CHAPTER 29

⚠️Trigger Warning: This chapter contains emotionally intense and potentially disturbing scenes. Please proceed with caution!
_________________________

Chapter 29

Mark Lawrence Pov

"Hala! Anong nangyari sa'yo, Rence?"

"Ang daming galos."

"Saan mo ito nakuha, Rence?"

Gabi nang makarating kami ni Ultimate Crush sa kanyang big brother house. Hinatid kasi namin si Ate Xaña sa tinutuluyan nito condo bago kami dumeretso rito sa bahay.

Actually, nakakapagod ang mahabang byahe namin ngunit hindi ako makatulog. Siguro si Xavier natutulog na ngayon. Tapos si bibi Zion ay pinatulog ko na rin naman. Ngunit sa kabila ng mahabang byahe at pagod ko. Hindi ako dinalaw ng antok. Kaya naisipan kong magtimpla ng gatas since wala pang gatas na bininigay sa akin si Ultimate Crush! Charz!

Hindi ko naman inaakala na ang mga intremetida kong mga kaibigan dito sa big brother house ni Xavier ay gising pa! Baka rin lumilipad sila sa gabi kaya gising pa sila ngayon kahit dis oras na ng gabi!

"Sa sobrang enjoy ko doon gumulong-gulong ako sa damuhan kaya nagkaganito ang katawan ko!" sagot ko sa kanila.

'Di pa ba inaantok ang mga ito?

"Magseryoso ka naman, Rence! Nag-aalala kaya kami sa'yo. Tapos ikaw d'yan nilalaro mo lang kami." Suway ni ateng Arianna sa akin.

Naitikom ko naman ang aking bibig.

"Oo, nga, Rence, seryoso kasi itong nangyari sa'yo. 'Di biro ang ganito ka raming galos." Suna naman ni Siray sa tabi ni Arianna.

"Ewan ko." Tanging sambit ko na lang.

"Huh? Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa'yo?" ani naman ni Lina.

Si Lina, Siray, at Arianna ay nasa tapat ko, iyong sitwasyon namin ngayon ay para akong isang kriminal na may sala at sinasalang nila. Pinagtutulungn nila ako ngayon ngunit wala silang nakukuhang impormasyon sa akin dahil wala akong alam. Kung sa korte pa, inosente ako.

At saka kahit halughugin ko pa ang aking hypothalamus ay wala talagang alala na pumasok sa isip ko kung bakit ko natamo ang mga galos na ito.

Isa isa kong tiningnan ang aking mga FC, as in Fan Co! Si Lina nakatikom lang ang bibig pero may lungkot sa kanyang mata. Si Siray naman mukhang may sasabihin kaso hindi niya naisasatinig. Tapos si Arianna naman seryoso at naninigkit ang mga matang nakatitig sa akin.

They looked at me like I am some sort of microscopic thing that they're studying under the high resolution microscope yet they cannot get any information or idea of what I am. Parang alien ako sa harapan nila at pilit na iniintindi ang existence ko.

Napayuko ako nang hindi ko na matiis ang kanilang mapanuri at mabibigat na titig sa akin.

Dalawang beses na itong nangyari habang nandirito ako sa bahay ni Xavier. No'ng nasa Cebu naman ako, hindi ito nangyayari. If ever man na may nangyari ng ganito, siguro hindi ko rin naalala.

Bakit ba ako nagkakaganito? Sa pagkaka-alala ko, ang unang beses na nagkaganito ako ay iyong nandon kami sa probinsya nina Lola Marcila. Nagising na lang din ako no'n na may galos at sugat tapos wala ring sinabi si Ultimate Crush sa akin no'n. At ngayon, nangyari na naman at muli... wala siyang sinasabi sa akin. Alam kong may alam si Xavier dahil sa narinig kong usapan nila ni Ate Xaña sa Club Ferrer.

Humingang malalim ako upang maibsan ang paglukob ng kakaing pwersa sa aking dibdib na siyang naging dahilan kung bakit naninikip ang aking dibdib.

Tama ba itong ginagawa ko sa buhay? Bakit pakiramdam ko lahat ng tao sa paligid ko may nililihim? Bakit pakiramdam ko may hindi sila sinasabi sa akin? Iyong mga taong pinagkakatiwalaan ko at mahal ko... hindi ko na mapagkakatiwalaan.

Si Xavier nagsisinungaling sa akin. Ang pamilya ko naman, may gamot na pinapainom sa akin na hindi ko alam para saan. At kung tama ang hinala ko, nags-sleepwalk yata ako. At nagsimula iyon nang hindi ko na ininom ang sinabi nila ni Kuya na vitamins ko. At kung tama man ako, mabibigyan ko na ng dahilan kung bakit parati ang paalala nila ni Kuya sa akin noon, paalala na inumin ko ang aking vitamins!

Hindi nga talaga iyon vitamins, iyong gamot na matagal ko nang iniinom ay gamot para sa sarili ko. Ngunit ngayon, katanungan sa akin kung saan ito nagsimula at ano ang puno'y dulo ng lahat ng ito! Kung bakit ako nagkakaganito!

"Sorry," mahina kong ani. Pinaglaruan ko mga daliri ko. Kinuskos ko ang aking daliri hanggang sa maramdaman ko ang init sa balat kung saan ko kinuskos ang aking kuko. Namumula na ang balat ko doon at malapit na iyong dumugo nang may maramdaman akong katawan na yumakap sa akin.

"Pasensya ka na rin, Rence." si Ateng Arianna at yumakap ng mahigpit ang kanyang braso sa aking katawan. "Sorry, Rence. Talagang nag-alala lang ako nang makita ko ang katawan mo. Alam ko pa naman kung gaano ka kaarte!"

Tinapik ko ang kamay niyang nakagapos sa akin. Hinilig ko ang aking ulo sa kanya at dinama ang yakap ni Arianna kahit may lihim akong galit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsalisi sa aking silid makakuha lang ng damit ko.

"Wala kasi talaga akong maalala."

Si Siray at Lina ay bumaba sa kanilang kinauupuang high chair at saka sumali sa aming group hug! Napangiti ako kahit na halos hindi na ako makahinga sa kanilang mga yakap. Nakikigaya pa kasi itong si Lina at Siray, eh!

Ngumuso ako kasi ang baho nila! Charz!

"Basta, Rence, kung may pinagdadaanan ka o may problema ka. Nandito lang kaming tatlo para sa'yo. Pareho lang tayong katulong dito at tayo-tayo lang rin ang magtutulungan!" Si Arianna.

Tiningnan ko si Arianna at sinamaan ng tingin.

"Oo, tayo-tayo lang din ang magtutulungan pero ikaw sinalisihan mo ako! Nakipagsabwatan ka kay Xavier!"

Kumalas sila sa aming yakapan at mabuti na lang ay nawala na ang madramang momentus namin. Muling bumalik ang sigla at tawa sa aming usapan.

"Si sir Xavier kasi iyon, Rence! At saka para sa'yo din naman! Pinasyal ka. Kaya pasalamat ka sa amin!" Tanggol ni Ateng sa kanyang sarili.

"Anong sa amin? Ibig sabihin hindi lang ikaw ang pumasok sa silid ko?"

Ngumisi si Arianna.

"Syempre, 'no! Si Lina ang tumulong sa akin na pumili ng damit mo tapos si Siray naman ay look out namin sa labas!"

"Mga traydor kayo!" asik ko sa kanila at isa isa silang tinuro! Tinawanan lang nila ako. Sugurin ko na sana sila nang nagtakbuhan na sila sa kanilang silid!

Sa gabing iyon, nagpapasalamat ako sa tatlong FC ko dahil naibsan nila ang aking pag-iisip tungkol sa aking sarili. Sa mga nangyayari kasi sa sarili ko, pakiramdam ko ang laking misteryo ng aking pagkatao.

_ _ _ _

At dumating na nga ang araw ng aking klase! Online class lang ako pero sa unang araw ng klase ay webinar lang naman at mabuti hindi na uso sa instructors at profs namin ang introduce yourself na iyan.

Kahit na wala namang pumasok sa isip ko tungkol sa webinar na aking pinasukan sa Zoom Meeting tinapos ko iyon. At mukhang nabigla ang aking utak dahil pagtapos no'n nanakit ang aking ulo at nanghahapdi ang mata. Hindi talaga goods itong online class sa akin. Mabuti at panandalian lang!

Lumabas ako sa aking silid at ganon na lamang ang aking gulat nang sinalubong ako ni bibi Zion! Mukhang naghihintay sa akin ang aking fake na anak!

"I miss you, mami ko!"

Natuwa ako sa bata kung kaya't kahit na mabigat na siya, binuhat ko pa rin ito at hinalkan.

"Nandito lang naman ako sa bahay, dong, namiss mo kaagad ako!"

Yumakap ang kanyang malusog na braso sa aking leeg. Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg  at inamoy ako.

"Baho ko, dong oi!"

"But your smell is nice, mami! I like it!" Kinikilig nitong sambit!

"Weh? Pak! Pak! Ganern-ganern!?"

"Pak! Pak! Ganern-ganern, mami ko!"

Pinugpog ko siya ng halik. Humalakhak siya kung kaya't ang sarap sa tenga ko kapag naririnig ko iyon.

Ngiting-ngiti ako habang hinahalkan ko ang noo at pisngi ni bibi Zion. Kaso naalala ko na malapit na palang ma-expire ang pagiging Mami ko sa kanya. Tutulak na akong Cebu! At saka... iyong sinabi ni Ate Xaña na dapat maglayo muna ako kay Zion para sa safety namin.

Threat na rin ba ako sa kaligtasan ni Zion? O baka dahil doon sa nangyari sa Club Ferrer, kaya gusto nilang ilayo kami ni Zion sa isa't isa? Either which, nasasaktan ako sa ideyang magkakalayo na kami ni Zion. Akala ko madali lang ito, akala ko hindi ako magiging ganito ka-attach sa kanya kapag nakasama ko siya.

Hinuli ni Zion ang aking pisngi at matunog siyang humalik sa aking magkabilang pisngi.

"My mami is so pretty!" Kanta niya at nagp-puppy eyes sa akin. Kinanta-kanta niya iyon habang nakatitig sa akin at malaki ang ngiti sa kanyang mga labi.

Baka hindi lang si Zion ang ngumuwa kapag nagkalayo kami. Tingin ko ngangawa rin ako. Mukhang magkakasakit ako sa kakaisip sa panahon na magkakalayo na kaming dalawa. Ang lapit na kasi talaga ni bibi Zion sa akin. Parang nanggaling na talaga siya sa akin. Parang anak ko na talaga siya. Mamimiss ko ang fluffy bibi Zion ko! Wala na ang fluffy na anak-anakan!

"Anong inarte-arte ninyong pekeng mag-ina d'yan?!" Ang biglang sabat ni Arianna ang siyang nagputol sa drama ko.

Masama kong binalingan si Arianna.

"Kakain na ng afternoon snack. Halina  kayo!"

Hindi ko na binaba si bibi Zion at sumunod kami kay Arianna na feeling Arianna Grande, eh, Granada naman siya.

Pagkarating namin sa kusina, nakita kong nakapapak na ng sandwich sina Lina at Siray, may juice na rin sila sa kani-kanilang mga baso. Pareho pang magc-cellphone. Ganito kaganda magtrabaho sa big brother house ni Ultimate Crush. Kapag tapos ka na sa trabaho mo, okay na na magcellphone ka at kung ano-ano pa. Kahit tumabling-tumbling ka pa d'yan!

Nagk-kwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay nila Siray at Lina sa labas ng big brother house ni Xavier nang biglang nabilaukan si Arianna sa kanyang sandwich.

Agad namang binigay ni Lina ang baso ng juice kay Arianna. Pikit matang nilunok ni Arianna ang nilalamong sandwich at saka niya ipinakita sa akin ang screen ng kanyang telepono.

Umawang ang labi at kaagad na tinubuan ng kakaibang kaba nang makita ko ang isang post sa X (Twitter). Picture naming dalawa iyon ni Xavier na na sana dalampasigan kami at tinuturuan niya akong pumaddle doon sa surfboard. Tapos ang isang larawan naman ay iyong kumain kami ni Xavier sa restaurant! Sinadyang tinakpan ang mukha ko ngunit ang kay Xavier naman ay malinaw lang.

"Kayo ba ito, Rence? Kayo ni Sir Xavier ito, di ba?" Si Arianna.

Nakiusisa naman sina Lina at Siray at parehong napasinghap nang makita ang larawan.

Tiningnan ko si Zion sa na nasa tabi ko, nagtatanong din ang kanyang mukha sa akin— aming pinag-uusapan.

"H-huwag n'yo na lang iyan, pansinin. Kakausapin ko si Xavier tungkol d'yan." ani ko.

Ano ba iyan! Napasama na ako sa blind item na iyan, ha. Na-tsismis na yata ako sa buong Pilipinas! Ang laking news article pa naman ang nagpost no'n sa X (Twitter).

"O-okay ka lang ba, Rence?" si Siray.

Tumango ako.

"Hindi naman nakita o nakikila ang mukha mo rito, Rence. Pero kung may nakakuha ng larawan ninyo ni Xavier, posibleng kilala ka no'ng paparazzi?Papaano na iyan?" ani naman ni Lina.

Ayaw kong pag-usapan ito lalo na't nandirito si Zion sa tabi.

"A-alam na naman siguro ni Xavier iyan. May plano naman siguro siya tungkol sa article na lumabas tungkol sa amin. Mawawala din iyan tulad ng ibang issue! Ang mga pangako nga ng mga politiko nakakalimutan, iyan pa kayang isyu na 'yan!" Dinaan ko na lang sa biro iyon. Ngunit sa totoo lang, kinakabahan na ako. Baka dumugin na ako ng mga fans ni Xavier nito kapag lumabas na beautyness ko ang kasama ni Xavier!

Hinintay ko si Xavier na umuwi para makapag-usap kami ngunit inantok na lang ako ay wala ito. Napagpasyahan ko na lang na maunang matulog sa kanya. Kaso hindi naman ako dinadalaw ng aking antok.

Naisipan kong manood ng mga videos tutal libre naman ang wifi namin dito kaso sa kalagitnaan ng aking panonood ay nagutom ako. Lumabas ako dala ang aking telepono nang mapansin ko ang ilaw sa sala. Sa pagkakaalala ko kasi napatay ko ang ilaw doon.

Walang tao sa sala ngunit nakabukas ang pinto patungo sa pool area ng bahay. Pagkalabas ko, kaagad na sumampal sa aking katawan ang malamig na hangin. Nakashorts pa naman ako at oversized t-shirt lang. At doon nakita ko sa isang lounger si Xavier na nakasuot pa sa kanyang long sleeves at isang lamiseta, nandon ang dalawang bote ng alak.

"Xavier," ani ko.

Mabilis ang pag-ikot ni Xavier sa aking direksyon. Lumikha ng ingay ang paglapag niya sa babasaging baso sa lamiseta. Tumayo siya at nagpahid sa kanyang bibig.

"Bakit ka nandito ka sa labas? Pumasok ka na sa loob. Malamig na rito, Lawrence." wika niya at nag-unbutton sa kanyang long sleeves. Ito na naman siya na concern sa akin pero kaya niya ring magsinungaling sa akin na ganito ang hitsura. Magaling nga talaga siyang artista.

"I bought some chocolates and ice cream for you. Sorry if I've been occupied with my work lately, baby." aniya pero hindi iyon ang problema ko. Tanggap ko kung gaano siya ka-busy sa kanyang trabaho. Alam kong hindi lang sa bahay at sa amin ni Zion umiikot ang mundo niya.

Pinasuot niya sa akin ang kanyang long sleeves na hinubad at aakayin na niya sana ako papasok sa bahay niya nang magsalita ako.

"Hinintay kita." ani ko.

Na-estatwa siya. Malumanay na tumingin sa mga mata ko.

"Sorry," aniya.

"Naiintindihan ko, Xavier."

"Marami lang akong ginagawa lately. I'm sorry, baby. I'm so sorry for being--"

"Nakita mo na ba iyong article na lumabas tungkol sa atin? Iyong doon sa Club Ferrer?"

Kita ko ang pag-alon ng kanyang adam's apple. Kinuha niya ang kamay ko at pinisil niya iyon.

"No need to worry about it, baby. I am prepared. Whatever happens, I will always be by your side."

Nag-imbak ang ng hangin sa dibdib ko. Nakaka-istres naman pala talaga minsan ang makipag-date sa isang artista!

"Paano kung sa susunod... ang lumabas na article ay tungkol naman sa'yo.... tungkol sa'yo na nakikipag-date at may nililigawang bakla. Xavier isipin mo ang reputasyon mo na matagal mong pinagtatrabahuan."

Marahas siyang bumuga ng hangin mula sa kanyang ilong at bibig.

"I am ready to face the consequences of my actions, baby. Trust me. I can handle them as long as hindi ka nila ginugulo at walang nananakit sa'yo."

Emz, hindi pa kami official at walang label pero ganito na. Mauubos yata buhok ko sa relasyon namin ni Xavier!

"Papaano 'yan... uuwi na akong Cebu." What if may biglang pumutok na naman na isyu tungkol sa amin tapos hindi na ako blind item? Ang layo kaya ng Cebu!

"What?" Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"Sorry, Xavier... p-pero narinig ko kayo ni Ate Xaña. Narinig ko ang usapan ninyo na ilalayo ninyo kami ni Zion sa isa't isa para sa kaligtasan ni Zion. At naiintindihan ko iyon. At saka uuwi na rin naman ako ng Cebu sa susunod na--"

"Walang uuwi ng Cebu!" Matigas niyang sapaw sa akin.

Ang mata ko ay nanlaki sa biglaang pagtaas ng boses ni Xavier. Hinila ko ang kamay ko na hawak niya ngunit mas diniin niya ang pagkakahawak niya roon.

"Xavier."

"Wala akong pakialam sa sinabi ni Xaña, Lawrence. I can protect Z and you." Giit niya.

"Eh, pang two-months lang ako dito, pangga! Alam mo iyan, di ba? Saka mas nakakabuti ito sa sitwasyon ni Zion at sa'yo. Mas mabuting lumayo muna ako sa inyong mag-ama--"

"Walang aalis sabi!"

Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Napatingin ako sa alak sa likod niya at nakita kong paubos na iyong isa at mag-isa siyang umiinom. Ang ilaw na nanggagaling sa sala ay nakatulong upang makita ko ang namumulang mga mata ni Xavier.

Naiintindihan ko siya. Dala lang ng alak itong pagsigaw-sigaw niya sa akin. Alam ko kasi na kahit na makulit ako at weirdo hindi niya ako masisigawan ng ganito.

"Xavier naman."

"What? I already told you before, baby. You won’t be able to handle me once I fall in love. I’m mad—madly in love with you—and I won’t let you go back to Cebu alone! Yes, you can go home, but you’ll be with me. You can visit your family, but you’ll come home with me!" Mariing niyang saad.

Malakas kong winaksi ang kanyang kamay. Nabitiwan niya ako.

"M-masasakal mo ako sa ganyan, Xavier. Kululungin mo ako." Tatanga-tanga ako pero hindi ako papayag sa gusto niya.

Natahimik siya. Yumuko at hindi umimik hanggang sa paluhod siyang bumagsak sa harap ko. Nakaluhod ang dalawang tuhod niya samantalang nakatukod naman sa kanyang magkabilang tuhod ang dalawang kamay.

"How can I protect you when you're far from me, baby? I can't function well knowing that you're far from me, and there are rascals lurking around you!"

Binaba ko ang aking katawan at ginaya ko ang posisyon ni Xavier. Hinawakan ko ang kanyang balikat, mainit pa rin ang balat niya kahit na malamig na rito sa labas. Siguro dahil sa alak. Sinilip ko ang kanyang mukha.

"Kaya ko ang sarili ko, Xavier. Dalaga na ako, p-pangga." Sinubukan kong pagaanin ang boses ko.

Tumingin siya sa akin. Ngumisi siya, isang ngisi na hindi umabot sa namumula niyang mga mata.

"You can't, baby." Iling niya. "You can't."

Kinulong ko ang mukha ni Xavier gamit ang malamig kong kamay. Hindi kasi siya nakatingin sa akin ng deretso!

"Kaya ko." Giit ko sa kanya at saka, walang ano-ano'y hinalikan ko ang kanyang labi.

Alam kong hindi iyon ang unang beses na naglapat ang labi namin ni Xavier dahil nagkakiss na kami. Kaso... pakiramdam ko nangyari na rin ito. Pamilyar sa akin ang senaryong ito!

Gumalaw si Xavier at saka humawak sa leeg ko upang masupurtahan ang aking ulo. Umusog siya at pinasok ang kanyang dila sa bibig ko. Napaungol ako.

Kinagat-kagat ni Xavier ang ibabang labi ko bago inanggulo ang mukha at sumipsip sa aking dila. At sunod kong naramdaman ang kanyang isang kamay na naglakbay sa aking katawan, papasok sa suot kong t-shirt.

I don’t know what happened. Suddenly, it felt like something shut my mind off from the present moment, and a horrifying memory took over. I could feel someone else’s hands on my body—so many hands. One gripping my arms, another pulling my legs apart, and someone touching my most private parts. All I could do was scream at the top of my lungs until my voice grew hoarse.

***
This story is already at chapter 36 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top