CHAPTER 25
Chapter 25
Mark Lawrence Pov
"S-sorry, Xavier!" mahina kong untag kay Xavier. Madali ko lang iyong nagawa dahil nakatabi naman kaming dalawa. Ang mahirap ay baka narinig ako nina Kuya Carl at Cammy na parang mga agilang nakamasid sa amin ni Xavier. Kung nakakamatay lang sa talim ang titig nila kay Xavier ay baka kanina pa ako lumuluha dito.
Tiningnan ko ang dalawa kong kapatid na kung iguguhit ko ay sobrang komplikado at hirap iguhit ng hitsura dahil sa nakabusungot nilang mukha habang nakamasid kay Xavier. Don't tell me not, inggit sila sa gwapong mukha ng Ultimate Crush ko? Charz!
Pero ang ga-gwapo rin naman nitong mga kapatid ko. Bugnutin lang at laging naka-seryoso, kung kaya't mukhang istrikto at mapagmataas sa sarili. At kahit ganyan, mahal na mahal ko pa rin sila. Sila kasi bumubuhay sa amin ni Mama Aubrey!
Kahit na may bahid na itong pagtitiwala ko sa kanila dahil doon sa pinapainom nilang gamot sa akin, mahal ko pa rin sila. Naniniwala akong may rason sila. Naniniwala akong may matibay silang dahilan kung bakit nila iyon pinapainom sa akin. Sana mapatawad din nila ako kapag nalaman nilang hindi na ako nagti-take no'ng gamot.
Matagal ko nang iniinom iyong vitamins ko raw na sinasabi nila. I don't know, since nag-college ako? Ewan, sa sobrang tagal na ay hindi ko na matandaan. Ngayon gusto ko nang diskubrehin kung bakit ako umiinom no'ng gamot na iyon. Ano ang dulot no'n sa akin at bakit may ganon akong iniinom!
Nang dahil sa pagpisil ni Xavier sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Nawala iyong malalim na pag-iisip ko tungkol sa aking pamilya at doon sa gamot. Naibaling ko ang aking mata kay Xavier. May pagsusumamo doon sa kanyang kulay asul na mata at tila kinakalma ang sistema kong nabagabag kanina.
"It's fine, baby. I understand your brothers."
Ngumuso ako.
"Kahit na." Kontra ko sa kanya. Ang bait ng pamilya niya sa akin. Ang bait ni Ate Xaña at ng mga grandparents ni Pangga sa akin tapos itong akin ay apaka judger. Baka gusto lang nilang pumalit bilang judge sa The Voice Philippines kaya sila ganto kay Ultimate Crush!Hmp!
"I like how protective your brothers are of you, Lawrence. That only means they love and cherish you just like I do. I'm glad you have them. I'm glad I found the right person in you." Malambing na wika sa akin ni Xavier na para bang kami lang dalawa dito sa loob ng silid at wala kaming audience sa aming harapan.
"Ehh! Naman kasi..."
Muling pinisil ni Xavier ang aking kamay sa ilalim ng mesa at ngumiti siya sa akin. Ilang saglit lang ay dumukwang siya upang hagkan ang aking sintedo!
"Eherm!" Malakas na tikhim ni Kuya Carl kung kaya't napa ayos kami ni Xavier sa aming pagkakaupo!
Hay!
Masama ang tingin ni Kuya Cam kay Xavier at si Kuya Carl namam ay hindi ko alam kung nag-aalala ba ito o may lungkot doon sa kanyang mga titig.
"Nanliligaw pero may pa halik na!" Pasiring na anas ni Kuya Cam. Nang tingnan niya ako ay pinanlakihan niya ako sa kanyang mga mata. Ngumuso lang ako dahil gusto ko naman ang ginawang iyon ni Xavier.
Paano na lang kaya kung sabihin ko sa kanila ngayon na gusto ko nang sagutin si Ultimate Crush? Baka mahimatay itong mga kapatid ko ng wala sa oras!
"Let's eat before we part ways. Since... wala na naman kaming magagawa dahil nililigawan mo na ang kapatid namin, Mr. Faleiro. And I just want to remind you, Mr. Faleiro that Lawrence is not like some other guys out there. Plus, I saw how many women linked into your name. Humarap ka sa amin ng pormal at maayos. Sana huwag mong sasaktan ang kapatid namin. Mahal namin iyan kahit ganyan siya." si Kuya Carl at bumaling sa akin.
Sinamaan ko ng tingin si Kuya Carl. Iyon na sana, eh! Like na like ko na ang kanyang speech para sa akin kaso hindi pumasok sa banga iyong huling sinabi ni Kuya sa akin. Anong 'ganito ako'? Pahamak talaga itong si Kuya Carl, gusto yatang ma-turn off si Ultimate Crush sa akin!
"Ako ayaw ko talaga dito- ahh!" Nalunok ni Kuya Cam ang kanyang nais sabihin nang sinipa ko sa ilalim ng mesa ang kanyang binti. Malas mo, Kuya, ako ang naging katapat mo sa upuan!
Mas tumalim ang tingin ni Kuya sa akin pero umakto lang ako na parang wala.
"Ayusin mo ang trato mo sa kapatid namin, pre. Alam kong... nasa puder mo siya ngayon pero huwag mo sanang abusohin iyon. Ayusin mo iyang panliligaw mo." Maangas na wika ni Kuya Cam kay Xavier.
Bumaling ako kay Xavier kasi ako lang meron siya ngayon. Wala siyang kakampi! Feeling ko aping-api na siya dahil dito sa mga kapatid ko!
Nagningning naman ang mga mata ko nang makita ko si Xavier na taas noo niyang pinupukol ng tingin ang mga kapatid ko. Wala talaga siyang takot at kampanteng- kampante! Emz! That's my boy!
"Makakaasa kayo. Salamat!" si Xavier at bahagya pang yumuko.
Pagkatapos no'n, sa wakas ay kumain na rin kami! Nilalantakan ko ang pagkain na hinain ni Xavier para sa akin. Nakalimutan ko na ang pagkamabini-bini ko dahil sa pagkain! Lamon lang kung lamon!
Si Xavier pa nga ang nagpupunas ng pagkaing lumalagpas sa aking bibig!
"Eat slowly," anang ni Xavier sa akin.
Bumaling ako sa kanya at pinunasan niya ang bibig ko at binigyan ng juice yata iyon. Napapikit ako ang pilit kong nilunok ang pagkain sa aking bibig. Emz! Mukhang patay gutom ang dating ko, ah.
Napadighay ako at hinimas ang t'yan na busog. Eat well mga alaga kong bulate! Enjoy sa masarap na meal!
Napalinga ako upang magbanyo sana. Gusto ko lang tingnan itong ngipin ko kung wala bang mga debris ng pagkain na kumapit. Mahirap na baka ikiss ako ni Ultimate Crush tapos may sabit-sabit itong ngipin ko!
"Banyo lang ako, Kuya, Pangga!" Paalam ko sa kanila nang makita ang isang hallway na mukhang papuntang banyo.
Pinanlakihan pa ako ng mata nina Kuya dahil nang marinig nito ang tawag ko kay Xavier!
"Samahan na kita," presenta ni Ultimate Crush kaso inilingan ko lang siya. I'm a big girl na. Hindi na kailangan ng kasama sa banyo!
Dinala ko na rin iyong bag ko papuntang banyo kasi gusto ko rin mag-retouch sa aking mukha dahil na-istress ang aking pores dahil sa mga Kuya ko!
Pagkatapos kong magbanyo at ma-check ang beautyness ko sa harap ng salamin. Napailing ako. Dito talaga sa ultimate facecard ko nahulog si Xavier. Charz! Ginayuma ko lang talaga si Xavier!
Lumabas ako ng banyo at habang inaayos ko ang aking bag ay bigla akong may nabundol! Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong nahulog sa sahig ang mga make-up at ibang apparatus ng taong nabundol ko! Ginoo ko, tabang!
"Naku, sorry po! Sorry po!" Natataranta kong saad at saka mabilis na umupo at pinulot iyong mga nahulog na lipstick at kung ano-ano pang mga paraphernalia!
"It's fine, dear!" ani ng isang mala-anghel na boses.
Muntik ko nang masampal ang sarili dahil akala ko nasa heaven na ako! Nang tingnan ko ang may-ari ng boses ay medyo bumilog ang mata ko. Siya iyong babaeng nakatingin din sa amin kanina. Iyong judger ba na nakatingin sa amin kanina.
"M-ma'am, sorry po talaga!"
Ngumiti lang siya at sabay kaming tumayo nang mapulot na namin ang lahat ng make-up niya sa sahig.
"Okay lang," inabot niya pa ang kamay ko at hinawakan. Hindi ko alam pero iba ang tingin niya sa akin. At saka... parang pamilyar ako sa kanya lalo na ang mga titig niya. Emz! Don't tell me may nagka-crush sa akin na Ginang na? "Ikaw? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"
"Ay, wala ma'am! Ayos na ayos po ako!" Kwela kong sagot sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiti na parang kontralado talaga at may limitations. Masyadong mabini-bini. Jusko! Amoy expensive si Ma'am! Tingnan mo nga naman itong suot niyang kulay beige na asymmetrical closing dress at kitten heel, 'di ko ito nakikita sa ukay-ukay at divisoria.
"Mabuti naman. How do you like the food here?" Biglang interview niya.
Hala! Ambush food review ba ito ng fine dining na resto'ng ito?
"Masarap po! Sobra!"
"That's good." aniya, mukhang satisfied sa sinabi ko.
"Ikaw naman, ma'am, ayos ba pagkain nila?" Interview ko rin sa kanya.
Natawa siya. "Yeah, ito ang favorite naming kainan ng mga anak ko. The De Costa chain of restaurants offers the best foods around the metro and even in the national."
Wow, ma'am! SML? Share mo lang?!
"A-ahh, sige po, una na ako sa'yo, ma'am! Baka naiihi na rin po kayo at baka ako naman hinahanap na rin ng mga kasama ko. Hihihi!" ani ko at kaagad na lumusot papalayo kay Ma'am. Baka kasi mapa-chismis na naman ako doon. Mahirap na. Kasama ko sina Kuya at si Xavier!
Bago ako tuluyang maka-alis sa hallway tungong banyo ay lumingon muna ako at nakita ko si Ma'am na nakatingin sa akin. Hindi ko lang mawari pero iba ang tingin niya. Parang judger talaga! Kinayawan ko na lang siya at ito naman ay parang robot na itinaas ang kamay at kumaway sa akin.
Sabay kaming lumabas nina Kuya at Xavier. Tuwang-tuwa ako kahit na parang inaaway na ni Kuya Cam si Xavier sa kanyang utak kung makatingin kay Ultimate Crush. Kahit nga nasa elevator kami ay masama pa rin ang kanyang tingin dito.
Nakuha na ng valet ang mga kotse nila kung kaya't pagkalabas namin ay nasa lobby na kaagad ang kani-kanilang mga sasakyan. Si Kuya Cam pala mukhang nakiki-hitch lang kay Kuya Carl na mukhang social climber dahil maganda ang kotse, pang mayaman!
Niyakap ako ni Kuya Carl.
"You take care, okay? Kung may kailangan ka or what, tumawag ka." si Kuya Carl.
Tumango ako.
Sunod naman akong niyakap ni Kuya Cam.
"Mag-iingat ka at huwag kang papaapi d'yan sa amo mo porket nanliligaw na iyan. Tang inang ligaw 'yan. Nakatira ka sa bahay niya. Umuwi ka na lang kaya sa atin?" si Kuya Cam naman.
Naitulak ko siya mula sa aming pagyayakapan.
"Para ano, kuya? Papaliparin ko ng Cebu 'yang si Xavier para manligaw doon sa akin?"
Kuya Cam raised his eyebrows, waggling them mischievously.
"If he really wanted you, he would!"
Wow! Nag-ienglish na rin si Kuya Cam ah.
"Tse! Ikaw nga iniwan mo si Mama doon sa Cebu, highblood pa naman si Mama! Nakiki-social climb ka pa kay Kuya Carl. FYI lang nagrenta lang kayo ng mamahaling kotse at pinaandar-an niyo lang si Xavier!"
Natawa si Kuya Cam doon sa sinabi ko at yumuko, tumaas-baba pa ang kanyang balikat sa tuwa!
"Whatever. And for your information, dito na rin ako sa Manila magtatrabaho kasama si Carl."
"Huh!? Papaano si Mama Aubrey sa Cebu? Walang mag-aalaga kay Mama?"
Masuyong umiling sa akin si Kuya, ngumiti siya sa akin.
"No, don't worry about Mama, we will take good care of her."
Matapos kong magpaalam sa mga Kuya ko, si Xavier naman ay isa-isa rin niyang kinamayan ang mga kapatid ko.
Hindi mabura-bura sa aking labi ang tuwa habang nakasakay ako kay Xavier, eme, sa kotse niya. Nasa shotgun seat ako at magkatabi lang kami ni Ultimate Crush.
Paskil sa labi ko ang malapad na ngiti habang nakatanaw ako sa labas ng bintana, tinitingnan ang mga nadadaanan naming buildings at iba pang imprastraktura. Ibang-iba talaga dito kumpara doon sa bukid namin. Doon sa amin kadalasan bundok at kahoy ang nakikita ko, kasi nasa medyo undeveloped naka-situated ang bahay namin.
Namimiss ko na rin ang malinaw na gabi sa amin, namimiss ko ang mga away mag-asawa sa kapitbahay namin, miss ko na rin ang mga pictures at posters ni Xavier doon sa kwarto ko, sayang kasi niluluhuran ko pa naman ang mga iyon, at saka si Mama Aubrey. Namiss ko na ang bunganga ni Mama sa umaga na parang trumpa!
Hindi naman ako bilanggo sa big brother house ni Xavier at may mga friends na rin ako dito kaso parang laging may kulang sa akin. Parang laging may nawala. Kahit anong tawa ko, bigla-bigla na lang ako natahimik kasi laging may kulang sa puso ko na hindi ko maarok.
Just like now, sobrang saya ko na nakita ko sina Kuya tapos kasama ko pa si Ultimate Crush na manliligaw ko na ngayon. Ngunit may laging may void sa puso ko na tingin ko walang makakapuwang dahil wala akong ideya kung ano o sino ang makakapuno no'n.
Ang pagkawala ko sa aking sarili ay tila isang pitik lang bumalik ako sa aking ulirat. Nangunot ang noo ko nang makita kong iba na ang daan na tinatagak namin. Nag-iba ng dindaanan si Xavier at hindi iyon ang daan tungong bahay niya.
"Hala! Bakit lumalayo na tayo doon sa daan patungong big brother house mo, pangga?" Lingon ko kay Ultimate Crush na siyang nagmamaneho.
Sandali lang niya akong tinapunan ng tingin at saka siya ngumisi sa akin, that kind of smile na nakakalaglag lagi sa aking underwear. Porket alam niya kahinaan ko iyon.
"We're going to Club Ferrer."
Bumilog ang mata ko. "Huh? Papaano na si bibi Zion nito?" Problemadong saad ko. Iniisip ko palang na iiwan na namin si bibi Zion ay naaawa na ako sa bata. Kanina naglulumpasay na nga iyon.
"Don't worry about Z, baby, dahil pupuntahan siya ni Xaña. While we're away, siya muna titingin kay Z."
"Hindi ba busy si Ate Xaña, pangga? Baka may trabaho iyon."
"She does have a work pero nag-volunteer siya when I talked to her last night."
"Pinalano mo na itong lakad natin?!" Bulaslas ko at muntik nang mawala pagka-demure at pagka-mindful ko!
Tumawa lang siya nang marahan.
"I always plan ahead when I'm with you, Lawrence."
May parte sa akin na malungkot kasi mawawalay kami kay bibi Zion, kaso masaya naman ako kasi lalabas ako kasama si Xavier!
'Sorry jud, dong, wala ka kauban namo sa imong daddy.' bulong ko na lang sa aking isip.
Mahaba ang naging byahe namin since labas na pala sa syudad itong Club Ferrer na ito! Ngunit ang pagod sa byahe ay worth it naman nang makarating na kami. Though madilim-dilim na no'ng nakarating kami sa Club Ferrer. It's a resort pala na may pagka-mediterranean ang dating.
Hindi ko alam kung anong book-book ang sinabi ni Ultimate Crush pero aniya'y naka-book na daw siya kaya madali kaming nakapasok. Nang lumagpas na kami sa front desk ay napatanga na lamang ako nang makita kong para kaming nasa ibang planeta! Dahil sa lawak at ibang klaseng architecture ng resort! I'm sure makikita ko pa ang view ng byong lugar sa umaga.
"Villa ang kinuha ko, Lawrence, so we'll go this way." ani Xavier at nagpatianod na lamang ako sa kanya. Nakasunod kami sa isang concierge ng club na siyang maghahatid sa amin sa aming villa.
Hiningal ako nang makarating kami sa villa na kinuha ni Xavier dahil nasa mataas na parte ito. Ngunit worth it naman kasi tanaw na tanaw pala namin ang lights sa baba. Tapos ang infinity pool ay nakaharap pa sa dagat!
"Ang ganda dito, Xavier!" Nakangiting saad ko at pati yata ang mata ko nagningning.
"All for you, baby." ani Xavier sa tabi kung kaya't napatingin ako sa kanya. Ang mata ay tuon lang sa akin, 'di ko mawari ang kakaibang dala no'n sa aking sistema na parang may nagwawalang mga bulate sa t'yan ko.
"Hihihi!" Ngisi ko sa kanya. Dumagundong ang puso ko nang makita ko ang diin ng tingin ni Xavier sa mukha ko. "Bakit ganyan ka makatingin, Xavier? Hindi ako ang maganda! Itong nakuha mong villa ang maganda!"
"You're wrong, baby. You look utterly beautiful."
***
This story is already at chapter 32 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top