled uncontrollably, his arms wrapped tightly around his knees, his whole body shuddering with fear. His eyes, wide and unfocused, darted around the area as though he couldn’t see me standing right in front of him, lost in a world I couldn’t reach.

"Baby," I called his name once more, my voice barely whispered as I stood just a few steps away from him. My hands clutched, trembling and cold, and I couldn't bring myself to reach out and touch him. My entire body was betraying me, shaking, and sweat poured from me like bullets, each heartbeat echoing louder in my ears.

"No, no! Please, I've been doing good! I've been doing good! I kept my mouth shut and didn’t tell anyone about you. Please, spare me! Please!" he wailed, his voice trembling.

Lawrence brought his palms together, rubbing them desperately.

"Please, spare me!" he pleaded.

I swallowed hard. The pounding of my heart made me feel sick, and I wanted to vomit.

Nang magkaroon na ako ng tamang lakas, unti-unti kong itinaas ang aking kamay at saka ako humawak sa kanyang tuhod.

Masakit kong tiningnan si Lawrence nang manginig siya sa hawak mo.

"Baby, it's me. It's Xavier." I softened my voice, but my teeth were grinding against each other.

However, it looked like Lawrence's mind was still in deep haywire. Kinuha ko ang kamay niya at saka ko iyon hinawakan ng mahigpit. Nanlalamig siya at nanginginig.

"I won't hurt you, baby. You are my babe, and I will never, ever hurt you," I said, kneeling in front of him and holding both his hands.

I brought his hands close to my chest, allowing him to feel the beating of my heart.

"I love you, baby. I love you!" I didn’t know if it would help him, but all I cared about was calming him down and stopping his tears.

"Z is inside the house, baby. You don't want him to see you like this, right?" Kalmado kong saad sa kanya.

Nakakita ako ng pag-asa nang dahan-dahan niyang itinaas-baba ang kanyang ulo.

"Will you allow me to hug you? It's Xavier, baby."

"X-Xavier." mahinang usal niya.

Tumango ako at ngumiti nang tumingin na siya sa direksyon ko. Sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng hininga nang makita kong wala na ang takot sa mga mata niya.

"I... I am your U-Ultimate Crush."

His lips pressed together. Tumango siya. "Hug me."

Hindi ko na siya hinintay pang ulitin ang sinabi niya o mag-aksaya ng oras at tinawid ko na ang distansyang naghihiwalay sa amin. I gently guided his head to rest against my chest, fingers softly combing through his hair. He leaned into me, his body gradually relaxing, until I felt the steady rhythm of his breathing.

When I glanced down, I saw that he had fallen asleep. The dried trails of his tears traced delicate paths across his skin, like a map etched a deep past. With a tender touch, I brushed his hair aside and gently wiped his face with the pad of my thumb.

"Sir Xavier--"

"Sshh!" My gaze shifted to Arianna as she hurried toward me, breathless from her sprint. Her shoulders rose and fell with each inhale, and her eyes widened in shock when they landed on Lawrence, cradled in my arms.

"N-naririnig ko po ang sigaw ni Lawrence, sir."

Tinanguan ko siya. I shifted my stance, then gracefully slid my arms beneath Lawrence, lifting him effortlessly into a bridal carry, cradling him close to me.

"Don't mention anything to him, Arianna."

Nagtataka siyang tumingin sa akin. I understand that she is currently reporting to my sister, but I have kept her on because Lawrence appears to have a strong regard for her.

"Sir..."

"Lalayuan niya tayo kapag sinabi mo sa kanya ang nangyari."

"Okay po, sir. Makakaasa po kayo... p-pero, sir. Hindi n'yo po ba siya ipapatingin sa espesyalista?"

I am planning to... but I need time to explain everything to him, and I want to understand the root of all these things. Syempre, ayaw kong pangunahan at magdesisyon sa buhay ni Lawrence. Kaya pupunta akong Cebu... kakausapin ko ang magulang niya at kung pupwede ay ang mga kapatid niya.

"Kung gusto niya." Tanging sagot ko lang kay Arianna.

Naunang naglakad sa akin si Arianna at siya na rin ang nagbukas ng pinto sa kwarto ni Lawrence. I also asked her to clean the table on the poolside before she go to her room.

When Arianna left, pinakatitigan ko si Lawrence na mapayapa ang tulog. Inayos ko ang kumot niya at inalis ang kanyang buhok na nakatabon sa kanyang noo. I tucked his hair behind his ear when I felt something unusual. Out of curiosity, I stood up and took a look at what was behind his hair.

My mouth fell open when I saw a large scar there. It's deep! Hindi ko ito napansin kahit na ilang beses na kaming nagkakasama dahil nakatabon doon ang kanyang may kahabaan na buhok!

Napaupo ako sa gilid ni Lawrence at kumuyom ang mga kamay ko habang nakatingin sa kanya. What the hell? What happened to you, baby? What have you been through in the past? Where did you get that big scar?

After witnessing him lose control twice and seeing his panic attack earlier, I am even more driven to understand him and learn more about his life.

Nakatulog ako sa kanyang kwarto sa kauna-unahang pagkakataon pero sa sofa ako nakatulog. Pilit ko lang pinagkasyaa ang aking katawan sa maliit na higaan.

Nagising ako na may nakatitig sa akin, mahirap iyong balewalain kung pati ang mainit nitong hininga ay tumatama sa aking mukha. Nang buksan ko ang aking mata, tama ako na may nakatingin sa akin at si Lawrence iyon.

Malaki ang kanyang ngiti sa akin at halos kuminang ang mga mata. How can I smile back after what happened last night? What if he was just faking it? What if he was just pretending in his behavior?

"Good morning, pangga!" Maloko siyang ngumiti sa akin.

Kagaya ng inaasahan ko, wala siyang maalala ngayon sa nangyari sa kanya no'ng nakaraang gabi.

I moved and faced him. Nakaluhod siya malapit sa sofa na aking kinahihigaan.

"Ikaw, pangga, huh. Hindi lang kita sinagot doon sa request mong magsama tayo sa iisang room kaso sumalisi ka na rito. Ebarg!"

Namumungay ang mga mata kong tumingin sa kanya at nginitian siya. "Good morning, baby!"

"Amp! May atraso ka lang sa akin kaya ganyan ka, eh. Alam mo na iyong article na lumabas tungkol sa atin? Na-blind item ang peg ko, Ultimate Crush, huh!" Ngisi niya.

Bumuntong hininga ako. "Cesna and my management are already working to take it down. Don't worry. I won't let anyone harm you, baby. I will protect you."

"Uhm!" Tango niya.

Bumangon ako, sinuklay ko ang aking buhok ng ilang  beses gamit ang aking daliri bago bumaling kay Lawrence na nakatangang nakatingin sa akin.

"Baby? What's wrong?" Ginapangan ako ng kaba nang makita siyang natulala.

"A-ang gwapo mo kahit umagang-umaga at bagong gising ka, pangga!" Bulaslas niya at nakahinga naman ako ng maluwag! Akala ko mauulit na naman ang nangyari kagabi.

"Sit here," ani ko at tinapik ko ang espasyo sa aking tabi.

Mabilis naman siyang umapo doon, titig na titig sa akin.

"Aalis ako ngayon," simula ko.

"May taping ka?"

Umiling ako. "Wala... pero may lalakarin kami ni Cesna."

Tumango siya. "Hmm! Saka may klase rin ako ngayon, pangga! Kung aayain mo akong gumala saka na iyan!"

Ginulo ko ang kanyang buhok. "I know! Also, huwag mo na akong hihintayin kung matatagalan ako. Kung may gusto kang sabihin, we can talk about it in the next morning. Huwag mong pagurin ang sarili mo, okay?"

Nag-thumb's up siya sa akin. Dumukwang siya papalapit sa aking mukha.

"Pangga."

"Hmm?"

"Salamat in advance sa two months!"

I wet my lips using my tongue. I looked at him in his eyes. "Hindi ka na pang-two months dito, Lawrence. Dito ka na hanggang kailan mo gusto."

Sinabi niya kagabi na narinig niya ang pinag-usapan namin ni Xaña at nais na niyang lumayo rin sa amin pero huwag muna ngayon. Kagabi naging marahas ako at impulsive, nasigawan ko siya at may nasabing hindi kaaya-aya. Hindi rason ang alak na nainom ko para i-justify ang nagawa at nasabi ko sa kanya. At saka, ayaw ko siyang sakalin kagaya ng sabi niya kagabi. Ayaw ko na hindi pa lang nagsisimula itong relasyon namin ay may boundary kaagad sa amin.

"But... if you want to go home. I will send you home."

"Papaano ang panliligaw mo?"

Napangiti ako. Iyon pa talaga iniisip niya, problema ko na naman iyon.

"Edi, pupunta akong Cebu. Ang lapit lang ng Cebu, baby." Isang flight lang iyon at walang isang oras nasa Cebu na ako. Pwede naman na pupunta ako sa kanya, dadalaw, tapos uuwi rin ako rito sa Manila for my work. Besides, may kaibigan ako sa aviation at kaibigan ko rin ang may-ari ng airline. Hindi problema sa akin ang pagbisita sa kanya kahit araw-araw pa 'yan!

"Hassle."

Umiling ako. "Kapag gusto ko, gagawan ko ng paraan."

_ _ _ _

Kasama ko si Cesna at ang isang driver namin papuntang Cebu. Kagaya no'ng unang beses kaming pumunta rito, para kunin si Z, lihim lang din itong pagpunta namin ngayon. I'm so thankful for Cesna because she supports me in everything I do. That's why I cannot change or replace her. She's the best manager! Kasi labas na naman ito sa trabaho niya pero sinamahan niya ako.

After ng less than an hour na flight from NAIA to MCIA, Cesna rented a car for us at ang driver na na kasama namin ang nagmaneho. Dumeretso kami sa bahay ni Lawrence at si Cesna muna ang lumabas para tingnan kung nasa bahay ba nila si Mrs. Alipalo.

Sinilip ko si Cesna na nasa bakuran ng bahay at ilang saglit pa ay may babaeng lumapit kay Cesna at nag-usap sila. I cannot hear what they're talking about since they are meters away from me and the van is closed as well.

Hinanda ko na ang sarili ko at marami akong gustong itanong kay Mrs. Alipalo tungkol kay Lawrence. Ilang sandali lang ay bumalik si Cesna at pumasok sa van.

Bigong tumingin si Cesna sa akin. "Wala na raw si Mrs. Alipalo, Xavier."

Nagtagpo ang kilay ko. "What?"

"Sabi nang babaeng nakausap ko, na kaibigan ni Mrs. Alipalo, matagal-tagal na raw'ng bumalik si Mrs. Aubrey Alipalo sa Manila."

"Totoo ba 'yan? Baka naman umalis lang saglit." ani ko.

"No, pansin ko rin na walang linis ang bakuran nila at tahimik ang bahay. Ni walang sinampay o bakas ng tao sa bahay, Xavier. Anong nang gagawin natin ngayon? Susundan ba natin si Mrs. Alipalo sa Manila?"

"Hindi naman natin alam kung saan sa Manila si Mrs. Alipalo." Napahilot ako sa aking batok.

"Nasabi ng babae na bumalik na raw si Mrs. Alipalo sa trabaho nito dati, sa pagiging kasambahay ng mayamang pamilya sa Manila. Mga Alipalo rin daw."

"Natanong mo kung saan namamasukan ang mother ni Lawrence? She could have called me and worked at my house instead. Makakasama niya pa si Lawrence and baby will not be sad anymore."

Umingos si Cesna. "Oo, alam ko kung saan. Pupunta tayo? Babalik na tayong Manila?"

Tinanguan ko si Cesna at nagbook kaagad siya ng flight sa amin pabalik. Ni hindi kami nag-aksaya ng oras at dumeretso kami sa village kung saan namamasukan si Mrs. Alipalo, sa Sartoria Village also known as the millionaires village.

"You know what, Xavier, kanina no'ng kausap ko anag babae, Dilya ang sinabi niyang pangalan na nakatira sa bahay ni Mrs. Alipalo." Pagtataka ni Cesna.

"What?"

Nagkibit siya ng balikat. "Hmm, pero baka Dilya Aubrey ang tunay na pangalan ni Mrs. Alipalo. O di kaya'y Aubrey Dilya." ani Cesna.

Mahigpit ang security ng village at tumawag pa ang guard sa bahay ng mga Alipalo upang magtanong kung may bisita ba silang inaasahan. Muntik pa kaming 'di makapasok pero nang sinabi ni Cesna na may kailangan kami kay Mrs. Alipalo. Kaagad kaming nakapasok at tinuro pa ang direksyon ng bahay.

"Wow!" Manghang untag ni Cesna habang nasa daan kami at ang bawat bahay na nadadaanan namin ay halos nasa two-story o higit pa ang palapag! A variety of enchanting fairytale-style houses, each with its own unique size, design, and charm welcome us.

"Ngayon lang ako nakapasok sa millionaires village na 'to at tingin ko pati hininga ng mga tao rito mahal at may bayad!" Natatawang saad ni Cesna kaya napangisi ako.

Nang makarating kami sa isang three-story house ako na ang bumaba at nagdoorbell. May lumabas kaagad na isang maid at pinagbuksan ako ng gate.

"Pasok kayo, sir!" anito at niluwagan ang gate.

Pumasok ako at sumunod sa maid papasok ng bahay. Parang tr-in-iple nitong bahay ang laki ng bahay ko. Sobrang lawak pa ng bakuran na natatabunan ng green na damo! The house was primary made of stone with color black, brown, and white colors in the outside.

As we stepped into the house, my eyes were met with a dazzling array of gold hues and shimmering things. The floor was so polished that it mirrored my every move, reflecting even the smallest details of our faces. It felt as though we had entered a grand castle.

"Xavier." Naagaw ng isang boses ang atensyon at nakita ko si Mrs. Alipalo na naka-pang maid's attire.

Bahagya akong yumuko. "Magandang umaga— hapon po, Mrs. Alipalo."

Malimit siyang ngumiti sa akin.

"Dito tayo sa sala." aniya at minuwestra ang kamay tungo sa sala.

"Kumusta na si Lawrence? Kapag tumatawag kami sa kanya, mukhang enjoy na enjoy siya sa bahay mo, Xavier. Totoo ba iyong sinasabi niya o hindi?" saad ni Mrs. Alipalo.

"T-totoo po iyon, Mrs. Alipalo."

"Hmm. Mabuti. Pero napasadya ka rito, ano ang kailangan mo?"

Umayos ako sa aking kinauupuan at tumingin sa mga mata ni Mrs. Alipalo.

"Ang totoo n'yan, Mrs. Alipalo galing pa po akong Cebu." Panimula ko at napatango naman ang ina ni Lawrence. "Nanliligaw po ako sa anak ninyo."

Maliit lang ang ngiting binigay niya sa akin. "Alam ko, hijo. Nasabi nina Carl at Camelot. Deretsuhin mo na ako, hijo. Ano ang sadya mo rito?"

Napalunok ako. "Ma'am... ano pong nanyari kay Lawrence, dati?"

Doon nagbago ang ekspresyon ni Mrs. Alipalo. Her eyes turn grim.

"Xavier,"

"Alam kong wala pa po ako sa posisyon upang magtanong sa inyo nito, Ma'am. Pero... p-pero dalawang beses na pong nawawala si Lawrence sa isip niya. He claims na may humahabol sa kanya at binabalikan daw siya. Nawawalan siya ng malay at kinabukasan wala na siyang maalala sa mga nangyari. And just last night, nagkaroon siya ng panic attack sa harap ko." Saysay ko. "Ma'am, seryoso po ako sa anak ninyo at gusto ko pong malaman kung ano ang nangyari sa kanya para matulungan ko po siya."

Natahimik si Mrs. Alipalo.

"Wala ako sa posisyon para sumagot sa mga katanungan mo, hijo."

"Mrs. Alipalo," I murmured.

"Hijo, hindi ako si Aubrey Alipalo."

Umawang ang labi ko, nagtagpo ang mga kilay ko.

"Ma'am..."

"Ako si Dilya Arsenal, hijo, at hindi ako ang tunay na ina ni Lawrence. At ang tunay na ina lang ni Lawrence ang makakasagot sa mga tanong mo, hijo." aniya.

***
This story is already at chapter 37 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top