CHAPTER 21
Chapter 21
Xavier Pov
Inis kong pinukol ng tingin si Dessa na ngayon ay nakikipag-usap kay Lawrence. They were talking animatedly, yet Dessa still had the audacity to throw a teasing look in my direction.
Sinusubukan talaga ako ng kaibigan kong ito. Kung hindi ko lang talaga kaibigang tunay itong si Dessa, matagal ko na itong sinupi papalayo kay Lawrence. May pa akbay-akbay at bulong pa siya kay Lawrence. Itong si Lawrence naman ay tumatawa rin. At naiinis ako... sobra. Hindi ko lang mawari kong sa inggit ito o inis. O baka naghalo-halo na sila.
Malakas kong tinampal ang tubig at umahon sa lawa.
"Hahahaha!" Sumabog ang tawa ni Dessa sa buong kagubatan!
Nilingon ko ito pero ngumiting aso lang siya sa akin. Dumeretso ako sa cottage namin at kumuha ng towel, sinampay ko ito sa balikat ko at kumuha ng makakain sa mesa.
"M-mukhang wala ka yata sa mood, apo." si Lola.
"Wala, la."
Umupo si Lola sa tabi ko.
"Hindi pa pala ako nakahingi ng paumanhin sa'yo, apo."
Nalingon ko si Lola.
"Saan, la?" Lito kong tanong.
"Doon sa nangyari kay Lawrence, apo." Tumingin si Lola sa kinaroroon nina Dessa, Lawrence at Z. "Tingin ko kasalanan ko kung bakit nawala si Lawrence. Gustong-gusto ko siya, apo, pero napahamak siya dahil sa akin."
Hinawakan ko ang balikat ni Lola.
"La, wala kang dapat ihingi ng paumanhin. Hindi mo rin naman gusto ang nangyari at saka... hindi talaga natin alam kung papaano napadpad doon si Lawrence. Wala rin kasi siyang maalala." Huminga ako nang malalim. "Alam kong maloko si Lawrence, la, pero batid ko ngayon na sensiro naman siya nang sabihin niyang wala talaga siyang maalala. Pati ako... naiinis ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. I sincerely hope that Lawrence will eventually regain his memories of last night."
Kaya ko rin naisip na pumunta rito sa lawa upang ma-divert ko ang aking pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi at para na rin kay Lawrence. Nang magising kasi siya kanina ay pansin ko ang gulat at pagkawala niya sa sarili. No matter how erratic his behavior was in front of me, I could still sense his agitation and unease.
"Wala ka bang alam na... mga past truama ni Lawrence, apo? Baka... baka lang naman may ganoon siya." Hula ni Lola.
Umiling ako.
"Wala, la, eh." Hindi ko naman talaga kilala si Lawrence. He is just my son's savior.
All I know is that he is a college student, a Cebuano, and my fan. What I knew about Lawrence was just the tip of the iceberg of what he was hiding within. Nevertheless, despite the little I knew about him, Lawrence was able to get under my skin. Dammit!
Hindi ko ito lubos matanggap sa sarili ko! Ako ang nagsabi kay Lawrence na fan lang ang tingin ko sa kanya at wala akong maibibigay sa kanya maliban sa isang employee-employer relationship kaso... puta... gusto ko na pala siya.
Iyong simpleng iritasyon ko sa kanya. Iyong simpleng pagtaas ng dugo ko dahil sa mga pananamit niya. Iyong simpleng mga kalokohan niya sa akin na iniinda ko, sintomas na pala iyon. Akala ko sakit siya, akala ko sintomas ng sakit kaso... sintomas pala na nagugustuhan ko na ang bubuyog na iyon.
Kagabi, tumawag ako kay Cesna tungkol kay Lawrence dahil kung anuman ang mangyari kay Lawrence nakahanda ang lahat. At ipinaalam ko na rin kagabi kay Cesna na gusto kong magpa-schedule ng appointment sa ospital.
"Ano?! May nangyari ba d'yan sa'yo? May sakit ka?" si Cesna nang sabihin ko rito na gusto kong magpa-appoint sa ospital.
"Walang nangyari dito, Cesna, maliban aa pagkawala ni Lawrence amd thankfully nakita ko naman siya." sagot ko naman sa kanya.
"Eh, bakit gusto mong pumunta ng ospital? Bakit agad-agad, Xavier? May sakit ka ba na nililihim mo sa akin?" Usisa pa nito.
"Hindi."
"Eh, ano? Wala ka naman palang sakit."
"It's my heart, Cesna."
"Huh? Cancer ba? May sakit ka sa puso?"
Nailayo ko ang telepono sa aking tenga dahil sa talas ng boses ni Cesna sa kabilang linya.
"No. It's just bigla-bigla na lang kasing lumalakas ang tibok ng puso ko. Minsan parang umaabot na nga siya sa lalamunan ko. Madali na rin akong mainis at magalit. Baka highblood na ako?" Saysay ko.
Namayani ang katahimikan sa amin ni Cesna. Napatingin ako sa aking telepono nang walang magsalita sa kabilang linya.
"Cesna? Are you there?"
"Hmm. Pero... ito bang biglang pagtibok ng puso mo, iyong paghuhurumentado nito ay dahil ba ito sa isang tao? Nararamdaman mo ba ito kapag nakikita o nasa paligid itong tao na ito?"
Nanlalaki ang mga mata.
"H-how did you know?"
"Tanga ka, Xavier. Akala ko ba nagka-girlfriend ka na? At ang dami mong binidahan na mga romances."
Napangiwi ako. Hindi ko nakukuha ang ibig nitong sabihin.
"Cesna,"
"Lumalakas ang tibok ng puso mo dahil gusto mo ang taong iyon, Xavier! Jusmeyo! Nakakaramdam ka ng inis at galit dahil sa selos. O baka dahil ayaw mo pang tanggapin iyang nararamdaman mo. Kumbaga nasa in denial stage ka pa."
Dahil sa tawag naming iyon ni Cesna, walang appointment sa doktor na mangyayari sa pag-uwi namin sa susunod na araw. Hindi ko pala kayang magbigay ng resulta kay Lolo Handro dahil nasa akin na ang sagot. Alam ko na ang resulta. Alam ko na kung bakit ako nagkakaganito kay Lawrence. All along, I like him. I fall in his little scheme and craziness.
Akala ko mababaliw na ako dahil naririnig ko na ang boses nito kahit nasa trabaho ako. Iyon pala... sinasakop na niya ako.
Iyong iritasyon ko nang makita ko ang kalmot ni Kyline kay Lawrence siguro doon may nararamdaman na ako sa kanya. Iyong matagal siyang umuwi sa bahay at nagalit ako, dahil pala iyon concern ako sa kanya at idagdag pa iyong suot niya.
I became possessive of him without knowing why. I acted like a possessive boyfriend. What a shame! Hindi ko kasi ito naramdaman kay Kyline noon. All of this is new to me, especially liking a gay guy. I didn't even know that I was capable of liking people of the same sex.
"Hoy!"
My heart leaps because Dessa slapped me on the back.
"What the hell, Dessa? What are you doing here?" Masungit kong tanong sa kanya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong bumalik na pala sa lawa si Lola.
Actually, we didn't invite her; she invited herself to join us. This shows how bold my friend is. Dessa's manner was the opposite of mine, yet our friendship still clicked unexpectedly.
"Grabe kinalimutan n'yo nga ako nu Lawrence sa disco tapos magsusungit ka pa sa akin ngayon?" aniya.
"Nagmamadali kami." Labas sa ilong kong sagot sa kanya.
"Artista ka na't lahat-lahat, Xavier pero hindi mo ako maloloko." Duda nito sa akin.
Pinaningkitan ko siya sa aking mata pero ngumisi lang siya sa akin na para bang may katawa-tawa.
"What's with that smile, Dessa?!" Banas kong tanong sa kaibigan.
Umusog siya papalapit sa akin at inilapit ang bibig sa tenga ko.
"Gusto mo si Lawrence, 'no?"
Nabilaukan ako sa kinakain kong na chips. Inabutan niya naman ako nung juice mula sa mesa.
"The heck!" Asik ko sa kanya matapos makainom.
"What?" Pagmaang maangan niya pa. "I'm just stating what I just noticed, my friend. Hehe! Possessive type ka pala, ha."
"Tsk!"
"Hindi ko alam kung papaano kayo ni Lawrence. Hindi ko alam kung papaano ka na fall sa kanya, eh, ang layo ni Lawrence sa... past ex mo." Pumait ang boses ni Dessa nang mabanggit ang ex. Pati itong si Dessa noon ay ayaw kay Kyline. Pinagseselosan kasi ni Kyline noon kahit na wala naman kaming ginagawa. Nagseselos si Kyline na may kaibigan akong babae. Hindi nga kami nag-uusap at nagkikita ng madalas ni Dessa. Napaka-unreasonable.
"I don't know either."
"Down bad?" Ngisi pa nito.
Nagkibit ako ng balikat. Ngayon ang alam ko, gusto ko si Lawrence. Gusto ko iyong sabihin sa kanya. Kaso puro siya kabaliwan.
"I don't know."
"Hihi! 'Di ba natuloy ang pagporma mo kay Lawrence kanina dahil dumating ako?"
Pumalik ang inis ko kay Dessa.
"Oo!"
Tinawanan niya lang ako. Ang sama talaga nito sa akin! Pinipikon akong lalo dahil sa nakaka-insulto niyang tawa!
"Boto ako sa'yo kay Lawrence, Xavier. Kahit ganyan 'yan si Lawrence, he is way- way better than Kyline." ani Dessa.
Mark Lawrence Pov
Malapit nang dumilim at nagsi-uwian na rin ang ibang mga naliligo sa lawa. Sa katunayan nga n'yan ay umuwi na rin sina Lola Marcila kasama si Lolo Handro at Zion, sumakay sila sa kotse ni Dessa dahil may dala pala itong kotse at marunong pala ang ateng ninyong magmaneho.
Akala ko madaldal na ako pero mas madaldal pala iyong si Ateng Dessa kaysa sa akin. Halos dumugo na ang tenga ko sa mga kwento niya tungkol sa childhood nila ni Xavier. Tingin ko nga pinapa-inggit niya ako. Mabuti na lang talaga at alam kong hindi ko siya karibal sa pusong ligaw ni Ultimate Crush.
"H-hindi pa ba tayo uuwi, honeysugarplum?" Kiming tanong ko kay Xavier.
Kapwa kasi kami nakalublob sa tubig, siya ay nakatayo lang at parang ang lalim ng iniisip. Ako naman ay napagod na rin kakalangoy rito sa mababang parte ng lawa. Nanginginig na sa lamig!
Kami na lang ni Xavier ang tao rito sa lawa. Syempre kanina hindi ako sumama sa kanila na umuwi kasi iniisip ko na mag-enjoy rito na walang Zion at Dessa na nakasunod sa akin na parang mga bibi na nakasunod sa nanay nila. Ngunit ngayon ay gusto ko nang umuwi, ubos na ang energy ko.
Walang reply sa akin si Xavier kaya tumayo na rin ako sa tabi niya. Ang tubig ay hanggang sa kilikili niya ngunit sa akin ay hanggang leeg ko na.
"Ang lamig!" ani ko. "Patabi, ha. Baka kasi may ahas dito sa lawa tapos tayo na lang dalawa ang nandito." Hagikhik ko.
"Kung takot ka, lumapit ka pa lalo sa akin." anito na siyang kina-baling ko sa kanya.
Nanlalaki ang mga mata ko. Akala ko babawiin niya rin ang sinabi ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
Napapikit ako nang muli kong maramdaman ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Alam kong pagod ako kaka-langoy pero hindi naman ganito ang epekto dapat. Bakit parang galing ako sa pakikipagpaligsahan kay Zion kung sino ang mas mabilis tumakbo sa aming dalawa?
Sa ilalim ng tubig ay napahawak ako sa aking damit.
'Kumalma ka!' bulyaw ko sa aking baliw na puso. Tinitigan ka lang ni Xavier ay nagkakaganyan ka na! Crush lang natin ito. Fan lang tayo. Huwag na tayong lumagpas pa sa linya!
Abala ako sa pagkutos sa sarili kong puso at sa nagtatalo kong utak nang bigla akong hatakin ni Ultimate Crush papalapit sa akin.
"Ay!" usal ko nang masapid ang paa ko sa ilalim ng tubig. Mabuti nga at nasalo ako ng dibdib ni Xavier. Nasa kalutangan moments pa kasi ako tapos nanghihila siya!
Itinulak ko ang katawan ko papalayo sa katawan ni Ultimate Crush at maglalagay na sana ako ng distansya nang bigla niyang kulungin ang katawan ko gamit ang kanyang malalaking braso! Ems!
Nasubsob ulit ang katawan ko sa kanya.
"H-honeysugarplum ko," garalgal ko at dumoble ang pagramble ng puso ko nang makita ko ang paghigpit ng panga niya!
Umiwas ako ng tingin dito.
Gumalaw ako ng konti at muntik nang lumuwa ang mga mata ko nang may kakaiba akong naramdaman sa ibaba. Parang may nabundol ang hita ko sa ibaba na matigas at malaki. Yawa! Ahas ba iyon?
Nang tingnan ko si Ultimate Crush ay napa nganga ako.
Hala, siya! Siya itong biglang nanghahatak pero siya ang galit?
"I thought you're feeling cold." Magaspang niyang wika.
"Huh?" sambit ko lang ng hindi pinag-iisipan ang sinasabi!
"I thought you're afraid of snakes." Tuloy niya.
"E-ehh..."
"Let hold you and let's stay like this para hindi ka lamigin at hindi ka na rin matakot sa ahas." Wika ni Xavier at mas idiniin pa ako sa kanyang katawan!
"X-Xavier..."
Hindi ko na kaya ito! Parang nilalandi na ako ni Xavier! Hindi siya ganito!
Tabang, Lord! Bakit ganito na si Ultimate Crush? May nakain ba siyang linta dito sa lawa at nagkakaganto siya?
"Hug me," aniya.
Malalim ang naging lunok ko at napa-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam ko na kasi ang panginginig pati ng mga mata ko dala ng kabog sa aking dibdib.
Dahil hindi ako yumakap sa kanya. Siya na itong kumuha sa kamay ko at iniyakap iyon sa katawan niya.
Tama siya! Ang init nga ng katawan niya! Ang sarap tuloy sa pakiramdam na yakap siya sa gitna ng malamig na lawa.
Unti-unti ay inilapit ko ang aking kabilang pisngi sa kanyang katawan at nararamdaman ko ang lakas ng tibok ng puso ni Ultimate Crush!
"H-honeysugarplum, p-parang galing ka rin sa takbo, 'no?" Hilaw pa akong ngumiti sa kanya.
"So you feel it too?"
Dinistansya ko ang aking mukha sa kanyang katawan. Wawers! Ang sarap na sana eh. Nakatsansing na sana ako sa aking ultimate crush!
"Huh? Iyon b-bang malakas mong hearbeat?"
"Hmm." Umangat ang isang sulok ng labi niya. Pa-pogi pa ito sa akin, eh. Porket alam niyang idol at crush ko siya!
"A-ako rin kasi ganyan."
"Pero hindi ako galing sa takbo. Hindi ako tumakbo pero ganyan ang tibok niya."
"Hehehe! SML, share mo lang, ultimate crush?" Tawa ko, kaso nanginginig ang boses!
"It beats fast," aniya.
"Alam k-ko, ultimate crush." Gusto ko mang sabayan iyon ng tawa kaso seryoso si Xavier, ayaw kong masuntukan niya kapag tinawanan ko pa siya.
"And I cannot control it." Nais kong iiwas ang tingin ko kay Xavier. Ayaw kong tumingin sa mga mata niya kasi mas lalo akong nababaliw, ang puso ko ay mas lalong nagwawala kaso parang may malaking magnet sa mga mata niya na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko kayang hatakin ang aking mga titig sa mata niya. "I want you to know, Lawrence, that my heart is exploding when I am near you. My heart rumbles for you, and this resonates with what I truly feel for you, Mark Lawrence."
Dumugo ang ilong ko sa sinabi niya.
"U-ultimate crush..."
"I like you, Lawrence, and I will court you regardless of your answer."
***
This story is already at chapter 25 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I'm only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top