CHAPTER 24
Chapter 24
Mark Lawrence Pov
Pagkapasok ko sa aking silid, tinakbo ko kaagad ang aking telepono na nasa bedside table ng kama. Umupo ako sa kama at binuksan ang telepono bago pumunta sa contacts ko. Pinindot ko ang number ni Kuya Carl, siya lang ang i-titext ko dahil siya lang naman ang nandito ngayon sa Manila. Ibabalita ko lang kay Kuya Carl na umepek na ang mga skin care ko. Charz! Gustong makipagkita ni Xavier kay Kuya Carl at sa buong pamilya ko kaso mas pinili kong dahan-dahanin muna sila. Baka kasi ayaw maniwala ni Kuya Cam sa akin, basher pa naman iyon ni Xavier.
To Kuya Carl: kuya, libre ka ba tom?
Sent ko sa message kay Kuya. Ilang saglit lang ay nagreply lang din kaagad si Kuya. Mabuti at sponsor nito ang load ko. Hindi fan ng Facebook o ng Messenger si Kuya Carl kaya text-text lang kami o 'di kaya'y tawag.
Kuya Carl: why, rence?
Nagusot ang mukha ko sa reply ni Kuya sa akin pero kahit ganon ay nagreply pa rin ako sa kanya. Ako kasi ang may kailangan sa kanya.
To Kuya Carl: wala lang, naisip ko lang na magkita tayo bukas, hehe! at kasama ang amo ko.
Kuya Carl: hmm. okay, let's see each other tomorrow, since i miss you na rin.
Ngumuso ako at nagreply.
To Kuya Carl: hindi kita na miss, kuya, pero gusto lang kita makita hehe!
Kuya Carl: hmm. see you, rence. mag-iingat ka palagi. i love you, bro!
Ito namang si Kuya Carl parang nakalimutan na niya ang pagtama ko sa kanya na 'sis' niya ako, hindi 'bro'.
To Kuya Carl: alam ko, kuya, mahal ka rin ni mama Aubrey!
Natatawa kong sinara ang aking telepono at gumulong-gulong sa aking kama. Saksi talaga ang apat na sulok ng kwartong ito kung papaano ako kiligin. Dito ko kasi nailalabas ang kilig ko na hindi ko pinapakita kay Xavier. Mahirap na. Baka isipin ni Ultimate Crush na easy girl ako! Charz!
Malaki ang ngiti ko sa labi habang iniisip kung ano ang susuotin ko bukas sa lakad namin ni Xavier. Ayaw kong mag-overdressed 'no. Saka kikitain din namin si Kuya Carl bukas! Ayaw kong sitahin ni Kuya ang suot ko!
Masaya na sana ako sa aking daydream nang biglang tumunog ang aking telepono. Dumapa ako sa kama at tiningnan kung sinong homo sapiens itong nagtext sa akin.
Namilog ang mata ko nang si Kuya Camelot pala iyon.
Kuya Cammy: hoy! ano itong text ni Carl na magkikita raw kayo?
Ngumiwi ako sa text ni Kuya Cam.
To Kuya Cammy: namiss ko lang si kuya Carl, Kuya! Masama ba iyon?
Kuya Cammy: this is not so you, rence. bat bigla-bigla kang makikipagkita kay Carl?
Walang manners talaga ito, oh!
To Kuya Cammy: basta! namiss ko lang si Kuya!
Kuya Cammy: what about me and mama Aubrey? You didn't miss us?
Para akong nabulunan sa text ni Kuya Cam sa akin. Nitong mga nakaraan ay hindi ko na sila natatawagan lagi. Text-text na lang na mga late replies pa.
Ano nga ba itong kinakatakot ko? Hindi naman nila malalaman na hindi na ako nagt-take no'ng vitamins ko, di ba? Saka... iyong sinabi ni ateng sa pharmacy, kahit anong saya ko basta mag-isa ako, naiisip ko iyon. Ayaw kong pagdudahan ang pamilya ko pero natatakot ako.
To Kuya Cammy: syempre na miss ko kayo, kuya! malapit na rin naman akong matapos sa two months ko rito sa manila. see you soon na kaagad ako sa cebu!
Kuya Cammy: yeah, whatever! mag-iingat ka lagi, rence. your vitamins, huwag mong kalilimutan. i love you, bro!
Bumuntong hininga ako at saka muling tumihaya sa kama. Ano ba talaga iyong vitamins-vitamins na iniinom ko? Mama, kuya Carl, kuya Cam, may tinatago ba kayo sa akin?
_ _ _ _
Nang dumating ang bagong umaga, maaga akong naligo at nagbihis para ipaghanda ng makakain si bibi Zion pero syempre halos 'di na rin ako makatulog kagabi kasi... nag-ooverthink ako sa mga ganaps ko today!
Habang naglalagay ako ng powder milk sa baso ay nilapitan talaga ako ni Arianna at saka sinundot ang aking tagiliran! Jusko, itong si Ateng Arianna,, ha, mukhang gusto niya atang butasan ko ang tagiliran niya. Masyado na siya close sa akin porket FC ko siya, as in Fan Co!
"Ang ganda yata ng gising mo ngayon, Lawrence, ay Rence na lang." Desisyon nito.
Inismiran ko si Arianna.
"Ay, wala man lang good morning, teh? Tsismis kaagad ang almusal, 'no?"
Nag-make face lang sa akin si Arianna at saka muling binundol ang aking balikat. Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin bago tumingin sa aming paligid. Wala kasi sina Lina at Siray dito sa kusina dahil nilinisan nila ang pool sa labas.
"Nakita ko kagabi iyong kiss ni Sir Xavier sa'yo, Rence. Aminin mo laglag ang brief mo sa sweetness ni Sir!" Bulgar nitong wika. Muntik ko nang isalpak sa bibig ni Arianna ang hawak na scooper ng gatas dahil sa kanyang sinabi.
"T-tse!" Nautal kong disma sa sinabi ni Arianna. Kasi naman, sinong hindi kikiligin kapag ginawa iyon ng crush mo... ng idol mo? Hirap nga akong i-digest ang realness na nililigawan ako ni Xavier. Kasi sampal sa buwan ang ganito pero... pero nangyari. May kiss sa pisngi at sintedo pa ngang bunos!
May parte sa akin na gusto kong sarilihin ang kilig at saya ngunit may parte naman sa isip at puso ko na i-enjoy ko na itong ride na panliligaw ni Pangga. Hating-hati ako sa mga ganaps ko ngayon sa buhay.
"Ayie! Kinikilig na yarn!"
"Tse! Wala ka lang manliligaw d'yan, eh, kaya ako ang ginagambala mo!"
Humawak siya sa kanyang dibdib at umarteng nasasaktan sa kanyang dibdib. Kung hindi lang talaga ako inaasar nitong si Arianna ay baka nireto ko na ito sa mga kapatid ko, kaso inaasar niya kasi ako! Nababanas tuloy ako sa kanya.
"Grabe ka naman, Rence! Masyadong below the belt na iyon, ah!"
Iniwan ko ang pagtitimpla ng gatas at namaywang na hinarap ng maayos si Arianna. Hindi niya ako madadaan sa ganito. May utang pa ang babaeng ito sa akin. Bruhang ito, nagre-report pala kay Ate Xaña sa mga ganap dito sa big brother house ni Xavier!
"At ikaw," tinaasan ko siya sa isang kilay ko. Napalunok siya ng malalim. "Nagre-report ka pala kay ate Xaña sa mga ganaps dito sa bahay? Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may koneksyon ka pala kay Ate Xaña?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Halata si Ateng Arianna ninyo na guilty sa aking sinabi. Nagkamot siya sa kanyang batok bago tumingin sa akin.
"S-sorry, Rence. Akala ko rin kasi top secret lang namin iyon ni Ma'am Xaña! I swear!" At itinaas niya ang isang palad sa akin, parang nanunumpa. "At saka... si Ma'am Xaña kaya ang naghire sa amin para magtrabaho rito."
Binaba niya ang kamay.
"Talaga?" May duda kong untag.
"Oo, nga! Saka hindi mo ba pansin na parang hangin lang kami kung ituring ni sir Xavier? 'Di nga niya kami kilala, eh. Kasi nga si Ma'am Xaña ang naghire sa amin at dito kami nilagay since walang katulong 'yang si sir Xavier. Masyadong lonely boy ba. Ayaw kasi ni Sir Xavier ng maingay o may dumidisturbo sa kanya kaya dumidistansya kami. Nag-iingat na h'wag masisante."
Napatutok lang ako kay Arianna habang siya ay nagpapaliwanag.
"Kaya nga gulat na gulat kami nang sinabi mong nanliligaw si Sir Xavier sa'yo! Ang ingay mo tapos kalog din! Sobrang opposite sa type ni Sir pero... siguro love is blind and deaf nga talaga."
Nabatukan ko si Arianna kasi hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig niya! Anong love is blind and deaf? Baka ako magpapa-blind sa kanya ng wala sa oras dahil d'yan sa bibig niya.
Dahil may klase si Zion sa kanyang tutor, naiwan siya sa bahay. Naawa nga ako sa anak namin ni Xavier kasi naglulumpasay doon sa bahay. Charz! 'Di pa nga jowa ang daddy nakiki-anak na. Ang speed ko naman!
Ngumunguso akong sumulyap kay Xavier na ngayon ay nagmamaneho sa akin, eme, napaghahalataan na excited! Nagmamaneho siya ngayon dahil papunta na kami sa meet up place namin ni Kuya Carl. Akalain mo iyon na si Kuya Carl na ang magset kung saan kami magkikita dahil baka raw magrenta na naman ng buong resto itong si Xavier.
Hayst! Ang gwapo ng future jowa ko sa kanyang polo shirts na kulay vintage taupe na pinaresan niya ng itim na slacks at sapatos. Formal na formal siya at masasabi kong pinupormahan na niya talaga ako. Bumagay sa kanya ang kanyang gupit na mid taper. Pagka-uwi namin galing sa probinsya ay nagpagupit kasi ito. Syempre para sa akin! Eme!
"Nando'n na ba si Carl sa meeting place natin, baby?"
Amp! B-in-aby lang ako ni Xavier pero para na akong kinumbulsyon dito sa aking kinauupuan.
"I-iti-text ko." anas ko at nilabas ang aking telepono mula sa akin dalang maliit na bag, in which pinahiram lang ni Ateng Arianna sa akin.
"Hmm,"
To Kuya Carl: Kuya, nasa meet up place ka na?
Pagkasend ko no'n ay kaagad naman akong nakatanggap ng reply kay Kuya.
Kuya Carl: Yes, Rence. Take your time. Mag-iingat kayo.
Bumaling ako kay Xavier. "Nando'n na si Kuya Carl, pangga!"
"Good!" aniya.
Nakunot ko ang aking ilong dahil mukhang wala kang si Xavier habang nagmamaneho.
"Hindi ka kinakabahan?" I curiously asked.
Saglit siyang tumingin sa gawi ko at ngumiti.
"Why would I?"
"Syempre! Kikitain natin ang Kuya ko!"
"No." Mabilis na sagot niya. "Kakabahan ako kung hindi ako sincere at hindi mabuti ang intensyon ko sa'yo, Lawrence. But I'm serious and my intention to you is true. Wala akong dapat ika-kaba, baby."
Amp! Enebe! Grabe naman itong si Xavier! Kaya ultimate crush ko siya!
"Papaano kung ayaw nila?"
"Then, I'll prove to them my real intention."
"At iyon ay?"
"To make you my boyfriend."
Napapak ko ang aking labi dahil sa mga sinabi ni Xavier! Hindi nakakabuti sa puso ko itong mga sinasabi niya. Parang sasabog na ang puso ko. Baka maaga akong madeads dahil sa kanyang epekto sa akin.
"E-ehh... hehehe! N-nagawa mo na ito noon kay Kyline, pangga?"
Dahil nakatitig lang ako sa kanya. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa kanyang labi at napalitan ng pagkaseryoso.
"No. Ikaw lang niligawan ko. I've been into relationships before, baby, but it's my first time courting someone."
Lumunok ako.
"Eh, bakit... n-nag-iba ka na ngayon? Bakit nanliligaw ka?"
Sumulyap siya sa akin. "Because I want to make everything right and good for you."
"Alam mo na crush kita, idol, hinahangaan."
Tumango siya, muling tumingin sa daan.
"That is why I'm courting you kasi idol mo lang ako, crush lang, at hinahangaan. Lahat 'yan pwedeng magbago at mawala sa isang iglap... lalo na't hindi ako ganon ka buti. Nanliligaw ako para mahulog ka akin, para magustuhan mo ako hindi dahil idol mo ako o hinahangaan mo ako. Nanliligaw ako para magustuhan mo ako bilang si Xavier Von Faleiro."
Natamimi ako sa sinabi ni Xavier. Gusto kong tumawa o pabulaanan ang kanyang kaseryosohan kaso wala akong nagawa rito sa kinauupuan ko. Hanggang sa makarating na kami sa aming destination.
Nalaglag ang panga ko.
"Let's go." ani Xavier pero abala pa ako kakatulala rito sa tapat ng building.
"Tama k-kaya itong building na ito, pangga?"
"Ito ang nasa pin location na f-in-orward ng brother mo sa akin. It's impossible na magkamali siya."
Kinuha ni Xavier ang kamay ko at saka ako inakay sa loob ng building. Ginoo ko! Sosyalera pala itong meet and greet place namin ni Kuya Carl! 'Wag naman sanang naggagastos ng pera itong si Kuya para lang magmukha siyang may ibubuga kay Xavier. May maintenance kaya si Mama Aubrey!
"Reservation for Mr. Carolous Alipalo." saad ni Xavier doon sa waiter na sumalubong sa amin. Naks! Alam na alam na talaga ang buong name ni Kuya Carl!
"Uh, this way, Sir!" Natulala saglit bng waiter kay Xavier! Ngunit nakabawi rin ito kaagad.
Dinala kami ng waiter sa top floor nitong building na aming pinasukan. Medyo nahilo pa ako dahil nakikita ko ang mga katabing buildings dahil gawa ito glass wall. Para akong nasusuka na parang ewan dahil nalililo ako. Napalinga ako sa paligid dahil ang tahimik at iyong ibang mga tables bakante. Binuksan ng waiter ang isang room at saka kami pinapasok ni Xavier.
Sa kwartong pinasukan namin ay nadon si Kuya Carl. Prenteng nakaupo at may kung anong kinakalikot doon sa kanyang telepono. At nang mapansin niya kami, saka pa niya binitiwan ang telepono at tumayo upang batiin kami ni Xavier.
"Nice to meet you again, Mr. Faleiro."
"It's to meet you too, Mr. Alipalo."
Nagkatitigan pa si Kuya at Xavier habang nagkakamayan.
"U-upo na tayo, guys!" singit ko sa gitna nilang dalawa.
Sa isang four seater kami na table umupo at pasimple akong tumingin sa paligid. Nakita kong may dalawang tao sa di kalayuan sa amin. Babae at lalaki na medyo may edad na at nakatingin sila sa akin. Mukhang dyina-judge nila na dalawang lalaki ang kasama ko. Ginoo ko!
Ngumuso lang ako at pinutol ang titig sa kanila. Babaling na sana ako kina Kuya Carl nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isa ko pang kapatid!
Lord, anong ginagawa ni Kuya Cam dito? At naka formal attire din siya! Hindi ba nasa Cebu ito?!
"Kuya Camelot!?" Bulaslas ko. Nawala na ang pagka-demure ko ha!
Malaki ang ngisi ni Kuya na tumungo sa aming mesa at saka ako niyakap nang makalapit.
"I miss you, Rence!" anito at tila hindi napansin ang gulat ko!
"Sinabi ko sa kanya, Rence, na magkikita tayo today. Gusto niyang sumabay." Paliwanag naman ni Kuya Carl.
Sinamaan ko lang ng tingin si Kuya Camelot na nasa tabi na ni Kuya Carl ngayon.
"Xavier Faleiro, kumusta na, pre?"
Naku! Asal kalye talaga itong si Kuya Camelot! Akala niya talaga ang kausap niya ay iyong mga kasama lang niya sa liga sa probinsya namin kung maka-pre kay Xavier!
"I'm good, Camelot! How about you?"
"Hindi mabuti, pre, lalo na't iba ang kutob ko kung bakit mo gustong makipagkita rito kay Carl."
Sinipa ko sa ilalim ng mesa ang binti ni Kuya Cam. Masama niya akong tiningnan pero dinawalan ko lang siya sa aking dila.
"Actually, kayo nga sanang buong Alipalo ang gusto kong makausap, Carl, Camelot, pero sinabi ni Lawrence na si Carl lang daw muna. And I respect his decision." si Xavier.
Nagcrossed arms si Kuya Camelot at si Kuya Carl naman ay napaabot sa kanyang baso ng tubig at uminom.
"Gusto mo kaming makausap? About what? Business?" si Kuya Camelot naman.
Napa-tsked ako kay Kuya dahil kung umasta siya ay parang may alam talaga siya sa sinasabi niyang business.
"Not about business... but it's about Lawrence."
This time ako naman ang napa-abot sa baso ng malamig na tubig at uminom.
"About Lawrence, huh?" si Kuya Carl at sumulyap sa akin.
Nanginig ang labi kong ngumiti kay kuya Carl.
"Yes, gusto ko lang... ipaalam sa inyo bilang mga kapatid niya na... nanliligaw ako sa kapatid ninyong si Lawrence."
"Xavier Faleiro, do you know what you're talking about?" si Kuya Carl at napasiklop sa kanyang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Kita ko kung papaano umusli ang mga ugat niya sa higpit no'n.
"Of course! I just realized my feelings for him. And he already knows that I like him. That is why I am courting him to win his heart." Natapang na sagot ni Xavier.
"You are a showbiz personality, man. Ayaw kong idadawit mo ang kapatid ko sa iyong pangalan."
"If you're worried about that, Carl, don't worry, hindi 'yan mangyayari. My personal life is hidden from the media. I can assure you Lawrence privacy and safety."
A-ano ba 'yan! Manliligaw pa naman pero mukhang iba na ang usapan nila, ah.
"Papaano kung ayaw kong pumayag na ligawan mo ang kapatid ko, pre?" sabad naman bigla ni Kuya Cam sa tabi.
"K-kuya..."
"Camelot!" si Kuya Carl na may warning tone doon sa kanyang boses.
"I totally understand you, Camelot. You just love your brother but allow me to prove myself and my sincerity towards, Lawrence. I truly like him."
"Masasabi mo pa kaya ang mga iyan kapag nalaman mo ang lahat tungkol sa kapatid namin?"
"Camelot!" Galit na saad i Kuya Carl.
"I'm just giving him a warning, Kuya! Ayaw ko na saktan lang n'yan si Lawrence! Baka kasi duwag din ang lalaking ito. Porket gusto ng kapatid natin!"
"I'm sorry, Camelot, but I don't like Lawrence just because he adores me. I like him because he matters to me. I like him not because he is my fan. I like him because he is Mark Lawrence!" Xavier inferred.
***
This story is already at chapter 31 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top