CHAPTER 20
Chapter 20
Xavier Pov
"Lawrence!? Where the fuck are you?" Hindi ko mapigilang hindi samahan ng mura ang pagtawag ko sa pangalan niya dahil... dahil sa pag-aalala ko. Tang ina! Kapag talaga ako binibiro ng bubuyog na iyon. Lilipad siya ng Cebu ng wala sa oras. Wala na akong paki kung umiyak o magwala man si Z. Sinusubukan na ng Mami niya ang pasensya ko!
"X-Xavier Faleiro?"
My eyes snapped to the girl who called me. I wanted to smile at her. She might be a fan or maybe someone who knows me in the showbiz industry; however, I couldn't manage even the slightest smile.
"Yes?" My tone came out strict.
"Oh my gosh!"
"Sshh!" I hushed her before she made a scene
Masaya siyang ngumiti sa akin pero hindi ko iyon masusuklian ng ngiti. Lumilipad ang utak ko kay Lawrence kung nasaan man siya ngayon.
"P-pwedeng magpapicture?" It looks like she's a tourist dito sa probinsya. Nais kong hindian siya kaso handa na ang camera ng cellphone niya.
Tumango na lang ako at binagyan ito.
"I'll excuse myself, miss. May hinahanap pa ako."
"Hinahanap?"
Tumango ako.
"My... my personal maid. Hindi ko kasi siya makita."
Her eyebrows shut up. "Sino po? May picture kayo? Baka nakita ko po."
Wala akong larawan ni Lawrence pero naalala ko na may IG account pala ito. Akala ko fan account iyon, eh. Naghanap ako ng matinong larawan ni Lawrence sa kanyang IG at ipinakita sa babae.
"Ay, nakita ko po ito si Kuya na cute."
Gusto kong suwayin siya doon sa sinabi niyang Kuyang Cute si Lawrence. It doesn't sit me well. Nais ko na ngang hablutin ang telepono ko sa kanyang kamay.
"Saan, miss?" Mabilis kong tanong dito dahil madilim na.
"Parang may hinahahabol po, eh. Pumasok po siya doon sa maliit na eskena papunta sa mga burol." Tinuro niya ang direksyon ng maliit na eskena n kanyang tinutukoy.
"Thank you!" ani ko sa babae at mabilis na kinuha ng telepono ko sa kamay niya at sinundan ang tinuro niyang direksyon.
"Lawrence!?" Tawag ko at binuksan ang ilaw habang tinatahak ko ang maliit na daan. Madamo pa ito at walang mga bahay sa parteng ito.
I'm not even sure if the girl was telling me the truth, but as soon as I heard her say that she saw Lawrence, I didn't think twice about coming here just to look for him. Why am I so distressed and worried about him? Is it because his mother trusted me with his welfare, or is it something else I'm afraid to recognize— to acknowledge?
"Lawrence!" Muling tawag ko at nang lingunin ko ang aking nilakad. Masyado na akong nakalayo sa sentro kung saan iyon fiesta at madilim na talaga. Unlike, last night na may buwan, ngayon mga bituin lang at hindi iyon nakakatulong masyado dahil madilim. Umabot na ako sa parte ng lugar kung saan may roong mga punong kahoy.
Tumigil ako saglit at humingang malalim dahil kailangan kong habulin ang aking hininga at ikalma ang sarili. Masyadong magulo ang isip ko ngayon at idagdag pa ang malakas na hampas ng puso ko.
Ang mga tuyong dahon na naapakan ko ang naglilikha ng ingay nangg muli akong humakbang upang hanapin muli si Lawrence. Ngunit napatigil din ako nang may marinig akong mga hikbi.
Kumuyom ang mga kamay ko at pinakinggan kong mabuti ang mga hikbi. It sounds familiar.
"Lawrence?" Nag-e-echo sa loob ng kakahuyan ang boses ko.
"X-Xavier?"
Napahawak ako sa puso ko at nakahinga ng maluwag.
"Nasaan ka? I'm coming for you." saad ko at nagpa-ikot- ikot sa aking kinatatayuan.
Nang may marinig akong ingay ng mga tuyong dahon, itinutok ko doon ang flashlight ng aking telepono. Sa ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay naaninag ko si Lawrence.
Kaagad akong tumakbo tungo sa kanya at ginamit ko ang flashlight upang makita ko ang buong hitsura niya.
"W-what happened to you?" Garalgal ko at halos bulong na iyon habang nakatingin ako sa hitsura ni Lawrence. Marumi ang kanyang damit. Nagkagalos ang kanyang binti at mga braso. Ang paa niya ay nagkasugat-sugat. At namumugto ang mga mata na parang galing sa mahabang iyak.
"Xavier!" At ngumuwa ito na parang bata sa harap ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at saka ito niyakap. Mahigpit na yumakap ang kanyang braso sa katawan at muling umalingawngaw sa kagubatan ang kanyang maiingay na iyak.
Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan at marahan kong tinulak ang kanyang mukha sa dibdib ko upang doon siya umiyak.
"N-natatakot ako. Natatakot a-ako, Xavier!" Parang bata na sumbong niya sa akin.
Tumango ako at hinaplos ang likod niya.
"Shh! Shh! I'm here. Nandito na ako, Lawrence." Alo ko sa kanya. Wala akong ibang alam kung papaano ko siya patatahanin.
"Hinahabol nila ako. M-may humahabol sa akin kanina, Xavier. Hinahabol nila ako!" Iyak niya pa.
Tang ina! Sinong humahabol sa kanya?
I wrapped him even tighter in my arms, hoping it would soothe his fear.
"A-akala ko wala na sila... bakit sila bumalik? Bakit?" Unti-unti ay humina ang boses niya at mga hikbi niya na lang ang naririnig ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pamimigat ng kanyang katawan sa aking mga braso.
"L-Lawrence? Lawrence!" Malakas kong tawag rito pero bumigay na ang katawan nito sa aking mga kamay at nawalan ng malay.
Mark Lawrence Pov
Nagising ako na masakit ang katawan ko at parang may hapdi. Nagmulat ako sa aming mata at na-realized ko na kahit masakit ang katawan ko at mahapdi, hindi nabawasan ang pagka-precious ko. Charz! Kaya naman pahapdi kasi si Xavier na nasa tabi ko ginamot ang mga sugat ko.
Napabalikwas ako nang mapagtanto kong may mga sugat nga ako! Totoo ang mga sugat ko sa katawan! Hala! Ang skin ko! Napano ito? Saan ito galing?
"Lawrence,"
"A-anong nangyari? Bakit ako nagkasugat-sugat, honeysugarplum?" tanong ko kay Xavier at sinuri ang aking braso at binti na may sugat! Maabawasan na ba nito ang pagka-precious ko? Oh no!
Tiningnan ko si Xavier na parang senemento sa tabi ko. Bitbit niya ang isang ointment na ginamit sa paggamot ng sugat ko. Hindi siya nagsasalita.
"You... you don't remember?" Utal nitong wika.
"Huh? Ang alin?"
"Nawala ka kahapon. Nahanap kita sa gubat."
Napalunok ako roon sa sinabi ni Xavier. Pinasadahan ko muli ng tingin ang aking katawan na tinadtad ng sugat at galos. Nawala ako kahapon? Papaano? Saan ako nagpunta? Bakit... bakit wala akong maalala?
"Xavier..."
"Gamutin ko muna ang sugat mo." anito at kinuha ang kamay ko.
"Sorry."
Saglit itong natigil sa pagpahid nung ointment sa aking sugat. Napakislot pa ako kasi may hapdi iyon.
"Si Zion? Hinanap niya ako?"
"Nakatulog siya. Hindi ka pa niya nakikita simula nung inuwi ko kayo."
"Sorry." ani ko na naman.
"Nag-alala... sina Lola sa'yo."
"Sorry, Ultimate Crush. Dinala mo ako rito sa probinsya ninyo para mapag-leisure ka pero dahil sa akin mukhang na-stress ka yata lalo."
Kita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat.
"Don't think about it. Aalahanin mo kung bakit... kung bakit ka napadpad sa gubat."
"Sorry, pinag-alala kita."
Inangat nito ang tingin sa akin.
"Your mother trusts me, Lawrence. Papaano na lang kung hindi kita nakita? Papaano na lang kung mas malala pa rito ang nangyari sa'yo? Anong sasabihin ko sa mga Kuya mo? Sa mama mo?"
Natuptop ko ang bibig at yumuko. Kumalat ang init sa akong mga mata at hindi nagtagal ay nagsibagsalan na ang mga luha ko.
Ano ba ang gusto niyang sabihin ko? Wala nga akong maalala! Nagulat nga ako pagkagising ko na ganito na ang katawan ko! Hindi ko alam kung papaano ako nakarating sa sinasabi niyang gubat. Ang naalala ko hinanap ko si Lola Marcila. Iyon lang tapos no'n... wala na akong maalala pa.
"H-hindi na mauulit,"
"Talagang hindi na mauulit! Tang ina!" saad nito at matapos akong gamutin at pumasok siya sa banyo.
Guilty'ng-guilty ako. Ano ba kasi ang nangyari?
Tumayo ako at pumunta sa bag ko upang kunin ang aking vitamins kaso dalawang piraso na lang iyon. Hindi pa ako nakabili no'n kasi si Kuya Camelot naman ang laging pinabibili no'n ni Mama Aubrey, eh. Magtatanong na lang siguro ako nito sa tindahan, sa pharmacy kung meron no'n dito.
Bumaba ako at naabutan ko sina Lola Marcila at Lolo Handro sa hapag. Mukhang kakatapos lang nilang kumain.
"Mami!" Sinugod ako ni bibi Zion ng yakap at kahit na mahapdi iyong mga sugat ko, ininda ko iyon para sa bata.
"Good morning, dong." Sinuklay ko ang buhok ni Zion. Tingnan ko sina Lola Marcila at Lolo Handro na magkatabi. "Magandang umaga po, lola, lolo."
Nangingiyak na lumapit sa akin si Lola Marcila at nakiyakap na rin, feeling close kasi itong si Lola Marcila.
"Pinag-alala mo ako. Galit na galit si Xavier kagabi sa pagkawala mo. Nag-alala sita mg sobra sa'yo, apo." sumbong ni Lola. Wala tayong magagawa kung galit man iyon, la. Nature na niya iyon. Char! Kasalanan ko rin naman siguro kung bakit galit si Xavier. Ikaw ba naman biglang mawala iyong kasama mo.
"Sorry, la." saad ko kay Lola.
"Ano ba talaga ang nangyari, apo?" May pag-aalalang tanong ni Lola kaso wala rin naman akong masagot sa kanya. Pareho lang sila ni Xavier na gustong malaman ang totoong nangyari, kung bakit ako nawala pero maski ako ay hindi ko alam.
Sa huli ay hindi ko nasagot si Lola. Kumain ako ng breakfast at sinamahan ako ni bibi Zion. Nauna na akong kumain kay Xavier kasi mukhang galit pa rin ang tao sa akin. Cool off muna ako sa landi sa kanya. Hindi ko muna siya lalandian.
"Mami, what happened po rito sa mga sagot mo? Bakit po ikaw nagkasugat ng marami?" Kuryosong tanong ni bibi Zion habang tinitingnan ang aking mga galos.
"Heheh! N-nagslide slide kasi ako sa rainbow, dong." Ngusong sagot ko kay Zion.
Nangunot ang noo ni bibi Zion sa sagot ko. "Mami?"
"Hindi alam ni Mami, dong." Ginulo ko anag buhok niya. "Ang importante gumaling ito kasi mababawasan ang prettyness ni Mami."
Tumango si Zion.
Dumating si Xavier sa dining table. Nginitian ko ang lalaki kaso hindi siya nagsmile back. Mukhang may galit pa rin siya dahil sa pagkawala ko.
"Maghanda kayo—"
"Aalis na tayo, honeysugarplum ko? Uuwi na tayo ng syudad?"
Tinaasan niya lang ako sa isang kilay niya. Ang sungit-sungit talaga! Tuwaran ko kaya ito? Charz! Hindi ko pa kayang ipakita sa kanya ang mga acrobatics moves ko sensitive kasi siya. Pakitaan ko nga siya ng katawan ko, natakot na siya. Hayts!
"No. May magandang ligoan na lawa rito. Pupunta tayo roon."
Napa-yes ako.
"Talaga?! Pwedeng magdala ng swimsuits?" Excited kong wika. Sayang kasi iyong mga nakaimbak kong swimsuits kung hindi ko magamit, di ba?
"Swim... what?!" Tumaas ang boses nito at nagdugtong ang kilay.
"Swimsuit ba. Iyong sinusuot panligo." Paliwanag ko na para bang bata itong kausap ko.
"That is a no! Mag-tshirt ka, shorts, ganon! Walang swimsuits for you, Mark Lawrence." Finality nitong wika at umalis. Hayts!
_ _ _
Hawak ang kamay ni bibi Zion, pareho kaming napatalon nang makita ang malinis at kulay asul na tubig ng lawa! Napapaligiran ito ng mga punong kahoy at patuloy ang daloy ng tubig sa isang direksyon. May ibang tao rin maliban sa amin at parang magb-barkada sila.
Nakashorts ako na kulay itim at puting tshirt na may naka-print na isang anime character. Naka-crocs din ako at nakasuot ng cap. Pareho kami ng outfit ni bibi Zion. Si Xavier naman sa tabi ko ay trunk shorts, polo shirts, at may shades pa at bitbit ng isang kamay niya ang isang duffel bag na ang mga laman ay mga gamit namin.
Sina Lolo Handro naman ay nauna sa amin para maglatag ng aming pagkain. May mga cottage rin kasi sa tabi ng lawa. Mukhang may mga dumadayo rin talaga rito.
Masakit man sa aking dibdib pero hindi talaga ako nakapag-swimsuit. Ayaw kasi ni Xavier dahil may talahib daw papunta rito kaso wala naman pala.
"Sayang hindi ako nakapagswimsuit." Usal ko at lumusong sa tubig. Ang lamig! Mabuti hindi siya mahapdi sa mga galos ko at sugat.
Iniwan ko naman si Bibi Zion kasama sina Lola at Lolo Handro doon sa mababaw na parte.
Medyo malalim itong kinaroroon ko pero syempre abot pa rin ng paa ko ang lalim. Mahirap na hindi pa naman ako sirena.
"Ahh!" Gulat kong sambit nang may umahon sa likod ko.
Nang harapin ko ito, natagpuan ko si Xavier na nakangisi sa akin. Topless siya at tumutulo ang tubig sa kanyang maganda at makinis na katawan.
"Bakit ka nanggugulat?!" Hawak sa dibdib kong untag.
Tumawa siya. "I didn't mean to."
"Tse! Dahil sa'yo hindi ko nakapagswimsuit!" Himutok ko bigla.
Ngumisi lang ito na mukhang satisfied sa aking hinanakit.
"Maganda iyang suot mo. Mas bagay sa'yo ang ganito kaysa sa swimsuit-swimsuit mo."
"Hmp! Gusto ko kayang irampa ang resulta ng skin care ko! Gusto ko ring ipakita ang makinis kong skin, 'no!" Kahit may mantsa na ng mga galos.
"What!?"
"Hayts! Hindi mo ito maiintindihan, Xavier kasi lalaki ka."
Nangunot ang noo niya. Hayts! Anak nga niya talaga si bibi Zion.
Napalunok ako nang humakbang ito papalapit sa akin. Nakakaasiwa naman itong closeness namin. Parang nati-tempt ako hawakan ang kanyang abs, ang kanyang mga muscles.
"How's your wound? Hindi ba humahapdi?" tanong nito at kinuha ang isang braso ko at saka sinuri.
"Xavier,"
"Lagyan natin ito ng ointment mamaya, para hindi magkaroon ng piklat."
Tumambol ang dibdib ko. Hala! Highblood pa ba ito?
"S-syempre naman, 'no!" anas ko.
"Lawrence..."
"Huh?"
"I like—"
"Lawrence?!" sigaw ng isang boses babae.
Kapwa kami napatingin ni Xavier doon. Si Dessa pala na nakastrapless bra at maong shorts.
"Dessa!" Kaway ko pa rito.
"Dammit!" si Xavier naman.
***
This story is already at chapter 23 on Amore VIP Group. Subscription starts at 50php per month and 35php for student. Message me on FB: Amore Contaleone for inquiries! :)) Note: I'm only accepting new VIP members every first week of the month! Thank you:))
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top