CHAPTER 23
Chapter 23
Mark Lawrence Pov
"Go na me, friendship! Yiee!" Ngumingisi pa si Jewel sa akin at saka humalik sa aking pisngi. Binigyan niya pa ako ng isang kindat at hinila na si Chucky kasama siya.
Kinagat-kagat ko ang mga labi ko upang pigilan din ang pag-ngisi. Ang hirap parang magpigil ng kilig! Mas keri ko pa sigurong pigilan ang ihi ko kaysa sa kilig. Gustong-gusto ko ng mag-rolling-rolling on the floor dito sa harap ni Ultimate Crush na Pangga ko na ngayon! Ang saya, nag-upgrade na ang tawag ko kay Xavier. Buti nga nakalimutan na niya iyong tinawag ko siyang Pangga dati. Hihi! Sinabi ko pa naman sa kanya no'n na ang ibig sabihin ng pangga ay bunso!
At sa lahat ng pag-upgrade ng buhay ko habang nandito ako sa manila. Hindi ko aakalain na mag-aupgrade rin ang tingin ni Xavier sa akin. Alam ko maganda ako, sobra, confident ako sa beautyness ko, kaso... hindi ko lubos maisip na... liligawan ako ni Xavier Faleiro! Pak! Fullname para mas feel ko!
Ang pang two months na ganda ko rito ay may side effects pala kay Xavier. Akalain mo nga naman na galit siya sa akin at ang bilis mainis sa mukha ko pero ngayon... handa na yata akong gapangin? Charz lang!
"Flowers for you, baby."
"Amp!" Birong sinampal ko ang balikat ni Xavier kaso ang tigas! "Padedehin mo nga ako kung baby mo ako!"
"What?"
Naitakip ko sa aking bibig ang flowers dahil inulat ko pala ang thoughts na bumisita sa utak ko. Ang duga naman nitong bibig ko! Hindi nakikisama minsan!
Ngumuso ako. Hindi ko siya pinansin sa kanyang sinabi.
"Akin telege ito." Ipit ko sa sariling boses at kunyari ay inipit ko ang aking buhok sa tenga.
Ang konting distansya namin ni Xavier ay sinara niya sa pamamagitan ng paglapit sa akin. Nagp-puppy eyes ako sa kanya. Inangat ni Xavier ang kanyang isang kamay at akala ko padedehin na niya ako nang guluhin niya ang buhok na parang aso na pini-pet!
Arf! Arf! Chariz!
"Let's get inside." Malambing na wika ni Ultimate Crush, honeysugarplum ko, na ngayon ay Pangga ko.
Lumukso ang puso ko nang igapang ni Xavier ang kanyang braso sa baywang ko at saka niya ako inakay papasok sa big brother house niya!
"That is your friend?"
"Uh, huh? Ano iyon, pangga?"
Nilingon ko si Xavier. Kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niy bago niya ito kinagat upang mawala ang pagngiti.
"Iyong babae kanina na kasama mo."
"Ayy, si Jewel iyon, pangga! At alam mo ba mayaman si Jewel at lagi raw'ng nasa ibang bansa ang mga magulang niya! Tingin ko gustong sundan ng mga parents ni Jewel ang yapak ni Ferdinand Magellan!"
"Prft! Ferdinand Magellan? Do you know him?"
Hala! Nabo-bobohan ba itong si Xavier sa akin? Hindi niya ba alam na with highest honor ako sa aking mga panaginip?
"Oo naman! Siya ang napaslang ni Lapu-Lapu! At siya ang naka-diskubre sa Pilipinas!"
Umiling si Xavier.
"Hmm, but were not sure if he was really killed by Lapu-lapu. It's still debatable until now. Marami pa ring historians ang nagd-debate d'yan."
Sinimangutan ko siya. Amfee naman nito. Amfee as in ang feeling niya pero parang verified by nature spring naman ang sabi niya (from credible source naman ang sinabi niya).
"Basta ikaw, pangga, paniniwalaan kita. Kahit sabihin mo sa akin na flat ang mundo. Maniniwala ako sa'yo. Ganyan ako ka-loyal sa'yo, kahit wala pa tayong price tag (label)."
Natawa si Xavier doon sa sinabi ko. Hindi niya naman ako siniseryoso, eh! Pasalamat lang talaga siya na siya ang sinisigaw nitong pusong ligaw ko!
"Mami ko!" si bibi Zion.
Literal na magkatabi kami ni Xavier ngunit ako talaga ang tinawag ni Zion. Uma-angat nga siguro talaga itong ganda ko.
"Oh, dong!" ani ko naman.
Ano ba naman itong si bibi Zion? Para naman niya akong hindi nakita ng ilang linggo kung makatawag sa akin. Kung tutuusin nga, dapat si Xavier ang salubungin niya ng ganito!
"Si Daddy mo rin, dong. Batiin mo." Utos ko kay Zion pagkatapos siyang mayakap.
Sumulyap si bibi Zion sa Daddy niya. Ginaya ko ito at nakita kong nakangiti si Xavier sa amin ni bibi Zion. Mukhang care no less (walang paki) lang naman siya na ako lang ang binati ng kanyang anak. Anak niya na magiging anak ko na rin soon! Emz! Ganap na ganap na ang buhay ko porket niligawan lang ng ama.
Pinaningkitan ko sa aking mata si Xavier. What if nililigawan lang ako ni Xavier kasi wala na siyang pang suweldo sa akin? What if nililigawan lang niya ako dahil alam niyang mabuti ang kalooban ko sa kanya?
"Awts!" Daing ko ang biglang pinitik ni Pangga ang aking noo.
Sumama ang timpla ng mukha ko sa kanya.
"Bakit namimitik ka d'yan, pangga? Akala ko likes mo ako?"
"Sure, I like you, but I can't stand the way you look at me. It feels like you're judging me every time with that gaze."
Tumayo ako ng maayos at sinangga ko sa aking bibig ang bulaklak na kanyang bigay sa akin. In fairness, ang bango ng bulaklak.
"A-ano ka ba naman, pangga!? Hindi ako judger 'no! Baka ikaw d'yan judger since artista ka!"
Ipasa pa sa akin ang titulo ng pagiging judger!
"Tsk!"
"Lawrence— ayy! S-sir nand'yan po pala kayo! Magandang gabi po." Si ateng Arianna ay biglang naging maamong tupa nang makita si Xavier.
"Good evening, Arianna!"
Umikot ang ulo ko kay Xavier dahil mukhang ang ganda ng mood niya today! Hindi kagaya no'ng mga past week na care no less sa bahay at sa mga katulong niya. Feeling main character kasi itong si Xavier, eh. Masungit siya, cold, tapos matabing ang tabas ng dila minsan. Pero minsan naman nakakausap siya ng matino.
Ngumuso ako. Ngunit kahit na ganoon ang aking Pangga... mukhang nadali nga ni Friendship Jewel na nag-upgrade itong feelings ko kay Xavier. Bwesit naman nito! Ni hindi ko na-seminar itong pusong ligaw ko na hanggang crush lang kami rito kay Xavier! Ewan ko ba, kahit na nililigawan ako ni Xavier... kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka mabuntis ako tapos itago ko na for real ang anak namin! Emz! Kinakabahan talaga ako kasi ika nga nila, 'feelings change.'
"Lawrence!"
"Ay! Feelings change!" Bulaslas ko sa gulat nang may biglang tumapik sa aking balikat. Akala ko kung sinong multo na ang tumapik sa akin. Ang aking Pangga lang pala.
"H-huh?"
"Arianna said na handa na ang dinner. Come on, let's eat."
Tumango ako kay Xavier.
"Let's go, Mami!" si bibi Zion at tumalon. Humawak pa siya sa kamay ko.
"Hihi! Let's go, dong!" Sakay ko sa trip ni Bibi Zion.
Pagkarating namin sa hapag realness naman na may handa na. Nagsi-upuan na rin kami. Sina Arianna ay nagdadalawang isip pa na sumali sa amin. Nagtataka ako kung bakit pero napagtanto kong nandito pala si Xavier! Bibihira lang kasi ito kung makasabay sa aming kumain. Kasi kapag kami-kami lang dito, inaaya ko naman sila sa hapag. Ang lonely kasi kung mag-isa kang kumakain. Nakakawala ng diet (appetite).
"Arianna hali na kayo!" Anyaya ko sa kanila.
Mariing umiling si Arianna at sumulyap kay Xavier.
"Pangga sabay na sa atin sina Arianna kumain, huh?" Baling ko kay Xavier.
"Oh, sorry! Sure," anas ni Xavier at tiningnan ang mga serbidor ng hapag. "Arianna sabay na kayo sa amin."
"H-huwag na po, sir, nakakahiya naman po sa inyo!"
Aysus! Ngayon pa talaga nahiya itong si Arianna sa amo namin! Makapal kaya mukha nito.
"Kakain kayo ng sabay sa amin o ta-tumbling itong mesa?" Birong banta ko sa kanila. Baka maka-gold medal itong mesa namin.
Nag-make face sa akin si Arianna, ang ibang kasama naman niya na sina Lina at Siray ay bumilog ang matang nakatingin sa akin.
"Come on, let's not keep the food waiting." Muling wika ni Xavier.
Matapos ang aming dinner dinala ko rin sa silid niya si bibi Zion. Syempre, lilinisan ko pa ito at patutulugin!
"Mami... i-is my daddy courting you?" Inaayos ko ang pang itaas na sleepwear ni bibi Zion nang magtanong siya sa akin.
Natigil tuloy ng pagbutones ko roon sa kanyang damit!
"D-dong..."
"Mami, I know I said before that I don't like my daddy, but... b-but please like him, Mami. I want you to be my daddy's boyfriend!" Ngumunguso niyang saad sa akin.
"Dong." Ano ba 'yan! Nap-pressure tuloy akong sagutin si Xavier! Baka bukas sagutin ko na ito! Charz lang!
"Okay lang sa'yo, dong, na maging boyfriend ako ng Daddy mo? Pretty lang si Mami mo, hindi... hindi ako katulad ng Mommy Kyline mo." May malakaing dede at may ala-coca cola body.
Humawak ang maliit na kamay ni Zion sa aking magkabilang pisngi at saka niya ako binigyan ng halik sa labi.
"But I love you more, mami ko! I love you more than anyone else!"
"Hmm? Pak! Pak! Ganern-ganern!?"
Mabilis siya tumango sa akin. "Pak! Pak! Ganern-ganern po, Mami!"
Pinugpog ko ng halik si Zion kung kaya't sumabog ang kanyang tawa sa buong kwarto. Ngayon hindi lang si Zion ang gusto ko. Hindi lang si Zion ang nakabihag sa puso ko kung hindi pati na ang kanyang Daddy. Mag-ama things!
Crush-crush ko lang naman si Xavier, eh. Siya iyong idol ko na ipinagdarasal ko na sana mapanaginipan ko gabi-gabi. Tapos... bakit ganito? Bakit naging seryoso na ito? Akala ko ba may sakit lang ako? Akala ko sakit iyong biglang pagkabog ng puso ko. Akala ko pinaglalaruan lang ako ng utak ko sa mga pagkakataong tila tumitigil ang ikot ng oras. Nakaka-frustrate naman pala itong nagkakagusto ka na sa isang tao!
Hmp! Pati ba iyong palaging pag-iisip kay Xavier dati... kasama na iyon sa sintomas na may feelings ako sa kanya! Hindi ba ito feeling close lang? Naman! Dapat kasi naging masama na lang talaga ang ugali ni Xavier sa akin. Dapat tinuloy-tuloy na niya iyong kasamaan niya at kasungitan niya no'ng first meet and greet (first meeting) namin.
"Bakla ka!"
"Ay borikat si Arianna!"
Napadaing ako nang lumagapak ang kamay ni Arianna sa aking braso. Ang bigat ng kamay ni Ateng!
"Iyang bibig mo talaga, Lawrence!" Inis nitong wika sa akin. Si Siray at Lina na nagluluto ay natawa na lang din. Hayst! Itong si Lina at Siray ay tahimik lang talaga at itong si Arianna lang ang feeling close sa akin. Pero mababait naman itong sina Lina at Siray saka may mga asawa at anak na sila kahit mababata pa, thankfully, ligtas naman sa teenage pregnancy. Nasa twenty's na kasi sila.
"Ikaw kaya ang nanggulat sa akin!"
"Nye!" si Arianna at sinamaan ako ng tingin. Tukusin ko kaya ang mata niya gamit itong daliri ko. "Pero..." pagbibitin niya sa akin at sinundot ang aking tagiliran. "May something kayo ni sir Xavier?"
Napa-side eye ako kay Arianna.
"Nakita ko iyong bulaklak na dala mo at saka iyong pagtawag mong pangga kay Sir kagabi, oi! Huwag ka ng mag-abala na mag-isip ng alibi!" wika ni Arianna.
Saglit akong tumahimik. Wala naman sigurong masama kong sasabihin kay Arianna ito 'no? Saka wala namang sinabi ang aking Pangga na dapat secret lang namin itong panliligaw niya!
Tiningnan kong mabuti si Arianna at pati na ang kasama ko sa kusina. Emz! Inantala rin talaga nila ang kanilang ginagawa para lang hintayin ang aking sagot.
"N-nililigawan pa ako ni Xavier pero—"
"Ahhh!"
"Waahh!"
"Ayiieee!"
Napatakip ako sa aking tenga dahil sa sabay nilang tili! Si Arianna ay hinampas-hampas ang aking balikat! Si Siray naman at Lina doon ay magkahawak kamay na tumitili na parang kinikiliti!
"H-hoy! Huwag kayong maingay! May klase si Zion sa sala!" Suway ko sa kanila!
"Yiee! Hindi ka ba kinikilig?" Namumula ang mukha ni Arianna sa kilig. "Grabe kinikilig ako! Akalain mo iyon? Iyong amo natin na masungit at mukhang walang care kay Lawrence dati, eh, nanliligaw na sa kanya?"
"Tama ka, Arianna! Tapos artista iyang si Sir Xavier. Marami iyang mga magagandang on screen na partner pero kay Lawrence siya kumalampag!"
"Tama, Siray! Iba talaga ng ganda mo, Lawrence! Kinabog mo ang mga beauty ng mga on screen partner ni Sir Xavier!" si Lina.
"Haba ng hair ng aming kaibigan! Huwag mo kaming kalimutan kapag nagkatuluyan kayo ni Sir, ha!" si Arianna naman!
"H-hindi ko pa nga sinasagot! Iyan na kaagad iniisip mo, Arianna!" Suway ko sa kanya.
Pero muli lang silang tumili. Napangiti na lang din ako. Akala ko kasi may masasabi sila o sasabihin nila sa akin na malayong-malayo ako kay Xavier kasi... syempre si Xavier may narating na sa kanyang career tapos ako wala pa. At ang patunay no'ng success ni Pangga ay iyong mga trophies niya doon sa labas.
Nang sumapit ang hapon, nagulat ako sa biglaang pagdating ni ate Xaña sa big brother house ni Xavier! Naka trousers siya na kulay blue at manipis na sleeveless sa taas at t-in-uck in niya iyon sa kanyang trousers. Akala ako bumalik na si Ate ng Lenden (London)!
"Ate napadalaw ka! Si Zion po tulog kasi napagod yata sa klase niya kanina." Bumeso ako kay Ate Xaña kasi feeling ako.
Inaya ako ni Ate Xaña sa may poo area.
Nandito kami ni Ate Xaña ngayon sa may poolside. May parang cottage kasi rito kaya mas pinili ni Ate Xaña dito at mahangin din.
"Nangangamusta lang ako since hindi mahilig si Xavier na mag-update sa akin kung kumusta na kayo rito."
"Ay, okay na okay kami, ate!"
Natawa siya. "I can see. At saka bumisita pala kayo sa probinsya namin?"
"Ahh, oo, ate naki-fiesta rin kami doon!"
"Yeah, nasabi nga nina Lola sa akin. Gustong-gusto ka nila."
Napakagat ako sa aking labi. Gusto ko rin sina Lola Marcila, na miss ko na nga sila eh.
"But, anyways, pumunta lang ako rito para sabihin sa'yo, Lawrence na bantayan ng maigi si Zion. Ayaw kong maulit iyong nangyari dati, iyong nawala si Z at saka iyong pagsugod ni Kyline dito. Mabuti at nasabi iyon ni Arianna sa akin."
"S-spy si Arianna, ate?"
Umiling siya. "Hindi. Concern lang si Arianna at saka sinabi ko rin sa kanya na ibalita sa akin ang mga nangyayari dito sa bahay ni Xavier."
Napatango ako. Hindi naman siguro chinismis ni Arianna ang usapan namin kanina 'no?
"Ahh, pero makakaasa ka, Ate, na ako ang bahala kay Zion habang wala rito si Xavier! Promise!" Nag-swear pa ako para kapani-paniwala ang sinabi.
"I trust you, Lawrence. And also... sana pahirapan mo sana ang kapatid ko sa panliligaw niya sa'yo." si Ate Xaña at saka kinindatan niya pa ako!
"A-ate..."
"Mas bet kita kaysa kay Kyline, Lawrence, pero huwag kang bibigay kaagad kay Xavier kahit crush mo iyon, huh!"
"Ate paaano mo nalaman ng lahat ng ito?"
"Kay Arianna at saka halata ka masyado, Mark Lawrence!"
Napapadyak ako sa aking paa. Nakakainis naman itong si Arianna! Matanggalan nga iyon ng kilay mamaya sa pagtulog niya!
Hinihintay ni Ate Xaña si Xavier kung kaya't nakita talaga ni Ate Xaña na binigyan ako ng bulaklak ni Xavier. Ni hindi man lang natinag si Xavier sa talas ng tingin ni Ate sa kanya.
Humalik pa si Xavier sa temple ko at yumakap.
"Why are you looking at me like that, Xaña?" Banas na wika ni Xavier sa kanyang kapatid matapos kumawala sa aming yakap. Ang sarap!
Ngumiting aso lang si Ate Xaña.
"Wala! Hindi ko lang aakalain na magkakaganito ka sa isang tao. Basi kasi sa pagkaka-alala ko. Hindi kayo dumaan ni Kyline sa ganitong phase ng relasyon ninyo. Ang refreshing lang. Sana pahirapan ka pa ni Lawrence!"
"Fuck you, sis! Umuwi ka na!"
Malutong na tumawa si Ate Xaña.
"Yeah, yeah! Pero kagaya ng text ko sa'yo, Xavier, kyng nabasa mo ang mga iyon. Mag-iingat kayo lagi, lalo na si Z. Mabuti at naisip mo na i-home school muna siya."
"For his welfare, Xaña."
"I know." Tumayo si Ate Xaña. "Sige na, uuwi na ako. Tapos ko nang makita ang ka-kornihan mo, Xavier Faleiro!"
***
This story is already at chapter 29 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I'm only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top