CHAPTER 3
Chapter 3
Mark Lawrence Pov
Almost two weeks had passed and my dong, Zion is still in the house! Yes people you read it right and left, I mean right lang pala! Nanatili sa amin si Zion kahit against the will ito ni Mama Aubrey. Kesyo, Zion is not mine raw at baka hinahanap na ang bata ng totoo nitong parents. But guess what! Wala naman yatang naghahanap sa bubwit since tumagal sa amin si Zion. Unexpectedly!
Na-imagine ko na kasi ito noong una, e. Na may pupuntang mayaman dito sa amin tapos aangkinin nila si Zion tapos syempre bilang isang savior slash Mami ni Zion ay 'di ko ibibigay ang bata sa kanila pero kapag nag-offer na ng pera ay ibibigay ko naman ang bata. Kaso. Kaso. Kaso lang! Mali ako. Napakawalang kwenta nang naisip ko kasi wala namang pumuntang mayaman na pamilya dito sa amin at inangkin itong bubwit na nahuli ko sa gubat!
Kidding! Sa totoo lang nag-iexpect naman talaga ako na may naghanap sa bata at bawat araw na dumadaan pilit kong huwag na ma-attach kay Zion kasi alam kong mawawala rin siya sa piling ko. Pero ngayong umabot na nang halos dalawang linggo si Zion dito sa amin, bigo ako. Bigo ako kasi alam kong napasok na ng bata ang puso ko. Gusto ko na nga na angkinin siya e, pero alam kong may tunay itong pamilya.
"Mami?"
Tingnan mo na. Nanghihina na nga ako kapag tinatawag niya akong Mami kahit na bakla lang naman ako. Nakakapanghina ang batang ito. Halos isipin ko na nga na may super powers siya. Eme lang!
"Yes dong?" sagot ko dito habang nakatutok ang mata ko sa television. Siya naman ay pilit na kinakasya ang katawan sa tabi ko dito sa sofa. Patagilid na nga lang akong nakahiga dito para lang makahiga siya.
"What's on your mind po, Mami?" tanong nito kaya naman lumipat ang atensyon ko sa kanya. Ano ba naman itong si Bibi Zion para naman itong Facebook kung maka-what's on your mind!
Nakita kong nakatingin siya sa akin. Pinagmamasdan niya ang mukha ko gamit ang namumungay niyang mata. Sa loob nang mga araw na nasa bahay si Zion naging malapit na rin ang loob ni Kuya Camelot dito. Binilhan nga ito ng mga laruan ni Kuya Camelot at minsan sinasama pa sa lakad nito sa palengke. Si Mama Aubrey naman kahit na di noon sabihin alam kong may puwang na rin sa puso niya si Zion.
"Iniisip ko lang kung papaano kung biglang dumating ang tunay mong mga magulang. Ano kaya ang pwedeng pabuya ang hilingin ko sa kanila? Pwede kaya ang 10 million?" biro kong sagot dito pero iba ang nakita kong ekspresyon ng bata. Itong si Zion ay matalino. Nakukuha niya naman ang mga sinasabi ko kahit na ibang level din ang IQ ko. Kaso iba ngayon. Iba na kapag magulang na niya ang pinag-usapan namin.
Yumakap sa super sexy waist ko ang maliit niyang kamay at binaon sa dibdib ko ang mukha niya na namula kaagad.
"No! No! H'wag mo akong ibigay sa Mommy ko, Mami. Ikaw ang Mami ko! Ikaw!" Pagmamatigas nito at agad kong naramdaman ang pagkabasa ng manipis kong tshirt.
Bahagya kong tinulak ang ulo nito papalayo sa dibdib ko at agad ko namang nakita ang basa nitong mukha at namumulang ilong at pisngi.
"I don't want to be with them, Mami. I want you. You're my Mami. You're my pretty Mami!"
Napalunok ako. Ginoo ko! Unsaon naman ko na si Zion, Lord?
Nagtaka ako nang umahon ito sa pagkakahiga sa tabi ko at niluhod ang maliit niyang binti bago yumukod at humalik sa magkabilang pisngi ko bago hinalkan ang labi ko.
"I love you, Mami ko." Nanlalambing niyang turan at hinaplos-haplos pa ang pisngi ko tapos humahalik na naman.
"D-dong," pigil ko dito sa paghalik sa akin dahil mabaho ang laway niya. Charot! Pinigilan ko ito upang matingnan niya ako ng mabuti.
"Dong, alam kong matalino ka. Alam ko dong na alam mo ang totoo, na hindi talaga ako ang Mami mo at hindi mo ako tunay na magulang. One day aalis ka rin sa amin. One day kukunin ka rin kung sino man ang parents mo." Pagpapa-intindi ko sa bata kaso sinunggaban lang ako nito ng yakap at binaon ang mukha sa leeg ko.
"No! I won't leave you, Mami. You're my Mami. You are!" Pilit nito at umiyak!
Gosh! Nakakabobo rin itong si Bibi Zion!
Mabuti nalang at dumating si Kuya Camelot at Mama galing sa palengke. At inaya ni Kuya Camelot sa labas si Zion para magbasketball. Ako naman ay tumulong kay Mama Aubtey sa kusina para magluto ng hapunan namin.
"Ano iyong naabutan kong eksena, Lawrence?" tsika ni Mama habang hinuhugasan ang karne gamit ang running water sa faucet.
"Ay, di ko po nasundan ang pangyayari sa eksena kanina sa pinanood ko 'ma dahil--"
"Lawrence alam mong hindi iyan ang tinutukoy ko." Pagputol ni Mama kaya natahimik ako.
Nilagay ko sa mesa ang bagong hugas na karne at umupo sa silya.
"Sinabihan ko lang si Zion, 'ma na balang araw may kukuha rin sa kanya dito. Na balang araw mawawalay din siya sa atin at pinaliwanag ko dito na hindi ako ang Mami niya kaso..." Humina ang boses ko. Naiiyak ako. Shocks!
Huwag ngang OA Mark Lawrence! Pangangaral ko sa sarili.
Aminin ko man sa hindi pero mahal ko na si Zion. At ayaw ko na rin itong ibalik kong saan siya nanggaling. Pero alam ko kasing di permanente itong nangyayari ngayon.
"Hindi mo iyan anak, Lawrence. Hindi mo kadugo si Zion." wika ni Mama.
"Alam ko 'ma. Alam ko kaso lang kasi..."
"Itigil mo ang kahibangan mo Lawrence."
Pinalis ko nalang ng luha ko at ngumuso.
Matapos ang usapang iyon ay natahimik naman kami ni Mama Aubrey sa aming pagluluto.
Araw-araw lihim akong nagbabasa ng news para makita kung may naghahanap ba kay Zion at kapag wala akong nakikita, nakakahinga ako ng maluwag doon. Para akong tanga na araw-araw napapraning na maaaring iyon nalang ang huling sandali na makapiling ko si Zion.
Nang maghapunan naman ay tama naman na dumating na sila Kuya Camelot at Zion. Pawis na pawis ang dalawa.
"Mami, Kuya Camelot thought me how to play basketball po!" bungad sa akin ni bibi Zion. Malaki ang ngiti nito at halata ang saya sa mukha kahit na naliligo sa pawis.
Ito iyong gusto ni Kuya Camelot na hindi ko masabayan. Gusto ko naman ang basketball pero gusto ko kasi iyong nanonood lang ako, audience kumbaga. Minsan na kasi akong tinuruan ni Kuya Camelot nito kaso mabilis akong mapagod.
"Talaga? Bansay naka?"
"Mami?" natawa ako. Minsan nakakalimutan ko na di pala nakakaintindi ng Bisaya itong si Zion.
"Kako, magaling ka na ba magbasketball?"
Proud na tumango sa akin ang aking bibi!
"Yes, Mami! I can do dribble na po."
"Galing naman ang bibi ko. S'ya halika na kumain muna tayo bago kita linisan. Magbihis ka lang muna ng tshirt mo."
Kahit na malaki na si Bibi Zion ay binuhat ko pa rin ito. Tumungo kami sa kusina matapos ko itong bihisan ng malinis at tuyong damit.
Nang makita ni Mama Aubrey na buhat-buhat ko si Zion ay napailing lang siya at umupo sa kanyang silya. Nilapag ko naman si Zion sa upuan na malapit sa akin.
"Akala ko ba big boy ka na Zion. H'wag ka na magpabuhat kay Lawrence." puna naman ni Kuya nang makaupo na ang bata sa sariling silya.
Ngumuso si Zion.
"But I like it when Mami carry me." maliit na katwiran naman ni Zion.
"Kahit na--"
"Kuya." Pigil ko dito pero sumabad naman si Zion.
"Don't worry Kuya I will let Mami carry me sometimes."
"Good." ani Kuya.
Umiling nalang ako at pinaghain si Zion. Si Zion naman ay walang pili naman sa pagkain na hinahain namin. Mukha namang maayos itong dating buhay ni Zion pero 'di ito pihikan pagdating sa pagkain. O baka wala lang siyang choice dito sa amin kaya ganito siya. O baka kumakain lang siya ng mga hinahain namin kasi takot na iuwi namin sa tunay niyang magulang.
Matapos ang hapunan ay ako na ang nagligpit sa pinagkainan namin at syempre para naman may silbi itong si Zion sa bahay ay siya na ang pinaghugas ng plato, kaldero, pinagpunas ng mesa, pinagwalis, etcetera, etcetera. Eme! Joke lang.
Gusto ni Zion na tumulong sa akin kaso 'di ko na siya hinayaan pa. Ako ang papagalitan ni Mama kapag pinagawa ko ito ng gawaing bahay, e.
Hawak ko ang kamay ni Zion at tumungo na kami sa kwarto namin. Inutusan ko itong maglinis sa katawan sa banyo at sumunod naman ito. Marunong ka na kasi siya. Ako naman ay hinanda ko ang damit niya sa kama.
Habang ginagawa ko ang evening rituals ko ay biglang nagsalita si Zion sa likod ko na bagong bihis at fresh na fresh!
"Mami,"
"Hmm?"
Nasasanay na talaga ako sa Mami-Mami niya sa akin. Feeling ko isa na talaga akong ganap na mother. Goshness!
"Huwag niyo po akong ibigay sa mga parents ko po, huh."
Napatigil ang kamay ko sa pagpaglalagay ng serum sa mukha dahil sa sinabi ng bata. Naibaba ko ang kamay ko at mapait na ngumiti.
"Dong."
"Mami, please!"
"Dong kasi... may mga bagay na hindi kayang gawin ni Mami." Paliwanag ko dito.
Zion is asking for assurance that I cannot grant. It's rock! I mean, it's hard! Ayaw kong paasahin ang bata sa salita ko na di naman kayang gawin. Ang hirap noon. Iba pa naman magtanda ang mga bata.
Nilingon ko ito at nahabag ako ng todo ng makita ko itong naiiyak.
"Bibi," naiiyak na rin ako.
"I just want to be with you, Mami. I like you po. And I love you, Mami." anito.
Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ni Bibi Zion sa akin. Feel na feel ko na talaga na isa akong ina. Goshness!
"Bibi kung darating man ang araw na may kumuha sayo o may dumating dito sa bahay para kunin ka na. Wag na wag mo akong kakalimutan, okay?"
Imbes na sumagot sa akin si Bibi Zion ay niyakap lang ako nito. Tumaas-baba ang balikat nito at doon ko napansin na tahimik itong umiiyak sa tabi ko.
"Dong,"
"No, mami. Hindi ako sasama. I will stay with you, Mami."
Patuloy ito sa pag-iyak kaya naman naiyak na rin ako. Hinarap ko ito at tinanggal ang mahigpit niyang kamay na nakayakap sa akin. Pinunasan ko ang basa nitong pisngi.
"Stop crying na bibi. Sige na. Di na magt-talk si Mami sa mga ganyan." Pag-aalo ko dito.
Tumango ito pero himihikbi pa rin.
"Tapusin ko muna ginagawa ko, ha. Tapos selfie tayo dong. Wala pa pala tayong desenteng picture." Pag-iiba ko nalang sa usapan namin.
Magana itong tumango sa akin at nagpunas sa kanyang mata. Minadali ko ang paglalagay ko ng serum sa face ko.
Kinuha ko ang luma kong cellphone. Pagbalik ko sa kama ay tahimik lang na nakaupo doon si Zion.
"Mami, should I change my clothes po?" tanong nito samantalang kinakalikot ko ang phone.
"Hindi na dong. Ayos na ang damit mo."
Sinamahan ko si Zion sa kama saka ko hinanda ng kamera ng phone ko.
"Gumaya ka sa mga posing ko, dong, ha?" saad ko dito.
"Okay, mami!"
Napangiti naman ako doon saka sinimulan ang picture taking namin ni bibi Zion. Kinunan ko rin siya ng solo at syempre papahuli ba ako? Inutusan ko rin si Zion na kunan ako ng pictures!
Umupo sa hita ko si Zion at sabay naming tiningnan ang aming mga photos.
"You're so pretty, Mami." wika ni Zion habang nags-swipe doon sa screen ng cellphone.
Para tuloy akong dinuyan sa ulap dahil sa sinabi ni Zion. Aminado naman akong maganda ako pero iba pa rin kasi kapag may ibang nakakakita sa ating ganda! Goshness!
"Ang puti natin, diba, bibi?" saad ko naman. Pareho kasi kaming mga makikinis at maputi!
Ngumisi si Zion. "Yes, mami."
Pagtapos ng marathon namin ni Bibi Zion, I mean pagkatapos naming tingnan ang mga photos namin ay pinatulog ko na siya. Ako naman ay nag-fb pa sa tabi niya. Hanggang sa dumaan sa newsfeed ko ang isang clip ni Xavier. Bigla tuloy'ng may pumasok na idea sa utak ko.
Mabuti at may load ako kaya naman nakapasok ako sa IG. May IG story si Xavier Faleiro kaya naman agad ko iyong tiningnan. Kaso di ko naman maintindihan ang story niya doon. Ang nakalagay kasi ay 'I will find you wherever you are" tapos ang background noon ay clouds pa! Baka teaser ito sa new album niya o baka new movie! At kahit na di ko naiintindihan ang IG story ni Xavier ay nagreact pa rin ako doon ng heart.
Wala yata akong palya sa pagreact ng story ni Xavier sa IG kaso kahit seen man lang ay wala akong natatanggap! Tiningnan ko ang mga react at messages ko sa IG ni Xavier. Ang dami na noon kaso walang response. May naisip na naman akong kalukuhan kaya naman nagsend ako ng picture ko sa IG ni Xavier.
"Ito pala ang karma mo, Xavier!" Sinend ko ito kasunod noong picture ko na kinuha ko ngayon.
"Ito pala ang ganda ng fan mo Xavier na hindi mo napapansin!" Nagsend na naman ako ng photo ko.
"Mahal kita, Xavier!" Nagsend ulit ako ng photo.
Natawa ako doon sa ginawa ko. 'Di niya naman mapapansin ang messages ko sa dami nang nagsi-send sa kanya, e.
At nang makita ko ang kyut na picture namin ni Zion ay sinend ko rin iyon kay Xavier. "Ito pala ang anak natin, Xavier. Ito ang anak natin na tinago ko sayo ng apat na taon! #Deserve!"
Pagkatapos kong isend iyon ay napangiwi ako ng magtext na ang Globe na ubos na ang pang-data ko. Kaya naman tinabi ko na ang phone ko at natulog.
Kinabukasan ay Linggo kaya naman sinama ko si Zion sa pagsisimba ko. At pagkatapos naming magsimba ay pinasyal ko ang bata sa plaza kaya naman natagalan kami ni Zion.
Tuwang-tuwa ang Bibi Ko dahil 'di pa raw siya nakapasyal kahit kailan. 'Di ko alam kung real iyon o hindi. Pero kung totoo man napakalungkot naman kung ganun. Psh! Anong klaseng magulang ang ganoon? Kinukulong ang anak nila!
"Mami super happy ko po today! Sana next time ulit punta tayo sa church at sa plaza!" anito at nag-iexplore na kami tungo sa aming bahay.
"Talaga happy ka?"
"Yes, super happy ko!"
Ngumisi ako.
"Pak! Pak! Ganern-ganern?"
Tumawa ang Bibi Ko.
"Pak! Pak! Ganern-ganern, Mami! Hehe!"
Napugpog ko ng halik si Bibi Zion dahil sa cuteness overload niya!
Nagpatuloy kami sa aming lakad ni Zion tungo sa bahay namin at tumaas naman ang kilay ko nang may nakita akong kotse sa tapat ng bahay namin.
Bigla-bigla akong kinabahan. Oh my god! Hindi kaya nandidito na ang afam na ka-chat ko? O di kaya'y kukunin na ako ng ama kong Mafia Boss?
"Mark Lawrence!" Napatalon ako sa dumadagundong na boses ni Kuya Camelot! Nagmamadali itong lumapit sa amin ni Zion.
"Kuya!"
"Tang ina! Saan ba kayo nagsusuot ni Zion? Yawa! Nasa loob ang magulang ni Zion." Hapong saad nito.
Humigpit ang pagkakapit ni Zion sa kamay ko at tumungo kami sa loob ng bahay. At halos mawalan ako ng malay nang makita ko ang bisita namin! Tabang Ginoo! Xavier Faleiro is in the house!
***
Thank you for reading, Engels!😍❤️
꧁A | E꧂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top