CHAPTER 27

Chapter 27

Mark Lawrence Pov

"Thank you, Lord, for this another day!" wika ko pagkamulat ko sa aking mga mata. Maliwanag na at dahil halos lahat ng parte ng aking silid ay gawa sa transparent glass, sobrang aliwalas na. Ang liwanag ng araw ay tumatagus na sa mahahabang kurtina, kaya naman oara na ako nitong pini-prito ng buhay. Tumagilid ako at nakita ko ang aking sariling repleksyon sa salamin na pinto ng enclosed cabinet ng room ko.

"Ahh, ang ganda ko!" anas ko habang nakatitig sa aking sarili. Ganito dapat ang motivation araw-araw, 'wag kalimutang purihin ang sarili. Kaya pumapangit iyong iba, eh. Problema kasi ang unang iniisip, dapat kagandahan ang inuuna sa lahat! Pata kahit lugmukin ka ng problema at least pagtingin mo sa salamin may maganda kang nakikita.

Bumangon at nag-inat ako sa aking braso at flex sa buto ng katawan para maging handa sa bakbakan! Ang sarap sa pakiramdam kapag tumutunog ang katawan ko sa bawat inat. Bumaba ako sa kama at mabilis na naligo. Nang makaligo ay naglagay na rin ako ng skincare para manatili ang beautyness ng isang Mark Lawrence.

Tinuro ko ang sariling repleksyon sa salamin.

"Pak! Pak! Ganern-ganern! Ibang klaseng ganda talaga meron ka!" Proud kong sabi sa sarili.

Lumabas ako ng kwarto at tama naman na kakalabas lang din ni Ultimate Crush sa kanyang kwarto. Awtomatik siyang ngumiti nang makita ako. Naipadyak ko naman ang paa sa sahig.

Enebe!

"Good morning, baby." aniya at hinapit ang baywang ko bago pinatakan ng isang halik ang akong sintedo.

"Good morning din, pangga!" Masiglang bati ko naman kay Ultimate Crush pero hindi ko siyang hinagkan. Hindi kasi ako easy girl.

"Let's eat our breakfast, bago tayo bumaba para bumili ng rash guard para sa'yo since wala kang swim wear."

"Hinalughog mo ang mga damit ko?!" Gitla ko.

"No, si Arianna ang nagsabi."

Gumalaw ang labi ko. Mukhang marami-rami akong isusumbat kay ateng Arianna pagkabalik namin sa big brother house ni Xavier, ah.

Sabay kaming lumabas ni Xavier tungo sa living area nitong villa. Akala ko tapos na ako sa expedition ko rito sa loob ng villa at akala ko nakita ko na ang ganda ng lugar ngunit mas na-amaze ako sa ganda ng infinity pool that stretches along the edge of the terrace na nakaharap sa dagat! Kumikinang iyon dahil sa sinag ng araw na tumatama roon.

Dahil sa mga malalaking transparent windows and walls ng villa, kitang-kita ko ang ganda ng tanawin at ang dagat sa malayo na kulay asul! May loungers at cozy hammock din sa gilid ng pool, tapos may mga payong din na nakatirik sa tabi, then on the other side was a stone staircase leads down to my future, charz, to the sea.

Gusto ko sanang magbreakfast doon sa gilid ng pool kaso ang init naman. Kaya naman sa kitchen na lang kami kumain ni Ultimate Crush. Natuwa ako kasi may adobong manok doon at lechon!

Nang lumabas kami ni Ultimate Crush sa aming villa ay doon ko lang nakita ang mga bulaklak sa labas ng villa!

"Ay, ang ganda naman bulaklak niya." usal ko at tumalon ng konti upang maabot iyong bulaklak na kulay pink!

"It's a bougainvillea flower, baby." sabi ni Xavier sa tabi ko at kinunan niya ako ng larawan!

"Share mo lang, pangga?" anas ko na kinangisi lang niya naman.

Pagkatapos ng ilang kuha niya ng larawan ay nagpatuloy kami, ngiting-ngiti ako pababa sa dagat at kung nasaan din ang iba't ibang store at souvenir stores ng lugar. Sa gilid ng hagdan na aming tinatahak ni Xavier ay ang mga bulaklak na may iba't ibang kulay. Iyong sabi ni Xavier na bougainvillea ay may iba't ibang kulay pala no'n at lumalaki siya.

Nang may makita kaming store sa baba, binilhan ako ni Ultimate Crush ng masusuot ko, iyong komportable ako kapag nasa dagat na kami.

_ _ _

Masaya ako sa swimming ko sa mababaw na parte ng dagat. Inaaya ako ni Xavier sa malayo ngunit natatakot ako! Kasi what if may pating? Mamamatay pa ako nang hindi man lang naging jowa si Ultimate Crush!

Kaya nakontento na ako sa mababaw lang. At nang makita kong may nagb-bodyboarding sa tabi, na-inggit ako. Kung kaya't inaya ko si Xavier doon na siyang pinayagan niya naman.

"Naku baka tangayin ako nito sa bermuda triangle, pangga!" Eksaherada ko at pumatong sa surf board.

Actually, tinuruan na ako ni Xavier nito doon sa tabing dagat ngunit inalalayan niya ako dito sa dagat dahil inaalog ng alon ang surf board ko.

"I won't let that happen, baby."

Mainit ang araw ngunit mas uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Xavier. Ang landi na niya sa akin simula no'ng umamin siya.

"Just relax, nandito lang din naman ako sa tabi mo." segunda niya pa.

Enjoy na enjoy ko ang pagsu-surf ng walang pag-aalala dahil nasa tabi ko si Xavier. At nang may narinig na naman akong tumitiling mga tao sa di kalayuan namin na nagpa-parasailing, gusto ko na naman iyong subukan.

"It looks dangerous, baby. What if maputol ang lubid?" Overthink ni Xavier.

"Ako na lang susubok kung ayaw mo, pangga! Video-an mo ako para may pang-inggit ako kay Kuya Cam!" Inggitero kasi iyon!

"No, sasamahan kita." si Xavier.

At talagang sinamahan niya ako sa parasailing! Sigaw ako nang sigaw sa taas at nagp-posing pa ako dahil sinabihan ko ang Manong sa baba na kunan ako ng pictures! Si Xavier sa tabi ko ay hinahawakan naman ang isang kamay ko.

Pagtapos no'n ay bumalik ako sa bodyboarding at si Xavier naman sinubukan ang surfing at skimboarding. Hindi kami natapos doon dahil nag-jet skiing din kami at paddle boarding.

"Sunog na sunog na ako, pangga!" Natatawa kong saad kay Xavier matapos kong magbanyo at magbihis ng tiyong damit. Binantayan niya kasi ako sa labas, pwede naman siyang pumasok pero ayaw niya. Tsk! Tsk! Siguro napapangangitan talaga ito sa katawan ko!

"You're still beautiful, baby." aniya at kinuha ang kamay ko at tumungo kami sa isang resto kung saan kami magl-lunch.

Lamang dagat na naman ang aming kinain. Nag-heavy meal na ako sa breakfast namin pero naubos yata sa halos limang oras namin sa dagat!

"Xaña is calling. Come here, baby." ani Xavier at tinapik niya ang espansyo sa kanyang tabi.

Imbes nasa tapat ako ni Xavier, tumabi ako sa kanya. Kumaway ako sa kamera nang makita kong video call pala ito. Mula sa background ni Ate Xaña, nahuhulaan kong nasa living area sila ngayon!

"Mami!" Hindi pa nakakapagsalita si Ate Xaña ay sumingit na kaagad sa kamera si bibi Zion na lumuluha.

"D-dong, hello!" Kinawayan ko rin ang bata ngunit umalog lang ang kamera, inagaw nito ang phone mula kay Ate Xaña.

"Mami!" Iyak na naman nito. "I don't want to study anymore! I want to go with you and daddy, mami!"

Nataranta ako nang makita ko ang malalaking butil na luha na umaagos sa mata ni bibi Zion. Ito nga pala ang unang beses na nagkalayo kami simula nang makita ko siya sa Cebu. Namumula ang ilong at namaga na ang mata ng bata! Kawawa!

"I miss you, m-mami ko! Miss ko na po ikaw!"

Hindi ako makasingit dahil sa iyak niya. Nahahabag ako ng sobra at nag-guilty na hindi siya nakasama sa aming date ni Xavier.

"D-dong mag-study ka uy! Para next time sasama ka na sa amin ng Daddy mo."

Maharas siyang umiling at patuloy sa pag-iyak.

"Z," tawag ni Xavier sa anak niya.

"I hate you, daddy! I hate you! You take my mami away from me! Hate ko na ikaw ulit!" Pagdabog ng bata.

Humingang malalim si Xavier. "Z, I didn't take your Mami away from you. I just borrowed her for a while, and don't worry because you will join us here with Ate Xaña, okay? Don't cry. You're a big boy."

"No! I am Mami's baby boy!"

Rinig ko ang pag-chuckle ni Xavier. My eyes find it's way to him, at parang nagkasundo naman ang aming utak nang bumaling din si Xavier sa akin. Nginitian ako.

"And your Mami is my baby."

Nahampas ko ang braso ni Xavier at inagaw ang cellphone niya. Bumulusok ang init sa aking tenga at mukha dahil sa kanyang sinabi. Lihim ko namang kinakalma ang puso na nagwawala sa dibdib ko at di makatingin ng maayos kay Ate Xaña at Zion sa kabilang linya.

"D-dong," umig-ig pati ang boses ko dala ng malakas na kabog ng aking dibdib. "Mag-study ka, dong. H-huwag mong intindihin ang sinabi ng Daddy mo, huh. At saka susunod naman kayo ni Ate Xaña gaya ng sabi ni Daddy Xavier... mo." At naantala ko pa talaga.

"Miss na ko na po ikaw, Mami. I love you, Mami ko!" Ngumuso ito at tumulo ang luha. Kino-konsensya ako.

"Miss na rin kita, dong. I love you, dong."

Tila isang usok sa hangin na nawala ang aking pagka-emosyonal nang makita ko si Ate Xaña sa tabi ni bibi Zion na kakaiba ang titig at ngisi sa akin. Judger din yata itong si Ate Xaña sa akin!

"Enjoy your date, Lawrence!" si Ate Xaña.

"Sumunod kayo kaagad dito, ate." anas ko.

"We will." At ngumisi pa ito lalo! 

Nang sumapit ang hapon ay nagawa pa naming mag-canoeing ni Xavier. Inaya niya ako sa freediving at snorkeling daw together with the whales pero umayaw na ako dahil baka atakehin na ako sa puso sa mga activities na iyon.

At nang kumagat na ang dilim, akala ko babalik na kami ni Ultimate Crush sa taas, sa aming villa ngunit nag-yachting pa kami.

Xavier Pov

"Waahh!" Lawrence softly exclaimed, his eyes widening with delight as he gazed at the vibrant horizon, where shades of orange melted into deep red before us.

My heart skipped a beat as I watched him sprint forward, gripping the steel rails of the yacht. Hindi na siguro ako magugulat kapag sa makalawa o mamaya ay isusugod na ako sa ospital dahil sa kabang laging binibigay ni Lawrence sa akin. I am not complaining; it’s just that only Lawrence and my son can make me feel this way. I am always anxious and feel dumb whenever I’m with Lawrence. I’m always conscious of everything when it comes to him.

"Halika ka rito, pangga! Tingin ka lang nang tingin d'yan sa akin, eh! Knows ko na na maganda ako, 'no!"

My head gently shook in response, and a smile slowly curved across my lips. I stepped forward, closing the distance between us, and quietly positioned myself just behind him. Huli na nang mapansin kong gumapang na ang braso ko sa kanyang baywang at niyakap siya. I feel his body tense between my arm and my side.

"Am I making you uncomfortable?" I ask softly, starting to pull my arm away. But before I can, his hand swiftly catches my wrist, guiding my arm back over him, keeping me close.

Itinungkod ko ang isang kamay sa railings at ang isa naman ay tuluyan nang yumakap kay Lawrence ng mahigpit at inipit siya sa katawan ko.

I gently rested my head on his shoulder, my eyes staring ahead, but my mind and heart were completely consumed by thoughts of Lawrence and the comfort he brings in me.

"Is this okay? Komportable ka ba sa ganito?" tanong ko sa kanya at tumango siya.

Nakakapanibago naman ang katahimikan niya. Hindi ako sanay na tahimik siya. Akalain mo nga naman, pati ingay niya hinahanap na rin ng utak ko.

Kapwa ginugulo ng hangin ang aming buhok at ang couple naming floral na button down polo. Ang paligid ay kinakain na ng dilim at kaunti na lamang ang naiiwan na kulay kahel sa himpapawid. Kapwa rin kami nakapaa ngayon dito at pareho ding kami ng cotton shorts na kulay itim, nga lang iyong sa kanya ay mas maikli kumpara sa akin.

"Thank you for spending the day with me, baby. My heart is overflowing with joy because of you," I whispered in a soft, soothing voice.

"S-salamat din, Xavier, kahit ang dami mong binayaran para sa akin ngayon."

I couldn’t help but chuckle at his response. He has a unique way of making my heart skip a beat.

"Did you enjoy it?"

"Oo, naman! Hihi! Ang dami nating nasubukan na mga water activities!"

"Hmm, pero next time diving at scuba na tayo."

"Audience mo na lang ako, Ultimate Crush, o kung di naman ay moral support!"

I laughed.

"Hmm!"

We enjoyed a romantic candlelight dinner aboard the yacht, softly illuminated by strings of warm yellow lights that adorned the sides, casting a golden glow over the evening. The deck was beautifully decorated with delicate rose petals scattered across the floor, adding a touch of elegance and romance to the setting. The gentle sway of the yacht on the water and the twinkling reflections of the lights created an intimate atmosphere, making the moment feel more romantic.

"A-ang dami mo nang gastos, Ultimate Crush! Baka mamulubi ka na pag-uwi natin!" saad niya nang makita ang set-up ng aming dinner.

Inakay ko na siya palapit doon sa table namin at pinaghila ng upuan para sa kanya.

We simply sat there, enjoying a meal crafted by one of the most renowned chefs at Club Ferrer.  Talk about Lawrence dream being my fan. As much as I want to order food from De Costas kaso kailangan siya ng mahabang oras.

"Gusto kong makalapit sa'yo kapag may mga mall shows ka sa Cebu at gusto kong makapunta sa concerts mo, pangga. Kaso sa mall shows lagi akong nasa likod tapos maliit ako. Buhok mo na lang nakikita ko! Tapos kung concert naman kahit pamasahe pa-Manila naghihikahos ang bulsa ko. Kaya hanggang live lang ako at dagdag audience impact na rin kapag mall shows mo sa Cebu!"

I held his hand.

"I'm sorry, baby."

Magc-concert ako, magpapa-fanmeet ako para sa kanya so he could experience that thing. I will tell Cesna about this.

"Ano ka ba, ultimate crush! Natural lang iyon para sa tulad kong poorita na fan! I'm sure hindi lang naman ako ang nag-iisang fan na hindi nakaka-punta sa concert ng idols nila. Alam kong hindi lang ako ang laging nakaka-feel ng inggit! Hihi!"

When we returned to our villa, Lawrence was already feeling the cold. It was fortunate that I had brought an extra jacket, as the evening turned chilly.

Nang makarating kami sa aming villa binigay niya sa akin ang jacket. Kita ko ang sunburn sa kanyang katawan.

"Manonood pa ba tayo ng movie o magpapahinga nalang?" tanong ko sa kanya.

Humikab siya. "Tulog na lang."

Mabilis ko siyang sinang-ayon doon sa kanyang gusto.

I hugged him and kissed his temple.

"Ultimate Crush, nap-pressure ako." aniya pagkakalas ng aming yakapan.

"Pressure about what?"

"Kung papaano kita sasagutin!"

I messed up his hair.  Tumawa ako.

"Don't think about it that much. I'm not in a rush, baby. Take your time. Goodnight!"

Hinabaan niya lang ako sa kanyang nguso. "Goodnight na rin, pangga!"

Matagal akong nakatulog. Nakangiti lang ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto. Ang daming naganap ngayon at masasabi kong isa ito sa mga araw na nakaramdam ako ng sobrang saya maliban no'ng araw na mahawakan ko si Zion.

With a smile, I closed my eyes, hoping for another day with Lawrence filled with fun and memories together. However, in the midst of my deep slumber, ginising ako sa aking pagkauhaw. 

Despite being in a half-awake state, I managed to get out of bed and make my way to the kitchen. However, my body suddenly became aware of its surroundings when I saw Lawrence’s door open. I knew I shouldn’t peek or watch, but my curiosity got the better of me, and I took a quick glance into his room.

I looked at his bed, only to find the white sheets in disarray, with half of them on the floor.

Marahas kong nilakhan ang pagkakabukas ng kwarto at  hinanap ko si Lawrence sa kama.

"B-baby?"

Kinuha ko ang bedsheets at pinagpag iyon ngunit wala siya. Pumunta ako sa banyo ng kanyang silid pero wala rin siya doon. My heart pounded with anxious intensity as I impulsively yanked open the mirrored cabinet door, only to find it empty except for his clothes

I stormed out of his room, slamming the door behind me with a forceful bang that echoed down the hallway.

"Lawrence!?"

Galing na ako sa kitchen pero wala rin siya doon. Ginulo ko ang aking buhok at tiningnan ang buong sala, walang Lawrence. And then, I watched as the long curtains swayed gracefully, while a chilling breeze enveloped my body, sending shivers down my spine. Nagmamadali ko iyong pinuntahan at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang pinto na bukas.

I ventured far outside, only to discover Lawrence’s slippers scattered on the stone ground, with no sign of him anywhere!

***
This story is already at chapter 34 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top